Aralin 1SCRIPT

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Aralin 1: Katangian at Kalikasan ng Teksto

 Kumuha ka na ba ng recipe sa internet para magluto ng bagong ulam?


 Sinunod mo ba ang bawat prosesong sinabi?
 Naging matagumpay ba ang kinalabasan?

Ang pagsunod sa recipe ay isang halimbawa ng Tekstong Prosidyural.


 Teksto na nakatutulong sa pang-araw-araw nating pamumuhay sa pamamagitan ng
pagbibigay ng wastong gabay sa isang gawain.

Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng proseso o pamamaraan upang maisagawa,


matapos, o makamit ang isang inaasahang bagay, gawain, o pangyayari. Ang bagay o
pangyayaring ito ang itinuturing na kalalabasan ng proseso.

* KALALABASAN NG PROSESO*
Unang hakbang - ikalawang hakbang - ikatlong hakbang

Mga Halimbawa ng Tekstong Prosidyural


May iba’t ibang uri ng tekstong prosidyural batay sa inaasahang kalalabasan ng gawain.
Narito ang ilan:

Halimbawa Katangian

Recipe Nagipapaliwanag ng mga hakbang sa pagluluto o paghahanda ng


pagkain

User manual o Nagsasaad ng pagbuo o pag-assemble ng isang gamit


guide
Tour itinerary Nagbibigay ng direksiyon papunta sa isang lugar
Instruction Nagbibigay ng panuto sa paglikha ng isang e-mail o social media
account

Mga Bahagi ng Tekstong Prosidyural


May apat na bahagi ang isang tekstong prosidyural:
1. Pamagat - Ang pamagat ay ang kalalabasan ng proseso

2. Mga sangkap o kagamitan - Ay listahan ng mga kakailanganin para sa gagawing proseso.


Nakatutulong ito para maihanda ang lahat ng sangkap bago pa simulan ang gawain.
3. Sunod-sunod na hakbang sa paggawa - Ito ang kailangang sundin upang makamit ang
inaasahang kalalabasan ng proseso. Mahalaga na klarado at tama ang pagkakasunod-sunod
nito.

4. Konklusyon o inaasahang kalalabasan - Ito ay ang inaasahang kalalabasan ng


ginawang proseso.

You might also like