Tejeros Convention

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Katipunan

Kumbensyon Tejeros/Tejeros Convention

Noong 22 Marso 1897, nagkaroon ng pagpupulong sa Tejeros, isang baryo sa San Francisco de
Malabon, Cavite, ang dalawang paksiyon ng Katipunan sa lalawigan—ang Magdíwang na
pinamumunuan ni Mariano Alvarez, tiyuhin ni Andres Bonifacio, at ang Magdaló na pinan-
gungunahan ni Baldomero Aguinaldo, pinsan Heneral Emilio Aguinaldo. Ito ang tinatawag
ngayong Kumben siyóng Tejéros (Te·hé·ros). Layunin ng kumbensiyong ito na bumuo ng mga
plano at pagkilos upang palakasin ang depensa sa Cavite. Gayunman, sa halip na talakayin ang
nasabing dahilan ng pagpupulong, nagdesisyon ang mga lider ng Katipunan sa naturang
probinsiya na magtatag ng bagong rebolusyonaryong gobyerno kapalit ng Katipunan at
maghalal ng mga opisyal para dito.

Tinutulan ni Bonifacio ang inisyatibang ito at ipinuntong may konstitusyon at gobyernong


kasalukuyang umiiral—ito ay ang Katipunan. Gayunman, nanaig ang kagustuhan ng mga
Kabitenyong Magdalo. Bagama’t atubili, pinanguluhan ni Bonifacio ang eleksiyon sa garantiyang
igagalang ng nakararami kung anuman ang maging resulta nitó. Sa halalang ito lumabas sina
Emilio Aguinaldo bilang presidente; Mariano Trias, bise-presidente; Artemio Ricarte, kapitan-
heneral; Emiliano Riego de Dios, direktor ng digma; at si Andres Bonifacio, bilang direktor ng
interyor. Gaya ng pambabalewala sa orihinal na adyenda ng kumbensiyon, ang pagkakahalal
kay Bonifacio ay inusisa ni Daniel Tirona at sinabing tanging may pinag-aralan lámang ang
maaaring mag-okupa sa nasabing posisyon. Bunga ng pambabastos na ito, idineklara ni
Bonifacio bilang tagapangulo ng pagpupulong at supremo ng Katipunan na walang bisà ang
nasabing halalan.

Gayunman, buo na ang loob ng mga Kabitenyong Magdalo at itinuloy ang pagpapairal sa
halalan sa Tejeros. Mabilisang pinanumpa si Aguinaldo bilang bagong pinunò. Pagkaraan,
itinuring na hadlang si Bonifacio sa bagong gobyernong rebolusyonaryo kayâ ipinadakip bago
makalabas ng Cavite, nilitis, at hinatulan ng kamatayan. (LN)

Cite this article as: Kumbensiyong Tejeros. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1).
Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved
from https://philippineculturaleducation.com.ph/kumbensiyong-tejeros/

You might also like