Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Paaralan F. G. Calderon E.S.

Baitang Kindergarten
Classroom
Observation I Guro Niecy Rose N. Delamines Asignatura Filipino
Petsa Pebrero 21, 2023 Markahan Ikatlong
Banghay Aralin sa Markahan
Filipino
Oras 10:30 a.m.-11:0 0 am

KASANAYAN:
Natutukoy ang iba’t ibang lugar sa komunidad (KMKPKom-00-3)

I. LAYUNIN:
Inaasahan na sa 30 minutong talakayan ang mga mag-aaral ay:
a. Matutukoy ang iba’t ibang lugar sa komunidad;
b. Makapagbibigay ng iba’t ibang lugar sa komunidad;
c. Maipapahayag ang tamang pangangalaga sa iba’t ibang lugar sa komunidad.

II. NILALAMAN:
A. PAKSA: Mga Lugar sa Komunidad
B. SANGGUNIAN: Self-Learning Module sa Kindergarten, Kwarter 3- Ikalawang Linggo, google
images at Youtube
https://www.youtube.com/watch?v=HK6C-n-2ESQ
KARAGDAGANG KAGAMITAN: Powerpoint Presentation, Tarpapel,Pictures

C. INTEGRASYON: Edukasyon sa Pagpapakatao at Araling Panlipunan


D. PAGPAPAHALAGA: Pagngangalaga sa bawat lugar sa ating komunidad.
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Routines:
 Panalangin
 Attendance
 Pamantayan sa pakikinig
1. Maupo nang maayos
2. Tumingin sa nagsasalita
3. Gamitin ang tainga sa pakikinig
4. Sumali sa talakayan
2. Balik-tanaw
Pagpapakita ng iba’t ibang larawan. Tutukuyin ng mga mag-aaral kung sino ang nasa larawan na
tumutulong sa komunidad.

guro Pulis bumbero Doktor at Nars


tindera pari

3. Pagganyak
Ipapakikilala ng guro ang kanyang kaibigan na si “Dora: Ang Manlalakbay”. Ipakikita ang mapa
ni Dora kasama ang iba’t ibang taong makikita sa komunidad. Kukumpletuhin ng klase ang mapa sa
pamamagitan ng paglalagay ng larawan ng wastong lugar sa pamayanan.

B. Pagmomodelo
Pag-awit ng “Ako, Ikaw, Tayo’y Isang Komunidad” by Pinoy BK Channel

Gabay na Tanong:

1. Ano-ano ang lugar sa ating komunidad?


2. Bakit kailangan nating malaman ang iba’t-ibang lugar sa ating komunidad?
Pagpapahalaga: 3.Paano natin mapapanatili ang kalinisan ng isang lugar?

C. Paglalahat:

Mayroong iba’t ibang lugar sa komunidad na ating pinupuntahan. Ito ay ang paaralan,
ospital, simbahan, barangay hall, palengke, istasyon ng pulis, istasyon ng bumbero at iba pa. Ang
mga lugar na ito ay tumutulong sa atin upang matugunan ang ating mga pangangailangan. Sa mga
lugar din makikita ang mga taong tumutulong sa komunidad.

D. Pagsasanay:
Panuto: Tignan ang larawan. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Gusto mong kumain ng paborito mong gulay at prutas, saan pupunta para bumili nito?

2. Isang araw sumakit ang iyong tiyan, saan ka pupunta para magpagamot?

3. Ang isang batang katulad mo ay kailangang matutong magsulat, magbasa at magbilang, ano
ang tawag sa lugar kung saan nag-aaral ang mga bata para matuto?

4. Nabalitaan mo na ang inyong kabit-bahay ay nanakawan. Saan siya dapat pumunta para
makihingi ng tulong at mahuli ang magnanakaw?

5. Kapag nagkaroon ng sunog sa ating lugar, saan tayo humihingi ng tulong?

E. Pagtataya:
Panuto: Lagyan ng ( tsek) kung ang tao sa larawan ay makikita sa katabing larawan ng lugar

(ekis) naman kung hindi.

F. Takdang-Aralin:
Panuto: Idikit sa notebook No. 3 ang larawan ng iyong paboritong lugar sa komunidad na
laging mong pinupuntahan kasama ang iyong pamilya.

Ipinasa ni:

NIECY ROSE N. DELAMINES, T-1


Gurong Tagapayo

Pinatnubayan ni:

ROBERT R. NATIVIDAD, MT -I
Dalubgurong Tagapatnubay

Binigyang Pansin ni:

MYRA M. MYLON, MT -I
Dalubguro sa Filipino

Pinagtibay ni:

JOHN FRANCIS S. TIAMZON


Punong-Guro III

DR. LORNA V. CANDELARIO


PSDS

You might also like