Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

"Isang Libo't Isang Gabi"

Noong unang panahon, may isang babaeng mangangalakal na nakipag-isang


dibdib sa isang manlalakbay. Dahil dito,palagi siyang naiiwan ng kaniyang
asawa. Makalipas angmatagal na 'di pag-uwi nito, siya ay nalungkot at umibig
ng lalaking mas bata sa kaniya. Isang araw,isang lalaki ang nag reklamo laban
sa kanyang minamahal, at siya'y ipinakulong.Maya-maya paay pumunta siya
sa hepe ng pulisya at nagmamakaawa na pakawalan ang lalaki. Narinig siya
ng isang pulis at napaibig sa kaniya nang siya'y makita. Sinabihan siya ng pulis
na kaya niyang palayain ang lalaki, kung susundin niya ang gusto niyang gawin
sa kaniya.Pagkataposnito, lumapit pa siya sa tatlong lalaki, sa cadi, sa vizier,
at sa hari.Samantala, lahat ng lalaking ito ay hinihinging kapalit ang katawan
ng babae. Kaya naman may planong nagawa ang babae. Pumayag siya sa
hinihiling ng mga lalaki at pinapunta sila sa kanyang bahay sa pare-parehong
araw at oras.Sumunoday pumunta naman siya sa karpintero upang
magpagawa ng isang malaking kabinet. Nagpalagay siya ng apat na
compartment na may pintuan, isa para sa bawat lalaki. Pumayag ang
karpintero, ngunit katulad ng apat na lalaki, hiningi niyang kapalit ang katawan
ng babae. Pumayag ang babae sa kanyang hiling pero pinagawa na niyang
lima ang compartment ng kabinet. Pinapunta niya ang karpintero sa kanyang
bahay sa parehong araw at oras na binigay niya sa apat na lalaki. Nang siya'y
makauwi, naghanda siya ng mga damit, pagkain, inumin, prutas, bulaklak at
pabango. Dumating na ang araw na napagkasunduan, at naghihintay ang
babae sa kanyang bahay sa pagdating ng mga lalaki.Hindi nagtagal, una nang
dumating si cadi. Pinasuot muna siya ng roba at bonnet ng babae, nang
biglang may kumatok. Nagtanong ang lalaki kung sino iyon at sinabi ng
babaeng asawa niya ito, kaya naman siya ay pinatago sa loob ng kabinet at
sinaraduhan ng pinto. Tinignan ng babae kung sino ang kumatok at nakita niya
ang pulis. Pinapasok niya ito at pinasuot din ng roba at bonnet. Alinsunod sa
kanilang pinag usapan, pinagawa muna niya ng kasulatan ng pagpapalaya ang
pulis para sa kanyang iniibig na lalaki. Pagkatapos nito ay may kumatok na
naman sa pintuan. Pinatago niya ang pulis sa pangalawang compartment at
sinaraduhan. Ganito rin ang ginawa niya noong dumating ang vizier at ang
hari. Huli nang dumating ang karpintero. Pagpasok nito, tinanong siya ng
babae kung bakit makipot ang loob ng kabinet. Pinapasok niya ang karpintero
upang ipakita ang kaniyang sinasabe. Nang pumasok ang karpintero,
sinaraduhan niya ito. Nang bandang huli,agaran naman pumunta sa hepe ng
pulisya ang babae para palayain ang lalaking iniibig niya. Sa wakas, napalaya
na ng babae ang iniibig na lalaki. Sila'y nagpasiyang lumayo sa syudad upang
makaiwas sa mga suliranin. Samantala, nanatili sa kabinet ang mga lalaki ng
tatlong araw hanggang sa sila'y matagpuan ng ilang tao sa bahay ng babae.

You might also like