Professional Documents
Culture Documents
Kabanata-19 (Ang Mitsa)
Kabanata-19 (Ang Mitsa)
Kabanata-19 (Ang Mitsa)
Lumayas sa klase sa pisika si Placido Penitente. Hindi na siya akma sa kanyang pangalan.
Galit na galit siya. Walang makapipigil sa kanya kundi ang mapatay o makapatay. Nais
niyang gumawa ng isang libong paghihiganti. Parang may bumubulong sa kanyang: "Placido
Penitente, ipakita mong anak ka ng lalawigang matapang at maginoo. Batangueño ka, na ang
paglait ay hinuhugasan ng dugo." Inisip niyang sulatan agad ang kanyang ina upang ipaalam
ang nangyari sa kanya. Inakala na ni Placidong wala na siyang pagkakataong mag-aral. Hindi
inaasahan ni Placido na madaratnan niya sa bahay na kanyang tinutuluyan ang kanyang inang
si Kabesang Andang. Kararating lamang nito mula sa Batangas. Isinalaysay ni Placido ang
nangyari at di na siya mag-aaral. Naghinagpis ang ina. Nakiusap sa anak at iminungkahing
magtiis. "Nasa prayle ang lahat... kung hindi nila ibig, walang magiging abogado ni doktor...
Magpasensiya ka, anak..." wika ng ina. nagbuntong- hininga dulot ng sobrang kalungkutan.
Nagpaalam si Placido sa ina. Gumala ito sa iba't ibang lugar at nagpalipas ng init ng ulo. At
nang makaramdam ng gutom, umuwi. Inakalang wala na sa bahay ang ina ngunit nagkamali
siya. Naroon pa ang kanyang ina, naghihintay. Ipinakiusap daw ni Kabesang Andang sa
prokurador ng Agustino na ayusin suliranin ni Placido. Tumanggi si Placido at nagbantang
magtutulisan muna bago bumalik sa unibersidad. Muli siyang nasermunan ng ina. Di na
kumain muna, muling umalis ang binata. Nagtungo sa daungan ng mga bapor. Inisip niyang
magtungo sa Hong Kong, magpayaman, at kalabanin ang mga prayle. "Ibig kong lumaya,
mabuhay nang malaya!" wika ni Placido sa kanyang sarili. Inabot na siya ng pag-iikot
hanggang sa mapunta siya sa perya. Dito niya nakita si Simoun. Dahil sa pagnanasang
makawala sa kanyang kinasapitang sitwasyon, sinabi niya rito ang nangyari sa kanya at ang
hangad niyang magtungo sa Hong Kong. Nanghingi siya ng tulong sa makapangyarihang
mag-aalahas. Isinama naman ni Simoun si Placido sa kanyang sasakyan. Makalipas ang ilang
sandali ng pagtakbo ng kanyang karuwahe ay ipinatigil ni Simoun ang sasakyan. Naglakad na
sina Simoun at Placido. Nakita at nainggit si Placido nang makita niya sina Isagani at Paulita
na namamasyal. Nainis naman si Simoun sa nakita. Aniya: "Sa ganyan lamang
mapakikinabangan." Nagpatuloy ng paglalakad sina Simoun at Placido hanggang makarating
sila sa isang bahay na pagawaan ng pulbura, na pinamamahalaan ng dating guro sa San
Diego. Hiniling ni Simoun na makipagkita ang guro sa tenyente at kabo ng mga militar,
gayundin kay Kabesang Tales. Sa pag-aalangan sa mga mangyayari, di na naiwasan ng guro
na magtanong sa di nila kahandaan. Ani Simoun: "Sapat na sina Kabesang Tales, ang mga
naging kabinero at isang rehimiyento ng mga kawal. Kung ipagpapaliban ay baka patay na si
Maria Clara." Sumunod na ang dating guro. Matagal pang nag-usap si Simoun at si Placido
bago umuwi ang binata sa kanyang inuupahan. Nang maiwang mag-isa si Simoun ay sinurot
siya ng kanyang budhi dahil natanto niyang bahagi siya ng kabulukang nais niyang alisin.
Waring nakita niya ang tumututol na anyo ng kanyang ama at ng kay Elias. Ngunit naging
matatag ang kanyang paninindigan. "Kung ako'y tumulad sa inyo ay patay na ako," aniya.
"Gumawa ako ng masama upang mabigyang daan ang mabuti."
Kabanata 19 ANG MITSA (BUOD)
Umalis ng unibersidad ang galit na galit na si Placido. Nais niyang ipakita na siya ay taga-
Batangas at dapat na hugasan ng dugo ang paglait sa kanyang pagkatao. Pinag-iisipan niyang
gawan ng masama ang lahat ng nakikita niya sa daan. Nang dumating siya sa kaniyang
tinutuluyan, naabutan niya ang kaniyang inang si Kabesang Andang na kaluluwas lamang
mula sa kanilang lalawigan. Pinakikiusapan siya ng kanyang ina na bumalik sa pag-aaral at
isaalang-alang ang kanilang mga sakripisyo para lamang siya makapag-aral. Aniya, mas
nanaisin pa niyang tumalon sa ilog kaysa bumalik sa pag-aaral. Umalis siya sa kaniyang
tinutuluyan, naglibot, at humantong sa perya, doon niya nakita at nakausap si Simoun.
Nagpatulong siya rito kung paano makapupunta sa Hongkong upang makapagpayaman at
makapaghiganti sa mga prayle. Isinama siya ni Simoun sa kaniyang karwahe at nagtungo sila
sa bahay ng dating maestro na ngayon ay nagsilbing tagagawa ng pulbura. Pinag-usapan nila
ang kahandaan ng kilusan sa pinaplanong paglusob. Sinabi ni Simoun ang kaniyang mga
plano kay Placido at ang hudyat na unang putok ng kanyon. Umalis si Placido na sigurado na
sa kaniyang pagsali sa rebolusyong matagal nang binalak ni Simoun.
Placido Penitente
Isa sa mga talinhaga sa akda ang pangalan ng magaaral na dinusta ang pagkatao ng kanilang
gurong prayle. Nangangahulugan ang „placido‟ ng pagiging payapa, samantalang
nangangahulugan naman ang „penitente‟ ng penitensiya o pagsisisi sa pamamagitan ng
pananakit sa sarili. Samakatuwid, kung pagsasamahin, ang kahulugan ng pangalan ng
tauhang si Placido Penitente ay isang payapang penitensiya. Isa itong kahulugang malapit sa
kanyang katauhan sa nobela, ang mag-aaral na tahimik at payapang nagtitiis sa pang-
aalipusta sa kanyang pagkatao hanggang sa napuno na siya ng galit sa mga tao sa kanyang
paligid.
Halimbawa:
Tila Placido Penitente ang batang iyan. Tatahi-tahimik ngunit mayroon na
palang planong hindi maganda sa mga nang-api sa kanya.
Mitsa
Tinutukoy ang tauhang si Placido Pinetente bilang “mitsa” sa ikalabinsiyam na kabanata.
Ipinakita rito ni Rizal ang paghahambing sa mitsa at sa mga pangyayari sa buhay mag-aaral
ni Placido na naging dahilan ng kanyang tuluyang pagsali sa rebolusyon. Gayundin, ipinakita
rito ang paghahandang ginagawa ni Simoun upang pasimulan ang pagpapasiklab ng
rebolusyon.
Kailangan na lamang sindihan ang “mitsa” ng mga pulbura na maghuhudyat ng kaguluhan at
simula ng himagsikang kanyang ganti sa lahat ng pang-aalipusta sa kanya at sa kanyang mga
kasama sa rebolusyon.
Halimbawa:
Ang pagmamalupit ng mga Kastila ang
naging mitsa ng rebolusyon ng mga Pilipino.
Isyung panlipunan
MGA TALASALITAAN
• karabinero - isang kawal na armado ng karabin.
•Procurador -pinuno ng isang relihiyosong korporasyon
•Platero - tagapanday ng pilak.
•Kastilyero- tagagawa ng mga paputok.
Nang makarating sa bahay ay di niya inakalang madaratnan doon ang kanyang ina na si
Kabesang Andang. Napansin ng ina nito ang galit sa mga mata ni Placido kaya ito nag-usisa.
Ipinagtapat ni Placido ang nangyari.
Nalungkot naman ang kaniyang ina dahil hindi nito natupad ang pangako sa asawa na
pagtatapusin ng pag-aaral ang kanilang anak. Nagpatuloy sa pangangaral ang ina kaya
napilitang umalis sa bahay si Placido. Nagpalaboy-laboy ito sa lansangan ngunit umuwi din
nang makaramdam ng gutom.
Sa pag-uwi ay naroroon parin ang ina nito. Muling pinangaralan ng ina si Placido kung kaya’t
muli itong lumabas at nagtungo sa daungan. Doon ay nag-intay siya ng kaibigang mandaragat
ngunit nabigo ito.
Sa halip ay nakarating ito sa perya. Nakita niya doon si Simoun na nagsama sa kaniya sa mga
pook na hindi niya inaasahang mararating ng mayamang mag-aalahas. Hatinggabi na ng
makauwi si Placido galing sa bahay ng mag-aalahas.
Samantala, naiwang nag-iisip si Simoun. Naisip niyang bahagi siya ng kasamaang nais
niyang puksain. Muli niyang naalala ang mukha ng kaniyang ama at ni Elias, na kapwa
namatay dahil sa paggawa ng mabuti. Kinabukasan ay masayang pinapakinggan ni Placido
ang pangangaral ng ina.
Talasalitaan:
Poot – galit
Liham – sulat
Kabesa – pinuno, kapitan
Nag-usisa – pagtatanong
Lansangan – kalye, kalsada
Daungan – pantalan o tigilan ng barko
Puksain – alisin
SIMBOLISMO
"Ang Mitsa" ipinakita dito ang kawalan ng mitsa upang maumpisahan na ni Simoun ang
kanyang planong paghihimagsik.
Tulad ng isang bomba, ang paghihiganti at paghihimagsik ni Simoun ay maaari ng sumabog
na ang tanging kulang na lamang ay ang mitsa. Ang mitsa ng paghihimagsik na ito ay ang
magbibigay kay Simoun ng hudyat na maaari na niyang isakatuparan ang kanyang mga
plano.
Sa kabanatang ito ay ginamit ni Dr. Rizal ang sitwasyon at sentimyento ni Placido Penitente
upang ipakita kung paanong ang kanyang galit at sama ng loob sa kanyang mga guro ay
maaaring magtulak sa kanya na gumawa ng mga bagay na maaring ikagalit nila sa kanya.
Maari siyang maghimagsik at hindi na muling bumalik pa sa pag-aaral. Katunayan, maraming
pagkakataon sa kabanata na ninais ni Placido na pakawalan ang galit na nararamdaman niya
at maghiganti. Nais niyang ipakita na siya ay maginoo at matapang tulad ng pagkakakilala sa
kanilang mga Batangueño.
Sa kabila nito, nagawa pa rin niyang pigilan ang sarili sapagkat nakita niya ang ina na labis
ang pag-aalala para sa kanya. Dahil sa ayaw niyang madamay ang ina sa kanyang mga balak
na paghihiganti, sinikap niyang ipakita sa ina na siya ay mabuti at hindi na nito kailangan
pang mag-alala sa kanya. Pinauwi niya ang ina sa Batangas at naisip niya na sa oras na
maisagawa ni Simoun ang paghihimagsik ay makakaganti na rin siya sa mga taong
umalipusta sa kanyang pagkatao kaya't pinili na lamang niyang manahimik na tila walang
galit ang puso niya.