Republic of The Philippines Department of Education Region IV-A Schools Division of Quezon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON
BINAHAAN INTEGRATED SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN 7
4th QUARTERLY SUMMATIVE EXAMINATION

Pangalan: Iskor:
Section: Petsa:

I.MARAMIHANG PAMILIAN
Panuto: Basahin ng mabuti ang pahayag. Isulat sa patlang ang wastong letra na tinutukoy ng bawat pahayag.

____1.Ang prinsipyong pang-ekonomiya sa Europe na nagsasaad na kung may maraming ginto at pilak, may pagkakataon na maging
mayaman at makapangyarihan ang isang bansa. Ang paniniwalang ito ay nakapaloob sa________________.
a. kolonyalismo b. imperyalismo c. merkantilismo d. patriotism
____2.Ang paglaya ng maramimg bansa sa Asya, ang isa sa pinakanakatulong upang makamit ang paglaya ay angpagkakaroon ng
pambansang kamalayan kagaya nang pagtatanggol sa bayan, paghahandog ng sarili para sabayan, at pag-iisip kung ano ang ikakabu
ng sambayanan. Ang konseptong tinutukoy ay:
a. kolonyalismo b. imperyalismo c. merkantilismo d. nasyonalismo
___3.Maraming bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya ang nasakop ng mga Europeo. Sa anong bansa ipinatupad ang sistema
ng Sphere of Influence?
a. China b. Japan c. Korea d. Thailand
___4.Nabuo ang nasyonalismo sa Asya bilang reaksiyon ng mga Asyano sa kolonyalismo at imperyalismongkanluranin. May mga
gumamit ngcivil disobedience, rebolusyon, pagyakap sa ideolohiya, pagtanggap sa mgapagbabagong dala ng mga dayuhan, at
pagtatag ng mga makabayang samahan upang ipakita ang damdamingnasyonalismo. Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita ang
pagmamahal sa bayan sa kasalukuyang panahon?
a. Magmamasid sa mga pangyayaring nagaganap sa bansa
b. Makikiisa sa mga samahan na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan
c. Mag-aaral nang mabuti upang hindi maging pabigat sa lipunang kinabibilangan
d. d.Magiging mabuting ng mag-aaral at makilahok sa mga gawaing pangkomunidan
___5.Mahigpit na pinagtatalunan ng bansang China at Pilipinas ang mga isla ng Spratly na tinatawag din ng mgaPilipino na Kalayaan
Islands. Noong panahon ng kolonyalismo at imperyalismo, ang mga teritoryo ng mgabansang Asyano ay sinakop ng mga kanluranin.
Ano ang nararapat gawin upang maiwasan na mauwi sapananakop ng China ang sigalot sa Spratly Islands?
a. Makipagkasundo sa pinuno ng pamahalaang Tsino upang paghatian ang mga isla sa Spratly.
b. Humingi ng tulong sa mga malalakas na bansa upang matapatan ang malakas na puwersa ng China.
c. .Palakasin ang puwersang pandigma ng Pilipinas upang maging handa sa posibleng digmaan.
d. Idulog ang usapin sa pandaigdigang husgado upang maresolba nang mapayapa ang nabanggit na krisis
___6.Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin saekonomiya ng mga bansa
sa Silangan at Timog-Silangang Asya noong ika-16 hanggang ika-19 siglo?
a. Nagpatayo ng mga simbahan upang maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo.
b. Nagtalaga ng mga banyagang kinatawan upang pamunuan ang nasakop na bansa.
c. Nagpagawa ng mga kalsada at riles ng tren upang mapabilis ang pakikipagkalakalan.
d. Nagpalabas ng mga kautusan upang mapasunod ang mga katutubong Asyano
___7.Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng mga Espanyol sa pagsakop sa Pilipinas?
a. Mayaman sa pampalasa ang Pilipinas.
b. Madaling pakiusapan ang mga Pilipino.
c. .Ang Pilipinas nalang ang hindi nasasakop ng mga kanluranin.
d. Mayaman ang Pilipinas sa ginto at mahusay na daungan ng mga kalakal
___8.Alin sa mga sumusunod na bansa ang HINDI kabilang sa rehiyon ng Silangang Asya?
a. China b. Japan c. Mongolia d. Singapore
___9.Bakit iminungkahi ni John Hay ng Estados Unidos na ipatupad ang Open Door Policy sa China?
a. Gusto niyang hikayatin ang mga Tsino na manirahan sa Amerika.
b. .Nais ng Estados Unidos na mailayo ang Tsina sa impluwensiya ng ibang bansang kanluranin.
c. .Kasama sa papel ng Estados Unidos ang makialam sa mga pandaigdigang isyu upang patunayan na isa itongmakapangyarihang
bansa.
d. Nangangamba siyang maisasara ang Tsina sa pakikipagkalakalan sa mga bansang walang sphere of influence
___10.Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan na hindi basta napasuk ng mga kanluranin ang China?
a.Marami ang nanakop sa China
b.Matatapang ang mga Tsino
c.Matatag ang pamahalaan sa China
d.Hindi mayaman sa likas na yaman ang China
___11.Bunga ng pagkatalo ng mga naunang rebelyon, ang mga Boxer ay naglunsad ng Rebelyong Boxer. Ano ang pangunahing
layunin ng Rebelyong Boxer?
a. Patalsikin ang Dinastiyang Qin
b. .Magtatag ng Isang bagong pamahalaang Tsino
c. . Paalisin ang lahat ng dayuhan sa China
d. Gawing mayaman at makapangyarihan ang China
____12.Ang paghahati-hati ng China sa spheres of influence ay nagdulot ng pangamba sa bansang________.
a.United States of America c.Japan
b.Tsina d. India

____13.Hinati nila ang China sa mga spheres of influence noong ______


a. 1800 b. 1700 c. 1200 d. 1900
____14. Nagmungkahi na ipatupad ang Open Door Policy.
a.John Camp c. John Hey
b. John Hay d. Mao Zedong
____15.Ang mga Pilipino ay naghirap sa pamamahala ng mga Espanyol. Dahil dito ang mga Pilipino ay naghimagsik. Sino ang mga
nanguna sa himagsikan laban sa mga Espanyol?
a. Simbahang Katoliko b Tsino c. Ilustrado d. Muslim
____16.Mula 1521-1898 napasailalim ng mga Espanyol ang Pilipinas ito ay umabot ng ___________ taon.
a. 331 b. 332 c. 333 d. 334
____17.Alin sa mga sumusunod ang umusbong na rebelyon sa China?
a. Taiping at Boxer c. Bakumatsu at Nanking
b. Sepoy at Amritsar d. kung-fu at Samurai
____18.Magkakaiba ang pamamaraang ginamit ng mga Asyano sa pagpapamalas ng damdaming nasyonalismo. Alin sa mga
sumusunod ang mga samahan na itinatag ng mga Pilipino na naglalayong ipakita ang kanilang pagmamahal sa bayan?
a. Bodi Utomo at Sarekat Islam
b. Kilusang Propaganda at Katipunan
c. Partido Kuomintang at Partidong Kunchantang
d. Anti-Facist People’s Freedom League
____19.Nabuo ang nasyonalismo sa Asya bilang reaksyon ng mga Asyano sa kolonyalismo at Imperyalismong Kanluranin. Bilang
mag-aaral paano mo maipapakita ang pagmamahal sa bayan sa kasalukuyang panahon?
a. Maging mabuting mag-aaral at makilahok sa mga gawaing pang-komunidad
b. Makiisa sa mga samahan na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan
c. Mag-aral ng mabuti upang hindi maging pabigat sa lipunang kinabibilangan
d. Lahat ng nabanggit
_____20.Sa iyong palagay, ano ang nais ipakahulugan ng pilosopong si Mencius sa kanyang pahayag na, “Ang digmaan ay ay hindi
mabuti kailanman”?
a.Dapat magkaisa ang lahat.
b.Hindi dapat makialam sa iba.
c.Ang mahihina ay dapat sumusunod sa malalakas.
d.Walang dulot na mabuti ang di-pagkakaunawaan.

II . TAMA O MALI
. PANUTO: Isulat sa patlang ang salitang tama kung wasto ang pahayag at kung mali ay iwasto ang may salungguhit.
__________________21.. Ang Digmaang Opyo ay dalawang digmaan noong kalagitnaan ng ika-18 siglo.
__________________22. Nagsimula ang pagkawala ng kontrol ng China sa kaniyang bansa nang manalo ito sa Great Britain sa
Unang Digmaang Opyo,
__________________23.Upang ipahayag ang pagtutol ng China mula sa panghihimasok ng mga dayuhan, nagsagawa ng tatlong
rebelyon ang mga Tsino.
__________________24.Umusbong ang nasyonalismo ng Japan sa pamumuno ni Emperador Matsuhito.
__________________25. Nabago din ang kultura ng mga Pilipino dahil sa pagpapalaganap ng relihiyong Budismo.
__________________26.Ang pagtratrabaho at pagboto tuwing eleksyon ay ilan lamang sa karapatan at pagkakataong ipinaglaban
nang matagalna panahon ng kababaihan bago nila ito nakamtam.
__________________27.Ang mga kababaihan ay may mahalagang papel na ginagampanan sa lipunan bago pa ang kolonyalismo.
__________________28.Noong dekada 1920, nagsimulang umusbong ang mga kilusang pangkababaihan sa Japan.
__________________29.Maipagmamalaki ng mga Pilipino na angPilipinas ang isa sa mga unang bansa sa Asya na nagbigay ng
karapatang bumoto sa kababaihan noon 1937.
__________________30.Nararapat lamang nating bigyang pugay ang pakikibaka ng mga kababaihan upang matamo ang karapatang
bumoto.
III. Panuto: Punan ng wastong impormasyon ang tsart.

NASAKOP NA BANSA KANLURANING BANSA NA SUMAKOP


Pilipinas 31.
Malaysia 32.
Indonesia 33.
China 34..
Taiwan 35.

IV. PAGPAPAKILALA
Panuto: Isulat sa patlang ang letra na tumutukoy sa pahayag.

A. Achmed Sukarno B. Ho Chi Minh C. Taiping D. Boxer E. U Nu


______36. Pinamunuan ni Hung Hsiu Ch’uan (Hong Xiuquan) ang laban sa Dinastiyang Qing.
______37.Tinawag itong _________ dahil ang mga naghimagsik ay miyembro ng samahang I-ho Chu’an o Righteous and
Harmonious Fists.
______38.Namuno sa Indonesia ng nakamit ang kalayaan nito noong Agosto 17,1945 sa pamamagitan ng rebolusyon laban sa mga
Dutch.
______39. Naitatag niya ang Democtatic Republic of Vietnam.
______40.. Namuno para makamit ng Burma ang kalayaan nito noong Enero 04, 1948 .

V. PAG ISA-ISAHIN

41- 43 .PATAKARANG IPINATUPAD NG MGA ESPANYOL SA PANGKABUKAHAYAN.


41.
42.
43.
44-47 IDEOLOHIYA NA PINAIRAL SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.
44.
45.
46.
47.
48-49. REBELYON NA UMUSBONG SA CHINA
48.
49.
50. BUNOS

You might also like