Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

3

Mathematics
Quarter 4 – Module 8:
Pagpapakita, Pagrerepresenta at
Pagsukat ng Area Gamit ang Angkop na
Yunit
Mathematics – Grade 3
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Module 8: Pagpapakita, Pagrerepresenta at Pagsukat ng Area
Gamit ang Angkop na Yunit
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kun ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (i.e., awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto, tatak o
trademark, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang - aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin
o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Roselyn T. Soriano
Contextualizer: Roselyn T. Soriano
Editor: Maynard De Leon, Rex Angel G. Asuncion, Rovalyn B. Asperela,
Marivic Cantil, Juan G. Cabrera, Arnel N. Castillo
Tagasuri: Merly C. Tolentino, Jecelyn M. De Leon, Nickoye V. Bumanglag
Tagaguhit: Roselyn T. Soriano
Tagalapat: Roselyn T. Soriano
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, PhD., CESO IV
Jessie L. Amin, EdD., CESO V
Octavio V. Cabasag, PhD.
Rizalino G. Caronan, EdD.
Isagani R. Duruin, PhD.
Rogelio H. Pasinos., PhD.
Nickoye V. Bumanglag, PhD.
Jecelyn M. de Leon, PhD.
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region II


Office Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500
Telefax: (078) 304-3855; (078) 396-9728
E-mail Address: region2@deped.gov.ph
3

Mathematics
Quarter 4 – Module 8:
Pagpapakita, Pagrerepresenta, at
Pagsukat ng Area Gamit ang Angkop na Yunit
Para sa tagapagpadaloy/facilitator:
Halina sa Grade 3 Mathematics Alternative Delivery Mode (ADM) Module on
Visualizing, and Representing, and Measures Area Using Appropriate Unit.
Ang modyul na ito ay magkatuwang na dinisenyo, binuo at sinuri ng mga
tagapagturo parehong mula sa pampubliko at pribadong institusyon upang
tulungan, ang guro o tagapagdaloy sa pagtulong sa mga mag-aaral na
matugunan ang mga pamantayang itinakda ng K to 12 Curriculum habang
nakikibaka sa kanilang pansariling kapakanan, panlipunan, at mga hadlang sa
pag-aaral.
Inaasahan ng kagamitan sa pag-aaral na ito na ang mga mag-aaral ay mabigyan
ng mga pagsasanay na naaayon sa kanilang kakayahan at bilis. Ito din ay
naglalayong matulungan ang mga mag-aaral na mapag aralan ang mga 21st
Century na kasanayan
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kasalukuyang
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal sa pangunahing teksto, makikita mo rin ang
kahong ito sa katawan ng modyul:

Mga Mensahe sa Guro


Naglalaman ito ng mga kapaki-pakinabang na paraan
o diskarte na makakatulong sa iyo sa paggabay sa
mga mag-aaral.

Bilang isang guro/ facilitator, inaasahan mong iakma ang mga mag-aaral sa kung
paano gamitin ang modyul na ito. Kailangan mo ring subaybayan ang pag-unlad
ng mga mag-aaral habang pinapayagan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto.

Bukod dito, inaasahan mong hikayatin at tulungan ang mga mag-aaral habang
ginagawa nila ang mga gawaing kasama sa modyul.

iii
Sa mag-aaral:
Halina sa Grade 3 Mathematics Alternative Delivery Mode (ADM) Module on
Visualizing, and Representing, and Measures Area Using Appropriate Unit!
Ang modyul na ito ay nagawa para sa iyo. Maging masipag sa pagsagot sa mga
katanungang naibigay sa module na ito. Naglalaman ito ng mga panuto kung
paano gagamitin at kung paano gagawin ang mga gawain sa pagkatuto.
Mababasa din dito ang mga kaalamang dapat mapag aralan. Nakakabuti kung
sagutan at gawin muna ang mga gawain bago sumangguni sa answer key. Kung
may katanungan sa mga gawain tawagan ang guro para maintindihan ng maigi
o para sa ganap na pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at naaayon na icons:

Alamin
Ito ay nagbibigay sa iyo ng kaalaman
sa kasanayan na inaasahan mong
matutuhan sa module na ito.

Subukin Ito ay naglalaman ng gawain o mga


gawain na sumusuri sa mga bagay na
alam mo na tungkol sa kasanayang
papag-aralan. Kung makuha mo
lahat ang tamang sagot sa lahat ng
gawain (100%)nasa iyo na kung
gawin mo pa ang modyul o hindi na.

Balikan Ito ay kaunting gawain o pagsusuri


na nakatutulong para idugtong ang
nalalaman mo na sa mga bagong
kaalaman na iyong matutuhan sa
araling ito.

iv
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipapakilala sa iyo sa iba't ibang
paraan tulad ng kuwento,kanta,
tula, isang gawain o isang sitwasyon.

Suriin Ang bahaging ito ay nagbibigay ng


isang maikling talakayan ng aralin.
Nilalayon nitong matulungan kang
matuklasan at maunawaan ang mga
bagong konsepto at kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawain para sa


independiyenteng kasanayan upang
patibayin ang iyong pag-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong itama ang mga sagot sa mga
pagsasanay gamit ang Answer Key
sa dulo ng modyul.

Isaisip Kasama rito ang mga katanungan o


blangko na pangungusap / talata na
punan o dugtungan upang
maproseso kung ano ang natutuhan
mula sa aralin.

Isagawa Ang bahaging ito ay nagbibigay ng


isang gawain na makakatulong sa iyo
na ilipat ang iyong bagong kaalaman

vi
o kasanayan sa mga sitwasyon sa
buhay o alalahanin.
Tayahin Ito ay isang gawain na naglalayong
suriin ang antas ng iyong pagkatuto
.
Karagdagang gawain Ito ay isang gawain na ibibigay sa iyo
upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan na natutuhan
na aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga sagot sa
lahat ng mga aktibidad sa modyul.
Sa dulo ng modyul makikita mo rin ang::

Saggunian Ito ay isang listahan ng lahat ng


napagkunan na ginamit sa pagbuo
ng modyul na ito.

Ang mga sumusunod ay ilang mga paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul na may pag-iingat. Huwag maglagay ng hindi
kinakailangang mga marka sa anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng
isang hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago magpatuloy sa iba pang mga
pagsasanay na kasama sa modyul.
3. Basahing mabuti ang panuto bago umpisahan ang bawat gawain.
4. Tapusin ang gawaing naumpisahan bago magpatuloy sa susunod.
5. Ibalik ang modyul sa iyong guro sa sandaling matapos mo ito.
6. Kung makakita ka ng anumang kahirapan sa pagsagot sa mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-atubiling kumunsulta sa iyong guro o
tagapagpatulong. Palaging tandaan na hindi ka nag-iisa.

vii
Inaasahan namin na sa pamamagitan ng materyal na ito, makakaranas ka ng
makabuluhang pag-aaral at makakuha ng malalim na pag-unawa sa mga
nauugnay na kakayahan. Kaya mo yan.

vii
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa para sa batang katulad mo na nasa ikatlong


baitang upang magkaroon ka ng sapat na kaalaman sa buong bilang. Ang mga
gawaing matatagpuan sa modyul na ito ay inaasahang makatulong sa iba’t ibang
antas ng kakayahan ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay nakaayos alinsunod sa
standard ng asignatura.

Pagkatapos ng mga gawain sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. nakakapagsukat ng area gamit ang angkop na yunit
2. Nairerepresenta ang area gamit ang wastong yunit
3. Naipakikita ang kahalagahan ng wastong pagsukat

Subukin

1
Sagutin ang mga sumusunod na suliranin. Isulat ang titik ng iyong sagot
sa sagutang papel.

1. Hanapin ang area sa pamamagitan ng pagbilang ng mga maliliit na


parisukat. Ipahayag ito sa sentimetro kuwadrado. ________

2. Aling hugis ang nagpapakita ng 12 metro kuwadrado? ( = 1 sq. meter)

A B

C D

3. Kung babalutin ang pabalat na bahagi ng notebook, ano ang tamang yunit na dapat
gamitin sa pagsukat nito?

A. sentimetro B. sentimetro kuwadrado C. metro D. metro kuwadrado

4. Ginagamit ang metro kuwadrado kapag ___


A. Susukatin ang greeting card
B. Susukatin ang mesa ng computer

2
C. Susukatin ang sahig ng banyo
D. Susukatin ang likod-bahay

5. Alin sa mga sumusunod ang maaaring sukatin sa sentimetro kuwadrado?


A. papel
B. hardin
C. sahig ng gusali
D. bakuran

Pagpapakita sa Pagsukat ng Area Gamit


Lesson ang Angkop na Yunit

3
Bumili si Pablo ng maliit na album para sa koleksyon niya
ng mga selyo. Bumili din siya ng pambalot sa album. Kung
babalutin niya ang pabalat na bahagi ng album, ano ang tamang
yunit na dapat gamitin sa pagsukat nito? Bakit?

Balikan

1. Magbigay ng mga karaniwang hugis na may parehong bilang ng sides


at corners.
____________________________________________

2. Ano ang mga karaniwang sukat ng haba?


____________________ at ____________________

Tuklasin

Gawain 1
1 2 3 4 5 6 7 8

9 10 11 12 13 14 15 16

17 18 19 20 21 22 23 24

25 26 27 28 29 30 31 32

33 34 35 36 37 38 39 40

41 42 43 44 45 46 47 48

49 50 51 52 53 54 55 56

4
57 58 59 60 61 62 63 64

65 66 67 68 69 70 71 72

73 74 75 76 77 78 79 80

81 82 83 84 85 86 87 88

89 90 91 92 93 94 95 96

Pag-aralan ang hugis sa itaas. Bilangin ang maliliit na kuwardadong


nakapaloob dito. Ito ay binubuo ng 96 na maliliit na kuwadrado. Ang bilang ng
lahat na maliliit na kuwadrado sa pabalat na bahagi ng album ni Pablo ay
tumutukoy sa area nito. Ang area ng figure ay 96 square yunit.

Subuking hanapin ang area ng figure sa iba pang paraan.

lapad

1 2 3 4 5 6 7 8

9 10 11 12 13 14 15 16

17 18 19 20 21 22 23 24

Ang haba ay 12 yunit 25 26 27 28 29 30 31 32

33 34 35 36 37 38 39 40

Ang lapad ay 8 yunit 41 42 43 44 45 46 47 48


haba
49 50 51 52 53 54 55 56

58 59 60 61 62 63 64
57
65 66 67 68 69 70 71 72

73 74 75 76 77 78 79 80

81 82 83 84 85 86 87 88

89 90 91 92 93 94 95 96

Ang area ng figure ay product ng bilang ng haba at lapad:

Area= (12 yunit) x (8 yunit)


= 96 square yunit

Makakakuha ng parehong resulta kapag paramihin o i-multiply ang bilang ng


haba sa lapad at kapag binilang lahat ang mga maliliit na parisukat.

5
Suriin

Sa Gawain 1 ang area ng figure ay 96 square yunit.

Ano ang parisukat na yunit o square yunit? Upang higit na maintindihan


kung ano ang square yunit ay pag-aralan ang unit segment sa ibaba.

. . 1 unit 1 square yunit

1 cm 1 sentimetro kuwadrado

. . 1 unit 1 square unit

1m 1 metro kuwadrado

Samakatuwid ang tamang yunit na dapat gamitin sa pagsukat ay


sentimetro kuwadrado (sq. cm) dahil ang pabalat na bahagi ng album ni Pablo
ay maliit.

Tandaan:

• Ang square 1 cm sa bawat bahagi ay tinatawag na square


centimeter
• Ang square 1 m sa bawat bahagi ay tinatawag na square meter
• Kapag sinusukat ang maliit na area, gaya ng aklat, greeting cards,
papel, atbp., gamitin ang sentimetro kuwadrado (sq. cm)
• Kapag sinusukat ang malaking area, gaya ng hardin, sahig ng silid,
atbp., gamitin ang metro kuwadrado (sq. m.)
• Area ay bilang ng parisukat na yunit na maaaring punan ang isang
ibabaw.

7
Pagyamanin

Gawain 2

Basahin at unawain ang suliranin. Isulat ang titik ng tamang sagot sa


sagutang papel.

7
Hinati ni Gng. Santos ang kaniyang klase
sa iba’t ibang grupo. Binigyan niya ang
bawat grupo ng 1cm by 1 cm grid paper na
halos kasukat ng notebook.

Mga Katanungan:
1. Ano ang sukat ng bawat bahagi ng isang
maliit na parisukat?
A. 1 cm B. 10 cm C. 100 cm
D. 1000 cm

2. Ano ang area ng isang maliit na parisukat?


A. 1 cm B. 1 m C. 1 sq. cm D. 1 sq. m.

3. Kung ang 1 maliit na parisukat ay 1 sq. cm, bilangin ang mga parisukat
at ibigay ang area ng papel?
A. 300 sq. cm B. 310 sq. cm C. 320 sq.cm D. 330 sq.cm

4. Ano ang karaniwang yunit ng panukat ang ginamit upang makuha ang
area ng papel?
A. sentimetro
B. metro
C. sentimetro kuwadrado
D. metro kuwadrado

5. Maaari bang gamitin ang sentimetro kuwadrado o sq. cm sa pagsukat ng


area ng ating silid-aralan?
A. Opo, dahil ang silid-aralan ay malaki
B. Hindi po, dahil ang silid-aralan ay maliit
C. Hindi po, dahil ang silid-aralan ay malaki
D. Opo, dahil ang silid-aralan ay maliit

Gawain 3
Piliin ang pinakaangkop na yunit na dapat gamitin sa sumusunod. Isulat sa
sagutang papel ang sentimetro kuwadrado (sq.cm) o metro kuwadrado (sq. m).

8
1. Hardin - __________________
2. Sahig ng kusina __________________
3. papel __________________
4. book cover __________________
5. sahig ng stage __________________

Isaisip

Kapag sinusukat ang maliit na area, gaya ng aklat, greeting cards,


papel, atbp., gamitin ang sentimetro kuwadrado (sq. cm). Kapag ang
sinusukat ay malaking area, gaya ng hardin, sahig ng silid, atbp., gamitin
ang metro kuwadrado (sq. m.)

Isagawa

Gawain 4
Ibigay ang angkop na yunit ng panukat sa mga sumusunod:

1.Nais ni Brian na sukatin ang area ng kanilang mesang kainan,ano


ang angkop na yunit na dapat niyang gamitin?

2. Sa pagsukat ng area ng plaza, ano ang angkop na yunit ang


gagamitin ni Maria?

3. Ang angkop na yunit para masukat ang area ng parihabang


lawa ay __________.

9
4. Ang tamang yunit para masukat ang area ng panyo ay
__________.

Tayahin

Sagutin ang mga suliranin. Isulat ang iyong sagot sa malinis na papel.

1. Hanapin ang area sa pamamagitan ng pagbilang ng mga maliliit na parisukat. Ibigay


ang area sa metro kuwadrado. ________

2. Alin sa mga figure ang nagpapakita ng 24 metro kuwadrado? ( = 1 sq. meter)

A B

C D

10
3. Kung babalutin ang harapang bahagi ng mahabang folder, ano ang angkop na yunit
na dapat gamitin sa pagsukat nito?

A. sentimetro B. sentimetro kuwadrado C. metro D. metro kuwadrado

4. Ginagamit ang sentimetro kuwadrado kapag ___


A. Sinusukat ang tiles ng sahig
B. Sinusukat ang likod-bahay
C. Sinusukat ang volleyball court
D. Sinusukat ang swimming pool

5. Alin sa mga sumusunod ang maaaring sukatin gamit ang metro kuwadrado?
A. picture frame
B. pinggan na kuwadrado
C. mesa ng computer
D. bakuran

Karagdagang Gawain

Gawain 5
Pagmasdan ang paligid ng inyong bahay. Magbigay ng 5 bagay o figures na
maaaring sukatin gamit ang sentimetro kuwadrado at 5 iba pang bagay o lugar
na maaaring sukatin gamit ang metro kuwadrado

11
12
Subukin Pagyamanin
1. 20 sq.cm Gawain 2 Gawain 4
2. A
3. B 1. A 1. Sq.cm
4. D 2. C 2. Sq.m
5. A 3. C 3. Sq.m
4. C
5. C 4. Sq.cm
Balikan
Gawain 3
1. Square Tayahin
Rectangle 1. Sq.m
2. Sq.m 1. 25 sq. m
2. Centimeter
3. Sq.cm 2. D
Meter
4. Sq.cm
5. Sq.m
3. B
4. A
5. D
Susi sa Pagwawasto
13
Sanggunian

De Lara, Ruth. Discovering Mathematics Today 3. Mandaluyong City: Merryland


Publishing Corporation, 2011.

“LR Portal.” Deped LR Portal. Accessed December 22, 2020.


https://lrmds.deped.gov.ph/k_to_12.

Salac, Herminihilda C. Number Works 3. Trinitas Publishing, Inc, 1995.


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue,
Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985


Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like