Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

ARALIN 1

ANG WIKA
1.1. WIKA
Ang pinakamahalagang interes ng pag-aaral sa wika ay hindi ang wika mismo kundi
ang gamit nito - kung paano ang wika nagpapakilala sa tao, ang sosyal niyang kapaligiran, mga
pangarap at mithiin niya, persepsyon nila sa bawat isa, at ang sitwasyon sa lipunan na kung saan
siya kasapi (A.D. Edwards, 1979).
Sa bahaging ito ay tatalakayin ang pagbabalik-tanaw sa kahulugan ng wika at ilan pang
impormasyon sa wika bilang wika. At ang pinakatunguhin ng susunod pang talakayan ay ang
pag-aaral sa wika bilang kultura at ang kaugnayan nito sa araw-araw na pakikisalamuha ng tao sa
kapuwa niyang tao at sa iba pang miyembro ng lipunan na kanyang kinabibilangan. Gamit parin
ang wika- natututo siyang makitungo sa mga taong nasa labas ng kanyang lipunan.
Bawat wika ay may perpektong sistema, kaya walang sinumang makapagsabi na
nakahihigit o mas nangunguna ang wika niya kaysa iba. Kung may pangalan o simbolo ang isang
bagay sa mga Amerikano, ganoon din ito sa mga Pilipino. Sa mahigit na 6, 000 wika sa buong
daigdig, walang nakalalamang o superyor ng wika.

1.2 PINAGMULAN NG WIKA


Walang tao o aklat man ang nakapagpatunay na ang wika ay nag-ugat o nanggaling sa
isang tiyak na tao, bagay, o pangyayari. Ang lahat ng tungkol sa pinagmulan nito ay puro mga
haka-haka o sariling opiyon lamang kaya magpahanggang ngayon ay patuloy ang pagtatalo
hinggil sa pinag-ugatan nito.
Saan nga ba nagmula ang wika? Ayon sa iba't ibang manunulat at teorista, ang mga
Egyptian daw ang pinakamatandang lahi kaya ang wikang Egyptian ang pinakamatandamg wika.
Ang manlilikha ng panalita para sa kanila ay si Haring Thot.
Mula sa aklat nina Fromkin, V & R. Rodman (1983) ay sinasabing ang lahat ng kultura
ay may kani-kanilang kuwento ng pinagmulan ng wika. Kung minsan, ang kuwentong ito ay
walang kabuluhan ngunit kinawiwilihan at pinaniniwalaan dahil parang may katotohanan nga
para sa kanila. Sa aklat naman ni Darsna Tyagi (2006), sinasabing sa China, naniniwala sila na
ang Son of Heaven na si Tien-Zu ang nagbigay ng wika at kapangyarihan. Sa japan naman, ang
manlilikha nila ng wika ay si Amaterasu. Ang ibang teorya ay nagsasabing ang wika ay kasama
na ng pag-anak o paglika ng tao. Ang Genesis Story /Divine Theory ay nagpapaliwanag din na
ibinigay ng Dios sa tao ang wika. Binigyan ng Diyos ng kapangyarihan ang tao para
magpangalan sa mga bagay-bagay. Sa nga Babylonians, ang nagbigay raw ng wika sa kanila ay
si God Nabu at para sa mga Hindu ang kakayahan nila sa wika ay ibinigay ng babaeng Diyos
nila na si Saravasti na asawa ni Brahma, ang tagapaglikha ng
Totoo man o hindi ang lahat ng ito, dahil wala pang wika, may iba't ibang paraan ng
komunikasyon noong unang panahon. Ayon parin kay Hoebel (1996) walang makapagsasabi
kung saan o kung paano ba talaga nagsimula ang wika. Maaaring ang tao noon ay
nakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng pag-iyak, paghiyaw, pagkilos o paggalaw,
pagkumpas ng kamay hangga't ang mga senyas na ito ay binigyan ng mga simbolo at kahulugan.
Tandaan na ang pahapyaw na pag-aaral na ito sa wika ay makatutulong sa pag-unawa
kung bakit ang bawat indibidwal ay kakaiba hindi lamang sa pisikal na kaanyuan kundi maging
sa kanyang pananalita na isa sa batayan kung bakit siya kakaiba sa lahat. Ang wika bilang isang
kultura ay malaking faktor sa pagkilala sa kapuwa.
1.3 DEPINISYON NG WIKA
1. Edward Sapir (1949) - ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng
mga kaisipan, damdamin, at mithiin.
2. Caroll (1954) - ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng
lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at pagbabago sa
bawat henerasyon, ngunit sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga
hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutunan at ginagamit sa iba't ibang antas ng bawat kasapi
ng pangkat o komunidad.
3. Todd (1987) - ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa
komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi ito ay
sinusulat din. Ang tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito, walang
dalawang wikang magkapareho bagaman ang bawat isa ay may sariling set ng mga tuntunin.
4. Buensuceso - ang wika ay isang arbitraryong sistema ng mga tunog o ponema na ginagamit ng
tao sa pakikipagtalastasan.
5. Tumangan, Sr. et al. (1997) - Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang
binibigkas sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at nagkakaugnay-ugnay
angbisang pulutong ng mga tao.

1.4 IBA'T IBANG TEORYA SA WIKA


1. Bow-wow - Pinaninindigan ng teoryang ito ang panggagaya sa mga likas na tunog gaya ng
ngiyaw ng pusa at tilaok ng manok.
2. Poo-pooh - naniniwalang ang wika ay galing sa instinktibong pagbulalas na nagsasaad ng
sakit, galak, galit, tuwa, atbp. Ipinalalagay na ang unang mga pananalitang nalikha ay mga
padamdam na nagpapahayag ng bilang sulak at masidhing damdamin.
3. Ding-dong - kilala rin sa tawag na teoryang natibisko na may ugnayang misteryo ang mga
tunog at katuturan ng isang wika at bagay-bagay sa paligid.
4. Yum-yum - nagsasaad na ang tao at tumutugon sa pamamagitan ng kumpas sa alinmang bagay
na nangangailangan ng aksyon.
5. Yo-he-ho - naniniwalang ang wika ay nagmula sa mga ingay na nalikha ng mga taong
magkatuwang sa kanilang pagtatrabaho o puwersang pisikal.
6. Tarara-boom-de-ay - mga tunog mula sa ritwal ng nga sinaunang tao na naging daan upang
magsalita ang tao. Ang nga sayaw, sigaw, o inkantasyon at mga bulong ay binigyan nila ng
kahulugan at sa pagdaraan ng panahon, ito ay nagbago.

1.5. IBA'T IBANG PANANAW SA WIKA


Sinabi ni Virgilio Almario, "kung ano ang wika mo, iyon ang pagkatao mo."
Natumbok sa winiwika ni Almario ang ugnayan ng wika, kultura, at lipunan. Kung ano ang
sinasabi at wikang sinasalita ng tao, iyon din ang uri ng pagkataong mayroon siya. Nahulma ang
pagkatao ng isang indibidwal mula sa kanyang ugali, paniniwala, at pamamaraan ng buhay na
maaaring bunga ng lipunang kinabibilangan. Impluwensya ito ng kinalakhang lipunan kaya kung
paano magsalita at ano ang paggamit ng wika ay larawan din ng ugali. Bagaman pamilya ang
unang may malaking ambag sa paghubog ng pagkatao ngunit ang patuloy na pakikisalamuha sa
lipunan ay magdudulot din nang higit na ambag sa pagiging tao. Maaaring manatili ang ilang
kinagawian at pwede ring may magbabago hindi lamang sa ugali o paniniwala ngunit posible
ring sa wika na sinasalita. Sa kabila sa matatag na pagmamahal ng iba sa kanilang kinagisnan,
maaaring may mababago o pagbabago dulot din ng pagtanggap sa mga impluwensya ng lipunang
dala sa pag-usbong ng siyensya, teknolohiya, at integrasyon ng mga lipunan tulad ng ASEAN na
integrasyon. Kung may nakalilimot man, ito ay depende na sa tao at sa impluwensya sa lipunan
sa kanila.
Ang kabatiran sa isang wika ay kabatiran rin sa lipunan na ginagamit ang wikang ito.
Karaniwan itong mapapansin sa karanasan sa mga Filipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.
Halimbawa, ang mga Overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho sa Saudi Arabia na
nagkikita sa isang hotel. Kung napapansin ni OFW-A na si OFW-B ay may puntong Filipino (o
kahit anong wika sa Pilipinas) sa pagsasalita, tatanungin agad ito ni OFW-A kung taga-Pilipinas
ba siya at saan sa Pilipinas. Magkakamustahan sa isa't isa at bahagi sa magiging paksa ng pag-
uusap ay Pilipinas. Sa puntong ito, ang Pilipinas bilang kanilang komon na lipunan ay
nagsisilbing tulay sa kanilang komunikasyon. Tiyak pa, gagamitin nila nila ang wikang Pilipino
sa pag-uusap. Ang pag-uusap ng dalawa ay palatandaan ng pagkakaroon ng magandang ugnayan
kahit hindi pa nila kilala ang bawat isa. Ito ang sinasabi ni Trudgill (2000) na panlipunang
tungkulin ng wika. Ipinahayag sa sitwasyong ito na hindi lamang simpleng
pakikipagkomunikasyon ng impormasyon ang wika. Isa rin itong pinakamahalagang paraan sa
pagbuo at pagpatibay ng koneksyon at relasyon sa ibang tao. Malamang ding ang
pinakamahalagang bagay tungkol sa kanilang kombersasyon ang lipunang nag-ugnay sa kanila at
ang wikang ginagamit. Maaaring sa pagtira nila sa ibang bansa ay may mga impluwensya at
pagbabago sa kanilang ugali at kilos dahil sa bagong wika, lipunan, at kultura ng palibot. Hindi
naman ito hadlang sa pagpapanatili ng wika at lipunang kinalakhan. Maliban na lamang kung
magkakaroon ng tuluyang paglimot ng kanyang pinanggalingan dulot sa kawalan ng
pagkakataon na magamit ang wikang kinagisnan at kawalan ng magpaalala sa pinagmulang
lipunan. Ang sitwasyong ito ay gawi ng tao sa kanyang wika o tinatawag na gawi sa wika
(language behaviour). May binanggit si Trudgill (2000) na dalawang aspekto ng gawi sa wika na
mula sa panlipunang punto de bista: (1) ang tungkulin ng wika sa pagbuo ng panlipunang
relasyon, at (2) ang papel na ginagampanan ng wika sa paghahatid ng impormasyon tungkol sa
tagapagsalita. Sa unang aspekto, isang instrumento ang wika sa pagkakaunawaan at pagbuo ng
ugnayan sa isa't isa. Ang ikalawang aspekto naman ay nagsasabing tagapaglarawan ang wika sa
gumagamit nito. Naglalahad ito ng estado sa buhay, ng kinabibilangang lipunan, ng ideolohiyang
pinaninindigan at iba pa. Malinaw na ang dalawang aspekto ng linggwistikong gawi na ito ay
may repleksyon ng katotohanang mayroong malapit na inter-relasyon sa pagitan ng wika at
lipunan.
Talagang ang wika ay isang sistema ng komunikasyon na kung saan ang tunog o simboli
ay nagtataglay ng mga bagay, kilos, at ideya. Ayon kay Tumangan, Sr. et al. (1977). Ang wika
ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkaka-
unawaan, nagkakaisa, at nagkakaugnay-ugnay ang isang pulutong ng mga tao. Ginagamit ito sa
komunikasyon. Bagaman ang wika ay primaryang sinasalita at hindi sinusulat subalit sa
paglalaganap ng teknolohiya at mga ambag ng pagbabago naging espesyal narin ang pasulat na
anyo nito. Halimbawa, sa lipunan ng negosyador pangkapayapaan at negosasyong
pangkapayapaan (peace negotiator and peace negotation) ang pasulat na wika ay esensyal upang
madokumento ang napagkasunduan na at anumang resolusyon. Kaya sa kasalukuyan, ang pag-
unlad ng pasulat na midyum at sa kalaunan ng sistema ng paglimbag ay naging daan na sa
pagtatala ng mga impormasyon. Maiiwasan o makapagtatanggal ito ng pagkakaunawaan sa
pamamagitan ng paggamit nito bilang instrumento sa ugnayan ng lipunan ng mga tao.
Mungkahing kaisipan ito ni Malinowski (nasa Gellner 1998) na wika ang pangunahing kaisipan
ng pagkakaisa at pakikipagtalamitam. Ito ay isang kailangang-kailangan na kasangkapan para sa
pagbuo ng pagkakaisa ng lipunan sapagkat kung wala ito imposible ang pinag-isang panlipunang
kilos. Samakatwid, wika ang pusod ng sangkatauhan at kabaitan.

GAWAIN 1
Pangalan: Iskor:
Iskedyul ng Klase: Petsa:

Panuto: Kilalanin ang tinutukoy sa bawat bilang.

1. Ang teoryang ito ay nagpapaliwanag na bigay ng Diyos sa tao ang wika.


2. Sa Haring Thot ang manlilikha ng pananalita o wika para sa kanila.
3. Sa China, naniniwala sila na siya ang Son of Heaven na pinanggalingan ng
wika nila.
4. Si god Nabu naman daw ang nagbigay sa kanila ng wika.
5. Ang kakayahan nila sa wika ay ibinibigay ng babaeng Diyos nila na si
Saravasti na asawa ni Brahma.
6. Siya ang female god na Creator of the Universe ayon sa mga Hindus.
7. Ang manlilikha ng wika nila na lugar na ito ay si Amaterasu.
8. Ayon sa mga teorista, sila raw ang pinakamatandang lahi.
9. Ito rin daw ang pinakatandang wika.
10. Sinabi nila na lahat ng kultura ay may kani-kanilang kuwento ng pinagmulan
ng wika. Kung minsan ay walang kabuluhan at malayo sa katotohanan ngunit nakawiwili.

GAWAIN 2
Pangalan: Iskor:
Iskedyul ng Klase: Petsa:

Panuto: Isulat ang kahulugan ng wika para sa mga sumusunod na eksperto.


(5 Puntios bawat isa)

1. Edward Sapir

2. Gleason

3. Buensuseco
GAWAIN 3

Pangalan: Iskor:
Iskedyul ng Klase: Petsa:

Panuto: Gumawa ng sariling teorya sa pinagmulan ng wika at ipaliwanag ang ito.

You might also like