Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Department of Education – NCR

Division of City Schools Manila


AURORA A. QUEZON ELEMENTARY SCHOOL
San Andres, Malate Manila

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I


Classroom Observation 3
Ika-21 ng Marso, 2024

I. Mga Layunin:
a. nalalaman ang mga Gawain at aktibidad sa pagpapahalaga sa paaralan;
b. naiisa-isa ang mga gawain at pagkilos ng pagpapahalaga sa paaralan; at
c. nabibigyang-halaga ang paaralan.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Brigada Eskwela sa Aming Paaralan
Sanggunian : Grade One Araling Panlipunan MELC
Modules in Araling Panlipunan 1
Kagamitan : PowerPoint Presentation, white board, mga
larawan, drill board, charts, coloring page
Integrasyon : Edukasyon sa Pagpapakatao
(Mabuting Pag-uugali - Bayanihan)
Filipino (Pagbasa)
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Subukin
Panuto: Sabihin ang “Hep, hep” kung ang larawan ay nagpapakita ng mali, at
“Hooray” naman kung tama.

(Pagpapakita ng mga larawan sa TV Monitor)

2. Balik-Aral: Awitin ang “Mga Kasapi ng Paaralan“.

Gamit ang white board, isulat ang letra ng tamang sagot.


1. Sino ang nagtuturo sa mga mag-aaral na bumasa, sumulat at bumilang?
a. dentista
b. janitor
c. guro
2. Sino ang nagpapanatili ng kalinisan ng ating paaralan?
a. Janitor
b. punongguro
c. mga magulang
3. Sino ang nagbibigay-pansin sa kalusugan ng mga kasapi ng paaralan?
a. guwardiya
b. mga mag-aaral
c. doktor
4. Sino-sino ang mga batang tinuturuan ng mga guro sa paaralan?
a. janitor
b. magulang
c. mga mag-aaral
5. Sino ang gumagabay sa lahat ng kasapi ng paaralan?
a. punongguro
b. nars
c. mga magulang

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
Ipakilala ang mga salitang:
Brigada, Eskwela, Bayanihan

Video: Brigada Eskwela Music Video

a. Tungkol saan ang music video na inyong napanood?


b. Sino-sinong mga kasapi ng paaralan ang nakita mo?
c. Ano-ano ang mga gawain o tulong na ipinakita sa video?
d. Ano ang emosyon o damdamin na ipinakita ng mga tao sa video?
e. Ano ang mensahe ang nais ipabatid ng music video?

2. Paglalahad/ Pagmomodelo

Bilang bahagi o kasapi ng paaralan, tayo ay may responsibilidad na


makipagtulungan. Ito ay para sa ikauunlad at ikagaganda ng ating paaralan. Ang
Department of Education (DepEd) ay nagtatalaga ng panahon para sa Brigada
Eskwela, isang lingo bago ang pagbubukas ng klase. Ito ay upang maihanda o
maisaayos ang kapaligiran at silid-aralan ng paaralan. Ang mga kasapi ng
paaralan ay boluntaryong nakikilahok sa Brigada Eskwela.

Narito ang ilan sa mga Gawain na maaring magpakita ng pagbabayanihan o


pakikipagtulungan sa pamamagitan ng Brigada Eskwela: (Pagpapakita ng mga
larawan)

1. paglilinis ng mga silid-aralan


2. pagkukumpuni
3. pagpipintura
4. pagtatanim
5. pagbibigay serbisyo

Bilang isang mag-aaral, maaari ka ring maging bahagi ng Brigada Eskwela.

3. Mga Gawain - Pangkatan


Pangkat #1: Pag-buo ng puzzle
Pangkat #2: Pag-buo ng chant at kilos
Pangkat #3: Collage (pagdikit ng mga larawan na maaaring gawin
tuwing Brigada Eskwela)
Pangkat #4: Coloring Page

4. Paglalahat
Tandaan: Ang Brigada Eskwela ay isang magandang gawaing pampaaralan na
naghihikayat sa mga kasapi ng paaralan na magtulungan o magbayanihan.

5. Pangwakas na Pagsusulit
Pagbibigay ng worksheet.

Inihanda ni:

GIRLY B. LORENO
Teacher II

Iwinasto ni:

PILLARINA V. GARCIA
Master Teacher II
Pangalan ______________________________________

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang sumusunod na pahayag ay tama, at


MALI kung ito ay mali.

1. __________ Tuwing Brigada Eskwela, abala si Lina sa paglalaro sa


kompyuter.
2. __________ Si Pam ay masayang tumutulong sa kanyang guro sa
pagpupunas ng mga mesa sa silid-aralan.
3. __________ Si Carla ay nagpapakintab ng mga sahig tuwing Brigada
Eskwela.
4. __________ Sumama si Berto sa kanyang ama sa paaralan upang
makilahok sa Brigada Eskwela.
5. __________ Tumulong si Marta sa kayang nanay sa pagtatanim sa
hardin ng paaralan.

You might also like