Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Central Visayas
Siyudad ng Lapu-Lapu
SCIENCE AND TECHNOLOGY EDUCATION CENTER
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

PANUNURING PAPEL

STAINLESS LONGGANISA NI BON ONG

Ipinasa ni: CLAIRE C. ABRIA

Ipinasa kay: Ginoong Dominic Quilantang


I. INTRODUKSYON

Ang nobela ni Bob Ong, “Stainless Longganisa ay naglalaman ng mga usaping


pampulitika, pang-adukasyon, paniniwalang pang relihiyon, at ngayon at tungkol sa pagsusulat
ng aklat---mga libro—at pagpapublish nito.

Ang “Stainless Longganisa”, ito ay tumatalakay sa kahalagahan ng pagbabasa, pag-abot


ng mga pangarap, at tamang paraan ng pagsusulat. Dito ipinapahayag ng awtor kung paano siya
nagsimula bilang isang manunulat, ang mga pinagdadaanan niya bago siya naging isang kilalang
manunulat sa Pilipinas. Nagsimula ang kwento sa isang lapis na ibinigay ng kanyang kapatid sa
kanya hanggang sa nagsimula na siya mag kuwento sa mga natatangap niyang mga ball pens.
Nag lahad din siya ng mga writers na nagging inspirasyon niya kagaya nalang ng magiting na
manunulat na si Edgar Allan Poe at pati na ng mga libro na naging movies kalaunan. Dito
matutuklasan natin ang batukang salita na isinasampal ni Bob Ong sa kanyang mga mambabasa.
Dito ipnapaliwanag niya kung sino siya bilang isang manunulat at ang karkter niya. Ginagawa
niyang pag singit sa manakanaka impormasyon ng kanyang buhay sa kanyang mga naunang
aklat. Sa librong ito hinihikayat ni Bob On gang mga manunulat na wag mawalan ng pag-asa sa
pag susulat sapagkat ang buhay ng isang manunulat ay hindi madali dahil kailangan mong
maging matatag , andyan yung kailnagn isaalang- alang ng manunulat yung bawat salitang
binibitawan niya, yung dapat may matututunan ang mga mambabasa hindi lang yung mga
nasabi niyang kabubuhan niya. Kailangan ng tapang sapagkat sa bawat isinusulat nila ditto ay
nakapaloob ang kanilang personak naopinyon, damdamin at yung puso upang maging
epektibong manunulat, at ng sa gayon maramdaman ng mambabasa yung emosyong inilagay
ng isang manunulat sa kanilang libro. Hindi lang din naman yung manunulat lang ang
hinihikayat niya ding magbasa ang mga tao.

Isa si Bob Ong sa mga awtor na papaikotin at papatawanin ka sa mga kagaguhan niya.
Papatawanin ka ng di moa lam o inaasahan. Hindi natin kilala kong sino talaga si Bob Ong pero
itong libro na ito ang magpapakilalan sa atin kung sino talga siya bilang maunulat. Malalaman sa
librong ito ang mga trip niya sa buhay at mga kahinaan at kalakasan niya bilang isang
manunulat. Makikita rin sa librong ito ang mga payo niya tungkol sa pag susulat.

Ang lengte na binigyang pansin sa pagsusuri ay ang paggamit ng referential o


sanggunian ayon kay Roman Jacobson. Ipinapakita sa nobela ang iba’t ibang paggamit ng
sanggunian kaugnay sa pagbibigay ng impormasyon ng may akda sa mga mambabasa.
II. MGA KATANUNGANG SASAGUTAN SA PANUNURI

Sisiyasatin sa pag-aaral ng nobelang Stainless Longanisa ni Bob Ong ang paggamit ng referential
na pamamaraan ng paggamit ng wika ayon kay Roman Jacobson.

Tinitiyak sa pag-aaral ang sumusunod:

1. Mga salita na nagpapakita o gumagamit ng mga pamamaraang referential

2. Mga sanggunian na ginamit sa nobela

III. PAGTATALAKAY

Linya Sanggunian

Jack of all trades. Master of none -Nangangahulugan sa taong may kakayahan sa


iba’t ibang larangan ng trabaho.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Iran
Nito lang 2004, kilala ang Pilipinas na pangalawa
lang sa Iraq bilang pinakadelikadong bansa para sa
mga mamahayag. Simula 1986 animnapu’t-pitong
peryodista na lahat ang napaslang dito sa atin;
labingsiyam sa mga kaso, noon lang 2000
hanggang sa kasalukuyan nangyari.

-Ayon kay Georges Simenon, ang dahilan daw ng


“to exercise the demo in me.”. pagsusulat n’ya. Totoo yon para sa karamihan ng
mga manunulat. Ang pagpuksa sa mga personal na
demonyo ang nagsilbing makina sa likod ng mga di
na mabilang na sanaysay, kwento, at tula. Ang
biktima ni isang sumpa na para sa karaniwang tao
ay ligo lang ang katapat.

Taong 2003 ko unsang nabalitaan sa CNN ang -Nacomestose si Terri noong 1990 dahil sa ilang
kalagayn ni Terri Scbindler Schiavo, isang medical malpractice at nananatiling nasa
Amerikana na pumanaw nito lang 2005 at neurological state simula noon. Pero dahil nanalo
tumawag ng pansin ng buong mundo. sa demanda laban sa hospital, nabigyan ng pera
ang mag-asawa at doon na nagsimula ang pag
aagawan nina Michael at ng mga Schindler sa
karapatan kay Terri.
Sabi sa WIRED MAGAZINE, kung pepresyuhan daw -Ang buwanang magazin ng mga amerikano na
ang katawan mo base sa market value ng mga inilathala sa mga print at online na mga edisyon,
organs, chemicals, at complex molecules nito, na nakatuon sa kong paano nakakaapekto ang
tatabo kaagad ang baga mo ng $58,200 bawat isa. mga umuusbong na teknolohiya sa kultura,
$57,000 ang puso. $91,400 ang mga kidney. ekonomiya at politika
$419,920.20 1 ang atay. $9,000,000 ang DNA. At
$23,000,000 ang bone marrow. Kasama na ang
mga body fluids, tissues, at proteins, may
kabuuang $45,618,575.82

Hindi totoong 10% lang ng utak ang ginagamit ng -Isang Aleman-Swiss- Amerikanong pisikong
tao. Tsismis lang daw yon na nag umpisa sa teoretikal na kinikilala bilang isa sa mga
misinterpretation ni Albert Einstein, at pinulot ng pinakamatalinong siyentipiko.
mga negosyanteng gusting magtinda ng mga
produktong gigising daw sa natitira pang 90% ng
utak. Sabi nga ng mga scientist, efficient daw ang
utak natin. Lahat ng bahagi may silbi.

Ang normal na IQ daw ng tao ay nasa 85 hanggang -Ayon ito sa Stanfor-Binet scale ay isang
115. Sa populasyon ng buong mundo, isang indibidwal na pinangangasiwaan na pagsubok na
porsyente lang daw kami na may IQ na higit 135, paniktik na binago mula sa orihinal na Binet-Simon
at isa sa amin ay sinungaling pa.

-Ay isang pribadong pagmamay-aring


Sa paglilibot ko sa Friendster panghalubilong kabalagang websayt. Sa Sydney,
Awstralya ang punong himpilan nito.

O friend, awake, and sleep no more! -Galing kay Kabir, Tr. Tagore
The night is over and gone,
Would you lose your day also?
You have slept for unnumbered ages;
This morning will you not awake?
Ang may pinakatataas daw na IQ ay ang mga -Sibi ni Dr. Catherine Morris Cox, isang sikat na
philosophers dahil sa average nilang 173. psychologist pero hindi kilala
Sunod ang mga scientist sa average na 164.
Mga fiction writer, 163. Stateman ,159.
Musicians, 153. At mga tagasubaybay ni Bob
Ong,152…. Pero idi-divide pa yan sa kanilang
lahat.

Napanood ko dati ang The Human Body sa -Ay isang Amerikanong pay telebisyon at punong
Discovery Channel kung saan ipinapakita ang panghimpapawid na pag-aari ng Discovery,INC.
development ng sanggol sa sinapupunanm
Biruin mo yung miracle of lifena hindi kayang
ipaliwang ng mga scientist, yung mismong
“milagroong”yon nabubuo nang hindi natin
alam kung paano, ang s’ya ring magma-may-
ari sa utak na susubok kumilala sa sarili at
magtatanong kung sino s’ya, sann s’ya
nanggaling, at saan s’ya papunta.

-Sabi ni Isaac Watts. Para kasi sa akin walang kinalaman


“The mind’s the standard of man” ang anyo ng tao sa mga sinasabi n’ya. Ayon nga sa
mahal na patron ng mga kabataan na si Eminem:
“unless you want to f* me, why do you care what I look
like?”

“Supply exceeds demand” -Tumutukoy sa standard ng Pilipinas pagdating sa


talento

Ayon sa pinakahuling survey ng Social


Weather Station, 75% daw sa mga -Ang survey na ito ay gawa gwa lamang ni Bob Ong
mambabasa ko ang may edad 2 years old
pabab, at 30% naman nasa 13-30 years age
bracket. Ibig sabihin, halatang pauso ko lang
ang survey na ‘to. Pero lagi ko pa ring iniisip
ang kapakanan ng mga kabataan sa mga
isinusulat ko. At ayokong iuro sa kanila ang
maling paraan ng pagtangkilik sa akon.
May edad na 18 taong gulang pataas noong
2003. Lumalabas na 94% sa atin ang may - Pambansang pagsusuri ng National Book Board sa mga
kakayahang magbasa ng mga simpleng salita, Pilipinong
90% ang nakapagbasa ng libro, at 68% ang
nakapagbasa nan g mga librong walang
kinalaman sa eskwealahan.
Lumalabas na literado ang karamihan sa
Piinoy. Pero sa pagsusuri, meron lang isang
bookstore ang bansa para sa bawat 30,000 na
mga Pilipino. Ayon din sa National Library 511
lang ang may municipal library sa 1,496
municipalities ng buong bansa, at 49 lang sa
80 provinces ang may provintial library. 4%
lang sa mga Pilipinonang may library sa
bahay, at 42% lang sa mga Pilipino ang may
public library sa lugar nila.

Lahat ginagawan ko ng kwento base sa mga -Palabas sa telibisyon tuwing Sabado


cartoon ng Suturday Fun Machine sa Channel
9. Pag kailangan ko ng mga “kalaban,”
kumukuha lang ako sa mga display naming
figurines.

Trying hard, gumawa ako ng sarili kong -Ay isang metaserye ng koponan ng superhero ng
komiks nung high school base sa mga sentai Hapon ng serye sa TV na ginawa ng Toei Company.
ng Hapon.

Naibulalas ko lang ang salitang “Bobong -Wala na ito ngayon pero ditto nagsimula si Bob Ong
Pinoy”dati dahil sa pagkakadismaya sa mga magsulat
naging takbong pangyayri sa bansa. Bobong
Pinoy… Kontrobersyal na pangalang
humahamon sa lahat para pabulaanan.

Kung sundalo ka lang at panangga sa mga -Ayon ito sa Ancient History


pana at sibat ng kalaban, di mo na kailangan

Nasa ganoong takbo ang pag-iisip ko noon -bitamina na para sa utak na tumutulong sa tao para
nang bumili ako ng “brain vitamin” na nabasa maging matalino
ko sa dyaryo, umaasang magkakaroon ng
superpowers ang utak ko at gagaling ako sa
pagsusulat.
Sa isang episode dati ng The Amazing Raze, -Isa itong palabas sa kumpetisyon sa katotohanan ng
napanood kung paano pumasok sa isang Amerikano kung saan karaniwang labing isang pangkat
presinto ng Kilimanjaro ang isang Amerikano.
Dahil nagmamadali , maangas nitong
tinanong ang pulis doon ng: “DO YOU SPEAK
ENGLISH?” na mabilis naming sinagot ng
native! Marunong sila mag-English, pero
ipinaalam nila sa mga preskong dayuhan kung
sino ang dapat mag-adjust.

Sa ngayon, nangyari na lahat ang mga ipinag- -Isang protesta na nagbunga mula sa pagkakadakip kay
aalala ko. Nagkakaroon nan g EDSA Tres. dating Pangulong Joseph Estrada noong Abril 2001.
EDSA 3.25.EDSA 3.67 EDSA 3.902. EDSA People power o puwersa ng mamamayan na nagdulot
(almost) 4. At EDSA Pffft! Hati ang simbahan. ng matinding pagkahati sa lipunan.
Hati ang senado. Hati ang kongreso. Hati ang
mga tao.

Sa politika natin ngayon, kabaliktaran n’yan -Isang kilusang panlipunan, malubhang naayos ngunit
ang katotohanan. Tulad na lang ng isang patuloy na kampanya upang suportahan ang isang
celebrity na nagtatag ng social movement hangaring panlipunan, karaniwang ang pagpapatupad o
noon 2004 para tapusin na ang sobrang ang pag-iwas sa isang pagbabago sa istruktura o mga
politika sa bansa . ang daming tumawag sa halaga ng lipunan.
programa sa TV kung saan s’ya ini-interview
noon. Marami ang gusting sumali. Pagkalipas
ng isang buan nalaman ko lang tatakbo
palang senador si celebrity.

Totooo. Hindi ako makatagal sa higit isang -Ito ay isang channel sa telebisyon sa subscription sa
palabas ng National Geographic, Discovery Asya na nagtatampok ng di-kathang-isip, factual
Channel, o animal planet. Hindi kayang programming na kinasasangkutan ng kalikasan, agham,
gilingin ng utak ko ang sobrang dami ng kultura at kasaysayan, na ginawa ng National
impormasyon tungkol sa mundo. At yun ding Geographic Society.
kapangyarihan na yon ang nagbigay sa akin
ng Talangka, Aso, Pagong, at Kuneho.

- Taong 2001 Inumpisahan ang story board ng , pero


Nobyembre ng 2004 na ‘to natapos. Gaya ng inaasahan.
Alamat ng Gubat Nanibago ang mga mambabasa sa fiction ng ikaapat na
libro, at meron silang mga hindi nagustuhan dito.
Pero ayokong pagtuunan ng pansin ang -Ito ay ang mga bayani na napapanood sa telebisyon na
pangangailangan natin sa isang bayani. gumagapi sa kasamaan.
Bayani si
Shaider, si Batman, si Astroboy, at si Darna.
Pero kug titignan mo ang mga mundo nila
punong-puno ng mga halimaw, higanteng
ahas demonyong robot, lindol, sunog krimen
at anu’t ano pang trahedya.

Ipinagbawal nan i Education Secretary - Alinsunod sa Republik Act 8976, o Food Fortification
Florencio Abad sa pamamagitan ng DepEd Act of 2000.
Order No.17 ang paggamit ng “vetsin” sa mga
pagkain sa pampublikong eskwelahan, at
pagtitinda ng junk foods, softdrinks at mga
artificial juice. Liban sa mga fresh juice,
shake, gatas, prutas,gulay kanin, mais, at mga
seal o fortififed foods na lang ngayon ang
aprubado ng ahaensiya. Bukod ditoipnag
uutos na rin ng Department of Education ang
paglalagay ng menu sa bulletin board ng mga
canteen kung saan dapatmakitang nakalista
ang nutritional value ng bawat pagkaing
itititinda nila

Ewan ko kung Tourette Syndrome ang tawag -Isang problema ng nervous system na unang
doon Alzheimer’s inilarawan ng French neurologist na si Gilles de la
Tourette, higit sa 125 taon na ang nakalipas.

Naniniwala ako sa isang prinsipyo sa -Ito ay ang pag-aaral sa isip ng tao kabilang ditto ang
Psychology na nagsasabing para makuha mo pag-uugali at mga emosyon ng isang tao.
ang gusto mi, kailangang nakatatak ito sa ipi
mo nang buong-buo.

Hindi mo kailanganng mag-umpisa kaagd sa -isang nobela na isinulat n gating magitingna bayaning
pagsuslat ng sequel ng El Filibusterismo o si Dr. Jose Rizal na buong pusong inalay sa tatlong
conspiracy theory sa pagitan nina George paring martir, na lalong kilala sa bansag bba
Bush at ng Alien sa predator. GOMBURZA
IV. MGA NATUKLASAN

Base sa mga pag-aaral na aking nagawa at base narin sa mga nakalap kong mga salita na
nakapaloob sa nobelang “Stainless Longganisa” ni Bob Ong masasabi kong iba ito sa kaniyang mga
naunang mga libro gaya nalang ng ABNKKBSNPLAKo?! Na nakatuon sa mga mag-aaral. Ang librong ito ay
nakatuon sa mga isyung kinakaharap ng mga manunulat gaya ni Bob Ong.

Isa sa mga importanteng natuklasan ko sa nobelang ito ay ang katangian ni Bob Ong bilang isang
malikhaing manunulat. Naintindihan ko rin na importante sa pagsusulat ng libro ang iyong mga
karanasan sa buhay gaya nalang ng nobelang ito na halos lahat ay nakatuon sa buhay ni Bob bilang isang
manunulat. At natuklasan ko na para maging isang epiktibong manunulat dapat na ikaw ay maging tapat
at walang kinakagtakutan. Matapang na karakter ang isa sa nagustuhan ko kay Bob. Natawa ako nang
sinabi niya na tamad siyang maligo. Nalaman ko rin sa nobela ang mga naging inspirasyon at nag udyok
kay Bob na magsulat, mga libro na binasa’t at di binasa na binili niya.

Natuklasan ko rin na hindi lang siguro kay Bob pati na rin sa iba pang mga manunulat na ang isa
sa pinaka-ayaw nila ay ang plagiarism o pangongopya ng mga linya na galing sa manunulat na hindi man
lang binibigyan ng kredito sa totoong awtor. Sinabi ni Bob na ayaw niya ito pero sa kabilang banda
nama’y sinabi rin niya naiintindihan niya ang mga mag-aaral na pwedeng ang ibig sabihin ay ginawa na
niya noong siya ay mag-aaral pa. masining gumawa ng libro si Bob hindi lang referential na gamit ang
wika ang napakaluob sa nobela mayroon ring mga matalinghagang mga pahayag. Hindi ko maintindihan
paminsan si Bob pero may iba sa kanyang pagsusulat na pawang ikaw ay makakasabay sa kalikutan ng
kanyang isip. Makamasa ang paggamit ng mga salita kaya nakakasabay lahat ng mga mambabasa. isa sa
mga natawa ako noong nagtanong siya sa mga tao patungkol sa libro niya. Noong nakikipag usap siya sa
kanyang mga tag subaybay. Hindi siya mayang, ayaw niya ng mga autographs at tours kasi hindi naman
daw tungkol doon kung bakit siya nagsusulat.

Yan ang iilan sa mga natuklasan ko sa nobelang ito kay Bob Ong na malaki ang naibahagi ng
pagbabasa at panonood ng mga pahayagan sa telibesyon, radyo o tabloid. Nakakatulong ito sa paggawa
ng libro para hindi lang puro patawa ang laman nito kundi meron ding mga impormasyon na merong
mga sunggunian.

V. KONKLUSYON

Hindi para sa mga tamad ang pagsusulat. Mata lang ang kailangan ng pintor para malaman kung
pangit o maganda ang produkto n’ya. Tenga lang ang sa musikero. Dila at ilong lang ang sa kusinero. At
dalawang oras lang ang sa mamemelikula pero sa manunulat, kailangan niyang basahin ngang paulit-ulit
at intindihin ang mga naisulat.

Isang technique na ginamit ni Bob ay ang paggamit bilang sanggunian o referential. Maraming
mga salita na ginagamit ni Bob na nanggaling sa mga aklat at iba pang sanggunian para maparating ang
mensahe at impormasyon na gusto niyang iparating sa mga mambabasa.

VI. REKOMENDASYON

Ang aking maiirerekomenda ay dapat mas direso sa puntong gusto niyang sabihin. Mas mag
pokus lang siguro sa isang aspekto ng sturya kasi may mga paksa na hindi siya mayadong akma sa sturya.
At kung sana’y mas ramihan pa ang mga paggamit ng mga sanggunian para mas impormatibo ang libro.
Wala. Magaling at malikhain ang nobela ni Bob nakakapag bukas ng isipan kung ano talaga ang trabaho
ng mga manunulat at mga sakripisyo na nagawa nila para lang mapasaya tayong mga mambabasa.

You might also like