Komfil Final

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

ECONOMICS

Ang ekonomiya ay binubuo ng sistemang ekonomiko ng isang bansa kung saan may paggawa,pamamahagi ng

kalakal, pati na rin ang pagkonsumo ng mga kalakal as serbisyo ng ibat ibang ahente. Ang ekonomiya ay

tinutukoy bilang isang social domain na nagbibigay diin sa mga kasanayan, diskurso at material na ekspresyon na

nauugnay sa paggawa, paggamit at pamamahala ng mga pagkukunan para umunlad ang ekonomiya ng bansa.

A TIME SERIES ANALYSIS OF MACROECONOMIC DETERMINANTS OF CAPITAL EXPENDITURE AND ITS

APPLICATION TO REGION IV-A (CALABARZON)

Ayon sa aking nabasa at naunawaan patungkol sa “A TIME SERIES ANALYSIS OF MACROECONOMICS

DETERMINANTS OF CAPITAL EXPENDITURE AND ITS APPLICATION TO REGION IV-A (CALABARZON).

Nilalayon ng pag-aaral na ito na malaman kung paano ang pamumuhunan sa kapital, sa anyo ng mga paggasta

sa kapital sa Pilipinas, pagtugon sa iba`t ibang mga tagapagpahiwatig ng ekonomiya sa paglipas ng panahon.

Dapat ang palitan ng piso-US dolyar ay mataas, antas ng presyo ng pamumuhunan, lakas ng paggawa, at

kawalan ng trabaho ay maayos at pantay dahil ito ay nakaka-epekto sa ekonomiya upang matugunan ang pang

hina at paglakas ng pamumuhunan ng ekonomiya sa Pilipinas. Ayon sa aking nabasa, napag-alaman na ang

Pilipinas ay bumaba ang ekonomiya base sa obserbasyon ng National Statistics Coordination Board. Ang

nasabing datos ay napagalaman na kabaliktaran na uganayan ang pagtaas ng pagagasta ng kapital particular na

ang Rehiyon IV-A (CALABARZON). Ayon sap ag-aaral ang Rehiyong IV-A ang may pinakalamalaks na tama

saantas ng pang ekonomiya sa lahat ng rehiyon ng Pilipinas. Dapat bigyang pansin ng gobyerno ang ganitong

sitwasyon upang tumaas ulit at makabalik sa dati ang matinding pinsalang inabot sa ekonomiya ng Rehiyon IV-A

(Calabarzon). Masasabi natin na ang kahirapan ay nag uugat sa di pantay at di patas na distribusyon ng kita kaya

ito ang malalang suliraning panlipunan ng Pilipinas. Masasabi natin na ang krisis ng ekonomiya ay galling mismo

sa tao dahil madalas ito ay bilang resulta ng maling pagpapasya. Kinakailangan talaga na magpanukala ng ilang

mga patakaran at dapat na mabuo nang maayos upang matugunan ang mga kahinaan ng ilang mga

tagapagpahiwatig ng macroeconomic na may mga negatibong pampalakas ng pamumuhunan ng ekonomiya ng

Pilipinas.

IMPACT ASSESSMENT OF CARD BANK’S LENDING PROGRAM IN ALAMINOS, LAGUNA


Ang card bank ay isang instruento upang mas mapabilis na nito ang transaction sa ating pang araw-araw. Sa

panahon ngayon ang credit bank ang nagsisilbing pag-asa ng ilang tao dahil mahirap nang magtagal sa mall,

park, palengke at kung saan mang lugar, kaya naman ginagamitan na ng card bank. Ngunit ang lending o utang

sa card bank ay may kasamaang dulot. Para sa karamihan, ang credit bank lending program particular sa

Alaminos Laguna ay isang lisensya upang mapaginhawa ang buhay at maranasan ang “buy now, pay later”.

Habang ini-enjoy ang paggamit at pang-lustay ng credit bank ay may kalakip na kautangan kapag nagpatong-

patong ang di nabayarang balance at umabot ito sa credit limit. Ayon sa aking nabasa na ang epekto ng card

bank’s lending program sa alaminos laguna ay nagpapakita ng mga resulta na mayroong pagbabago sa antas

ng mga kondisyon sa pamumuhay sa mga tuntunin ng mapagkukunan. Kabilang na rito ang kita, mga uri ng

bahay, bilang ng mga gamit sa bahay, paggasta sa pangunahing mga pangangailangan, at paglilibang. Dahil sa

programang ito particular na sa lugar ng Alaminos laguna ay may malaking epekto sa antas ng pamuuhay ayon

sa datos na na-tabulate at na-proseso gamit SPSS. Kinakailangan na dapat magpatupad alinsunod sa bangko

at ang mga nanghihiram nito na dapat sumunod sa mga kinakailangan at ang gobyerno ay dapat na maging

instrumento sa pagkamit ng mas mataas na bilang ng micro financing sa pilipinas. Upang mapanatili ding

maayos ang programa ng card bank lending sa Pilipinas at walang mangyaring anumalya ukol dito.

ECONOMIC EFFECTS OF MUNICIPAL ORDINANCE 2008-752 IN LOS BANOS, LAGUNA

Ayon sa nabasa at naiintindihan ko, ipinagbabawal ng ordinansa ang paggamit ng mga plastic bag sa mga tuyong

kalakal at pinaghihigpitan ang paggamit nito sa mga basang kalakal. Naglalayon ito na pag-aralan ang epektong

pang ekonomiya ng Municipal Ordinace 2008-752. Upang makilala at masukat ang rin ang mga pang-

ekonomiyang epekto ng Municipal Ordinance 2008- 752 sa Los Banos, Laguna. Ayon sa aking nabasa ang bayan

ng Los Banos, Laguna ang pinakaunang nagpatupad ng plastic ban. Tanging ecobags at paper bags lang ang

gamit sa mga tindahan at pamilihan. Plastic labo naman ang pinahihintulutang gamitin para sa karne. Sa kabilang

banda, ang ordinansa ay walang makabuluhang epekto sa pattern ng pagkonsumo ng mga residente. Bukod dito,

napag-alaman na ang antas ng pagsunod ng mga mamimili sa ordenansa ay iba-iba sa kanilang kasarian,

nakamit na pang-edukasyon, at edad habang ang pagsunod ng mga negosyong komersyal ay nag-iiba sa ang

mga uri ng kalakal na inalok nila. Base sa pag-aaral na subukan kung anong mga katangian ng mga sambahayan

at firm ang may epekto sa kanilang antas ng pagsunod. Nangangahulugan ito na dapat pang dagdagan ng
pamahalaang munisipal ang pagsisikap nito na hikayatin ang iba`t ibang mga grupo na sumunod sa ordinansa

lalo na ang mga tumukoy na mayroong mas mababang posibilidad na sumunod.

SUSTAINABILITY OF BOXING GYM IN BARANGAY 3, CALAMBA CITY

Ayon sa nabasa at naintindihan ko, nilalayon nitong matukoy ang pagpapanatili ng boxing fitness gym sa

Barangay 3, Calamba City. Ang paglahok sa mga pisikal na aktibidad tulad ng pag-eehersisyo, boxing at pagsali

sa mga ibang larangan ng isports ay napakahalaga sa pagtatag ng physical fitness ng isang tao. Bukod sa pisikal

na kalagayan ay nakakabuti rin sa kalagayang pag-iisip ng isang tao ang pagsali o paggawa ng mga pisikal na

aktibidad. Kaya naman Malaki ang tulong ng pagpapanatili ng boxing fitness gym particular sa Barangay 3,

Calamba City. Hindi naman masama ang pagpunta at pagpapanatili ng boxing fitness gym sapagkat isang paraan

ito para gumanda at maging perpekto ang hulma ng katawan ng isang tao. Para sa akin isa itong magandang

proyekto ng Barangay 3, Calamba City na kailangan ding ipanukala at gayahin ng ibang lungsod ng sa gagun ay

magkaroon din ng arawang ehersisyo ang mga tao. Ito rin ay isang paraan ng pag-iwas sa pisikal na kawalan ng

aktibidad at isang uri ng paglaban ng stress. Ang mga paghahabol na ito ay ginagawang mahalagang bahagi ng

aktibidad ng tao ang boxing fitness gym dahil dito nagaganap ang mga aktibidad para sa pisikal na fitness.Dapat

ugaliing panatilihing maganda ang pangangatawan para humaba pa ang buhay at maging masigla sa araw-araw.

Huwag din kakalimutang uminom ng tubig pagkatapos mag ehersisyo. Tunay ng ana maganda ang pagpapanatili

ng boxing fitness gym para sa ating katawan at kalusugan.

EDUCATION

Ang edukasyon ay isang makapangyarihang armas na maaring gamitin upang mabago ang takbo ng mundo at

ang buhay ng tao. Ang edukasyon ay napakahalagang bagay rin na dapat matamasa ng bawat isa dahil ito ang

natatanging bagay na maaaring makapagpabago ng buhay natin. Ito ay pamana ng ating mga magulang na

walang sino man ang makakanakaw.

THE RELATIONSHIP BETWEEN THE READING HABITS AND THE ENGLISH WRITING PROFICIENCY OF
THE SELECTED 1ST YEAR HIGH SCHOOL STUDENTS OF COLEGIO DE SAN JUAN DE LETRAN
CALAMBA, AY 2009-2010
Base sa aking naunawaan, layon ng pag-aaral na ito na matukoy ang ugnayan sa pagitan ng mga gawi sa

pagbabasa at ang husay sa pagsulat ng Ingles ng mga piling mag-aaral particular sa mga mag aaral na First Year

High School ng Colegio de San Juan de Letran Calamba, AY 2009-2010. Alam naman ng karamihan na ang

pagbabasa ay isa sa mga napakahalagang bagay na dapat nating matutunan. Ito ang isa sa pinaka-epektibong

paraan ng pagkuha ng impormasyon. Kaugnay na ng pagbabasa ang pagsulat. Ang pagsulat ay isang

pangunahing gawain sa edukasyon. Naipapahayang mga mag-aaral ang kanilang mga naiisip. Ayon sa mga

batas sa pagbasa at ang proficiencyong pagsulat ng english ng piling 1st year high school particular na sa mga

mag aaral ng Colegio De San Juan De Letran Calamba pinagtitibay nito ang disenyo ng naglalarawang ugnayan

sa pag-aaral ng mga gawi sa pagbasa at ang husay sa pagsulat ng Ingles. Ipinapakita na ang karamihan sa mga

napiling mag-aaral ng unang taon ng high school ng Colegio De San Juan De Letran Calamba para sa AY 2009-

2010 ay may katamtamang gawi sa pagbabasa habang mayroon silang mas mababa sa average kapwa sa

pagsulat ng gramatika at talata hanggang sa kanilang nabuong mga marka sa kasanayan sa pagsulat ng Ingles.

Ipinapahiwatig nito na mayroong isang ugnayan sa pagitan ng mga gawi sa pagbabasa at kasanayan sa

pagsusulat ng Ingles ng mga napiling mag-aaral ng unang taong high school ng Colegio De San Juan De Letran

Calamba, AY 2009-2010, bagaman ang ugnayan ay napakaliit. Kinakailangan talagang matukoy ang ugnayan sa

pagitan ng mga gawi sa pagbabasa at ang husay sa pagsulat ng ingles sa larangan ng edukasyon.

THE EFFECTS OF MOTHERS ON THE READING PERFORMANCE OF GRADE I PUPILS OF COLEGIO DE

SAN JUAN DE LETRAN CALAMBA, AY 2009-2010

Ang pagbasa ay isang nakakadagdag ng bagong kaalaman. Napapayaman din ang kaalaman at napapalawak

ang talasalitaan. Base sa naunawaan ko, layunin ng pag-aaral na matukoy ang ugnayan sa pagitan ng pagganap

ng pagbabasa particular sa mga mag-aaral ng Baitang I ng Colegio de San Juan de Letran Calamba, AY 2009-

2010 at ang papel na ginagampanan ng mga ina. Nakaka-apekto ang mga ina ng pagganap sa pagbabasa ng

kanilang anak. Dahil natututo ang mga bata sa puder ng kanilang ina sa tahanan. Maaring magkaroon ng epekto

ito sa performance ng bata sa pagbabasa. Napag-aralan sa pag-aaral na mayroong ugnayan sa pagitan ng

pagganap ng pagbabasa ng mga respondente at sa dami ng oras na inilaan ng kanilang mga ina sa pagtuturo sa

kanila. Ang mga resulta ay ipinahiwatig din na mayroong isang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng

pagganap ng mga mag-aaral na ang mga ina ay nagtatrabaho. Samakatuwid, mayroong isang malakas na

rekomendasyon na ang mga guro ng Baitang I,ay dapat na panatilihin ang kanilang mahusay na mga diskarte sa
pagtuturo.Gaya ng kung ano ang nakita sa pagganap ng pagbabasa ng kanilang mga mag-aaral at hikayatin ang

mga ina na maging mas kasangkot at gampanan ang isang malaking bahagi sa pagganap ng akademiko at

paglago ng kanilang mga anak . Dahil magsisimula ang pagkatuto ng mga bata sa mismong tahanan din at sa

pamamagitan ng kanilang mga ina. Makakatulong din ang tamang patnubay at gabay ng ina sa kanilang mga

anak upang sa ganun ay malimita ng ina ang oras ng paglalaro ng kanilang anak at matutukan ang oras ng

pagbabasa para sila ay gumaling sa pagbabasa.

THE LEVEL OF ENVIRONMENTAL AWARENESS OF EDUCATION STUDENTS OF COLEGIO DE SAN


JUAN DE LETRAN CALAMBA, AY 2009-2010
Base naunawaan ko, layon nito na tukoyin ang antas ng kamalayan sa kapaligiran ng partikular ang mga mag-

aaral sa Edukasyon ng Colegio de San Juan de Letran Calamba, AY 2009-2010. Sa edukasyon hindi lang basta

natututo at nakikinig, kailangan din isulong ang kaalaman sa pangangalaga ng ating kalikasan at likas na yaman.

Base sa pag aaral ukol sa antas ng kapangyarihang kamalayan ng mga mag-aaral sa edukasyon ng Colegio De

San Juan De Letran Calamba, ay 2009-2010. Ipinakita na ang resultang pangkalahatan sa antas ng kamalayan

sa kapaligiran ng mga mag-aaral sa edukasyon sa mga tuntunin ng kasarian, antas ng taon, at mga pinuno ng

paksa (Ingles, Matematika, o Preschool) ay pawang "Napakababa." Ipinapahiwatig nito na ang kamalayan sa

kapaligiran ay hindi bahagi ng kanilang pag-aaral; samakatuwid, ang kamalayan sa kapaligiran ng mga mag-aaral

na ito ay dapat na pinahusay sa kanilang programa sa agham sa pamamagitan ng pagsasama ng kamalayan sa

kapaligiran sa biodiversity, pagbabago ng klima, napapanatiling pag-unlad, polusyon, at paglipad ng mga

katutubo. Kailangan maging bukas ang kamalayan natin sa kahalagahan ng kalikasan dahil marami itong

naitutulong sa ating mga tao. Tulad ng pinakukunang natin ng pagkain, malinis na hangin, at pang sangga sa

anumang kalamidad na darating. Lagi natin isa -alang alang na ang kalikasan ay ang buhay ng tao. Naka

depende ang bawat tao sa kung ano ang mabibigay ng kapaligran sa kanya. Kaya naman napakahala ring pag-

aralan ito at tukuyin ang antas ng kamalayan sa kaligiran, bilang simbolo kung gaano natin binibigyang

importansiya at pagmamahal ang ating kalikasan.

THE AFFECTIVE DOMAIN IN LEARNING MATHEMATICS I OF THE FIRST YEAR HIGH SCHOOL
STUDENTS OF COLEGIO DE SANJUAN DE LETRAN CALAMBA, AY 2009-2010
Ayon sa aking nabasa at naunawaan, layon ng pag-aaral na ito na matukoy ang papel na ginagampanan ng

apektadong domain sa pagkatuto ng Matematika ng particular sa mga mag-aaral sa unang taon ng high school ng

Colegio de San Juan de Letran Calamba, AY 2009- 2010. Marami naman sa atin ay kahinaan at kinakatakutan

ang asignaturang matematika. Ayon sa pag-aarl ukol sa nakakatanging domain sa pagkatuto ng Mathematics I ng

unang taon high sa mag-aaral ng Colegio de San Juan de Letran Calamba, ay nagpapakita na ang katayuan sa

socioeconomic at pagganap ng akademiko ng mga mag-aaral ay hindi nauugnay sa kanilang nakakaapekto na

domain. Samakatuwid, inirerekumenda na dapat magkaroon ng mga makabagong diskarte sa pagtuturo sa

Matematika para maunawaan ng mga mag-aaral at masiyahan nang mabuti ang mga talakayan sa paksa. Tama

nga naman na dapat magkaroon ng mga panibagong stratehiya sa pagtuturo ng matematika. Kinakailangan din

makuha ang atensyon ng mga mag aaral upang mas higit pa nila itong maunawaan. Dahil ang matematika ay

hindi bast-basta asignatura, dapat bigyan ito ng sapat na oras para maituro ng maayos sa mga mag-aaral. Upang

sa ganoon ay hindi lang sa asignaturang matematika ang npapaunlad, pati na rin ang interaksyon ng bawat isa sa

pamamagitan ng matematika. Mahalagang bigyan din ng pansin ang mga nararamdaman sa asignaturang

matematika. Para malaman rin ang mga bagay na dapat pang gawin at bigyang pansin para matuto ang mga

mag-aaral ng kasiyahan. Mag-isip ng mgamadikarteng paran para matutukan ang aspeto ng maramdamin na

dominyo sa pagkatuto sa asignaturang matematika.

TOEFL READINESS OF THE SELECTED FOURTH YEAR NURSING STUDENTS OF UNIVERSITY OF


PERPETUAL HELP DR. JOSE G. TAMAYO MEDICAL UNIVERSITY, BINAN, SY 2009-2010
Ayon sa aking nabasa at naunawaan, nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy ang kahandaan ng TOEFL ng

mga napiling mag-aaral sa ikaapat na taong nars ng University of Perpetual Help-Dr. Jose G. Tamayo Medical

University sa Binan, Laguna. Alam naman ng lahat na ang mga nars ay nagsisilbing may kritikal na tungkulin sa

larangan ng medisina. Isang trabaho na tagapag-alaga ng may sakit. Isa itong propesyon na nakatuon sa

pagtulong sa mga indibidwal at matulungan sila sa kanilang kalusugan. Kaya naman kinakailangan maihanda ang

sarili ng isang nars sa paglilingkod sa aspetong pang-medikal. Ayon sap ag-aaral, napag-alaman na ang

kahandaan ng TOEFL ng mga respondente ay "Makatarungang" na may average na grade na 82.33%. Ang

paghahanap na ito ay batay sa kinakalkula na mga resulta sa pagsubok at katumbas ng pagganap ng Letran

Calamba. Ipinakita rin na mayroong isang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng mga marka ng pagsubok sa

TOEFL ng mga respondente at ang kanilang paggamit ng mga materyales sa Ingles. Alinsunod dito, ang iba't

ibang mga aktibidad na magpapahusay sa kasanayan sa komunikasyon sa Ingles ng mga mag-aaral lalo na sa
istraktura at nakasulat na ekspresyon ay dapat isama sa kanilang mga aralin. Upang masanay at maihanda ang

mga nars sa tabahong kanilang tinatahak at makapaglingkod ng maayos sa mga taong nangangailangn sa

aspetong medikal pagdating ng tamang panahon.

SOCIAL COMPETENCE OF CHILDREN WITH ATTENTION DEFICIT HYPERACTIVITY DISORDER (ADHD)


FROM SPED PROGRAM OF MAYAPA ELEMENTARY SCHOOL, CALAMBA CITY, AY 2009-2010
Ayon sa aking nabasa at naunawan, ang pag-aaral na ito ay patungkol sa kakayahang panlipunan ng mga batang

may Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) mula sa programa ng SPED ng Mayapa Elementary School,

Calamba City. Ang ADHD o Attention Deficit Hyperactivity Disorder ay may mga negatibong epekto. Ayon sa pag-

aaral, ang resulta ng pagkakaroon ng ADHD ay nagsiwalat na ang karamihan sa mga kaso ay madalas na

nagpapakita ng positibong pag-uugali patungkol sa iba't ibang mga lugar ng mga kasanayang panlipunan tulad ng

larong panlipunan, regulasyon sa emosyonal, mga kasanayan sa pangkat, at mga kasanayan sa komunikasyon

na nakikita ng kanilang mga magulang at guro. Karamihan sa mga magulang ay tinukoy na ang kalagayan ng

kanilang mga anak at maayos naman ang pakikitungo sa mga kaibigan, ngunit naapektuhan nito ang mga

aktibidad sa pag-aaral ng bata at paglilibang. Tinukoy din na ang mga kundisyon ng mga kaso ay hindi kailanman

naging isang pasanin sa kanilang pamilya bilang isang buo. Karamihan sa mga kaso ay may mataas na antas ng

kakayahang panlipunan na napansin ng kanilang mga magulang at guro. Kahit na ganun pa man ang kalagayan

ng mga batang may ADHD, kailangan pa rin silang alagaan at mahalin. Sila din ay tao na katulad natin na may

kalayaang gawin ang nais sa mundong ito. Kailangan bigyan ng pansin at aruga dahil kailangan nila ng

magmamahal at mag-aaruga sa kanila. Kinakailangin rin magkaroon ng malawak na pang-unawa sa kanilang

kalagayan.

PSYCHOLOGY

Ang sikolohiya ay ang pag-aral ng isip, diwa at asal. Mahalaga ang sikolohiya, dahil matututunan ang pagtakbo ng

ating utang at mas mainam nap ag-intindi sa ating kapwa sa ibat-ibang pag uugali.

THE PERCEPTION OF SELECTED COLLEGE STUDENTS ON THE GUIDANCE AND TESTING SERVICES OF COLEGIO DE SAN
JUAN DE LETRAN CALAMBA
Ayon sa aking nabasa at naunawaan, niilalayon ng pag-aaral na ito na malaman ang pang-unawa ng mga piling

mag-aaral sa kolehiyo sa mga serbisyo sa patnubay at pagsubok ng Colegio de San Juan de Letran Calamba. Sa
pag-aaral na ito, ay gumamit ng pananaliksik na naglalarawan.Napag-alaman na ang pang-unawa sa mga

napiling mag-aaral sa kolehiyo bago at pagkatapos makinabang mula sa mga serbisyo ng patnubay na tinutupad

ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral ay kailangan pakinggan ang saloobin ng mga mag-aaral sa

kanilang sagot. Kabilang dito ang tuntunin ng pag-unlad sa akademiko, karera, at personal / panlipunan, ngunit

mayroon rin ilang mga pagpapahusay na gawin ang mga serbisyong ito hanggang sa mga pisikal na katangian ng

tanggapan ang nababahala. Ang isa sa mga rekomendasyon ay upang isaalang-alang ng tanggapan ang mga

mungkahi na ipinahiwatig ng mga mag-aaral sa kanilang mga sagot. Kinakailangan na malaman ang pang-unawa

ng mga mag-aaral sa mga serbisyo sa patnubay at pagsubok. Upang mapag-aralan kung paano kokontolin at

pamumunuan ang kanilang pagkatuto galling ang isip. Dapat rin isaalang-alang ang kanilang iminungkahing

sagot. Dahil ito ang magiging basehan para sa malusog na kaisipan. Gabay at pang-unawa ang dapat ipairal sa

pangangailangang pangka-isipian ng mga mag-aaral particular na sa paaralan ng Colegio De San Juan De Letran

Calamba. Para matugunan ang pangangailangan ng mag-aaral at mabigyan ito ng magandang serbisyo lalo na

sa aspetong pang kaisipan.

LEARNED HELPLESSNESS AND MEANING OF LIFE OF VERBALLY ABUSED HELPERS IN THE MARKET
SITE, CALAMBA CITY, LAGUNA

Ayon sa aking nabasa at pagkaka-unawa, layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang identidad ng mga inaabuso

sa tindahan, mga uri ng pang-aabusong kadalasang may masamang pagtawag sa pangalan, pagpuna, pagsigaw,

pangungutya, pag-order, pananakot, at pagmamaliit, mga di pantay na trato kung ano ang esto at narrating sa

buhay partikular sa Calamba Public Market. Ang pang-aabuso ay ang pagtrato sa iba nakakasakit o

nakakapinsalang paraan. Pinipinsala nito ang isipan, ang espiritu at kadalasan ay ang katawan din. Sinuman ay

pwedeng mabiktima ng pang-aabusong berbal. Kahit saang lugar at kung anuman ang edad, kasarian o katayuan

sa buhay. Maaaring ilan sa kanila ay walang sapat na kakayahang protektahan ang sarili. Ang pang-aabusong

berbal ay sobrang nakaka-epekto sa damdamin ng isang tao. Ang isang tao ay may malambot na damdamin

kapag paulit-ulit na sinasabihan ng negatibong salit o nakakababang mga salita. Bumababa ang moralidad ng

isang tao kapag nakakaranas siya ng pang-aabusong berbal at minsan dahil sa negatibong salita ay nagkakaroon

pa ng di pagkaka-unawaan na humahantong minsan sa away. Kinakailangan maging positibo sa buhay at

magkaroon ng kasiyahan, magkaroon ng mabuting karakter sa kabila ng sama ng loob, pagbibigay ng mga

pangangailangan para sa kanilang mga mahal sa buhay, pag-aaral mula sa mga kahirapan sa buhay, pagtitiyaga

upang lubos na nakakaimpluwensya sa kahulugan ng buhay at mapanatili ang maayos na pakikisama sa iba.

You might also like