Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

SCENE 1

Setting: dagat/ dalampasigan


Tumatakbo si Elias at Ibarra palabas sa San Diego papunta sa dalampasigan (may
nakahanda silang Bangka)
Elias: Crisostomo, hinahabol na tayo ng mga guwardiya sibil, ikaw na lamang ang
mamangka at ililigaw ko sila
(pinigilan ni Ibarra si elias)
Ibarra: Huwag ka nang umalis, lumaban na lamang tayo
Elias: Hindi tayo mananalo sa kanila sapagkat wala tayong sandata. Magkita na
lamang tayo sa Noche Boena sa libingan ng iyong mga ninunu. Mauna na kayo
ginoo, paalam.
(labag man sa kanyang loob ay sumakay na ng Bangka si Crisostomo at nagsimula
nang mag sagwan papalayo. Dinig na dinig ni Ibarra ang tunog ng baril ngunit wala
na siyang nagwa at nawala na ang buhay ni elias)
Sa kabilang banda (scene 2)

Scene 2
Setting: Gubat
BASILIO: Inay! (Sigaw ng isang bata habang hagkan ang kanyang ina. Iyak
lamang siya ng iyak hanggang sa may dumating na isang lalaking tila naliligo na
sa kanyang sariling dugo at halos pagapang na ng lumapit sa kanya.)
ELIAS: S-sino ang b-babaeng iyan?
BASILIO: Siya po si Sisa…Nanay ko. (Tugon nito habang umiiyak.)
ELIAS: Makinig kang Mabuti sa akin. (namimilipit na siya sa sakit ng kanyang
sugat) sunugin mo ang mga bangkay naming ng iyong ina. Kung walang
dadarating na sinuman ay hukayin mo ang mga ginto na ibinaon ko. Ariin mong
iyo ang mga iyon at gamitin mo sa pag-aaral. (hingal na hingal na sambit ni Elias.
Bago malagutan ng hininga si Elias ay tiningnan niya ang papalubog na araw
at…) Mamamatay akong hindi man lang makikita ang bukang-liwayway sa mahal
kong bayan. Kayong mga nakasaksi nito, batiin niyo siya at huwag sanang
kalimutan kaming mga namatay at nagtanggol sa inang-bayan. (kasabay ng
paglubog ng araw ay ang pagkawala rin ng buhay ni Elias.)

Scene 5
Setting: Sa bapor (Kubyerta)
Makikita sa bapor ang hindi pantay na pagtingin sa mga mamamayan. Sapagkat
ito ay nahahati sa dalawang bahagi- ang ilalim at ang ibabaw. Makikita sa ibaba
ang mga indio, mga chino at mga mestizo na pawisang nagsisiksikan kasama ang
mga baul at kalakal. Sa bandang itaas naman ay makikitang prenteng nakaupo ang
ilang prayle at iba pang may sinasabi sa lipunan.
DONYA VICTORINA: Kapitan wala na bang itutulin ang bapor na ito? Kebagal-
bagal! (naiinis na tinig ng Donya)
KAPITAN: Mababaw po sa bahaging iyon, ginang. Marahan po ang patakbo dahil
tayo’y daraan sa palayang iyan (itinuro ng kapitan kay Donya victorina ang bahagi
ng ilog na tila palayanan)
DONYA VICTORINA: Mangyari man ay walang maayos na lawa sa lupaing ito.
(bago paman may makapagsalita sa isa sa kanila ay sumulpot ng bigla si Simoun –
isang mag-aalahas.)
SIMOUN: ang solusyun ay napakadali, hindi ko nga lang mawari kung bakit walang
sinuman ang nakaisip nito.
(napatingin kay Simoun ang grupo maging si Donya Victorina ay nagulat sa
presensiya nito, napataas ito ang kilay at…)
SIMOUN: (sumilay sa mukha nito ang isang ngisi) Naisip ko lamang na magandang
solusyon sa ating problema kung magbubukas tayo ng panibagong ilog. humukay
ng tuwid na kanal na buhat sa bunganga ng Ilog hanggang sa labasan na daraanan
patungong Maynila at sarhan ang dating lagusan ng Ilog Pasig para sa paglalakbay
PADRE SALVI: ngunit saan tayo kukuha ng salaping gagastahin sa mga
manggagawa?
SIMOUN: hindi problema iyan, gamitin natin ang mga bilanggo bilang
manggagawa. Kung di ito sapat ay gamitin ang mga mamamayan, bata man o
matanda ay pagawain. Sa ganoong paraan ay wala tayong mawawaldas na pera.
DON CUSTUDIO: Pagsisimulan lamang iyan ng pag-aalsa ng mga tao.
PADRE SIBYLA: makailang ulit nang may naganap na paghihimagsik sa bayang ito.
Noong panahong pinipilit silang maghakot ng malalaking kahoy para sa gagawing
daong ng mga barko. Naghimagsik sila noon antes, ang nangyari noon ay
pwedeng mangyari ulit.
SIMOUN: Ito’y hindi na mangyayari ulit, Padre Sibyla. At pwede bang tigilian nyo
na ang pagbanggit ng kahangalan. Anong halaga ninyo mga prayle kung
magkakaroon ng himagsikan sa bayang ito?
(hindi na pinansin ni Simoun ang mg atumututol at nanaog na siya sa maliit na
hagdanan paibaba)

SCENE 6
Setting: silong ng kubyerta
Sa ilalim ng bapor nag uusap sina Basilio, Isagani at ang kapitan habang naglalakad
Backround: mga ginoong nagsusugal at mga binibining nag uusap
Basilio: Kapitan nais po sana naming ipaalam sa iyo na nagbabalak po kaming mga
kabataan na magtayo ng isang institusyon gamit ang wikang Kastila.
Kapitan Basilio: Institusyon na may wikang kastila? (hahawak sa baba) hmm?
Mukhang mangandang ideya iyan ngunit nakakalungkot na hindi iyan matutuloy
dahil alam niyo namang tututol diyan si Padre Siblya
Isagani: Matutupad po ang aming panukala sapagkat tutulungan kami ni Padre
Irene. Niregaluhan po namin siya ng dalawang kastanyo at nangako siyang
tutulungan kami.
Kapitan Basilio: Pero saan naman kayo kukuha ng pundong gagamitin
Basilio: Mag-aambagan po kami maging ang mga estudyante. Ang mga guro
namon po ay kalahating Pilipino at kalahating kastila upang maging pantay ang
pagtuturo.
Kapitan Basilio: (hawak sa balikat ni basilio) naway maging matagumpay ang
inyong mga pinaplano. Ah sige maiwan ko muna kayo, balitaan niyo na lamang
ako kung may pag unlad na sa inyong panulaka
(lumisan na ang Kapitan….. nang makalayu na ito ay nag usap sina Basilio at
Isagani, sa kalagitnaan ng kanilang pagtatawanan ay biglang dumating si Simoun)
Simoun: Magandang araw sa iyo ginoong Basilio. Nais ko lamang mangumusta
pagpasensiyahan niyo na kung ako ay nakaka-abala sa inyong pag uusap. ( sambit
niya habang naka ngiti)
Basilio: Magandang araw din sayo ginoong Simoun, wag kayong mag-alala hindi
naman kayo nakaka-abala. Siya nga pala si Isagani, matalik kong kaibigan. Isagani
si ginoong Simoun.
Isagani: Nagagalak po akong makilala kayo ginoo
(Nagkamayan ang dalawa)
Simoun: Ganun din ako, siya nga pala kamusta na ang inyong lalawign? Balita ko
ay talamak doon ang kahirapan, totoo ba iyon? Ni hindi daw makabili ng alahas
ang mayayaman doon
Isagni: Totoo pong hindi kami bumibili ng alahas sapagkat di naman namin ito
kailangan (nakangiti niyang sambit)
Simoun: Indio ang nagkukura sa inyo kaya naghihirap ang inyong lalawigan. Maiba
ako nais niyo bang uminom ng serbesa?
Basilio: Pasensiya na po pero hindi kami umiinom
Simoun: Hindi umiinom? Tsk kaya kulang sa lakas at sigla ang mga Pilpino ay dahil
puro tubig lamang ang iniinom, tama nga ang sabi ni Padre Camorra.
Isagani: Ginoo paki-paki sabi na lang po kay Padre Camorra na mas maigi kung
tubig ang kanyang iinumin upang mawala na an mga bulung-bulungan patungkol
sa kanya
Basilio: Isa pa kahit na ang tubig ay matabang itoy naiinom at may kakayahan
itong pumatay ng apoy. Kapag ito naman‘y pina-init ay nagiging singaw, at kapag
ito’y inyong ginalit ay nagiging malawak na karagatan na maaring magwasak sa
sangkatauhan
(ngumisi lamang si Simoun sa sagot ni Basilio)
Simoun: Ganun ba? Oh siya at maiwan ko na kayo at ako ay may gagawin pa
(umalis na si Simoun)
Isagani: Nakakakilabot talaga ang taong iyon Basilio
Basilio: Bakit naman? Alam mo bang siya ang tag-payo ng Kapitan Heneral?
Isagani: Ano? Bakit hindi mo sinabi kaagad Edi sana mas naging maayos ang
pakikitungo ko sa kanya kanina

Scene 7
Setting: sa bapor (kubyerta)
DON CUSTODIO: Ang buwis na—(hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin ng
Makita niya si Simoun…) Oh! Ginoong Simoun buti naman at nandito ka na.
Sayang lang at di mo Nakita ang napakagandang tanawin kanina, saan ka ba
nanggaling?
SIMOUN: Naglaka-lakad lamang ako at isa pa mas maganda parin ang isang lugar
kung ito’y pinaglumaan na ng panahon kung saan marami ng alaala ang
nakapalibot. Kesa sa isang magandang tanawin na hubad sa alamat.
KAPITAN: Kung alamat lang din ang pag-uusapan ay dyan mayaman ang Ilog Pasig.
Nandyan na ang alamat ng malapad sa bato at ayon daw sa mga tao noon ay
buhay ang batong ito. Ito ang sinasamba ng tao bago pa man dumating ang mga
Kastila, ang sabi pa ay pinananahanan ito ng espiritu kaya naman ang mga
bangkang dumadaan malapit sa bato ay bigla na lang tumataob.
(magpapatuloy pa sana ang kanilang kwentuhan tungkol sa mga alamat ng biglang
nagsalita si Ben Zayb at tumingin sa Kapitan…)
BEN ZAYB: Kapitan papasok na pala tayo sa lawa. Banda dito napatay ang
pilibustero hindi ba? Sino nga yun? Guevarra o Ibarra? (lahat naman sila ay
napatingin sa kapitan maliban na lamang kay simoun na tila natigilan at nanigas sa
kanyang kinakakayuan. Makikitang tila hindi siya komportable sa kanyang
kinatatayuan…)
KAPITAN: Ibarra ang pangalan niya. Tingnan niyo ang lugar na iyon (may ituturong
lugar ang kapitan…) sabi ng mga guwardiya sibil ay hinahabol nila ang bangka ni
Ibarra ng bigla itong tumalon at sa tuwing lalabas ang ulo nito ay pinauulanan
agad nila ng bala. Pagkatapos ay hindi na nila ito Nakita ngunit Nakita nila ang
dugo na kumulay sa lawa, iyon ang nangyari labintatlong-taon na ang nakalipas.
DONYA VICTORINA: hah! Dapat lang iyan sa kanya dahil isa siyang pilibustero.
(unti-unti naming nayuyukom ni Simoun ang kanyang palad sa narinig…) Manang-
mana talaga siya sa kanyang ama na isa ding pilibustero (dagdag pa ng Donya.
Napansin naman ni Padre Florentino ang tila tahimik na si Simoun kaya…)
PADRE FLORENTINO: ginoong Simoun ayos lang ba kayo? Namumutla ka ata.
(doun na lamang natauhan si Simoun at Nakita niyang ang lahat ng atensyon ay
nasa kanya sa sasagot sana ito ng…)
BEN ZAYB: sandali…wag mong sabihing nahihilo ka ginoong simoun gayung dapat
sanay ka na, kasi isa kang manlalakbay. (sambit nito na tila nang-aasar)
KAPITAN: ang lawang ito ay higit na Malaki at malawak sa lawa sa suwisa sa lahat
ng lawang pinagsama-sama sa boung Espanya at marami na rin akong kilalang
manlalakbay na nahihilo dito.

SCENE 8
Settings: Sa Tahanan ni Kabesang Tales
Juli: Ama! (natigil si Tales sa kanyang ginagawa at nakita niya ang kanyang anak)
may dumating napo bang sulat galing kay Basilio?( sabik niyang sambit)
Tales: Oo meron na anak ito oh (inabot niya ang sulat)
(napangite si Juli at niyakap ng mahigpit ang sulat)
Juli: Ama siguro masaya ang mag aral sa Maynila at malamang masaya dun si
Basilio (napabuntong hininga siya nang sabihin iyon)
Tales: Gusto mo bang mag-aral din dun? Sige sa isang taon ay sa Maynila ka na din
mag-aaral
Juli: Talaga po ama? (Niyakap niya ang kanyang ama) Salamat po!
( Sa kalagitnaan ng kanilang yakapan ay biglang dumating ang mga guwardiya
sibil)
Guwardiya sibil 1: Kabesang Tales
Tales: Ano po ang kailangan ninyo?
Guwardiya sibil 2: Nasaan na ang dalawang daan na upa mo dito sa lupa.
Tales: Akin ang lupang ito kaya hindi ko kailangang magbayad
Guwardiya sibi 1: Ah ganun? Sige sumama kana lang sa amin ng maayos kung
ayaw mong masaktan!
(Hinawakan na ng dalwang guwardiya sibil si Tales ngunit nagpupumiglas ito….)
Tales: bitiwan ninyo ako!!!
Juli: Amaa!! (lalapit agad ito sa kanyan tatay)
Juli: Teka lang… Sandali!
( Hindi na siya pinakakinggan ng mga ito at hinila na papalayo si Kabesang Tales
Juli: Ama!!! (napaupo na ito sa sahig habang sumisigaw, nakayakap naman sa
kanya si tandang Selo)

SCENE 9
Settings: Tahanan nina Kabsesang Tales
(Nag-aayos ng kanyang gamit si Juli ng….)
Tandang Selo: Kailangano moba talagang gawin ito apo?
(napatigil si Juli sa kanyang ginagawa at napaupo…)
Juli: Wala napo kasi akong maisip na ibang paraan, naisangla ko na din po lahat ng
alahas komaliban sa agnos na ibinigay ni Basilio pero kulang pa din iyon.
Tandang Seloo: Maghahanap ako ng ibang paraan upang matubos natin ang tatay
mo, huwag ka lamang magpaalila kay Hermana Penchang.
Juli: Huwag nap o kayong mabahala dahil buo na rin po ang aking desisyon. Bukas
sa araw ng pasko ako po’y magsisimula nang manilbihan.
Tandang Selo: Basta apo mag-iingat ka doon ha? Mahal na mahal kita ( ginawaran
niya ang kaniyang apo ng isang mahigpit na yakap)

SCENE 10
Settings: Sa sementeryo
(nakatayo si Basilo ngayon sa isang bunton ng mga bato)
Basilio: Inay…Kamusta ka na? (umupo siya sa ilalim ng puno bago ipagpatuloy ang
kanyang sasabihn) Sobra na akong nangngulila sa iyo inay, labintatlong taon na
ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay nadadama ko pa din ang sakit na dulot
ng nakaraan
(natigilan siya nang may marinig na ingay tila may ibang tao pa sa lugar bukod sa
kaniya, nagtago siya sa isang puno at…)
Basilio: Si ginoong Simoun iyon ah… teka..
(animu’y may inaalala si Basilio ng magsimula ng maghukay si Simoun ay ) tama!
Siya nga iyon!
(lumabas si Basilio sa kanyang pinagtataguan at nagpakita siya kay Simoun)
Basilio: May maitutulong ba ako sa inyo ginoo?
(Nagulat si Simoun ng may nagsalita sa kanyang likuran at naitutok niya ang
kaniyang rebolder dito)
Basilio: Sa lugar na io mismo tayo unang nagkita, labintatlong taon na ang
nakakalipas. Tinulungan niyo ako noon na ilibing ang aking ina, naalala niyo pa po
ba?
Simoun: (ikinasa ni Simou ang kanyang rebolder at tinutok ito muli kay Basilio)
Kung gayo’y nakikilala mo kung sino ako( Hahakbang ito ng pasalubong at aatras
naman si Basilio)
Simoun: Alam mo bang maari kang mapahamak dahil alam moa ng aking sikreto?
Ang pagbunyag ng aking tunay na pagkatao ang sisira sa mga plano ko! at hindi ko
hahayaan na mapunta lang sa wala ang mga plinano ko.
Basilio: Parang sinasabi niyo na rin na nagkamali ako ng pagkakakilala sa inyo
ginoo
(ibinaba ni Simoun ang baril)
Simoun: Ako ang tumulong sa iyo labitatlong taon na ang nakakalipas, pumunta
ako noon dito upang bigyang pahalga ang isang kaibigan na nag-alay ng kanyang
buhay para sa ating bansa. Ngayon ay ipagpapatuloy ko ang kanyang nasimulan
ngunit ang mga kabtaan ngayon ay sumsobra na, nagpapaalipin na lamang sila sa
wikang hindi naman nila kinagisnan.
Basilio: Nagkakamali kayo ginoo kung hindi dahil sa pag aaral ng mga kabataan ng
wikang kastila ay hindi tayo magagawang pakinggan ng pamahalaan. Ito rin ay
isang daan upang tuluyan ng magka-isa ang mga Pilpino.
Simoun: Mali! Kailanman ay hindi nito mapapagbuklod ang mga Pilipino. Magiging
dahilan lamang ito upang tuluyan ng talikuran ng mga Pilipino ang kanilang
sariling wika.
Basilio: Hindi iyan mangyayari dahil mali ang inyong inaakala
Simoun: Masyado na talgang nalason ng wikang iyang ang kaisipan na mga
kabtaan ngayon( iiling siya habang sinasabi ito) Hahayaan kitang mabuhay Basilio
kahit nakasalalay ditto ang pagkasira ng aking mga plano. Sumama ka na lang sa
akin Basilio at sabay nating tuparin ang aking mga plano laban sa mga mapang-api
Basilio: Salamat na lang sa iyong alok ginoo ngunit may mga pangarap pa akong
nais kung matupad. Gusto kung makapagtapos ng pag aaral at maging ganap na
doktor.
Simoun: Ha! Nagpapatawa ka ba? Kapag natapos ka sa iyong pag-aaral at naging
doktor, magiging masaya ba ng lipunan para sayo? Makukuha ba ang katarungan
sa iyong ina at kapatid sa pamamagitan ng pagtupad mo sa iyong pangarap?
(tila nang-aasar ang tinig nito)
Basilio: At ano naming magagawa ko? Kahit na iharap ko sa hukuman ang kaso ng
aking ina ata kapatid ay wala paring magbabago. Maibabalik ba ng hustiyang iyan
ang buhay nga aking pamilya? Hindi naman diba? Nakakatiyak din ako na kahit
Makita kong nahihirapan ang mga nang-api sa amin noon ay hindi pa rin ako
lubusang magiging maligaya dahil mag-isa pa rin ako.
(nakaramdam ng lungkot si Simoun ng marinig iyon ngunit hindid niya ipinahalata)
Simoun: Gumagabi na mabuti pa ay umuwi ka na sa inyo. Hindi ko hinihiling na
itago mo ang tunay kung pagkatao, at kung magbago mn ang isip mo sa pagtanggi
sa aking alok ay puntahan mo lamang ako saEscolta.
(hindi diya sinagot ni Basilio, umalis na siya sa lugar na iyon samantalang naiwan
naming mag isa si Simoun sa gubat.
Simoun: Tama kaya ang ginawa ko? Bahala na nga, basta mamamatay ang
mahihina at matitira ang malalakas. Malapit ng matupad ang aking plano, konting
paahon na lang at magdudusa na din sila HAHAHHHAHA( tumawa siya na parang
demonyo)

Scene 11
Settings: tahanan nina Kabesang Tales
(ipinkita ni Simpun sa mga tao ang mga dala niyang alahas…)
MGA TAO: ang gaganda!
SIMOUN: ang mga kwintas na iyan ay nanggaling pa sa Ehipto, natagpuan ito sa
pyramid na pagmamay-ari ni Cleopatra. Nagdala rin ako ng mga hikaw at singsing
na siguradong magugustuhan ninyo (lihim siyang mapapatingin kay kabesang
tales)
HERMANA PENCHANG: Bumibili din ba kayo ng mga lumang hiyas ginoo?
SIMOUN: opo (nakangiti nitong sagot sa ginang, magagawi nanaman ang kanyang
tingin kay kabesang tales) Kabesang tales, wala ka bang ipagbibili sa akin?
KABESANG TALES: naubos na ang lahat ng alahas ng aking anak at isa na lang ang
natira.
SIMOUN: kung gayo’y maaari ko bang Makita iyon?
(kinuha ni Kabesang tales ang kwintas at ipinakita kay Simoun, nagulat naman si
Simoun sa kanyang Nakita…)
KABESANG TALES: ito ang kwintas na sinasabi ko sa inyo ginoo.
(ipinahawak ni Kabesang tales kay Simoun ang kwintas)
SINANG: sandali…kung hindi ako nagkakamali ay dating pagmamay-ari iyan ng
kaibigan kong si Maria Clara. Sout-soot niya iyan noong pumasok ng monastery.
SIMOUN: a-ang ganda magkano kung ito’y bibilhin ko? (hindi umimik si kabesag
tales) ipagbili mo bai to ng tatlong daang piso? Apat na daan? Tatlong libong piso?
Sabihin niyo lang ang kung magkano at handa akong bilhin ito. O baka naman nais
niyong ipilit ang ilan sa mga alahas ko? Sige mamili lang kayo.
(kinuha ni Kabesang tales skay Simoun ang kwintas at…)
KABESANG TALES: pasensya na ginoong Simoun ngunit hihingin ko muna ang
permisyo ng aking anak ukol ditto. Hintayin niyo po ako.
(hihintayin pa din ni Simoun si Kabesang tales at dahil na rin siguro sa kainipan ay
kaya nakatulog ito. Kinaumagahan ay nagising si Simoun na wala ang kanyang
rebolber, Nakita naman niya ang kanyang katabing lamesa ang kwintas ni Maria
Clara at isang sulat…)
BOSES NI KABESANG TALES: ipagpatawad niyo ang aking kapangahasan ginoo.
Ipinalit ko ang inyong rebolber sa kwintas na nais niyong makuha, kailangan ko
ang sandata dahil ako ay sasama sa mga tulisan. Mag-iingat kayo ginoo,
ikinalulungkot ko ngunit sa muli nating pagkikita ay magtuturingan tayong
magkaaway.
SIMOUN: natagpuan ko na din ang taonga king hinahanap (tatawa ito ng malakas)
SCENE 12
Settings:Tahanan ni Heramana Penchang
(Nasa likod ni Hermana Pengchang si Juli na tila pinipigilan si Basilio, hawak hawak
naman ni Basilio ang isang kamay ni Hermana Penchang at….)
Basilio: Sige nanaman Hermana Penchang pumayag na kayong kunin ko si Juli. Sa
tingin ko naman ay sapat na ang pagpapaalila niya sa inyo.
Juli: Basilio tama na nakakahiya( mahina niyang sambit)
Hermana Penchang: Edi sana pala hindid ko na lang siya pianutang gayong di pa
ko nakakatubo( sambit nito at nagpaypay)
Basilio: Pumayag na po kayo, ako na lang ang bahalng magbayad ng inyong tubo
basta pauwiin niyo lang si Juli.
Hermana Penchang: Oh siya ! Sige na nga! Alis na muna ako
Basilio: Sige po mag iingat po kayoo salamat po.
Juli:( yayakapin ng mahigpit si basilio) salamat Basilio( humiwalay na sa yakap)
Basilio: (hahawakan ang pisnge ni Juli) Gagawing ko ang lahat ng
makakapagpasaya say. Juli ganun kita kamahal
Juli: Mahal na mahal din kita. Ah sandali lang kukunin ko lang ang mga gamit ko
Basilio: Tutulungan na kita.

Scene 13
Settings: bahay ng kapitan heneral
(naglalaro ng baraha sina Padre Irene, padre sibyla, padre camorra at ang kapitan
heneral kasama rin ditto ang ilan sa mga kawani)
KAPITAN HENERAL: (tumawa) sumasang-ayon talaga sa akin ang tadhana. Panalo
nanaman ako haha
(at inilapag niya ang kanyang baraha. Biglang dadating si Simoun)
KAPITAN HENERAL: Ginoong Simoun nandyan ka pala, halika’t samahan mo kami
ditto.
(lumapit si Simoun at naupo na din. Isang guwardiya ang pupunta sa tabi ng
Kapitan Heneral at sasaludo)
KAITAN HENERAL: ano ang kailangan mo?
GUWARDIYA: humihingi po ng pahintulot ang mga kabataan na upang
makapagtayo ng paaralang may wikang Kastila.
KAPTANG HENERAL: ganun ba? Sige makakaalis kana Salamat (madadako ang
tingin nito sa mga kasama) ano ang sa tingin ninyo? Mga padre? Ginoong simoun?
PADRE SIBYLA: may ibang mga bagay pa tayo na dapat pagtuunan ng pansin. Isa
pa ay hindi napapanahon ang kahilingan nila.
SIMOUN: tama ang sinabi ni padre sibyla bukod ditto ay nakikita kong masama
ang layunin ng mga kabataang iyan.
KAWANI: pinamumunuan daw ng ilang kabataan na kilala sa lipunan ang nasabing
kahilingan. Si isagani na pamangkin ni padre Florentino, ang isa naman ay si
basilio.
KAPITAN HENERAL: Itala ninyo ang mga pangalang iyan.
KAWANI: pero heneral, ang mga binatang iyan ay sadyang walang laban.
Makatarungan naman ang kanilang kahilingan, kung sila ay umabuso ay tsaka na
lamang natin sila hulihin.
PADRE CAMORRA: ang mga indiyo ay hindi nararapat matuto ng kastila!
Pagsisimulan lamang yan ng pag-aalsa.
PADRE FLORENTINO: Maganda naman ang suhestiyon ng mga kabataang iyan.
Mas maganda rin sigurong tularan natin ang mga Heswita.
PADRE SIBYLA: hindi! (ibinagsak pa nito ang kamay sa lamesa) Mas maigi kung
magpapransiskano sila o kahit na ano huwag lang maging Hewista.
(nasa mainit na diskusyon na ang grupo ng tumayo ang heneral at…)
KAPITAN HENERAL: mga ginoo at padre ipagpaliban na lang natin bukas ang
usapin ito sapagkat may mga bagay pa akong dapat ayusin (aalis s asana ito ng…)
KAWANI: HENERAL ANG ANAK NA DALAGA NI Kabesang Tales ay nagpunta rito,
hinihiling niya na palayain ang ang kanyang lolo.
KAPITAN HENERAL: sundin ang kanyang kahilingan na palayain ang kanyang lolo.
Ayoko naming maging masama sa akin ang tingin ng mga tao.
(pagkatapos niya iyong sabihin ay nagpatuloy na siya sa paglalakad)

SCENE 17
Settings: Bahay ni Quirino
Simoun: Nasaan na ang siyam na libong piso na inutang mo
(ang accent ni quiroga is Chinese)
Quiroga: La na kong pela senyol Semon. Mga opisyal, tinyenta. Lahat sila utang
akeyn pelo di bayad.
Simoun: Ngayon ko pa namam kailangan ng pera. Sige ganito na lang total
kaibigan namn kita, gagawain kong anim na libong piso na lamang ang utang mo
kung papayag kang itago sa tindahan mo ang mga armas na dala ko.
Quirogaa: Ako payag basta ako kita pela. pelo baka huli tayo sundalo
Simoun: Sshhh.. Kaya nga dapat wag kang maingay. Mamayang gabi na ang dating
ng mga baril kaya dapat mag ingat tayo.
Quiroga: Ako takot sa yong sabi. Melon ako balil pelo di ko hawak takot ako.
Simoun: Sige madali naman akong kausap, bayaran muna lang ang utang mo
ngayon.
Quiroga: Ako payag na, ako payag na pelo ikaw huwag damay akeyn.
Simoun: Yun naman pala eh, huwag kang mag-alala akong bahala sayo (tinapik
niya ang balikat nito)
SCENE 19
Settings: Bahay ni Kapitan Tiago
(dumating si simoun at nilapitan si Basilio nan aka upo)
Basilio: oh ginoong Simoun
Simoun: Kumusta na si Kapitan Tiago?
Basilio: Mahina na ang kanyang katawan wala na rin siyang ganang kumain.
(Umupo si Simoun sa harapan ni Basilo)
Simoun: Parang bansang Pilipinas habang tumatagal ay lalong humihina. Oo nga
pala, naparito ako upang sabihin sayo na sa loob ng isang oras ay magsisimula na
ang himagsikan. Mamili ka ang iyong kamatayan o ang iyong kinabukasan? Saan
ka papanig? Sa mga mapang-api o sa bansang iyong kinsagisnan?
Basilio: Hindi ko alam, ano ba ng dapat kung gawin (nalilito expression)
Simoun: Hahayaan kitang mag-isip ngunit dalian mo dahil tumatakbo ang oras.
Simple lang naman ang gagawin mo pamumunuan mo ang isang pangkat sa
pagsalakay sa kumbento at panatilihin mo ang kaligtasan ni Maria Clara maging ni
Kapitan Tiago.
Basilio: (napayuko) Hulin na ang lahat ginoo patay na si Maria Clara.
(Napatayo sa kina-uupuan niya si Simoun at gulat na gulat ang mukha)
Simoun: P-patay na? Hindi! Hindi totoo yan!! Bumalik ako para iligtas siya kaya
hindi maaari iyan!
(may inabot na sulat si Basilio at babasahin namn agad ito ni Simoun)
Basilio: Ito ang kasulatan na naglalaman ng lahat, namatay siya ganap na ika-anim
ng hapon.
Simoun: Hindi! Hindi maari! Ni hindi niya man lang nalaman na buhay ako.
Namatay siayng dala ang sakit at pagtitiis (tatayo at lilisananin ang lugar na
naktulala sa kawalan)
Basilio: Kahabag-habag talaga ang nangyari sa kanya. Nagtiis siya para sa kanyang
minamahal ngunit ito ang nagging kabyaran. Sadyang malupit sa kanila ang
tadhana.

Scene 21
Setting: paaralan
(naglalakad si Basilio ng mapansin ang nagsisiuwiang mga kamag-aral kaya
napatigil siya sa paglalakad at…)
BASILIO: bakit sila nagsisiuwian? Ano ba ang meron? Sandali! (pagpigil niya sa
isang kaklase) ano ang nangyayari?
ESTYUDANTE: Ang planong paghihimagsikan ng mga estyudyante ay hindi natuloy.
Mauna na ako saiyo.
BASILIO: Sige Salamat. (makikita siya ng kanyang propesor)
PROPESOR: basilio! (lalapit sa kanya si basilio) narinig mo na ba ang balita?
BASILIO: opo pero naguguluhan pa din po ako. Ano ba talaga ang nangyari?
PROPESOR: Nagkaroon ng planong paghihimagsikan ang mga kabataan at
maraming estyudyante ang nasangkot dito. Ang Mabuti pa ay sunugin mo ang
lahat ng iyong mga papeles. Mag-iingat ka basilio.
BASILIO: Salamat po at mag-iingat din po kayo
(naglalakad paalis si basilio)

Scene 22
Settings: lansangan
(papunta si basilio sa tahanan ng kanyang kaibigan si makaraig ng makasalubong
niya na may kasamang mga guwardiya kaya nilapitan niya ito…)
BASILIO: makaraig!
(lalayo muna siya sa mga guwardiya)
MAKARAIG: Basilio anong ginagawa mo dito? Maaari kang mapahamak sa bigla-
bigla mong pagsugod.
BASILIO: gusto lamang sana kitang kausapin.
(nilapitan sila ng guwardiya at…)
GUWARDIYA 1: Indiyo! Ano ang iyong pangalan?
MAKARAIG: Hindi---
BASILIO: basilio po
(napasapo na lang ng noo si makaraig dahil alam niyang huhulihin din si basiio)
GUWARDIYA 2: Mabuti naman at di mo na kami pinahirapan pa. dinadakip ka din
namin basilio
(hahawakan na siya ng mga guwardiya sa braso)
BASILIO: teka…wala naman akong ginawa ano ba ang naging kasalanan ko?
GUWARDIYA 1: tama na ang satsat sumama na lang kayo sa amin.
BASILIO: teka lang… sandal…
(nagpupumiglas pa din si basilio ngunit hinila na siya ng mga guwardiya si
makaraig naman ay maayos na sumama)

Scene 26
Settings: tahanan ni simoun
(inaayos ni Simoun ang kanyang mga gamit para sa kanyang plano ng…)
BASILIO: ginoong simoun! Ginoong simoun!
(binuksan ni simoun ang pintuan at tumambad sa kanya si vasilio)
SIMOUN: basilio ano ang sadya mo? Maupo ka muna (bumalik si simoun sa
kanyang ginagawa)
BASILIO: magpapasalamat lang sana ako dahil pinakiusapan ninyo ang heneral na
ako’y palayain. At nais ko sanang sabihin sa inyo na pumapayag na ako sa gusto
ninyo. Naging masama akong kapatid at anak. Nakalimutan kong pinatay ang
aking kapatid at pinahirapan ang aking ina. Pinarusahan na ako ng diyos, wala na
akong nararamdaman kundi galit at pighihiganti. Sasama na po ako sa inyo ginoo.
(natuwa si simoun kaya inilabas niya ang lampara at ipinatong sa kanyang lamesa)
BASILIO: aanhin niyo ang lamparang iyan?
(naglabas si Simoun ng sang bote na may tatak na nitrogliseria. Mapapatayo at
mapapa-urong si basilio ng Makita ito)
BASILIO: S-sandali…dinamita iyan diba?
SIMOUN: Oo…ngunit hindi ito bastang dinamita lang. ito ay mga damdaming
tinikis, mga kasawiang naimbak at mga pang-aapi. Ngayong gabi mapaprusahan
ang mga makasalanan na matagal ng nagtatago sa katotohanan.
(inilagay si simoun ang laman ng bote sa lampara at ipinagpatuloy niya ang
pagsasalita)
SIMOUN: Mamayang gabi magkakaroon ng kasiyahan. Ilalagay ko ang lamparang
ito sa gitna ng handaan, magbibigay ito ng maningning na liwanag ngunit
pagkaraan ng dalawangpung minuto ay unti-unti itong lalamlam. At kapag inayos
ang mitsa nito ay BOOM! Sasabog ang bomba.
BASILIO: ano naman ang aking gagawin?
SIMOUN: ganap na ikasiyam sasabog ang lampara at gusto kong ikaw ang
mamuno sa mga artilyero. Dadalhin mo sila kay Quiroga dahil doon naka-imbak
ang mga baril, kami naman si Kabesng tales ay susubukang agawin ang tulay. Ang
pagsabog ang magiging hudyat upang sila ay magtipon-tipon at sumugod.
Magkakagulo at nanaisin nalang ng mga mamamayan na lumaban. Mamamatay
ang siyang mahihina at matitira ang siyang malalakas!
BASILIO: lahat? Kahit ang mga walang laban at inosente?
SIMOUN: oo, lahat! Mula sa dugong dadanak ngayong gabi ay sisibol ang
panibagong lahi. Isang bagong lipunan na hindi na muling maaapi.
BASILIO: ano naman ang sasabihin sa atin ng mundo pagkatapos nito?
SIMOUN: papalakpak ang daigdig at tayong malalakas ay pupurihin. (inabot ni
simoun ang isang rebolber kay basilio) oo ng apala mamaya ay hintayin mo ako sa
tapat ng simbahan ng san Sebastian ganap na ikasampu ng gabi doon ko sasabihin
sayo ang susunod mong gagawin. At kapag tumapat ang orasan sa ika-siyam ng
gabi ay lumayo ka sa daang anloague, mag-iingat ka basilio.
BASILIO: magkita na lamang tayo mamaya ginoo mag-iingat din kayo
(at tuluyan na ngang umalis si basilio)

Scene 27
Setting: lansangan
(hindi na mapakali si basilio)
BASILIO: wag kang mag alala Basilo. Maayos din ang lahat (sambit nito sa sarili
habang palakad-lakad pa din. Ng bigla niyang Makita si isagani) Oh! Isagani, saan
ka pupunta?
ISAGANI: pupuntahan ko si Paulita, basilio. Kailangan ko siyang maka-usap
ngayon.
(Maglalakad nanaman sanang muli si isagani ng hawakan siya ni basilio sa
magkabila nitong braso at…)
BASILIO: wag! Wag ka nang tumuloy. Wag kang pupunta doon, making kang
Mabuti isagani. May dinamitang sasabog sa lugar na iyon anumang oras mula
ngayon. Kaya utang na loob wag mon a siyang puntahan pa.
ISAGANI: (aalisin nito ang pagkakapit sa kanya ni basilio) Ngunit iba na siya bukas
(at dali-daling tumakbo papunta sa bahay ni kapitan tiago)
BASILIO: binalaan na kita kaibigan sana ay nakinig ka na lang sa akin.

Scene 28
Settings: tahanan ni Kapitan tiago
(dumagsa ang mga bisita sa tahan ni kapitan tiago. Kasama na ditto si ginoong
sioun agad naman itong sinalubong ng Donya.)
DONYA VICTORINA: ginoong simoun! Mabuti na lamang at nakarating kayo, halika
at samahan mo kami sa hapag kainan.
SIMOUN: Salamat sa inyong mainit na pagtanggap Donya Victorina ngunit ako’y
hindi na magtatagal pa.
DONYA VICTORINA: ano? Hindi ako papaya na maka-alis ka agad. halika at
samahan mo kami.
(wala ng nagawa si simoun kundi ang sundan ang Donya sa hapag kainan dala ang
kanyang lampara. Ng makareating sila ditto ay…)
KAPITAN HENERAL: Ginoong simoun! Halika at saluhan mo kami.
(kumuha si simoun ng isang kopita ng alak at itinaas ito sumunod naan sa kanya
ang iba)
SIMOUN: ipagpatawad niyo ngunit kailangan ko na talagang umalis, tanggapin
niyo na lamang itong lampara na aking regalo.
(inilapag na nito ang lampara sa lamesa)
DONYA VICTORINA: ang ganda naman ng lamparang iyan. Maraming Salamat
ginoong simoun, ngunit sigurado kabang ayaw mo munang kumain kahit saglit
lang?
SIMOUN: Salamat sa inyong alok ngunit may mahalaga lang talaga akong gagawin
ngayon na hindi maaaring ipagpaliban, pasensya na. sige mauna na ako.
(nilisan n ani simoun ang lugar ng ilang saglit pa ay…)
PADRE IRENE: sandali ano ito? (tiningnan nila ang papel na nasa ilalim ng lampara
at binasa) Mana Thecel Phares (ang ibig sabihin ay’ tapos na ang kapangyarihan
mo’) Juan Crisostomo Ibarra.
DON CUSTUDIO: masamang biro iyan!
KAPITAN HENERAL: ano ba kayo, wag kayong mabahala dahil hindi naman siguro
totoo iyan.
PADRE IRENE: ngunit ito’y nanggaling sa isang tao na matagal ng patay. Tunay
ngang masamang biro ito.
(kinuha ni padre salvi ang sulat at binasa)
PADRE SALVI: sulat kamay ito ni Crisostomo hindi ako pwedeng magkamali.
DON CUSTUDIO: hindi kaya nais niya tayong patayin?
KAPITAN HENERAL: wag niyo ng alalahanin iyan. Ituloy ang kasiyahan! Ah padre
irene pakitaas naman ng mitsa nung lampara.
PADRE IRENE: sige saglit lamang
(itataas n asana niya ito ng kunin ito ni isagani at mabilis na itinakbo)
PADRE IRENE: magnanakaw! (hahabulin n asana nila ito ng makarinig sila ng isang
malakas na pagsabog. Nagkagulo naman ang mga panauhin ng mangyari ito.)
///habang ang nasa labasa ay…///
Tao: ayan na ang hudyat, sugod!
(susulong ang mga tao na may armas)
///balik sa tahanan ni kapitan tiago///
KAPITAN HENERAL: ang lamparang iyon ay isang dinamita!
PADRE IRENE: buhay si Crisostomo Ibarra, siguradong piunagmamasdan na niya
tayo
KAPITAN HENERAL: marahil ay ganoon na nga, ito ay bahagi ng kanyang plano
DON CUSTUDIO: ngunit papaano siya nabuhay, at anong ugnayan nila ni simoun
na nagbigay ng lamparang iyon?
PADRE SALVI: alam ko na si Simoun ay si Crisostomo Ibarra
PADRE IRENE: simoun?
KAPITAN HENERAL: isang taksil, hanapin at hulihin ang Simoun na iyan!
///balik sa kaganapan sa labas///
Mga tao: ahhh!!!
(habang sa gitna ng kaguluhan pumunta si basilio kay Simoun at sinabi…)
BASILIO: Senyor Simoun (habang hinihingal) masamang balita. Hindi natuloy ang
pagsabog
SIMOUN: bakit?
BASILIO: si isagani, tinapon niya yong lampara sa ilog
SIMOUN: sige na, tumakbo kana!
BASILIO: pero—
SIMOUN: iligtas mo ang iyong sarili, bilis!
(tumakbo paalis sa kaguluhan si Basilio)
(namatay halos ang mga taong nasa panig ni Simoun)

Scene 29
Settings: tahanan
SIMOUN: nagtagumpay ka simoun. Dapat magsaya ka dahil nagtagumpay ka.
(sambit niya habang paulit-ulit pa din. Napatigil siya ng Makita ang lason,
hinawakan niya ito at…) Tapos na ang aking misyon dito (ininom niya ang lason)
(natumba ito at agad naman siyang Nakita ng padre)
PADRE FLORENTINO: senyor simoun! (inakay niya ito at dinala sa kanyang silid
pinahiga niya ito sa kanyang kama at kinausap) Diyos ko! Sandali lang at tatawag
ako ng doctor.
SIMOUN: w-wag na Padre alam kong mawawala na rin ako ng ilang saglit.
Dadakpin nila ako mamayang alas-otso buhay man o patay, ngunit di ako papayag
na kunin nila ako ng buhay. (nanghihina na ng husto si Simoun)
PADRE FLORENTINO: Diyos ko! Panginoon ko!
SIMOUN: wag kayong magalala Padre. Nangyari na ang nangyari, gumagabi na at
nais ko sanang sabihin sa inyo ang aking lihim.
PADRE FLORENTINO: handa akong makinig senyor simoun
SIMOUN: totoo naman po padre na may Diyos na gumagabay sa atin hindi ba?
PADRE FLORENTINO: Oo, totoong may Diyos.
SIMOUN: pa-padre tulungan niyo ako. Ayokong mamatay na may dalang
kasamaan. Nais ko sanang magkumpisal.
PADRE FLORENTINO: makikinig ako sayo.
SIMOUN: plinano ko po ang lahat dahil galit nag alit ako sa mundo noon. Bumalik
ako upang maghiganti at balikan ang lahat ng umapi sa akin.
PADRE FLORENTINO: patawarin ka ng Diyos. Anak lagi mong tatandaan na ang
buhay ay hindi lagging masaya, minsan ay kailangan din nating makaranas ng sakit
upang matuto hindi upang magpoot. Walang magagawa ang paghihiganti dahil ito
ay magbubunga lamang ng panibagong kamalian.
SIMOUN: hindi ko lang maintinduhan padre kung bakit ako pa ang kanyang
pinaparusahan
PADRE FLORENTINO: hindi ka niya pinaparusahan anak. Iyan ay isa lamang
pagsubok sa iyong buhay na dapat mong lagpasan. Lahat ng bagay ay may dahlia,
hindi mangyayari ang isang bagay kung wala kang matututunan ditto. Alam niyang
nabulag ka lang sa labis na pagkagalit at poot kaya wala kang kasalanan.
Kagustuhan din niya na hindi matuloy ang iyong plano dahil alam niyang mali ito.
SIMOUN: Maraming Salamat padre, ngayon ay payapa na akong mamamatay
(pagkatapos nito ay unti-unting mawawalan ng malay si Simoun, at binawian na
siya ng buhay)
(kinuha ng pari ang kayamanan ni Simoun at nagtungo sa talampas at inihagis ang
kayamanan)
PADRE FLORENTINO: kung may taong nangangailangan ng mas malinis na
hangarin ay ipahihintulot ng Diyos na ika’y matagpuan. Samantala, diyan ka muna
sa ilalim ng dagat kung saan hindi makakapaligid ang kasamaan. (malulungkot ito)
ang kayamanan ang siyang nagiging lason sa lahat ng tao, ito ang nagpapabulag at
nag-uudyok na gumawa sila ng kasalanan.

You might also like