Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Rinalyn D.

Tupas BEED 2A

Sa gitna ng makabagong panahon ng social media mahalagang pag-aralan


ng mga mag-aaral sa elementarya ang iba't ibang uri ng panitikan.

Ang pagsusuri at pag-aaral ng panitikan ay nagbibigay daan sa mas


malalim na pag-unawa sa mga konsepto, damdamin, at karanasan ng tao.
Narito ang aming mga dahilan kung bakit mahalaga na pag-aralan ang iba't
ibang panitikan sa kabila ng panahon ng social media:

Paggamit ng tamang wika at komunikasyon:

Ito ay ang pag-aaral ng panitikan na kung saan nagpapalawak ng


bokabularyo at nagpapalakas sa kasanayan sa paggamit ng wika at
komunikasyon. Sa panahon ng social media kung saan ang komunikasyon
ay patuloy nd nagbabago, mahalaga parin ang paggamit ng tamang wika at
pagpapahalaga sa kahalagahan ng pagsusulat at pagpapahayag ng
kaisipan. Ang panitikan ay may mahalagang papel o epekto sa ating buhay
sa gitna ng makabagong panahon ng social media ito ay mahalaga paring
pag-aralan ng mga mag-aaral

Dahil parang bahagi na rin ng ating pagkatao ito, di lang dahil tayo ay
nakaka pulot ng mahalagang aral kundi narin nakikilala natin ang ating
pinag mulan na naging silbing tulay sa ating kinabukasan. Ito rin ay
sumasalamin o nagiging boses sa ating emosyon upang ipahayag o
ipahiwatig ang mga bagay-bagay na kailangan pag tuonan ng mahalagang
atensyon sa ating lipunan, at ang paggamit din ng kritikal na pag-iisip. Ito
ay nagtuturo sa atin kung paano mag-analisa, magtalakay at magpasya
base sa mga impormasyon na natanggap natin, isang kakayahan na
mahalaga sa paggamit ng social media kung saan ang dami ng
impormasyon ay labis na nagkalat.

Sa kabuuan, mahalaga ang pagtuturo ng panitikan sa mag-aaral ng


elementarya sa kabila ng panahon ng social media para sa pagpapaunlad
ng ating pag-iisip at pagpapahalaga sa wika at kultura.

You might also like