Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG SAMPUNG UTOS

1. IBIGIN MO ANG DIYOS NANG LALO AT HIGIT SA LAHAT.


 Ang Diyos ba ang pinakamahalagang katotohanan sa aking buhay o mas pinapahalagahan ko ang
ibang-bagay tulad ng pera, trabaho, droga, telebisyon, pagsasaya, katanyagan o ibang tao ?
 Itinakwil ko ba ang aking pananampalatayang Katoliko sa harapan ng iba/ o kusa ko bang pinagtibay,
ipinagtanggol at isinabuhay ang aking pananampalataya maging sa publiko at hindi lamang sa pribado
kong buhay?
 Naniniwala ba ko sa mga pamahiin, mahika o mga hula o di kaya’ý nagbasa o nagsagawa ng
programang taliwas sa aking pananampalataya at moral ?
 Ako ba ay nananalangin araw-araw, kahit sa umaga o gabi man lamang.

2. . IGALANG MO ANG NGALAN NG DIYOS.


 Nilapastangan ko ba ang ngalan ng Diyos o binanggit ng walang paggalang?
 Nagsikap ba akong tuparin ang aking pangako o panata sa Diyos lalo na nuon ajoý ang binyagan at
kumpilan?
 Iginalang ko ba ang Mahal na Birheng Maria, ang mga Santo,ang simbahan o ang ibang mga bagay na
banal?
3. IGALANG MO ANG ARAW NG PANGINOON.
 Lumiban ba ko sa pagdalo sa Misa sa araw ng Linggo at Pistang pangilin ng kusang-loob?
 Ako ba ay aktibong nakikilahok sa loob ng Misa at nagsisikap na mailayo ang sarili sa mga bagay na
makagagambala sa akin?
 Tumanggap ba ako ng Komunyon nang may mabigat o Mortal na kasalanan?
 Nagtrabaho ba ako o gumawa ng mabibigat na gawain na hindi naman kailangan o mahalaga sa araw
ng Linggo at Pistang Pangilin?

4.IGALANG MO ANG IYONG AMA AT INA.


PARA SA MAGULANG
 Tinuturuan ko ba ang aking mga anak sa aral ng Pananampalataya at hinihimok sa pagdarasal at
pagsisimba?
 Ginagampanan ko ba ang aking mga tungkulin bilang mga magulang ng buong pagmamahal at tiyaga ?
Ako ba ay napakaluwag o napakahigpit ?
 Ako ba ay naging mabuting halimbawa sa aking mga anak o naging dahilan ng iskandalo dala ng aking
mga kabiguan O pagkukulang ?
PARA SA MGA ANAK
 Naging magalang at masunurin ba ako sa aking mga magulang at sa iba pang nakatatanda sa pamilya?
 Nagkulang ba ako sa pagmamahal sa kanila at naging mapagmataas kapag akoý kanilang itinatama?
 Ipinagwalang-bahala ko ba ang ga paghihirap o sakripisyo ng aking mga magulang para sa aking
kabutihan?
 Naging dahilan ba ako ng kaguluhan o suliranin sa pamilya?

5.HUWAG KANG PAPATAY.


 Ako ba ay pumatay o naging sanhi ng kapahamakang pisikal at moral ng iba?
 Naging bahagi ba ako o sumuporta sa tinatawag na “mercy killing “o Euthanasia ?
 Nagtangka ba akong magpakamatay o nag-isip na wakasan ang buhay ?
 Ako ba ay nag abort o nanghikayat ng iba upang magpalaglag ng sanggol o kaya naman ay naging
bahagi sa gawain para sa abortion sa pamamagitan ng pananahimik, pagtulong pinansiyal sa
tao o Samahan na nagtataguyod ng abortion ?

6. HUWAG KANG MAKIAPID o MAGKASALA LABAN SA KALINISAN NG PUSO AT ISIPAN?


 Sumali ba ko sa mga usapan o biruan na posibleng mag-udyok sa akin at sa mga kasama na magkasala
laban sa kalinisan ?
 Nakagawa ba ako ng mga malalaswang bagay sa aking sarili o nakipagrelasyon sa taong may-asawa, o
nakipag-live in. O di kaya gumawa ng labag sa kalinisan ng aking pagkatao ayon sa pagkakalikha ng
Diyos, bilang isang babae o lalaki?
 Naging dahilan ba ako ng isandalo sa iba dahil sa aking kasuotan o kilos?

7. HUWAG KANG MAGNAKAW.


 Ako ba ay nagnakaw, tumulong o naghikayat ng iba upang magnakaw o kaya naman nagtago ng mga
bagay na ninakaw? Nagsauli ba ako ng aking ninakaw o nagbayad para sa mga bagay na aking ninakaw?
 Nandaya ba ako sa pamamagitan ng mga gamit sa panukat o timbangan?
 Iginalang ko ba ang pag-aari ng iba o kaya nakasira ba a ko ng mga pag-aari ng aking kapwa na hindi
man lamang kumikilala sa nagawang kamalian at pag-aayos nito?
 Ako baý nagbayad ng sapat sa aking mga pagkakautang?
 Nagbahagi ba ko ng aking yaman o pag-aari sa mga nangangailangan ?
8. HUWAG KANG MAGSINUNGALING LABAN SA IYONG KAPWA.
 Nagsinungaling ba ako? Ang aking bang pagsisinungaling ay nagdulot ng kapahamakang spiritual o
materyal sa aking kapwa ?
 Nasaktan ko ba ang iba dahil sa pagbubunyag ng mga katotohanang nakasisirang puri ?
 Nagkasala ba ako sa pagtanggi upang maging saksi nang sa gayon ay mapawalng sala ang isang inosente
dahil lamang sa takto o pansariling kapakanan ?
 Ako ba ay nakilahok sa mga usapang mapanirang puri ?
 Nakagawa ba ako ng mga walang- ingat o padalos-dalos na paghatol sa iba?
9. HUWAG KANG MAGNASA SA DI MO ASAWA.
 Pinaglaruan ko ba ang aking isipan sa mahalay na bagay at nagpabaya sa malaswang naisin ?
 Kusang loob ba akong nagnasa upang tumingin sa mga malalawang panoorin sa telebisyon, computer,
videos, larawan o pelikula ?
10. HUWAG KANG MAGNASA SA DI MO PAG-AARI.
 Ako ba ay nainggit sa kayaman ng iba o sa kanilang tagumpay ?
 Ako ba ay naging sakim?
 Ninasa ko bang angkinin ang pag-aari ng iba upang maging makapangyarihan?

You might also like