Week 3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Ermita Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas., Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

PAMAMAHAYAG 7
Kasaysayan at Pinagmulan
ng Pamamahayag

Unang Markahan
Ikatlong Linggo

Kasanayang Pampagkatuto:
Kahalagahan ng pagkakaroon ng kamalayan
sa kasaysayan at pinagmulan ng Pamamahayag
PAANO GAMITIN ANG MODYUL
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng
inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral
gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para
makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin
ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng
iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL
1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos
makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya
ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin
Kasaysayan at Pinagmulan
Aralin
ng Pamamahayag

Inaasahan
1. Nakikilala ang mahahalagang mga tao na nagkaroon ng bahagi at
kontribusyon sa kasaysayan ng pamamahayag
2. Natutukoy ang mga pahayagan sa iba’t ibang panahon
3. Namumulat ang kaisipan sa tungkulin bilang isang mamamahayag sa mga
hamon ng pabago-bagong panahon

Unang Pagsubok
Panuto: Isulat ang T kung ang pangungusap ay tama at M kung ito ay mali.

_____1. Ang La Solidaridad ay pahayagan na unang nalimbag sa Madrid, Espanya


sa ilalim ng pamamatnugot ni Graciano Lopez Jaena.

______2. Ang Kalayaan ay ang unang rebolusyonaryong pahayagan ng KKK.

______3. Mas kilala si Jose Rizal bilang isang manunulat kaysa mamamahayag
kahit nakasama siya ni Graciano Lopez Jaena na isang patnugot.

______4. Sa panahon ng Hapon ay naipanganak ang Liwayway Magazine at


Liwayway Komiks.

_______5. Ang The Manila Times ay pahayagan sa panahon ng Amerikano na


hanggang sa ngayon ay tinatangkilik at binabasa pa rin.

_______6. Sa Roma unang-una naisulat ang Acta Diurna.

_______7. Ang kauna-unahang paglilimbag sa Pilipinas ay naganap noong Panahon


ng Kastila.

_______8. Sa Panahon ng Liberasyon ay naging masigla ang lahat ng mga bagay


sa Pilipinas.

_______9. Ang fake news ay masasabing balita pa rin kaya kahit papano ay pwede
itong paniwalaan.

_______10. Ang Acta Diurna ay pahayagang nasa sulat-kamay.


Balik-tanaw
Panuto: Ayusin ang mga letra upang mabuo ang mga katagang may kinalaman
sa pamamahayag.

1. IIILPNK AN AALIBT – Ang ganitong uri ng balita ay dulot ng kakulangan sa


espasyo sa pahayagan kung kaya ang buod ng maliit na balita ay
pinagsasama-sama. _________________________

2. AAAILDMNG AALBIT- Tinatawag din itong flash news at ikinukulong sa


kahon upang makatawag agad ng pansin. _________________________

3. AALTIBGN YAM IMLAL- Kinakailangan ang masusing pananaliksik upang


higit na matalakay ang mga ulat na nakapaloob dito. Tinatawag din itong
in-depth news. _________________________

4. AALTIBGN AASSIENYNPG- Tungkol sa makabagong imbensyon o pagtuklas


sa mga bagay na makakatulong sa pagpapadali ng mga gawain.
_________________________

5. AALTIBGN AALLKOPN- Mga balita tungkol sa isang lokal na yunit


ng pamahalaan tulad ng baranggay. _________________________

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


Kasaysayan ng Pamamahayag
• Ang salitang Pamamahayag o Journalism ay nanggaling sa salitang
Pranses na Journal na nangangahulugang “pang-araw araw” o Diurnal sa wikang
Latin.

• Ang Acta Diurna ay isang sulat-kamay na ulat ng mga araw-araw na


mahahalagang pangyayari noon sa sinaunang Roma. Tinatayang ito ay isinulat at
sinimulang isapubliko sa pamamagitan ng pagdidikit sa mga itinakdang bahagi ng
pampublikong lugar sa sinaunang Roma nuong 59BCE . Sa kasaysayan ng mundo,
ang Acta Diurna ang kauna- unahang isinulat na pahayagan.

• Ama ng Pamamahayag- Joseph Pulitzer o Jozsef Politzer ay isang


mamamahayag at tagapaglathala. Ipinanganak siya noong April 10, 1847 sa
bansang Hungary.

• Ama ng Makabagong Pamamahayag - Walter Lippmann na ipinanganak sa


New York noong September 23, 1889. Tinagurian siyang Ama ng Makabagong
Pamamahayag dahil sa mga karangalang natanggap niya. Dalawang beses siyang
nanalo ng Pulitzer Prize. Ang una ay para sa kanyang tudling (newspaper column) na
Today and Tomorrow. Ito ay nailimbag sa maraming sikat na mga pahayagan sa
Amerika. Ang pangalawa ay ang panayam niya noong taong 1961 kay Nikita
Khrushchev, isang sikat na Russian Premiere ng kanyang kapanahunan.
Pinapurihan din siya bilang “Most Influential Journalist of the 20th Century”

Kasaysayan ng Pamamahayag sa Pilipinas


Sa paglago ng komersyo at kaalaman ng tao ang pamamahayag ay hindi
lamang nanatili sa isang bahagi ng mundo. Kumalat ito at umabot hanggang Asya
at sa Pilipinas nagsimula ito sa panahon ng Kastila.

Panahon ng Kastila
Sa panahong ito ay naipanganak ang kauna-unahang paglilimbag sa
katauhan ni Tomas Pinpin na tinagurian ding Ama ng Palimbagang Pilipino. Sa
panahong ito ay inilunsad ang unang Philippine Newsletter, ang Sucessos Felices.
Pangunahing inilimbag ng mga panahong iyon ang tungkol sa RELIHIYON, NEGOSYO,
MGA PANALO SA MGA DIGMAAN, MGA KAGANAPAN SA PALAKASAN at OPINYON.

Ang isa sa mga mahalagang ambag ng mga Kastila sa pamamahayag ay ang


pagpapamana ng paglilimbag sa mga Pilipino.

(larawang kuha sa www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/kompletong-kasaysayan-ng-


ahayagan-at-pahayagang-pangkampus-sa-pilipinas)

Panahon ng Himagsikan
Ang panahon ng himagsikan ay may pabago-bago at hindi maaasahang
kalagayan sa pamamahayag. Walang pagkakasundo sa pagitan ng mga patnugot ng
mga pahayagan kaya nawalan ng kasiguruhan kung magpapatuloy ang paglilimbag.
Sa panahong ito rin, ang mga pahayagan ay nagpokus sa mga ulat tungkol sa
lingguhang bull fighting, tula, agham at sining, literaryong gawain, agrikultura,
rebyu at ilustrasyon at agrikultural. Karamihan ng mga pahayagan sa panahong ito
ay hindi nagtagal sa sirkulasyon.
Mga halimbawa ng mga pahayagan sa Panahon ng
Himagsikan

(larawang kuha sa
www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/kompletong-kasaysayan-ng-pahayagan-at-pahayagang-
pangkampus-sa-pilipinas)

Panahon ng Pagbabago
Sa panahong ito tumatak ang islogan na "It is possible to love the Philippines
without hating Spain and to love Spain without hating the Philippines" ngunit hindi
ito masyadong tinangkilik. Inilunsad ang pahayagang nakadisenyo para sa
sirkulasyon ng mga abogado dahil nagtataglay ito ng patnubay para sa pagtatanggol
ng kapayaaan at katarungan. Sa panahong ito naglabasan ang mga pahayagang
may negatibong nilalaman at maraming mga eksposisyon ng mga katiwalian, may
hayagan, matatapang at agresibong mga komentaryo laban sa mga prayle.

Sinasabing ito ay panahon ng pagbabago dahil sa liberal na pamamahala ni


Gobernador Heneral Eulogio Despujal. Sa panahon ng pagbabago ay lumabas ang
marami at iba't ibang mga pahayagan na hindi lamang tungkol sa pagsalungat kundi
tungkol din sa edukasyon at propesyon, paglilibang, relihiyosong mga gawain at
komiks.

Mga sikat na pahayagan sa panahong ito na tumatak sa


kasaysayan
● La Solidaridad - unang lumabas noong Pebrero 15, 1889 sa Madrid, Spain
na ginastusan ni Dr. Pablo Riazares mula sa pamamatnugot ni Graciano
Lopez Jaena.

● Diaryong Tagalog - nagtaglay ng islogang "It is possible to love the


Philippines without hating Spain and to love Spain without hating the
Philippines”. Sinasabing hindi nakahimok ng maraming tagapagtangkilik ang
ideya ng islogan kaya tumagal lamang ito ng 5 buwan.
(larawang kuha sa www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/kompletong-kasaysayan-ng-
pahayagan-at-pahayagang-pangkampus-sa-pilipinas)

● Ang Kalayaan - pinakaunang rebolusyonaryong pahayagan ng


Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.
Itinuturing itong pinakamahalagang pahayagan sa kasaysayan ng Pilipinas
dahil sa layunin nitong ipahayag sa lahat ang kasamaan at kasakiman ng
mga prayle at mga kastilang opisyal. Itinatag ang pahayagan noong Enero
18, 1896.

(larawang kuha sa www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/kompletong-kasaysayan-ng-


pahayagan-at-pahayagang-pangkampus-sa-pilipinas)

• La Independencia - itinayo ni Heneral Antonio Luna sa tulong ng kanyang


kapatid na si Joaquin noong Setyembre 3, 1898. Isa ito sa naging
pinakaimportanteng pahayagan sa panahon ng rebolusyon.
● El Heraldo de la Revolucion Filipina - inilathala sa Malolos, Bulacan noong
Setyembre 29, 1898. Ito ang naging opisyal na pahayagan sa panahong may
rebolusyon sina Heneral Emilio Aguinaldo.
(larawang kuha sa www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/kompletong-kasaysayan-ng-
pahayagan-at-pahayagang-pangkampus-sa-pilipinas)

● La Republica Filipina- sinimulan sa Mandaluyong, Rizal noong Setyembre


15, 1898 sa ilalim ng pamamatnugot ni Pedro A. Paterno. Hindi naglaon at ito
ay naging opisyal na pahayagan ng pamahalaan noong 1901 nang sumulat si
General Douglas MacArthur bilang Sekretaryo ng Digmaan ng mga panahong
ito.

Panahon ng Amerikano
Mula sa pagiging kolonya ng España, ang Pilipinas ay nasakop ng Amerika.
Madalas na nilalaman ng mga pahayagan noong panahon ng Amerikano ay ang mga
laban na napanalunan ng mga Amerikano, artikulo tungkol sa pulitika at mga
sandatahang lakas. Madalas na ang mga bumubuo at nagtatag ng mga pahayagan
ay mga propesyonal. Ilan sa mga pahayagan sa panahon ng mga Amerikano ay
tinatangkilik pa rin natin ngayon. Sa ibaba ay makikita ang mga pahayagan sa
naturang panahon.

● Bounding Billow - ang unang pahayagang Amerikano na naghayag ng


pagkapanalo ni Commodore George Dewey sa naganap na digmaan sa Manila
Bay. Binubuo ito ng apat na pahina na may sukat na 12x8 pulgada.

(larawang kuha sa www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/kompletong-kasaysayan-ng-


pahayagan-at-pahayagang-pangkampus-sa-pilipinas)
● The Manila Times - unang pahayagan sa ilalim ng pamahalaang Amerikano.
Ito ay pang-araw-araw na pahayagan na pinatnugutan ni Thomas Cowan at
ng negosyanteng si George Sellner.

● El Grito Del Pueblo - tinawag din na "Ang Sigaw/Tinig ng Bayan” ang


pahayagang ito na sinimulan ni Pascual Poblete noong 1900.

(larawang kuha sa www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/kompletong-kasaysayan-


ng-pahayagan-at-pahayagang-pangkampus-sa-pilipinas)

● El Renacimiento - tinawag ding "Muling Pagsilang" ang pahayagang ito na


itinatag ni Rafael Palma noong 1900.

• Manila Daily Bulletin - isa rin sa mga pang-araw-araw na pahayagan noong


1900 na tinatangkilik natin hanggang ngayon.

Panahon ng Hapon
Ang pananakop ng mga Hapon ay hindi masyadong nagtagal at sa panahong
ito ay tatlong pahayagan ang umiral: The Daily Tribune News, Manila Bulletin, The
Daily Herald. Sa panahon din ng Hapon ay umusbong ang Liwayway Magazine at
Komiks. Bagaman bago pa man dumating ang mga Hapon ay mayroon nang umiiral
na magazine at komiks.

larawang kuha sa www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/kompletong-kasaysayan-ng-


pahayagan-at-pahayagang-pangkampus-sa-pilipinas)
Panahon ng Liberasyon
Sa panahong ito ay naging masigla ang lahat ng bagay sa Pilipinas kasama
na ang paglalabas ng mga pahayagan.

(larawang kuha sa www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/kompletong-kasaysayan-ng-


pahayagan-at-pahayagang-pangkampus-sa-pilipinas)

Panahon ng Martial Law


Iniutos ni Ferdinand Marcos, (pangulo ng Pilipinas mula 1965 hanggang
1985) ang pagsasara ng lahat ng pahayagan at istasyon ng broadkast nang ideklara
niya ang Martial Law at buwagin ang Kongreso noong 1972.

Ngunit nang muling buksan ang ilan sa mga kumpanya ng pahayagan ay


isinailalim ang mga ito sa istriktong pamamahala ng gobyerno. Ang midya ay naging
pag-aari ng kamag-anak o kaibigan ni Marcos. Ang pangangalap ng balita ay
sinusuring maigi ng mga sensor na militar na inutusan sa pamamagitan ng Mass
Media Council.

Naglalayon ito na ipagwalang bahala ang mga kontrobersyal at kritikal na mga


istorya na maaaring makagambala sa "katahimikan ng kapaligiran" o sa gobyernong
umiiral ng mga panahong iyon. Madalas maiugnay sa panahon ng Martial Law ang
kawalan ng kalayaan sa pamamahayag.

Kasalukuyang Panahon o Makabagong Panahon


Marahil ay isa sa mga pinakamasarap na mararamdaman at mararanasan ng
isang tao ay ang kakayahan na makapagpahayag at maintindihan. Ang kalayaan na
masabi ang niloloob, opinyon, karanasan, napakinggan, nasaksihan, naramdaman
at iba pang nagpapagana ng pagiging malikhain ay napakahalaga para sa tao. Isang
click sa laptop, isang tipa sa cellphone, isang swipe sa tablet at isang shot sa camera
ng cell phone ay maaaring maging mamamahayag ang isang netizen. Ang
pamamahayag sa ngayon ay hindi na lamang sa pamamagitan ng pahayagan,
telebisyon at radyo.
Nariyan na ang Facebook, Twitter, Instagram, Blogs at Vlogs. Napakadali na
ang pagkuha ng balita. Ngunit, kasabay ng paglago at pag-unlad ng teknolohiya ay
ang paglaganap ng fake news at kawalan ng sapat na pang-unawa sa mga dapat at
hindi dapat gawin ng isang mamamahayag o ng isa na nangangarap at nagbabalak
na maging mamamahayag. Sa kasalukuyang panahon kung kailan naging mas
malaya ang pamamahayag ay mas naging mahirap naman ang pagkuha ng mga
mapagkakatiwalaang balita mula sa mga mapagkakatiwalaang pinagmulan.

Mga Gawain
Gawain 1
Panuto: Sa tulong ng “graphic organizer”, isulat ang mga maituturing mo na
mahahalagang kaganapan sa iba’t ibang panahon sa kasaysayan ng Pamamahayag
sa ating bansa. (gamitin ang inyong kwaderno kung kailangan sa pagsagot.)

Kasaysayan ng Pamamahayag

Panahon ng Panahon ng Panahon ng Panahon ng


Kastila Himagsikan Pagbabago Amerikano

_______________ _______________ _______________ _______________

_______________ _______________ _______________ _______________

_______________ _______________ _______________ _______________

_______________ _______________ _______________ _______________

_______________ _______________ _______________ _______________

_______________ _______________ _______________ _______________

_______________ _______________ _______________ _______________

_______________ _______________ _______________ _______________

Panahon ng Hapon Panahon ng Panahon ng Martial


Liberasyon Law
__________________
________________ ___________________
__________________
________________ ___________________
__________________
________________ ___________________
__________________
________________ ___________________
__________________
________________ ___________________
__________________
________________ ___________________
__________________
_________________ ___________________
Gawain 2
Panuto: Punan ang bawat patlang upang mabuo ang mga pangalan ng mga sumikat
na mga pahayagan sa bawat panahong umiiral sa Pilipinas at bigyan ito ng maikling
pagkakakilanlan.

Panahon ng Kastila
1. S _ _ _SS_S _ _ _ _ _ _ S - ____________________________________________________

2. _ _ _ S_ _ _ P_ _ _ _ _ O - ____________________________________________________

Panahon ng Himagsikan
3. EL _ _ _ _ _ _ _ _ S _ _ _ _ L - ________________________________________________

Panahon ng Pagbabago
4. _ _ S_ L _ D _ _ _ _ _ _ - ______________________________________________________

5. EL I _ _E_ _ _ _ E_ _ _ _ -______________________________________________________

Panahon ng Amerikano

6. THE _ _ _ _ _ _ _ _M_ _ -___________________________

Panahon ng Hapon

7. T _ _ D _ _ _ Y H_ _ _ _ D - _________________________________________________

8. _ A_ I _ A B_ _ _ET_ _ - _____________________________________________________

9. L_ W_Y W_ _ - _______________________________________________________________

Panahon ng Liberasyon
10. T_ _ _S - ___________________________________________________________________

Tandaan
Ang Pamamahayag at pahayagan ay naging instrumento ng kasaysayan
upang magawa nating balikan ang mga nag-aalab na damdamin ng ating mga
ninuno. Sa bawat inilimbag na letra gamit ang itim na tinta at puting papel ay
nabigyang buhay ng pahayagan ang sarili nitong makulay na kasaysayan ng pag-
iral sa bawat yugto ng panahon na umiral sa Pilipinas.
Marami nang mga pagsubok at hamon ang pinagdaanan ng pamamahayag
mula sa mapaniil na pamahalaan hanggang sa malayang pamamahayag na muli na
namang pinagtangkaang patahimikin noong panahon ng Martial Law. Ngunit,
nananatili itong matatag at lumalaban sa hamon ng panahon at sitwasyon. ANG
KALAYAAN SA PAMAMAHAYAG AY HINDI MAAARING MAWALA DAHIL HINDI ITO
UMIRAL PARA LANG MAGLAHO.
Pag-alam sa Natutuhan
Panuto: Ipahayag ang iyong opinyon sa mga sitwasyon na binabanggit sa ibaba.

1. Ano kaya ang maaaring dahilan ng pagbibigay ng importansya na mailimbag


noon sa mga pahayagan ang tungkol sa pagkapanalo sa mga digmaan?

2. Masasabi mo ba na higit na sumibol ang ating sariling wika sa Panahon ng


Hapon? Pangatwiranan ang sagot.

3. Ang pagpapatigil ba ng operasyon ng ABS-CBN at ang nanganganib na


pagpapatigil ng pag-e-ere ng mga programa gamit ang TV Plus ay masasabing
pagsiil sa kalayaan sa Pamamahayag?
Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Piliin sa mga nakasulat sa ibaba ang tamang sagot na bubuo sa bawat
pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa bawat patlang.

Pahayagan Panahon ng Panahon ng Gen. Antonio Facebook


Himagsikan Pagbabago Luna

Diyaryong Gen. Emilio Panahon ng Kasalukuyang Netizens


Tagalog Aguinaldo Hapon Panahon

1. The Daily Tribune News, Manila Bulletin, The Daily Herald, Liwayway Magazine
at Komiks ang kilala sa ___________________.

2. Ang ______________________ ay panahon kung saan umusbong ang matatapang


na opinyon at salungatan sa pagitan ng mga pahayagan. Kilala ang panahon na ito
dahil sa liberal na pamamahala ng gobernador heneral.

3. Hindi lahat ng naka-post sa __________________ ay dapat paniwalaan.

4. Ang ____________________ ay patuloy na umiiral hanggang may nagbabasa nito.

5. Mas mabilis ang paglaganap ng maraming pamamaraan ng pamamahayag sa


________________.

6. Ang ________________________ ay panahon na kung saan maraming pag-aaway at

hindi matatag ang kalagayan ng Pamamahayag.

7. Ang ______________________ ay nagtaglay ng islogang "It is possible to love the


Philippines without hating Spain and to love Spain without hating the Philippines”.

8. Ang El Heraldo de la Revolucion Filipina ang naging opisyal na pahayagan sa


panahong may rebolusyon sina __________________________.

9. Ang mga tumatangkilik ng social media ay tinatawag na _________________.

10. Itinatag ni _____________________ sa tulong ng kanyang kapatid na si Joaquin


ang pahayagang La Independencia.
Papel sa Replektibong Pagkatuto
A. Natutuhan ko sa araling ito na
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

B. Nakapukaw sa damdamin ko sa araling ito ang


_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Sanggunian
1. Maximo, Avigail G. 2014. Kumpletong Kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang
Pangkampus ng Pilipinas. kinuha sa:
https://www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/kompletong-kasaysayan-ng-
pahayagan-at-pahayagang-pangkampus-sa-pilipinas

2. Moore, Alec. 2016 Roman Contributions to Journalism:The Acta. kinuha sa:


http://historyofjournalism.onmason.com/2016/02/23/roman-contributions-to-
journalism-the-acta/

3. Carreon, Carla. Uri ng Pamamahayag. kinuha sa:


https://www.scribd.com/doc/297452678/Uri-ng-Pamamahayag
BUMUBUO SA PAGSULAT NG MODYUL
Manunulat: Gng. Iza B. Verzosa, Guro III
Mataas na Paaralang Lakan Dula

Editor/Tagarebyu: Sonia A. Alberto, Master Teacher I


Mataas na Paaralang Ramon Magsaysay

Balidator: Ayla B. Urrea, PSDS para sa Pamamahayag sa


Sekondarya

Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim – Tagapamanihalang


Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod; Aida H. Rondilla – Puno ng CID;
Lucky S. Carpio – EPS na nakatalaga sa LRM at tagapag-ugnay sa ADM at
Lady Hannah C. Gillo – Librarian II -LRMS
Pangwakas na Pagsusulit
1. Panahon ng Hapon
2. Panahon ng Pagbabago
3. Facebook
4. Pahayagan
5.Kasalukuyang Panahon
6.Panahon ng Himagsikan
7. Diyaryong Tagalog
8. Heneral Emilio Aguinaldo
9. Netizens
10. Heneral Antonio Luna
Gawain 2 Balik-tanaw Unang Pagsubok
1.SUCESSOS FELICES 1.KINIPIL NA BALITA 1T
2.AVISO AL PUBLICO 2.MADALIANG 2. T
BALITA
3. EL PORVENIR SOCIAL 3. T
3.BALITANG MAY
4. LA SOLIDARIDAD LALIM 4. T
6. THE MANILA TIMES 4.BALITANG 5. T
PANGSIENSYA
7. THE DAILY HERALD 6. T
5.BALITANG
8. MANILA BULLETIN 7. T
PANGLOKAL
9. LIWAYWAY 8. T
10. TIMES 9. M
10. T
Susi sa Pagwawasto

You might also like