Ap-10-Pagkamamamayan Q4 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Lingsat Integrated School

Lingsat, San Fernando City, La Union

ARALING PANLIPUNAN 10 – 4th QUARTER


KONSEPTO NG PAGKAMAMAMAYAN

PAGKAMAMAMAYA: LEGAL NA PANANAW

Citizen
- Tinatayang sa panahon ng Griyego nang umusbong ang salitang ito.
Polis (Lungsod-estado)
- Ito ay isang Lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang
mithiin.
Citizenship/Pagkamamamayan
- Tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyemnro ng isang pamayanan o
estado
- Tinitignan natin ang pagkamamamayan bilang isang legal na kalagayan ng isang
indibidwal sa isang nasyon o estado
- Tumutukoy sa ugnayan sa pagitan ng mga indibidwal at ng estado, na kung saan ang
dalawa ay pinagbigkis ng reciprocal na Karapatan at pananagutan – Murray Clark Havens
(1981)
- Inilalahad sa Artikulo IV ng Saligang Batas ng 1987 kung sin oba ag maituturing na tunay
na mamamayang Pilipino.

ARTIKULO IV: PAGKAMAMAMAYAN


SEKSYON 1
Ang sumusunod ay mga mamamayan ng Pilipinas:
(1) Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagkakapatibay ng Konstitusyong ito;
(2) Yaong ang mga ama o mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas;
(3) Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Filipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at
(4) Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
SEKSYON 2
Ang katutubong inianak na mga mamamayan ay yaong mga mamamayan ng Pilipinas mula pa
sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o
malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasya na maging
mamamayang Pilipino ayon sa Seksyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak
na mga mamamayan.
SEKSYON 3
Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana
ng batas.
SEKSYON 4
Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mga mamamayan ng Pilipinas na mag-
asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa
ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
SEKSYON 5
Ang dalawahang katapatan ng mga mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat
lapatan ng kaukulang batas.
Katanungan:

Sa tingin ninyo, ang isang Pilipino na nagging Citizen na sa Canada o sa ibang bansa ay
hindi na ba mamamayan ng Pilipinas? Ipaliwanag ang inyong mga sagot.

Republic Act No. 9225 o Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 2003

Ang mga dating mamamayang Pilipino na nagging mamamayan ng ibang bansa sa


pamamagitan ng naturalisasyon ay maaring maging mamamayang Pilipino muli. Siya ay
magkakaroon ng dalawang pagkamamayan (dual citizenship).

Dalawang Uri ng Mamayan

1. LIKAS o KATUTUBO – anak ng Pilipino, parehong mga magulang o alinman


2. NATURALISADO – dating dayuhan na nagging mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng
naturalisasyon

Mga Prinsipyo ng Pagkamamamayan

1. JUS sanguinis
Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa
kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.
2. JUS soli
Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya pinanganak. Ito ang
prinsipyong sinusunod sa Amerika.

Pagkaawala ng Pagkamamamayang Pilipino


✓ Ang panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa;
✓ Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan;
✓ Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.

Pag-ispan at Sagutin
1. Ikaw ba ay isang mamamayang Pilipino? Bakit?
2. Paano mo iuuri and iyong/inyong pagkamamamayan? Ipaliwanag.
3. Magbigay ng mga dalawang kakilala ninyo na NATURALISADONG mamamayan.

You might also like