Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X
SCHOOLS DIVISION OF VALENCIA
VALENCIA NATIONAL HIGH SCHOOL

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 7
S.Y.2023-2024
PANGALAN: ___________________________________________ SEKSYON: _______________
PAARALAN: ____________________________________________ ISKOR: ___________________

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga katanungan bawat aytem. Bilugan ang titik ng napiling
sagot sa pagpipilian.
1. Ano ang tawag sa pag-aaral sa katangian pisikal ng daigdig?
A. Agham B. Araling Panlipunan
C. Heograpiya D. Kasaysayan

2. Ang archipelago o kapuluan ay isang pangkat ng mga pulo at matatagpuan sa Asya ang
pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo. Anong bansa ito?
A. Japan B. Malaysia
C. Indonesia D. Philippines

3. Ano ang tawag sa mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat?
A. Ilog B. Lawa
C. Look D. Karagatan

4. Ang Fuji ng Japan, Pinatubo ng Pilipinas at Krakatoa ng Indonesia ay halimbawa ng anong anyong
lupa?
A. Bulubundukin B. Talampas
C. Bulkan D. Tangway

5. Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon ayon sa kanyang pisikal, historical at cultural na aspekto.
Ang mga bansang India, Afghanistan at Pakistan ay bahagi ng anong rehiyon?
A. Hilagang Asya B. Silangang Asya
C. Kanlurang Asya D. Timog Asya

6. Alin sumusunod ang HINDI kabilang sa anyong lupa?


A. Kabundukan B. Talon
C. Talampas D. Tangway

7. Ang Asya ay hinati sa limang rehiyon. Alin sa mga sumusunod ang isinaalang-alang na aspekto
sa paghati nito?
A. Kultural at historical B. Pisikal at kultural
C. Pisikal at historical D. Pisikal, kultural at historical

8. Anong rehiyon sa Asya ang may anyong hugis tatsulok?


A. Hilagang Asya B. Kanlurang Asya
C. Silangang Asya D. Timog Asya

9. Ano ang tawag sa mga taong naninirahan sa Kontinente ng Asya?


A. Amerikano B. Hapon
C. Asyano D. Pilipino

10. Kung ang muwebles ay nagmula sa troso, saan naman galing ang gulong?
A. Plastic B. Rattan
C. Rubber tree D. Sea weeds

11. Sa anong likas na yaman nabibilang ang ginto?


A. Gubat B. Mineral
C. Lupa D. Tubig

12. Ano ang uri ng yaman ang makukuha sa kweba o kailaliman ng lupa?
A. Gubat B. Mineral
C. Lupa D. Tubig
13. Sa anong Likas na yaman makukuha ang kamoteng kahoy?
A. Gubat B. Mineral
C. Lupa D. Tubig

14. Kung ang Silver ay mula sa Yamang Mineral, saan naman nabibilang ang Agila?
A. Yamang Gubat B. Yamang Mineral
C. Yamang Lupa D. Yamang Tubig

15. Kung ang langis ay nagiging gasoline, ano naman ang prudoktong nagagawa ng cacao?
A. Kape B. Inumin
C. Tsokolate D. Hilaw na sangkap

16. Kung ang suka ay mula sa niyog, ang harina naman ay galing sa anong pananim?
A. Patatas B. Saging
C. Sea Weeds D. Kamoteng kahoy

17. Anong rehiyon ng Asya ang sagana sa yamang mineral na langis at petrolyo?
A. Hilagang Asya B. Kanlurang Asya
C. Silangang Asya D. Timog Asya

18. Dahil sa lawak ng kalupaang sakop ng Timog Asya, alin sa sumusunod ang itinuturing na
mahalagang yaman nito?
A. Lupa B. Bakal at karbon
C. Palay D. Mahogany at palmera

19. Alin sa sumusunod na likas na yaman ang nasa tamang pangkat?


A. Bakal, Karbon at Perlas B. Trigo, palay, barley, bulak at gulay
C. Ginto, tanso, natural gas, mayapis D. Ganges, Narra, hydroelectric power

20. Ano ang tawag sa proseso ng paggawa ng sardinas?


A. Canning B. Fossils
C. Freezing D. Fermentation

21. Ano ang katuwang ng mga magsasaka sa tradisyonal na pamamaraan ng pag aararo?
A. Kabayo B. Kambing
C. Kalabaw D. Harvester

22. Ano ang tawag sa makabagong kagamitan para mas mapadali ang pag-aani ng palay?
A. Kabayo B. Tractor
C. Harvester D. Turtle Tiller
23. Sa anong paraan nakukuha ang mga mineral gaya ng ginto?
A. Paghukay B. Pagtatanim
C. Pagmimina D. Pangingisda
24. Isa sa naging sanhi ng pagkasira ng lupa kung saan ang kapasidad ng damuhan ay hindi sapat
sa laki ng kawan ng hayop ay tinatawag na?
A. Desertification B. Overgrazing
C. Pollution D. Salinazation

25. Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na suliraning pangkapaligiran?


A. Pagkasira ng kagubatan
B. Pagkawala ng biodiversity
C. Pag-unlad ng mga industriya
D. Pagkakaroon ng mga polusyon

26. Ang mga bansa sa kontinente sa Asya ay nakararanas ng samu’t saring suliraning
pangkapaligiran. Ano ang tawag sa pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa gubat?
A. Deforestation B. Salinization
C. Desertification D. Siltation

27. Ano ang tawag sa tirahan ng mga hayop at iba pang bagay?
A. Community B. Hinterland
C. Habitat D. Zoo

28. Anong suliranin ang sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat?


A. Overgrazing B. Siltation
C. Red Tide D. Water Pollution
29. Ano ang tawag sa pumoprotekta sa tao, halaman, at hayop mula sa masamang epekto ng
radiation dulot ng ultraviolet rays?
A. Sun B. Clouds
C. Greenhouse D. Ozone Layer

30. Isa sa sitwasyong kina-kaharap ng Asya ay ang paraming deposito ng banlik na dala ng
umaagos na tubig sa isang lugar. Ano ang tawag sa suliraning ito?
A. Deforestation B. Salinization
C. Desertification D. Siltation

31. Dahil sa maling sistema ng irigasyon lumilitaw ang asin sa ibabaw ng lupa, ano ang tawag sa
nasabing sitwasyon?
A. Deforestation B. Salinization
C. Desertification D. Siltation

32. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga suliraning kinakaharap ng Asya?
A. Urbanisasyon B. Pagkawala ng biodiversity
C. Pagkasira ng lupa D. Pangangalaga sa likas na yaman

33. Alin sa sumusunod ang nagiging dahilan sa pagkasira sa lupa?


A. Paggulo sa lupa
B. Pagtatanim ng mga tao
C. Pagrami ng punong kahoy
D. Labis na pangagainin o overgrazing

34. Ano ang tawag sa paglipat ng tirahan ng isang tao mula sa isang lugar patungo sa ibang
lalawigan, lungsod, o ibang bansa?

A. Migrasyon B. Staycation
C. Overnight D. Vacation

35. Anong bansa ang may pinakamalaking populasyon?


A. China B. Saudi Arabia
C. India D. Uzbekistan

36. Kung pagbabatayan ang rehiyon sa asya, anong rehiyon ang may pinaka maraming bilang ng
tao?
A. Hilagang Asya B. Silangang Asya
C. Kanlurang Asya D. Timog Asya

37. Ano ang tawag sa datos ng buhay na sanggol na ipinanganak sa bawat 1,000 populasyon sa
loob ng isang taon?
A. Birth Day B. Census
C. Birth Rate D. Death Rate

38. Ang Asya ay halos napapaligiran ng mga karagatan. Ang mga ito ay may mahalagang papel sa
pamumuhay ng mga Asyano, MALIBAN sa?
A. Nagsisilbing likas na depensa
B. Rutang pangkalakalan at paggagalugad
C. Pinagkukunan ng iba’t ibang yamang dagat at yamang mineral
D. Dahilan ng agawan ng teritoryo ng mga bansang nakapalibot dito

39. Ang Pilipinas ay bansang nakaharap sa Karagatang Pasipiko kaya madalas na tatama ang
bagyo sa ilang mga lugar dito. Sa palagay mo, ano ang pinaka- angkop na uri ng bahay ang
bagay rito?
A. Tree house B. Bahay sa kweba
C. Bahay kubo D. Bahay na Kongkreto

40. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag ng kahalagahan ng bulubundukin sa


pamumuhay ng tao?
A. Ito ay ginagawang pastulan
B. Dahil ito ay binubungkal at ginagawang sakahan ng mga tao
C. Ito ay nagsisilbing proteksyon o harang sa malalakas na bagyo at digmaan
D. Ito ay nagsisilbing depensa ng isang lugar at proteksyon o harang sa malalakas
na bagyo at digmaan
41. Kung ikaw ay naninirahan sa isang burol, alin sa mga sumusunod na gawain ang iyong maaaring
maging hanapbuhay?
A. Pagsasaka B. Pagpapastol
C. Pagmimina D. Pangingisda

42. Ang mga ilog Huang Ho at Yang Tze ay matatagpuan sa Tsina. Bakit itinuturing ang mga ito na
pinakamahalagang ilog ng Tsina?
A. Dahil ang mga ito ang nagpapataba ng mga lupa.
B. Dahil ang mga ito ang lundayan ng kanilang kaharian.
C. Dahil ang mga ito ay ginagamit na ruta para sa pakikipagkalakalan.
D. Dahil ang mga ito ay nagpapataba ng mga lupa at ginagamit na ruta para sa
pakikipagkalakalan.

43. Sa maraming bansa sa Timog- Silangang Asya, bakit itinuturing na pangunahing butil na
pananim ang palay?
A. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais at barley
B. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa TimogSilangang Asya
C. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito
D. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim

44. Sinasabing may malawak na damuhang matatagpuan sa Hilagang Asya bagama’t dahil sa tindi
ng lamig dito ay halos walang punong nabubuhay rito. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang
sa likas na yaman ng nasabing rehiyon?

A. Troso mula sa Siberia ang tanging yamang gubat sa rehiyon


B. Palay ang mahalagang produkto rito bagama’t may trigo, jute at tubo.
C. Tinatayang may pinakamalaking deposito ng ginto at mga yamang mineral.
D. Paghahayupan ang pangunahing gawain dahil sa mainam itong pagastulan ng
mga alagang hayop.

45. Sa pagkakaroon ng lambak-ilog at mababang burol ng mga bundok na mainam na pagtaniman


sa Hilagang Asya ano ang mahihinuha mong maaaring maging hanap buhay ng mga
naninirahan dito?

A. Pangingisda B. Pagsasaka
C. Pagmimina D. Pagpipinta

46. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa taglay na likas na yaman ng Timog Silangang Asya?

A. Ang Timog Silangang Asya ay mayaman sa langis at petrolyo.


B. Ang Timog Silangang Asya ay nagtataglay ng malalawak na kagubatan.
C. Ang Timog Silangang Asya ang nangunguna sa industriya ng telang sutla.
D. Ang Timog Silangang Asya ay nagtataglay ng pinakamalaking deposito ng ginto.

47. Malaki ang epekto ng paglaki ng populasyon sa ating likas na yaman sapagkat maraming
mamamayan ang nangangailangan ng mga hilaw na materyales lalo’t higit sa mga bansang
mauunlad at bansang papaunlad pa lamang. Kung ating susuriing mabuti, ano ang magiging
implikasyon nito sa ating likas na yaman ng Asya pagdating ng panahon?

A. Mapreserba ang mga yamang likas ng Asya.


B. Higit na madadagdagan ang likas na yaman ng Asya.
C. Ang likas na yaman ng Asya ay mauubos o mawawala
D. Aangkat ang mga bansa sa Asya sa ibang mga kontinente.

48. Ang paglaki ng populasyon ay may malaking implikasyon sa ating likas na pinagkukunan. Paano
naging magkaugnay ang tao at ang likas na pinagkukunan?

A. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang mapakinabangan ng lubos.


B. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan para lamang sa pansariling pag
unlad.
C. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang matugunan ang mga
pangunahing pangangailangan.
D. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan upang mabuhay ng matiwasay
at mapaunlad ang pamumuhay.
49. Ano ang nakikita mong sitwasyon sa mga pinagkukunang yaman ng isang bansa kung patuloy
ang pagtaas ng populasyon?

A. Mas higit na uunlad ang bansa dahil sa lakas paggawa.


B. Magkakaroon ng maayos na panirahan ang mga tao sa bansa.
C. Unti-unting mauubos ang pinagkukunang -yaman ng mga bansa.
D. Patuloy na pagkawasak ng mga tirahan ng mga species ng hayop.

50. Sa mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan ng tao sa kasalukuyan na nakaka apekto sa


pamumuhay ng mga mamamayan, sa iyong palagay alin ang pinakaepektibong pagtugon ng
tao upang mapanatili ang balanseng ekolohikal sa ating daigdig?

A. Paghahanap ng pabrikang mapapasukan na hindi nagbubuga ng matinding usok


B. Pakikilahok sa mga proyektong nagsusulong sa pagsagip sa lumalalang kalagayang
ekolohikal
C. Pananatili sa loob ng tahanan upang makaiwas sa maaaring maidulot ng mga usok ng
sasakyan
D. Manirahan sa mga lugar na hindi gaanong apektado ng anumang suliraning
pangkapaligiran

Inihanda ni:

RUEL C. DURAN, PhD


Education Program Supervisor
Araling Panlipunan

You might also like