Grade 9 - Ikaapat Na Markahang Pagsusulit

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Department of Education

Region VII, Central Visayas


Division of Carcar City
Tal-ut National High School
Tal-ut, Valencia, Carcar City, Cebu
S.Y.: 2023-2024

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

Pangkalahatang Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng
tamang sagot.

Batay sa napakinggan, natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa


layunin ng may-akda sa pagsulat nito, pag-isa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito,
pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa kasalukuyang panahon sa lipunang Pilipino (F9PN-Vab-
56).

1. Ang layunin ni Dr. Jose Rizal kung bakit pinangahasan niyang gawin ang di napangahasang gawin ng
sinuman ay upang _______________.
A. ipabatid na relihiyon ang nagpapahirap at nagmamalupit sa mga Pilipino.
B.maipakita kung ano ang nasa likod ng mga madaya at nakasisilaw na mga pangako ng pamahalaan.
C. maipakilala ang karuwagan ng mga Pilipino.
D. sagutin ang mga paninirang loob na matagal nang panahong ikinulapol sa mgaPilipino.
2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kalagayang panlipunan sa panahong isinulat ang
akdang Noli Me Tangere?
A. Makapangyarihan ang balatkayong relihiyong nagpahirap at nagmalupit sa mga Pilipino.
B. Malayang nakapagpapahayag ng damdamin ang mga Pilipino lalo nang kanilang mga hinaing.
C. Nagsisimula nang mag-alsa at lumaban ang mga Pilipino dahil sa pagmamalupit at pang-aabuso ng mga
Espanyol.
D. Umunlad at bumuti ang kalagayan ng mga Pilipino dahil sa paraan ng pamamahala ng mga Espanyol sa
Pilipinas.
3. Ang pananampalataya ng mga Pilipino ay isang patunay na makapangyarihan ang relihiyong Katoliko na
iniwan ng mga Espanyol sa atin. Ang nabanggit na pahayag ay nagpapahiwatig na _______________.
A. mahusay magturo ang mga Espanyol sa relihiyong Katoliko
B. malawak ang pagtanggap ng mga Pilipino sa mga Espanyol
C.malaki ang impluwensiya ng pagtuturo ng relihiyong Katoliko sa mga Pilipino
D. tinanggap ng walang pag-alinlangan ang relihiyong Katoliko sa mga Pilipino
4. Ang mga sumusunod ay mga layunin o dahilan ni Dr. Jose Rizal kung bakit niya isinulat ang Noli Me
Tangere MALIBAN sa ______________________ .
A. maipabatid ang relihiyong nagpapahirap at nagmamalupit sa mga Pilipino.
B.maipakilala ang kadakilaan ng mga Pilipinong mamamayan sa panahon ng Espanyol.
C. maipakita kung ano ang nasa likod ng mga madaya at nakasisilaw na pangako ng pamahalaan.
D.matigil ang paggamit ng Banal na Kasulatan bilang instrumento ng paghahasik ng kasinungalingan
5. Ang dahilan kung bakit ipinakilala niya ang kaibahan ng tunay at di-tunay na relihiyon ay upang _______.
A. gisingin o pukawin ang nasyonalismong diwa para sa kapakanan ng mga Pilipino.
B. maipakilala ang karuwagan ng mga Pilipino.
C. matigil ang paggamit ng Banal na Kasulatan bilang instrument ng paghahasik ng kasinungalingan upang
malinlang ang mga Pilipino.
D. sagutin ang mga paninirang loob na matagal nang panahong ikinulapol sa mga Pilipino.
6. Ang “Noli Me Tangere” ay halimbawa ng nobelang:
A. pampolitika B. panrelihiyon C. panlipunan D. Pampamilya
7. Ang “Noli Me Tangere” ay inialay sa:
A. GOMBURZA B. kasintahan C. pamilya D. Inang Bayan
8. Naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng nobelang “Noli Me Tangere ang:
A. The Roots B. Iliad at Odyssey C. Ebony and Ivory D. Uncle Tom’s Cabin
9. Ang sakit sa lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang “Noli Me Tangere”
A. HIV B. Kanser C. Dengue D.Tuberculosis
10. Ang salitang panlibak ng mga Espanyol s mga Pilipino ay:
A. mangmang B. tamad C. erehe D. Indiyo
Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan sa panahong isinulat ang akda at ang mga epekto nito matapos
maisulat hanggang sa kasalukuyan (F9PB-Iva-b-56).

11. Ano ang tungkulin ng isang inang Pilipina sa lipunan noong panahon ng Kastila?
A.Ang ina ay siyang nakaatas sa lahat ng aspetong pampamilya.
B. Ang mga ilustradong angkan ay pinamanahanang mga unang nag-asawang babae sa pamilya.
C.Ang mga ina ay kinakailangang maghanap ng trabaho para matustusan ang pangangailangan ng pamilya.
D.Maliban sa tagapangalaga, ang mga ina ang unang guro ng mga anak kabilang na dito ang pagtawag sa
Diyos.
12. Alin sa mga sumusunod ang HINDI papel ng isang guardia sibil ayon sa obserbasyon ni Rizal?
A. Paghagupit sa mga tao kung hindi nag-aalis ng sombrero.
B. Paghagupit sa mga matatandang lalaki kung hindi wasto ang pagsaludo sa kanila.
C. Pagmamalupit sa mga babaeng Pilipina at maging sa mga bata.
D. Pagpataw ng malaking buwis sa mga ordinaryong mamamayan.
13. Alin sa mga sumusunod ang ginamit ni Rizal na panlunas sa kanser sa lipunan?
A. karahasan at rebelyon C. kilusan at pakikipagdugo
B. karunungan at edukasyon D. madugong labanan
14. “ Ngayon ko nakikita ang paglaganap ng kanser na sumisira sa lipunan”. Ipinahihiwatig ng pahayag na
_____________.
A.ang pang-aapi at pagwawalang bahala ay malala na.
B. laganap na ang pagwawalang bahala ng mga Pilipino.
C. malala na ang kasamaan ng mga Kastila.
D.patuloy ang pagkasira ng buhay ng mga Pilipino.
15. “ Mabuti pang paratangan akong isang pilibustero kaysa sa mapagbintangan kang erehe. Ang
kahulugan ng mga salitang may salungguhit na naging kalagayan ng lipunan sa panahon ng Kastila ay ang
mga taong laban sa _________________.
A. lipunan at simbahan C. pamahalaan at simbahan
B. mga prayle at guwardiya sibil D. simbahan at prayle
16. Lumuhod si Sisa sa mga guwardiya sibil na mauna sila ng malayong agwat sa kanilang paglalakad. Ngunit
hindi siya pinayagan. Nang napagitna siya sa dalawang sundalo sa paglakad halos mamatay siya sa kahihiyan.
Anong kalagayang panlipunan ang sinisimbolo ni Sisa?
A.kahabag-habag na inang anak-pawis
B. madaling maawa ang mga sundalong Kastila
C.makasalanan ang lahat ng mga Pilipino sa mata ng mga Kastila
D.kalunos-lunos na karanasan ng mga Pilipinong napasailalim ng mga Kastila
17. .” May malalang sakit ang bansa, upang malunasan, kailangan ang nakapapasong gamot”. Ang tinutukoy
ni Rizal na naging epekto upang magising ang kamalayan ng mga Pilipino ay ____.
A. edukasyon C. pagrerebelde
B. pagsisikap D. Rebolusyon
18. Bakit itinuturing na dakilang araw ng paggunita ng mga Pilipino ang ika-30 ng Disyembre?
A. Sa pag-alala ng ating kalayaan.
B. Sa pagkilala sa katalinuhan at katapangan ni Rizal.
C. Sa paggunita ng mga Pilipino sa pagpapakasakit ni Rizal.
D. Sa pagkilala kay Rizal bilang pambansang bayani ng bansa.

Natutukoy ang mga kontekswal na pahiwatig sa pagbibigay kahulugan(F9PT-Iva-b-56).

Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga sinalungguhitang salita/ mga salita sa loob ng pangungusap.
19.Tanging si Rizal ang nangahas na salingin ang maling sistema ng pamamalakad ng Espanyol sa bansa.
A. kumitil B. nanghina C. naglakas loob D. tumuligsa
20. Ang mga kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol ang nagtulak sa kanyang lumikha ng
pagbabago para sa bayan.
A. karalitaan B. Pagmamahal C. kasamaan D. pagpapahalaga
21. Itinambad niya ang totoong larawan ng relihiyong itinuro ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
A. inilihim B. isiniwalat C. ipinanlibak D. itinikom
22. Ang pagdaralita ng mga Pilipino ay bunga ng pagpapahirap at pang-aabuso ng mga dayuhan sa bansa.
A. paghihirap B. pagkasaya C. pagkagutom D. pagkamatiwasay
23. Pinopoon ng mga Pilipinong mamamayan ang mga aral na itinuturo ng relihiyong Katoliko.
A. ipinagsaklolo B. Pinapahalagaha C. itinatangi D. sinasamba
24. Walang kalayaang makasaling ang mga Pilipino dahil sa mahigpit na pagkontrol ng mga Espanyol.
A. makagala B. makasali C. makapiling D. makasama
Nakikilala ang mga tauhan batay sa napakinggang pahayag ng bawat isa(F9PN-Ivc-57).
25. “Ako ay hinog na sa karanasan para paniwalaan. Magdadalawampu’t tatlong taon na akong kumakain ng
kanin at saging. Huwag ninyo akong gamitan ng kung ano-ano at mabulaklak na mga salita.” Si Padre Damaso
ay ______.
A. maalalahanin B. mapagkumbaba C. mahusay na lider D. Mapagmataas
26. Ako ay nagsakripisyo. Ginawa kong pain ang sarili dahil sa pagnanais kong mailigtas ang kaibigan kong si
Ibarra.
A. Alfonso Linares B. Elias C. Basilio D.Kapitan Tiago
27. ’’ Ipagpaumanhin ninyong makasagot ako. Totoo kayang mapagwalang-bahala ang tagarito o baka naman
sinasangkalan lamang natin ang kapintasang iyan ng mga Pilipino para matakpan ang ganyan din nating
ugali.” Ang binatang mapula ang buhok ay ________________.
A. maalalahanin C. matapang
B. mapag-alinlangan D. maunawain sa kalagayan ng kapwa
28. Tama! Wala kayong makikitang sinuman sa daigdig na hihigit pa sa ugaling iyan ng mga Indio”. Ang
pandak na Espanyol ay nagpapakita ng ugaling ______________ .
A. mapagbalatkayo B. mapang-alipusta C. mapagmatyag D. Maunawain
29. Inilalarawan ko ang babaeng handang mapagsilbihan ang iniibig at sinisimbolo ko ang larawan ng isang
inang handang ibuwis ang buhay para sa mga anak.
A.Donya Pia Alba B. Salome C. Donya Victorina D. Sisa
30. ” Hindi ko mapapayagan ito. Ang kanyang kamahalan ay kinatawan ng katas-taasang Hari! Bawiin ninyo
ang lahat ng iyan at kung hindi’y makararating ito sa Kanyang Kamahalan bukas na bukas din”. Ang tenyente
ay ______ .
A. maaasahan sa oras ng kagipitan C. mapagmataas at makasarili
B. mapagmahal at tapat sa kanyang pinuno D. matulungin sa nangangailangan

Nahihinuha ang katangian ng mga tauhan at natutukoy ang kahalagahan ng bawat isa sa nobela(F9PB-Ivc-57).

31. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang kahalagahan ng papel na ginampanan ni Maria Clara?
A. babaeng nagtataglay ng mabuting kaasalan
B. mahinhing dilag na nagtataglay ng kahabag-habag na pang-aalipin
C. mayuming Pilipina at imahe ng ating Inang Bayan
D. mayuming Pilipina na nagtataglay ng kalunos-lunos na karanasan
32. Alin sa mga sumusunod ang angkop na paglalarawan kay Sisa?
A.Inang matiisin at handang ibuwis ang buhay para sa bayan.
B.Responsableng asawa’t ina na iniisip ang kapakanan ng pamilya.
C.Mapagkumbabang babae na handang magpaalipin kahit ninuman.
D. Mapagmalasakit na ina at matiising asawa kaya handang paglingkuran ang pamilya.
33. Tumanggi si Donya Victorina sa maraming tagahangang Pilipino.Ang pangarap niya’y makapag-asawa ng
dayuhan. Si Donya Victorina ay________________
A.ambisyosa C.mapaghiganti
B. isang dayuhan D. Mapagpakumbaba
34. Ang mga sumusunod na pahayag ay paglalarawan sa papel na ginagampanan ni Ibarra MALIBANsa:
A. Edukasyon at pag-alam sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael Ibarra ang
sadya ng kanyang pagbabalik.
B. Nangarap na mabago kaagad ang sistemang panlipunan sa bayan ng San Diego.
C. Nag-aral sa Europa at may balak na mabigyan ng mabuting kinabukasan ang mga kabataan ng San Diego.
D. Umaasang makapagtayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng
San Diego.
35. Ang mga sitwasyong kinakaharap nina Crispin at Basilio ay larawan ng ______________.
A. alibughang mga anak C.musmos na kabataan
B. inosenteng anak-pawis D. rebeldeng mga bata
36. Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang nagsasaad sa kahalagahan ng papel ni Crisostomo Ibarra?
A. Isinusulong niya ang diwang nasyonalismo ng mga Pilipino.
B. Ipinapamalas niya ang katangian ng pagiging bayani sa mga Pilipino.
C. Inilalarawan niya ang katangian ng isang tagapagligtas mula sa mga kaaway.
D.Ipinapakita niya ang malaking adhikaing magising ang kamalayan ng mga Pilipino.
Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang pahayag(F9PT-Ivc-57).

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng matalinghagang salitang nakasulat nang pahilig sa pangungusap. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.
37.Nagngalit ang bagang ni Basilio nang mabatid niya ang masamang ginawa ng ama sa kanyang ina.
A. nahirapang kumain C. nalungkot sa pangyayari
B. nakadama ng matinding galit D. sumakit ang ngipin
38. Siya ay hinog na sa karanasan kaya naman ang kanyang mga payo ay maaaring panghawakan.
A. maraming alam C. pwedeng kainin
B. matanda na D. salat sa kaalaman
39.Isang pangkurang hapunan ang inihanda ng ina para sa kanyang mga anak na darating mula sa
malayong lugar.
A.hapunang handa para sa kura C. masagana at masarap na hapunan
B. mga mapaklang pagkain D. pagkaing alay sa mga kura
40. Nagulat si Ibarra sa nasaksihan. Siya ay parang tuod sa pagkakatayo.
A. hindi nakagalaw C. nanigas
B. nandilat ang mga mata D. Natulala

Naipapaliwanag ang iba’t ibang paraan ng pagbibigay pahiwatig sa kahulugan(F9PTIVe-f-58).

Panuto: tukuyin ang kahulugan ng salitang nakahilig sa bawat pangungusap. Bilugan ang titik
lamang ng iyong sagot.
41. Magiliw na tumugon si Crisostomo Ibarra sa mga tanong ni Kapitan Tiyago.
A. bumati B. sumagot C. kumanta D. tumalastas
42.Ang kasaganaan o paghihikahos ng isang bansa ay may tuwirang relasyon sa kalayaan o pagkakaalipin
nito.
A.paghihirap B. pagkalungkot C. pagkamasagana D. pagkamuhi
43.Ang masayang kantahan ng mga dalaga ay sinasaliwan ng tugtog ng gitara ng mga binata.
A. binabalewala B. inaawitan C. hinaharana D. sinasabayan
44.Pinagsanib ng kabataan at ng matatanda ang kanilang lakas upang maikabit nang maayos ang mga
banderitas sa lansangan.
A.pinagsama C. pinagpaliban B.pinagtagpo D. Pinaalis

Panuto: tukuyin ang kahulugan ng mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa buong pahayag.
Bilugan ang titik ng iyong sagot.

45. Abaniko ng Intsik, na itiman ang isang mukha at ang kabila’y nasasabugan at puno ng mga ibon at
bulaklak na matitingkad ang kulay. Sinisimbolo nito ang ________________
A. kahirapan sa buhay na pinagmumukhang mayaman.
B. kasamaang binabalutan ng mapagkunwaring kabutihan.
C. kalungkutan na pangyayari sa buhay na pinagtakpan ng kasiyahan.
D. kaawa-awang kalagayan ng mga intsik sa panahon ng mga Espanyol.
46.Madilim na ulap ang namitak sa kaitaasan na kababanaagan ng maitim na anino ng baras ng bilangguan,
ng mga kadena, at nakahihindik na garote. Ito ay sumisimbolo ng __________.
A. isang malagim na panaginip para sa hinaharap
B. masamang lagay ng panahon na darating anumang oras
C.nagbabantang parusa at kalupitan sa sinumang sumuway sa kagustuhan
D.pagbabanta ng matinding pag-ulan mamaya
Naipapaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin gaya ng: pamamalakad ng pamahalaan,
paniniwala sa Diyos, kalupitan sa kapwa, kayamanan, kahirapan at iba pa(F9PB-Ivg-h 60).

47. . Mapapansin natin na may tatlong kabanata na umikot kay Maria Clara at sa ibang paraan para siya ay
gumaling. Bagama’t tumawag sila ng manggagamot upang suriin at pagalingin si Maria Clara ay
nangingibabaw pa rin ang kanilang paniniwalang panrelihiyon. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga
paniniwalang panrelihiyon na nananatili pa rin sa kasalukuyan MALIBAN sa:
A. pagbibigay ng donasyon C. pagsisindi ng kandila
B. pagtanggap ng sakramento D. sinusunod ang ipinapagawa ng doctor
48. Ang pananakot, pamimilit o paggamit ng dahas makuha lamang ang nais o layunin sa buhay ito man ay ng
isang indibidwal na tao o ng isang pangkat ay ating makikitang nagaganap sa ating paligid sa kasalukuyan.
Gaya na lamang ng pinakahuling labanan na nangyayari sa bansa sa pagitan ng pamahalaan at grupo ng MILF
sa Zamboanga na nagdulot ng kapighatian, sakit at hirap di lamang sa sa buhay ng mga taong naririto kundi
maging ng buong bansa at maging sa mga taong nagpasimula nito. Bilang isang mag-aaral, ano ang munting
tulong na maibahagi mo sa ating bansa?
A. Hayaan na lamang ang pamahalaan na magresolba ng problemang ito.
B. Bahala na ang mga tao sa Mindanao dahil malayo ako sa kanila.
C. Susulat ako sa mga kapatid kong MILF at hikayatin na huwag gumamit ng dahas dahil sa hindi magandang
epekto nito sa mga kabataan.
D. Hikayatin ko ang pamahalaan na dapat magpursige sila na hanapin ang mga MILF o iba pang pangkat ng
rebelde at lahat sila ay patayin dahil sila ay salot sa lipunan.

Naipaliliwanag ang mga kaugaliang binaggit sa kabanata na nakakatulong sa pagpapayaman ng kulturang Asyano.

49.Mula sa Kabanata I “ Isang Handaan”,nang malapit nang magtapos ang Oktubre ay inihayag niyang mag-
iimbita siya sa isang hapunan at ito’y kumalat sa buong Intramuros,Binondo at sa iba’t ibang lugar ng Maynila
ang sinabing iyon ng Don. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kaugnayan sa kaugaliang
Pilipino na makikita sa kasalukuyan?
A. nagsisimba tuwing may okasyon
B. pagkakaroon ng magarbong paghahanda tuwing may okasyon
C. palaging bukas ang ating mga kamay sa mga nangangailangan
D. pangungumpisal sa mga pari kung may hindi magandang nagawa

50. Ang mga sumusunod ay mga kaugalian na makikita sa Kabanata I “Isang Paghahanda” na patuloy pa ring
nangyayari sa kasalukuyan MALIBAN sa isa:
A.mainit na pagtanggap sa mga panauhin
B. hindi pag-iimbita ng kamag-anak sa isang handaan
C.pangungumpisal sa mga pari
D.pakikinig ng mahusay bilang pagbibigay-galang sa taong nagsasalita

-Kt Remocaldo

You might also like