Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MGA DULOT O EPEKTO NG GLOBALISASYON

Ang globalisasyon ay ang pagpapalawig,pagparami, at pagpapatatag ng mga


koneksyon at ugnayan ng mga bansa sa kapwa bansa, at bansa sa mga aspekto ng
ekonomiya, politika, kultura at kapaligiran.Ito ay ang pagsusulong ng pandaigdigang
kalakalan sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga pambansang hangganan at pagbabawas
sa paghihigpit sa pag-angkat ng mga produkto.

Meron itong magandang epekto isa doon ay natutunan ng mga Pilipino ang iba’t
ibang wikang banyaga, nagkakaroon ng pagkakaisa ang mga bansa, pagkakaroon ng
demokrasaya sa mga komunistang bansa sa ekonomiya, isa na rin ang pagkakaroon ng
malayang kalakalan at mas napapabilis ang kalakalan o ang pagpapalitan ng mga produkto
at serbisyo, gumagaling na rin ang mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya napapadali na
ang daloy ng mga transportasyon, social media at kung ano pang bagay na ginagamitan ng
teknolohiya.

Kung may magandang epekto syempre meron ding mga negatibong epekto ang
globalisasyon una ay ang paghihina at nabubura ang pambansang pagkakakilanlan, naging
pamantayan ang wikang ingles at nalulugi na rin ang ating lokal na namumuhunan, mas
napapaboran at kinikilala ang hindi lokal na produkto dahil karamihan sa mga pinoy ay
gusto ang produkto ng ibang bansa dahil sa magandang lasa ng kanilang produkto isa na rin
doon ang magandang disenyo ng pagkabalot ng mga gamit o pagkain na nakakaakit sa mga
pinoy, isa rin ang palaging paggalaw at pagtaas ng mga presyo ng produkto at serbisyo na
nagdudulot ng kahirapan sa mamayang Pilipino, unti unti naring nawawala ang mga
pagkakakilala ng Pilipinong kultura at wika dahil pabor at mas gusto nila sa mga banyaga.Sa
hindi kaayaayang reyalidad ng bansa, mas pipiliin nila ang gawang banyaga para dito.Isang
halimbawa nito ay brain drain, sa hirap ng buhay ay pipiliin nila na umalis ng kanilang
bayan para magtrabaho sa ibang bansa.Sa globalisasyon, hindi pantay at mas nakakalamang
ang kinikita ng mga mamamayan sa mayayamang bansa kesa sa kinikita ng mga
mamamayan sa mahirap na bansa.

Pero para sa akin ay mas sang ayon ako sa mga negatibong epekto at ito ang gusto ko
na magbago dahil sa mga nabanggit ko ay kawawa na talaga ang ating bansang pilipinas,
sana sa aking mga nasabi ay mag popokus na ang mga tao sa pagbago ng pagdaloy ng
globalisasyon at gawan ng paraan para hindi mamatay ang ating sariling wika.Kahit may
mabuting bagay ang globalisasyon, may mga bagay na hindi mawawala ang mga
desbentaha o hindi magandang bagay na naidudulot.Maaring maging balanse ito na kahit
papano maisalba sana ang pagkakakilanlan ng ating pagka Pilipino.

You might also like