Masusing Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 65

Masusing Banghay Aralin sa

Araling Panlipunan III-Courage

Lunes-Biyernes (8:45-9:45 N.U.)

I. Mga Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Maiisa-isa ang mga simbolo sa mapa;


b. Matutukoy ang kahalagahan ng paggamit ng mga simbolo; at
c. Mabibigyan ng kahulugan ang bawat simbolo na makikita sa isang
mapa.

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Ang Mga Simbolo sa Mapa.
B. Sanggunian: Araling Panlipunan III Modyul, Pahina 1-10.
C. Kagamitan: Mga larawan ng simbolo, mapa, at panturong biswal.

III. Proseso ng Pagtuturo:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

➢ Magsitayo ang lahat para sa


ating panalangin.

➢ Vincent, ikaw ang mamuno ➢ Panginoon, marami pong


ngayong araw. salamat sa araw na ito. Nawa
po ay maging maayos ang
aming talakayan at gabayan
niyo po kami sa aming pag-uwi
mamaya.

➢ Amen.

➢ Bago umupo ay paki-pulot


muna ang inyong mga kalat sa
ilalim ng upuan. Maraming
Salamat!

➢ Magandang umaga mga bata! ➢ Magandang umaga rin po


Binibining Espina!

➢ Wala bang lumiban ngayong


araw?
( Magtsek ang guro kung sino ang
lumiban sa araw na ito.)

B. Pagganyak

➢ Bago natin simulan ang talakayan,


mayroon muna akong itatanong sa
inyo.

➢ Tanda niyo ba ang daan mula sa ➢ Opo!


inyong bahay papunta rito sa ating
skwelahan?

➢ Magaling, Julia! Maaari mo bang ➢ Mula po sa amin ay may


banggitin at iguhit ang mga madadaanan pong mga dikit
palatandaan mula sa inyong lugar dikit na bahay at makailang
papunta rito sa paaralan? hakbang po ay mayroon
naman pong mga
nagtutumpukang mga puno.
Sa pagliko po ay may
madadaanan na simbahan at
dire-deretso lang po makikita
na po ang paaralan.

➢ Mahusay! Maraming Salamat,


Julia.

➢ Sino pa ang nais magbahagi? ➢ Ako po Ma’am!

➢ Sa aming lugar ay may


makikitang malaking ospital,
may madadaanan din pong ilog,
pagliko mula sa ilog ay may
makikita naman pong maliit na
burol at matapos ang ilang
minuto po nang paglalakad ay
matatanaw na po ang ating
paaralan.
➢ Mahusay, Lily!

➢ Klas, ano ang tawag ngayon sa ➢ Ma’am mga palatandaan po.


mga iginuhit na nasa pisara?

➢ Magaling, Ella!

➢ Vincent, matapos mo makita at ➢ Mga simbolo at palatandaan sa


malaman ang mga palatandaan at isang lugar po Ma’am.
sinisimbolo mula sa lugar ni Julia
at Lily papunta rito sa ating
paaralan. Ano sa tingin mo ang
paksang tatalakayin natin sa araw
na ito?

➢ Magaling!

C. Paglalahad

➢ Ang ating aralin sa araw na ito ay


pinamagatang, “Ang mga Simbolo
sa Mapa.”

➢ Handa na ba ang lahat na ➢ Opo!


makinig?

D. Pagtatalakay

(Sa pagsisimula ng talakayan,


magpapakita ang guro ng iba’t-ibang
larawan ng mga simbolo na maaaring
makita sa mapa. At magtatanong ang
guro patungkol sa mga larawang hawak
niya.)

➢ Aira, sa tingin mo ba ay may ➢ Opo, meron po ma’am.


magandang naidudulot ang mga
simbolo sa isang mapa?

➢ Kung oo, maaari ka bang ➢ Sa tulong po ng mga simbolo na


magbigay ng isa? nasa mapa ay natatandaan po
ang isang lugar tulad po ng
ginawa nila Julia at Lily kanina.
Sa tulong po ng mga simbolo
natandaan at naisaulo po nila
ang daan mula sa kanilang
➢ Magaling! bahay papunta sa ating paaralan.

➢ Ang mga simbolo na ito ay ➢ Ma’am ano po ba ang mapa?


tumutulong sa atin upang
malaman ang mga lugar na ating
tatahakin. Makikita natin ang mga
ito sa isang mapa.

➢ Ang mapa ay ginagamit natin


upang magturo sa atin ng mga
direksiyon ng mga lugar na ating
pupuntahan. Ito gumagamit ng
iba’t-ibang mga simbolo upang
ipahiwatig ang ilang mga bagay,
katangian, at iba pang
impormasyon ukol sa mga lugar.
Gumagamit tayo ng mga simbolo
hindi lang basta para matukoy ang
lugar na tatahakin bagkus ay
malaman din natin ang mga
matatagpuan sa lugar na iyon.

➢ Isang halimbawa ay ang Lalawigan ➢ Mayroon po tayo ritong ilog tulad


ng Bulacan. Ano sa tingin niyo ang ng bakas, may mga
mga makikita dito sa ating lugar? magagandang simbahan din po
tayo tulad ng simbahan sa grotto
kung saan kami nagsisimba
tuwing linggo, may mga burol at
mga bundok din po tayo at mga
naglalakihan na mga gusali.
➢ Tama, Mark! Sa tulong ng mga
simbolo ay nakilala at nalaman
natin ang mga bagay na mayroon
sa isang lugar. Nagkaroon din tayo
ng ideya kung anong mga anyong-
lupa at tubig ang makikita rito.

➢ Sino rito naman ngayon ang ➢ Ako po!


makapagbabahagi ng mga simbolo
sa isang silid-aralan?

➢ Sige, ano ang mga iyon Carl? ➢ Sa isang silid-aralan ay makikita


Iguhit mo sa pisara ang mga ang upuan at lamesa ng guro.
simbolo na makikita sa mapa ng
silid-aralan.

➢ Magaling!

➢ Ngayon ay matutukoy niyo na


kung nasaan kayo sa
pamamagitan ng paglalagay ng
mga simbolo tulad na lamang ng
pagguhit ni Carl ng upuan at
lamesa ng guro. Tandaan na ang
mga simbolo na ginagamit at
nakikita natin sa mapa ay may
a ta at sa apa ay ay
mga kahulugan.
➢ Isang halimbawa ay ang hugis ➢ Isang lugar na bulubundukin
bundok na ito. Ano sa tingin mo po.
Vanessa ang kahulugan ng
simbolong ito?

➢ Tama!

➢ Mahalaga ba na matukoy ang ➢ Opo, mahalaga po.


bawat kahulugan ng mga simbolo
o pananda na makikita sa mapa?

➢ Bakit mahalaga, Julia? ➢ Mahalaga po na malaman


ang mga kahulugan upang
mas mapadali ang
paghahanap sa isang lugar
at madali itong
mapuntahan.

➢ Magaling, Julia!

➢ Kinakailangan na matukoy natin


ang bawat kahulugan ng mga
simbolo upang malaman natin ang
mga bagay sa isang lugar at
madali itong mapuntahan. Isa pa
ay para matukoy din natin ang
mga anyong-lupa at tubig na
mayroon dito.

➢ Narito ang ilan sa mga simbolo at


kahulugan na makikita sa mapa

Ospital

Ilog

Kabahayan

Burol

Paaralan
Kagubatan

Simabahan

Bulubundukin

Kapatagan

Bundok

Talon

➢ Klas, naintindihan ba? ➢ Opo

➢ Wala bang katanungan patungkol


sa mga simbolo na naipakita ko? ➢ Ma’am may tanong po ako.

➢ Maaari po ba kami na
➢ Ano iyon, Jessica? gumawa ng sariling simbolo
o palatandaan?

➢ Oo naman! Bawat isa sa inyo ay


maaaring gumawa ng simbolo
upang matandaan ang isang lugar
pero hindi ito makikita sa mapa
dahil magsisilbi lamang itong
inyong gabay. Ang makikita
lamang sa mapa ay ang mga
simbolo na naipakita ko kanina.
➢ Wala na bang katanungan?
➢ Wala na po ma’am.
Document continues below

Discover more from:


Bachelor of Elementary Education BEED
999+ documents

Go to course

Activity #3 - Experimental Research

1 Bachelor of Elementary Education 100% (20)

1. List the weaknesses and strengths of Filipino Character

2 Bachelor of Elementary Education 96% (23)

School Learning Action Plan in Reading

10 Bachelor of Elementary Education 100% (11)

The Strengths and Weaknesses of the Filipino Character

3 Bachelor of Elementary Education 100% (58)

Pang-Angkop para Baitang 4 - Banghay Aralin

4
Bachelor of Elementary Education 98% (43)

COT Lesson PLAN Science 4 Quarter 4

10
Bachelor of Elementary Education 98% (80)
E. Pormatib Tsek

➢ Kung ganoon ay maaari ka bang ➢ Ilog, ospital, bundok, at


mag-bigay ng ilan sa mga simbolo paaralan po.
at kahulugan nito, Justine?

➢ Magaling! Maraming Salamat,


Justine.

➢ Sino naman ngayon ang ➢ Ma’am, ako po!


makapagbibigay ng kahalagahan
ng mga simbolo sa mapa?
➢ Para po mas madali
mahanap ang isang lugar at
para malaman ang mga
katangian na meron sa
➢ Mahusay, Carl! bawat lugar.

F. Paglalapat

➢ Dahil naintindihan naman. Kayo


ngayon ay aking papangkatin.
Mayroon akong inihandang
maikling aktibidad.

(Magsisimula na ang guro na


magpangkat. Papangkatin ang klase sa
pitong (7) grupo at bawat grupo ay may
limang miyembro.)

➢ Narito na ang pitong pangkat:

Pangkat 1: Zambales
Pangkat 2: Tarlac
Pangkat 3: Bataan
Pangkat 4: Bulacan
Pangkat 5: Nueva Ecija
Pangkat 6: Aurora
Pangkat 7: Pampanga

➢ Ngayong kayo ay nasa kaniya-


kaniyang grupo na, ipapaliwanag
ko ngayon ang inyong gagawin.
Makinig nang mabuti ang lahat.

➢ Ang mga pangkat ay binase ko sa


pitong Lalawigan na mayroon ang
Rehiyon 3. Isipin niyo na tayong
lahat ay maglilibot sa pitong
Lalawigan gamit lamang ang mga
mapa kung kaya ay inaasahan ko
na ang bawat grupo ay kailangan
na maiparamdam sa bawat isa sa
atin na parang inililibot niyo ang
ating klase sa pamamagitan
lamang nang pagbanggit ng mga
katangian, bagay at impormasyon
na makikita sa bawat Lalawigan.

➢ Mayroon akong ibibigay na papel


at sa papel na ito ay nakaguhit ang
mapa ng Lalawigan na napunta sa
bawat grupo. Mayroon din ako
ritong mga iginuhit na simbolo
para sa bawat Lalawigan at ang
gagawin niyo lamang ay ididikit ito
sa mapa at ilalagay niyo kung ano
ang kahulugan ng bawat simbolo
na napunta sa inyo.

➢ Nasusundan ba ako mga bata? ➢ Opo, ma’am!

➢ Magaling! Bawat grupo ay


kailangang mag-presenta ng
kanilang mapa sa harapan at
kinakailangan na mabanggit ang
mga simbolo at kahulugan nito.
Mababanggit din dapat ang
kahalagan ng mga simbolo na
makikita sa mapa. Magbigay
lamang ng isa.

➢ May katanungan ba para sa ating ➢ Wala po ma’am.


pangkatang gawain?

➢ Kung ganoon ay bibigyan ko kayo


ng sampung minuto para sa
inyong aktibidad. At pagkatapos
nito ay magsisimula na ang
presentasyon ng bawat grupo.
p ese tasyo g ba at g upo
➢ Narito ang ating pamantayan:
(Halimbawa ng pagpresenta ng
pangkatang gawain)
Mga Pamantayan Puntos ➢ Kami po ang pangkat
Tama ang mga kahulugan Bulacan at Narito po ang
sa bawat simbolo 5 ilan sa mga simbolo na
Maayos na naipahiwatig ang makikita sa aming mapa.
mga simbolo sa mapa at 5
kahalagan nito
Kalinisan 5
Nahikayat ang guro sa pag-
dedeliber ng mga katangian 5
ng lalawigan.
Kabuuan: 20

➢ Sa Bulacan po ay makikita
rito ang naglalakihan at
naggagandahang mga
simbahan tulad ng
simbahan sa tungko.
Marami rin pong mga
ospital na matatagpuan sa
Lalawigan ng Bulacan at
panghuli ay marami pong
anyong-tubig na makikita
rito tulad ng ilog. Mahalaga
po ang bawat simbolong ito
dahil napapadali po ang
punta natin sa bawat lugar
at nalalaman natin ang mga
katangian at Impormasyon
na meron sa bawat lugar.
➢ Maraming Salamat, pangkat apat!
Mahusay ang inyong ginawa.
➢ Dumako naman tayo sa
Lalawigan ng Pampanga.
Dito ay makikita ang mga
anyong-lupa tulad ng burol,
kapatagan, at bulubundukin.
Ilan iyan sa mga simbolo na
mayroon ang Pampanga.
Kaya naman mahalaga ang
mga ito dahil sa paggamit
ng mga simbolo sa isang
mapa ay nagkakaroon tayo
ng ideya kung anong meron
sa isang lugar.

➢ Mahusay, pangkat pito! Mahusay


din ang inyong ginawa.

➢ Maraming salamat klas! Ngayon


nakita ko na na talagang naisaulo
na ninyo ang mga simbolo na
makikita sa isang mapa at ang
kahulugan ng mga ito.
Pakiramdam ko tuloy kanina ay
para talaga akong nag-lilibot sa
pitong Lalawigan dahil sa inyong
mahusay na presentasyon. Basta
laging tatandaan na kailangan na
matutunan muna ang mga simbolo
na mayroon sa isang mapa upang
sa ganoon ay mabilis matukoy ang
lugar na nais pupuntahan.

G. Paglalahat

➢ Narito ang iskor ng bawat grupo:


Pangkat 1: 19
Pangkat 2: 20
Pangkat 3: 19
Pangkat 4: 20
Pangkat 5: 18
Pangkat 6: 19
Pangkat 7: 20

➢ Palakpakan ang bawat isa. Lahat


kayo ay magagaling. Dahil diyan
inaasahan ko na may natutunan
kayo sa ating aralin ngayon.
➢ Sino rito ang nais magbahagi? ➢ Ako po ma’am!

➢ Ang aking natutunan po ay


mahalaga pala talaga ang
bawat simbolo na mayroon
sa isang mapa dahil sa
tulong nito ay mas nakilala
namin ang bawat lugar at
mas madali na namin itong
mapuntahan.
➢ Magaling, Anna!

➢ May gusto pa bang magbahagi? ➢ Ma’am ako po!

➢ Natutunan ko po ang iba’t-


ibang mga simbolo at
kahulugan nito. Tulad po ng
hugis bundok at ang
kahulugan po nito ay
bulubundukin, Ang gusali na
may krus sa itaas at ang
kahulugan po nito ay
simbahan, at panghuli ay
ang gusali na may watawat
➢ Mahusay, Angel! Maraming sa gilid at ang kahulugan po
salamat sa pagbabahagi. nito ay paaralan.

➢ Tandaan na ang mga simbolo ay


matatagpuan sa mapa at
ginagamit ito upang mas makilala
ang lugar na nais tahakin at para
mas madali itong mapuntahan.
Mahalaga na malaman ang bawat
kahulugan ng mga simbolo dahil
ito ang magtuturo sa atin kung
ano-ano ang mga katangian na
mayroon sa isang lugar.

➢ May Katanungan pa ba patungkol ➢ Wala na po.


sa ating aralin?

➢ Kung ganoon ay dadako na tayo


sa ating pagsusulit.
IV. Pagtataya

Gawain A

Panuto: Lagyan ng kahulugan ang bawat simbolo na makikita sa isang mapa.


Isulat ito sa kaukulang kahon.

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.
9.

10.

Gawain B: Pagtatapat

Panuto: Piliin sa hanay B ang kahulugan ng simbolo na hinahanap sa hanay A.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaan na patlang.

HANAY A HANAY B

a) Ilog
1.

b) Bulubundukin
2.

c) Burol

3.

d) Simbahan

4.
e) Kabahayan
5.

Mga katanungan:

1. Sa iyong palagay paano nakatutulong ang mga simbolo sa isang mapa?


2. Mahalaga ba na matukoy ang kahulugan ng bawat simbolo? Bakit?

Paraan ng pagpasa:

(Matapos sagutan ang pagsusulit. Ipasa ang papel pakanan at ipasa ang papel
paharap. Mag-mumula ang pagpasa sa likuran at iipunin ng nasa pinakaharapan
at ibibigay na sa guro matapos malikom ng dalawang nasa harapan ang mga
papel)

V. Takdang Aralin

Panuto: Iguhit ang mapa ng inyong lugar at lagyan ito ng mga simbolo na
maaaring makita rito. Lagyan din ang bawat simbolo ng mga kahulugan. Kulayan
at pagandahin ito, Gawin ito sa isang bond paper.
Explanation:

I chose this topic "Ang mga Simbolo sa Mapa" from grade 3 level because I want every
student to learn and understand the importance of symbols on the map. Through this
lesson they will know the characteristics, object/things and information that exists in a
place. I want them to find and analyze the place they want to go in easy way. Also, I
want students to familiarize the places we have like the 7 provinces in Region 3. This
lesson will help them not only for the present time but also for their future. They can use
the symbols on the map to remember a place. Also, I chose it because I know as a child
grows up, he or she develops knowledge and questions. Some of them are becoming
inquisitive and knowledgeable in places, what if a child goes astray on his/her way
home from school? He/She did not know the signs to their house. That is why this
lesson will help them to learn and know the things that are in their place so that they can
have signs in them. In this lesson they will not only learn about what is in their place, but
they will also know what is in other places.
Masusing Banghay Aralin sa

Araling Panlipunan I - Grapes

Lunes-Biyernes (8:00 -9:00 N.U.)

I. Mga Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:

a. Maayos na naipakikilala ang sarili sa iba;

b. Masasabi ang pangalan, edad, kaarawan at tirahan;

c. Matutukoy ang kahalagan ng pag-aaral patungkol sa sarili; at

d. Makapagbibigay ng isang sitwasyon na magagamit ang natutunan sa pag-


alam sa sarili.

II. Paksang Aralin:

A. Paksa: Ang aking Sarili.

B. Sanggunian: Araling Panlipunan 1 Modyul, Pahina 2-9.

C. Kagamitan: Larawan at panturong biswal.

III. Proseso ng Pagtuturo:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

- Eljhay, pangunahan mo ang - Panginoon namin kami po ay


panimulang panalangin sa nagpapasalamat sa araw na
araw na ito. ito at kami ay nakapasok sa
paaralan nang ligtas. Nawa po
ay hanggang pag-uwi namin
ay gabayan niyo kami. Amen!
- Manatiling nakatayo para sa
ating ehersisyo.

( Magsisimula na ang kanilang maikling


ehersisyo. Susundan nila kung ano ang
ipinapakita at ginagawa ng guro.)

- Bago umupo ay pulutin muna


ang mga kalat sa ilalim ng ating
upuan at itapon sa basurahan
sa likod. Paki-ayos na rin ang
mga ito. Maaari na kayong
umupo pagkatapos.

- Magandang umaga mga bata! - Magandang umaga rin po,


Ma’am Espina!

- Natatandaan niyo ba ang


ipinagawa kong name tag? - Opo, ma’am!
Maaari niyo na ba itong isuot?

- Magaling! Ang ipinagawa kong


iyan ay magagamit ninyo rito sa
loob ng silid-aralan upang
matandaan at mas makilala
ninyo ang isa’t-isa. Pero
magsisilbing gabay lamang iyan
dahil sa aralin natin ngayon ay
matututunan ninyo kung paano
kilalanin ang sarili. Susuotin niyo
iyan mula ngayon sa tuwing
oras ng ating klase.

B. Pagganyak:

- Mayroon ako ritong inihandang


munting laro bago tayo dumako
sa ating talakayan.

- Manatiling nakaupo at aking


ipapaliwanag ang inyong
gagawin.

- Mayroon ako ritong speaker at


mikropono. Ako ay
magpapatugtog at habang
patuloy na tumutugtog ay patuloy
niyo ring ipapasa ang mikropono
sa inyong katabi. Magsisimula
ang pagpasa kay Lenny. At
kapag huminto ang musika ay
siyang hinto rin nang pagpasa at
kung sino ang matapatan ng
mikropono ay pupunta sa
harapan at kinakailangan na
magpakilala sa pamamagitan
nang pagsabi ng pangalan, edad,
kaarawan at tirahan.
- Naintidihan ba ang ating munting - Opo Ma’am!
laro.

(Magsisimula na ang kanilang laro.) (halimbawa ng mga mag-aaral na


nagpakilala)

- ‘Ako pi nathalia Gomez. Anim na


taong gulang na po ako at ang
kaarawan ko po ay sa
Disyembre 7 at nakatira po ako
sa purok uno.”

- “Ako po James Dela Cruz. Ang


edad ko po ay anim. Nakatira po
ako sa minuyan III at ang
karaawan ko po ay setyembre
29.”

- “Ang pangalan ko po ay Shiela.


Anim na taong gulang na po ako
at sa 15 ng Oktubre ang aking
kaarawan. Nakatira po kami sa
road 12.

- “Ako po si Jessica, ako po ay


pitong taong gulang, ang
kaarawan ko po ay sa hulyo 18,
at nakatira po sa purok 5.”

- Mahusay klas! Maraming salamat


sa inyong partisipasyon.

- Matapos ang ating munting laro, - Ma’am, ang ginawa po namin ay


ano nga ba ang inyong ginawa pagpapakilala ng aming sarili.
kanina sa harapan klase?

- Tama, Nicole!

- Ano-ano nga ulit ang inyong - Ma’am! Ang mga sinabi po


sinabi sa harapan kanina? namin ay ang aming pangalan,
edad, kaarawan, at tirahan.

- Magaling, Shara!

- Kung ganoon ay ano sa tingin - Ang tatalakayin po natin ay


niyo ating ating tatalakayin para patungkol sa sarili po ma’am.
sa araw na ito?
- Magaling, Mark!

C. Paglalahad

- Ang tatakayin natin sa umagang


ito ay “Ang aking Sarili.” Sa aralin
na ito ay makikilala natin ang
isa’t-isa at mas lubos pa nating
makikilala ang sarili mismo natin.

D. Pagtatalakay

- Sino rito ngayon ang lubos na


kilala na ang kaniyang sarili at
kaya na ipakilala ang sarili sa
ibang tao? Itaas nga ang kanang
kamay.

- Maraming salamat. Maaari niyo


ng ibaba ang inyong mga kamay.

- Ang pag-aaral ng sarili ay lubos


na mahalaga. Bakit? Dahil ito ang
isa mga una na dapat malaman
at matutunan ninyo. Sa pag-alam
tungkol sa iyong sarili ay
kinakailangang malaman ang
pangalan, edad, kaarawan at
tirahan mo. Tulad ng ginawa ng
ilan sa inyo sa ating munting laro
kanina. Ang mga iyan ang mga
dapat malaman at matutunan
ninyo.

- Mahalaga na matutunan ng
bawat isa sa inyo kung paano
magpakilala at ano ang mga
dapat malaman sa pagkilala ng
sarili dahil maaari ninyo itong
magamit sa maraming bagay.
- Maaari ka bang magbigay ng isa,
Jennelyn? - Ang pagkilala po sa sarili ay
mahalaga dahil kung
mangyaring ako po ay maligaw
pauwi sa aming lugar at hindi ko
po alam at kabisado ang mga
daan pauwi sa amin. Syempre
po para makauwi ay manghihingi
po ako ng tulong. At tatanungin
ako kung anong pangalan at
tirahan ko. Sa ganoong paraan
po ay magagamit ko ang pag-
aaral patungkol sa sarili kaya
para rin po sa akin mahalaga na
matutunan namin na makilala
ang aming sarili.
- Mahusay! Isa iyan sa mga
sitwasyon na magagamit niyo sa
pagkilala ng inyong sarili. Kaya
mahalaga na matutunan niyo
kung paano sasabihin ang
pangalan, edad, kaarawan, at
tirahan.

- Ano iyon. Marlyn? - Ma’am ako po!

- Magagamit ko po ang pag-aaral


ng pangalan, edad, kaarawan at
tirahan kapag mayroon po akong
mga bagong kaibigan at
syempre po ay magtatanungan
kami ng aming mga pangalan at
edad sa ganitong paraan po ay
mas-makikilala namin ang isa’t-
isa. At syempre po tatanungin
din namin kung saan nakatira
ang bawat isa sa amin para po
sa susunod ay alam namin kung
saan hahanapin ang bawat isa.

- Magaling, Marlyn! Isa rin iyan sa


sitwasyon kung saan mo
magagamit ang pagkilala sa
sarili.

- Ang pangalan, edad, kaarawan at


tirahan ay ilan sa mga batayan na
dapat matutunan bilang isa bata.
Kinakilangan na bawat isa sa
inyo ay maipakilala nang maayos
ang sarili sa iba dahil kung ito ay
hindi maayos at kulang ang
impormasyon na inyong ibinigay
ay hindi kayo lubos na makikilala
ng ibang tao.

- Ngayon tatanungin ko kayo kung


ano ang itinatawag sa inyo ng
inyong mga magulang, kapatid at
kamag-anak bukod sa inyong
pangalan.

- Ikaw Nowella? Ano ang iyong - Bukod po sa aking pangalan na


palayaw sa inyong bahay o kaya nowella, madalas din po akong
ay sa inyong lugar? tawaging ella sa aming lugar.

- Magaling! Maaari niyo rin iyang


gamitin sa pagpapakilala ng sarili
tulad ng ganito “Ang aking
pangalan ay nowella at maaari
niyo rin akong tawaging ella.”
Naintindihan ba klas? - Opo!

- Mahusay! Ngayon para sa mga


hindi alam kung ano ang kanilang
palayaw ay maaari ninyong
itanong ito sa inyong ate, kuya o
magulang mamaya pag-uwi sa
bahay.

- Ngayon para lubos na matutunan


niyo kung paano ipakilala ang
sarili sa ibang tao, may ipapakita
akong mga larawan at sasabihin
ko kung anong sitwasyon ang
mayroon dito at kayo mismo ang
magsasabi kung anong
impormasyon ang maaaring
sabihin dito.

(Gagamit ang guro ng mga larawan na


nagpapakita ng pagkilala sa sarili.)

- Ito ngayon ang unang larawan. - Ako po, Ma’am!


Kailangan ko ng tatlong bata na
magtatanungan tungkol sa - Ako po! Gusto kong subukan
kanilang pangalan. Sino ngayon Ma’am.
ang gustong sumubok?
- Ma’am. Ako rin po!
Ano ang inyong
pangalan?
Unang mag-aaral: Ano ang iyong
pangalan?
Ikalawang mag-aaral: Ang pangalan
ko ay Venice.
Ikatlong mag-aaral: Ako naman si
Jessica! Ikaw, ano ang iyong
pangalan?
Unang mag-aaral: Ang pangalan ko
John Mikel. Maaari niyo rin akong
tawaging mike.

- Mahusay mga bata. Ngayon ay


dumako na tayo sa ikalawang
larawan.

- Ma’am, ako po!


- Ito ngayon ang ikalawang
larawan. Dito ay sasabihin ninyo
- Ma’am ako rin po!
ang inyong mga edad. kailangan
ko rito ng dalawang lalaki. Sino
ang gustong sumubok?

Ilang
taon ka
na?

Unang mag-aaral: Ilang taon ka na?


Ikalawang mag-aaral: Ako ay anim na
taong gulang na. ikaw, ilang taon ka
na?
Unang mag-aaral: Ako naman ay
pitong-taong gulang na.

You might also like