Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 9
Implasyon
Konsepto at Dahilan
Ikatlong Markahan – Ikaapat na Linggo

Jocelyn R. Horique
Manunulat

Grace Columbino
Tagasuri

Mariel Eugene L. Luna


Katibayan ng Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Ang aralin na ito ay magbibigay ng kaalaman tungkol sa implasyon.
Pangunahing isyu ng tao ang suliranin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga
produkto o bilihin. Maraming mamamayan noon, ngayon ang nahaharap sa
hamon ng walang tigil na pagbabago ng mga presyo ng mga pangunahing
produkto atserbisyo. Dahil dito, ang bawat isa ay napipilitang humanap ng mga
mas metatag na hanapbuhay upang tugunan ang mga pang araw araw na
pangangailangan.
Sa iyong pagtahak sa landas ng kaalaman sa araling ito, ikaw ay haharap
sa mga tekstong magbibigay kaalaman, sa mapaghamong gawain na sadyang
pupukaw ng iyong interes at magbibigay sa iyo ng kaalaman.
Paksa 1: Konsepto ng Implasyon
Paksa 2: Mga Dahilan ng Implasyon
Sa aralin na ito, ay inaasahang matututuhan ang mga sumusunod:

1. Natatalakay ang konsepto at dahilan ng implasyon MELC: AP9 Q3_W4


2. Naibibigay ang Konsepto at kahulugan ng implasyon.
3. Naipaliliwanag ang mga dahilan ng implasyon.
4. Napapahalagahan ang implasyon.

Panuto: Piliin ang tamang letra ng hinihingi na mga sumusunod na pangungusap:


Isulat ang sagot sa kwaderno.
1. Ginagamit sa pagsukat ng implasyon upang mapag-aralan ang pagbabago
ng presyo ng mga produkto
a. Consumer price index C. GNP Implicit Price Index
b. Producer Price Index D. Market Basket
2. Ang average price index na ginagamit upang mapababa ang halaga ng
kasalukuyang GNP at masukat ang totoong GNP.
a. Consumer price index C. GNP Implicit Price Index
b. Producer Price INdex D. Market Basket
3. Ang index ng mga presyong binabayaran ng mga tindahang nagtitingi para
sa mga produktong muli nilang ibebenta sa mga mamimili.
a. Consumer Price Index C. GNP Implicit Price Index
b. Producer Price Index D. Market Basket
4. Ang pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling produkto na
nakapaloob sa basket of goods.
a. Implasyon C. Deplasyon
b. Depresasyon D. Regresyon
5. Tawag sa paglaki ng gastusin ng sambahayan, bahay kalakal, Pamahalaan
at panlabas na sector.
a. Demand pull C. Cost-Push
b. Implasyon D. Deplasyon

2
6. Ito ang pagbaba ng presyo ng mga produkto.
A. Implasyon C. Deplasyon
B. Demand pull D. Cost-Push
7. ito ay ang pagtaas ng gastusing pamproduksyon.
A. Implasyon C. Deplasyon
B. Demand pull D. Cost-Push
8. Iba pang katawagan sa Producer Price Index
A. Wholesale Price Index C. GNP Implicit
B. Consumer Price Index D. Cost-Push
9. Ibang katawagan sa GNP Implicit Price Index.
A. GNP Deflator C. Wholesale Price Index
B. Consumer Price Index D. Cost-Push
10. Ang patuloy na pagtaas ng presyo bawat oras, araw at linggo.
A. Hyperinflation C. Deflation
B. Demand pull D. Cost-Push
11.Ang hyperinflation ay naganap noong dekada 1920, sa bansang ;
A. Pilipinas C. Austria
B. Germany D. USA
12. Ang implasyon ay pataas na paggalaw ng presyo,ang deplasyon ay pagbaba
ng presyo ayon kina;
A. Parkin at Blade C. Google
B. Tullao et.al D. Zaide et.al

13. Mga hilaw na materyales o sangkap ng produksyon


A. Outputs C. Inputs
B. Products D. Services
14. Ito ay ang mga nagawang produkto o serbisyo.
A. Outputs C. Inputs
B. Products D. Services
15. Ito ay nakadepende sa uri ng bilihin na gustong suriin.
A. Price Index C. Demand Pull
B. Deflation D. Cost-Push

Gawain 1: TARA, IRUMBLE NATIN

Panuto: Ayusin ang letra na angkop sa inilalarawan nito.

1. I T A K -(Salaping tinatanggap ng mga manggagawa kapalit ng pagtatrabaho)

2. G A P – K I M O P I -(Bahagi ng kita na hindi ginagasta at sa halip ay


nilalagak sa bangko para sa pangangailangan sa hinaharap)

3
3. P G A O N S M O U K- (Ang pagbili at paggamit ng produkto o serbisyo na
magbibigay ng kapakinabangan sa tao)

Ang aralin na ito ay tumatalakay sa Konsepto ng implasyon at dahilan nito,


nagaganap ang implasyon kung may pangkalahatang pagtaas ng presyo ng mga
bilihin at pagbaba ng halaga ng salapi. Dahil dito naapektuhan naaapektuhan ang
dami ng produkto na maaaring mabili ng mamimili. Ang implasyon ay pataas na
paggalaw ng presyo at ang deplasyon ay ang pagbaba ng halaga ng presyo.
Karaniwang ginagamit sa pagsukat ng implasyon ang Consumer Price Index
upang mapag-aralan ang pagbabago ng mga produkto. Ang Pamahalaan ay
nagtatalaga ng mga piling produktong nakapaloob sa basket of foods.Ang mga
nasabing produkto ay kumakatawan sa mga pangunahing pangangailangan at
pinagkakagastusan ng mamamayan.Tinitingnan ang halaga ng mga produktong
ito upang masukat ang bilis at laki ng pagbabago ng presyo.Mula sa Market Basket
ang price index ay nabubuo na siyang kumakatawan sa kabuuan at average ng
pagbabago ng mga presyo sa lahat ng bilihin.Ang price index ay depende sa uri ng
bilihin na gusting suriin. Nagaganap ang demand pull inflation kapag nagkaroon
ng paglaki sa mga gastusin ang sambahayan,bahay kalakal,Pamahalaan at
panlabas na sector ngunit sa pagtaas ng aggregate demand ay hindi katumbas ng
paglaki ng kabuuang produksiyon,samantalang kapag may pagtaas ng mga
gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin
ay tumutukoy sa cost push.Dahil ditto maraming salik ang nakakaapekto sa
presyo ng pamilihan na nagiging daan ng implasyon tulad ng mga:p agtaas ng
suplay ng salapi,pagdepende sa importasyon para sa hilaw na sangkap,pagtaas ng
palitan ng piso sa dolyar,kalagayan ng pagluluwas o export at ang magaganap na
monopoly o kartel.

IBAT –IBANG URI NG PRICE INDEX

1. GNP IMPLICIT PRICE INDEX O GNP DEFLATOR- ito ang average price index
na ginagamit para mapababa ang halaga ng kasalukuyang GNP at masukat
ang totoong GNP.

2. WHOLESALE O PRODUCER PRICE INDEX- ang index ng mga presyong


binabayaran ng mga tindahang nagtitingi para sa mga produktong muli nila
ng ibebenta sa mga mamimili.

3. CONSUMER PRICE INDEX- sinusukat ang mga pagbabago sa presyo ng


mga produkto at serbisyong ginagamit ng mga konsyumer.
apmodyul9pah.276

Mula sa talahanayan sa ibaba ay ang hyphothetical na pangkat ng mga


produktong karaniwang kinokonsumo ng Pamilyang Pilipino
Weighted Price ng pangkat ng mga Produktong karaniwang kinokonsumo ng

4
Pamilyang Pilipino

AYTEM 2019 2020


Bigas 1600 1800
Manok 130 160
Mantika 180 250
Asukal 45 60
Kape 40 55
Gatas 80 120
TOTAL WEIGHTED PRICE 2075 2445
Upang makuha ang CPI= TWP present
--------------X100
TWP past

CPI= 2445
------ X 100 = 117.83
2075
Antas ng implasyon= 117.83-100
--------------- X100= 17.83 %
100

Purchasing Power =CPI ng batayang taon


--------------------------X100
CPI ng kasalukuyang taon

Purchasing Power = 100


-------- X 100 = 0.8486
117.83

Nangangahulugan lamang na ang kakayahan ng piso bilang gamit sa pagbili sa


taong kasalukuyan ay halagang .85 sentimos batay sa presyo noong taong 2019
dahil sa implasyon. Mahalagang malaman na lumiliit ang halaga ng piso habang
tumataas CPI o Consumer Price Index

5
Gawain 2: SIGE NGA, IKOMPYUT MO!

Punan ng tamang sagot ang talahanayan. Gamitin ang 2016 bilang batayang taon
sa pagkompyut. Ekonomiks, ap9modyul ,para sa mag-aaral,pah.277

TAON TOTAL CPI ANTAS NG PURCHASING


WEIGHTED IMPLASYON POWER
PRICE
2016 1,500
2017 1,700
2018 1,850
2019 2,100
2020 2,500

Gawain 3: MAGDOMINO TAYO!


Makikita ninyo sa larawan ang isang domino, kung saan kapag may isang nagalaw
ay maaring sunud sunod na ang paggalaw nito

https://lh3.googleusercontent.com/HP2val8GNnnUMBcghmp0UOiRZbSNu4j7xNfeT4S-bJ1I5mMvtcK-
lhN8n7CYEEuGRAmjNQ=s170

Mga Gabay na Tanong

1. Ihalintulad natin ang larawan ng domino sa presyo ng gasolina. Ano ang


posibleng mangyayari kapag tumaas ang presyo ng gasolina?
2. May dahilan kaya ang pagtaas ng presyo ng gasolina?

6
3. Sa palagay ninyo, anu-ano ang mga posibleng dahilan ng pagtaas ng presyo
ng gasolina?
4. Kung tumaas ang presyo ng gasolina, anu-ano kayang produkto ang
posibleng kasunod na tataas din ang presyo

Gawain 4: ISEQUENCE MO!

Panuto: Makikita ninyo sa ibaba ang isang talahanayan, Ayusin ang mga presyo ng
gulay mula sa mataas hanggang sa mababa na presyo. (noon at ngayon). Isulat ang
inyong kasagutan sa kwaderno.

PRESYO NG GULAY SA LUNGSOD NG MUNTINLUPA

MGA GULAY PRESYO NOON(2019) PRESYO NGAYON(2020)


1. CARROT 80 120
2. REPOLYO 55 100
3. SIBUYAS 40 70
4. BROCOLLI 180 250
5. SILING LABUYO 100 180
6. KALABASA 45 90

Mga Gabay na Tanong

a. Ano ang masasabi ninyo sa presyo ng mga gulay?


b. Bakit kaya tumataas ang presyo ng mga gulay?

7
Gawain 5: PANGANGAILANGAN MO, UNAHIN MO!!!

Sa kasalukuyang panahon ng PANDEMIC, pag-aralan ang mga nasa talahanayan.


Lagyan ng (/) tsek ang mga sumusunod na produkto na sa palagay ninyo higit na
dapat bilhin o gamitin ngayong panahon ng krisis sa Talahanayan 1.
Sa Talahanayan 2 magsulat ng mga produktong kadalasang binibili ng inyong
pamilya, tingnan ang nasa kolum ng talahanayan 2.

Talahanayan 1
Bigas
Karne
Gulay
Mga bagong damit
Latest na sapatos
Smartphone
Mga prutas
Internet Connection
Tsokolate
Vitamins

Talahanayan 2
Produktong binibili sa Presyo ng produkto bago Presyo ng produkto sa
panahon ng krisis nagkaroon ng pandemik panahon ng pandemik

Subukin nating muli ang inyong kakayahan sa araling ito, Punan ang
patlang ng tamang kasagutan.
_______________1. Tawag sa paglaki ng gastusin ng sambahayan, bahay kalakal,
Pamahalaan at panlabas na sector.
_______________2.Ito ay ang pagbaba ng presyo ng produkto.
_______________3. Tumutukoy sa pagtaas ng gastusing pamproduksyon.

8
_______________4. Iba pang katawagan sa Producer Price Index
_______________5. Ibang katawagan sa GNP Implicit Price Index.
_______________6. Ang patuloy na pagtaas ng presyo bawat oras, araw at linggo.
_______________7. Ang hyperinflation ay naganap noong dekada 1920, sa anong
bansang;
_______________8. Ang implasyon ay pataas na paggalaw ng presyo, ang deplasyon
ay pagbaba ng presyo ayon kina;
_______________9. Ginagamit sa pagsukat ng implasyon upang mapag-aralan ang
pagbabago ng presyo ng mga produkto

_______________10. Ang average price index na ginagamit upang mapababaang


halaga ng kasalukuyang GNP at masukat ang totoong GNP.
_______________11. Ang index ng mga presyong binabayaran ng mga tindahang
nagtitingi para sa mga produktong muli nilang ibebenta sa mga mamimili.
_______________12. Tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling
produkto na nakapaloob sa basket of goods.
_______________13. Ito ay nakadepende sa uri ng bilihin na gusting suriin
_______________14. Ito ang tawag sa paglaki ng gastusin ng sambahayan, bahay
kalakal, Pamahalaan at panlabas na sector.
_______________15. Ginagamit upang masukat ang antas ng pamumuhay ng
konsyumer.

9
Sanggunian

Ekonomiks, Araling Panlipunan, Modyul para sa mag-aaral pp. 272-278


,Vibal group,incDEPED-IMCSUnang Edisyon 2015
Google links
https://www.slideshare.net/rayjelsabanal/aralin-4-implasyon-132391738
https://prezi.com/02exunw7refc/dahilan-ng-implasyon/
https://www.slideshare.net/aceidol/epekto-at-solusyon-ng-implasyon-pagobo
https://economics000rainargifel.wordpress.com/mga-epekto-ng-implasyon/
https://www.slideshare.net/aceidol/epekto-at-solusyon-ng-implasyon-pagobo
https://quizlet.com/178817994/test
https://quizlet.com/271882407/mga-epekto-ng-implasyon-at-paano-lutasin-ito-
flash-cards/ https://quizlet.com/271882407/mga-epekto-ng-implasyon-at-paano-
lutasin-ito-flashcards/

Susi sa Pagwawasto

Unang Pagsubok
15 A 10 A A 5.
14 A 9 A A 4.
13 C 8 A B 3.
12 A 7 D C 2.
11 B 6 C A 1.

Pangwakas na pagsususlit

Whole sale price index 10. GNP implicit price index 15. Market basket 5.
GNP Implicit 9. Consumer Price Index 14. Cost Push 4.
Cost Push 8. Parkin at Blade 13. Price index 3.
Deplasyon 7. Germany 12. Implasyon 2.
Demand pull 6. Hyperinflation 11. Producer price index 1.

10

You might also like