Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 246

Disclaimer

This novel is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names,
characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the
product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance
to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

I love creating flawed and imperfect characters so if you're looking for someone
who has an ideal attitude or belief, you can't find it here.

Also, my characters deserve what I think they deserve. Thank you! :)

Prologue

I didn't know when I started noticing him.

I watched him as he bites his lower lip while staring blankly at his notebook. That
simple act revealed his small and deep dimples. Beads of sweats began to form on
his forehead and right at that moment, I envy them as they had the chance to wander
around his face.

"Alam kong gwapo ako, Sol."

Napaayos ako ng upo at mahinang kinurot ang sarili ko dahil nahuli nya na naman
akong nakatitig sa kanya. Yes, Duke, you're handsome as hell but there's no way
I'll admit that. At least, not in front of you.

"Buti ka pa alam mo."

Isinara nya ang notebook at humarap sa akin. His soft hair followed his swift move.

"May assignment ka na?" tanong nya sa akin. "Tinatamad ako sa Lit. Pakopya na
lang."

I smirked at his remark. "Sure kang gusto mong mangopya sa akin?"

Inalis nya ang tingin sa akin at napabuntong-hininga. He knows that he can't copy
my answers. Hindi naman kasi ako matalino gaya nya. At isa pa, wala pa rin naman
akong assignment.

"Bakit ko nga ba naisip mangopya sayo?" bulong nya sa sarili na hindi naman
nakaligtas sa pandinig ko.

"Ako na lang pakopyahin mo. Wala pa rin akong sagot."

He smirked. "Doon ka na sa upuan mo. Wag mo akong abalahin para makapag-focus ako."

"Hmm..." I paused. "Nakakawala ba ng concentration ang kagandahan ko, Duke?"

He gave me a puzzled look. Sa paraan ng pagtingin nya ay parang nakarinig sya ng


isang lenggwahe na hindi nya maintindihan.

"Whatever, pakopya na lang mamaya," mabilis kong saad bago pa sya makapanglait.
Tumayo ako at lumabas ng room dahil kapag nasa loob ako ay hindi ko maiiwasan ang
sarili ko na obserbahan sya.

"Ibili mo akong cheesecake!" rinig kong pahabol na sigaw nito.


Sumilip ako sa room at nakita kong nakatingin din sya sa akin sa may pinto.

"Wala akong pera!"

He smirked. "Sagot ko pamasahe mo mamaya."

Inirapan ko sya at naglakad na papunta sa canteen. Two hours ang vacant namin kaya
marami kaming oras para magliwaliw. Hindi rin naman tambak ang requirements namin
dahil halos kasisimula lang ng klase.

Kakaunti ang tao sa canteen nang makarating ako roon. Pipila na sana ako para
bumili nang madaanan ng mata ko sina Roswell at Bela, mga ka-department ko na
malaki ang galit sa akin.

Napairap ako at hindi na lang sila pinansin. I bought cheesecake for Duke and
burger for me. Bumili na rin ako ng tubig dahil paniguradong magrereklamo ang
lalaki kapag wala akong biniling panulak.

"Sol!"

Napapikit ako nang marinig ang nakakairitang boses ni Roswell. Nilingon ko sya at
nakitang malaki ang ngiti na parang wala syang malaking atraso sa akin.

"Para kay Duke?" tanong nya nang makita ang cheesecake na hawak ko. Hindi rin kasi
lingid sa kaalaman nila ang pagkahumaling ng lalaki sa cheesecake.

I rolled my eyes before answering. "Why do you care?"

"Girlfriend na girlfriend ang dating mo, no?" sinabayan pa iyon ng tawa bago
tumingin sa kasamang si Bela na natatawa rin.

"Oh, baket? Inggit ka? Hindi ka pinapansin?" sagot ko.

She grinned. "Still the arrogant Sol. Hindi naman mayaman."

"Maganda naman," I proudly said. Totoo naman! Hindi ako mayaman pero maganda ako!

"Sinong may sabi? Nanay mong labandera?"

Nanggigil ako sa sinabi nya pero hindi ko hahayaan na makita nya iyon.

"Nope, si Duke."

I'm sorry, Duke. Alam ko namang hindi ka nagagandahan sa akin pero hayaan mo na,
gusto ko lang inisin ang admirer mo.

Nilampasan ko silang dalawa ni Bela lalo at narinig ko ang naiiritang boses ni


Roswell. Hindi nya ako pwedeng saktan dahil kahit dalawa pa sila ni Bela, hindi ko
sila aatrasan. Yung nanay kong labandera, tinuruan akong huwag magpapaapi!

Masama ang imahe ko sa campus at alam ko iyon. Hindi lang naman kasi iisang beses
akong napaaway at kalimitan ay dahil iyon kay Duke. Hindi nya alam iyon dahil akala
nya ay away babae lang ang dahilan. Madalas pa akong pagalitan non na parang
bunsong kapatid nya.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit ako ang inaatake ng mga babaeng iyon. Hindi
kami magkasintahan ni Duke, kahit na ilang ulit ko nang pasikretong hiniling iyon.
We're friends and our closeness intimidated the girls.
"Sol, nakakalinaw ka talaga ng mata!" narinig kong sigaw ng isang senior mula sa
Business department.

Napapikit na lang ako sa inis nang marinig ko pa ang ilang kantyawan nila.
Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil wala akong planong patulan sila.

"Patikim, baby!" hiyaw pa ng isa. "Rap mo beh!"

"Kaya siguro di ka mabitawan ni Duke kasi ang sarap mo!"

Napatigil ako at napatingin sa huling sumigaw.

Simula noong nanalo akong Ms. Engineering last year, inilabas ni Roswell ang nude
photos "kuno" ko. Ikinalat nya iyon at sinabing sa akin ang mga iyon kahit na wala
akong ideya kung sino ang nasa larawan.

Syempre dahil maraming tanga, maraming naniwala. Ipinagkibit-balikat ko na lang


iyon nung una dahil alam ko sa sarili kong hindi ako yon. Kaso lang ay araw araw
naman akong binabastos ng schoolmates ko.

"What did you say?" tanong ko nang lumapit sa lalaki. I don't know him but his
built isn't intimidating at all.

Narinig ko ang mga hiyaw nila. Ang iba pa ay malagkit ang tingin sa akin.

The guy had the audacity to smirk. "Ang sabi ko, kaya ka siguro hindi mabitawan ni
Duke kasi ang sarap mo," mabagal na pagsasabi nya bago basain ang pang-ibabang
labi.

I smiled and went closer to him. Lalong lumakas ang hiyawan nila. Mukhang gaya kasi
namin ay vacant ang mga ito.

Kumapit ako sa balikat nya habang nakatingin sya nang malagkit sa akin.

I grinned and before he could even utter a single word, I hit his cock with my
right knee. Malakas ang pagkakatuhod ko sa kanya kaya namilipit sya sa sakit.

"Tangina mo, Sol!" galit na galit na sigaw nya sa akin. Ang kaninang maingay na
hiyawan ay napalitan ng gulat na mga singhap.

"Tangina mo rin, jutay!"

Umalis ako sa harapan nilang lahat lalo at narinig ko ang mga tawanan nila. Kaya
ayokong maglalakad nang mag-isa e! Ang daming nangyayari sa akin!

Nakasimangot ako nang ilapag ang cheesecake ni Duke sa upuan nya. Nagsasagot pa rin
sya kaya dumiretso na lang ako sa upuan ko.

I ate my burger and I felt at ease. At least, medyo kumalma na.

Nang lumabas ang nude photos na yon, kahit isang beses ay hindi ako tinanong ni
Duke tungkol doon. He didn't ask me if that girl was me. Basta kapag magkasama kami
at nakarinig sya ng nambabastos sa akin ay nauuwi iyon sa pakikipag-away nya.

I didn't have any girl friends in school. Hindi ko alam pero bago pa man ang issue
na yon ay marami nang natatakot sa akin. Bukod pa roon, marami ang may gusto kay
Duke at nagagalit sila sa akin dahil akala nila ay may relasyon kami.
"Oh ayan, isinulat na kita."

Napaangat naman ako ng tingin nang marinig ang boses ni Duke. Inilapag nya ang
notebook ko sa arm rest at hinigit ang isang bakanteng upuan para tumabi sa akin.

Ngumiti ako. "Gusto mong kiss?" nang-aasar na saad ko.

Napatigil ito sa pagkagat sa cheesecake at tumitig sa mukha ko. Sa kanyang itsura,


naiintindihan ko naman kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya.

"Pwede?"

Natawa ako bago ibinato sa kanya ang isang gusot na papel. "Gago!"

Nakita ko rin ang pagngiti nya at pag-iling. "Mahina ka pala e."

"Pag ikaw nahalikan ko, baka maadik ka."

The smirk didn't leave his face. "Di ka sure. Baka ikaw ang maadik."

I snorted. Itinabi ko ang notebook na sinulatan nya sa loob ng bag ko. Napansin ko
ang mga kaklase namin na nakatingin sa gawi ko dahil siguro sa naririnig nilang
usapan namin ni Duke.

Ang ilan naman sa mga lalaki kong kaklase ay nakangiti lang sa akin.

Lumapit sa pwesto namin si Troy, kaklase rin namin.

"May transferee raw bukas," balita nya sa amin bago humigit din ng silya at umupo
sa tapat namin.

"Babae?"

Masama ang tingin na ginawad ko kay Duke sa tanong nya.

"What?" he mouthed.

"Kailan ka pa nagkainteres sa babae?" mataray na tanong ko.

"Ngayon lang. Nagsasawa na ako sa mukha mo e."

Tumawa si Troy bago sumagot. "Babae raw. Buti nga tatanggapin pa kahit late na.
Isang buwan na rin tayong nagkaklase."

"Sana matalino," bulong ni Duke. "Para naman may kokopyahan na kami nitong si bebe
Sol," ani nya bago ako akbayan.

Tinanggal ko agad iyon lalo at naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi.

"Wala akong ibang kokopyahan kung hindi ikaw! Mas tiwala ako sa sagot mo!" mabilis
kong saad para makabawi sa pamumula.

"Oo nga naman, Duke. Ikaw ang pagasa ng section natin," dagdag ni Troy. "Hindi mo
na kailangang mangopya dahil tiwala kaming lahat sayo."

Duke shrugged. "Wala lang. Mahilig lang talaga ako sa babaeng matalino."

Natahimik ako. Nakita ko naman ang pagtango ni Troy sa lalaki na parang sumasang-
ayon.
Nakagat ko ang labi kong may pulang liptint. Alam ko namang hindi nila ako
pinariringgan pero pakiramdam ko lang ay napakalayo ko sa pagiging ideal.

"Pero iba iba naman kasi ng personality at identity ang mga tao. Kaya ayos lang
kahit ano. Bonus points lang ang pagiging matalino," ani Duke.

Nakinig lang ako sa kanila hanggang sa dumating ang professor namin sa literature.
Ipinapasa nya sa amin ang assignment at pinagbasa ng tula. Buti nga at hindi
nagkaroon ng quiz dahil wala ako sa wisyong magsagot noon.

Mahilig pala si Duke sa matalino? Mukhang kailangan ko na talagang mag-aral nang


maayos ah?

I sighed. Pero hindi ko talaga kaya ang engineering. Kung wala ang tulong nya,
hindi naman ako makakapasa.

"Bakit tahimik ka?" tanong sa akin ni Duke nang makasakay kami sa tricycle.

Wala pang kinse minutos mula sa paaralan namin ang barangay na tinitirahan namin ni
Duke. Magkapit-bahay din kami kaya literal na sabay kaming lumaki.

"Pagod lang," sagot ko sa kanya.

Tumango sya sa akin bago kunin ang tatlong librong nakapatong sa hita ko.
Napatingin ako sa kanya pero abala sya sa paglalagay ng mga libro sa hita nya.

He straightened his back. Lumingon sya sa akin kaya nagtama ang mga mata namin.
Hinawakan nya ang likod ng ulo ko at ipinatong iyon sa balikat nya.

"Rest."

Natatakot man akong marinig nya ang mabilis na tibok ng puso ko, ipinikit ko ang
mga mata ko at dinama ang yakap ng braso nya sa akin.

His manly scent embraced my nose. Kaya rin siguro napagkalamalan kaming
magkasintahan ay dahil sweet ang lalaki sa akin at hindi ako mataray sa kanya. Pero
syempre?! Magkababata kami at saulo na namin ang likaw ng bituka ng isa't isa kaya
ganito kami magtratuhan.

"I know what you did earlier, Sol."

"Hmm?" sagot ko nang hindi gumagalaw mula sa pwesto. Nakakatakot na baka pag umayos
ako ay bitawan nya ako.

"Binastos ka ba nung mga nasa business department?" mahina ngunit pagalit na tanong
nya.

"Don't mind them, Duke. They don't deserve your time."

Hindi sya sumagot kahit nang makababa kami sa tricycle. Bigla ay gusto kong
hilingin na sana ay mahaba ang byahe namin para matagal akong makahilig sa kanya.

Magkatapat lang ang bahay namin kaya nang pumasok sya sa loob ay pumasok na rin ako
sa amin.

Engineer sa Australia si Tito Franco, ang tatay ni Duke, at guro naman sa


elementarya si Tita Gemma, ang nanay nya. Malaki kumita si Tito Franco pero hindi
mo makikitaan ng yabang ang pamilya nila. Madalas pa ngang mag-donate sa orphanage
si Tita Gemma.

Dalawa silang magkapatid pero parehas silang sa public school nag-aaral. Kumpara sa
aming mga nakatira rin sa iisang barangay, masasabi kong, nakakaangat na sa buhay
sina Duke.

"Nay!" sigaw ko nang makitang bukas ang ilaw pero wala sa sala si Nanay.

"Nandito ako sa likod, Sol!"

Pinuntahan ko sya at nakitang isang tambak ang labada nya. Alas sais na nang gabi
ngunit hindi pa sya tapos magsabon.

Walang imik akong nagpalit ng pambahay at umupo sa tapat nya para tulungan syang
maglaba.

"Wag ka nang tumulong! Gawin mo ang dapat mong gawin at patapos na rin ako rito."

Nginusuan ko sya. "Anong patapos? Ayan nga at di ka pa nangangalahati sa


pagsasabon."

"Wala ka bang assignment?"

Itinali ko ang nakalaylay kong buhok. "Meron, Nay, pero wag mo nang abalahin yon
dahil mangongopya na lang ako kay Duke."

Halos tatlong oras bago kami natapos sa paglalaba. Hindi naman ako makapag-
reklamong masakit ang likod ko dahil alam kong mas masakit ang likod ni Nanay.
Malapit na itong mag-senior pero hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin sya para sa
akin.

"Naku, hindi pa pala ako nakakapagluto."

I laughed. Kinuha ko ang aking cellphone at ichineck kung online si Duke. Nakita ko
namang online sya kaya nagchat ako.

Me:
pahinging ulam at kanin hehe thanks mwa

Wala pang ilang minuto ay narinig ko na itong kumakatok sa pintuan ng bahay namin.

"May ulam na tayo, Nay."

Iyo yung dala. Akin yung nagdala.

Chapter 1

Pumasok si Sir Alex sa room namin kasama ang mahinhin at mukhang mabait na babae.
She was a bit whiter than me and her short hair was pitch black. Mukha siyang half
Japanese sa kanyang features. Ibang iba sa akin na parang Latina.

"Introduce yourself."

Huminga nang malalim ang babae at doon ko nakita ang itim na itim nyang mata. She
looks like a doll!

"My name is Mitzie Tanaka. I came from Nihon University in Japan and I transferred
here because of my family's business."

Even her voice sounded angelic! Hindi na ako magugulat kung maraming magkagusto sa
kanya. Mukha syang mahinhin at mahiyain.

"You can sit beside Mr. Sanders."

And that's Duke.

He raised his hand for her to know that he's Mr. Sanders. Nakita ko ang pagbaling
ng tingin sa akin ni Duke kaya dinilaan ko lang sya.

Medyo sa dulo ako nakaupo at sa bandang unahan si Duke dahil magkalayo ang surname
namin at napagdesisyonan ng adviser namin na pabaligtad ang alphabetical
arrangement. Kaya hindi na rin nakakapagtaka na magkatabi si Tanaka at Sanders.
Malayo sila sa Clemente. Kaso lang, wala na akong uupuan kapag aasarin ko si Duke.

Mahinhin syang umupo sa katabi ni Duke na arm chair. Sa mukha nya ay hindi halatang
Civil Engineering ang course nya dahil mukha talaga syang hindi makababasag ng
pinggan.

Our class went on and I saw that Duke and Mitzie were trying to converse. Napangiti
ako sa nakikita kong hirap sa mukha ng lalaki dahil mukhang mahirap kausapin si
Mitzie.

We had a surprise quiz and when I said surprise quiz sa engineering, talagang
magigimbal ang mundo mo. Hindi na rin naman ako magulat nang makitang wala akong
score. You can't judge me! I didn't study last night! Naglaba ako!

"Duke, lunch na tayo!" anas ko nang makalapit sa pwesto nila.

Isinukbit din naman agad ni Duke ang bag nya. Napatingin ako sa katabi nya na
nakayuko lang at nagsusulat ng kung ano sa notebook. Lunch na, hindi ba sya kakain?

"Tara, Sol. Wag ka nang tumunganga dyan."

Naglakad kami palabas ng room kahit naiwan ang isip ko kay Mitzie.

"Hindi ba kakain yon?"

Duke shrugged. "Dapat tinanong mo."

"Ikaw ang katabi! Nagkukwentuhan na kayo kanina, hindi mo pa niyaya. Nakakaawa


naman."

He let out a chuckle. Nakita ko pa ang bahagyang pagkagat nya sa may kanipisan at
pulang labi.

"Kailan ka pa nagkapake sa iba, Sol?"

Inirapan ko sya. "Gusto ko lang ng kaibigang babae. Bwiset na ako sa mukha mo."

Sumabay sa paglalakad namin si Troy. Magkasing tangkad sila halos ni Duke at


ngayong pinaggigitnaan nila ako ay hanggang balikat lang nila ako parehas.

"Pasabay, iniwan ako nina Calvin."

Nginusuan ko lang ito kaya pinitik nya ang noo ko. "Ayaw ba ng bebe Solene namin na
sumabay ako? Gusto mo bang masolo si Duke?"
Binatukan ni Duke si Troy. "Wag mo ngang inaaway yan. Kita mong wala yang score sa
differential."

Agad kong sinapak ang tyan ni Duke lalo at narinig ko ang nang-aasar na tawa ni
Troy.

"Ang kapal ng mukha mong tumawa Troy! Ilan ka, ha?!"

Umiling ito. "Itlog din."

Nakarating kami sa canteen na puro pang-aasar lang ng dalawa ang narinig ko. Kaya
ayokong magsasama ang dalawang ito e! Lagi akong pinagtutulungan!

"Anong ulam sayo, Sol?" tanong sa akin ni Duke matapos ilapag ang gamit nya sa
bakanteng mesa.

I was about to answer when he cut me off. "Chicken curry, no?"

Ngumiti ako sa kanya nang malaki at itinaas ang dalawa kong hinlalaki. "Pinalaki
talaga kita nang tama!"

Umalis sila ni Troy sa harap ko para umorder. Ako naman ay naiwan lang na
nakatunganga roon kaya binuksan ko na lang ang aking cellphone at naglaro ng 2048.

Hindi na rin naman bago sa akin ang bulungan ng mga estudyante tungkol kay Duke at
Troy kaya hindi ko sila pinakinggan. Lalo ngayong maraming freshmen, ang daming
nagtatanong sa pangalan ng dalawa.

"Papaturo na ako kay Mitzie," narinig kong saad ni Troy.

Ibinigay sa akin ni Duke ang pagkain ko kaya nagsimula na ako at hindi sila
pinansin. Unang subo ko pa lang ng chicken curry ay napapikit na agad ako sa sarap.
Magaling talagang magluto ang cook namin!

"Oo, matalino. Perfect nya yung quiz kanina," sagot ni Duke bago kunin ang tissue
at ipunas sa gilid ng bibig ko. "Amos mo."

"Si Mitzie?" gulat na tanong ko nang ibaba nya ang tissue.

He nodded. "May makokopyahan na tayo."

"Shet, samantalang ako walang score. Paano nya nagawa yon?" manghang tanong ko.
"Hindi lang pala ikaw ang naka-perfect kanina."

Sumabat si Troy. "Oh diba mahilig ka sa matalino? Baka sya na yon."

Sinamaan ko ng tingin ang lalaki dahil sa sinabi nya. Don't give him ideas! Mabuti
nga at hindi pa dumadating sa puntong may niligawan si Duke dahil kung hindi ay
hindi ko alam kung ilang gabi ako iiyak.

"Gusto ko ng matalino para sa amin ni Sol."

Ngumisi nang nakakaloko si Troy kay Duke. "Baka naman si Sol ang gusto mo, ha?"

Bumilis ang tibok ng puso ko sa pang-aasar nito. Hindi ko namalayan na inaantay ko


na pala ang sagot ni Duke at tumigil na ako sa pagkain.

Natatawang binato nya ito ng tissue. "Tanga, kapatid ko yan!"


That slapped me hard. Nagpatuloy sila sa pagkain nang hindi napapansin ang pagtigil
ko. Alam kong ganoon lang ang tingin sa akin ni Duke pero ngayong sinabi nya,
pakiramdam ko ay nahulog ang puso ko.

Bumalik kami sa room na ganoon ang lagay ko. Nakikipagtawanan at biruan ako sa
kanila pero ang utak at puso ko ay tinangay na ng katotohanan.

"Mitzie, kumain ka ba?" narinig kong tanong ni Duke sa babae nang lampasan ko sila
para magtapon ng basura sa labas.

"Ah, I'm good."

Tumigil ako sa tapat nila at napansin nilang dalawa iyon. Napatingin sa akin ni
Mitzie at muli akong namangha sa inosente nyang ganda. Kumpara sa akin na mukhang
mataray, ang mata nya parang laging nagmamakaawa.

"I'm Sol." I said before extending my arms.

Nakita ko ang pagngisi ni Duke. Marahil sa isip nya ay gusto kong makipagkilala
dahil gusto kong kopyahan ang babae.

She smiled a little. "Yeah, ikinukwento ka ni Duke sa akin."

I immediately glared at Duke when I heard him chuckle. Ano kayang pinagsasabi ng
lalaking ito?! First day pa lang ni Mitzie, gusto nya na agad sirain ang pangalan
ko?

"Wag kang maniniwala sa sasabihin ng panget na yan, Mitzie. Gusto nya lang talagang
siraan ako."

"Panget daw eh crush mo nga ako nung grade school!"

Sinapok ko ng isa si Duke. "Tanga pa ako non!" Ngayon, tangang tanga na.

Totoong nalaman nitong crush ko sya noong elementary kami. Paano ba naman kasi ay
isinulat ko ang pangalan nya sa slambook nung itinanong kung sino ang crush ko.

Mitzie was just looking at us. Mukha syang naaaliw sa asaran naming dalawa dahil
may maliit syang ngiti sa labi.

"Hindi ka kumain?" tanong ko nang makabawi. Tumingin ako sa relo ko na bigay din ni
Duke sa akin nung birthday ko. "May oras pa. Gusto mong pumunta sa canteen?
Sasamahan kita?"

"Sol, ang plastic mo," pang-aasar pa rin ni Duke sa akin.

But I was sincere. Ala una ang lunch break namin at kanina pang alas otso ang klase
namin. Hindi nagbibigay ng break ang susunod naming professor at kung titiisin nya
ang gutom nya ay baka matumba sya dyan.

Inirapan ko si Duke. "Pag naging friends kami, hindi na kita aabalahin."

He heaved a sigh before looking at Mitzie. "Please, kaibiganin mo yan."

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi bago batukan ulit si Duke. Sinuklian nya
lang iyon ng tawa dahil alam kong nang-aasar lang sya.

"Kumain na ako, Sol. Salamat sa concern mo," mahinhing saad ni Mitzie.


"Anong kinain mo?"

"Cheesecake," she simply answered.

Pinanood ko kung paano natuwa si Duke sa sinabi ni Mitzie dahil at last, may nakita
na rin syang kagaya nya na mahilig doon. Nginusuan ko na lang sila bago nagpaalam
na babalik na ako sa upuan ko, katabi si Troy Dela Paz na isa pang asungot sa buhay
ko.

"Pag ba niligawan ni Duke si Mitzie, papayag ka?" tanong ni Troy sa akin makalipas
ang ilang sandaling panonood namin sa dalawa. Hindi na ito gaya kanina na medyo
nahihirapan si Duke sa pakikipag-usap.

I gulped. Syempre hindi. But what power do I have?

"Oo naman, anong pake ko roon?" mataray na sagot ko.

"Sana isa sa kanila ang makagrupo ko sa thesis para naman maayos akong maka-
graduate."

"Akin si Duke!"

Napalakas ata ang sigaw ko non dahil nakita ko ang pagtingin ng mga kaklase namin
sa aming dalawa ni Troy.

"Hoy ano yan?! Crush mo ba ako, Sol?" sigaw ni Duke mula sa kabilang sulok ng room.

I felt my cheeks flushed. Wrong context! Akin si Duke sa thesis making!

Tawa nang tawa naman si Troy sa sinapit ko. Nakakahiya dahil inaasar kami ng mga
kaklase ko at hindi ko manlang maipagtanggol ang sarili ko.

"Sige na, Sol, iyo na si Duke. Wala namang aagaw."

Inirapan ko si Troy at hindi na pinansin. Sakto rin na pumasok na ang professor


namin. Hindi na ako makatingin kay Duke dahil alam kong aasarin din nya ako.

Tumahimik ang mga kaklase ko dahil isa si Ma'am Jona sa mga guro na sobrang strikto
kahit na hindi naman namin sya major. Ngayong nasa third year na kami ay dalawa na
lang ang minor subject namin-literature at art appreciation. The rest, puro
madudugo na.

"Sorry for the late notice but I am requiring you all to join a club this
semester."

Narinig ko agad ang pagtutol ng mga kaklase ko, pati na rin ako. Full units kami at
wala na kaming pagsisingitan ng club na yan!

"Wag nyo akong simangutan. It was written in the curriculum, sumusunod lang ako."

Lalo akong napanguso. Mabuti pa si Duke at Troy! Officer sila ng Engineering


Society kaya wala na silang kaso sa parteng ito. Vice president si Duke habang
Treasurer naman si Troy. Wala nang bakante roon kaya malabong makapasok pa ako.

Natapos ang klase namin kay Ma'am Jona na lahat kami ay naiinis. Engineering tapos
mag cclub ka pa? That's social suicide!

"Saan kayo magreregister?" rinig kong bulungan ng mga kaklase ko.


Marami namang club sa school na pwedeng salihan. Sa totoo lang ay alam ko na agad
kung saan ako pwedeng sumali. Ang kaso lang, hindi ko alam kung maayos ko pa ang
oras ko para ron. Ako minsan ang gumagawa ng labada ni Nanay! Paano ko matutulungan
yon?

"Sol, saan ka?" tanong sa akin ng katabi ko.

Ngumuso ako. "Ayokong mag-register."

"Tapang ah. Gusto mong ma-incomplete?

"Hay nako, ang epal talaga ng mga minor subjects lagi!" tanging nasabi ko. Umani
naman iyon ng tawa ni Troy.

"Ang may karapatan lang magsabi nyan, yung magaling din sa major!"

Sinapak ko sya sa braso. "Bat hindi ka pa mamatay?"

Napatingin ako sa gawi ni Duke na parang nag-aantay din ng tingin ko. Nakakunot ang
noo nya sa akin kaya tinaasan ko sya ng kilay. Wala pang ilang segundo ay tumayo na
ito at naglakad patungo sa direksyon namin ni Troy.

Humigit sya ng isang upuan at pumwesto sa tapat namin.

"Saan daw si Mitzie?" tanong ko sa kanya nang makaupo sya.

"Sa Music yata. Ikaw? Mag-register ka na sa bread and pastry." Inabot nya ang kamay
ko at nilaro ito gaya ng lagi nyang ginagawa.

"Wow, nagbabake ka pala, Sol?" siniko pa ako ni Troy. "Patikimin mo ako, ha?"

I tsked. "Baka mainlove ka sa akin, Troy. Wag na lang."

"Nakatikim naman ako ng gawa mo, Solene. Parang hindi naman ako nainlove," bastos
na sabat ni Duke kaya binawi ko ang kamay ko sa kanya at hinampas ang braso nya.

"Baka effective sa akin, Sol. Ako na lang igawa mo," si Troy.

Tumango ako. "Oo sige. Kapag nakapagdesisyon ako, hinding hindi ka makakatikim ng
luto ko, Duke. Kay Troy ko lang ibibigay lahat."

"Anong kapalit non?" bulong ni Troy sa akin. Hindi iyon dinig ni Duke kaya
nakakunot lang ang noo nya sa amin habang nagbubulungan kami.

"Sponsoran mo ako ng ingredients," sagot ko sa kanya. "Kaya ayokong sumali rin kasi
e, ang mahal ng ambagan lagi."

Umayos ng upo si Troy at kinindatan ako. "Count on me, chef."

Chapter 2

"Nay, sumali ako sa bread and pastry club. Baka maging medyo busy ako. Required
kasi." Sumbong ko agad kay Nanay.

After a week, napagdesisyonan ko na ring sumali dahil halos lahat ng kaklase ko ay


may club na. Kahit si Mitzie ay maayos na nakapasok sa Music club. Hindi ko alam
kung nagplay ba sya ng instrument o kumanta. Hindi pa naman kasi sobrang close.

Actually, joining the club brought excitement in my inner self. Baking was my
ultimate passion. Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero sigurado akong hindi ko
aalisin ito sa sistema ko.

"Ayos lang, anak. Basta ay wag ka masyadong magpapagabi lalo kung hindi mo kasama
si Duke."

Nilagyan ko ng kamatis at okra ang pinggan nya bago nagsalita. "Papayag ka ba kung
magpapart timer ako, Nay?"

Sinamaan nya lang ako ng tingin. "Iisa ka na ngang anak ko, hahayaan ko pa? Kaya
kitang buhayin, Sol."

"Sweet mo naman. Baka naman may pera ka dyan?"

Natatawang hinampas nya ang balikat ko. "Marami akong labada ngayon. Kung wala kang
gagawin ay tulungan mo ako."

Sumaludo ako sa kanya. "Yes, Nay! At your service!"

Hinugasan ko ang pinagkainan namin. Sabado ngayon at wala naman kaming pasok kapag
weekends kaya nakakatulong ako kay Nanay sa trabaho nya. Kapag ganitong araw,
marami kaming kinukuhang labada dahil dalawa naman kaming magtutulong.

Nang maghiwalay sila ng Tatay kong Amerikano noong anim na taong gulang pa lang
ako, walang ibang ginawa si Nanay kung hindi kumuha ng mga labahin. Hindi sya
nakatapos ng pag-aaral kaya wala syang ibang mapasukan na trabaho. Bukod pa roon,
hindi nya ako pwedeng iwan dahil bata pa ako.

I saw how she suffered. Kahit kasi mag-isa lang akong anak nya ay hikahos kami sa
buhay lalo pa noong sinanla ng magaling kong ama ang bahay na tinitirhan namin bago
ito umalis. Isang dekada ang lumipas bago tuluyang mabawi ito ni Nanay.

Kaya kahit maldita ako, pagdating kay Nanay, napakalambot ko. As much as possible,
ayokong makitang pagod sya at nahihirapan. Kung pwede lang na patigilin ko na lang
sya sa pagtatrabaho para makapagpahinga ay gagawin ko.

My documents were transferred under her name kaya Clemente ang ginagamit kong
apelyido at hindi Schulze. Isa pa ay ayoko rin namang gamitin iyon dahil masama ang
loob ko sa ama kong walang naidulot na maganda sa buhay naming mag-ina.

"Anong gusto mong regalo sa birthday mo?" tanong ko habang nagkukusot ng medyas.

Ito ang bonding naming dalawa. Simpleng kwentuhan habang naglalaba. Sabi ko nga ay
ibibili ko sya ng washing machine dahil may scholarship naman ako. Tumanggi sya
dahil gastos pa raw iyon sa kuryente.

Umarte itong nag-iisip. "Gusto kong ligawan ka ni Duke."

Sinabuyan ko ito ng kaunting sabon kaya napahagikgik sya. "Nay! Kaibigan ko lang
yon!"

"Sus, ako pa talaga ang lolokohin mo, Solene. Kilalang kilala na kita."

Nginisian ko sya at pinagpatuloy ang pagkukusot. "Date na lang tayo, ha? Pagkatapos
naman yon ng midterms namin. For sure, dumating na ang scholarship ko. Ibibili kita
ng napakaraming damit."
"He! Wag nang damit! Di ko naman magagamit ang mga iyon."

"Ano na lang?"

She smiled. "Sabon."

"Jusko, Nay! Sige, ibibili kita ng maraming sabon tapos kakain tayo sa Shakey's
kasi favorite mo ang pizza ron. Okay ba?"

Nakita ko ang paglaki ng ngiti nya. For sure, maya maya lang ay iiyak na naman ito
dahil natotouch. May pagka-emosyonal kasi itong si Nanay. Kaunting paglalambing
lang ay naiiyak na.

"Dapat gamitin mo sa pag-aaral mo yung scholarship mo. Di kaya bumili ka ng bagong


black shoes. Nakanganga na yung sapatos mo."

I snorted. "Kaya pa naman ng rugby yon. Sa graduation na ako bibili. Di naman


kailangang kailangan."

Nakarinig kami ng katok mula sa pinto kaya naghugas ako ng kamay para tingnan kung
sino iyon. Sumilip ako sa bintana at agad na napaayos ng buhok nang makita roon si
Duke.

"Shucks, ang haggard ko yata..." bulong ko sa sarili.

Wala akong nagawa dahil hindi ko naman sya pwedeng pag-antayin. Binuksan ko ang
pinto namin at bumungad sa akin ang fresh na fresh na Duke Laurence Sanders.

"Anong kailangan mo, panget?" pambungad ko para hindi nya mahalata ang kagustuhan
kong tumitig sa mukha nya.

Nakita kong namula sya bago nag-iwas ng tingin. Anong arte nito?

"May konting salu-salo mamaya sa bahay. Pumunta raw kayo sabi ni Mama."

"Anong meron?" tanong ko bago higitin ang damit ko. Nakakahiya naman na nakita nya
akong ganito!

"Na-promote si Papa sa Australia. Head engineer na sya sa construction company na


pinagtatrabahuhan nya." Hindi pa rin sya nakatingin sa akin nang sinabi nya sa akin
iyon.

Nanlaki ang mga mata ko. "OMG! Ang yaman nyo na lalo!" Napatalon pa ako. "Pupunta
kami! Ang dami lang naming nilalabhan pero mamayang hapon ay sasabihan ko si
Nanay!"

Tumango lang sya sa akin kaya napakunot ang noo ko.

"Ico-congratulate ko pala si Tito Franco," ani ko bago sya hampasin. "Problema


mo?!" tanong ko nang di nya pa rin ako tinitingnan.

"Sana nag bra ka muna bago mo ako pagbuksan," sagot nya bago ako tawanan.

Napatingin ako sa sarili ko at saka ko lang napagtanto na hindi pala ako


nakapagsuot ng bra! Sanay kami sa isa't isa pero hindi sa ganitong point!

"Tangina..." paulit-ulit kong saad habang niyayakap ang sarili. "Hindi mo agad
sinabi, Duke! Gustong gusto mo rin talaga, ano?" namumulang akusa ko sa kanya.
Lalong lumakas ang tawa nya. "Nah, too small for my liking."

Pinagbagsakan ko sya ng pinto kahit na rinig ko pa rin ang malakas nyang pagtawa.
Akala ko pa naman ay lilipas ang araw na ito na hindi nya ako binubwiset.

Wala naman nagbago sa nagdaan na linggo. Bukod sa mga quizzes kong kung hindi itlog
ay isa o dalawa ang tama ko, wala naman nang major na nangyari. Duke and Mitzie got
closer, I guess, siguro ay dahil sa seatmates sila. Hindi ko rin naman pinagselosan
iyon dahil wala namang sinasabi si Duke.

Sinabi ko agad kay Nanay ang balita at tuwang-tuwa sya para sa pamilya nila.
Binilisan naming dalawa ang paglalaba para makapagbihis at makapunta sa katapat na
bahay.

"Magpaganda ka, Solene. Nakakahiya naman at baka may bisita si Gemma."

Nag-apply ako ng liptint. Isang simpleng bestida lang ang suot ko at hinayaan na
nakalugay ang wavy at medyo may pagkakulay tsokolate kong buhok.

Kakulay ng buhok ko ang may kakapalan kong kilay at pilik mata kaya bagay iyon sa
medyo maputi kong balat. Hugis puso ang aking mukha na nakuha ko kay Nanay habang
ang ilong ko naman ay maliit at tama lang ang taas.

"Effortless ang ganda ko, Nay. Wag mo akong alalahanin. Ikaw ang magbihis nang
ayos. Hindi tayo pwedeng pumunta sa balae mo nang naka-daster ka."

Kinurot nya nang mahina ang bewang ko. "Talandi ka, may pa friends friends ka pang
nalalaman!"

Nagbihis si Nanay ng isang T-shirt at pantalon. Maganda sya pero dahil siguro sa
trabaho at edad ay medyo laglag na ang kanyang katawan. Pero kahit na ganoon, sya
ang pinakamaganda sa mga mata ko.

"Wow, nanay ko yan? Pakiss nga!"

Hindi nga kami nagkamali dahil ang "maliit" na salu-salo ay engrande pala. Sa
barangay kasi namin, ang mga Sanders ang may pinakamalaking bahay. Tatlong palapag
ito at malawak. Sa totoo lang ay papasa itong modern mansion kung magkakaroon lang
ng kaunting renovation. Pero ano pa nga bang hahanapin mo sa bahay ng isang head
engineer, hindi ba?

Kahit na magkababata kami ni Duke, hindi ako lagi pumupunta sa kanila. Not unless,
inimbitahan ako o kapag may ibibigay kaming pagkain sa kanila. Medyo strikta kasi
si Tita Gemma. Buti nga at mabait ito sa akin kahit mukha syang mataray.

Ang malawak na garden nila ay puno ng bisita. Napansin ko agad ang tatlong letchon
kaya napatingin ako kay Nanay.

"Kaunti lang ang balat ha. Wag putok batok..." bulong ko sa kanya na ngayon ay
minamata rin ang handa.

Hinawakan nya ang kamay ko. "Hanapin natin sina Gemma at batiin! Naku, nakakatuwa
talaga ang blessings ng mga tao." Ligayang-ligayang saad nya. "Kapag talaga mabait
sa kapwa, ibinebless ni Lord. Kaya ikaw, bruha ka, wag ka nang magmaldita!"

"Naisingit mo pa talaga ang sermon, Nay."

Pumasok kami sa loob ng bahay nina Duke at muli akong namangha sa loob non. Puro
antique ang kanilang display sa living room at may malaking portrait pa sa gitna ng
buong pamilya nila. Ang linings ng ceiling ay may mga nakaukit na parang kagaya ng
mga nasa museo.

Naagaw ng isang matangkad na lalaki ang atensyon ko nang kumaway ito sa akin.

"Kuya Sean!" sigaw ko at agad na yumakap sa bewang ng lalaki.

Niyakap nya ako pabalik at hinaplos pa ang buhok ko. Kung si Duke ay lagi kong
kaasaran, ito namang nakatatanda nyang kapatid ay lagi akong binibaby. He was way
gentler and sweeter than Duke but my heart chose to love an ass who couldn't notice
my feelings.

"Hindi kita nakikita sa campus, ah? Busy ka ba, Sol?" tanong nya sa akin nang
bumitaw ako sa yakap.

"Malayo ang architecture building sa department namin, Kuya. Hayaan mo minsan,


yayayain ko si Duke at pupuntahan kita!"

He chuckled. Lumabas ang maliit na dimples nya na kagayang-kagaya lang din ng kay
Duke. They looked like each other but Kuya Sean had a refreshing aura. Parang
friendly at approachable hindi gaya ni Duke na mukhang laging galit kahit
palangiti.

"May live band mamayang gabi. Sumama ka sa after party, ha? Ipagpapaalam kita kay
Tita Yella."

Napangiti ako. "Yes, Kuya. Sige na, hahanapin ko rin si Tita Gemma. Congrats pala
sa family nyo!"

Niyakap nya ako ulit bago sya lumabas para mag-entertain ng iba pang bisita. Nakita
ko naman sa kusina si Tita Gemma kasama si Nanay kaya nilapitan ko silang dalawa.

"Oh, dear, you're here..." beso sa akin ni Tita. "You look dashing as always."

"You're way prettier than me, Tita. Congrats po sa pagka-promote ni Tito Franco!"

Nakangiti si Nanay habang nakatingin sa ginang. "Napakabait ng pamilya nyo kaya


kayo binibiyayaan ng Diyos, Gemma."

Ngumiti rin si Tita Gemma bago bumaling sa akin. "Nasa labas si Duke, hija.
Puntahan mo na rin para hindi ka mabagot sa amin ni Yella. Mapapatagal ang
kwentuhan namin nitong Nanay mo."

Ngumiti ako at nagpaalam sa kanila. Kahit maraming tao ay natagpuan ng mata ko si


Duke at kasama nya sa table si Troy. Napasimangot ako dahil paniguradong
pagtutulungan na naman ako ng dalawa.

Duke looks illegally handsome in his plain black shirt and tattered pants.
Nakabrush-up lang ang kanyang buhok at may dog tag pa sa leeg. Even from afar, his
nose is sharp and pointy, parang matayog ito hindi gaya ng labi nya na halatang
malambot. He's laughing with Troy at agad na lumitaw ang kanyang dimples.

Lingid sa kaalaman ng dalawa ang nakukuha nilang atensyon. Marami rin naman kasing
dalaga sa barangay namin kaya talagang ang mata nila ay nakatutok kina Duke at
Troy.

Pasalampak akong umupo sa tapat nila. I crossed my arms and stared at them.
Nakita kong naalarma si Duke sa presensya ko. "Kanina ka pa ba?"

I shook my head. "Itinext kita na narito na ako at hindi ka nagreply."

He bit his lip. "Nasa taas ang cellphone ko." He pouted. "Kumain ka na ba?"

Muli akong umiling. Inirapan nya naman ako bago sya tumayo para ikuha ako ng
pagkain. Hindi nya na tinanong kung ano ang gusto ko dahil alam kong alam nya na
ang mga ito. Naiwan tuloy kami ni Troy sa mesa at napansin ko ang panliliit ng mata
nya sa akin.

"Ano?" mataray kong tanong sa kanya.

He grinned. "Para talaga kayong magsyota."

Namula ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin sa kanya. Pinanood ko kung paano humawi
ang mga tao nang dumaan si Duke. Para syang si Moses nang hatiin nito ang dagat.

I shook my head. Duke and his effect on girls.

"Sasama ka ba sa after party?" tanong ni Troy. "May banda raw."

"Yup. Ayan lang naman ang bahay namin sa tapat."

Tumango lang ito sa akin. Nang dumating si Duke ay may bitbit na itong plato. May
chicken curry, roasted chicken at caldereta roon.

"Ang dami naman!"

Pinitik nya ang noo ko. "Arte, ubos mo rin naman yan."

Inirapan ko sya dahil totoo iyon. "Parang wala namang chicken curry don sa mesa.
Saan mo nakuha 'to?"

Nag-iwas sya ng tingin sa akin bago umupo sa tabi ni Troy. "Niluto ko. Konti lang
yan dahil alam kong paborito mo."

Warmth flooded my entire being. To be remembered is one of the best feelings this
world has to offer. Hindi ko alam kung dahil lang ba iyon sa tagal ng pinagsamahan
namin o dahil talagang inoobserbahan nya ako. He knew me too well and it felt good
but at the same time, it was terrifying.

Kilala nya ako at natatakot ako na baka mabasa nya sa akin ang pagmamahal ko sa
para sa kanya.

Chapter 3

I love mornings than nights. I appreciate the sun more than I appreciate the moon.
Hindi ko alam kung dahil ba sa epekto iyon ng pagiging labandera ng nanay ko kaya
nawili ako sa araw na nagtutuyo sa mga sinampay o dahil mas nakikita ko ang lahat
ng bagay kapag maliwanag.

And I always want to see things clearer.

Kung paanong ang batang Duke ay nakikipagbasaan gamit ang hose kay Kuya Sean sa
tapat ng bahay nila hanggang sa pagbibigay nya ng isang bote ng tubig sa pulubi na
minsan ay namalagi sa aming barangay.
Sigurado akong kung gabi at madilim, hindi ko iyon makikita lalo pa at sa bintana
ng kwarto lang naman ako nakatanaw.

Isa pa ay umaga rin nang makalaro ko si Duke na naging hudyat ng pagkakaibigan


namin. Lumabas ako noon ng bahay namin kahit pa pinagbawalan ako ni Tatay na
lumabas dahil lagi raw akong mabaho. Duke didn't mind it. Sa halip ay pinahiram nya
ako ng mga panlalaki nyang laruan at ipinagyabang sa akin ang malalim nyang
dimples. Pagkauwi ko man ay pinalo ako, hindi iyon naging dahilan para masira ang
araw ko.

You see, sun makes everything brighter. It's like a reminder that we have a long
day ahead of us and we should cherish every single second of it. It maybe sometimes
a bit irritating in the skin, but we cannot deny the fact that we can't function
well without it.

It's like love. It gives comfort like sunshine in the rain.

"Pre, si Mitzie ba yon?!" narinig kong saad ni Troy bago hampasin si Duke.

Sabay kaming napalingon sa tinuturo nya at nagulat ako nang makitang naroon nga ang
babae. I'm sure Duke and Mitzie aren't blood related but what is she doing here?

"Anong ginagawa nya rito?" tanong ko kay Duke.

Gaya ko ay nagulat din sya sa babae pero nag-iwas sya ng tingin nang mapabaling si
Mitzie sa pwesto namin.

"Kasama nya 'yung banda. Baka kasama sya sa magpe-perform," mahinang tugon ni Duke.

Napangiti ako nang malaki. I love music and if she's really into music, I will
never hesitate to be her friend!

Nakita kong tumango ito sa amin pero hindi na nya nagawang makalapit dahil
magsisimula na rin silang tumugtog. Napaayos ako ng upo dahil gusto kong marinig
nang maayos ang kakantahin nya.

Alas nuebe na rin nang gabi. Nakauwi na si Nanay at ang karamihan ng bisita. Halos
ang natira na lang dito ay ilang kabataan na kaedad din namin kaya parang malaking
inuman session ang nangyari sa garden ng mga Sanders.

"Mic test, hello, sound check, 1, 2..."

I screamed a little. Nae-excite ako! Gusto kong isigaw na kaklase ko yan!

Nakapatong lang ang kamay ko sa mesa kaya naramdaman kong kinuha ito ni Duke at
pinaglaruan. Tiningnan ko sya at tinaasan ng kilay pero sinamaan nya lang ako ng
tingin.

"OA mo," he mouthed.

Hinayaan ko syang laruin ang kamay ko dahil bukod sa gusto ko ang pakiramdam ng
magkadikit naming balat, gusto ko ring mag-focus sa pakikinig.

"And I'd give up forever to touch you. 'Cause I know that you feel me somehow.
You're the closest to heaven that I'll ever be and I don't want to go home right
now..."

To say that I was amazed was an understatement. I was beyond euphoric! Napakaganda
ng tinig nito kahit first verse pa lang ang kinakanta nya. Her soft voice
immediately caught the attention of all the guests. Kung kanina ay walang pakealam
ang mga ito sa nasa unahan, ngayon ay makikita mong na kay Mitzie na ang mga mata
nila.

"And I don't want the world to see me. 'Cause I don't think that they'd understand.
When everything's made to be broken. I just want you to know who I am..." she
closes her eyes as she pours out her melodic voice. She's blessing our ears and I
can't even move a finger!

Naramdaman ko ang pagtigil ni Duke sa paggalaw sa kamay ko kaya napatingin ako sa


kanya. He was looking at the platform kung saan nagpe-perform ang banda nina
Mitzie. His eyes were filled with amusement and shock. He looked like he was hitted
by a fast moving car because he literally stopped moving.

Iniiwas ko ang tingin dahil sa naramdamang hindi makataong selos. I mean, I reacted
the same and her voice is really magical. Why the fuck am I feeling like this?!

"You bleed just to know you're alive..."

I heard Troy heaved a sigh. "Nakakainlove si Mitzie."

I agreed. She was like an angel serenading the unworthy people of her Lord. Like
me, she was wearing a simple white dress which gave off her sweet and charming
vibe. Ang mga kabanda nya ay panay mga nakaitim kaya ngayong nasa gitna sya at
nakasuot ng puting bestida ay para talaga syang liwanag.

Kaya naiintindihan ko ang reaksyon ni Duke kahit na binitawan nya ang kamay ko para
makapag-focus kay Mitzie. Hindi dapat ito pinagseselosan. Masyadong mababaw.

"And that's our first song entitled Iris by Goo Goo Dolls!" masayang sigaw ni
Mitzie. Ibang iba kapag nasa room kaya nagugulat ako sa pagiging masigla nya.

Nagpatuloy sila sa pagtugtog habang ako ay nakatanga lang sa kanya. Gwapo rin ang
mga kabanda ni Mitzie kaya hindi nakalampas sa pandinig ko ang kinikilig na usapan
ng mga dalaga. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil gwapo talaga ang mga ito.

Hindi naalis ang mata ni Duke sa platform hanggang sa matapos ang pagtugtog nila.
He looks mesmerized and smittened by the way they perform.

He cleared his throat. "That's one hell of a performance..." he uttered. "Ang ganda
ng boses ni Mitzie," nangingiting pahayag nya bago nag-angat ng tingin sa akin.

I gave him a smile. "Oo, parang anghel. Grabe, mukha na nga syang anghel, boses
anghel pa."

"Tapos mahilig pa sa cheesecake," natatawang pahayag ni Duke.

"Ideal girl mo, no, pre?" pang-aasar ng katabi nyang si Troy. Simula noong maging
kaklase namin si Mitzie, parang lagi nitong binubugaw si Duke sa babae.

Naiinis ako dahil baka totoong magustuhan ni Duke si Mitzie. The girl was likeable!
Mabuti sana kung kasing sama at panget ito nina Roswell at Bela, edi sana, hindi
ako nag-aalala.

Lumapit sa amin si Mitzie kaya nawala ang usapan ng dalawa. Ako naman ay napangiti
dahil sa natapos nyang performance.

"Hi," bati nya sa amin bago naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"Ang ganda ng boses mo!" mataas ang boses na saad ko. "Kaya pala ang bilis mong
nakapasok sa Music club."

She chuckled.

"Thanks, Sol. Is it okay if I add you on Facebook?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Oo naman! It's an honor. Ang galing galing ng banda nyo."

Ngumiti sya sa akin at bumaling sa dalawang lalaking nasa tapat namin kaya
napatingin din ako sa dalawa. Nakikinig si Duke sa usapan namin habang si Troy
naman ay nagtatakang nakatingin sa akin.

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko kay Troy.

He grinned. "Close kayo?"

I pouted and pinched his hand that was resting on the table. "Oo! Best friends
kami!" ani ko bago tingnan si Duke para irapan.

Ang kaso, hindi naman nakatingin sa akin si Duke. Nakamasid sya kay Mitzie na
nanonood sa amin ni Troy.

I felt a pang on my chest but I immediately ignored it.

"May kapatid ka pala, Duke?" maya maya'y tanong ni Mitzie sa lalaki. Parang
nagising si Duke mula sa pagkakahimbing dahil bigla syang umiling.

Bakit umiiling 'to?! May kapatid sya!

"Ha? Ang sabi nung lalaki ay kapatid mo sya," mahinang bulong ni Mitzie.

Duke bit his lip. Lumabas ang dimples nya sa ginawa nyang iyon kaya napatitig ako
sa pisngi nya.

"I mean..." he chuckled. "Yeah, si Kuya Sean. I'm sorry I'm spacing out."

Mitzie nodded. Nakatingin lang kaming dalawa ni Troy sa kanila habang nag-uusap
sila.

"You met him?" tanong ni Duke makalipas ang ilang sandali. His piercing eyes were
drawn to Mitzie. Kahit may kadiliman dahil gabi na ay nabasa ko ang interes sa
mukha ng lalaki.

My breathing hitched. I don't want to think about it but... does he like Mitzie?

"Oo, kinuha nya ang number ko para kapag may event daw ay iimbitahan nya kami ng
banda ulit," she said.

Hindi ko magawang ibaling ang tingin sa babae dahil sinusubukan kong basahin ang
mukha ni Duke. Binasa nya ang pang-ibabang labi at saka lang napagawi ang tingin sa
akin. Nagsalubong ang mga mata namin at naramdaman ko ang pagsabog ng kung ano sa
loob ko.

Iniiwas ko ang tingin. I can't read him. Well, I can, but I shouldn't.

I cleared my throat before standing. "Kukuha lang ako ng maiinom natin..." ani ko.
"A-ano, hindi, alak. Tubig siguro o juice?" kinakabahang saad ko sa matang ipinukol
sa akin ni Duke.

Hindi ko na sila inantay makasagot dahil umalis agad ako sa mesa. Naglakad ako
patungo sa kusina nila at napahawak sa puso ko. My heart was beating so fast and it
didn't feel good. Ang bawat pagtibok ay masakit.

Kumuha ako ng isang pitsel ng iced tea at isang pitsel ng tubig. Aalis na sana ako
sa kusina nang pumasok ang tatlong lalaking nakaitim. I immediately recognized
them. Sila ang mga kabanda ni Mitzie!

Napatigil sila sa paglalakad patungo sa ref nang makitang naroon ako. Isa isa ko
silang tiningnan at tama nga ako ng hinala na lahat sila ay gwapo.

"U-Uhm..." kinakabahang saad ko. What's wrong with me today?! Umalis ako sa harap
ng ref para makakuha sila ng kailangan nilang kunin.

"Kaklase ka ni Mitz, diba?" tanong sa akin nung drummer. Hanggang balikat ang
makintab nyang buhok kaya nagmukha siyang bad boy. His hooded eyes were dangerous
but it went perfectly with his pouty lips. Kung mukhang masungit si Duke, masasabi
kong mas mukhang masungit ito.

I gulped before nodding my head.

"Mitz didn't mention that she has a beautiful classmate," ani naman ng bassist
nila.

Napakunot ang noo ko. It's a compliment but the way he said it is too sensual!
Parang may laman tuloy! Kahit mukha siyang mabait sa chinito nyang mata, hindi ko
maiwasang samaan sya ng tingin.

He smiled while looking at me. "It's a compliment."

Napahinga ako nang malalim at napatango sa sinabi nya. "Thank you, then."

Humarap sa amin ang guitarist nila na kanina ay may kinukuhang kung ano sa loob ng
ref. Inilapag nya ang dalawang pitsel ng iced tea at inismiran ang dalawang
kabanda. Sumulyap sya sa akin bago ngumisi nang nakakaloko.

Sa wari ko ay magkasing-kapal lang ang buhok nila ni Duke. Yun nga lang ay medyo
may pagka-brown din ang kanya gaya ng akin. His eyes were pitch black and his jaws
were well-defined. It seemed like everything about him is hard.

I looked away. "Lalabas na ako." Pagpapaalam ko sa kanila.

The guitarist crossed his arms. "Wait."

Tinititigan nya ako kaya gumanti ako ng titig sa kanya. Akala mo naman! Kay Duke
lang ako matatalo pagdating sa titigan! Lalong lumaki ang ngiti nya habang
nakatitig sa akin samantalang ako ay walang kahit na anong emosyong ipinapakita.

"What's your name?" tanong nya na gumulat sa akin.

Nakita ko agad ang sikuhan ng dalawa nyang kabanda sa gilid. Pinanlisikan ko sila
ng tingin kaya ngumiti na lang sila at tumigil.

"Bakit ko sasabihin?"

That made the guitarist grinned even wider. "Ikaw bahala. Itatanong ko rin naman
kay Mitzie."
Inirapan ko sya at akmang kukunin na ang dalawang pitsel na inilapag ko sa mesa
nang unahan nya akong bitbitin iyon. He carried it in a very effortless way, hindi
gaya ko kanina na parang bigat na bigat.

"Akin na," mataray kong saad.

He shook his head. "Hindi dapat ganito ang dinadala mo."

I once again rolled my eyes. "Ano dapat, kung ganoon?"

"Kamay ko."

Napapikit ako sa inis. Narinig ko ang asaran ng dalawa nyang kabanda kaya walang
paalam akong lumabas ng kusina. He's hitting on me and I'm irritated as hell! Gwapo
sya pero ayoko sa kanya!

Naramdaman ko ang pagsabay nya sa paglalakad ko kaya hindi ko na lang sya pinansin.
Sigurado akong nakasimangot ako habang sya ay malaki ang ngisi.

Napatingin sa amin ang ibang bisita pero diretso lang ang paglakad ko. Napansin
kong itinuro ako ni Troy kina Mitzie at Duke kaya napabaling din ang atensyon ng
dalawa sa amin. Kumunot ang noo ni Duke sa nakitang kasama ko habang si Mitzie
naman ay halatang gulat din.

"I just helped her..." ani ng lalaki matapos ilapag ang dalawang pitsel sa mesa.

Nginusuan ko sya. "Tingin mo hindi ko kayang dalhin yan?"

He let out a low chuckle. "Alam kong kaya mo pero diba sinabi ko na sayo kung ano
dapat ang dinadala mo?"

I snorted and went to my chair. Nakita kong nanatili ang madilim na mata ni Duke sa
lalaki kaya nabuntong-hininga na lang ako. Sana ay hindi nya iniisip na binabastos
ako dahil kadalasan ay ganyan ang itsura nya kapag may nanlalandi sa akin.

"Harvin, dun ka nga! Wag mong guluhin si Sol," narinig kong saway ni Mitz sa
lalaking Harvin pala ang pangalan.

"Oo, Mitz. Tinulungan ko lang naman..." he then chuckled. Sinamaan ko sya ng tingin
dahil nakita kong nakatitig na naman sya sa akin. "See you again, Sol..."

Kagat ko ang labi ko habang nakatingin sa papalayong pigura ng lalaki. He's a first
class playboy! I'm betting my life!

"Taray naman may nagkakacrush din naman sa bebe Sol na iyan," pang-aasar ni Troy na
kinurot ko lang sa kamay. Kanina pa sya bumibingo sa akin! Ipinagtutulakan nya si
Duke kay Mitzie!

"Pasensya na, Sol. Crush ka kasi non. Kanina pa itinatanong sa akin kung kilala
kita," ani Mitzie.

Namula ako roon. Hindi naman ito ang unang beses na may nanlandi sa akin pero
nahiya ako dahil kabanda pa talaga ni Mitzie.

"Bakit kasi kumuha ka pa ng maiinom?" naiinis na pahayag ni Duke. "Pwede mo naman


akong utusan na lang kung nauuhaw ka, Solene."

Tumawa si Troy. "Patay ka, Sol. Ginagalit mo si Kuya Duke."


Masama ang tingin ni Duke sa akin at hindi ko alam kung bakit ang pasaring nya ay
nagdala pa ng init sa puso ko.

Chapter 4

Nag-inat ako dahil katatapos lang ng exam namin sa isang major subject. Pinag-
puyatan ko ang pagre-review dahil ayokong mag remedial. Inis na inis na nga sa akin
si Duke dahil ilang gabi ko rin syang kinulit na pumunta sa bahay namin para turuan
ako.

"Anong sagot mo sa 2?" si Troy nang lumabas sya ng room. Gaya ko ay tapos na rin
sya pero iilan pa lang kaming nasa labas.

Nakakakaba nga dahil wala pa sina Mitzie at Duke, parang natatagalan sila sa
pagsasagot samantalang ako ay mabilisan lang. Parang may mali akong nagawa.

"0.538 ba? Di ko maalala pero parang ganyan."

Napakamot sa batok si Troy. "Ah ah, nalito ako. Whole number ata sagot ko ron.
Nakakalito kasi yung instruction."

Napangisi ako sa kanya. "Hindi pwede whole number, shunga ka."

Mas lalo itong napanguso at sumandal na lang sa pader habang parehas naming
inaantay sina Duke at Mitzie para magtanong. Ganon din ang ilan pang kaklase namin
na nakatapos na. Lahat sila ay nangangati nang malaman ang tamang sagot.

Sabay na lumabas sina Duke at Mitzie at hindi pa man tuluyang nakakalampas sa pinto
ay sinugod na sila ng mga kaklase namin. Kinausap nila ito pero hindi na kami
lumapit dahil sa direksyon din naman namin sila papunta.

Umayos ng tayo si Troy. "Duke, litong-lito ako sa 2-5! Five points each pa! Ano
bang sagot don?"

Tinanguan ako ni Mitzie at lumampas na sa amin habang si Duke naman ay tumigil sa


tapat namin ni Troy. Tumingin sya sa lalaki at naiiling na napangiti.

"True or False lang yon, ah? Yun nga pinakamadali sa exam."

Para akong nagimbal sa sinabi nya. Tangina, parang wala naman akong nabasang true
or false don ah?!

"Sabi na eh! Buti naman at naitama ko yung 4 at 5," si Troy na ngayon ay medyo
nakahinga na nang malalim.

"Hoy! Gago? Seryoso ba?!" nanlalaki ang matang saad ko. "Bakit isinolve ko lahat?!"

Lumapit sa akin si Duke at ginulo ang kasusuklay ko lang na buhok. "Anong isosolve
mo ron eh kumpleto ang given? Indicate mo lang kung tama o mali yung answer."

Naiiyak na napanguso ako. Wala na agad akong 20 points! Paniguradong bagsak na


naman ako neto. Pahirapan na naman ako sa pagpapaliwanag sa scholarship office
kapag ipinresent ko ang midterm grade ko.

I felt sad and disappointed. Pinaghirapan ko ang pag-aaral pero parang hindi talaga
para sa akin ang engineering.
"Okay lang yan, bebe Sol. Ugaliin mo kasi ang pagbabasa ng instruction," akbay sa
akin ni Troy nang mapansin siguro ang lungkot sa mukha ko.

Sa kabilang banda naman ay ikinapit ni Duke ang braso ko sa kanya. "Kain na lang
tayo. Hayaan mo na yon. Marami pa namang pwedeng bawian."

I shook my head. "Hindi ako makakasama. May meeting kami sa club..." malungkot na
saad ko. "Ang tanga kasi."

"Hindi ka maglulunch?" tanong sa akin ni Duke. "Kumain ka muna, Sol."

I pouted. "Hindi na. Saktong ala una kasi yung meeting. Ayoko namang ma-late," I
uttered. "Sige na, uuna na ako. Bye!"

Hindi naman na nila ako napigilan nang tumalikod ako sa kanila. Inaalala ko pa rin
yung exam ko pero tama si Duke. Marami pang pwedeng bawian.

Pagkarating ko sa room kung saan gaganapin ang meeting namin ay halos naroon na ang
lahat ng member. Nakita ko si Jelay, kaklase ko nung highschool sa bread and pastry
class namin, kaya umupo ako sa tabi nya.

"Tapos na exams mo?" tanong nya sa akin.

I shook my head. "Meron pa next week."

"Mabilis na yan," aniya habang inaayos ang buhok.

I sighed. Nakakawala ng gana talaga yung exam kanina. Sana ay sa minor na lang ako
nagkaganoon hindi sa major!

Wala naman masyadong sinabi sa meeting namin bukod sa mga kailangang dalhing
ingredients sa isang linggo dahil gagawa kami ng sarili namin pastry. Buti nga at
cookies lang iyon at hindi masyadong mahal ang ingredients kaya hindi ko masyadong
pinroblema.

Nakakatuwa nga dahil halatang mahilig din mag-bake ang mga nasa club dahil
nakakarelate kami sa isa't isa. Mabuting bagay din pala ang pagsali ko rito dahil
kahit papaano ay nalalaman ko ang pwedeng alternative ingredients.

I can't wait to bake some for Nanay and... Duke.

"Sabay ka ba sakin mamaya? Mamimili na ako para hindi ko na bitbitin sa Lunes," ani
Jelay.

"Hindi na. Ipapa-shoulder ko kay Troy ang bayarin ko dahil sponsor ko sya,"
sinabayan ko iyon ng pagtawa.

"Troy? Jefferson?"

I nodded. "Kaklase ko yon, ah? Bakit?"

Umiling ito at namula. "Wala lang, sana all."

Tinawanan ko sya at pabirong sinapak sa braso. "Crush mo yon?! Jusko, please lang."

May oras pa para mag-lunch kaya sabay na kami ni Jelay na naglakad papunta sa
canteen. Hindi kami sobrang close pero wala naman kaming past na samaan ng loob
kaya maayos ang trato namin sa isa't isa.
Hindi rin awkward ang pag-uusap namin.

Saka ko lang naramdaman ang gutom. Hindi rin kasi ako nakakain kagabi dahil sa
puspusang pag-aaral. Isa pa ay medyo marami ring nilabhan si Nanay kaya tinulungan
ko sya sandali.

Siniko ako ni Jelay kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit?" tanong ko.

Inginuso nya ang isang tumpok ng mga estudyanteng babae. Nakapalibot ang mga ito sa
kung ano at hindi naman namin iyon makita dahil marami masyadong humaharang.

Nagkibit-balikat lang ako. "Hayaan mo sila. Nagugutom na ako."

She nodded. "Sina Roswell at Bela na naman yon oh," sinabayan nya pa iyon ng
pagtawa. Nilingon ko ang dalawang babae at nakitang may inaaway nga sila. Mga war
freak talaga.

Lumampas kami sa kanila nang mapayapa at nagkukwentuhan pa kami ni Jelay. Habang


naglalakad ay nakasalubong namin ang dalawang babae na mabilis ding naglalakad
papunta sa tumpukan. Makikichismis siguro.

"Yung transferee raw..." narinig kong saad ng isa sa kanila.

Napatigil ako at bago pa tuluyang makaalis ang babae ay hinawakan ko ang braso nya.
Nakita ko agad ang takot sa ginawa kong paghawak sa kanya.

"Ate Sol..." kinakabahang saad nya.

"Sinong binubully nila?" tanong ko. Hindi ko pinansin ang takot sa mukha nya.

"Yung transferee po. Si Mitzie ata."

Tumango ako sa kanya at umalis sa harap nila. Iniwan ko si Jelay doon na nakatanga
lang sa akin at hindi alam ang gagawin. One thing about Roswell and Bela, they
can't go on a cat fight with me because they know I can defeat them.

"Tumabi kayo!" malakas kong sigaw sa mga taong nanonood at agad naman silang umalis
sa takot. Humawi sila at binigyan ako ng daan.

Halos malaglag ang puso ko sa nakita. Nakaupo si Mitzie sa semento at basang-basa.


Walang emosyon ang kanyang mukha pero basa ko sa mata nya ang takot.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ang dalawang impakta na nakangisi sa akin. Nakita
ko ang pagdaan ng takot sa mukha ni Bela dahil sa nanlilisik kong mata.

"Lumampas ka na, ah? Di mo pa tinuloy," maangas na saad ni Roswell. "Magbibida ka


na naman dito."

"What do you think are you doing?" I didn't recognize the coldness on my voice as I
utter those words.

Roswell snorted. "Bagay lang yan sa kanya. Dapat nga ay sumabwat ka sa amin dahil
inaagaw nyan si Duke!" Nakita ko ang ginawang paghawak ni Bela sa braso nito pero
naiinis na tinanggal lang ito ni Roswell.

I gulped and looked at the pitiful state of Mitzie. She's experiencing the same
thing I've experienced. Ang masama pa roon ay hindi nya kayang ipagtanggol ang
sarili nya mula sa mga ito.
"Duke is never been yours to begin with, Roswell. Bakit ka galit na galit eh hindi
ka naman nya kilala?" Nilapitan ko si Mitzie at inalalayan itong tumayo.

Walang nagawa si Roswell kung hindi ang panoorin kami. Nanginginig sa takot at
lamig si Mitzie kaya nanlilisik ang mata ko sa babaeng kaharap ko.

She crossed her arms. "Aww, magkasama ang dalawang babae ni Duke. Aantayin kong
mag-away kayo dahil sa lalaking yon."

I laughed. "Makikipag-away ka dahil sa lalaki? Bitch, yuck."

Namula sya sa inis sa sinabi ko. Tangina naman, gutom na ako! Paalisin mo na lang
kami rito kung ayaw mong masampal kita.

"Whatever, Solene..." She paused. "By the way, kunin mo pala ang marurumi kong
damit sa bahay. Ipalaba mo sa Nanay mong losyang."

Putangina. Bumigat ang paghinga ko sa sinabi nya. Alam na alam nya talaga kung
paano ako inisin at magkamatayan muna bago ko ipakita sa kanya ang kahinaan ko.

I smirked. "Pag-isipan ko, ha? Sa dumi mo kasi, parang hindi kaya ng clorox yan."
Sinabayan ko iyon ng pagtawa. "Lagi mong idinadamay yung Nanay ko, no? Eh yung
tinatawag mong Mommy, balita ko, kabit ni Gov?"

I heard gasps and whispers but I didn't glance at any of them. Nanatili ang mga
mata ko sa galit na galit na Roswell. Parang kaunting pihit na lang ay susugurin
nya ako at sasabunutan.

"I think mas maayos yung trabaho ng Nanay ko, hindi ba? Mas maayos maging labandera
kaysa naman pumatol sa may asawa para sa pera." I shook my head to add more drama.

Hindi nga ako nagkamali nang sumugod sya sa akin pero bago nya pa ako masampal ay
nakuha ko na ang kamay nya at buong pwersang itinulak sya paupo sa semento. Agad
ang pagdalo ni Bela sa kanya.

"Manahimik ka na lang, Sol!" sigaw ni Bela sa akin.

Totoo ang sinabi ko. Matagal nang pinagchichismisan sa barangay namin na ang nanay
ni Roswell ay nakitang lumabas sa condo ni Gov. Wala namang trabaho ito pero
makikita mo sa pamamalakad nila sa buhay na marangya sila.

"Wag nyo na kasi akong guluhin, okay?" I smiled sweetly. "You guys are just so
pitiful and... pathetic."

"Don't worry, hahanapin ko lahat ng baho ng Nanay mo! Ikakalat ko lahat ng nude
photos mo, Sol!" sigaw ni Roswell.

Nakaani iyon ng gulat na pahayag ng mga tao. Okay, nahalungkat na naman ang
imaginary nude photos ko.

Tumawa ako para lalo syang inisin. Effective yon lagi. Kapag hindi mo makausap nang
ayos ang kaaway mo, tawanan mo lang dahil mabubwiset sila.

"Sige, galingan mo ulit mag-edit, ha?" I paused. "And girl, I'm not worried."

Tumayo na ako nang maayos at hinawakan sa braso si Mitzie. Hinigit ko sya palayo
roon at dinala sa malapit na women's rest room. Naaawa ako sa kanya dahil masyado
syang inosente at mabait para sa ganito. She's not even flirting with Duke! Heck, I
don't even know if they're friends.

"May extra uniform ka ba?" tanong ko sa kanya nang pumasok sya sa isang cubicle.

"A-ano..." she sighed. "M-meron. Pinalabhan ko kanina para sana bukas."

Hindi na ako tumugon at hinayaan ko na lang syang makapagpatuyo at magbihis. Ten


minutes na lang at magtitime na kaya malabo nang makakain ako pero ayos lang dahil
hindi naman nakamamatay yon.

Lumabas sya. Medyo basa pa rin ang kanyang buhok at tinutuyo nya ito ngayon ng
isang baby towel. Nang humarap sya sa salamin ay pumunta ako sa likod nya para
tulungan syang patuyuin ang buhok nya sa likod.

"Don't mind them, Mitzie. Mga inggit lang yon sayo."

Tumingin ako sa repleksyon nya sa salamin at nakitang nagtutubig ang kanyang mata
habang nakatitig din sa akin.

"Sol..." mahinang tawag nya. "N-nararanasan mo ba 'to? L-lagi ka ba nilang


ginaganito?"

Ngumiti ako sa kanya. Tuluyan ko nang inagaw ang towel sa kanya at tinuyo pa ang
buhok nya. Sa pwesto namin ay para kaming mag-ate.

"Oo, dati. Pero mataray kasi ako kaya tinigilan din nila ako." Sinabayan ko iyon ng
mahinang pagtawa. "Patay na patay ang mga iyon kay Duke, eh. Akala mo naman aagawin
sa kanila."

"Ikaw din naman."

Nagulat ako sa sagot nya at napatigil sa ginagawa.

"Ha?"

She smiled genuinely. Wala na ang luha sa kanyang mata at napalitan iyon ng
mahinhin na ngiti. "Obvious naman. You like him."

I gulped and bit my lower lip. "Imbento ka. Bilisan mo na nga dyan at magtitime
na!"

Ibinigay ko sa kanya ang towel at narinig ko ang mahihinang tawa nya. Kung hindi
lang sya parang baby ay bibigwasan ko talaga sya dahil ramdam ko pa rin ang
pamumula ng pisngi ko. Ganoon ba talaga kahalata ang pagkagusto ko sa lalaki?!

"It's okay, Sol. Duke is likeable," aniya habang naglalakad na kami papunta sa
room.

I tsked. "Tigilan mo ako, Mitzie. Ibabalik kita kina Roswell, makita mo."

She giggled. I felt her touch in my left hand while we're walking and I immediately
looked at her, horrified. What happened to this girl?!

"Hindi ako lesbian, ha? Thankful lang ako sayo. I really like you." She smiled at
me with her angelic face and I just looked away. Me too, Mitzie, I like myself.

Pagpasok namin sa room ay wala pa rin naman ang professor namin kaya napahinga ako
nang malalim. Inisip ko ang nangyari sa buong lunch break ko at napagtanto kung
gaano kakalat iyon.
Naglakad ako patungo sa upuan ko nang mapansin ang isang tupperware. Lumipad ang
mata ko sa pwesto ni Duke na nakaabang lang din pala sa mga ginagawa ko.

He then mouthed, "Eat."

Chapter 5

Kinabukasan ay mabilis na kumalat ang balita. Mas big deal ngayon dahil may ibang
pangalan na napasama, si Mitzie. Lahat ay nakikisimpatya sa kanya dahil kilala
naman ng buong eskwelahan sina Roswell at Bela bilang mga bully talaga.

"Buti nga at ipinagtanggol ni ate nudes," dinig kong bulungan ng ibang estudyante
habang naglalakad ako papunta sa room. Umagang-umaga pa lang ay iyon agad ang
narinig ko.

I sighed. Hindi ko kasabay si Duke sa pagpasok dahil maaga syang umalis sa kanila.
May hihiramin daw syang libro sa library kaya hinayaan ko syang umuna.

"Eh palengkera rin naman kasi yan. Kita mo nga at laging pasagot din yan."

"Sayang, no? Ganda sana..."

I tried ignoring them because I'm used to it. Iniisip ko na lang ay masyado akong
maganda kaya sila inggit na inggit sa akin. Alangan naman kasing hindi ka sumagot
kung may nanggigipit sayo, hindi ba? You should always be your own knight.

Akala ko pa naman ay gaganda na kahit papaano ang image ko sa ginawa ko kahapon


pero ngayon ay nakita pa rin nila ang pangengealam ko? Hay, I really despise their
mindset.

Nang makarating sa room ay kinuha ko ang aking cellphone dahil naalala ko ang
ingredients na kailangan kong ipabili kay Troy. Seryoso kasi ito nang sinabi ko sa
kanya ang tungkol sa pastry. Hindi na rin naman ako sumabat dahil mayaman naman ang
pamilya nila. His mom is the campus director of our university. Kahit pa state
university lang ito, malaki pa rin ang sahod non!

Me:
wuy grocery tayo mamaya, bibili me ng ingredients para sa cookies

Wala pang ilang minuto ay nagreply ito. Marahil ay on the way na rin sya papunta sa
school.

Troy Asungot:
gege

Napairap ako sa reply nya at ibinaba na lang ang cellphone. Nakita kong pumasok si
Mitzie sa room nang nakatungo kaya napakunot ang noo ko. Sigurado akong marami
itong narinig habang papunta rito sa room.

Nag-angat sya ng tingin sa akin at sa hindi malamang dahilan ay nginitian nya ako.
I didn't know how to respond so I just smiled back. Ibinaba nya ang kanyang bag at
pumunta sa pwesto ko.

"Canteen tayo!" yaya nya sa akin. Gulat man sa pinapakita nyang pagiging friendly
ay tumango ako.
"Anong sumapi sayo?" tanong ko habang nakapila kami sa canteen. Kumuha ako ng
cheesecake para kay Duke dahil wala naman talaga akong bibilhin.

"Mahilig ka rin sa cheesecake?" nakangiting tanong nya. Hindi sinagot ang nauna
kong tanong.

Umiling ako. "Para kay panget 'to."

Nag-iwas ako ng tingin nang makita ang mapang-asar nyang mukha. Lagi ko namang
ginagawa ito noon kay Duke pero ngayong may nagbibigay ng malisya ay naiilang ako!

"Di raw gusto."

Pabiro ko syang siniko. "Manahimik ka dyan. Secret lang natin yon."

Tuluyan na syang natawa sa sinabi ko. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon dahil


mukhang mapagkakatiwalaan naman ang babae. Isa pa ay baka asarin nya ako nang
asarin kapag kaharap na si Duke. Mabuti nang malinaw kami sa parteng iyon.

"Subukan mo talaga akong asarin don, ipagkakalat kong crush mo si Troy," pananakot
ko sa kanya kahit hindi naman totoo.

Nang mabayaran namin ang binili ay dumiretso na rin kami sa room. Naroon na nakaupo
sa pwesto nya si Duke kaya sa kanya ako nagpunta.

"Oh, umagahan mo," sabay lapag ko sa cheesecake at hot choco nya. Alam ko kasing
hindi ito nag-breakfast lalo pa at ang aga nito sa school.

Nag-angat sya ng tingin sa akin at simpleng napangiti nang makita ang binili ko
para sa kanya. Napairap ako habang iniisip na sana ay kiligin naman sya.

"Sweet mo, ah? May atraso ka ba sa'ken?" aniya habang nilalantakan ang cheesecake.

Umupo sa tabi nya si Mitzie ngunit hindi nya iyon binalingan ng tingin. Para syang
pre-occupied sa kinakain nya.

"Oo, nakipag-away ako kahapon," tugon ko bago hilahin ang bakanteng upuan para
maupo sa tapat nilang dalawa.

Doon sya napatigil. "Tanga?"

I nodded. "Wow, di mo pa nababalitaan? Everyone's been talking about it..." I


paused. "Hayaan mo na yon. Kumain ka na!"

But he didn't listen. Ibinaba nya ang kinakain at ibinigay sa akin ang buong
atensyon nya. "Anong ginawa sayo? Si Roswell at Bela na naman ba yan?"

His serious expression gives me goosebumps. Nakita ko kung paanong nagsalubong ang
kanyang kilay at bahagyang nagdilim ang mata dahil sa inis. Umikot ang paningin nya
sa kabuuan ko at napahinga nang malalim nang mapansing wala naman kakaiba sa akin.

Hinampas ko ang braso nya. "Napaka-OA mo! Ano 'to?! Baguhan ba ako sa pakikipag-
away?" natatawang asar ko sa kanya pero hindi naman sya tumawa.

"Hindi porket sanay ka na ay hindi na ako mag-aalala, Solene."

I bit my lip. Sa mga simpleng salitang iyon ay kuhang-kuha nya lagi ang loob ko. Sa
totoo lang, sinabi ko rin naman kasi sa kanya iyon dahil kapag sa iba nya pa
narinig ay baka kung anong gawin nya.
Noong nakaraan nga na may nambastos sa akin sa Business Department, nalaman kong
ini-report nya iyon sa admins at napatawan ng two weeks suspension ang lalaki.

Napatingin ako sa katabi nya na malaki ang ngiti sa akin na parang nang-aasar.
Inirapan ko lang sya kaya lalong lumaki ang ngiti nya.

"Eto naman, wala yon. Nakipagsagutan lang naman. Hindi naman gyera." I reached for
his hand and gently squeezed it.

His face remained the same. Good heavens, ang aga aga, binebless mo agad ang mata
ko!

"Tell me about it."

I pouted but before I could even talk, Mitzie interfered.

"I was bullied. She came. She protected me. Kaya sya ang napaaway. The end," dire-
diretsong saad nya na parang kaya non pakalmahin ang lalaki.

Kinagat ni Duke ang pang-ibabang labi kaya muling sumilay ang dimples nya. He
didn't know how attractive he is when he made his fingers run through his hair. Sa
tulong ng araw at liwanag na tumatama sa bintana, nagmukha siyang modelo sa isang
magazine. His jaw is defined and his reddish lips are sinfully perfect. Really,
everything about this man is beautiful... and dark.

I heaved a deep sigh. "Bati na tayo, ha? Ibinili kitang cheesecake." I giggled.
"Hindi na ako makikipag-away sana ang kaso, binanggit nya na naman si Nanay. Alam
mo namang ayaw ko non, diba?"

Lumambot ang kanyang ekspresyon at pabiro na lang akong inirapan. Kinuha nya ulit
ang cheesecake at muling kinain iyon.

"Wag ko lang talagang mababalitaan na nakikipag-away ka ulit, Sol. Malilintikan ka


sa akin."

I raised my eyebrow. "Bakit anong gagawin mo?"

"Ikakadena kita."

Bet ko yon, ah? "...sa lugar kung saan maraming palaka." dagdag nya kaya malakas ko
syang hinampas sa balikat.

"Impakto ka talaga!"

He laughs at my agony. Alam nyang malaki ang takot ko sa palaka at iyon madalas ang
ipamblackmail nya sa akin. Tanda ko noong nasa elementary kami at nagkaroon kami ng
pagtatalo, nilagyan nya ng medyo maliit na palaka ang black shoes ko kaya hanggang
makarating ako sa school ay parang hindi ako komportable.

Hindi ko na maalala ang buong detalye pero grabe ang iniiyak ko nung araw na iyon
nang makitang may palaka sa sapatos ko at napatay ko sya.

Kaya hindi ko maintindihan kung bakit at paanong napamahal pa rin ako sa lalaking
ito. Ni hindi ako nagkagusto sa iba dahil lagi rin namang sya ang kasama ko. Kapag
by partner ang activity ay laging kaming dalawa. Isama pa na sya ang escort ko
noong prom at kahit nanalo sya bilang prom king ay ako lang ang isinayaw nya. Noong
magdebut ako ay sya rin ang naghanda para sa akin kasabwat si Nanay dahil alam
nyang wala akong plano sa mga 18 roses na yon.
"Hindi pala ako sasabay sayo mamaya pag-uwi."

"Bakit?" takang tanong nya. "Saan ka pupunta at sinong kasama mo?"

I rolled my eyes. "Si Troy. Punta kami sa South, mamimili ng ingredients."

Kumunot ang noo nya sa akin at sa tingin nya ay para syang nang-aakusa. "Bakit ayaw
mo akong isama?"

"Bakit ka naman sasama?"

He stopped eating. "Gusto mo bang si Troy lang ang kasama mo?"

I gave him a confused look but I answered, "Aba, sagot non ang gastos ko, no!"

Medyo dumami na ang mga kaklase namin sa room kaya tumayo na ako at ibinalik ang
upuan sa dati nitong pwesto. Nakatingin pa rin sa akin si Duke na parang nag-aantay
ng idadagdag ko pa.

"Sasama ako." Parang batang saad nya.

I glared at him. "Wag na! Baka kung ano pang bilhin mong hindi naman kailangan."

Pag namimili kasi kami, kalimitan ay kung ano anong pinaglalalagay nya sa cart.
Hindi ko alam kung nang-aasar lang ba ito pero tumatawa kasi sya kapag
pinagagalitan ko.

He shook his head. "Sasama ako, Sol."

Inirapan ko na lang sya at bumalik sa pwesto ko. Sakto rin naman ang dating ni Troy
kaya pinag-usapan namin ang pago-grocery mamaya. Wala namang kaso sa kanya kung
kasama namin si Duke. Ika nya nga ay pabor pa iyon sa kanya dahil baka ang lalaki
na lang ang pagbayarin nya.

Napangiti ako dahil kahit lagi kaming nag-aasaran, alam nila kapag kailangan ko ng
tulong. Hindi kami mayaman at laging sakto lang ang baon ko. Nakakaipon lang ako sa
bigay minsan ni Nanay at sa scholarship ko kaya etong pagba-bake ay isang malaking
gastos talaga para sa akin.

Kahit pa hilig ko ito, hindi ito ang kinuha kong kurso ngayong college. Dahil
practically, ang mga ganitong programa ay pwedeng side course na lang. Ang hirap
din kasing maging mahirap. Walang sasalo sa iyo kapag hindi ka nagtagumpay sa
napili mong field. Kaya kahit hindi ko gusto ang engineering, dahil alam kong
narito naman si Duke para gabayan ako, pinili ko pa rin ito.

Mabilis na natapos ang klase kaya magkasama kami ni Troy paglabas ng room. Nakita
ko pa itong nakipagbatian kina Calvin at Calix na mga basketball players ng school.

"Akala ko ba sasama si Duke? Nasaan na yon?"

Iginala ko ang paningin ko. Nasa tapat lang kami ng room pero wala ang lalaki sa
loob at wala rin dito sa hallway. Saan naman kaya nagpunta yon?

"Owa!" tawag ko sa isang kaklase. Tumigil naman ito sa paglalakad at bumaling sa


akin.

"Bakit?"
"Nasaan si Duke?" tanong ko dahil katabi nya lang din ang upuan nina Mitzie.

"Pinatawag sila ni Mitzie sa dean's office."

Tinanguan ko sya at pinasalamatan. Bumaling ako kay Troy na ngayon ay nakatingin na


rin pala sa akin. Naglakad kami patungo sa office. Sinilip ko ang loob dahil glass
naman ang pinto. Agad kong natanaw si Duke na nakikipagtawanan kay Mitzie sa loob
habang kausap si Dean na malaki rin ang ngiti.

"Ano kayang pinag-uusapan nila, no? Hindi ngumiti nang ganyan sa akin si Dean,
aba."

Nag-antay lang kami sa labas pero mukhang matatagalan ang dalawa dahil lumipas ang
kinse minutos ay hindi pa rin sila tapos. Hindi ko alam kung nalimutan ni Duke ang
usapan dahil alam nyang uwian na pero wala pa rin syang text na hindi sya sasama.

I sighed. "Tara na, Troy. Itetext ko na lang si Duke. Baka magsarado ang South."

He nodded. "Tayo muna ang mag-date, bebe Sol. Mukhang busy makipaglandian 'yung isa
nating bebe."

Gusto kong matawa sa sinabi nya pero ayokong isipin na naglalandian si Mitzie at
Duke. Kahit gaano pa sila ka-compatible sa isa't isa, hindi ko matatanggap ang
relasyon nila kapag nagkataon. I know Mitzie doesn't like him in that manner but
I'm not sure if Duke doesn't feel anything for her.

Nang makapamili ay diretso uwi lang din naman kami ni Troy. Hindi ko alam pero
parehas kaming bagsak ang balikat.

Sya dahil siguro sa gastos, ako dahil panigurado sa selos.

Chapter 6

"Looking in your eyes I see a paradise. This world that I found is too good to be
true. Standing here beside you. Want so much to give you this love in my heart that
I'm feeling for you..." kanta ni Mitzie habang naggigitara.

Kinuha ko ang bote ng tubig sa mesa at ginawa iyong mic.

"Let them say we're crazy! Don't care about that! Baby, we can make it if we're
heart to heart!" maingay kong kanta. Naramdaman ko ang pagbato sa akin ni Troy ng
stick kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Basher mo, Troy."

"Hindi ako basher. Ampanget lang talaga ng boses mo," matapos sabihin iyon ay
tinabihan nya si Duke at tinulungan mag-ihaw.

Dahil tapos na ang midterms at nailabas na ang resulta, napagdesisyonan naming


magbarbecue party na sagot ng tuwang-tuwang si Troy dahil hindi kami magre-
remedial.

Nasa rooftop kami ngayon ng bahay nina Duke dahil apparently, sa aming apat ay
bahay lang naman nila ang may ganitong lugar. Dito rin matutulog si Troy habang si
Mitzie naman ay pinayagan ng Daddy nya na sa bahay namin matulog.

Matapos ang nangyaring pambubully kay Mitzie, naging magka-close kami. Araw araw na
namin syang kasama kapag lunch. Kapag uwian naman ay sabay sila ni Troy dahil
magkaiba ang daan namin ni Duke kumpara sa kanila.

May kaya rin ang pamilya nila kaya lang ay nalugi ang business nila sa Japan kaya
napilitan silang umuwi sa Pilipinas para magsimula ulit. Purong Hapon ang Daddy nya
habang Pilipino naman ang kanyang Mommy kaya sa aming apat ay si Troy lang talaga
ang pure-blooded Pinoy. Half American ako habang si Duke naman ay half Australian.

"Nasaan si Kuya Sean, Duke?" tanong ko sa lalaki. Nakaupo lang kami ni Mitzie sa
lapag dahil japanese table style ang inihanda nila para mas feel daw.

"Baka nasa school pa 'yon, busy sa thesis." Malamig na tugon sa akin ng lalaki.

Tumango ako. Sayang naman at masaya pa naman iyong kasama. Hindi ako maaaway ng mga
lalaking nandito sya.

"Si Sean yung kapatid nya, diba?" bulong sa akin ni Mitzie.

"Oo, bakit?" bulong ko rin sa kanya. Mukha kaming ogag na may sikreto sa dalawa
dahil sa ginagawa naming pagbubulungan.

"Crush ko yon."

Hindi ko napigilan ang singhap sa sinabi nya. I mean, yes, Kuya Sean is every
girl's ideal man but I didn't expect Mitzie to like him!

Lumapit ako sa tenga nya at bahagya syang nakiliti. "Isang beses mo pa lang nakita
yon ah?"

She shook her head. "Nakikita ko yon sa campus. Nung nagtext sya sa akin nung nag-
perform ako rito, medyo humaba ang usapan namin."

I squealed because of excitement. I can't imagine Kuya Sean texting a girl! Mukha
itong laging focus lang sa pag-aaral at walang panahon para sa mga babae.

"Ano namang pinag-uusapan nyo dyan?" tanong ni Troy bago ilapag ang niluto sa mesa.

Sabay kaming umiling ni Mitzie. Girls' talk 'to, Troy. Hindi ka makakarelate!

"Kunin mo 'yung cookies ko sa ref nila sa baba, Troy," utos ko sa nakasimangot na


lalaki.

Umiling sya. "Masyado ka nang abusado. Si Mitzie naman ang pababain mo at baldado
na ata yan. Hindi manlang kayo kumilos."

Binato sya ni Mitzie ng tissue bago tumayo. Natatawa akong napatingin sa kanya
dahil walang imik syang bumaba para kuhanin nga ang iniuutos ko. Pwede namang ako
ang kumuha non pero talagang sumunod sya, ha?

"Cute cute ni Mitzie..." bulong ko.

"Oo nga eh, sana ikaw din."

Dahil malapit lang sa akin si Troy, nagawa ko syang hampasin sa balikat. Nakasando
lang ito gaya ni Duke kaya sigurado akong lumatay ang kamay ko sa balat nya.

Imbes na umaray ay tumawa lang ito sa akin. Tumingin ako kay Duke na inaayos ang
mga pinag-ihawan at iniwan doon ang natatangang si Troy.
Likod pa lang ni Duke, alam mo nang napakagwapo nya. Nakatali ang makapal at may
kahabaan nyang buhok kaya sigurado akong maaliwalas ang mukha nya ngayon.
Nakaputing muscle tee lang sya at shorts pero pwede na syang picturan at i-display
iyon sa mga billboards sa Edsa. Hindi ko alam kung bias lang ako dahil sa
nararamdaman ko pero kung lalaki ang mundo ni Duke, alam kong maraming mahuhumaling
sa kanya.

Paglabas nya ng Isabela, paniguradong pagkakaguluhan sya ng mga agency sa


malalaking syudad. He's that handsome. He can use his face as a ladder to success.

"Tampo ka pa rin?" tanong ko agad sa kanya paglapit.

Isang linggo nya akong hindi inaasar dahil sa ginawa naming pag-iwan sa kanya ni
Troy. Sabi nya ay hindi naman iyon inabot ng tatlumpung minuto kaya sana ay inantay
ko na lang sya.

"Dun ka nga," he said in a dismissive voice.

Napangiti ako at kumapit sa braso nya. Ganoon pa rin ang reaksyon ng katawan ko sa
pagtatama ng balat namin, nakakakuryente pa rin.

"Dinalhan ko naman kayo ng cookies. Sorry na, hindi na mauulit," pangungulit ko pa


sa kanya.

Earlier today, nagbake kami ng mga kasama ko sa club. We all had fun as we share
the same passion and interest. Ang ending, naging masarap ang gawa ko at lahat sila
ay pinuri iyon. Napangiti lang ako dahil at least, may kaya akong gawin.

Nakita ko ang pagnguso nya. "Para naman sa lahat yon..." bulong nya kaya napatawa
ako. Para syang bata kung magtampo! Mas gusto ang ganitong Duke pag nagkataon dahil
para syang nagpapalambing.

"Pagkakuha ko ng scholarship grant ko bukas, igagawa kita, okay na?"

He glared at me. "Wag mong ginagastos sa ganoong bagay ang pera mo, Solene. Nakita
ko ang sapatos mo at kaunting lakad na lang ay masisira na. Ayun ang bilhin mo."

"Grabe, si Nanay ka ba?" I asked while chuckling. "Pwede pa yon. Hindi naman ako
gaslaw. Ang mamahal ng sapatos sa bayan e. Sa susunod na pasukan pa magmumura kaya
tiis tiis muna."

Hindi nya ako pinansin pero hinayaan nya akong maglambitin sa braso nya habang
naglilinis sya ng utensils. Kanina nya pa pabalik-balik na nililinis ang mga iyon
pero wala akong pakealam dahil nakakapit naman ako sa braso nya.

"Sana naman ay matapos na ang mag-asawa, ano? Gusto ko nang kumain!" narinig kong
sigaw ni Troy mula sa mesa.

Wala akong nagawa nang binitawan ni Duke ang panlinis at naglakad patungo sa pwesto
nila. Napanguso tuloy ako dahil nabitawan ko sya.

Umupo rin ako doon sa tabi ni Duke at saka ko napagtanto kung gaano kapayapa ng
araw na ito. Papalubog na ang araw kaya iba't iba na naman ang kulay ng langit.

I sighed as I embraced the tranquility of the setting sun. Tomorrow is another day.

May plato na sa harap ko at habang nakatingin pala ako sa langit ay inaalis na ni


Duke ang stick ng barbecue at inilalagay ang karne sa pinggan ko. Dumating si
Mitzie na namumula kaya nawala ang atensyon ko kay Duke.
Umupo sya sa tabi ni Troy at huminga nang malalim. Inilagay nya ang dalawang
tupperware ng cookies sa mesa.

"Anong nangyari sa mukha mo?" tanong ko.

Tumingin sya sa dalawang lalaki kaya napatingin din ako sa dalawa. Nagce-cellphone
si Troy habang si Duke naman ay hawak na ang isang tupperware ng cookies.

Nang masiguradong wala sa amin ang atensyon ng dalawang lalaki, humarap sa akin si
Mitzie at bahagyang pinaypayan ang sarili.

"Nasa baba si Sean. We talked," she mouthed.

Naglagay iyon ng malaking ngiti sa labi ko dahil nakita ko kung paano sya kiligin.
Mitzie is probably one of the purest souls this world has.

"Hoy! Bat ka naunang tumikim, Duke?! Sabi ko ako e!" si Troy na nagtatantrums.

Napatingin ako sa katabi ko na walang pakealam sa sinasabi ng lalaki. Imbes na


kainin ang barbecue, cookies na gawa ko ang nilalantakan nya.

Napangiti ako nang makitang dire-diretso ang subo nya.

"Chocolate chip cookie lang yan pero sarap na sarap ka na," natatawang saad ko sa
kanya. Kumuha ako ng tubig at inilagay iyon sa tabi nya. "Kumalma ka, wala namang
aagaw sayo."

"Akin na itong isang tupperware, Sol."

Nag-alburoto naman si Troy. "Ako ang nagbayad nan, Duke!"

Sinamaan nya ng tingin ang katapat na lalaki dahil hindi pa rin ito tumitigil sa
pakikipagtalo.

"Babayaran ko sayo. Kung inantay nyo sana ako, ako ang bibili ng ingredients nito."
Umiling sya bago tumingin sa akin. "Kaya ko namang ibigay ang kailangan mo, Solene.
Wag ka nang magpasama sa lalaking yan."

Para syang tunog nagseselos kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko rin ay
nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi nya. Kumuha na lang ako ng karne na
nakalagay sa plato ko at iniiwas ang mata palayo kay Duke. He shouldn't notice my
crimson red face! Baka kung ano ang isipin nya.

"Bakit pala kayo ipinatawag ni Dean?" tanong ni Troy habang kumakain kami.

Gabi at madilim na pero dahil nag-set up ng fairy lights kanina si Duke sa buong
rooftop ay nagmistula itong romantic spot. Nakapalibot sa lugar ang maliliit na
ilaw na animo'y mga alitaptap.

Sumubo muna si Duke ng karne bago nagsalita. "Ilalaban kami ni Mitzie sa structural
analysis at fluid mechanics."

"Wow, bigatin!" natatawang saad ko. Tiningnan ko si Mitzie at kinindatan nya lang
ako nang pabiro.

"Papaalam pa nga ako, e. Ang layo kasi," aniya habang inaalis ang stick sa
barbecue.
"Ha? Saan kayo?"

"La Union daw."

Nagulat ako sa sagot ni Duke kaya napalingon ako sa kanya. "Aalis ka? Ilang araw?!"

"Galit na galit, Sol? Jowa ka?" nang-aasar na pahayag ni Troy pero hindi ko sya
pinansin.

Nagtama ang mata namin ni Duke nang tumingin din sya sa akin. "Isang linggo lang.
Para naman sa school yon, Solene."

"Ang layo ng La Union..." bulong ko. "At saka ang tagal."

Kung kanina ay nakabaling lang sya sa akin, umayos sya ng upo at tuluyang iniharap
ang katawan sa akin. Inabot nya ang kamay ko at marahang hinawakan iyon.

"Sasabihin ko ba kay Dean na hindi ako sasama?" malambing na tanong nya.

I pouted and shook my head. As much as I wanted to keep him to myself, alam kong
hindi pwede dahil para ito sa kanya. The national convention might help him get a
job in the future.

"Parang magjowa amputa," pang-aasar ni Troy.

Binitawan ni Duke ang kamay ko at nagsimula na ulit kumain. Tatlong linggo mula
ngayon ang alis nila kaya kailangan nilang mag-review nang masinsinan. Hindi naman
ito ang unang beses na ilalaban sya dahil sa totoo lang, matalino talaga ang
lalaki. Bonus pa ang itsura nito kaya minsan ay hindi malaman kung sa quiz bees o
pageants ba sya isasali. Kaya lang, tuwing ilalaban sya, kadalasan ay bumibisita
ako dahil malapit lang naman ang pinupuntahan nya. Sa Sta. Clara, Lantawan at
Recodo lang naman kasi sya madalas ilaban.

But this... it's a national competition. Sigurado akong kapag nanalo o nakilala
sila ay magbubukas ito ng maraming oportunidad para sa kanilang dalawa.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal nagkwentuhan lang doon. Bumili rin kami ng
canned beers at gin. Dahil mababa pala ang alcohol tolerance ni Mitzie, nakatulog
agad ito sa mesa. Lumalim na rin ang gabi pero hindi pa rin kami tumitigil sa pag-
inom. Marami na rin kaming nainom kaya hindi ako nagtaka na medyo nahihilo na ako.
Pula na ang mukha ni Troy at si Duke naman ay kanina pa inaantok.

"Ipagbake mo ako bago ako umalis, ha?" narinig kong saad ni Duke. Mahina lang iyon
kaya ako lang ang nakarinig.

"Anong gusto mo?"

Bumagsak ang ulo nya sa balikat ko.

"Anything..." he whispered. "Basta gawa mo."

He continued mumbling things while I probably look like a frozen statue. Ramdam na
ramdam ko ang pagrigudon ng puso ko habang nakapaton ang ulo nya sa balikat ko.
Hindi pa sya nakuntento at kinuha nya ang kamay ko para paglaruan. Napatingin ako
kay Troy na pinapanood lang kami gamit ang seryoso nyang mata. I know Troy as a
bubbly person so seeing him like this sends me. Parang binabasa nya kami.

"Solene..." mahinang tawag ni Duke sa akin.


I gulped. "O-oh?" I bit my lip when I stuttered. Halatang halata panigurado ang
kaba sa mukha ko.

"Ano raw dapat ang binibitbit ng kamay mo?" mahinang tanong nya ulit. Buti nga at
naririnig ko sya kahit na mahina lang ang boses nya.

"Ha?"

He sighed. "Yung sabi nung kabanda ni Mitzie," naiinis na bulong nya. "Ano raw
dapat ang hawakan mo?" ulit nya sa tanong nya. He sounded so impatient.

Sasagot na sana ako nang malaglag ang ulo ni Troy sa mesa. Napasubsob sya at medyo
napangiwi ako sa impact noon. That must hurt...

"Solene!" sigaw ni Duke nang hindi ko sya sagutin. Inalis nya ang ulo nya sa
balikat ko at pupungay-pungay ang matang tumitig sa akin.

I shook my head, medyo nahihilo na rin. "W-wala yon. Wag mo nang pansinin."

Ngumuso sya na parang bata at muling ibinalik ang ulo sa balikat ko. Sumiksik sya
roon na akala mo ay may sisiksikan pa sya. To my shock, he raised my hand and bring
it to his lips.

Ganoon na lang ang lakas ng tibok ng puso ko nang marahan nyang halikan iyon. His
lips felt soft and tender. Bumilis ang paghinga ko dahil sa ginagawa nya at wala
syang ideya kung paano nya tinaranta ang buong sistema ko.

Chapter 7

"Hulog na hulog ka, no?" si Mitzie habang nagbabasa ng kung ano sa notebook nya.

Nasa malawak na garden kami sa school at dahil class hours, kakaunti lang ang mga
estudyante. We're sitting on a bench under the narra tree kaya ang sinag ng araw ay
hindi tumatama sa aming balat. Wala sina Duke at Troy dahil may meeting ang
officers ng Engineering Society. Malapit na kasi ang week ng college namin kaya
busy silang lahat sa pag-aasikaso.

"Nakita ko kayo sa rooftop. May pahalik ka pa sa noo, talandi ka."

Mabilis ang ginawa kong paghampas sa balikat nya. Napaaray sya dahil sa lakas ng
palo ko. Serves you right, Mitz.

"Ingay mo, gago."

Noong isang gabi ay matagal pa akong natulala dahil sa ulo ni Duke sa balikat ko.
It was one of the most serene nights I have ever experienced but it isn't enough to
outdo my love for mornings. I didn't move for minutes. Ayokong maabala sya sa
pagtulog lalo pa at ramdam ko ang panatag nyang paghinga. I had the chance to stare
at him with love and adoration in my eyes. And yes, Mitzie is right. I kissed his
forehead while he's fast asleep.

"Naalimpungatan lang ako tapos pagmulat ko, may pahalik?" natatawang asar ulit nya.

Inirapan ko sya. "Miss ko na yung tahimik na ikaw. Nahahawa ka na kay Troy."

"Feeling ko kasi gusto ka rin ni Duke."


"Paasa ampota."

She laughed. "No, seriously! Nung unang pasukan, imbes na ipakilala nya ang sarili
nya sa akin, ikinuwento ka nya. He's smitten."

"Nang-aasar lang yon!" namumulang tugon ko sa babae. Nakangiti sya nang nang-aasar
sa akin dahil sa pamumula ng pisngi ko.

"Kita mo yung babae sa likod? Yung maputing brown ang buhok? Bobo sa math at
science yon pero magaling mag-bake," ginaya pa nya ang boses ni Duke.

"Shut up, Mitz!" saway ko. "Nanglait pa rin sya kaya wag mo akong paasahin!"

"Sol ang pangalan non, ibig sabihin "sun" kasi nung bata kami, laging amoy araw
yan," patuloy nya.

Malakas kong pinalo ang balikat nya kaya itinaas nya ang dalawang kamay para
sumuko. She's laughing at my misery and I have nothing to do but to glare at her.
Ilang beses nya nang ikinuwento sa akin iyon pero hanggang ngayon ay nahihiya pa
rin ako. Lahat naman tayo amoy araw nung bata! Si Duke lang yata ang biniyayaan ng
natural na bango ni Lord.

Matapos ang pang-aalaska sa akin, muli syang nag-aral na parang walang nangyari.
Kahit hindi sya nakatingin ay inirapan ko sya dahil hindi ako nakaganti sa pang-
aasar. Wala naman kasi syang ichinichika tungkol kay Kuya Sean.

Umilaw ang cellphone ko kaya napatingin ako roon. Nakita kong tumatawag si Duke
kaya hindi ako nag-atubiling sagutin iyon.

"Oh, bakit, panget? Miss mo agad ako?" bungad ko sa kanya.

He tsked. "Kasama mo ba si Mitzie?"

"Yup." Tumango pa ako na akala mo'y kita nya ako. "Bakit?"

"Papuntahin mo sa library. Mag-aaral kami."

Kinulbit ko si Mitzie at napaangat naman ng tingin sa akin ang babae. "Aral daw
kayo sa lib," aniko sa kanya. Tumango sya at inayos ang gamit. Inalagay nya ang
notebook nya sa bag at mabilis na tumayo.

"Papunta na sya sa lib."

"Ge, baho."

Kumunot ang noo ko. "Aba, Duke. Hindi kita pinalaking ganyan."

Narinig ko ang mahinang pagtawa nya.

"Anyway, nasaan si Troy?" tanong ko.

"Bakit mo tinatanong?"

I tsked. "Magpapasama akong bumili sa South."

"Ano na naman yan?" narinig ko ang irita sa boses nya. "Hindi na naman ako kasama?"

"He! Mag-aral muna kayo ni Mitzie! Igagawa ko kayo ng brownies."


"Cheesecake na lang."

I pouted. "Mahal ang ingredients non at hindi pa ako magaling!"

"Basta antayin mo na lang ako. Ako na ang sasama sayo sa South."

"Bahala ka sa buhay mo, Duke. Bye."

Ibinaba ko ang tawag at napahinga na lang nang malalim. Sa totoo lang ay kanina pa
ako pwedeng umuwi dahil wala naman ang mga prof namin ngayong hapon. Ang kaso ay
wala naman akong gagawin sa bahay. Isa pa, walang nagpalaba kay Nanay ngayon kaya
paniguradong nasa simbahan yon. Wala akong kasama sa bahay kapag umuwi ako.

Ang ending, nakita ko ang sarili ko na naglalakad patungo sa library. Sigurado


akong pagagalitan lang ako ni Duke dahil magiging peste ako sa pag-aaral nila ni
Mitzie.

Malaki ang campus namin. Ito ang pinakamalaking university sa buong Isabela. Sa
sobrang lawak ng lupain na iyon, may mga bumabyaheng jeep pa-ikot sa campus dahil
magkakalayo ang building. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit sa lawak ng campus,
kumalat pa rin ang pangalan ko bilang "ate nudes".

Mahirap din makapasok dito dahil bukod sa dami ng requirements, dalawa rin ang
entrance exam. Hindi ko nga alam kung paanong nakapasa ako sa qualifying exam
gayong alam ko sa sarili kong hindi ako nag-aral.

The pride of our school is our gigantic library. Maraming scholar at researchers
ang dumadalaw mismo sa school namin dahil maraming sources dito na hindi mabilisang
mahahanap sa internet.

Pumasok ako sa loob noon at inilibot ang paningin. Sumilip ako sa mga aisle pero
wala sina Duke at Mitzie. Wala sa buong first floor ang dalawa kaya umakyat ako sa
second floor.

Pag-akyat ko pa lang, nakita ko agad si Duke na nakatitig kay Mitzie habang


nagbabasa ang huli. Titig na titig sya na animo'y mawawala ang babae anumang oras.
Muli kong nabasa ang interes sa mukha ni Duke.

Akala ko ba mag-aaral? Bakit parang si Mitzie naman ang inaaral nya?

Nag-angat ng tingin si Mitzie at awtomatikong sumilay ang ngiti sa labi ng lalaki.


It's like a conditioned response, a reflex.

Hindi ko alam kung ilang minuto lang akong nakatitig sa kanilang dalawa at hindi
naman nila ako napapansin dahil malayo ang pwesto ko. They were sitting lovingly in
a four-chair table near the big window. Kung hindi bias ang titingin, you can say
that they look good together. Pero, wala, bias ako at hindi sila bagay.

Naramdaman ko ang mapinong kurot sa puso ko nang makitang nagtama ang kamay nila
dahil sa binabasang libro. I know Mitzie won't betray me but Duke can like her
without even thinking of me.

"Nililigawan ba ni Duke 'yung transferee?" narinig kong bulong ng isang babae sa


harap ko sa kasama nya.

"Hindi ko lang alam. Lagi kasing kasama ni Duke si ate nudes." Hindi ata nila alam
na nandito lang ako sa likod nila.

Hello? Library 'to? Doon kayo magtsismisan sa garden!


"Legit bang si Solene ang nasa nude photos na yon? Parang hindi, e..." umiling ito.
"Parang ang laki masyado ng dede noong nasa picture."

"Ewan, wala naman akong pake sa kanya." Natatawang sagot ng kasama nya. "Naaawa
lang ako kay Duke. Hindi makapanligaw at laging buntot iyon."

Napairap ako sa narinig. Hindi ko pinipigilan si Duke manligaw! Talagang wala lang
syang magustuhan sa campus na ito!

"Ako rin. Maganda naman si Solene pero mukha syang mataray. Mas gusto ko ang ganda
ni Mitzie."

Muli akong napairap. I know I'm quite popular in this school but really?! Ginagawa
ba nilang pagchismisan ang buhay namin on a daily basis?

I cleared my throat.

Sabay na napalingon sa akin ang magkaibigan. Para silang nabuhusan ng tubig nang
makitang naroon ako. Ang kulot na babaeng nagsabing "bumubuntot" ako kay Duke ay
namutla.

"Ang dami nyong time, no?" I asked sarcastically.

I saw how the curly girl's lips quiver. "A-ate Solene..."

I snorted. "Oh? Nagka-ate bigla? Hindi ate nudes?" Umiling ako. "If you have the
time to gossip around, I'm sure you also have time to visit a hospital."

"Ate..." sabi ng isa. Basang-basa ko ang takot sa mukha nya ngunit masyado akong
naiinis. Naiinis na nga ako sa nakitang lambing sa mukha ni Duke kay Mitzie,
dadagdagan nyo pa!

"Do you want me to beat you both to death?"

Umiling ang dalawa at naiiyak na nag-sorry sa akin. Sa takot nila ay parang gusto
nilang hawakan ang kamay ko pero inirapan ko lang sila. They know my reputation.
Hindi ako natatalo ng bullies dahil sanay talaga akong makipag-away.

Nilampasan ko silang dalawa at naglakad patungo sa direksyon nina Mitzie at Duke.


Paninindigan ko ang pagiging buntot sa lalaki dahil iyon naman ang pagkakakilanlan
sa akin ng mga tao.

"Oh, bakit ka nandito?" tanong sa akin ni Duke nang maupo ako sa tabi ni Mitzie.
"Manggugulo ka lang, e."

Inirapan ko sya. "Nandito ako para kay Mitzie, hindi para sayo."

Tumawa ang katabi ko. "Hindi ako naniniwala."

Hindi ko pinansin ang sinabi nya. Tumingin ako kay Duke na nakatingin din sa akin.

"Kung sinabi mo sana kung nasaan si Troy, edi sana, wala ako rito sa harap nyo."

Ibinaba nya ang tingin sa librong binabasa. Ano yon? Bakit hindi nya magawang
tumitig ngayon kay Mitzie? Biglang libro ngayong nandito ako? Okay lang, Duke!
Titigan mo lang sya para mapatunayang hindi kita itinatali sa akin!

"Dyan ka na lang. Antayin mo kaming matapos," he said plainly.


Ganoon ang ginawa ko. Naglabas lang ako ng notebook at nag-practice ng pirma.
Minsan ay nagdo-drawing din ako ng kung ano ano kahit hindi naman talaga ako
marunong. Tuwing nagtatanungan ang dalawa tungkol sa nirereview nila ay
napapatingin ako pero dahil hindi naman ako interesado sa sinasabi nila, bumababa
rin agad ang tingin ko sa notebook.

Some thoughts were bothering me but I'm trying my best not to think about it.
Pakiramdam ko ay hinahangaan ni Duke si Mitzie dahil kahit ako naman ay bilib din
sa babae. Even Troy.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit iba ang paraan ng pagtingin nya kay Mitzie.
It's something pure... and... deeper. Something even I can't fathom.

"Gusto ko nang umuwi," inat ni Duke. Halos tatlong oras din kaming nasa library
ngunit sila lang ni Mitzie ang productive. Pero okay lang, perfect ko naman na ang
pirma ko.

"Wala ba kayong pupuntahan?" tanong ni Mitzie kay Duke. Nag-aayos na sila ng gamit
at pinagpatong-patong na ang isasauling libro.

"Sa South pa raw. Ewan ko ba dyan." He sighed. "Hindi ba pwedeng sa ibang araw na
lang, Sol?"

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero nahimigan ko ng inis ang tinig nya.
Napalingon ako sa kanya na nakakunot ang noo. Hindi ko nagustuhan ang timbre ng
boses nya. Bigla kong naalala ang bulungan ng dalawang estudyante kanina na lagi
akong buntot ng lalaki kaya hindi niya magawa ang dapat gawin.

Am I really a bothersome, Duke?

Sa nangyaring iyon ay nag-init ang ulo ko. I felt like I'm being a baggage he has
to carry. Ang tagal kong nag-antay sa inyo dahil sabi mong sasama ka pero ngayong
tapos ka na ay parang inis na inis ka sa akin?

Sandaling umalis si Mitzie para ilagay ang ilang libro sa book shelves.

"Kung ayaw mong sumama ay huwag na, Duke," naiinis na saad ko sa lalaki.

Inirapan nya ako. "Sasama nga ako. Wala naman akong sinasabi, Sol."

"You sounded so bored and irritated! Hindi kita pipilitin!" medyo mataas na ang
boses na sigaw ko. Marami pang tao sa library kaya ang iba ay napatingin sa gawi
namin.

Nanlaki ang mata ni Duke habang nakatingin sa akin. He breathe deeply before
shaking his head. "No, sorry, hindi ko sinasadya..." mahinang saad nya. "Halika na,
magso-South tayo."

"Mabuti pang si Troy na lang ang isinama ko. Ang hirap mong kausap."

Dumaan ang inis sa mata nya. "Don't test my patience, Solene. Masakit ang ulo ko sa
pagbabasa," his voice is warning me.

"Kaya nga sinabi ko sayong huwag ka nang sumama, diba?! Tapos ngayon ay parang
naiinis ka dahil nandito pa ako?" naiinis na pasaring ko sa kanya. Mabilis ang
paghinga ko dahil sa pagtatalo namin. "Sana ay pinaalis mo na lang ako at hindi
pinag-antay nang tatlong oras mahigit kung pagkatapos mo naman ay ganyan ang ugali
mo!"
Malakas ang pagkakasabi ko noon. Kinuha nya ang bag nya at walang pasubaling
hinigit ang braso ko palabas ng library. Marami kaming nadaanan na mga estudyanteng
napapatingin din sa amin. But that isn't my concern right now. Naiinis ako sa
kanya!

Dinala nya ako sa likod ng library kung saan wala masyadong dumadaan na estudyante.

Galit ang mga matang ipinupukol nya sa akin habang mabilis ang paghinga. Sigurado
akong ganoon din ang itsura ko sa paningin nya.

"You're being sensitive, Solene." Mahinang anas nya.

"Hindi, masyado ka lang insensitive." I laughed sarcastically. "Wag na wag mong


ipaparinig sa akin ang boses mo na parang abala ako sa iyo, Duke."

Tinatagan ko ang aking boses habang nakatingin sa kanya. Masyadong mababaw ang
pinagtatalunan namin para maiyak ako. Hindi ko alam kung mali ba ako pero...
nasaktan ako sa tono ng boses nya.

"That isn't the case, Sol!" nagtitimping aniya. "Alam mo, let's talk some other
time. Ayokong ganito na parehas tayong naiinis."

I shook my head in disbelief. "Sana hindi mo na lang ako pinag-antay. Wag kang mag-
alala, kaya ko namang mamili mag-isa. Nasayangan lang ako sa oras ko!" Dahil wala
naman akong ginawa kung hindi pigilan ang sarili ko na magselos.

He snapped. "Tinanong ko lang naman kung pwedeng sa ibang araw na lang ang pamimili
at pagbabake mo dahil sigurado naman akong hindi iyan importante!"

Para akong sinuntok sa sinabi nya. Literal na napatigil ako at napatulala dahil
doon. Did he just say my passion isn't... important? Matapos nya akong pag-antayin
ng tatlong oras habang pinapanood ang paglalandi nya kay Mitzie, eto ang sasabihin
nya sa akin? Sya ang nagpumilit na sumama sa akin pero parang sa dulo ay nakaabala
pa ako?

I'm sure he noticed my reaction. I'm very sure he saw how disappointment passed
through my eyes. Call me sensitive but I'm really in pain right now. I feel bad
because this is just so small yet I'm taking it as a big deal. Pero anong magagawa
ko? I am jealous and hurt by his tone... his words.

I waited for three hours... for this?

"S-sol..." mahinang tawag nya. He tried reaching my hands but I brushed his hand
away.

"Solene..." muling tawag nya. He looks nervous and terrified. "I didn't mean it
that way..."

"You do." I laughed with so much sarcasm and a little bit of pain. "N-nice choice
of words, Duke."

Tumalikod ako sa kanya at iniwan sya roon na mahinang tinatawag ang pangalan ko. I
can't believe I started this day feeling so in love with him only to end it with
feelings of disappointment. The sky is now getting a bit darker and it added
negativity in me.

I sighed. I really like mornings better.


-

Chapter 8

For some unknown reasons, two weeks had passed and we didn't have the chance to
talk. Mas naging madalas ang pagsasama nila ni Mitzie dahil sa papalapit na laban.
He never texted me just like the old days. Miski sa messenger ay wala syang chat.

Napakababaw ng pinag-awayan namin pero sa tagal ng hindi namin pag-uusap ay parang


malaki ang problema. Hindi kami nagpapansinan sa school. I tried talking to him
after two days of ignoring each other but his voice is so dismissive and cold.

I don't want this to continue so here I am in the South Supermarket with Nanay to
buy ingredients. Igagawa ko si Duke ng cheesecake na matagal nya nang nire-request.
Sigurado naman akong kapag dinala ko ito sa kanya mamaya sa bahay nila ay magbabati
rin kami.

His words linger but I guess, he's just tired. Maybe he didn't really mean it.

Kahapon ay buong araw kong pinag-aralan kung paano gumawa ng cheesecake. Dahil
kakukuha ko lang din naman ng stipend ko, medyo may pera pa ako para rito.

At syempre, birthday ni Nanay ngayon kaya kasama ko sya. We'll have the whole day
together. Uunahin lang namin ang groceries tapos ibababa namin sa bahay para
makagora na. Alas otso pa lang ay nasa supermarket na kami at namimili.

"Mas mabango ang surf na yellow, Nay."

Kumuha sya ng isang dosena non at inilagay sa cart. "Sabi kasi ni Ivy ay mas
mabango ang pink kaya medyo naguluhan ako." Mahina syang tumawa. "Pero tama ka, mas
mabango talaga ang yellow."

Nginitian ko lang sya at itinulak na ang cart. "Ano pang gusto mo? Kunin mo na
habang mabait pa akong anak."

"Gusto ko ng matinong gobyerno, Solene. Afford mo ba?"

"Grabe, Nay. Same." Nagpatuloy ako sa paglalakad habang tinutulak ang cart.
Naglagay lang ng condiments si Nanay at ibang delata. Nagsimula na rin akong
maglagay ng mga kakailanganin ko para sa cheesecake ni Duke. Maliit lang naman ang
gagawin ko kaya mura lang ito.

"Wala ka pa bang boyfriend, anak? Magbebente ka na, wala ka pa rin ipinapakilala sa


akin kahit manliligaw."

Sinimangutan ko sya. "Ikaw nga 55 na pero wala ring boyfriend. Nagreklamo ba ako?"

Pabiro nyang kinurot ang bewang ko. "Kaya siguro hindi ka nililigawan ni Duke.
Napakamaldita mo!"

"Kung hindi nya ako kayang tanggapin nang ganito, pasensyahan, Nay."

"Oh bakit? Anong gagawin mo?"

I shrugged. "Edi magbabago."

Tawa lang sya nang tawa hanggang sa matapos kaming mamili. Hanggang sa nakauwi kami
ay patuloy pa rin ang pang-aasar nya sa akin na pinapatulan ko naman. Habang
nakikita ko ang tuwa sa mukha ni Nanay ay napapangiti rin ako. I'm really grateful
for having a mom like her. Hindi kami mayaman at hindi kumpleto ang pamilya namin
but we managed to live and enjoy.

Dahil magsisimba kami, pinalitan ko ang suot kong shorts at tshirt. Nagsuot ako ng
itim na bestida na umabot hanggang sa tuhod ko. Itinaas ko rin ang buhok ko para
makita ang aliwalas ng mukha ko. Tama talaga sila, mukha talaga akong masungit.

"Wow, nakapula! Feel na feel ang pagiging birthday girl," pang-aasar ko kay Nanay
nang magsalubong kami sa sala.

"Wow, nakaitim! Feel na feel ang pagiging tambay sa friendzone!"

"Nay! Napakabastos ng bibig mo!" nakasimangot kong saad sa kanya. Nagbiro lang
naman ako pero mamemersonal sya?!

We attended the mass peacefully. Hindi ko rin in-expect na meenjoy ko ang sermon ni
Father ngayon dahil kadalasan ay puro patungkol sa pagsuporta sa gobyerno at hindi
pakikiisa sa divorce ang topic nya kaya tinatamad akong umattend. We have different
views regarding the issue.

Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Duke. Jusko, hindi ko ata matitiis kung
isang linggo ulit kaming hindi magpapansinan. Pag-uwian, iisa kami ng tricycle na
sinasakyan pero sa likod sya umuupo. Sinubukan ko nga one time na hindi ako sumakay
kahit hindi pa puno pero nakita kong hindi rin sya sumakay.

Patigasan talaga kami ng mukha?! Well, Duke, malambot ako.

Me:
GOSURF50

Ibinaba ko ang aking cellphone at niyaya si Nanay na mag-ice cream sa labas ng


simbahan. Sumama naman sya sa akin dahil nakita nya kaninang ube ang flavor at
paborito nya iyon.

"Sa Shakey's tayo mag-lunch," ani ko.

"Sigurado ka ba? Bumili ka na lang ng black shoes."

Umiling ako. "Mahigit isang libo yung gusto ko para matibay na. Sa susunod na
scholarship na lang ako bibili."

Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko kaya napangiti akong kinuha ito.

Duke Panget:
The fuck?

Wow, ang yaman ng mura. Nagtipa agad ako ng sagot.

Me:
wrong send

Me:
pero miss kita

Nailing ako sa sariling kalokohan nang muli ko itong isilid sa bulsa ko. Alam kong
hindi na magrereply ang lalaki dahil hindi naman sya ma-text na tao.

Habang papunta kami ni Nanay sa Shakey's ay nahagip ng mata ko si Mitzie. Nakasuot


lang sya ng tshirt at pantalon pero ang ganda nya pa rin tingnan. Nasa labas sya ng
isang department store na parang may inaantay.

"Nay, lapitan ko lang si Mitzie."

Tumango si Nanay sa akin pero bago pa ako makahakbang nang tuluyan ay lumabas mula
sa department store si Duke. May hawak syang paperbag at nahihiyang lumapit kay
Mitzie. Nag-usap sila saglit at nakita ko kung paanong napangiti nang malaki ang
babae at nagpakita ng approve sign kay Duke.

Anong ginagawa nila?

"Sol, ano?" tawag sa akin ni Nanay.

Mabilis akong lumapit sa kanya. Dumiretso kami papuntang Shakey's, nagkwentuhan,


kumain at nagtawanan pero nanatiling mabigat ang damdamin ko. Maraming pumapasok na
isipin sa utak ko na gusto kong iwasan.

Are they seeing each other? Kung oo, kailan pa? Kung hindi, then why...? It's
Sunday. There's no reason for them to be together.

Hanggang sa makauwi kami ay palaisipan iyon sa akin. Ayokong isipin na may relasyon
sila dahil alam ni Mitzie ang nararamdaman ko para sa lalaki. Hindi rin naman para
magtago ng sikreto sa akin si Duke. But still, it bothered me. It bothered me to
the point na ang gagawin kong cheesecake ay hindi ko nagawa.

Tatlong araw ma lang ay tutulak na pa-La Union silang dalawa. They will have more
time together. And La Union is one of the best cities to celebrate youth...and
love.

Tama nga akong walang reply si Duke sa text ko. Malamang, busy sya sa kung ano.
Mabuti pa ay si Mitzie na lang ang itext ko.

Me:
mitz, saan u ngayon

Lumipas ang tatlumpong minuto na hindi nagrereply ang babae. Marahil ay magkasama
pa rin sila ni Duke at ang palaisipang iyon ay sinasaktan ako. Kapag nagsinungaling
sya sa akin, sigurado akong may relasyon ang dalawa. I don't know if I'm doing this
right but I just can't let it pass.

I know I should not doubt them. Kung may ganoon nga silang relasyon, alam kong wala
akong karapatan na mangealam. I do not have the power to go against their
relationship. After all, I'm only a friend. And we all know that friends should
support each other.

Habang tumatagal ang oras na hindi pagrereply ni Mitzie ay lumulubog ang puso ko.
It's like hope is stripping away from me.

Umiling ako at bumangon. Alas sinco na nang hapon at nagpaalam sa akin kanina si
Nanay na pupunta sya kina Ate Ivy para makipagkwentuhan kaya wala akong kasama sa
bahay.

Napakamot na lang ako sa aking ulo nang makita ang sarili na ginagawa ang
cheesecake. Kahit may tampuhan, saulo ko na ang ugali ni Duke. Hindi kami aabot ng
ganitong katagal bilang magkaibigan kung hinahayaan naming masira kami dahil lang
sa isang pagtatalo.

Maayos ko naman itong nagawa. Baking made me forget my negative thoughts for a
while. Nag-enjoy lang ako habang nagtatakal ng harina sa mga measuring cup at
maging sa pagtikim ng mixtures. It was all good and perfect. Sigurado na akong
matutuwa ang lalaki rito. He can resist me but he can't resist a cheesecake.

Nang matapos kong gawin ito, inilagay ko iyon sa binili kong kahon. Maliit lang ito
at alam kong mabibitin si Duke pero yun ang gusto kong mangyari.

Nag-ayos ako ng sarili saglit bago lumabas bitbit ang box. Suot ko pa rin ang itim
na dress pero nakalugay na ang buhok ko. Dahil sa pagkakaipit, medyo nakulot ang
dulo nito.

My phone beeped. Nagulat ako pero kinuha ko ito para tingnan.

Mitz:
Nasa bahay ako nina Duke.

Napakunot ang noo ko bago nagtipa ng reply.

Me:
ginagawa mo jan?????

Mabilis din ang naging pagsagot nya.

Mitz:
Nag-aaral kami. Nandito rin si Troy.

Mas lalong lumalim ang kunot ng noo ko. Anong ginagawa nila nang hindi ako kasama?
Hindi na ako nagreply. Muli akong pumasok sa bahay at inilagay na lang sa ref ang
cheesecake. Pagkatapos non, naglakad na ako papunta sa katapat na bahay.

Pinindot ko ang door bell at wala pang ilang minuto ay bumungad sa akin si Kuya
Sean. He looks fresh and clean but my mind is wandering elsewhere.

"Pasok ka, Sol. Ako na ang nagbukas at nasa loob ang dalawa nyong kaklase."

"Bakit daw, Kuya?" tanong ko habang papasok kaming dalawa.

"Nagrereview sina Duke at Mitz. Si Troy, makiki-group study daw." Tumawa sya.
"Aaral daw pero may dalang gin si Troy."

Nang nasa sala na kami ay agad ko silang nakita. Nagpaalam sa akin si Kuya Sean
bago umakyat sa kwarto nya.

Tiningnan ko ang ayos nila. Prenteng nakaupo si Duke sa sofa habang si Mitzie naman
ay nasa sahig at nagsusulat sa notebook na nakapatong sa center table. Ganoon pa
rin ang suot nilang dalawa.

Saktong lumabas si Troy mula sa kusina na may dalang pitsel at tatlong baso.
Napatingin ito sa akin at bahagyang natigilan.

"Sol?" gulat na tanong nya. "Anong ginagawa mo rito?"

Pinanliitan ko sya ng mata. Mula sa peripheral vision ko, naramdaman ko ang


pagbaling nina Duke at Mitzie sa pwesto ko.

"Anong ginagawa nyo nang hindi ako kasama, ha?"

Napakamot sya sa batok at medyo lumikot ang mata. "G-gusto ko rin mag-aral."
Naglakad sya patungo sa direksyon ng dalawa kaya lumapit din ako roon. Hindi ako
pinapansin ni Duke pero nakita kong nakatingin sa akin si Mitzie.
"Mag-aaral ka, Troy? Bakit may alak dyan?"

Duke groaned in frustration. "Sa labas na lang kayo magkwentuhan. I can't focus!"
naiinis na saad nya.

What a fucking ass. Are they having a party without me? Seriously? Dapat na ba
akong magalit?

"What's wrong with you all?" tumingin ako kay Mitzie. "Mitz? What's happening?"

Umiling ito. "I'm seriously here to study. Nothing more, nothing less."

"Bebe Sol, wag ka nang magtampo dyan. Ano ba kasing ginagawa mo rito? Akala ko ba
ay birthday ni Tita Yella?"

"Kaya ba hindi nyo ako sinabihan?"

Humarap si Duke sa akin matapos ibaba ang librong hawak nya. His piercing eyes were
now staring darkly at me. Is he still mad? Hindi ba dapat ako ang magalit?

"We're not here to throw a party, Solene. We're here to review." He uttered in pure
annoyance.

Ang kanyang tinig ay parang nagpapaliwanag sa isang musmos. But I can't understand!
Bakit sila magkasama kanina ni Mitzie sa department store at bakit hindi nila ako
sinabihan na kumpleto sila ngayong araw dito?

"At hindi kayo makakapag-focus kapag nandito ako?" I laughed sarcastically. "I
never thought you have this side of yours, Duke. I'm really disappointed."

I feel uninvited and unwanted. It's like they're all throwing me outside this
house. I might be a tough cookie but I'm not numb to pain. I can feel all sort of
things.

Nagkatinginan sina Troy at Mitzie sa sinabi ko.

Duke sighed. "Sol... it's not what you think." Umiling sya. "Biglaan lang ang lahat
ng ito. Troy just arrived here when he found out we're studying."

Mitzie groaned in frustration kaya napabaling ako sa pwesto nya. Masama ang tingin
nito kay Duke kahit hindi nakatingin sa kanya ang lalaki.

"Fix your issues now, Duke. Para kang tanga." She snorted. "Why can't you just tell
her that you purposely didn't invite her because you can't focus when she's
around?"

Tumalon ang puso ko sa narinig sa kanya. My breathing hitched as I stare at Duke's


eyes. He looks confused and broken for whatever reason.

"Just tell her you miss her and you're jealous of Troy!"

Chapter 9

"Shut up, Mitz! You're sending her mixed signals," tanging nasabi ni Duke. "Don't
blush, Sol. I don't like you in that manner." Dagdag nya.
Muli akong napahinga nang malalim. I don't know what's with them but right now, I
really don't know what to feel. And yes, Duke, I know. Thank you for bursting my
bubbles of hope.

Since I don't look so welcome here, mabuti pang umuwi na lang ako.

I sighed. "Uuwi na lang ako. Salamat." Akmang lalabas na ako nang muli akong
tawagin ni Duke. Tumayo sya at lumapit sa pwesto ko.

"Can we talk?" he uttered.

Tumango ako kahit na sobrang kinakabahan ako. This will be the first time we'll
talk after two weeks! Call me names but I really missed him. We are so used of
being together that the thought of not being with him irritates the hell out of me.

He rented so much space in my heart. That's when I realized that the only ones who
can hurt me this way are the ones who matter to me. Unfortunately, Duke is one of
them and I'm telling you, he isn't a good tenant.

Lumabas kami at nagtungo sa garden nila. It's dark outside and I'm nervous. Nothing
good happens at nights... at least on my nights.

"Hindi ko na patatagalin ito, Sol." Huminga sya nang malalim. "I'm sorry for my
actions and words. I didn't mean it."

You did, gusto ko sanang sabihin. Patuloy ang karera sa puso ko habang parehas
kaming nakatingin sa kawalan.

"Okay lang, pagod ka, e." I managed to say.

Pero pagod din naman ako, Duke. Sa pagtulong kay Nanay, sa pag-aaral ng kurso na
alam kong hindi ko kaya, sa pagtingin sayo at kay Mitzie, sa pagiging mahirap... sa
lahat. I'm not going to complain because you're not at fault. Hindi mo kasalanan na
pag-uwi ko sa bahay ay kailangan ko pang maglaba kasama si Nanay para may ipambayad
kami sa bills. Hindi mo rin kasalanan kung hindi ako matalino gaya mo. At higit sa
lahat, hindi mo kasalanan kung iba ang gusto mo.

"Nagpasama ako kay Mitzie kanina."

Napatingin ako sa kanya. "Ha?" He's still staring blankly at the garden. He didn't
even move a finger.

"I..." he gulped. "I bought you a pair of shoes." Nahihiyang saad nya bago
napayuko.

"Ano?!"

Nagtama ang mata namin dahil nag-angat sya ng tingin. "At isa pa, hindi ako
nagseselos kay Troy. Hindi lang kita sinabihan dahil nahihiya ako sa mga nasabi ko
sayo." Mahabang litanya nya.

I nodded. "Okay na yon, Duke. Para ka namang iba sa akin." I heaved a deep sigh.
"Seriously, you don't need to buy me shoes. Ayos naman nang usap lang."

He shook his head. "Hindi dapat ganoon, Sol. We're adults. I should be more
cautious of my words. At isa pa, I saw how you struggle walking with your old
shoes! Nakakatanggap ka ng scholarship pero inuuna mong bilhan ang iba."

"Sumabay kasi yung birthday ni Nanay. Balak ko rin namang bumili sa susunod na
stipend."

Muli itong umiling. "Just accept it, okay?"

I didn't respond. I don't have anymore to say. Okay na, napatawad nya na ako at
napatawad ko na rin sya.

Hindi ko lang talaga alam kung bakit hindi ako masaya. Am I expecting more from
him? I don't know. My mind is hair wired. Gusto kong itanong kung gusto nya si
Mitzie dahil iyon naman talaga ang bumabagabag sa akin. But I couldn't bring myself
to say it. I'm terrified to know his answer.

"Sol." He sighed again. Gaya ko, para ring may bumabagabag sa kanya.

"Oh?" I casually answered.

Umiling sya. "Wala." He let out a low chuckle. "Pasabi kay Tita, happy birthday.
Bukas ko dadalhin ang sapatos sa bahay nyo. Sabay na ulit tayo, ha?"

Tumango ako at tipid na nginitian sya. Isasabay ko na ang pagbibigay ng cheesecake


bukas... o baka hindi na. Baka hindi pala masarap. Tinipid ko kasi ang ingredients.
Gusto ko kasing kay Nanay mapunta ang pera ko.

Umuwi akong gulong-gulo. Inasar pa ako ni Troy bago ako tuluyang umalis sa bahay
nina Duke but I wasn't my usual self. Ito ang unang beses na nakitaan ko ng interes
si Duke sa isang babae. Parang sinasakal ang puso ko tuwing nakikita ko ang
pagkinang ng mata nya tuwing tinitingnan si Mitzie.

Ganoon nga ang nangyari kinabukasan. Dinala nya ang sapatos sa bahay nang napakaaga
kahit na mamayang tanghali pa ang klase namin. It's a branded shoes and I'm sure I
didn't express my gratitude to him well. Lutang pa rin ako sa nangyari kahapon
kahit na wala naman dapat isipin. Ipinakain ko na lang kay Nanay ang cake at
sinabing pa-birthday ko iyon sa kanya.

She said it was the best cake in the world but I know she's buffling. Nanay ko yan
e.

Sabay kaming pumasok ni Duke. Aliw na aliw sya dahil kasya sa akin ang sapatos na
binili nya. Everything's okay, I guess. Bumalik na kami sa dati naming tratuhan.
There's nothing more I could wish for.

"Tahimik mo, ah?" ani Troy. Second period na namin at nilalabanan ko ang sarili na
isipin sina Mitzie at Duke dahil structural theory ang pinag-aaralan namin ngayon.
I need to focus.

"Nagfo-focus kasi ako, Troy. Try mo minsan para may maisagot ka." I said before
chuckling.

Tumawa rin sya. "Kung kay Duke galing yan, maniniwala ako."

"Mas mataas ako sayo sa quiz last week, wag mong kalilimutan yon."

"1 point lang ang lamang mo. Mas mataas pa rin ang score ko sa midterm exam!"

Patuloy kaming nag-asaran hanggang sa mag-angat ng tingin sa amin si Ma'am. Kanina


kasi ay nagsscan sya sa laptop nya ng kung ano kaya medyo maingay ang klase namin.
Seryoso ngayon ang kanyang mukha habang iniisa-isa ang tingin sa amin.

She sighed. "Pasado lahat ang midterm grade nyo. Walang incomplete, walang bagsak."
I shrieked in delight. Hindi sa pagmamayabang pero alam ko naman nang mangyayari
ito dahil ichineck ko na sa utak ko ang grades ko. Isa pa, bulung-bulungan na rin
iyon sa section namin. Miski si Troy ay dinig ko ang pag-"yes".

Napagawi ang tingin ko sa bandang unahan at nakita si Duke na seryosong nakatingin


kay Ma'am. Parang sa room namin ay sya lang ang hindi masaya.

"But..." si Ma'am. "Magkakaroon tayo ng battery exam next year. This will... filter
who's qualified to take the next level."

There's a complete silence after that. Parang lahat kami ay dini-digest ang sinabi
ni Ma'am.

"Ma'am, ano pong mangyayari kapag hindi nakapasa?" tanong ni Owa. Um-oo agad ang
mga kaklase ko.

"You have to shift."

Para akong pinagbagsakan ng langit. Fourth year na kami sa susunod na pasukan tapos
ngayon pa nila naisip na magbattery exam? Ibig sabihin, kapag hindi ako nakapasa,
babalik ako sa pagiging freshman?

Engineering will kill me.

"Tutulungan namin kayong mag-review, wag ka nang mag-alala masyado, Sol," pag-aalo
sa akin ni Mitzie habang naglulunch kami.

"Pakiramdam ko namutla ako kanina," ani Troy bago balingan si Duke. "Pre, hipuin mo
nga kung may lagnat ako."

Sinapak lang sya ni Duke. "Matagal pa naman. May panahon pa para mag-aral."

I pouted. "Aaralin ko ulit lahat? Mula calculus I hanggang calculus III? Parang
ayoko nang mag-aral."

"Tutulungan kita, Sol," seryosong saad ni Duke sa akin.

"Ay may favoritism? Paano naman ako?!" madramang pahayag ni Troy. Paepal talaga
kahit kailan.

"Ako ang magtuturo sayo," sagot ko sa kanya kaya agad syang napasimangot.

"Sure na bagsak pa nga."

Our days went on normally. Nothing really happened aside from me-being extra
observant of Duke and Mitzie. So far, wala namang ginagawang bago ang dalawa. They
look... normal.

Ganoon din sa bahay. Kapag uuwi ako ay maglalaba kami ni Nanay. These days,
napapansin ko ang malalaking ugat sa kamay nya. Alam kong dahil iyon sa
pagtatrabaho dahil bukod sa pagiging labandera, pinasok nya na rin ang pamimigay ng
flyers ng mga restaurant kapag wala syang labahin.

Bakit kaya ganoon? Masipag naman si Nanay pero bakit hirap na hirap pa rin kami?
Maliit lang ang tuition fee ko dahil ang kalahati ay shoulder ng scholarship ko.
100 lang din ang baon ko sa isang araw at minsan ay malaki ang natitira sa akin. It
makes me wonder. May iba pa bang binabayaran si Nanay bukod sa bills ng bahay
namin?
Ngayong araw ang alis nina Duke at Mitzie patulak sa La Union. Naging malaking
balita iyon sa buong school dahil ire-represent nila ang university namin sa isang
national convention. Ang gaganda ng reviews kay Mitzie dahil kahit transferee ay
napatunayan agad nito ang sarili at proud ako sa kanya.

People were shipping them together. Sinasabing bagay sila at may mga rumor pa na
nililigawan ni Duke si Mitzie na hindi naman nila itinatanggi, o baka hindi lang
nila alam. Miski sa twitter ay matunog ang pangalan ng dalawa lalo sa schoolmates
namin na sa palagay ko ay ako lang ang nagbabasa.

Zen @_zhnymolave
I ship these two intellectuals! Ms. Tanaka and Mr. Sanders are very compatible.

Napanguso ako. I'm sure Zen doesn't know the law of charges. Opposite charges
attract and same charges repel! Nagpatuloy ako sa pags-scroll sa twitter habang
inaantay ang oras ng pag-alis ng dalawa.

Eunice @mukhangadik
finally, a worthy couple to stan!

?? @armylangpwedevioletheart
skl na nakita ko silang dalawa na magkasama nung linggo sa plaza hmmm nagdate sila
for sure

People should get their facts right. Magkasama sila dahil ibinili nila ako ng
sapatos! Maraming reply ang tweet na yon pero hindi ko na inisa-isa dahil naiinis
lang ako sa mga theory nila. Pasalamat ko na lang siguro na hindi nadadawit ang
pangalan ko sa ingay ng dalawa.

"Sol, tara na! Aalis na sila!" sigaw sa akin ni Troy mula sa pintuan ng classroom
namin.

Mabilis akong kumilos at nagtungo agad sa labas para puntahan ang dalawa. Sasakyan
nila ang van ng school namin at sa dami ng tao ay nagmistulang celebrity ang
dalawa. Hindi ko alam kung paano ang gagawing pag-singit sa dagat ng mga tao dahil
kanya-kanya sila ng pagkuha ng pictures.

"Wow, instant famous ang mga bebe natin," saad ni Troy habang hinahawi namin ang
iba sa kanila.

Natanaw ko ang dalawa na kausap ang campus director na malaki ang ngiti.

Siniko ko si Troy. "Mama mo."

He tsked. "Alam ko, Sol. Nakikita ko lagi sa bahay."

Nakacasual attire lang silang dalawa. Duke's wearing a maong pants and a basic
statement shirt. Ang buhok nya ay walang wax dahil nakikita ko kung paano ito
sumayaw sa hangin. He's wearing his eyeglasses which makes him a lot hotter. Sa
bawat pagkibot ng labi nya ay bahagyang nagpapakita ang malalim nyang dimples.

"Ang gwapo ni Duke!" sigaw ng isang estudyante.

Girl, I know.

"Bagay sila ni Mitzie!"

Hindi nagagawi sa pwesto namin ang tingin ng dalawa. Kahit sasabak sa gyera, wala
akong mabasa na kaba o tensyon sa mukha nila. They looked calm and prim.

Dumating ang van ng school kaya kumilos ang dalawa patungo roon. Kasama nila ang
dalawa naming professor sa major kaya isang linggo kaming walang klase roon. Nag-
iwan nga lang ng napakadaming gawain.

I was about to call Duke when I saw him holding Mitzie's hand. Sa paraan ng
paghawak nya ay parang inaalalayan nya ang babae pero alam ko namang hindi na nya
kailangang gawin iyon dahil patag ang daan at madali namang sumakay sa van.

I heard yells and squeals of the students. Hindi na napansin ng dalawa iyon dahil
para silang may sariling mundo... na kahit ako ay hindi kayang makapasok.

"Para-paraan din talaga si Duke..." narinig kong bulong ni Troy.

"What do you mean?" hindi ko napigilang tanong.

He chuckled before shaking his head. "This trip will surely change something
between them."

I gulped as pain started strangling my heart.

"Mitz is Duke's ideal girl. Sigurado akong gagawa na ng paraan ang pare ko."

Napahinga ako nang malalim at mapait na napangiti. Sa buong buhay ko, ngayon lang
ako nakaramdam ng labis na inggit. At kahit ilang ulit kong itanggi, alam ko sa
sarili kong inggit na inggit ako kay Mitzie.

Chapter 10

The world isn't a cradle where you can hear life singing you lullaby.

Ibinaon ko sa limot ang narinig kay Troy kahit ramdam na ramdam ko ang panunuot ng
sakit sa nadudurog kong puso.

Duke Panget:
Nakarating na kami.

Napangiti ako sa pag-uupdate nya ngunit hindi iyon sapat para mawala ang agam-agam
sa akin.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Paano kung magkaroon sila ng relasyon? Paano ako
babangon? Paano ako magsisimula ulit? Mahihirapan akong lumayo. Siguro'y kahit
isang hakbang ay hindi ako makakagalaw. It fears me to death. Ayokong mangyari iyon
dahil alam kong masasaktan ako.

"Nay, nandito na ako." Malumanay na saad ko pagpasok sa bahay.

"Nasa likod ako, Sol!"

Napabuntong-hininga ako. It's a typical response from her. Naglalaba na naman sya
gayong alas sais na nang gabi. It's like a never-ending cycle.

Pumunta ako sa kwarto ko at nagbihis nang pambahay para tulungan si Nanay maglaba.
I'm emotionally tired but I can't rest knowing that my mother is still working
hard.
"May problema ka ba, Solene?" tanong nya habang nagkukusot kami ng mga damit.

"Pagod lang sa school, Nay."

"Naku, mabuti pa ay magpahinga ka na. Kaya ko naman nang tapusin 'to." Matapos
sabihin iyon ay inagaw nya sa akin ang medyas na nilalabhan ko.

I chuckled. "Para ka kamong birhen, Yella."

Initsahan ako ng sabon ni Nanay kaya malakas ang naging pagtawa ko lalo pa nang
makita ang nakanguso nyang mukha. Ang ganda ganda talaga ng nanay ko, aba! Ang
sarap asarin.

"Nag-chat ang Tatay mo sa akin." Maya-maya'y saad nya. Tumayo sya sandali para
kumuha ng clorox.

"Ano raw kailangan?" Naiinis na pahayag ko. He doesn't have the right to contact
us. Matapos ang ginawa nya sa pamilyang ito, nawalan na sya ng anak at asawa.

"Tinatanong ka." She let out a chuckle. "Wala, hayaan mo na 'yon. May kanya-kanya
na tayong buhay."

Pinaliitan ko sya ng mata. "Wag kong mababalitaang nakikipagbalikan ka dyan ha."

"Hindi ako kagaya mo, Solene. Pag sinabi kong tapos na, ayaw ko na talaga. Isa
pa..." she sighed. "Hindi ko kayang tanggapin ang ginawa nya sayo."

Bumuntong hininga rin ako. My father was a drug addict. Gabi gabi ay binubugbog nya
ako kapag uuwi sya galing sa trabaho at sa mga kabarkada nyang adik din. Wala si
Nanay noon kapag gabi dahil nagtatrabaho sya sa pabrika.

It was plain torture. Walang gabi na hindi ako umiyak dahil sa mga sugat na natamo
ko. Ang hirap humiga dahil sa sakit ng katawan ko. Kahit ang paliligo ay mahapdi sa
balat.

I developed a trauma. Kaunting hawak lang sa akin ng tao ay napapaigtad ako.


Kaunting galaw lang ay para akong nawawala sa sarili. I experienced not only verbal
abuse but also physical harassment.

"Okay na ako, Nay. Kita mo nga at kaya na kitang buhayin," bawi ko na lang dahil
nakita ko ang pagbabago ng itsura nya.

It still haunts her. Sa loob ng limang taon ay nagbulag-bulagan sya sa pananakit sa


akin ni Tatay. Malaking lalaki ang ama ko kaya grabe ang takot ko sa kanya noon.
Tutunog pa lang ang pinto namin pagsapit ng alas syete ay tatakbo na ako papunta sa
kwarto at magkukulong.

The moon is never a perfect company for me. Saksi ito sa dinanas ko noon. My father
made me dislike the night. Dahil sa kanya, kahit gaano kaganda ang nangyayari sa
gabi, hindi ko na magustuhan ang buwan.

But looking back, it made me stronger. Words, people and violence break me but they
aren't enough to end me.

Isa pa, matagal nang panahon ang nakalipas kaya hindi ko na iyon masyadong naiisip.
Nagkaroon naman ako ng ilang kaibigan at kasama kaya umayos ang lagay ko.

"Kayang buhayin pero walang pambili ng black shoes," aniya.


"May Duke naman ako. Okay na yon."

Kinabukasan ay hindi ko nakasama si Troy dahil kasama nya sina Calvin at Calix.
They were going somewhere pero dahil hindi ako close sa dalawa, hindi na lang ako
sumama kahit niyayaya ako ni Troy. Buong araw tuloy ay mag-isa ako dahil wala naman
akong ibang kaibigan sa room bukod sa tatlo.

Napanguso ako nang makitang nagtext si Mitzie sa akin.

Mitz:
Patahimikin mo si Duke, miss na miss ka yata at ikaw ang bukambibig.

Napakapaasa! Hindi ko na tuloy alam kung sino ang paniniwalaan ko sa kanila ni


Troy. Kahit kasi para sa akin, gusto ni Duke si Mitzie pero para naman sa babae,
ako ang gusto ni Duke.

Me:
weh ikaw bet nan e

Mitz:
Kuya nya ang gusto ko.

Napangiti ako sa text nyang iyon. I have no idea what's going on between her and
Kuya Sean since I have never seen them together. Ilang beses pa kaming nagpalitan
ng text hanggang sa dumating na si Troy na malaki ang ngiti.

Kinunotan ko sya ng noo nang maupo sya. "Saya mo, ah?"

He smiled wider. "Hindi mo mararanasan sumaya nang ganito dahil wala kang crush,
Sol."

"May crush ka?" takang tanong ko. Wala naman akong nababalitaan na nililigawan nya
o ano. "Sino?"

He nodded. "Sa psychology." Kinagat nya ang pang-ibabang labi habang naiiling.
Halatang-halata sa mukha nya ang kilig. "Tanginang ganda."

"Sana hindi ka magustuhan," pang-aasar ko.

"Panget ng ugali mo, ah? Wag ka sanang pumasa sa battery exam."

Hinampas ko nang malakas ang balikat nya. "Gago! Pasmado bibig mo!"

Tumawa sya sa akin. "Nakita mo IG story ni Duke?"

Tumango ako.

"Ganda sa La Union talaga. Ang sarap makipag-date don," dagdag nya. "Sana kasi
matalino tayo para ilaban din tayo sa ganon."

That's true. La Union is one of my dream destinations because the sunrise and
sunset there were magnificently beautiful. Ang mga beach ay malinis ang tubig at
kapag naroon ka ay parang malilimutan mo sandali ang problema.

Inirapan ko sya. "Matalino ako. Idadamay mo pa ako."

"Pag-uwi nila, magsimula na tayong mag-review. Hindi ko alam kung may uuwian pa ako
pag bumagsak ako."
Sasagot pa sana ako sa kanya nang may tumawag sa pangalan ko mula sa pinto ng room
namin.

"May naghahanap sayo!" sigaw ni Krizia, kaklase ko.

Napakunot ang noo ko. "Sino naman kaya yon?" ani ko sa sarili bago tumayo at
lumabas ng room.

Ganoon na lang ang gulat ko nang makitang nakasandal sa pader sa hallway si Harvin.
Maraming mata ang nakatingin sa kanya pero wala syang pakealam. Kahit hindi
masyadong marami ang babae sa department namin, maraming nakikisilip na mga taga
ibang building.

Napabaling ang tingin nya sa akin at agad na ngumiti. Naglakad sya patungo sa
direksyon ko na akala mo'y pag-aari nya ang nilalakaran. I really hate his guts.

"Hi, Sol." He greeted. "Long time no see."

Napairap ako. "Let's keep it that way."

Mahina syang napatawa bago umiling. Sa mukha nya ay parang aliw na aliw sya sa akin
samantalang ako ay hindi masaya sa ginagawa nya. We aren't close!

"Wala pala si Mitz, no?"

"Obviously." I sighed. "Ano bang kailangan mo?"

I saw some of the students taking picture of us and I want to curse so bad. Anong
problema nila?! We aren't celebrities! Baka ilagay nila sa school blog ang picture
at gumawa ng kung anong chismis!

"Hindi pa ako pormal na nagpapakilala sayo," he uttered before smirking. I want to


remove that smirk on his face! Ang yabang!

"Hindi rin naman ako interesado."

"Well, I do." Lalo syang ngumisi. "I'm Harvin Foster, 4th year tourism student."

"Look..." I sighed. "Kung ano mang balak mo, itigil mo na dahil ayoko talagang
makipagkilala."

"You made me more interested, Sol." Nagpakawala sya ng mahinang tawa. "I think
we'll see each other more often."

Namataan ko ang professor namin na papunta na sa direksyon ng room namin kaya


humarap ako sa lalaki. May klase na kami at wala rin naman akong pakealam sa
sinasabi nya.

"Whatever, Harvin. May klase na kami. Mauna na 'ko."

Matapos sabihin iyon ay tumalikod na ako sa kanya. I'm sure he isn't from our
university. Hindi sya nakasuot ng uniform at hindi ko rin sya nakikita sa school sa
halos tatlong taon ko rito.

"Sino raw?" tanong ni Troy sa akin pagkaupo ko sa tabi nya.

"Kabanda ni Mitz."

"Woah, anong kailangan sayo?"


I shrugged. "Ewan, nangungulit lang."

Pabiro nyang pinitik ang kamay ko kaya pinanlisikan ko sya ng tingin. Nasa unahan
na ang prof namin pero dahil nasa likod naman kami ay hindi kami kita.

"Magpaligaw ka na," natatawang saad nya. "Kapag naging mag-on sina Duke at Mitzie,
magiging third wheel ka."

Napairap ako sa narinig. Sa tuwing mawawala sa isip ko ang dalawa, lagi na lang
pinaaalala ni Troy na gusto ni Duke ang babae. Imbes tuloy na mag-focus ako sa pag-
aaral, napapaisip ako!

"Edi third wheel tayo," tanging nasagot ko sa kanya.

He chuckled. "May nililigawan ako, Solene."

Muli akong napairap at hindi na sya pinansin. Nagfocus na lang ako kay Ma'am kahit
lumilipad pa-La Union ang utak ko. I wonder what they're doing right now? Are they
having fun? o lumalaban na ba sila ngayon?

Our class ended briefly. Nagbigay na ulit ng mga worksheet ang prof namin sa major
kaya aligaga ako. Wala si Duke at wala akong kokopyahan. Ayoko naman picturan at
isend dahil alam kong busy sila roon. Tuloy, parehas kaming problemado ni Troy.

Pauwi na ako at nag-aantay na ng tricycle nang mamataan ko si Harvin sa waiting


shed na parang may inaabangan. Nakatingin sya sa cellphone nya kaya hindi nya
napapansin ang presensya ko, at ipinagpasalamat ko iyon.

Some students were eyeing him but he doesn't give a damn about them.

"Sol? Uuwi ka na?!" sigaw ni Kuya Emon, isang sa mga tricycle drivers na lagi
naming sinasakyan ni Duke pag-uuwi.

Halos mapapikit ako dahil kitang-kita ko kung paano mag-angat ng tingin si Harvin
at mapangiti nang malaki nang makita ako. Ni hindi ko nabalingan si Kuya Emon dahil
sa paglakad ng lalaki patungo sa direksyon ko. Malalaki ang hakbang nya habang
tinatakpan ang mukha dahil sa init.

"Sol!" he said when he reached my spot. "Buti at nakita kita."

Napairap ako bago tumingin kay Kuya Emon. Magalang akong umiling sa kanya at
ngumiti nang maliit. Nang makaalis ang tricycle nya, muli kong hinarap si Harvin na
ngayon ay nakangiti pa rin sa akin.

"Anong kailangan mo?" mataray kong tanong.

"Nagba-bake ka pala?" aniya, hindi pinansin ang tanong ko. "My mom has a bakeshop
and we're looking for part-timers who can bake. Umalis kasi ang dalawang assistant
ng pastry chef namin kaya walang nakakatulong ngayon."

Bahagya akong nagulat sa sinabi nya. I didn't expect this.

I gulped. "Hindi ako magaling, Harvin. Ni wala akong experience dyan." I looked
away. "Isa pa, busy ako sa pag-aaral. Hindi ko alam kung kaya ko pang gawin yan."

"I asked your club's president, Sol. Sinabi nyang magaling ka at kaunting practice
lang ay pwede ka nang gumawa ng sarili mong recipe." Pagpupumulit nya.
I shook my head. "Salamat sa tulong mo pero hindi ko talaga magagawa yan. May
battery exam kaming paparating at kailangan kong mag-review."

"This could serve as your learning ground if you want to pursue baking, Sol. But
still, it's up to you. Nag-suggest lang ako."

Truth is, I want to try. I want to expand my knowledge about baking. I want to
practice my passion.

I didn't answer him. I was too preoccupied with my own thoughts.

"This is my mom's calling card in case you change your mind." He smiled. This time
it was genuine and pure, parang ang intensyon talaga ay makatulong.

"Why are you doing this, Harvin?" I managed to ask. "We aren't close but why are
you trying to help me?"

He shook his head while biting his lower lip. "I'm just kind, Sol."

Hanggang sa makauwi ako ay iniisip ko iyon. Should I try? Pero sabi ni Duke, hindi
naman iyon importante. Nakailang iling ako. I should try to focus more on my
academics. Marami pang gagawin at hindi tamang baking ang iniisip ko. I will get
that in the future kapag naging engineer na ako. Sa ngayon, I have to earn a
degree.

Naramdaman ko ang pagtunog ng cellphone ko tanda na may nagtext sa akin. Nanlaki


ang mga mata ko nang makitang mula iyon kay Duke. He isn't the type of person who
likes texting!

Duke Panget:
Binista ka raw kanina ni Harvin sa school? Bakit? Anong sinabi nya?

I pouted. Hindi mo man lang ba ako kukumustahin? Talagang ganyan ang bungad mo,
Duke Laurence?

Me:
yup, nangulit lang, no biggies

Hindi siguro sya busy dahil nang mai-send ko iyon ay agad din ang pagsagot nya.

Duke Panget:
Don't trust him, Solene.

Me:
bakit naman boss duke

I waited for five minutes before my phone beeped. Ni hindi ko ito binitawan dahil
sa pag-aantay ng reply nya.

Duke Panget:
He isn't good enough for you, Sol. Wait until I come home.

Chapter 11

Hindi nga ako nagkamali na nai-post ang picture namin ni Harvin sa school blog sa
entertainment section. Matapos ang post ukol kina Duke at Mitzie, kaming dalawa
naman ni Harvin ang naroon.
Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa mga haka-haka nila tungkol sa amin. Hindi pa
nakatulong ang pangfa-flood sa akin ni Harvin sa IG at Facebook account ko. Lahat
ata ng pictures ko ay ni-reactan nya! Malay ko ba kasing kilala sya sa South
Eastern University?! Pati tuloy ako ay pinagkakaguluhan ng fan girls nya.

"Troy, may sagot ka na ba sa worksheet? Pakopya ako!" ani ko sa lalaki nang pumasok
sya sa room. Nakita ko kasing nagsasabihan na ng sagot ang ilan kong kaklase pero
dahil wala akong ka-close, hindi ako makapangopya.

Inilapag nya ang bag at ibinigay sa akin ang papel nya na kumpleto na ang sagot.
Malaki akong napangiti dahil doon. Nakapangolekta agad ng sagot, ah?

"Nakakapagod," aniya bago uminat. "Kailan ba uuwi sina Duke? Nagsasawa na ako sa
mukha mo."

I pouted. Kinokopya ko ang sagot nya kaya hindi ako nakatingin sa kanya. Ni hindi
ko na chineck kung tama ba ang mga ito dahil bukod sa tinatamad ako, hindi ko rin
naman mapagkakatiwalaan ang sarili ko pagdating sa math.

"Sabi ni Mitzie ay baka sa isang araw. Ngayon ang tapos nila sa convention pero
parang gagala sila roon for a day."

I heard him sighed. "Swerte talaga ng mga kupal."

"Kaya rin natin yon, Troy. Ayaw lang nating galingan dahil baka malungkot sila."

"Tama ka jan!" nag-apir pa kami sa sariling kalokohan.

Nagpatuloy ako sa pagsusulat sa bond paper ko. Mamaya na ito ipapasa at kung
nagkataon na walang sagot si Troy ay parehas kaming bokya. Napatigil ako sa
pagsasagot nang marinig ang tilian ng mga kaklase kong babae. May tinitingnan
silang kung ano sa cellphone nila habang kitang-kita ko kung paano nila i-zoom ang
picture.

"Tingnan mo nga kung ano yon," ani sa akin ni Troy.

I tsked. "Hayaan mo sila. Baka kpop yan."

Yumuko ako at muling nagsagot kaya lang ay ang ingay talaga ng mga kaklase ko kaya
hindi ako makapag-focus kahit nangongopya lang naman ako. Para silang inaasinan sa
nakikita.

"Ang ingay!" malakas na parinig ko kaya bahagya silang natigilan. "Sa labas na lang
sana magtilian at may nagsasagot dito!" dagdag ko pa.

Kita ko ang ginawang pag-irap ng ilan sa kanila pero wala akong pakealam.

"Sungit, kaya hindi niligawan ni Duke, e." Dinig kong bulong ni Aseya. Malapit lang
ang pwesto nya sa akin pero alam kong alam nyang na narinig ko sya. "Hindi rin
naman kasi mahilig si Duke sa bobita."

Napatutop sya ng bibig nang balingan ko sya.

"Anong sinasabi mo?" mataray kong tanong. "Mukha ba akong nagmamakaawang ligawan
ako ni Duke?" dagdag ko. At anong karapatan nyang sabihan ako ng bobita gayong lagi
namang magkalapit ang scores namin?!

Siniko ako ni Troy. "Wag mo nang patulan."


I didn't break my stare at Aseya. Para sya ngayong nahuling magnanakaw sa paraan ng
pagtingin nya sa akin.

"Oo, halata!" sigaw ni Giselle, matalik na kaibigan nk Aseya. "Halatang patay na


patay ka kay Duke!" matapang na saad nya habang nanlilisik ang mata sa akin.

Pabagsak kong binitawan ang ballpen. Nakita ko ang bahagya nyang pagkagulat doon.
Naramdaman ko ang hawak ni Troy sa aking braso pero inalis ko lang iyon.

"Manahimik ka nga, Giselle!" ani Troy nang mapansing nag-iinit ang ulo ko. "Wag mo
nang patulan, Solene," pagbabawal nya sa akin.

Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili. There's no point in getting on a
heated argument. Isa pa, baka mapapunta pa kami sa guidance kapag hindi ko
napigilang sabunutan ito. Hindi naman sya si Roswell para patulan ko.

Pero hindi natahimik si Giselle. Tumawa sya nang nakakaloko na rinig sa buong room
namin.

"May picture sila ni Mitzie na naghahalikan!"

Doon ako tuluyang nawala sa sarili. Dahan-dahan ang paggalaw ng ulo ko patungo sa
direksyon nila. Hindi ko naitago ang gulat sa sinabi nya. Kulang na lang ay tumayo
ako at sugurin sya.

I gulped before letting a nervous laugh. "T-try again, Giselle."

"Hindi ka naniniwala, Sol?" tumawa sya. "Edi tingnan mo ang school blog!"

Nangangatal ako sa galit. Kahit hindi ko pa man nakikita ang larawan ay gusto ko
nang maiyak sa sinabi nya. Iyon ba ang tinitingnan nila kanina kaya sila tumitili?

Tinatagan ko ang aking tinig. "So?! Kahit maghalikan sila sa harap ko, ichi-cheer
ko sila!" Malakas akong tumawa. "You think that can hurt me, Giselle?"

"Wear your goddamn mask for all I care, Solene! Your end is near!"

"Oh? Anong nangyayari rito?" ani ng prof namin na kararating lang. "Girls?"

"Wala po, ma'am, nagaasaran lang!" sagot ni Troy. "Calm down, Sol. We both know
they can't do that."

Mabilis ang paghinga ko dahil sa nararamdaman. My heart is thumping loudly inside


my chest and I'm trying my best not to show any emotion.

I know Troy is trying to read me. I know he's got an idea of what's going on inside
of my head. My reaction isn't normal. Hindi ko mapigilang masaktan sa palaisipang
iyon dahil alam ko na kahit gaano kasakit, sa dulo, wala akong karapatang magalit.

Umayos ang lahat dahil nag-lesson na si Ma'am. I'm affected but I couldn't bring
myself to look at the blog. Ayokong makita kung totoo ito. This will break me... or
might as well, end me.

Lumipas ang buong araw na tulala lang ako. Maging si Nanay ay nagtataka sa kilos ko
pero dahil wala naman syang labahin ay dumiretso na lang ako sa kwarto. Gustuhin ko
mang matulog ay hindi ako pinatatahimik ng utak ko. I trust Mitzie because I know
she likes Kuya Sean. But then, Duke isn't someone I can control. I don't have the
power to stop him from liking someone.
"Sol, anak?" katok ni Nanay sa pinto ng kwarto ko.

"Bakit, Nay?" Pinahid ko agad ang luha na di ko namalayang tumulo mula sa mga mata
ko. Wala pa man ay nasasaktan na ako.

Pumasok si Nanay at napansin ko agad ang lungkot sa mga mata nya. Namumula iyon at
sa tingin ko ay kagagaling nya lang mula sa pag-iyak. Para akong sinuntok habang
nakatingin sa kanya. While I am here, crying because of a guy, my mom's heart is
clenching. She's a strong woman and seeing her cry makes me want to punch someone
who brought tears to her eyes.

"Nay, bakit? Anong nangyari?" alo ko agad. Tumayo ako at pinaupo sya sa kama ko.
"Sinong nagpaiyak sayo?"

Umiling sya. "Ang tatay mo, Sol..." mahinang saad nya.

Kumulo agad ang dugo ko sa narinig. Walang magandang balita ang maidudugtong sa ama
ko. Gustuhin ko mang magngitngit sa galit ay hindi ko magawa dahil sa lungkot sa
mata ni Nanay.

Hinawakan nya ang kamay ko nang mahigpit at tiningnan ako sa mata. "A-aagawin ka
nya sa akin, anak..."

Mabilis ang ginawa kong pag-iling. "Hindi naman ako sasama, Nay. Wag kang umiyak.
Hindi kita iiwang mag-isa."

"Abogado ang Tatay mo, Solene. Kayang kaya ka nyang kunin sa akin," pumatak ang
luha sa mata nya at naninikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan sya.

Nakagat ko ang aking labi at bahagyang napalunok sa narinig. "Nay, hindi na ako
menor de edad. Wag kang nang mag-alala."

She sobbed like a baby. "Kaya kang pag-aralin ng Tatay mo, Sol. Kaya nyang hayaan
kang gawin ang gusto."

Hinagod ko ang kanyang likod. "Masaya naman ako, diba? Napag-aaral mo naman ako,
Nay. Kontento ako sa buhay natin."

Sunod-sunod ang pag-iling na ginawa nya, parang may gustong ipa-realize sa akin. I
was just holding her close to me, trying to ease her pain.

"Hindi mo gusto ang kurso mo, Solene... kilala kita..." tanging nasabi nya habang
umiiyak. I hugged her tightly and bring her closer to my chest.

"Kasama ko sa lakad na ito si D-Duke, Nay..." muli akong nakaramdam ng bigat sa


sinabing iyon pero mabilis ko ring inalis iyin sa utak ko.

Pinatahan ko si Nanay dahil hindi talaga sya natatahimik.

Kung malaki ang takot ko kay Tatay, mas malaki ang takot sa kanya ni Nanay. She
fears my father so much. All night, I assure her that nothing's gonna make me leave
her, even if it is my own father.

My mom leave the room but my thoughts can't be silenced. I know nothing is certain
yet but I know my father. He will surely make a way to make it happen. I have to
hold my gears well. I have to pull my shit together.

And... engineering, I gulped. She knows I don't like engineering. She knows I only
take it for the sake of having a "degree" and because of the good amount of salary
I could get if I pass the board exam. I thought it wouldn't be that hard but
everyday, the world is telling me that I am not for this field.

I took engineering because Duke is there. I know he won't leave me. He won't let me
down. Ipapasa ko ang battery exam. Ipapasa ko ang board exam. Gagraduate ako bilang
civil engineering student. I know I can do that...

I sighed as another thought passed through my mind. Inabot ko ang aking cellphone
at kusang nagtipa ang kamay ko sa school blog namin. My heart is slowly breaking
and shattering into small tiny pieces. This night is too much for me to bear. My
mind is tired of thinking of my father, my Nanay, Mitzie and Duke.

"You aren't ready for this, Sol..." babala ko sa sarili bago ipinikit ang mga mata.
"You should not do this..."

But my heart wants the otherwise. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at nag-scroll
sa entertainment section.

Another batch of tears fall from my eyes when I saw the picture. It has tons of
reads and comments. Everyone's making a big fuss about it and I'm sure it reached
them two. Ang bawat pagtibok ng puso ko ay mahapdi at parang may kung anong
tanikala ang sumasakal doon.

Nakaharang ang likod ni Duke kay Mitzie pero halata ang ginagawa nila. He was
leaning towards her while Mitzie's eyes were closed. She looks like she's
anticipating for it. Duke's hands were on her cheeks.

At kung hindi pa sapat ang sakit na nararamdaman ko, nakita ko ang comment ni Kuya
Sean na parang nagpatunay na hindi nya gusto ang babae sa paraan na iniisip nito.

Sean Preston Sanders: nice, bro! mitz is a nice girl ;)

I closed my phone.

That night, my pillows witnessed how I wept. I am wide awake with the thoughts of
them lingering like a spider waiting on its prey. The museum I built in my heart
out of our happy memories was ruined.

Umiyak ako buong gabi habang iniisip ang malulungkot na mata ni Nanay, ang hagupit
ng sinturong pamalo ni Tatay at ang pigura ng dalawang taong naghahalikan.

Sa unang pagkakataon, hiniling ko na lang na sana ay hindi sumikat ang araw dahil
hindi pa ako handang harapin ang bukas.

Chapter 12

When the day of their arrival comes, the issue was like the hottest topic. They
were silent about that. Walang kino-confirm. They won the quiz bees and contests
and everyone's proud of them.

After a month, it kinda gone down. May mga bulungan pa rin pero hindi na kagaya ng
dati na pinagtitinginan sila.

The picture was taken down because both of them asked for it. Me, on the other
hand, tried my best to remain calm and unbothered. We didn't talk about it, though.
They didn't tell us what exactly happened.
"Saan tayo magre-review bukas?" tanong ko sa kanila habang kumakain kami.

Mitzie was sitting beside me, being her usual self. Si Duke ang nasa harap ko at
katabi naman nito sa Troy na mukhang nag-iisip. I'm silently observing Duke and
Mitzie but nothing seems to change on the way they treat each other. Kaswal lang.
Even Troy who's dying to know if they kissed didn't bother to ask them.

Duke shrugged. "Sa bahay na lang siguro."

Tumango na lang ako nang tipid. Duke is treating me the same. Ang minsang paghawak
nya sa kamay ko at paglalaro sa mga daliri ko, maging ang pag-akbay nya sa akin
habang naglalakad kami. Of course, it doesn't have malice for him. Lingid sa
kaalaman nya ay halos sumabog ang puso ko mula roon.

I'm not mad at Mitzie. It's just a bit... sulking. I expected her to tell me what
happened because she knows my feelings for Duke. But she didn't.

These days, I noticed some changes about her. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang
ba iyon pero nababasa ko ang lungkot sa mga mata nya.

Tumayo ako at nag-ayos ng gamit. May activity kami ngayon sa club at kahit may
kaunting oras pa ay excited na ako.

"Sa'n ka pupunta?" tanong ni Duke.

"May activity sila sa bread and pastry," sagot ni Troy bago ako lingunin. "Gawa mo
akong cookies."

Hindi ko na pinansin ang pangungunot ng noo ni Duke.

I nodded at Troy. "Bayaran mo, ha?"

"Basta sarapan mo."

Umalis na ako sa mesa namin nang walang lingon. For a month, I tried distancing
myself from them. Kung hindi nasa club ay magbabasa ako sa library o tatambay sa
garden nang mag-isa. Hindi ako galit sa kanila pero nag-eensayo na akong mag-isa
dahil sa oras na makumpirma kong may relasyon ang dalawa, alam kong lalayo ako nang
tuluyan.

I'm a bitch but I don't think my heart can handle watching them.

"Sol!" tumitiling lumapit sa akin si Jelay. She's grinning from ear to ear and she
looks really excited.

"Anong meron?"

Her eyes twinkle. "Lalabas tayo! Three bakeshops contacted us! Pwede raw nating
gamitin ang shop nila for three hours with the help of their chefs."

She then sighed dreamingly. "This is a rare opportunity!"

Napangiti rin ako nang malaki sa narinig. Ibig sabihin, magkakaroon kami ng hands
on experience?! That thought excites me even more. Akala ko ay normal na activity
lang sa loob ng school!

The members were divided into three groups. Nakakapanghinayang dahil maraming hindi
um-attend kaya nasa labingdalawa lang kami.
Kagrupo ko sina Jelay, Kiana at Juwen. Like me, they're shrieking in delight. Ni
hindi ko na naisip ang mamimiss kong subject. After all, in-excuse naman kami ni
Liane, ang club president namin.

Wala pang tatlumpung minuto ay nasa tapat na kami ng Sweets and Treats. I can feel
the blood running through my veins as I scan the whole place.

It's refreshing to look at. Mint green, pink at puti ang dominanteng kulay sa buong
shop. The tables and chairs were arranged in a cute manner. Mayroon pang japanese
style tables kung sakaling gustuhin ng customers na umupo sa lapag.

There are paintings hanging on the wall. The ceilings have dim lights making the
entire place a good lurking area.

"Gusto ko nito," parang naiiyak na anas ni Kiana.

"Pag ako talaga hindi naging accountant, magbubusiness ako nang ganito," tanging
nasaad naman ni Juwen.

"Basta, kapag may isa sa atin na nagkaroon ng bakeshop, magbibigay din tayo ng
opportunity sa mga frustrated bakers like us!"

I smiled as I hear them talking. Nakaupo lang kami sa isa sa mga mesa dahil inaayos
pa raw ang kitchen sa loob.

I don't know what's with this place but I kinda feel at home. Or baka dahil lang
bakeshop ito kaya ganito ang nararamdaman ko.

Lumapit sa amin ang matangkad na babae. She's wearing a pink polo shirt with the
shop's logo and black pants. May nakasabit din sa leeg nyang apron.

"Hi, I'm Ate Sab!" masayang bati nya sa amin.

We greeted her with the same energy. We have come to know that she's working here
for almost 5 years and she said that they're doing this quarterly. Aniya pa, ang
may-ari ng shop ay mahilig mag-bake pero hindi natuto nito kaya nagbibigay sya ng
daan para sa mga aspiring bakers.

"I hope you'll learn something from our chef!"

Pinapasok nya kami sa loob ng kusina nila. I gasped as I felt the fast beating of
my heart.

Ang mga chef ay nakasuot ng uniporme nila at nakangiti sa amin. There are rolling
pins, trays, spatulas, measuring cups and other tools resting on the table. Ang mga
oven ay maayos na nakapwesto sa gilid. Maiisip mong pinag-isipan din kahit ang
pagpupwesto sa mga ito.

"Here's Chef Rolenz, our head pastry chef and you'll be under his provision for
three hours."

Ngumiti sa amin si Chef Rolenz. He's propably in his 30's but with the smile on his
face, he appeared younger. Tumingin ako sa mga kasama ko at nakitang nakangiti rin
sila.

Matapos ang kaunting introduction, pinagsuot kami ng apron at nilagyan ng hair net
ang ulo namin. Pinag-sanitize din kami ng kamay habang sinasabi ang rules and
regulations sa loob ng kitchen.
"Sino sa inyo ang nakasubok nang gumawa ng blueberry cheesecake?" tanong ni Chef
Rolenz.

Umiling ako at napatingin sa mga kasama kong umiiling din. Gustuhin ko mang subukan
iyon, masyadong mahal ang mga ingredients kahit kaunti lang ang gagawin. Kalimitan
naman sa club ay brownies at cookies lang gang ginagawa namin. Nag-eensayo pa kami
sa paggagawa ng cakes.

"Ikaw, Ms. Kiana, bakit hindi mo sinusubukan pa?"

She pouted. "Wala po kaming oven sa bahay tapos hindi naman namin ginagawa sa club
iyan."

He nodded before smiling a little. "May kamahalan din ang ingredients nito kung
quality talaga ang hinahabol mo, tama ba?"

Sabay-sabay kaming tumango.

"Okay, well, today, with complete set of ingredients, I'll tell you the procedures
of making a blueberry cheesecake."

Hindi ko napigilan ang pagpalakpak kaya napatingin sa akin si Jelay na tinawanan ko


lang. Kahit si Chef Rolenz ay napangiti sa ginawa ko. I tried baking cheesecake
before but the ingredients aren't that good. Hindi ko nga alam kung bakit nasarapan
si Nanay doon.

Pinapunta nya kami sa working area. Magkatapat kami ni Jelay habang katabi ko naman
si Juwen. We get our own tools and ingredients.

Chef Rolenz clapped his hand. "Okay, girls. Listen very carefully to the
procedures." He said strictly. My heart is thumping loudly against my chest.

"First, combine the crumbs, sugar and butter."

Sinunod namin ang ginawa nya. All of us have our own 9 inch springform pan and
utensils.

"Put the mixture into the bottom of your pan."

Muli ang pagsunod ko. Sa pangangatal ata ni Jelay, napansin kong may kaunting
natapon sa kanya. Hindi naman nya iyon pinansin at isinalin na lang ang mixture sa
pan.

"Mash the cream cheese until it became soft and creamy. Beat the sour cream, 3/4
cup of sugar, flour and vanilla. Then, beat eggs one at a time."

Mabilis ang pagkakasabi non ni chef at kinailangan ko pang pumikit para alalahanin
ang sinabi nya.

"What's the vanilla for, Ms. Solene?" tanong nya habang nagbabati ako ng itlog.

I gulped. "Pampalasa po, Chef. It enhances the flavors of the recipe."

He smiled and nodded. "Okay, good. Continue."

After doing that, I heaved a deep sigh and smile. Sigurado akong tama ang
pagkakagawa ko. Malaki ang gagawin naming cake kaya bibigyan ko mamaya ang mga
kaibigan. Papatikimin ko rin si Nanay dahil alam kong magugustuhan nya ito.
"Kulang ka sa pagmamash, Ms. Juwen. The cream cheese doesn't look soft," pagsasaway
ni chef sa katabi ko.

Narinig ko ang buntong hininga ng babae. She's struggling in mashing the cream
cheese kahit pa may gamit naman. Hindi pa rin nya nababati ang itlog.

Napansin ni chef na tapos na ako sa ginagawa at nakita ko ang pagngiti nya nang
mapansin ang gawa ko.

"Good job." He said. "Now, pour this mixture in this," bago itinuro ang crumb-lined
pan. "We'll bake it."

It touched my heart. I feel appreciated and validated. When did the last time I
heard someone telling me I did a good job? Malabong sa school dahil puro panlalait
lang ang naririnig ko roon.

Lumipas ang oras at dahil nakita ni chef na nahihirapan si Juwen, tinulungan nya na
ito dahil baka kulangin kami sa oras. Juwen looks embarrassed and sad with that.
Lahat kasi kami ay nakatapos na at kanya na lang ang hindi nakasalang sa oven.

Dahil lumipas na ang isang oras mula ng ilagay ko ang mixture sa oven, kinuha ko na
ito mula roon. Pinalamig ko muna bago tinanggal ito mula sa pan. I follow the
instructions of Chef Rolenz. I put frozen blueberries on top of the cake. I even
melt jelly and spoon it over the blueberries.

"Ang ganda ng gawa mo, Sol." Bati sa akin ni Jelay. Katatapos nya lang din gawin at
parehas naming pinalalamig ang blueberry cheesecake namin.

"Sana masarap din." Natatawang sagot ko.

She chuckled. "Ang hirap pala, no? Tuluan na ang pawis ko kahit may aircon.
Nakakapresurre si chef."

Tumango ako. "Buti nga at hindi ako nagkamali. Nung gumawa ako ng cheesecake dati,
hindi naman ganito ang procedure ko."

"Ampanget nga ng arrangement ng blueberries ko, e. Binasta ko na. Eh yung iyo


parang pwede nang ibenta."

Mahina kong hinampas ang braso nya. "Hindi bagay sayo mambola."

We waited until it's time for judgment. Dumating daw ang may-ari ng shop at sa
kanya ipatitikim ang gawa namin.

I am nervous. Parang hindi ko kayang ipatikim sa mga professional ang gawa ko kahit
pa alam kong sinunod ko nang maayos ang procedures.

Naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Jelay. Her hands were cold. Hinawakan ko lang
din sya at pabirong siniko.

"Okay lang yan, first timers, e."

Inilapag ang kaunting slice mula sa cake namin. Napansin kong medyo sunog ang gilid
ng kay Juwen habang hindi maayos ang pagkaka-arrange ng blueberries ni Jelay. Amin
naman ni Kiana ay maayos ang pagkakapresent.

"You did the same procedures and used the same ingredients but don't expect the
same outcome, okay?" mahinahong ani chef.
Tumango kami.

"You all did a great job. For first-timers, masasabi kong maalam na kayo. Alam nyo
kung paano gamitin ang utensils at maayos nyong nagawa ang cake!"

Napahinga kaming lahat nang malalim. It's a fun and worthy experience! Pag dumating
ang stipend ko ay gagawin ko ulit ito.

A woman wearing a black fitted dress tasted all our cakes. Ito siguro ang may-ari.

Nakita ko ang pagngiwi nya nang tikman ang kay Juwen. "It's kind of burnt..." she
trailed off. "But sweet."

Nung kay Kiana naman ang tikman, medyo napanguso sya. "The presentation is good
but...there's something missing. Pero sure ako na kaunting practice pa ay mape-
perfect mo ito."

I bit my lower lip when she tasted mine. I'm anticipating for her reaction...oh
dear. Kumunot ang noo nya kaya kinabahan ako. Muli siyang sumubo ng isa pang piraso
at lalong lumalim ang kunot ng noo nya.

Siniko ako ni Jelay. "Okay lang yan."

I sighed, still nervous.

"Who did this?" tanong nya.

"Ako po, Ma'am," nahihiyang sagot ko. It must've tasted bland!

"Do you want to work here?"

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. A-anong sabi nya?!

"Dear, your blueberry cheesecake is way better than Rolenz'."

Tumawa si chef sa akin at nagpakita ng approve sign.

Pakiramdam ko ay lumulutang ako habang naglalakad papasok sa building namin. Ma'am


Candy loves my cake! I can't believe I impressed her! Bitbit ko ito sa aking kamay
at handang handa nang ipatikim kina Duke. He will like it!

Habang paakyat ay nakita kong nagtutumpukan na naman sina Bela at Roswell kasama
ang ibang babae sa likod ng building. Ayan na naman, may inaaway na naman sila.

Lalagpas na sana ako nang marinig ko ang boses ni Roswell.

"Oh ano, Mitzie?! Bakit hindi mo masabing naghalikan nga kayo ni Duke?! Alam mong
gusto sya ni Sol pero nilandi mo pa rin?"

Napako ako sa aking kinatatayuan. Dinig ko ang pagbubuhos ng kung ano pero masyado
akong kinakabahan habang nag-aantay sa sagot nya. Is this it? Is she going to admit
they kissed?

Am I ready to hear this?

"Balita ko pa ay nagconfess na sayo si Duke at hindi ako natutuwa sa pagiging bait-


baitan mo!" sigaw ulit ni Roswell.
Parang ako ang binuhusan sa narinig. Is it true? Mitzie, please, I need answers. I
don't think I can spend another night thinking about the two of you.

Tumingin ako sa gawi nila at nagtama ang mata namin ni Roswell. Kita ko ang
nakadapa at basang basang Mitzie ngunit hindi ako kumibo. Gusto kong marinig ang
sagot mula sa babae. Gusto ba sya ni Duke? Did they kiss?

But I heard nothing. She still didn't say anything...and it angered me.

Hinigpitan ko ang kapit sa dala kong cake at imbes na puntahan si Mitzie para
tulungan, nagpatuloy ako sa pagtaas. Nabasa ko ang gulat sa mukha ni Roswell pero
wala na akong pakealam.

I'm happy just an hour ago, and now, I'm thinking of them again. They were hanging
on my head. The picture of them were stabbing my heart and before I knew it, I was
in front of Duke.

"What's that?" tanong nya habang nakatingin sa dala ko.

"Blueberry cheesecake," tipid na sagot ko. I felt like there's a hollow on my chest
while staring at him.

Do you really like her, Duke?

He smiled before getting it. Ako naman ay akmang maglalakad na patungo sa upuan ko
nang tawagin nya ako.

Lumingon ako sa kanya na sinisimulan nang kainin ang gawa ko.

"Nakita mo si Mitzie?"

I bit my lip and looked away with guilt crippling inside my system.

"Hindi, e."

Chapter 13

Hindi pa man ako tuluyang nakakarating sa upuan ko ay narinig ko na ang sigaw ni


Duke.

"Mitzie?! What happened to you?!"

Napatingin ako sa pintuan ng room namin at nakitang mapula ang pisngi ng basang-
basang si Mitzie. She looks like she encountered an accident. But, I know better.
She encountered an accident named Roswell.

And I let her.

"P-paabot ng bag ko, Duke..." nangangatal na saad nya sa lalaki.

Napapikit ako sa pagsibol ng pagsisisi sa puso ko. She's trembling in fear and
cold. Dahil sa selos, hindi ako makapaniwalang nagawa kong talikuran ang pagiging
magkaibigan namin.

Walang nakakapansin sa akin. Hindi ako nakagalaw para lapitan sya dahil sa guilt na
naramdaman ko. Nakatayo lang ako roon, nakatanaw sa kanya.
Duke stood up. Kita ko kung paano nya hinubad ang suot nyang hoodie at kung paano
nya ito inilapat sa likod ng babae. Nabasa ko ang aligaga sa mga kulay tsokolate
nyang mata. Nag-iigting ang panga at galit ang mukha. Dinala nya ang bag nito sa
kabilang kamay nya at walang salitang hinigit mula roon si Mitzie.

That's another punch for me.

Mabigat. Masakit.

Natural na reaksyon ba iyon ng kaibigan?

Inalala ko ang mga panahong ako ang nabubully pero wala akong maalalang hinayaan ko
ang sarili kong tratuhin ako nang ganoon. When I was slapped, Duke get mad at
Roswell and had her suspended. Will he do the same for Mitzie? Is this the common
denominator of friendship?

Napako ang tingin ko sa cake na dala ko. Yung pinaghirapan ko, yung pinuri ni Ma'am
Candy, yung nagustuhan ng mga kasama ko...

Gusto kong maiyak nang makitang ang slice na ibinigay ko kay Duke ay nasa sahig
na...nakatapon. Siguro'y nadali nya dahil sa pagmamadali kanina para matulungan si
Mitzie. It shouldn't be my concern right now but I felt discarded. I put my effort
and heart into it and now, the floor is tasting every bit of it.

"Huy yung kalat mo, Sol! Baka maabutan ni Sir!"

Right, kalat.

I took all my courage and swallow the pain I'm feeling. This is nothing. Duke is
just worried. He didn't intend to waste my effort.

Nilinis ko ang area kung saan nandoon ang "kalat". Winalis, pinunasan, tinuyo...
hanggang sa mawala yung bakas ng kalat.

Umupo ako sa pwesto ko matapos ang nangyari. Dumating ang prof namin ngunit hindi
na nakabalik ang dalawa. Troy happened to be on the campus director's office, hindi
ko alam kung bakit. Hanggang sa natapos ang klase namin ay hindi na bumalik sina
Duke at Mitzie.

Nang dismissal, nagtext sa akin ang lalaki.

Duke Panget:
Hindi ako sasabay pauwi. Ingat ka.

I smiled bitterly. At least, sinabihan nya akong mag-ingat.

Lumabas ako ng campus at nag-antay ng tricycle para makauwi. Maraming estudyante


ang naroon kaya mahirap makasakay. Kung magji-jeep ako, kailangan ko pang maglakad
papasok sa barangay namin. Ang dami pa namang manyak doon kapag pagabi.

Nag-antay ako nang mahigit dalawampung minuto ngunit punuan talaga ang tricycle.
Ang hirap pa dahil mag-isa lang ako kaya walang nagsasakay sa akin.

At dahil may sumpa ata ako ngayong araw, bumuhos pa ang ulan. Malalaki ang patak
non kaya tinakpan ko ang ulo ko at naghanap ng masisilungan na shed. Medyo masikip
na roon pero nakisiksik ako dahil ayaw ko ring mabasa. Bitbit ko ang cake na parte
ni Nanay. Mabuti nga ay hindi natapon ni Duke ang buong cake.

"Nakakainis, si Duke ang may payong, e..." bulong ko sa sarili habang tinutuyo ang
sarili gamit ang panyo.

"Sol?" narinig kong tawag sa akin ng kung sino mula sa likod ko.

Lumingon ako sa kanya at nakitang naroon si Harvin.

"Sol!" aniya nang makumpirmang ako nga iyon.

Ano naman kayang ginagawa nya sa tapat ng school namin samantalang hindi naman sya
taga-rito?

"Nice one, Harvin!" asaran ng mga kasama namin sa shed.

Tiningnan ko sila isa isa at doon ko lang napagtanto na hindi ko pala schoolmate
ang mga nasa shed. Mula sila sa SEU! Iba ang suot nilang uniporme kaya mabilis ko
rin na-distinguish iyon.

Ang ilan sa kanila ay nginitian ako kaya ngumiti rin ako nang maliit. Ang mga tropa
naman ni Harvin ay nagsisikuhan habang halatang pinag-uusapan ako.

"Pauwi ka na?" tanong ni Harvin. Nakalaglag ang buhok nya ngayon at nakasuot ng
uniform ng tourism kaya mukha syang mabait.

"Obviously, Harvin."

"Patay ka, bro!" pang-aasar ng isa sa mga tropa nya. "Kita mong nag-aantay ng
masasakyan, itatanong mo pa!

Nagtatawanan sila habang inaasar si Harvin na nakatingin lang sa akin. He ignored


his friends' teases. He's just looking at me while grinning.

Inirapan ko sya at tumingin na lang sa harap. The skies are so mad. Patuloy ang
pag-ulan at kada minuto ay lumalakas ito nang lumalakas.

I sighed. Mukhang matatagalan ako pag-uwi. If only Duke is here, siguro ay kanina
pa ako nasa bahay at tumutulong kay Nanay maglaba.

I felt Harvin's presence beside me. "Matagal pa yan."

Tiningnan ko sya at nakitang nasa ulan din ang tingin nya. Bahagyang inilagay ko sa
likod ko ang box dahil naaampyasan ito ng ulan.

"Harv, sa Centro muna kami, sasama ka ba?" narinig kong tanong ng isang tropa nya.

Malapit nang kaunti rito ang Centro, isang club, pero mukhang makakarating naman
sila nang ligtas don dahil dumating na yata yung inaantay nilang sasakyan.

"Pass muna, bro!" sigaw ni Harvin bago tanguan ang mga lalaki.

Ngumiti sila nang nakakaloko sa lalaki at tuluyang sumakay sa van. Iniiwas ko ang
tingin at pinanood na lang ang pagbagsak ng ulan habang iniisip ang nangyari
ngayong araw. Pwede pala yon, no? Masaya ka pero malungkot din.

"Gawa mo ba yan?"

"Ha?" tanong ko sa kanya.

He chuckled. "Yang nasa box, gawa mo?"


Marahan akong tumango at lalo itong itinago sa likod ko. Lumalakas ang ulan at wala
talaga kaming masakyan. Hindi ako pwedeng sumakay ng jeep dahil wala akong payong
paglalakad sa amin. Wala namang tricycle na dumadaan dahil halos lahat ng nasa
parada kanina ay may inihahatid na.

"Okay ka lang bang tumakbo, Sol?"

I glanced at him, confused. "Sinasabi mo?"

"Nasa Delights ang kotse ko."

"Gago? Bakit hindi ka pa umuuwi? May sasakyan ka naman pala!"

He shrugged before grinning. May isang patak ng ulan ang nagpadulas sa matangos
nyang ilong kaya bahagya nya iyong pinunasan.

"Centro dapat kami, e," sagot nya. "Kaso nakita kita."

I tsked.

"Arte mo."

"Nakakaawa naman kung iiwan kita rito, diba? Baka sabihin mo wala akong kwentang
kaibigan."

I looked at him with disgust. "We're not friends!"

"Hindi pa ako ready na maging more than friends tayo, Sol. Makuntento ka muna."
After saying that, he smirked.

Inirapan ko ang panlalandi nya ngunit narinig ko lang ang mahina nyang pagtawa.

"Sungit mo talaga." Muli syang tumawa. "Oh ano? Takbo tayo?"

Tiningnan ko ang ulan at alam kong matatagalan pa ang pagtila nito. Isa pa, medyo
malamig na ang hangin dahil Disyembre na.

Napabuntong-hininga ako. Kung nandito lang si Duke, ibinigay na nya sa akin ang
hoodie nya para hindi ako lamigin. Alam nya kasing mabilis akong lamigin. But
today, he lends his hoodie to someone who isn't me.

"You can trust me, Sol," ani Harvin nang hindi ako makasagot.

I sighed before squinting suspiciously at him. He then raised his arms as if he's
surrendering to the police.

"I know martial arts."

Napangiti sya nang malaki sa sagot ko.

Ganon na lang ang gulat ko nang tanggalin nya ang bag nya at inilagay iyon sa ulo
ko bago ako hawakan sa braso. He dragged me and now, we're under the rain, running!

He's smiling widely while drops of rain wander around his face. Niyakap ko ang box
sa dalawa kong kamay dahil hawak nya naman ang bag na nasa ulo ko.

"Harvin!" tili ko dahil hindi ko inasahan na malayo-layo pala ang Delights sa shed.

Basang-basa na kami ng ulan pero dahil nakita ko ang pagtawa nya, hindi ko alam
pero nahawa ako. I removed his bag in my head and let myself soak in the rain.

We're still running free, like children enjoying the rain. I know in myself that
I'm smiling as if the sadness I'm feeling will go down with the rain.

"Mukha ka nang bruha!" sigaw ni Harvin. "Kumalat na ang mascara mo!"

I laughed with him and I saw amusement passed through his eyes. "Ayos lang yan,
maganda pa rin ako!"

"Yeah..."

We ran until we reach the cafe. Sumilong kami sa receiving area nito habang
binabawi ang paghinga. I'm smiling. I can't believe that made me happy.

"Looks like you had fun, Sol." He uttered.

Napalingon ako sa kanya, may maliit na ngiti sa labi. "Yes!" masayang saad ko. "We
should've done it longer!"

He smiled while shaking his head. "Baka magkasakit ka pa." He paused. "Teka at
kukunin ko na ang kotse."

He left me there while I'm drying myself with my handkerchief. Kinuha ko ang
cellphone at nakita ang repleksyon ko mula rito. Tama si Harvin, kumalat nga ang
mascara ko.

I removed it with my handkerchief until I noticed Harvin, waving at me.

Kinuha ko ang gamit ko at sumakay sa lancer nya.

"That's tiring!" I said. Pinagpatuloy ko ang pagtatanggal ng mascara sa ilalim ng


mata ko pero may naiwan pa ring bakas doon. Mukha tuloy akong panda!

"Magpalit ka agad ng damit pagkauwi mo, Sol." He uttered while driving.

I nodded. "I know."

Tumigil kami dahil sa traffic. Alas siete na nang gabi at paniguradong nagtataka na
si Nanay kung bakit wala pa ako sa bahay.

"Sa Camp Clark ako."

Tumingin sya sa akin kaya napatingin din ako sa kanya. Unlike Duke's brown eyes,
his were pitch black. His hair is in a clean cut now but you cannot deny its
thickness, na kahit basa ay makapal pa rin. He's also a bit whiter than Duke but I
guess an inch smaller than him. Ang lahing Australyano ni Duke ang dahilan kung
bakit matangkad sya.

"You look beautiful even without make up, Sol."

He's handsome. I'm not gonna lie.

But... he can't make me blush. He can't make my heart thump in love. He doesn't
affect me the way that guy does.

I rolled my eyes and look in front of me. "Alam ko, Harvin. Wag mong masyadong
ipahalatang patay na patay ka sa akin."
He laughed and started driving again. Sinasabayan nya ang kanta sa stereo at
masasabi kong maganda rin ang boses nya. Nakatingin lang ako sa dinadaanan namin
habang tahimik na nakikinig sa kanya.

"Why don't you tell me where it hurts now, baby? And I'll do my best to make it
better. Yes, I'll do my best to make those tears all go away..." kanta nya. "Just
tell me where it hurts now, te-si Mitz ba iyon?"

Napatingin ako sa kanya. Napatigil sya sa pagkanta dahil sa sinabi kaya sinundan ko
ang tinitingnan nya.

There I saw Mitzie. Nasa sari-sari store sya habang kumakain ng biscuit. Bahagyang
bumagal ang pagpapatakbo ni Harvin hanggang sa tuluyan kaming tumigil.

"She's not eating proper meals again." He uttered. Parehas kaming nakatingin sa
babae. Nakapambahay lang sya at sa ayos nya ay nakaramdam ako ng awa.

Muling tumubo ang guilt sa akin. Mitzie is nothing but a good friend. She's vocal
about her feelings for Kuya Sean yet I doubted her.

Is she having troubles with her family? Bakit hindi pa ito umuuwi at bakit sa
tindahan sya naghahapunan? I want to invite her over our house!

"Bababain ko lang," ani Harvin pero pinigilan ko sya.

"Sasama ako."

Naghanap sya ng mapaparadahan ng sasakyan bago kami bumaba. Naglakad kami patungo
kay Mitzie na hindi napapansin ang presensya namin.

We were so close to her direction when a man who's still in his uniform came
rushing over her. May dala itong tupperware at malaking tumbler. Ibinigay nya iyon
sa babae bago bahagyang pinagalitan ito.

Tumigil kami sa paglalakad at pinanood ang dalawa.

I know he's scolding her because I know that look. He's concern. Pinasadahan nya ng
kamay ang may kahabaang buhok bago kinagat ang pang-ibabang labi. Lumitaw ang
dimples nya. His eyes were focused on Mitzie as if pressuring her to eat.

"Your friend..." ani Harvin.

I felt his stare but my gaze were drawn to them. Hindi ko maalis ang tingin sa
kanilang dalawa. Habang tinitingnan sila, doon ko napansin na hinubad lang pala ni
Mitzie ang hoodie ni Duke. I don't know for how long did I stare at them, clenching
in pain.

The wind blows and I immediately felt the cold breeze hugging my body.

Doon ko lang napagtanto na basa pala ako.

I smiled bitterly before looking at Harvin. His face is serious but I saw a glimpse
of shock when he saw a tear fell from my eye. Mabilis ang ginawa kong pagpahid doon
at marahang ngumiti sa kanya.

"T-take me anywhere, Harv..." my lips were trembling. One move and I know I'm going
to breakdown.

He went near me and enveloped me in his arms. He gently pushed my head towards his
chest.

"Cry."

I did. Under the moon, with the disturbing sound of vehicles, inside Harvin's arms,
I wept.

Mabagal syang naglakad habang itinatago pa rin ang mukha ko sa dibdib nya. And
that's what I need right now. Something to stop me from looking back...

"Do you want to go home?"

It is a reckless decision but I shook my head.

Chapter 14

"Nay..."

"Anak?! Sol?! Alas dies na! Nasaan ka na?!" Punong-puno ng pag-aalala ang tinig
nya.

Napabuntong-hininga ako. "Nay, nasa bahay ako ng kaibigan ko. Dito po ako
matutulog."

"Sinong kaibigan yan? Si Mitzie ba? Si Duke? Si Troy?!" sunod sunod na tanong nya.

I gulped. "Si...M-mitzie, Nay." Nakagat ko ang pang-ibabang labi.

"Bakit hindi ka nagtext agad?" saway nya sa akin. "Ang lakas pa naman ng ulan!
Akala ko ay napaano ka."

"Wala bang tulo ang yero, Nay? Ayos ka lang ba dyan?"

She sighed. "Ayos lang ako rito, Sol. Ikaw ang inaalala ko."

"Ayos lang ako, Nay..." I trailed off. "Sige na, matutulog na kami. Mag-iingat ka
dyan. I-lock mo ang mga pinto nang maayos."

I heard her sigh. "Ikaw din, Sol. Mag-iingat kayo dyan."

Nang ibaba nya ang tawag ay saka lang ako nakahinga nang ayos. Ayokong umuwi sa
bahay nang pugto ang mga mata ko dahil sigurado akong magtatanong lang si Nanay. I
lied to her, obviously. I'm at Harvin's condo and he offers me some clothes.

I'm now in my right mind but I don't have the heart to back down. Kahit hindi ko
lubos na kilala ang lalaki, I don't know why I feel like he's harmless.

Napailing ako. I can't believe I cried in front of him. He's almost a stranger! I
just show him my weakness! But again, Harvin seems okay and... trustworthy.

Mag-isa si Nanay sa bahay at hindi ko maalis ang pag-aalala sa isip ko kahit ligtas
naman ang barangay namin. Bakit ko ba kasi hinayaan syang mag-isa roon? Ni hindi pa
ako nakapagtext dahil sa kaiiyak!

"Sol, are you okay?"

Napabaling ang atensyon ko kay Harvin. Gaya ko ay nakapamalit na rin sya ng sweat
pants at malaking tshirt. Nakalugay na ang mahaba kong buhok at bahagyang
pinatutuyo ito.

My eyes are puffy. Sigurado akong mahahalata ito bukas dahil mahapdi pa rin ito
kahit tumahan na ako.

I nodded. "Salamat, Harv."

He just smiled. "Told you, I'm kind!" biro nya bago ako tabihan sa couch nya.

We were facing the big glass window and the crescent moon is shining so brightly.
The stars aren't visible but the radiance of moon was enough to light up the sky.
It is so serene and calming. The raindrops from the window made it a bit blurry...
or maybe, it's just my tears, trying to cloud my view of the perfect moon.

"Nagluto ako." Harvin suddenly uttered. "Just in case you want to eat."

I smiled a little and shook my head. I appreciate him and his ways to comfort me.
He even let me stay with him to think that we barely know each other.

"Thank you, Harvin," tanging nasabi ko.

Parang may nakadagan na kung ano sa puso ko habang inaalala ang nakita. Duke didn't
go home with me to stay with Mitzie. He didn't mind if I'm soaking wet because his
mind is focused on her.

I thought the rain would help me wash away the remnants of pain. Ngunit kahit
ilubog ko sila sa kailaliman ng utak ko, lumilitaw at lumilitaw pa rin ang mga ito.

Hinayaan ko na lang tuloy. Inisip ko na lang nang inisip habang bitbit ang
pangakong bukas ay hindi ko na ulit ito babalikan at iiyakan.

"Kape tayo."

Sumulyap ako kay Harvin at marahang tumango. Siguro dahil sa katahimikan ay


nabibingi sya.

Ngumiti sya sa akin bago tumayo. Nagtungo sya sa kusina kaya muli kong binalingan
ng tingin ang malaking bintana. Kanina ay hindi na rin naman ako nagulat nang
malaman kong may condo ang lalaki. South East University is one of the most
prestigious schools in the country and only rich people can afford it.

His condo is a modern style one. It has minimal interior and the furnitures were
designed in accordance with his manly features. It's perfect for him.

Ipinatong nya ang kape sa center table at agad kong naamoy ang aroma nito.

Habang umiinom kami ay parehas kaming nakatanaw sa buwan. Hindi ko alam kung anong
tumatakbo sa isip nya dahil hindi rin naman sya nagtatanong.

"Do you hate Mitzie?"

Napaso ang dila ko dahil sa pagkabigla. Dali-dali kong ipinatong ang kape sa center
table at malakas na hinampas sya sa balikat.

"How can I hate her?!" tanong ko sa kanya.

He shrugged. Ni hindi pinansin ang hampas ko.


"Because you love...him?"

I sighed and felt the lump on my throat. "Hindi magbabago 'yong pagmamahal ko sa
kanya dahil lang may gusto syang iba, Harv."

Nakatitig sya sa akin, parang binabasa ako. "He's an ass for wasting a woman like
you."

Muli akong napahinga nang malalim sa sinabi nya.

Harv, just because he likes Mitzie doesn't mean he's wasting me. My love for him
isn't shallow, gusto ko sanang sabihin.

"Ayos lang, hindi nya naman kasalanan," tanging nasabi ko.

"Ha?"

Tumawa ako nang mahina. "Hindi nya kasalanan na kamahal-mahal ang lahat sa kanya."

I sighed as I remember the way Duke sniffs my hair, the way he holds my hand in
place, the way he caressed my cheeks as tears stream down my face and the way his
embrace made me feel at home.

I showed Duke my darkness but he didn't hide. Instead, he danced with my loud
demons and hugged my shadows as if they were his.

"Hindi nya kasalanan na 'yung bawat piraso ng puso ko, sya yung pinili," patuloy
ko.

"Sol..." his voice was dripping with concern but I managed to shook my head.

"Hindi nya kasalanan na kaya nyang yakapin ang lahat sa akin."

Tumulo ang luha ko.

Isa.

Dalawa.

Hanggang sa naging sunod-sunod na ito.

Tumawa ako bago pinalis ang mga ito. Mukha na siguro akong tanga sa harap nya.

"Hush." He uttered. "It's okay, Sol... it's okay."

Umiling ako bago bigyan sya ng tipid na ngiti. "Kaya ayos lang." I paused. "Hindi
nya lalo kasalanang hindi... ako."

Hindi ko alam kung anong oras kami natulog ni Harvin. I told him I'll sleep on the
couch but he dragged me to his room and let me sleep there. Kumportable ako sa kama
nya kaya kahit mahapdi ang mga mata, nagawa kong makapagpahinga.

Kinabukasan ay nauna akong magising sa kanya. Kinuha ko ang cake sa ref at hinati
ito para mag-iwan ng para sa umagahan nya.

'Thank you, Harv. I appreciate you.'

Iniwan ko ang note na iyon sa ref nya bago nagbihis ng nilabhan at pinatuyo kong
uniform kagabi. Inilagay ko sa isang paper bag ang damit nya para madala ko ito
pauwi at malabhan.

Hanggang makalabas ako ng condo nya ay hindi sya nagising. Hindi ko alam kung wala
syang klase o ano pero dahil siguro sa puyat at pagod ay bumabawi sya sa tulog.
Nakaabala pa ako sa ginawa kong iyon.

"Nay?"

"Nasa likod ako, Sol!"

Napangiti ako sa pamilyar na sagot. Mamaya pa ang klase namin at may oras pa para
tulungan ko si Nanay na maglaba. Ibinaba ko ang gamit at nagbihis ng pambahay bago
umupo sa harap nya.

"Good morning sa maganda kong nanay," masayang bati ko.

Matapos ang pag-iyak magdamag, parang gumaan ang pakiramdam ko. Masakit pa rin pero
siguro, kaya na.

Hindi sya sumagot kaya napatingin ako sa kanya. She's looking at me with her
concern eyes.

"Ayos ka lang ba, anak?"

My lips quivered. Her voice is soothing me, making me want to cry and hide. She's
making me realize that there's more tears I can shed.

Without uttering anything, she went beside me and hugged me tightly.

That's when I realize that no one's gonna love me the same way she does.

Hindi ako pumasok nung araw na iyon kahit may dalawa akong major subject.
Pinagpahinga lang ako ni Nanay sa kwarto ko dahil may sinat daw ako. Hindi naman
big deal iyon sa akin dahil gusto ko ring umiwas muna sa lahat. Kahit isang araw
lang.

Hawak ko ang aking cellphone kaya naramdaman ko agad nang may mag-text sa akin.

Harvin:
Ang sarap ng cake mo grabe ipaggawa mo ulit ako nito!!!!

Ngumiti ako sa nabasa. Hindi na ako nakasagot dahil may nagtext ulit sa akin.

Troy Asungot:
bebe bakit ka absent ????

Napairap ako sa text nya pero napangiti rin. Kumirot ang ulo ko at bahagyang sinapo
ito.

Me: ayaw kitang makita

Troy Asungot:
osya shift ka na

Me:
sana magkapantal ka sa bayag

Troy Asungot:
okay lang, ipapakamot ko kay crush
Napanguso ako at gusto na syang tirisin mula sa cellphone. Basta talaga asaran ay
hindi ako nananalo sa lalaking to!

Me:
asan si duke

Natagalan bago sya nagreply kaya medyo nagtaka ako. Kanina lang ay diretso naman
ang text namin ah? Lunch time naman kaya sigurado akong walang klase.

Troy Asungot:
legit nga? may lagnat ka?

Napakunot ang noo ko. Paano naman nya nalaman? Wala naman akong pinagsabihan sa
school.

Me:
mej lang, naulanan kahapon e

Troy Asungot:
ah ganon

Troy Asungot:
deserve mo

Me:
tangina mo!!!

Kahit sa text lang ay naririnig ko ang pagtawa nya. Ibinaba ko ang cellphone at
humiga sa kama ko. Mukhang tama nga si Nanay na may sinat ako dahil bumigat ang
pakiramdam ko.

I closed my eyes and try to rest. Ni hindi man lang ako nagawang itext ni Duke.
Maybe he's busy again with Mitzie. Baka inaalo nya pa rin ang babae.

With those bothering thoughts, I managed to sleep.

Nagising na lang ako nang maramdamang may nagpupunas sa mukha ko ng malamig na


twalya. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at inasahan nang makita si Nanay
ngunit para akong niloloko ng sarili ko dahil si Duke ang nakita ko.

Masakit ang ulo ko at medyo nagdidilim pa ang paningin kaya muling ipinikit ang
mata. There's no way he's here. May klase pa kami panigurado.

Nang medyo nakabawi ay muli akong nagmulat ng mata at talagang si Duke ang nakikita
ko!

"D-Duke?" mahinang tanong ko dahil wala akong lakas.

Inilagay nya ang bimpo sa noo ko. "Rest, Solene. I will stay here."

"Duke!"

Napaupo ako dahil napagtanto ko talagang si Duke ang nasa harapan ko. Agad ang
pagkirot ng ulo ko at pagdidilim ng paningin sa ginawa kong iyon.

"Sol!" saway nya sa akin bago ako alalayan pahiga. Muli nyang inilagay ang bimpo sa
noo ko.
"Bakit ka nandito?" tanong ko sa mahinang boses. "M-may klase pa, ah..."

"I ditched the class." He said. "Just rest, please?"

"Para ka namang gago, e. Lagnat lang naman 'to! Hindi mo kailangang umabsent.
Parang tanga."

"Sinong mag-aalaga sayo rito, kung ganoon, ha?" he sighed. "Hindi makaalis si Tita
para bumili ng gamot kasi hindi ka kayang iwan."

Napahinga ako nang malalim. Nakaupo lang sya sa kama ko habang nakahiga ako.
Nakatingin sya sa akin at ganoon din ako sa kanya.

"Inutusan ka ba ni nanay?"

I saw him shake his head. "I came here voluntarily, Sol."

Funny how his simple words sent warmth in my heart. It felt so familiar and
nostalgic.

Duke, bakit kasi hindi ako?

"Hindi ka raw umuwi kahapon."

I gulped and didn't answer. I just listened to him. Ipinikit ko ang mga mata habang
dinadama ang kamay nyang hinahaplos ang kamay ko. It's soothing me even better than
the medicine.

"Saan ka natulog kagabi?" tanong nya gamit ang seryosong tinig.

Kung normal na araw ay kakabahan na ako roon pero hindi ko alam kung bakit
napangiti pa ako. He's still the same Duke. He still cares for me.

"Alam kong hindi ka kina Mitzie nag-stay."

Syempre alam mo talaga yon. Kasama mo sya kagabi eh, hindi ba? Ni hindi mo nga ako
naitext kung nakauwi ba ako nang maayos.

Mabuti na lang at nakapikit ako dahil ayokong mabasa nya sa mata ko ang sakit.

"D-Duke..." my voice slightly cracked. "Sa condo ni Harvin ako natulog." I


confessed.

Tumigil ang paghaplos nya sa kamay ko at naramdaman ko ang paninigas nya. Dahan-
dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad na nagtama ang paningin namin.

I faked a smile and squeezed his hand. "Naligo ako sa ulan kahapon," kwento ko
habang bahagyang nanginginig ang boses. "Pangarap ko lang yon nung bata ako, diba?"
mahina akong tumawa bago napailing.

"Naligo ako sa ulan kasama si Harvin."

Kitang-kita ng dalawa kong mata ang pagdaan ng sakit sa mata nya.

I looked away. "Hindi nya ibinigay iyong hoodie nya sa akin dahil bukod sa wala
naman syang suot na ganon, hindi nya alam na lamigin ako."

Wala pa rin syang sinasabi.


Kinagat ko ang labi ko. "S-sabi ni Harvin..." I paused and took a deep breathe.
"Masarap daw yung c-cake ko..."

"S-sol..." his voice is shaking. He leaned towards me and rest his head on my
shoulder. "Solene..."

Nagtubig ang mata ko habang inaalala yung cake na nasa sahig katapat ng upuan nya.
Na habang lahat pinuri yung gawa ko, para sa kanya, naging kalat lang.

"A-ayos lang 'yon!"

Umiling sya. "S-sorry." Dinig na dinig ko ang pagsisisi sa boses nya pero hinawakan
ko lang ang dalawa nyang braso at itinulak palayo sa akin.

There's a hint of tears in his eyes and that made me want to strangle myself. No,
Duke, don't cry for me.

"Ayos lang ako, Duke." I assured him. "Harvin sings songs for me," pagkukwento ko.
"Ipinagtimpla nya pa akong kape kahit hot chocolate lang ang iniinom ko," dagdag ko
pa.

Umiling nang umiling si Duke. Regret and pain were visible in his eyes. He wants me
to stop telling stories but I have more to say.

"H-hindi kasi ako nakasakay kahapon sa tricycle dahil walang gustong magsakay sa
akin," tumawa ako nang mahina. "Ayaw magsakay ng isa, eh ang ganda ko naman."

He holds my hand and brings it closer to his lips. Hinalikan nya iyon nang paulit-
ulit habang nakapikit.

"Sol..." he pleads. "I'm sorry, Sol." Hinalikan nya ulit ito. "Sorry..." Paulit-
ulit ang paghingi nya ng tawad sa akin. Hindi ko alam kung para saan dahil totoong
ayos lang naman.

"Bakit ka ba nagsosorry?" tanong ko. "Naiintindihan kita, Duke."

He didn't answer.

"Wala akong pakealam kahit magkasakit ako basta maramdaman ko lang uli yung saya ko
kahapon..." This time, I smiled genuinely. Totoong masaya ako sa ilalim ng ulan,
buradong make-up, magulong buhok, basa... lahat.

He looked at me and I stared back at him. His eyes were still pleading and
regretful but I assured him with a smile.

"Be happy for me, ha?" I said.

He shook his head. "B-bakit? A-anong ibig mong sabihin, Sol?"

"Na-realize ko lang... baka sobrang nakadepende na ako sayo." I smiled. "Tapos


kagabi, napagtanto kong kaya ko naman pala kahit hindi kita kasama."

Tumulo ang luha sa mga mata nya kaya nag-iwas ako ng tingin. I don't want to see
it. I don't want it to be my hope again. Kailangan ko nang patayin ang kandila ng
pag-asa na nagsasabing pwede kami.

"Hindi naman kita iiwan, Duke." I managed to say. "Pero ayaw na kitang ikulong sa
akin."
Napatawa ako kahit na sobrang sakit ng dibdib ko.

This is my indirect confession, Duke.

"Hindi mo ako kargo kaya wag kang mag-alala. Do what you want, Duke. Hindi na kita
haharangan."

Hindi kita guguluhin. Hindi ko nga lang maipapangakong hindi ako masasaktan.

Chapter 15

Dahil Christmas break, I've decided to work at Sweets and Treats. Pinayagan din ako
ni Nanay na magtrabaho dahil ilang beses ko syang pinilit.

I got hired immediately dahil nakilala ako ni Ma'am Candy. Imbes na sa cashier lang
ako at sa assistance, minsan ay hinahayaan nila akong magbake. And it made me so
happy.

"Good morning, Sir. What's your order?" magalang na tanong ko sa lalaking nasa
harap ko. Tumingin sya sa menu sa taas at bahagyang binasa iyon.

"Chocolate chip cookie and..." he trailed off. "Iced americano."

Ngumiti ako bago marahang tumango sa kanya. I get his orders and went back to him
quickly.

It's a normal day for me. Maya't maya ang pasok ng customers kaya kahit nangangalay
na kangingiti ay ngumingiti pa rin ako. I told Jelay, Juwen and Kiana that I
started working here and they're all jealous of me! Isang araw daw ay pupunta sila
para bumisita.

Kasama ko si Ate Sab at ang dalawang pastry chef namin. Chef Rolenz filed a leave
until December 26 and it's a week from now. Sarado ang shop namin sa 24 at 25 dahil
noche buena at pasko. Ma'am Candy wants us to celebrate the holiday with our loved
ones.

"Saan ka sa pasko?" si Ate Sab habang nakaupo kami. Wala na masyadong customer.

Nagkibit balikat ako. "Baka sa bahay lang, Ate."

"Wala ka bang boyfriend?" biglang tanong nya.

I laughed. "Wala!"

Agad ding humupa ang tawa ko nang maalala si Duke. Ang pag-uusap namin nung
nilalagnat ako ang naging huling seryosong usap namin. Sa school, nag-aasaran pa
rin kami na parang walang nangyari.

But I know the truth.

That night, our perfect friendship had a crack.

Sabay pa rin kaming umuuwi lagi at pumapasok pero hindi na kami masyadong nag-
uusap. Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin noon dahil tahimik lang din naman
sya.

Wala nang akbay, hawak sa kamay, halik sa buhok at higa sa balikat. It just went
away... with the cold breeze of December.

Hindi ako bato. Minsan ay sinusubukan nyang kausapin ako nang kaswal lang at
pabirong nilalaro ang daliri ko. Ngunit alam kong napapansin nyang iniilag ko ang
kamay ko tuwing gagawin nya iyon.

Gusto kong maging kagaya ni Nanay na kapag ayaw na, ayaw na.

"Solene Clemente!"

Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses at narinig ang bahagyang pagtawa ni Ate


Sab.

"Ayan naman pala ang boyfriend mo, e."

Inirapan ko ang papalapit na Harvin sa pwesto namin bago tingnan si Ate Sab.

"Hindi ko boyfriend yan!"

She just looked at Harvin nang tuluyan itong makalapit sa amin. "Harvin, hindi ka
raw nya boyfriend."

Umupo ang lalaki sa tabi ko at inakbayan ang silyang inuupuan ko.

"Idinedeny na naman ang relasyon natin, babe?! Sinasaktan mo na ako!"

Pabiro kong hinampas ang tyan nya. "Umalis ka rito at nagtatrabaho ako!"

"Wow, paalisin mo ako sa shop ni Mommy? Isusumbong kita!"

Umiling si Ate Sab habang nakatingin sa aming dalawa. May maliit na ngiti sa labi
nya habang pinapanood kami.

"Galing-galingan mong manligaw, Harvin, at hindi pumapalag yan," tanging nasabi


nya.

The guy chuckled. "Hindi ko na kailangang manligaw dahil walang hindi rurupok sa
akin, Ate."

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Kadiri ka."

Pumasok ang ilang customers kaya tumayo kami ni Ate Sab. Pumunta ako sa counter
para kunin ang orders nila. Si Harvin naman ay pinapanood lang ako at minsan ay
pinagtatawanan dahil nakangiti ako.

"Ganda mo," he mouthed then winked at me.

Inirapan ko lang sya bago napatawa. Shortly after the rain incident, we became
friends. Samahan pa na anak pala sya ni Ma'am Candy kaya kahit ngayong bakasyon ay
nangungulit pa rin sya sa akin. He knows my feelings for Duke but he never asked me
again. Parang naputol ang usapan namin nung gabing natulog ako sa condo nya.

Nakita kong umilaw ang cellphone ko at nakitang may nagchat sa gc ng section namin.

Joshua: Bukas ang Christmas party natin. Sa school muna tayo magkita-kita para
sabay-sabay na tayong pumunta sa resort. 6 pm.
Napanguso ako at napaisip. Wala akong planong sumama dahil wala naman akong kaclose
na mga kaklase maliban sa tatlo tapos hindi pa ako sigurado kung sasama ba sila.
Ang out ko naman sa shop ay 4pm kaya may oras pa ako kung sasama ako.

Muling umilaw ang cellphone ko at nakita ang maliit na bilog na profile picture ni
Duke. Agad kong iwinaksi ang kabang naramdaman.

Duke Laurence Sanders: Baho, sama tayo. Puntahan kita bukas sa inyo.

I typed a reply.

Me: di ko sure

Napatingin ako kay Harvin nang malakas itong umubo. Sinamaan ko sya ng tingin dahil
nang-aasar ang tingin nya sa akin.

"Wag pong magselpon!" aniya ngunit inirapan ko lang.

Duke Laurence Sanders: Beach resort yung pupuntahan. Mauna tayo sa venue para
maabutan natin yung sunset.

Me: ha? sa school daw muna ah

Duke Laurence Sanders: You like sunsets. Ako ang bahala.

Hindi nila alam na nagtatrabaho ako. Dalawang linggo pa lang din naman kasi ako
rito.

Nang matapos ang trabaho ko sa araw na yon, nasa shop pa rin si Harvin at kumakain
ng brownies. Nabubwiset na nga sa kanya si Ma'am Candy dahil hindi naman ito
nagbabayad ng kinakain nya.

Inalis ko ang apron sa leeg at inilugay ang buhok. Kumulot ang dulo nito dahil sa
pagkakatali. Nag-ayos lang ako sandali bago nagpaalam sa kanila.

"Ma'am, Ate Sab... uuna na po ako."

Napatingin sa akin si Ma'am Candy bago sya naglakad patungo sa counter at kumuha ng
mga ilang piraso ng donut.

"Give this to your mom, dear." Aniya nang makalapit sa akin.

I shook my head and waved both my hands. "Hindi na po kailangan, Ma'am!"

She smiled before holding my hand. Inilagay nya roon ang pack. "I insist. Gawa mo
naman iyan. Ipatikim mo sa mom mo, okay?"

Sasagot na sana ako nang marinig ang tikhim ni Harvin.

"May favoritism ka, Mommy."

Tinawanan namin sya ni Ate Sab dahil sa pagnguso nya. Lumapit naman si Ma'am Candy
sa kanya at bahagyang kinurot sa gilid.

I smiled before thanking Ma'am Candy.

Lumabas ako ng shop at nag-inat dahil sa natapos na trabaho.

"Sol!"
Napairap ako sa narinig. Binalingan ko sya at sinamaan ng tingin. "Wag mo akong
abalahin."

Ngumiti sya nang nakakaloko. "Ihahatid na kita."

"Hatid lang?" paninigurado ko habang pinanliliitan sya ng mata.

"Oo, wala pa akong allowance ulit. Hindi kita maida-date."

Tinawanan kolang sya. Kinuha nya ang sasakyan at ipinarada iyon sa tapat ng shop.
Sumakay agad ako dahil baka magbago pa ang isip nya. Sayang din ang pamasahe.

"Marami ka nang utang na gas, ha?" pang-aasar nya pa sa akin.

Binigwasan ko sya. "Sana hinayaan mona lang akong mag-jeep!"

He laughed. "Hindi ko kayang makitang hindi kaligtas habang pwede naman kitang
ihatid."

"Mama mo," tanging nasabi ko.

"Boss mo," ganti nya.

Hanggang makarating kami sa bahay ay inaasar nya lang ako. Tinanggal ko ang
seatbelt ko at inayos ang sarili.

"Bumaba ka na, aba. Inaantay mo bang pagbuksan pa kita ng pinto?"

Inirapan ko sya. "Tangina, teka lang."

Muli syang tumawa nang malakas bago bumaba sa kotse at umikot patungo sa pwesto ko.
Napasimangot ako dahil yumuko pa ito na akala mo ay prinsesa ang pinagbubuksan.

"See you tomorrow, Your Highness."

Tinadyakan ko sya kaya napatuwid sya ng tayo. Tumawa ulit sya habang nakatingin sa
akin na nanlilisik ang mga mata.

Umayos ako ng tayo. "Salamat, alipin." I uttered with formality.

He tsked. "Bake mo akong blueberry cheesecake bukas. Bayad mo na yon sa akin."

"Depende sa mood ko."

Nakita kong sumeryoso ang mukha nya at tinitigan ako. Oh, anong nangyari rito?

"Ihahatid ulit kita bukas, Sol."

Tinaasan ko sya ng kilay pero ngumiti rin agad. "Okay, ubusin mo ang gas mo sa
akin."

"Solene..." tawag sa akin ng nasa likod ko.

Nagulat ako nang makitang naroon si Duke at nakatingin sa aming dalawa ni Harvin.
His eyes were emotionless. Hindi ko inasahan na nakauwi na sya dahil nagbakasyon
silang buong mag-anak sa Vigan.

"Kailan ka pa umuwi?" tanong ko sa kanya, gulat pa rin.


"Ngayon lang." His voice is cold for I don't know reason.

Tumango lang ako sa kanya at muling binalingan ang lalaki sa harap ko na seryoso
ring nakatingin sa akin.

"Umuwi ka na, Harv. Salamat sa paghahatid."

Sumilay ang ngiti sa labi nya bago ako tanguan. "Yung blueberry cheesecake ko, ha?"

I scoffed. "Oo na!"

Pinanood ko syang imaneobra ang kanyang sasakyan . Kumaway ako sa kanya hanggang sa
tuluyan na syang di matanaw ng mga mata ko.

Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang maalala ko si Duke. Tumingin ako sa kanya
at kita ko ang galit sa mga mata nya. His lips were pursed and his jaws were
clenched.

"Ahh... ano, p-papasok na ako..." kinakabahang saad ko. This is the first time I've
seen him after two weeks!

He bit his lower lip. "Saan ka galing?"

Nag-iwas ako ng tingin. "Sa bakeshop nina Harvin."

He heaved a deep sigh. Para syang pagod at naiinis sa akin. Tumingin pa ako sa
kanya dahil umaasa ako ng sagot ngumit umiling lang sya at mahinang tumawa.

"Sige na, Solene." He uttered. "Bukas na lang."

Normal din naman ang nangyari kinabukasan. Bukod sa pangungulit ni Harvin at pang-
aasar ni Ate Sab, wala naman nang masyadong nangyari. Inaantay ko na lang ang oras
ng uwi ko dahil may lakad kami.

Sabi ni Duke ay mga alas kwatro y media raw kami umalis para maabutan namin ang
sunset. I'm excited about it, gusto kong pabilisin ang oras para makita na ang
paglubog ng araw sa dalampasigan at para syempre, kahit itanggi ko naman, para
makita si Duke.

"Alis na ako, bye!"

"Ihahatid na kita, Sol!"

I shook my head. Talagang sinundan nya pa ako sa labas ng shop.

"Hindi na."

His forehead creased. "Bakit?"

"Baka nasa jeep ang the one ko."

Malakas syang tumawa sa akin kaya tiningnan ko lang sya nang masama. Gusto ko nang
umalis! Magbibihis pa ako!

"Bye na!"

Akmang aalis na ako sa harap nya nang mapatigil ako sa paglalakad dahil hinawakan
nya ang braso ko.
Lilingon na sana ako sa kanya nang makita si Duke na seryosong nakatingin sa akin.
Nagtama ang mata namin at mabilis kong binawi ang braso kay Harvin. What is he
doing here?

"D-Duke..." bulong ko nang makalapit sya.

Without any word, kinuha nya ang bag ko at hinawakan ang kamay ko.

Hindi ako nakagalaw sa pamilyar na pakiramdam. Parang kakawala ang puso ko sa


katawan ko dahil sa lakas ng tibok nito.

"Let's go, Solene."

Matapos sabihin iyon ay walang paalam nya akong hinigit patungo sa dala nyang
motor. Iniabot nya sa akin ang isang helmet at para akong robot na sunod lang nang
sunod sa kanya.

Sumakay sya roon pero nanatili akong nakatayo.

"What are you doing?" tanong nya.

Umiling ako at sumampa sa likod nya. Hindi ko pa alam kung saan ako kakapit dahil
hindi ko madala ang sarili ko para yakapin sya.

Sa gulat ko, hinigit nya ang dalawa kong braso at ipinulupot iyon sa katawan nya.
Pinaharurot nya ang motor kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang kumapit at
yumakap sa kanya. Ramdam ko ang hangin na tumatama sa balat ko pero hindi ko
magawang lamigin dahil sa init ng likod nya.

I felt at home.

I don't know for how long did he drive. Basta nakayakap lang ako sa kanya. Kahit
nang dumaan kami sa traffic, nakayapos lang ako.

We reached our destination. Nakasakay pa rin kami sa motor nya habang nakatanaw sa
dagat. Ni hindi ko nga alam kung ito ba yung resort na sinasabi ng mga kaklase ko.

I sighed.

Tinanggal ko ang helmet at bumungad sa akin ang hangin at simoy ng dagat. The sands
were golden and the waters are clear. Hindi pa tuluyang lumulubog ang araw pero ang
ganda na ng tanawin.

Kita kong tinanggal din ni Duke ang helmet nya kaya napaiwas ako ng tingin. He
looks like a freaking demigod and I shouldn't praise him... I shouldn't worship
him.

Bumaba ako sa motor at bahagyang lumapit sa dagat. The view is so peaceful and
breathtaking. Panandalian kong nakalimutan na hindi sa akin ang lalaking kasama ko.

I miss him.

I miss us.

Yung kami bago pa dumating si Mitzie.

Yung ipagluluto nya ako ng chicken curry kasi alam nyang favorite ko iyon. Yung
pang-aasar nya sa akin na amoy araw daw ako. Yung paglalaro namin sa arcade,
panonood ng sine at paggo-grocery.

I miss everything we had before. Mga panahong hindi pa ako nag-aalala kung may
magugustuhan sya.

Narinig ko ang paglapit nya sa akin bago ko naramdaman ang paglalagay nya ng hoodie
sa katawan ko. Nilingon ko sya pero hinawakan nya lang ang balikat ko at pinatingin
ako sa dagat.

Niyakap nya ako.

Iniikot nya ang mga kamay nya sa bewang ko habang ang ulo nya ay nasa kanang
balikat ko. I was stoned but I tilt my head to the left to give him more space.

Natatakot ako na baka marinig nya ang tibok ng puso ko. Baka malaman nya ang
nararamdaman ko.

"A-ayaw mo na sa'kin?" parang batang saad nya.

I chuckled to hide the tension I'm feeling. "Para kang bata."

Humigpit ang kapit nya sa akin. "Bakit?" He whispered in a hoarse voice. "Bakit
hindi mo na 'ko pinapansin?"

"Pinapansin kita, Duke."

He shook his head. "Kilala kita."

I didn't answer.

"Ayoko nito, Sol." Hirap na hirap na saad nya habang nakayakap pa rin sa akin.

"Ayokong ganito tayo."

I sighed as tears form in my eyes. "Wala namang nagbago, Duke."

Bumitaw sya sa pagkakayakap sa akin at agad iyong hinanap ng katawan ko. He holds
my shoulders and made me face him.

His eyes were sad, pleading and... longing.

Duke, tama na. Huwag mo na akong paasahin na pwede tayo dahil alam kong iba ang
gusto mo.

"Bakit hindi mo na sinasabi sakin lahat?" sumbat nya. "Bakit hindi mo sinabi sa
akin na nagtatrabaho ka?"

"Bakit hindi mo ako sinampal nung..." he breathe. "N-nung natapon ko yung ginawa
mong cake para sakin?"

I bit my lower lip. I can't stand his gaze. It's too intense and emotional.

"Bakit hindi mo ako pinagalitan nung hindi kita sinabayan pauwi?!" medyo mataas na
boses na tanong nya. "Bakit ka nagpaulan tapos hindi ako yung kasama mo?!"

Inalog nya ang mga balikat ko na akala mo'y may mapipiga sya sa akin kapag ginawa
nya yon.

"Bakit?" he said in pure desperation. "B-bakit mo tinatanggal ang kamay ko pag


gusto kitang hawakan?"

Umiling lang ako nang paulit-ulit. Namumuo ang luha sa mga mata ko dahil sa
sinasabi nya. The walls I'm trying to build inside my heart was shattered in an
instant!

"B-bakit pakiramdam ko... umaalis ka na sa akin?" his voice cracked.

"Wag ka namang lumayo sa akin..." nanghihinang saad nya. "Kargo kita. Mula noon
hanggang ngayon... hanggang bukas."

Hindi pa rin ako sumasagot dahil alam kong sa pagbuka ng bibig ko ay pipiyok lang
ako.

"Wala akong pakealam kung kaya mo nang wala ako."

"D-Duke..." tanging nasabi ko. "Tumigil ka na..."

Umiling sya. "Ako hindi ko kaya, Sol. Kaya sorry, hindi ako kasing tibay mo." He
bit his lip. "Harangan mo ako hanggang kailan mo gusto kasi wala na akong pakealam
basta ikaw." Nanghina ang boses nya.

Tinitigan ko ang mukha nya. My love for this man is unconditional. I have written
the will of my life under his name.

Yumuko sya palapit sa akin hanggang sa magtama ang mga noo namin. Our breathings
were heavy but we didn't care. He's so close to me... yet I want us to be closer.

Tumingin ako sa kanya at nabasa ko sa mga mata nya ang emosyon na dati'y sa mga
mata ko lang nakikita.

Pagmamahal.

His face lowers and with the sea damping our feet and the sun brighting the skies
for us, we kissed.

It is so slow... and passionate. He moved his lips and sucked mine. His eyes were
closed so I did the same. Naramdaman ko ang paghawak nya sa bewang ko at hinigit
ako papalapit pa lalo sa kanya. I'm responding to his kisses hungrily so I throw my
hands in his nape, pulling him even closer.

I can't believe he made me love sunsets even more.

Chapter 16

Totoo nga, mabilis lumipas ang oras kapag masaya ka. Parang yung dalampu't apat na
oras sa isang araw, nagiging labing dalawa lang.
Duke and I celebrated Christmas and New Year together. Hindi iyon bago para sa mga
nakakakilala sa amin dahil lagi naman kaming magkasama.
But for us, it's different... more intense... more passionate...
"D-Duke," ungol ko sa bibig nya. He's kissing and gently biting my neck. His tongue
was teasing that sensitive part of my body and I can't help myself but to squeeze
his arms.
"Shh, baka marinig ka ni Mommy..."
I bit my lower lip to suppress my moans. I am lying in his bed and he's on top of
me. We're half naked.
Naramdaman ko ang kamay nya sa dibdib. I breathe and moan softly. I can't even
recognize my own voice! It's too womanly... and sensual. He teased my nipples with
his fingers while his lips are traveling south.
I'm holding on to his shoulder as he gives wet kisses to my collarbone. He sucked
on it like it's his favorite. His hands were doing wonders on my breast and I'm
trying my best not to moan.
Pinaltan ng bibig nya ang kamay na nasa dibdib ko.
"D-Duke..."
He licked my breast while squeezing the other one with his hand.
Tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ang mas malakas na pag-ungol. For Pete's
sake! We're on his room! His mom is just on the same floor!
Nang umakyat sya uli sa akin ay nagtama ang mata namin. His eyes were full of
passion and unadulterated lust. I know my eyes looked the same.
I let my hands travel on his chest... to his flat stomach... I'm moving my hands in
a very slow manner, taking my time to wander around his body.
I felt his growing manhood in my thigh. It's poking me as if inviting me to feel
him. He's only wearing a thin sweat pants while I'm wearing my shorts. He stared
darkly at me while I reached his thing.
One touch and he groaned.
"Solene..." nahihirapang saad nya. "Stop."
I didn't listen. I touch his huge thing again but he grabbed both my hands and
pinned it on top of me.
"Do that again and you'll lose your virginity."
After saying that, his face went down and claimed my lips. His tongue is battling
with mine and he's biting my lower lip sensually. His hand massaged my breast while
I'm arching my back because of the pleasure he's giving me. His other hand is still
pinning my hands and when he let them go, they automatically grabbed his nape.
We kissed passionately until we're both panting.
Humiga sya sa tabi ko at marahan akong hinalikan sa noo.
"Parang gago, sabi ko sayo, sa library na lang tayo mag-review!"
He chuckled. "Happy Valentine's Day."
Pabiro ko syang hinampas ngunit niyakap nya lang ako palapit sa kanya. I listened
to his heart and it became my favorite melody.
We crossed the line and we're going to cross the bridge together. There's no
turning back now.
We took a nap while cuddling, half naked.
Thankfully, hindi naman kami nahuli. Kinabukasan ay parang magkabarkada lang ulit
kami habang kasama sina Troy at Mitzie. Troy, being his usual self, was throwing
tantrums about his crush.
"Ang hirap landiin!" napakamot sya sa batok bago tumingin kay Duke.
"Pre, patulong naman."
Tumawa ako. "Wala pa naman nagiging girlfriend yan."
"Seryoso?!" si Mitzie. "Bakit wala pa?!"
Duke looked at me before smiling. "Bawal e."
Namula ako roon kaya nag-iwas agad ako ng tingin. Hindi naman iyon napansin ng
dalawa dahil na kay Duke ang focus nila. Magkatabi kaming dalawa at mabuti na lang
ay hindi nila napansin ang pagbaling nito sa akin!
"Ang strikta naman ni Tita," ani Troy bago napabuntong-hininga. "Ah ah! Paano ko pa
liligawan si Chin?!"
"Magtu-twenty one ka na, diba? Bawal pa rin?" tanong ni Mitzie. Nakita ko ang
bahagyang pagpula ng pisngi nya bago muling nagtanong. "S-si Sean din ba, bawal?"
Lumaki ang ngisi ko habang kumakain. Ipinagluto ako ni Duke ng chicken curry habang
ipinagbake ko naman sila ng brownies para may panghimagas kami. Maraming kayang
iluto si Duke pero masasabi kong chicken curry lang ang naperfect nya. Simula noong
sabihin ko kasing paborito ko ito, inaral nya talaga iyon.
"Pwede si Kuya, Mitz."
Marahang tumango ang babae at kumain na lang nang tahimik.
I felt a hand on my thigh. Nanlaki ang mga mata ko nang bumaling kay Duke na parang
walang ginagawa. Kahit pants ang uniform namin, ramdam na ramdam ko ang init ng
palad nya.
"Duke." I whispered. "Remove it," saad ko pa nang mas mahina pero hindi nya ako
pinansin.
Instead, he squeezed it.
Napapikit na lang ako at mas nagfocus sa pagkain. It isn't the first time this
happens. Sa halos dalawang buwan ng aming tagong relasyon, kapag may pagkakataon ay
talagang hindi namin pinapalampas ang isa't isa.
Pero momol lang. Nothing more, nothing less. Sabi nya ay hindi nya gagawin sa akin
ang bagay na alam nyang hindi ko pa pinaghahandaan.
Our days went on like that. Sa school, para lang kaming normal na magkaibigan,
parang yung dati. Sa pagrereview ay kasama namin ang dalawa dahil kapag naiwan kami
ni Duke ay iba ang nagagawa namin. Mabuti sana kung kasing talino nya ako!
Tuwing lunch break, we find ways to escape from Troy and Mitzie. Pumupunta kami sa
chem lab to have our time together na usually ay nauuwi lang sa paghahalikan. Wala
rin kasing pumapasok sa chem lab dahil may bago nang laboratory malayo sa building
namin. We were so addicted to each other. I didn't think it's possible. So far,
wala pang nakakahuli sa amin. Ni walang nakakahalata na may namamagitan sa amin.
Ang trabaho ko sa Sweets and Treats ay magreresume sa summer. Ngayon kasi ay ang
battery exam ang focus ko dahil isang buwan na lang din ay mangyayari na iyon.
We spent the whole month of February reviewing our past notes. Para akong mamamatay
dahil sumasabog ang utak ko sa dami ng formula na kailangang sauluhin. Sigurado pa
ako na iba ang nasa examples sa nasa exam kaya lalo akong nappressure.
"Pagod na pagod na ang utak ko!" reklamo ko sa kanila.
"At least na-realize mong meron pala."
Binato ko ng throw pillow si Duke. Tinawanan sya ni Troy at nag-apir pa ang dalawa
habang nakanguso ako.
Sige, ganyanin mo ako, Duke, hinding-hindi ko papayagang halikan mo ako!
"Duke, paano 'to?" tanong ni Mitzie habang ipinapakita ang isang equation.
Kinuha ni Duke ang notebook ng babae at isinolve iyon. Pinapanood ko rin sila dahil
baka mapasama yon sa exam at kailangan ko iyon matutunan.
"Ah okay," hindi pa man tapos si Duke ay nasabi na iyon ni Mitzie.
Ako naman ay naguluhan. "Ha? Anong nangyari?"
Inakbayan ako ni Troy na hindi ko namalayang katabi ko na pala. "Wag mo nang
kaisipin at hindi abot ng utak natin yan."
Pinalis ko ang akbay nya. "Baka kasama sa exam, hunghang ka!"
He shook his head. "Hindi iyan." Tumawa sya nang mahina. "Kung kasama, edi babye
engineering."
I shrugged at nakitango na lang sa kanya. "Mag-aasawa na lang ako ng engineer."
Tumawa si Troy. "Wag ako ha, loyal ako."
"Di naman mababa ang standards ko."
Iniharap nya ang mukha ko sa kanya at pinong-pinong kinurot ang dalawang pisngi ko.
Nang bitawan nya iyon, pakiramdam ko'y nagmanhid ang buong mukha ko.
"Sana kapag umamin ka kay Chin, sabihin nya, thank you!" sigaw ko habang nakahawak
sa pisngi ko.
Tumawa lang si Troy kaya napairap na lang ako. Muli kong hinarap ang notebook ko at
masinsinang isinolve ang mga worksheet na ipinaprint pa namin.
"Sol." Tawag ni Duke sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at sumenyas sya na
umakyat kami sa kwarto nya.
Putangina neto.
"Okay," sagot ko. "Umuna ka." I mouthed.
Dahan-dahang tumayo si Duke at nagpaalam sa amin na magpapahinga muna sya sa
kwarto. Normal naman iyon dahil syempre, bahay nila ito. Nasa sala lang kami at
nasa school pa si Tita Gemma dahil teacher sya. Si Kuya Sean ay wala rin dito kaya
libreng libre ang bahay nila.
I cleared my throat. Napatingin sa akin ang dalawa.
"Mitz, alam mo ba kung paano 'to?" tanong ko sa kanya habang ipinapakita ang isang
komplikadong equation.
Umiling sya. "Tanong mo kay Duke."
Mahina akong napa-yes sa utak ko.
"Mamaya na. Baka natutulog yon." Ani Troy.
Tumayo ako. "Hindi pa yan."
Umalis ako sa harapan nila at dahan-dahang umakyat patungo sa kwarto ni Duke. My
steps were slow but sure.
Pagkapasok ko pa lang sa kwarto ni Duke ay hinigit na nya ako papunta sa kama nya.
He gave me a peck before hugging me. Mahigpit ang yakap nya na parang anong oras ay
mawawala ako.
"Bilisan lang natin, nasa baba sila..." bulong ko sa kanya habang magkayapos kami.
"Hmm," he sniffed my hair before kissing my forehead. "I miss you."
Pabiro ko syang hinampas sa dibdib. My organ that pumps blood started bursting like
a horse in a race.
"Araw araw tayong magkasama." Natatawa kong sagot.
"I know." I sighed. "I just keep on missing you."
Tumahimik kami pareho. Our breathings were even. Parang nagpapahinga sa piling ng
isa't isa.
"Duke?"
"Hmm?"
"Magre-review pa ako."
He chuckled before letting me go. Wala pa namang sampung minuto akong narito sa
kwarto nya pero kinakabahan ako dahil baka mahalata kami nina Troy at Mitzie.
"Baka pati magtaka sila."
Umupo sya sa kama kaya ganoon din ang ginawa ko. Sinuklay ko ang sariling buhok at
inayos ang damit na bahagyang nagusot.
"We'll tell them about us." Seryosong saad nya.
Napatingin ako sa kanya na nakatitig sa akin. His beautiful almond shape eyes were
looking intently at me and I can't take my gaze away from him.
I nodded. "Pagkatapos ng battery exam, we'll tell them."
Ni hindi ko nga alam kung bakit namin itinatago ang namamagitan sa amin. Siguro
dahil sa hiya? Hindi ko alam. Basta sa mga oras na ito, ang importante sa akin ay
si Duke. Hindi ko kailangan ng approval ng iba para mahalin sya.
Tumayo ako matapos ayusin ang sarili at lumabas sa kwarto nya. Sinabihan ko syang
bumaba na rin agad dahil mag-aaral kami. Nakakatuwa nga dahil may alam na ako kahit
papaano. Malaking tulong ang ginagawa nila ni Mitzie.
"Oh, nasaan si Mitz?" tanong ko kay Troy bago umupo sa pwesto ko kanina.
"Umuwi. Tinawagan ng tatay nya."
I pouted. "Babalik pa raw ba sya?"
Umiling ito. "Baka hindi na. Bukas na lang daw ulit. Nagmamadali nga."
Tumango ako sa kanya at nag-aral na lang ulit. Sumunod din naman sa baba si Duke.
"Saan si Mitz?" tanong nya nang makaupo.
"Umuwi raw, tinawagan ng tatay," sagot ko sa kanya habang nagsusulat pa rin ng
notes.
Umurong ang sofa kaya napatingin ako sa kanya. Nakatayo sya ngayon at parang nag-
aalala. He looks like he's thinking deeply.
"Anyare sayo?" tanong ni Troy.
He ignored his question. "Kanina pa ba sya nakaalis?" His voice is dripping with
concern.
"May nangyari ba kay Mitzie?" nag-aalalang tanong ko na rin. Sa tono kasi nya ay
parang may masamang nangyari sa babae.
He shook his head and grabbed his hoodie. Kinuha nya rin ang pitaka at susi ng
motor nya bago walang imik na lumabas ng bahay. Narinig namin ang mabilis na
pagpapaharurot nya sa motor.
Nagkatinginan kami ni Troy.
"Anong nangyari?" tanong nya.
Umiling ako habang binabalot ng pag-aalala ang puso ko. "Sumunod kaya tayo?"
He sighed. "Hindi ko alam ang bahay nila. Itext mo si Duke mamaya."
Tumango ako. Nagpatuloy kami sa pag-aaral kahit wala nang pumapasok sa utak ko. My
mind is clouded with Mitzie. I'm sure she has issues with her family. Nung nakita
ko ito sa sari sari store ay halatang wala ito sa sarili.
And Duke is protecting her. Hindi dapat pagselosan. Magkakaibigan kami at dapat
lang na alam namin ang nangyayari sa isa't isa. Yun nga lang, wala kaming ideya ni
Troy sa nangyayari.
I sighed. Ganoon pa rin pala kahit may relasyon na kami ni Duke. Hindi pa rin ako
tuluyang makapasok sa mundo nila.
I closed my notebook and reach for my phone. The only way to know is to ask.
Me:
duke, anong nangyari kay mitz? is she okay?
Hindi sya agad nakasagot. Nagpaalam na si Troy na uuwi na sya kaya napagdesisyonan
ko na ring umuwi. Isinarado ko ang bahay nila at inilagay ang susi sa lalagyan
nila.
"Nay?"
Like the rehearsed response, she said, "Nasa likod ako, Sol!"
Ibinaba ko ang gamit at pumunta sa kanya. Mukha syang may iniisip kahit nang
makaupo ako sa tapat nya.
"May problema ba, Nay?"
She sighed before looking away at me. "Wala naman... pagod lang."
"Pumasok ka na." I told her. "Ako na ang magtutuloy nito."
Umiling lang sya sa akin at nagpatuloy sa paglalaba. She's not her typical self.
Malungkot at halatang aligaga. She's thinking of something, I'm sure of it. Pero
hindi ako nagtanong. I know her. Sasabihin nya rin sa akin ito paglaon.
My phone beeped. Tinuyo ko ang kamay ko bago basahin ang text ni Duke. I changed
his name on my contacts dahil nang nabasa nya iyon ay pinandilatan nya ako ng mata.
Duke Laurence:
Mitz needs me right now.
Me:
okay bb, take care of her!!!
Inilagay ko ang cellphone sa bulsa ng shorts ko at inalis sa sarili ang hindi
maipaliwanag na pakiramdam.

Chapter 17

"Ang tagal mo nang hindi tumatanggap ng labada, Nay." Ani ko habang kumakain kami.
"Ayos lang naman sa akin 'yon. Kaso, bakit?"

She smiled. "Napapagod na ang kamay ko, Sol."

Tumango ako at bahagyang pinisil ang kamay nyang nasa mesa. "Pahinga ka muna. Ako
na ang maglalaba pagkauwi ko. Medyo maluwag naman ang schedule ko ngayong sem."

"Wag na," umiling sya. "Malapit na ang battery exam mo. Mag-aral ka."

I chuckled. "Hindi mo kailangang mag-alala ron. Anak mo ako kaya matalino ako!"

"Bagsak ako sa algebra at trigonometry noon, Sol." Sinabayan nya iyon ng pagtawa.
"Oo nga, anak nga kita."

Nginusuan ko sya. "Papatunayan ko sayong basic lang sa akin ang exam!"

"Pag ikaw hindi nakapasa dyan e!"

"Oh baket, Nay, anong gagawin mo?" hamon ko sa kanya.

She smiled genuinely but it didn't reach her eyes. "Wala, yayakapin kita."

"Paano pag nakapasa?" tanong ko dahil ayokong ipakita na naantig ako sa sinabi nya.

"Syempre, yayakapin pa rin kita."


Pinanliitan ko sya ng mata. "Sweet mo, pwede pa kiss?" I chuckled. "Anyway, saan
larga mo today, mom?"

Nag-iwas sya ng tingin sa akin at bahagyang kinagat ang labi. "K-kay Ivy lang."

Tumango lang ako.

Pagkatapos kumain ay naghanda na ako papunta sa school. Hindi ko kasabay si Duke


ngayon dahil maaga syang pumunta kay Mitzie. Nagsabi naman sya sa akin kaya hindi
ako nag-isip ng kung ano.

Habang papunta sa school, pakiramdam ko ay may nakasunod sa akin. Sa paglabas ko pa


lang sa bahay hanggang sa paglalakad ko hanggang kanto namin ay hindi ako mapakali
dahil parang may mali.

Sumakay ako ng jeep at nakita ang isang lalaking galing din sa barangay namin na
sumakay din sa sinasasakyan ko. Kinuha ko ang aking cellphone at nagkunwaring may
itinetext. Umupo sya sa harap ko at ramdam ko ang titig nya sa akin.

Kahit malapit lang ang school sa bahay namin, I felt like it's a very long ride.

Napahinga lang ako nang malalim nang makarating ako sa school at hindi naman bumaba
ng jeep ang lalaki.

"Sol!"

Napatingin ako kay Harvin na tumatakbo palapit sa akin, malaki ang ngiti at
nakasuot ng uniform nila.

"Bakit?"

Hinihingal sya nang makarating sa pwesto ko. Mahigit isang buwan ko rin syang di
nakita dahil busy ako sa pagrereview.

"Pasabi naman kay Mitz na may gig kami sa Sabado. Hindi nagrereply, e."

Napaisip ako bago tumango. "Di ko lang sure kung sasama yon. Malapit na ang exam
namin."

He nodded. "Basta pasabi na lang."

Tumango ako muli sa kanya. "Sana tinext mo na lang ako."

He shrugged. "Silay na rin," he then winked at me.

Tumawa lang ako at nagpaalam sa kanya dahil may klase pa kami. Nagtungo ako papunta
sa building namin nang maramdaman ang pagsabay ni Troy sa paglalakad ko.

"Saan ka galing?" tanong ko dahil hindi kami iisa ng direksyon na pinanggalingan.

"Sa CAS, pinuntahan si Achi."

Inirapan ko lang sya. He's totally smitten! Lagi na lang nyang bukambibig ang babae
kahit na nagrereview kami. It's not that I'm unhappy, natatawa lang talaga ako sa
porma nya.

Needless to say, Troy is a notorious flirt in school. He can easily get girls.
Marami rin syang naging girlfriend na sineryoso naman nya. Ang problema lang,
mabilis talaga syang magsawa. Seeing him taming someone who doesn't seem to like
him is kind of entertaining.

Nagtungo kami sa room, limang minuto na lang at magsisimula na ang klase. Nakita
kong naroon na si Duke at Mitzie pero ibinaba ko muna ang bag ko bago pumunta sa
kanila.

"Mitz," tawag ko sa kanya.

Nag-angat sya ng tingin. Mugto ang kanyang mata at parang walang tulog.

I was shock. "A-are you okay?" tanong ko sa kanya. Concern is dripping in my voice.

"Wag mo muna syang guluhin, Sol." Saway sa akin ni Duke.

Nakagat ko ang aking labi ngunit hindi ako umalis sa harap nila.

"A-ano..." I sighed. "Sabi ni Harvin, may gig daw kayo sa Sabado."

Nakatitig lang sa akin si Mitzie. Her eyes were swollen and pleading. Naaawa ako sa
kalagayan nya ngunit wala akong magawa. I want to hug her but... I can't. She's
nothing but a sweet and kind soul.

"Sol." Naiinis na tawag sa akin ni Duke.

Napatingin ako sa kanya. His eyebrows were furrowed and he looked annoyed.

"Bakit?"

"Umupo ka na lang don!" Aniya. "Sabihin mo na hindi sya sasama sa Sabado."

I gulped and nodded.

Mitzie caressed Duke's shoulder. Napatingin sa kanya ang lalaki at ang galit na
ekspresyon kanina nito ay lumambot. Mitzie smiled and Duke reached for her hand and
slightly squeezed it.

Umalis ako sa harap nila nang makita iyon. They built their own world. They're
friends. This should be okay for me. Mitzie is going through something! I just
felt... unwanted.

Nang maglunch kami, sinubukan kong lumapit kay Mitzie habang naglalakad kami.
Kumapit ako sa braso nya at kinuwentuhan sya.

"Mitz, pagtapos ng batter exam, mag amusement park tayo, ha?" Aya ko sa kanya.
"Hindi pa ako nakakapunta ron pero mukhang masaya naman."

Mahina syang tumango at tipid na ngumiti sa akin.

"Gusto mo bang matulog sa amin sa Friday? Magpapaluto ako kay Nanay!" aya ko ulit,
hindi nakuntento sa sagot nya.

Muli syang tumango sa akin. Her eyes were tired and almost empty. Kung pwede lang
kami tumigil sa paglalakad para yakapin ko sya ay gagawin ko.

I sighed. "Do you want a hug?"

Agad na nagtubig ang mga mata nya bago nag-iwas ng tingin sa akin.

"Sol, you're tiring her!" inis na saad ni Duke. Nasa kabilang banda sya ni Mitzie
katabi si Troy.

Pinanlisikan ko sya ng mata. "Nagtatanong lang ako, Duke."

He tsked. "Just don't bother her." Matapos sabihin iyon ay hinawakan nya ang braso
ng babae na parang inaalalayan ito.

Napatigil ako sa paglalakad habang nauna silang tatlo. Ni hindi nila napansin na
napatigil ako. Parang bumabalik sa akin ang nangyari noon na nagiging abala ako sa
ibang tao. At ngayon, si Duke na mismo ang nagsabi non.

Mga sampung metro na ang layo nila sa akin nang lingunin ako ni Troy.

"Beb, tara!"

I faked a smile before walking towards them. Hindi na ako ulit tumabi kay Mitzie.
Nasa likod lang nila ako, nakasunod.

Nang nasa canteen na kami, umasa akong tatabi sa akin si Duke dahil magmula nung
nagkaroon kami ng relasyon ay sa akin na sya tumatabi. But this day is different.
He sat beside Mitzie. He's holding her as if she's going to break like a fragile
glass.

I mentally nodded. It's okay. She's not well. I should understand.

"Anong order mo?" tanong sa akin ni Troy. "Walang chicken curry."

Bahagya akong napangiti. "Buti naman, medyo nauumay na ako." I chuckled. "Tara,
sasama na ako sayo."

Tumayo kaming dalawa. Napabaling ako kay Duke at Mitzie dahil hindi nila sinasabi
kung anong order nila.

"Kayo, pre?" tanong ni Troy.

Duke shook his head. "Nagluto ako ng para sa amin."

To say that I'm hurt is an understatement. He did... what?

Hinawakan ni Troy ang braso ko ngunit nanatiling nakapako ang tingin ko sa dalawa.
Ano na naman ito, Duke? Ano na namang ginagawa mo? He gulped and shook his head a
little.

Nag-angat ng tingin sa akin si Duke. His eyes were saying something I can't
comprehend. Alam kong nabasa nya sa akin ang pang-aakusa.

You better explain yourself, asshole.

Sumama ako kay Troy ngunit hanggang makabalik kami sa upuan ay tahimik na ako. I
don't want to say another word. Baka may masabi pa akong hindi maganda at magalit
na naman sa akin ang lalaki.

"Sol, di muna ako sasabay umuwi mamaya. Ihahatid ko si Mitzie."

Duke is doing it again. He's disregarding me again. He's repeating the same
mistakes he committed before.

But I will not.


"Sumabay ka sa akin, Duke." I said with finality. Kung noon ay hindi ako nagsabi sa
kanya na may problema dahil wala akong karapatan, iba na ngayon.

I have the rights to get hurt now. Pwede na akong mag-demand.

Nasa chem lab kaming dalawa ngayon kaya walang nakakakita sa amin. I dragged him
here because I want us to spend our day normally. Nung una ay ayaw nya pang sumama
pero napilit ko sya.

He sighed. "Sol..." he said softly. "Mitzie needs me."

I scoffed. "Alam na alam ko na yan sa ngayon, Duke."

He didn't answer.

"Alam kong may problema sya ngayon..." pinatatag ko ang boses. "Pero
responsibilidad mo ba sya?"

He looked at me, shocked. "S-she's my friend!"

"At girlfriend mo ako!" sigaw ko.

Natahimik sya. Pinanood ko kung paano nya kagatin ang pang-ibabang labi. It
revealed his dimples but I'm too mad!

"You don't understand... Sol." Nahihirapang saad nya. Para siyang gulong-gulo at
hirap na hirap sa nangyayari.

"Make me understand."

He shook his head. Tumingala sya na parang nag-iisip. Hanggang balikat nya lang ako
ngunit sa tapang ko ngayon ay parang mas mataas ako sa kanya.

"I can't tell you just yet." He sighed. "Intindihin mo muna... please? For me?"
Huminga siya nang malalim at yumuko.

I shook my head. "Sa akin ka sasabay mamaya."

"Sol..."

"Kung ayaw mo, tigilan mo na ako, Duke..." I chuckled. "Ginagago mo na ako."

Lumabas ako ng chem lab at iniwan sya roon nang mag-isa. Pumunta ako sa room at
walang lingong umupo sa upuan ko.

Mga sampung minuto bago pumasok si Duke. Diretso lang ang tingin ko sa board kahit
ramdam ko ang pagtingin nya sa akin.

Nagklase kami. Inulit din ni Ma'am ang paparating namin na exam next week. Tapos na
rin kasi ang finals namin. Ito na lang talagang battery exam ang inaantay naming
lahat.

"Patay talaga ako kay Mama kapag hindi ako nakapasa," ani Troy. "Makapag-aral, two
days straight."

Nang matapos ang klase, medyo kinabahan ako dahil baka hindi sumabay sa akin si
Duke. Inayos ko ang mga gamit ko nang maramdaman ang paglapit ng lakaki.

"Tara na." He said.


Napangiti ako roon. Sa akin sya sasabay!

"Isaw tayo?" tanong nya pa habang naglalakad kami palabas ng school. "Nakakamiss
ang isaw ni Ate Roda."

Tumango ako sa kanya, malaki ang ngiti. "Edi mag-jeep na lang tayo."

He shook his head. "Tricycle na."

"Bakit? Sa kanto naman natin yon."

He smiled. "Para mas malapit ka."

Hinampas ko sya nang pabiro bago tumawa. Sumakay kami ng tricycle nang mapayapa.
Our bags are on our laps while my head is resting on his shoulders. Nakalagay din
ang braso nya sa balikat ko kaya para kaming magkayapos.

"I'm sorry for making you upset, Sol." He then kissed my temple. "Naaawa lang
talaga ako kay Mitzie.

I bit my lip. "Oo, sorry din. Kaibigan ko rin si Mitzie at naiintindihan kita."

Hinigpitan nya ang kapit sa akin. "I'll be careful from now on. I'm sorry."

We ate street food. Tuwang-tuwa pa si Ate Roda nang makita kami dahil ang tagal nya
na raw kaming hindi nakita. Naparami tuloy ang bili namin. Bumili ako ng barbecue
para kay Nanay. Mabuti na rin at napadaan kami dahil tinatamad akong magluto.

Isaw, betamax, adidas, kwek kwek... namiss ko ito!

"Dami mong nakain!" natatawang saad sa akin ni Duke.

"Ang sarap kasi," pagrarason ko.

Pinunasan nya ng tissue ang sauce sa gilid ng bibig ko. "Ang amos amos, Solene."
Saway nya sa akin na para akong maliit na bata.

He paid for it. Hindi na ako nag-inarte dahil sanay na kami sa isa't isa.

"Thank you." Aniya habang naglalakad kami pauwi.

"Hmm?"

"Kapag may problema tayo, sabihin mo lang, ha?" he said. "Sabihin mo sa akin kapag
nasasaktan kita."

"Duke."

He squeezed my hand. "Whatever happens, it will never be my intention to hurt you,


Sol..." He sighed. "Never."

Malaki ang ngiti ko nang makauwi sa bahay. My thoughts were cleared in an instant.
Duke has the ability to do that!

"Nay?"

"N-nasa...likod ako, Sol..."


Nagtaka ako sa boses nya. It's not the usual tone. She seems nervous and anxious.
Para syang kinakapos sa paghinga.

Sa pag-aalala, mabilis akong nagtungo sa likod namin at napako ako sa kinatatayuan


ko sa nakita.

Si Nanay...

Dugo.

"Nay?" kinakabahang tanong ko. "Ano yan?"

I'm breathing heavily while looking at her. Lumingon sya sa akin, may luha sa mga
mata.

"S-Sol, anak..."

"Nay..."

"A-anak, natatakot ako." Umiyak sya nang umiyak habang hinuhugasan ang kamay.

Umakyat ang kaba sa puso ko. Kita ko ang putlang mukha nya kaya lalong dinaga ang
puso ko.

"Anong ginawa mo, N-Nay?"

She shook her head. "N-nakapatay ako!"

"Napatay ko ang tatay mo!"

Chapter 18

I didn't go to school the next days.


I was devastated. My moral priciples were leaving me. I know I should surrender her
to the police but I can't bring myself to put my mom behind bars!
Duke, Troy, and Mitzie were calling me. Exam na namin bukas ngunit dahil sa
sariling problema ay hindi ako makapasok. I'm terrified! Ni hindi ako makasagot sa
texts at tawag nila dahil natatakot akong baka alam nila ang nangyayari. I know it
sounds crazy but... I'm really losing my sanity!
Halu-halo ang nararamdaman ko. Galit, lungkot, dismaya at takot. We hated that man
but... I can't imagine my mom killing him. It wasn't self-defense. Ilang ulit kong
itinanong sa kanya iyon ngunit hindi. She doesn't even have a scratch. She really
did commit...murder.
Ilang beses nang pumunta at kumatok rito si Duke ngunit hindi ako makalabas.
Natatakot ako! Pakiramdam ko, kapag nakita ko ang araw ay kukunin nila si Nanay.
"Nay, kain na..."
She didn't answer. Nakatulala lang sya sa kawalan. Ang suot na daster ay sira sira.
Kanina pa sya nagwawala at ngayong medyo kumalma na, hindi ko naman sya makausap.
"Sol..."
Nagulat ako sa pagtawag nya sa akin. Lumapit agad ako sa sofa at tinabihan sya.
Nakatingin sya sa akin gamit ang pumupungay na mata, pagod at halatang walang
tulog.
"Mamamatay tao ako!" sigaw nya. "Pumatay ako!"
Tumulo ang luha ko. Niyakap ko sya nang mahigpit dahil sinusubukan nya na namang
sabunutan ang sarili nya. Pulang-pula na ang mukha nya mula sa mga kalmot.
"Pinatay ko ang tatay mo..." she sobbed. "Mamamatay tao ako. Kriminal ako..."
Inalo ko lang sya nang inalo. Ang sakit sakit makitang ganito ang kalagayan nya.
Alam kong anumang oras ay malalaman din nila na si Nanay ang pumatay at wala akong
ibang plano. Wala kaming pera! We can't runaway!
Those were just one of the tiring days.
Araw araw ay ganoon ang nangyayari. Patay ang ilaw ng bahay namin at sarado ang mga
pinto at bintana. We didn't go outside. Kaunti na lang din ang stock namin at
kakailanganin din naming bumili ng pangkain.
"Nay, exam ko na bukas." I sighed. "Sabihin mo lang kung ayaw mong pumasok ako..."
Nakaligo na sya. Medyo maayos na ang itsura ngunit ang mukha ay ganoon pa rin.
Pula, aligaga at pagod. She doesn't look like my mom who likes teasing me. She
looks like a complete different person.
"Mag-exam ka, Anak." She faked a smile. "Magiging okay ako rito."
Tumango lang ako at hindi na umimik. No one knows we're here. Alam kong kahit ang
mga kapitbahay namin ay nagtataka na dahil madalas namang nasa labas si Nanay.
Kumukuha pa sya ng mga labada.
She didn't tell me why she did that. Ayaw nyang ipaliwanag sa akin kaya hindi ko
alam kung anong mga hakbang ang dapat gawin. Para akong sinasakal minu-minuto sa
pagriring ng cellphone nya at cellphone ko. Para kaming mahuhuli.
Alam ko ang dapat gawin... ngunit hindi ko kaya.
Buong araw akong nagkulong sa kwarto at nag-aral. Binasa kong mabuti at pinag-
aralan ang mga asignaturang hirap ako. Dahil sa adrenaline rush, medyo nasasaulo ko
ang formula.
"Nay, papasok na ako. Magkita na lang tayo mamaya. Mag-lock ka ng pinto."
That's what I told her before I go to school. Para akong nanibago sa sinag ng araw
sa paglabas ko. Pakiramdam ko ay may pag-asa pa ako bigla nang makita ang isang
panibagong umaga.
Naglalakad ako sa campus namin papunta sa building namin. I wasn't my usual self.
I'm not wearing any make-up, kahit light make-up ay wala. Itinali ko lang din ang
buhok ko na lagi namang nakalugay noon.
Sa Room 4D ako naka-assign kaya doon ako nagpunta. I didn't see my friends, puro
mga kaklase ko lang na nagsikuhan nang mapansin ako ngunit wala sa kanila ang
nagtanong.
I'm worrying about my mother. Mag-isa sya sa bahay at anumang oras ay pwedeng may
maghanap sa kanyang mga pulis. Maraming gustong humawak sa kaso ng Tatay ko dahil
isa syang sikat na lawyer at hanggang ngayon ay on-going pa rin ang kaso.
"Huy, buti pumasok ka." Bati ni Owa sa akin bago umupo sa tabi ko. Parehas pala
kami ng room assignment.
Tumango ako. "Kailangan e."
"Ang tagal kang hinahanap nina Duke. Akala nila ay may nangyari sayo."
I just smiled and didn't respond. Kung hindi ko sila makikita ngayon ay ayos lang.
Kailangan ko talagang makauwi.
The exam went on. Mahirap naman ngunit may mga nasagutan ako. Ilang beses akong
nablangko dahil inaalala ko si Nanay pero sa dulo, nakapagsagot naman ako kahit
papaano. Hindi ako sigurado sa iba pero hinayaan ko na dahil wala na akong mapipiga
sa sarili ko.
Nang maglunch break ay hindi ako lumabas. Wala akong ganang kumain kahit nag-alisan
ang lahat ng tao sa room. Mag-isa lang ako roon, nakatulala sa bintana at
pinapanood ang mga nagtutulakang estudyante, parang walang problema.
I sighed as I rest my head on the arm rest.
Pagod na pagod ako. Hirap na hirap. Tuwing naiisip ko si Nanay na makukulong ay
naiiyak ako. Wala na akong ibang kasama sa buhay kung hindi sya. Wala akong ibang
pangarap para sa sarili kung hindi ang makatulong sa kanya at mabigyan sya ng
magandang buhay para tumigil na sya sa paglalaba.
Wala akong mapagsabihan ng sama ng loob. Galit ako kay Nanay. Sobra ang galit ko
ngunit ayokong malaman nya iyon. I know she has her reasons...
Lumagabag ang pinto tanda na may pumasok pero nanatiling nakayuko ang ulo ko. My
head is spinning but I still have to take my exams.
"Sol."
Napapikit ako sa narinig na tinig. Duke is here. Hindi pa ako handang kumausap ng
tao kaya nanatiling nakayuko ang ulo ko. I'm just tired... and restless. Gusto ko
na lang umuwi at magkulong sa bahay hanggang sa parehas kaming mawala ni Nanay.
Naramdaman ko ang dahan-dahang pagtulak nya sa balikat ko para makita ang mukha ko
at masyado akong mahina para manlaban.
Yumuko sya sa lebel ko kaya nagtama ang mata namin.
Unang tingin ko palang sa kanya ay bumuhos ang luha sa mga mata ko.
Gusto kong magsumbong. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat. Gusto kong sabihin na
nasasaktan ako.
Without questions, he embraced me. Hinagod nya nang paulit-ulit ang likod at buhok
ko.
I sobbed and tug his uniform. Ni hindi ko na naisip na mababasa ko ito dahil sa
luha ko. Iyak lang ako nang iyak. Yung kinimkim kong sama ng loob noong mga
nagdaang araw, gusto kong ibuhos lahat lahat.
"I'm here, Sol." He whispered. "Lagi para sayo."
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. At ganoon pa rin sya, patuloy ang paghaplos at
pagpapakalma sa akin.
Nang tumahan na ako, bahagya akong lumayo sa kanya. I didn't look at him kahit na
alam kong titig na titig sya sa akin.
He holds my hand and caressed it softly. "Hindi mo kailangang sabihin sa akin ang
nangyari." Dinala nya ang kamay ko sa labi nya at marahang hinagkan iyon. "Basta
nandito lang ako. Hindi kita iiwan."
Tumango lang ako sa kanya habang nakayuko. I wanted to express my gratitude but I
don't know how.
Bago sya umalis ay hinalikan nya pa ang noo ko. Nag-iwan din sya ng cheesecake at
tubig para kapag nagutom daw ako ay may makain ako. Ika nya ay gusto rin akong
makita nina Troy at Mitzie ngunit sinabi nyang sya muna ang pupunta sa akin.
Mas mahirap ang exam ngayong hapon. Hindi ko na alam kung tama ba ang ginagawa ko
pero patuloy ako sa pagsasagot. I have to pass this. Ito na lang ang magsasabi sa
akin na I'm good enough.
Nang matapos ang exam ay nag-ayos na agad ako ng gamit. Naisip ko agad na kailangan
ko nang umuwi dahil kay Nanay. Walang suklay at ayos akong lumabas ng room.
Pasalamat ko na rin na maraming estudyanteng nagkukwentuhan tungkol sa exam kaya
walang nakakapansin sa akin.
Napakama-issue ng mga tao sa school. Kaunting kibot mo lang ay parang napakalaki na
agad ng kasalanan mo.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita sina Duke, Troy at Mitzie na papunta sa
direksyon ko. Hindi pa nila ako nakikita dahil nasa likod ako ng ibang estudyante
na nag-take ng battery exam.
Napayuko ako at bahagyang nagtago nang dumaan sila sa gilid ko. Kailangan ko nang
makauwi at kung makikipagkwentuhan pa ako sa kanila ay mapapahaba iyon.
"Saang room ba si Sol?" si Troy.
"4D."
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga nang makalampas sila sa akin. Agad
akong dumaan sa dagat ng mga tao at saka lang nakahinga nang maluwag nang tuluyang
makalabas ng school.
I immediately ride a tricycle. Ipinatong ko ang bag sa hita ko at lumipad ang utak
kay Nanay. I didn't text her the whole day. Ni hindi ko kinumusta kung kumain na ba
sya o ano dahil hindi naman kami ganoon.
Sumakay ang isang pamilyar na lalaki sa loob din ng tricycle kaya bahagyang
napaipod ako. He's familiar but I'm not in my right mind to remember him.
Nakita ko ang pag-ilaw ng cellphone ko kaya tiningnan ko ito.
Duke Laurence:
Where are you?
Itinago ko iyon pagkakita ko sa mensahe. Hindi na ako sumagot dahil wala rin naman
akong balak magpakita. I'm not ready to face them yet. Si Nanay ang priority ko sa
ngayon.
"Ikaw ba si Solene?" tanong ng katabi ko sa tricycle habang pauwi kami.
I looked at him, confused and a bit shock. Hindi ako maka-oo ngunit hindi rin ako
makatanggi. He's looking at me intently so I avoided his gaze.
"Nanay mo ba si Maryella?"
Namutla ako sa tanong nya. Dinaga ang dibdib ko dahil may laman ang tono ng
pagkakasabi nya. I'm not worrying about my own safety because I know how to defend
myself. Ang kaso lang ay si Nanay! Paano nya nakilala ang nanay ko?
I didn't answer again. Ayokong marinig nya ang takot sa boses ko.
Inisip kong mabuti kung saan ko sya nakita. Hindi ko sya naging customer sa Sweets
and Treats. Hindi ko sya lalo schoolmate. He's in his 30's but I'm sure our paths
crossed.
He let out a chuckle. "Sayang, ganda mo sana."
I bit my lip to keep my lips sealed. Hindi ko sya pwedeng patulan gayong para syang
may alam sa nangyari sa amin.
"Kaso nagtatago ka ng kriminal sa bahay nyo."
Nanginig ang kalamnan ko at mabilis na napaharap sa kanya. He's grinning widely
while I'm in a deep shock. Bumilis ang paghinga ko at pakiramdam ko ay kahit anong
segundo ay sasabog ang puso ko sa kaba.
"Oh? Bakit gulat na gulat ka?"
Saka ko lang naalala ang lalaki. He's the guy who followed me! Sya yung sumakay sa
jeep at tinitigan ako! He's that guy!
"What do you want?" mahinahon kong tanong kahit gigil na gigil na ako.
He shrugged. "Wala naman. Ang saya nyong panoorin." Muli syang tumawa. "Sayang,
patay na si bossing."
Pumikit ako nang mariin. He's insane! Nakita kong malapit na kami sa tapat ng bahay
kaya nagmadali akong bumaba at nagbayad ng pamasahe.
Pagkapasok ko pa lang ay napasandal ako sa pintuan na hingal na hingal. Someone
knows what we're doing! Kumanta lang sya sa mga pulis ay malalaman nilang lahat ang
nangyayari. Ang masama pa, tauhan sya ng tatay ko at wala akong kaideya-ideya kung
anong plano nya.
Lumapit ako sa mesa at uminom ng tubig. Makalipas ang ilang sandali ay medyo
kumalma na ako.
I have to think. Hindi option ang pagtakbo papalayo dahil wala kaming ibang
pupuntahan at wala kaming pera. Bukod pa roon, we can't live that way.
The other option left is to surrender... na alam kong hindi ko kaya. Isipin palang
nasa kulungan si Nanay ay parang sinasakal na ako. She's the only person who loves
me unconditionally. Hindi ko kakayaning mabuhay nang wala sya.
Napakunot ang noo ko nang makitang may dilaw na papel na nakasabit sa ref. Lumapit
ako roon at agad ang pagtakip sa bibig nang makita ang sulat kamay ni Nanay.

Sol,
Anak, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Simula noong isinilang ka,
wala akong ibang hiniling kung hindi ang magtagumpay ka sa buhay. Hindi kagaya ko
na hindi ka kayang suportahan sa mga bagay na gusto mo.
Patawarin mo sana ako at pagpasensyahan noong mga araw na hinayaan kong maltratuhin
ka ng ama mo. Takot din ako, Sol. Natatakot akong ipatapon nya tayong dalawa dahil
alam kong hindi kita kayang buhayin. Binubugbog nya rin ako, anak. Ginahasa.
Binaboy.
Galit na galit ako sa kanya pero nang umalis sya sa buhay natin ay naging masaya
tayong dalawa. Ipinaramdam mo sa akin na ikaw ang araw sa buhay ko. Ikaw ang
nagbibigay liwanag sa akin, anak.
Tuwing nakikita kong nahihirapan ka sa sapatos mo at hindi manlang kita mabilhan ay
nasasaktan ako. Tuwing nahihirapan ka sa kurso mo ngunit pinipilit mo ang sarili mo
dahil alam mong iyon ang sa tingin mong makakapag-angat sa atin sa kahirapan...
para akong dinudurog. Lagi mong mas inuuna akong bigyan kaysa ang sarili mo.
Kahit ngayon.
Alam nating dalawa kung ano ang dapat nating gawin ngunit ayaw kong iwan ka.
Ayokong lumayo sayo sa ganitong paraan. Hindi ko man maipaliliwanag sayo ang
dahilan kung bakit ko nagawa 'yon, sana mapatawad mo si Nanay.
Mabuhay ka nang mahaba at masaya, Anak. Wala akong ibang dalangin kung hindi ang
makita ka sa loob ng isang bakeshop bilang isang mahusay na baker.
Susuko na ako sa mga pulis. Siguro sa mga oras na ito ay inililipat na ako sa
malaking presinto sa Maynila. Huwag mo na akong hanapin, Anak. Maging malaya ka at
mapagtagumpay.
Mahal na mahal kita, Solene. Ikaw ang paulit-ulit kong ipapanalangin sa Panginoon.
-Nanay

Chapter 19

Bumuhos ang luha ko habang kinikipkip sa dibdib ang sulat ni Nanay. I can't move a
muscle. Napako ako sa kinatatayuan ko. Series of fatalistic thoughts flooded my
entire being. Dahan-dahang nagsink-in sa akin ang nangyari.
Nanay left me.
She doesn't want us to meet again... mahal na mahal ko ang nanay ko pero ayaw nya
na akong makita dahil ayaw nyang hilahin ako pababa. Ayaw nyang madamay ako sa
ginawa nya. While I'm hating on her, she's thinking of me.
I gulped my sadness but it flows in my trembling, cold hands. My knees gave up,
like how she gave up on life. That night, I plunged in to my bed hoping that all my
thoughts would disappear. I folded my pain and put it all in my mouth, creating
sobs and tears.
Dumating ang umaga pero wala akong ginawa kahit tumatama na ang araw sa mukha ko. I
don't want to face the empty side of this house. I didn't sleep. Sa paglalim ng
gabi, para akong nilulunod ng alon ng buwan.
Mag-isa na lang talaga ako.
Nakatitig lang ako sa sira-sirang kisame ng kwarto ko, hinihiling na sana ay bigla
na lang itong malaglag sa akin.
Nay, ang dami kong plano para sa atin. Sabay nating tinanaw ang mundo. Ikaw lang
ang inspirasyon ko kaya ako nakakalakad. Ngayong wala ka na, paano ako? Saan ako
magsisimula ulit?
Lumipas ang buong maghapon na nasa kama lang ako. Rinig ko ang paulit-ulit at
nakaririnding tunog ng cellphone ko pero hindi ko ito tiningnan hanggang sa mamatay
ito dahil sa pagka-low batt. I'm a complete mess and I don't even want to fix
myself. Gusto ko na lang mawala rin gaya nya. This life isn't worth living anymore.
Bumangon lang ako nang makaramdam ng uhaw. Paglabas ko pa lang sa kwarto ko ay
binalot ako ng kalungkutan. Madilim ang buong bahay at halata mong walang tao.
Sumulyap ako sa pinto ng kwarto nya pagkainom ko.
Kagat-labi kong pinasok ang loob.
Nothing has changed. Naroon ang mga gamit nya. There's a picture of us in her
bedside table. Ang mga awards ko sa baking contests ay nakasabit sa dingding ng
kwarto nya.
I sighed. This is her view every night. Puro mukha ko, puro ako.
Lumapit ako sa kama nya at muling tumulo ang luha ko. Kung pwede lang tanggalin na
lang ang mga mata ko dahil pagod na akong umiyak ay ginawa ko na.
Nay, bakit mo naman ako iniwan?
I cried in her pillow. It smelled like her. It smelled like home.
I slept there that night. Saka lang ako nakatulog habang naamoy ko sya. This house
isn't a home without her.
I'm a mess for days. Nabasa ko na lang sa group chat namin na individually daw ia-
announce ang mga nakapasa sa battery exam. Duke and Troy were calling me constantly
pero hindi ako sumasagot. Ilang beses ko na ring narinig si Duke na parang sisirain
ang pinto ng bahay namin pero wala akong pakealam.
Nagpakalunod ako sa lungkot. Yes, I have friends. I have a very loving boyfriend. I
have a lot of people who support me. Pero ang sakit pa rin. Ang sakit ng
paghihiwalay namin ni Nanay. Gusto kong puntahan sya sa Maynila pero wala akong
pamasahe. Ni hindi ko maalala kung kailan ako huling kumain.
'Maging malaya ka at mapagtagumpay.'
Panibagong umaga, tumingin ako sa bintana ng kwarto ni Nanay. Dito kasi ako ulit
natulog.
'Ikaw ang araw ko.'
The sun is radiating its light. Kita ko ang ibang kapitbahay namin na nagsasampay
na para mahabol ang init. May mga ilang bata na naglalaro na rin sa daan dahil
tapos na ang school year.
Doon ko napagtanto na hindi tumigil ang mundo para sa akin. Na normal lang ang
takbo ng buhay para sa lahat.
It took me two weeks to realize that.
Gusto kong makita si Nanay? Pupuntahan ko sya.
Wala akong pera? Magtatrabaho ako. Lalo ngayon at bakasyon na.
With a new goal in mind, nag-ayos ako ng sarili. Naglagay ako ng make-up, nagbihis
nang maayos at ngumiti sa salamin. Hindi man ako masaya, at least, kayang itago ng
mukha ko ang nararamdaman.
I dialed Ma'am Candy's number. Sa ikatlong ring ay sinagot nya ito.
"Hello? Sol? Is this you, hija?"
I sighed. "Yes, Ma'am..." I bit my lip. Nakakahiya pero kailangan ko ng trabaho.
"Ma'am, kailangan nyo pa po ba ng assistant ng pastry chef?"
She gasped. "A-are you sure?"
Matagal nya nang in-offer sa akin yon ngunit ilang beses ko ring tinanggihan dahil
wala akong tiwala sa sarili ko. Mas okay sa akin noon ang pagiging servant at
cashier kaysa ang magtrabaho mismo sa kusina kahit pa sabihing mas malaki ang
sasahurin ko.
"Yes, Ma'am..." I sighed. "I hope your offer still stands."
She screamed like a child. "Ang tagal kitang niligawan, Sol! Pumunta ka sa shop.
ASAP!"
Napahinga ako nang malalim. I should trust myself more now. Wala na akong pwedeng
asahang magpapakain at magpapaaral sa akin. I will see you again, Nay. Mag-iipon
lang ako ng pamasahe.
Lumabas ako ng bahay namin at ganoon na lang ang gulat ko nang makitang nasa pinto
si Duke. Mukha rin syang nagulat nang makita ako. Mukha syang walang tulog dahil
kapansin-pansin ang itim sa ilalim ng mata nya.
"D-Duke..."
Para akong sinaksak nang makitang tumulo ang luha sa mga mata nya, Agad ang pagpula
ng ilong nya dahil sa pinipigilang hikbi.
Hindi ako nakagalaw. Isang hakbang lang at ikinulong nga ako sa bisig nya. I can
feel his shoulders vibrating dahil sa iyak. He hugged me so tight I can barely
breathe.
"Tangina..." hikbi nya. "Sol, parang awa mo, wag mo nang gagawin 'to."
Namuo ang luha sa mata ko. Is he waiting for me here? Kaya ba hindi sya makatulog
ay dahil sa akin?
Hinagod ko ang kanyang likod. Mahigpit pa rin ang yakap nya sa akin na parang kapag
binitawam nya ako ay mawawala ako. I didn't push him not only because it's
disrespectful, but also because I missed him. I missed being wrapped around his
arms.
"Baby, please, don't do this again." He whispered. "Papatayin mo ako sa pag-
aalala."
I bit my lower lip. "I-I'm sorry, Duke..."
"Shhh, it's okay." He kissed my temple. "Did you eat?"
Umiling ako at tumingin sa mukha nya. My eyes met his and for the first time in two
weeks, I was contented.
He holds my hand and gently pulled me. Nagpatangay lang ako sa kanya hanggang sa
makarating kami sa bahay nila. Hindi ako nagsasalita dahil wala akong ibang gustong
sabihin.
Pinaupo nya ako sa lamesa sa kusina habang nagluluto sya ng pwede kong kainin.
While looking at him, I realized how lucky I am to have him. Parang hindi
nakakatakot ang pag-iisa dahil lagi syang nakaabang, nanonood at susuporta sa akin.
Naputol ang iniisip ko nang pumasok si Tita Gemma sa kusina.
"Sol." She called me. Lumapit sya sa akin at bahagyang hinalikan ang pisngi ko.
"Magandang umaga, Tita."
Nginitian nya ako bago dumiretso sa ref para kumuha ng tubig. She's moving
gracefully. Halatang kalkulado ang bawat hakbang at galaw. Halata mong propesyunal.
Umupo sya sa katapat kong upuan at binigyan ako ng baso at sinalinan iyon ng tubig.
"Pumayat ka," she uttered. "Ang tagal din kitang hindi nakita. How are you?"
I gulped. Kinuha ko ang baso at uminom doon bago sumagot sa kanya. "I'm okay po,
Tita. Medyo naging busy lang."
She nodded and smiled. "Kahit si Yella ay hindi ko na nakikita. Hindi na rin ako
niyayayang pumunta kina Ivy."
Kinagat ko ang labi nang marinig ang pangalan ni Nanay. Ang kamay na nasa hita ko
ay humigpit ang kapit sa suot kong pantalon.
"U-umalis po si Nanay, Tita."
They still don't know what happened. Hindi naging maingay ang kaso ni Nanay kahit
pa umamin sya sa mga pulis. Hindi ko alam kung dahil ba sa isang buwan pa lang
halos simula nung nangyari ang krimen o wala lang talagang pakealam ang lahat.
My father was killed but I didn't even mourn for him. Wala akong magandang memorya
kasama sya. Ni hindi ko maramdamang dumadaloy sa akin ang dugo nya.
Tumango ito. "Kumusta pala ang battery exam nyo?"
Doon lang ako napahinga nang malalim. Sinabi ko sa kanya na sa isang buwan pa
malalaman ang resulta. Mabilis pa kaming nagkwentuhan hanggang sa nagpaalam ito sa
akin na aakyat na sa kwarto para mag-compute ng grades.
Lumapit din naman si Duke sa akin at inilapag sa harap ko ang tapsilog.
"Kumain ka."
Tumango lang ako sa kanya. Umupo sya sa upuan kanina ni Tita Gemma at pinanood
akong kumain.
Nag-angat ako ng tingin at nakitang seryosong seryoso sya habang nakatitig sa akin.
Wala sa ayos ang buhok nya at ang pulang ilong kanina ay normal na ulit. Kahit
puyat, hindi putla ang kanyang labi. Kulay rosas pa rin ito at halatang malambot.
"Hindi ako ang pagkain, Sol."
I chuckled before eating. Unang subo ko pa lang ng pagkain ay gusto ko nang maiyak.
He prepared this for me! Parang si Nanay lang.
"Ha!" ani ko at ngumiti nang malaki nang maubos ang pagkain. "Wala na?" pang-aasar
ko kahit sasabog na ang tyan ko.
He didn't smile back at me. He kept his straight face and get my plates. Hinugasan
nya rin iyon habang nanatili ang mata ko sa likod nya.
I sighed before standing. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya sa likod habang
naghuhugas ng pinggan. Ni wala na akong pakealam kung may biglang pumasok sa
kusina.
"I love you, Duke."
Namuo ang luha sa mata ko nang sabihin ko iyon sa kanya. Matagal ko nang
nararamdaman yon pero iba pa rin sa pakiramdam kapag nasabi ko nang harapan.
He will never hurt me... just like my Nanay.
Naramdaman ko ang paninigas nya. He stopped moving while my arms are wrapped on his
body. I want him to feel my warmth. I want him to rest in my warmth.
"Sorry kung matagal akong hindi nagparamdam..." I sighed. "Pero ayos na ako
ngayon."
Hindi sya nagsalita.
"Salamat sa matyagang pag-aantay sa akin." Humigpit ang yakap ko sa kanya. "Nalaman
kong hindi ako mag-isa."
Humarap sya sa akin. Tinuyo nya ang kamay at hinawakan ang dalawang pisngi ko.
Nakatingala ako dahil sa tangkad nya habang nakayuko sya sa akin.
His brown eyes were looking at me with tenderness. Parang sinasaulo nya ang bawat
guhit ng mukha ko sa paraan ng pagtitig nya at wala akong balak na mag-iwas ng
tingin. He made me feel at ease. He made me feel special.
"Hanggang nandito ako, hindi ka mag-iisa, Sol."
Sinabi ko sa kanya ang balak kong pagtatrabaho sa Sweets and Treats. He was
supportive about it. Mabuti na rin daw yung mahasa ako sa pagbabake kaysa wala
akong gawin sa bahay. It made me happier. Masaya ako na mayroong nagsasabi sa akin
na tama ang ginagawa ko.
Hindi ko sinabi sa kanya ang nangyari kay Nanay dahil hindi pa ako handa.
Pakiramdam ko ay masyado pang hilaw ang nangyari. I can't tell him that my mother
is a murderer. Napakaganda ng imahe ng nanay ko sa buong barangay namin. I can't
ruin that.
"Ihahatid at susunduin kita araw araw."
Napalingon ako sa kanya. "Wag na!"
He pouted. "At ano? Si Harvin ang maghahatid sayo?" He shook his head. "That's not
gonna happen."
I laughed. "Are you jealous?" pang-aasar ko. Lagi na lang kasi itong parang inis sa
lalaki.
"Oo."
Sabay-sabay ang pag-ubo ko sa pag-amin nya. Umakyat ang dugo sa mukha ko kaya
bahagya kong pinaypayan ang sarili ko gamit ang mga kamay.
Nakatitig lang sya sa akin. Seryoso ang mukha at pinapanood ang bawat galaw ko.
I composed myself before looking back at him.
"Ikaw ang mahal ko, Duke."
Napangiti ako nang mag-iwas sya ng tingin at namula ang pisngi. Hinawakan ko ang
kamay nya at hindi naman nya iyon binawi kaya lalo akong napangiti.
"Nagbblush ka rin naman eh, no?"
"Shut up."
Malakas ang pagtawa ko nang tumayo sya at tumingin sa akin.
"Halika na, ihahatid na kita."
I nodded. Tumayo rin ako at naglakad palabas ng bahay nila. Hindi ko alam kung
nasaan si Kuya Sean. Sa totoo lang ay ang tagal na noong huling beses ko syang
nakita at wala na akong balita sa kanya.
"Saan pala galing ang motor mo?" tanong ko nang iniaabot nya sa akin ang helmet.
"Binili ko."
Umirap ako. "Very informative."
Ngumisi sya sa akin. Isinuot ko ang helmet bago sumampa sa likod nya at walang
hiyang ipinulupot ang kamay ko sa bewang nya.
Paglabas namin ay natanaw ko ang bahay namin. May kahoy na gate kami at halatang
luma na. Kaunting bagyo na lang ay masisira na ito nang tuluyan lalo pa at may
tumutulo sa loob nito kapag malakas ang ulan. Sa hilerang iyon ay bahay namin ang
pinakamaliit. Hindi ko rin naman kinukwestyon iyon dahil dalawa lang kami ni Nanay
na nakatira roon.
Ngayon, mag-isa na lang ako.
I sighed but as the wind touched my skin, I prayed that she's okay... ibinulong ko
sa hangin ang pangakong makikita ko sya ulit at ipinagdasal na sana ay makarating
iyon sa kanya.

Chapter 20

Life went on. Somehow, hindi na ganoong kabigat ang araw araw dahil palagi kong
kasama si Duke. Parang kahit sandali lang ay napupuno ang kulang sa akin. He
assured me that he's not gonna leave me, marahil ay natakot talaga sa nangyari.

"Chef Rolenz, tikman mo nga." I said while handing him the cinnamon rolls I made.

Tumikim sya at bahagyang tumango. "Masarap na pero hindi nagsusustain yung lasa."

Ngumuso ako. "Ano kayang kulang?"

Muli kong sinubukan. Nagdagdag ako ng kaunting asukal at gatas dahil pakiramdam ko
ay kulang sa tamis.

Habang gumagawa ako ay kinakausap ako ni Chef.

"Ang in demand ng chocolate chip cookie mo. Hindi mo ba talaga ituturo sa akin kung
paano gawin yon?"

Natawa ako sa sinabi nya. Sa halos tatlong linggo kong pagtatrabaho rito ay mabenta
talaga ang cookies na ginawa ko. It's an old recipe pero nang matikman at
maaprubahan ni Ma'am Candy ay ibinenta namin iyon.

"Paturo muna ng red velvet cake, Chef."

Tumawa na rin sya sa akin. Lumapit sya sa oven at inilagay doon ang mixture.
Matapos iyon ay inasikaso nya naman ang icing.

Dahil summer, may isa pang chef na ang ginagawa naman ay smoothies, frappes, at
ibang beverages na patok ngayon. Karamihan sa customers namin ay mga kabataan at
couples. Bibihirang pumunta ang isang buong pamilya dahil wala naman kaming rice
meals.

"Susunduin ka ba ng boyfriend mo mamaya?"

Napangiti ako. "Opo, chef."

Naiiling syang ngumiti. "Basted talaga si Harvin."

"Hindi naman kami talo non, Chef! Magkaibigan lang kami ni Harv."

He just shrugged and continued on working. Ganoon din ang ginawa ko. Sinubukan ko
hanggang sa maperfect ko ang cinnamon rolls.

Tama nga si Duke, napakagandang platform nito para matuto ako sa pagbabake. Isa pa,
nakakaipon ako. Kaunti na lang at makakaipon din ako ng pamasahe patulak sa
Maynila.

It was overall a normal day. Inihatid ako ni Duke at ngayon ay nag-aantay na akong
sunduin nya. Hindi ko maintindihan sina Ate Sab na inaasar pa rin ako kay Harvin
gayong ang alam ko ay may nagugustuhan na ito. Isa pa, alam nilang may boyfriend
ako kaya minsan ay hindi na lang ako umiimik.

Marami kaming binake ni Chef ngayong araw para mild orders na lang bukas. Aagahan
ko na lang ang punta rito para masimulan ang chocolate chip cookies.

Inantay ko ang out ko bago ako lumabas ng shop.

"Inom daw sabi ni Troy." Ayan ang pambungad sa akin ni Duke nang itigil nya ang
motor sa harap ko.

Umiling ako. "Wala akong pera." At nagtitipid ako!

Tumingin sya sa akin na para akong nahihibang. "Kasama mo, ako, Sol. Anong sinasabi
mo?"

I pouted. "Bakit daw ba?"

"Announcement mamaya ng result ng battery exam. Sabay-sabay daw nating tingnan."

Huminga ako nang malalim para alisin ang kaba sa puso ko. This result will define
my future.

Sumakay ako sa likod ng motor nya at dahil sa rooftop naman nila kami mag-iinom,
umuwi muna ako sa bahay at nag-ayos. Nagbihis ako ng mas komportableng damit.

"Sol, beb, namiss kita!" sigaw agad ni Troy nang makita ako. Yumakap pa sya sa akin
at pabirong ginulo ang buhok ko.
Tumawa ako sa kanya at bahagya syang itinulak nang pabiro. "Hindi kita miss."

Nginitian ako ni Mitzie at kinawayan. Ganoon pa rin ang mga mata nya. Malungkot at
halatang may pinagdadaanan na hindi namin alam. She looks really tired. But still,
she looks beautiful. Medyo nanaba rin ito na bumagay naman sa kanya.

"Are you okay?" tanong ko nang makaupo sa harap nya.

Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Duke. May dala syang pagkain para sa aming
dalawa ni Mitzie.

"I cooked your favorite," he whispered.

Itinago ko ang pamumula dahil nakatingin sa amin si Mitzie. Hindi pa nila alam ni
Troy na may relasyon kami ni Duke.

"Oo, ayos lang ako, Sol." Mitzie answered before smiling. "Ang tagal mong nawala."

Tumango lang ako sa kanya para maputol ang usapan. Ayoko nang magtuloy iyon dahil
baka malaman pa nila ang tungkol kay Nanay.

"Kinakabahan ako..." ani Troy bago umupo sa tabi ni Mitzie. May dala syang dalawang
bote ng alak dahil magsisimula na ata sila ni Duke.

Kami naman ni Mitzie ay kakain muna.

"Baka hindi ako sagutin ni Chin kapag hindi ako nakapasa." Dagdag nya pa.

"Mas matakot ka sa Mama mo." Natatawang sagot ni Duke bago nagsalin ng alak sa baso
nya.

Ako naman ay kumain na lang habang nakikinig sa usapan nila. Kahit pala Summer
vacation ay nagkikita pa rin sina Troy at Chin. Sabi nya sa amin ay ipapakilala nya
sa amin ang babae.

Nang matapos kumain ay ibinaba ko ang plato sa kusina nila. Hinugasan ko na rin ang
pinggan para hindi nakatambak sa lababo. Paakyat na sana ako ulit sa rooftop nang
makita ko sa sala si Kuya Sean. Nakayuko sya kaya di nya ako pansin.

"Kuya..." tawag ko.

Nag-angat sya ng tingin sa akin. Nakita ko agad ang itim sa ilalim ng mata nya.
Mukhang problemado sya.

I sighed. Ang daming malungkot ngayon.

"Sol." Bati nya sa akin. "Kumusta?"

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya. "I'm okay, Kuya. Ikaw? Natutulog ka pa
ba?"

Mahina syang tumawag. "Stressed lang. Nagkukumpleto pa ako ng requirements.


Graduating, e."

I smiled at him. "You can do it!"

Ginulo nya ang buhok ko at nginitian din ako. It didn't reach his eyes. Alam kong
may iba pa syang iniisip pero hindi na ako nagtanong. Umakyat na ako sa rooftop at
naabutan ko agad ang pagtawa ni Troy.
Sasalinan na sana nya ng alak ang baso ni Mitzie ngunit iniilag ito ni Duke.

"Hindi sya iinom," ani ng lalaki bago tumingin kay Mitzie. "May orange juice sa
baba. Ikukuha kita."

"Akala mo talaga protective jowa ampota," sagot ni Troy bago tumawa.

Tumayo si Duke at nakita nya akong pinanonood sila. Tinapik nya lang ang balikat ko
bago ako lampasan. Ako naman ay naguguluhang bumalik sa upuan ko. What the hell did
just happen?

"Kayo ba?" tanong ni Troy pagkaupo ko.

Kinabahan ako sa tanong nya. "Ha?" tanong ko bago namula. "Ano..."

He chuckled. "Hindi ikaw, beb. Si Mitz." Lumingon sya sa katabi nya. "Napapansin ko
kayo. Isang buwan na rin... hay nako."

What is he saying? Anong sila? Kami!

Napakamot sa ulo si Mitz. "I-imbento ka!"

Nang makabalik si Duke ay may dala nga itong juice. Iniabot nya iyon kay Mitzie na
tinanggap naman ng huli.

I breathe heavily. Ano na naman 'to?

Sinalinan ako ni Troy sa baso ko. Nag-antay ako ng pagtanggi ni Duke ngunit hindi
iyon tumanggi.

"Pwede akong uminom?" hindi napigilang bulong ko sa kanya.

He gave me a puzzled look. "Oo naman. Bakit hindi?"

Mahina akong tumango at diretsong ininom ang alak na nasa baso ko. Ni hindi ko
pinansin ang pagguhit nito sa lalamunan ko. My mind is giving me another series of
unwanted thoughts. I didn't know they've gotten closer the month I went missing.
Minsan ay may pinagkukwentuhan sila na hindi ko inaasahang hindi ako makakarelate.

Isang buwan lang akong nawala pero parang ang layo na agad nila.

They talked about the time they went to a bar and a guy harassed Mitzie. Iniligtas
din naman iyon ng dalawa. They beat the man and sent him to community service.
Pinag-usapan din nila ang namuong romance kina Owa at Aseya. I didn't know that.
Maging ang gigs ni Mitzie na pinuntahan nila ay hindi ko alam.

I gulped as realizations gambled with my mind. Ang tanga ko naman para akalaing
tumigil ang buhay nila nong wala ako. I thought they're missing me everyday. I
thought they didn't have fun while I'm gone.

I mentally laughed. Jokes on you, Sol. Don't think highly of yourself.

"Okay ka lang?" bulong ni Duke sa akin.

I smiled a little and nodded.

"Tahimik mo, hindi ako sanay."


Anong sasabihin ko eh hindi ko naman alam ang pinag-uusapan nyo? Nakalimutan nyo
yatang hindi nyo ako kasama noong mga panahong yon.

"Beb, nagtatrabaho ka pala, no?" agaw ni Troy sa atensyon ko.

"Yup." I answered briefly.

"Punta ako minsan. Pagbake mo ako, ha? Bibigay ko kay Chin."

Inirapan ko sya. "Puro ka Chin."

"Wag kang magselos."

I gave him a disgusted look. Tumawa lang sya at uminom.

Alas jiez daw ie-email ang resulta. May dalawang oras pa kami halos para harapin
ang totoong kaba. We continued drinking. Kaming tatlo lang dahil hindi naman
pinayagan ni Duke si Mitzie na mag-inom.

"Umamin nga kayo sa akin." Seryosong saad ni Troy. "Sino bang girlfriend mo sa
dalawang 'to, Duke?"

"Shut up, Troy." Ani Duke. Ipinatong nya ang kamay sa hita ko kaya napatingin ako
sa kanya. He slightly shook his head. Parang sinisigurado ako.

"Nung first year tayo, akala ko talaga si Solene." Tumawa sya. Alam kong medyo
lasing na si Troy dahil kung ano ano na ang sinasabi nya. "Ang sweet nyo tapos sya
lang ang pinapansin mong babae sa school."

Uminom ako at tinitigan si Troy.

"Pero ngayong third year, parang mas close na kayo ni Mitzie."

"Troy, lasing ka na." Ani Mitzie sa lalaki.

He shook his head. "Alam ko namang wala kang karelasyon sa dalawang 'to. Nalilito
lang ako, para kasing meron," sinabayan nya iyon ng pagtawa.

Muli akong uminom. Totoo, mas close nga silang dalawa ni Mitzie kumpara sa amin. I
can't even tell him my problems... and it's not us. Kahit ang pinakapanget na
problemang dumating sa buhay ko ay alam nya. Pero ngayon, parang may mali. Parang
hindi ko kayang magsabi sa kanya. At ganoon din sya sa akin. He won't tell me his
problems. Ni sa iba ko pa nga nalaman na may problema ang pamilya nila.

Bali-balita kasing may affair si Tito Franco sa Australia. Last year pa iyon,
matapos nyang ma-promote. I waited for him to tell me that but he didn't.

Lumalim ang gabi. Tumayo ako at lumapit sa railings. Kumapit ako roon at tiningnan
ang buwan. Kung siguro pag-uwi ko, nandoon si Nanay, hindi ako magiging ganito
kalungkot. Ano kayang ginagawa nya sa Maynila ngayon? On-going pa rin kaya ang
kaso? Is she thinking of me?

Nanay, miss mo rin ba ako?

Tuwing uuwi ako, gusto ko syang tawagin tapos nag-aantay ako ng sagot na naroon sya
sa likod. Pero nakailang uwi na ako. Nakailang silip na ako sa likod pero wala sya.

Si Duke na lang ang meron ako ngayon. Pero hindi sya gaya ni Nanay. He maybe loves
me but it isn't as deep as her love for me. Si Nanay, she never made me feel
unwanted. She always includes me. Her dream is to see me prosper.

Walang magmamahal sa akin nang ganoon maliban sa kanya.

"Beb, okay ka lang?"

Pinahid ko ang luha sa pisngi at nagmulat ng mata. Tumingin ako kay Troy na
nakatingin sa langit.

"Oo naman. Ayos lang."

Sumulyap ako sa mesa at nakitang nilalagyan ni Duke ng makapal na kumot si Mitzie.


Agad akong nag-iwas ng tingin.

"Tanga ka, kaibigan mo ako." He sighed. "Gaya ni Duke, pwede mo rin akong asahan.
Pwede mo rin akong yakapin kapag hindi mo na kaya."

I bit my lower lip. That's true. Lagi kaming nag-aasaran ni Troy pero lagi rin
syang nandyan para sa akin.

"Beb, hindi ka sasaktan ni Duke. Sigurado ako dyan."

"Sinasabi mo?" pabirong tanong ko.

He looked at me. Seryoso ang mga mata nya. "You love him."

I wasn't able to answer. Nakatingin lang ako sa kanya habang nanlalaki ang mga
mata.

Nag-iwas sya ng tingin. "Ayos lang yan, beb. Mahal ka rin naman nyan." Tumawa sya.
"Strikto lang yan kay Mitzie pero sa nakikita ko, mahal ka talaga ni Duke."

"Y-you don't know what you're saying."

Sasagot pa sana sya nang sumigaw si Duke na nakapasa raw sya sa battery exam. He's
smiling widely while looking at his phone. Nagkatinginan kami at nakita ko ang
pagkislap ng mga mata nya. He's happy...

Huminga ako nang malalim pero dahil hindi ko ma-access ang email ko ay nakailang
try pa ako.

Nagtatalon din si Troy habang nakatingin sa cellphone nya. Nakapasa rin sya!
Sumisigaw sya at habang pinapanood sila ni Duke ay napangiti ako.

These two will become engineers in the future.

Nangatal ang kamay ko nang mabuksan ang email.

Tuluyang bumagsak ang luha ko nang mabasa ang laman non.

"The College of Engineering was delighted to have you for three consecutive years.
However, your scores did not reach our passing grade. We will show you your scores
in the next days. We were sorry. We still hope the best for you. Thank you."

Parang natahimik ang mundo ko.

I failed.

I'm not qualified to take the next level.


Just like that, the three years I spent in that program were nothing but a piece of
waste.

Nakita ako nina Duke at Troy. One look and they know what happened. Lumapit sa akin
si Troy at niyakap ako nang mahigpit. He comforted me while Duke was staring sadly
at me. Hindi sya nakagalaw.

Umupo ako sa mesa namin nang tahimik... thinking of my next plans. Siguro ay
titigil na lang muna ako. Nandyan naman lagi ang edukasyon. I have a lot in my
plate right now.

Nakarinig ako ng pagbagsak ng baso kaya napaangat ako ng tingin.

Mitzie is crying.

Inilapag nya ang cellphone sa mesa at nakita kong iisa ang mensaheng natanggap
namin.

Bagsak din sya.

She sobbed and pulled her hair. Iyak sya nang iyak at habag na habag ako sa kanya.
I can feel her pain. We worked hard for this and now... fate told us that we aren't
good enough. It's funny how a piece of paper had the chance to ruin her dreams...
and my way of life.

Tumulo ang luha ko nang tumayo sya at tumakbo paalis sa rooftop. Agad itong hinabol
ni Troy.

Tumayo rin si Duke. Nag-aalala ang mukha nya habang nakatingin sa pintong nilabasan
ng dalawa. Gusto nyang sundan ang dalawa... alam ko. Maiiwan akong mag-isa rito.

I sighed and hold his hand. "Dito ka lang." I pleaded. "Please, dito ka lang..."

Kita ko ang gulo sa mga mata nya. Nawala ang sayang kanina lang ay nakapinta sa
mukha nya. He looks like he wanted to follow Mitzie but because of me, he can't.

I smiled. "S-sige na nga. G-gawin mo na lang kung anong gusto mo..." my voice
cracked. Dahan-dahan kong binitawan ang kamay nya.

He looked at me apologetically.

Alam ko na agad kung anong gusto nya.

Alam ko na agad kung sinong pinili nya.

"S-she needs me, S-sol..." he whispered.

Tumango lang ako. Hindi ako makikipagkumpitensya sa kanya, Duke. I need you, too,
but I won't tell you to choose me.

"M-mas hindi nya inasahan 'to..."

Doon ako nadurog. He apologized before running away from me. Kita ko ang pagdaan ng
pagsisisi sa mukha niya pero para siyang naipit sa sitwasyong hinding-hindi ko
maiintindihan.

Oo nga, mas hindi inaasahan ni Mitzie ito dahil kumpara sa akin, mas matalino sya.
Kumpara sa akin, mas malungkot sya. Kumpara sa akin, mas kailangan nya si Duke.
Duke really has his ways to make me feel awful and... not good enough.

Chapter 21

Trigger Warning: Suicide

Umiyak ako nang mag-isa sa rooftop nila. No one's there to comfort me. Kahit ang
nag-iisang taong inaasahan ko na yayakap sa akin ay tumakbo palayo para sa iba.

I hate the fact that people always see me as a strong woman who doesn't need
anything. Nasanay sila na okay lang ang lahat sa akin kaya ngayon, iniisip nila na
ayos lang din... na kaya ko.

Siguro kung ako yung nabastos sa bar, ako yung mambubugbog sa lalaki kaya hindi
sila mag-aalala. Siguro kung kasing hina ako ni Mitzie, may magpapakalma rin sa
akin. May mananatili rin sa tabi ko.

Pinahid ko ang luha sa mga mata ko.

I am so tired of being my own savior.

Umuwi ako sa bahay namin dahil hindi na sila nakabalik matapos ang tatlumpong
minuto. Walang bumalik para sa akin. Walang bumalik para yakapin ako.

Sana ako na lang si Mitzie. Sana kaibigan na lang din ako ni Duke, hindi
girlfriend.

Pumasok ako sa kwarto ni Nanay at doon nag-iiyak. Ang hirap isiping lagi akong mag-
isa. Gusto kong magkwento kay Nanay na hindi ako ayos. Gusto ko ulit maramdaman na
may magsasabi sa akin na magiging ayos din ang lahat.

I feel like I lost everything.

Nawala si Nanay. Nawala yung tatlong taong pinaghirapan ko. Dumulas si Duke mula sa
pagkakahawak ko...

People... sasabihin nilang nandyan sila palagi para sayo. But when you needed them
most, wala sila... hindi sila mahanap. They are all saying comforting words pero sa
dulo, walang hahawak sa kamay mo para samahan ka.

And I can't blame anyone about it. Wala akong karapatang utusan sila na mag-alala
para sa akin. I should know how to handle myself. I should know how to stand alone.

I cried hard. Namamaga na ang mga mata ko pero umiiyak pa rin ako. Nakakasawa na
lagi na lang akong ganito.

I'm disappointed with myself. Ipinagpilitan ko ang sarili ko sa engineering kahit


alam kong hindi ko kaya. Inisip ko kasing nandyan si Duke pero hindi ko naman pala
sya pwedeng asahan lagi dahil laban ko 'to.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa shop. Itinext ko lang si Duke na mauuna na


ako dahil marami akong dapat gawin kahit ang totoo ay gusto ko lang umiwas.

Duke Laurence:
Are you okay? I'm sorry.
I didn't reply. Ipinagpatuloy ko na lang ang paggawa ng chocolate chip cookie.
Binati ako ni Ate Sab at napansin nya ang pamumula ng mata ko. I just said I didn't
sleep well.

Dumating ang mga customers pero dahil marami na kaming nagawa ay tumulong na lang
ako sa labas sa pagseserve. Ayokong magpahinga dahil mag-iisip lang ako.

Napansin ko si Harvin na nakaupo sa mesa sa may bintana at nakatingin sa malayo.


Ibinaba ko ang hawak na tray at umupo sa tapat nya.

I cleared my throat. "Lungkot mo yata."

Tumingin sya sa akin at malungkot na napangiti. Araw araw syang nasa shop dahil sya
ang pinagbabantay ni Ma'am Candy pero ngayon ay ibang-iba ang awra nya.

"Nag-quit si Mitz sa banda." He uttered.

I sighed, nalungkot para sa kanya. Sa lagay ng babae ngayon, sigurado akong gusto
nya munang magpahinga.

"Paano gigs nyo?"

He shrugged. "Di muna siguro kami tatanggap. Hahanap bagong vocalist."

I nodded. Para kaming tangang dalawa dahil kahit mainit sa pwesto namin ay nagawa
naming mag-emote.

"Pasa ka?" tanong nya sa akin makalipas ang ilang sandali.

I chuckled. "Si Mitzie nga hindi nakapasa, ako pa kaya?"

His eyebrows furrowed. "Don't say that, Sol. Magkaiba kayo. May mga bagay na kaya
nya at hindi mo kaya pero may mga kakayanan ka rin na hindi nya magagawa. Don't
compare yourself to her."

Napangiti ako sa kanya. Siguro, kung hindi si Duke ang laman ng puso ko, nahulog na
ako kay Harvin. He knows what to say every single time. He's always there for me.

"Sayang yung tatlong taon." Naiiling na saad ko. "Tangina, sayang pagpapaaral sa
akin ni Nanay."

He grabbed my hand and gently squeezed it. "You're meant for something greater than
being an engineer, Sol."

Tumango ako sa kanya at hinawakan ang kamay nyang nakapatong sa kamay ko. I thanked
him... wholeheartedly.

Tumayo na ako at nagsimula sa pagtatrabaho. My day at the shop went smoothly. Kahit
papaano ay nakalimutan ko ang nangyari kagabi. Duke told me that he'll fetch me
dahil hindi nya na ako naihatid kanina.

Isang oras na lang at matatapos na ang out ko. Nakita kong pumasok si Troy sa shop
at hawak ang kamay ng isang babae. She's petite. Her skin is fair and her face is
simple. May pagka-chinita at dahil nakangiti ay kita ko ang maliliit at pantay-
pantay nyang ngipin. She looks like a Kpop idol.

"Sol, beb!" bati sa akin ni Troy. "Si Chin."

Ngumiti ako nang malaki at nakipagkamay sa kanya. She bit her lower lip shyly while
looking at me.

"I'm Solene." Ngiti ko.

Pinaupo ko sila sa pang-dalawahang mesa at personal na kinuha ang orders nila. Troy
looks like he wanted to talk to me but I didn't give him the chance to say
anything. If he's going to apologize for what happened yesterday, hindi na iyon
kailangan. I'm not anyone's responsibility.

I observed them both. Ang kaninang maamong mukha ni Chin ay nakabusangot sa


nakangising si Troy. Parang inaasar pa yata nya ang babae.

Bago sila tuluyang umalis ay nagpaalam silang dalawa sa akin. The innocent and
sweet Chin said she'll see me around the campus. Tumango lang ako kahit alam kong
hindi ako mag-aaral sa taong iyon.

Nang mag-out ako ay malungkot akong nag-antay sa labas. Matatapos na naman ang araw
na hindi pa rin ako nakakaipon. Oo, may pamasahe ako pa-Maynila pero hindi ko alam
kung saan ko hahanapin si Nanay. I need more money.

At si Duke.

I sighed. I feel like this isn't the right time for us to be together. Mahal ko sya
pero mas madalas na 'yong sakit at duda kaysa sa saya. I treasure Mitzie so much
but I can't stand seeing them together. Para akong madudurog sa selos.

Pumarada ang motor nya sa tapat ko kaya ngumiti ako na parang walang problema.

"Hi!" I greeted him.

Hindi agad nya ako pinaangkas sa likod. Humarap sya sa akin at doon, muli akong
nahulog sa kanya. One look and I drowned. Ang gwapo nya sa suot nyang white tshirt
at khaki short.

"Puyat ka?" tanong ko sa kanya bago hawakan ang magkabilang pisngi nya. Dahil
nakaupo sya sa motor nya ay mabilis kong nagawa iyon.

I kissed his eyes and smiled widely at him. Nakita ko ang pagpapakawala nya ng
buntong hininga at pinulupot ang kamay sa bewang ko. He rested his face on my
chest.

I caressed his hair. Ramdam ko ang pagod nya pero kahit alam kong hindi ako ang
dahilan non, I calmed down. I let him rest in my warmth.

"Nasaktan na naman kita..." I heard him whisper.

"Hindi ah! Mitzie needed you. Kaya ko naman, Duke! Wala ka bang tiwala sa akin?"
sagot ko. I lied. I need you, too, Duke.

Bumitaw sya at tinitigan ako. "Alam kong kaya mo. You can always shine alone,
Sol... because you're like a sun... my sun." He kissed my forehead. "But still, I'm
sorry. I was just... I'm s-sorry."

Pumunta na ako sa likod nya at isinuot ang helmet.

Nang maitago ang mukha ay mabilis na tumulo ang luha ko. Natatakot ako dahil sinabi
rin ni Nanay na ako ang araw nya pero umalis sya at iniwan ako.

Will you do the same, Duke?


Nakauwi ako nang tahimik lang. Ni hindi ko na pinansin si Duke nang makababa ako.
Pumunta ulit ako sa kwarto ni Nanay, hindi para umiyak kung hindi para maalala kung
anong mga plano ko.

I sighed. Binuksan ko ang cabinet ni Nanay para basahin ulit ang sulat nya dahil
iyon na lang ang nagbibigay ng lakas sa akin. Akmang kukunin ko na ito nang
makakita ako ng maliit na brown envelope na nakasingit sa paborito nyang daster.

Inilapag ko ang letter sa kama at kinuha ang sobre.

'Pangarap ni Sol'

Ayun ang nakalagay sa likod ng sobre. Binuksan ko ito at nagulat ako sa nakita ko!
Pera!

Mabilis akong pumunta sa kama at nangangatal na inilabas ang lahat ng pera. Kaya ba
hindi kami makaahon sa hirap ay dahil sa pag-iipon ni Nanay?

Nanlalambot ako nang matapos bilangin ang pera. Hindi ko alam kung kailan sya
nagsimulang mag-ipon pero napakalaki ng dalawangdaang libo para maipon nya ngayong
taon lang.

Ni hindi nya dinala ang pera sa Maynila. She didn't use the money to hire an
attorney.

I gulped as I stood. Sasabihin ko kay Duke ito! He has the right to know what's
going on with my life. He's my boyfriend! I know he would not judge me. Isa pa, he
can help me. Kumpara sa akin, mas maraming koneksyon ang pamilya nya. We can easily
locate Nanay!

Kinuha ko ang cellphone ko at tumakbo papunta sa bahay nila. Makalipas ang ilang
minuto ay lumabas si Tita Gemma. She saw how agitated I was kaya medyo nagtaka sya.

"Sol? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong nya.

"Nasaan po si Duke, Tita?"

"Umalis, e. Hindi ko alam kung saan pupunta. Give him a call."

Matapos sabihin iyon ay tinapik nya ang likod ko at nilampasan ako. Ako naman ay
nanlulumong bumalik sa bahay. Aalis ako bukas at ngayong alas sais na nang gabi ay
wala si Duke. Nasaan naman kaya iyon? Itatanong ko pa naman sana kung pwede nya
akong samahan.

I decided to just wait for him. Naupo ako sa bahay namin habang nagre-research ng
mga police station sa Maynila. Kung hindi ay baka pumunta na lang ako sa police
station dito sa Isabela at itanong kung saan dinala si Nanay.

Habang nagre-research ay nagulat ako nang nagtext si Troy.

Troy Asungot:
MITZIE IS PLANNING TO TAKE HER LIFE! PUMUNTA KA NGAYON SA ENGINEERING BUILDING!

Isinarado ko ang bahay. Hindi ko na pinansin ang magkaibang pares ng tsinelas ko


dahil sa pag-aalala! Habang papunta ay nangangatal ako sa takot.

Mitzie... please, hold on.


Mabilis kong narating ang department namin. Maraming estudyante ang nakapalibot
doon habang nakatingala. Anim na palapag ang building namin pero tanaw ko si Mitzie
na nasa dulo at handang tumalon.

"Mitz! No!" sigaw ko kahit hindi nya ako rinig. I saw people looking at me. I look
like a fucking mess.

Hinawi ko sila at nagmamadaling umakyat sa taas. Sa pagmamadali at takot ay mabilis


kong naakyat ito.

There I saw Mitzie, Duke, and Troy. Hindi makalapit ang dalawang lalaki kay Mitz
dahil umiiyak sya. Kaunting galaw na lang ay mahuhulog talaga sya.

Maraming estudyante ang naroon pero pinapanood lang nila kung paano pigilan nina
Duke at Troy si Mitz.

"Nasaan ang mga teachers?!" sigaw ko dahil sa galit. They should be here!

Ni hindi ko napansin na si Roswell ang napagtanungan ko.

"I-I don't know..." tanging sagot nya.

Hindi pa ako kita nina Mitzie, Duke at Troy dahil hindi ko magawang lumapit. I
can't stand this...

"Mitz, please, mag-uusap tayo... halika na," puno ng lambing na saad ni Duke. He's
extending his hand and trying to reach her.

"Shut up, Duke!" galit na galit na sigaw nya. "I don't need you! I don't need any
of you!"

Troy doesn't know what to do. He's approaching her but she's just so dismissive.
Nakakatakot na baka kapag nagalit ito ay tuluyan syang tumalon.

"Kayong lahat... wag nyo akong pigilan..." she uttered. A tear fell from her eyes.

"Hindi na ako magiging maayos! Pagod na pagod na akong maging disappointment ni


Daddy!" She cried harder. "I failed the battery exam!"

Nakarinig ako ng singhap mula sa paligid.

"And you know what he did?! He fucking disowned me! He said I'm a disgrace to our
family! Ipapatanggal nya sa family register ang pangalan ko!"

Tumulo ang luha ko sa sinasabi nya. She has a cruel father and I didn't know that.

"He... kept on telling me na hindi nya ako anak... hindi nya ako tunay na anak
dahil produkto ako ng rape! He isn't my biological father because I'm a daughter of
a rapist!"

"Mitzie, please..." pagod na saad ni Duke. "Come on, Mitz..."

"Stop acting like you care for me, Duke! Kay Solene ka lang may pakealam!"

Napako ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang pangalan ko.

"I care for you, Mitzie. Alam mo yan," pang-aalo ni Duke.

"But you love her more!" Sigaw nya. "Hindi naman kita gusto pero dahil kang nandyan
para saken, hindi ko maiwasang mahalin ka! Dahil lagi mo akong pinipili kumpara sa
kanya, nahuhulog ako sayo!"

Habang naririnig ko ang singhap ng mga tao ay tumulo ang luha ko. No, Mitz, please,
don't do this...

"Alam mo ba?! Noong binully ako, nakita nya ako pero hindi nya ako tinulungan!"
galit na sigaw nya.

Tumubo ang hiya at guilt sa puso ko. She saw me...

"Tapos aarte sya na parang magkaibigan kami?! Now tell me, Duke, do you love her?!
Do you love Sol?!" tuloy tuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata nya.

"Mitz, wag kang ganyan! Wag mong pagsasalitaan nang ganyan si Sol!" sigaw ni Troy
pero hinawakan lang sya ni Duke.

He shook his head. "N-no, Mitz, I-I don't love her..."

Nakatingin na sa akin ang mga estudyante. Umiiyak lang ako habang pinapanood sila.
He's just telling that to pursue her, right? Sinasabi nya lang yan para pakalmahin
sya, hindi ba?

"Sinungaling! You two are together!"

Kita ko uli ang pag-iling nya. Bawat galaw ng ulo nya ay nadudurog ako. He's
denying us...for her... again.

"Is she better than me?!" tanong nya ulit. Nakatitig sa mukha ni Duke.

"Mitzie!!" galit na sigaw ni Troy. "What's wrong with you?!"

Muli syang pinatigil ni Duke sa pagsasalita. I was just there, watching all of
them. Yung mga kasama ko kagabi... yung mga nakatawanan ko sa room at sa canteen...

"You're the best, Mitzie... walang papantay sayo." Duke answered. His voice is
shaking.

I cried harder. Walang makalapit sa akin kahit na alam kong gusto nila akong aluin.

Nanatili ang determinadong mukha ni Mitzie. She's looking intently at Duke.

"Am I better?" mahinang tanong nya.

Nahihirapang tumango ang lalaki. "Oo, Mitz. Kahit kanino. You're always better."

"Kahit kay Sol?"

I cried even more. I know I don't want to hear this.

"Oo naman... kahit kay S-Sol."

"Tangina mo, Duke!" galit na sigaw ni Troy. "Pre, anong ginagawa mo?!"

Umiyak lang ako nang umiyak. Of course, she's better. She's smarter. She's
prettier.

"Halika na, Mitzie." Duke uttered but Mitzie shook her head.
"Sinong mas mahal mo sa amin ni Sol? Sinong mas importante para sayo? Sinong mas
gusto mong makasama?" sunod-sunod na tanong nya.

Hindi ko makita ang mukha ni Duke kaya hindi ko alam kung anong reaksyon nya.

"Ikaw..." He sighed. "Ikaw lahat..."

My knees gave up. Natulala lang ako sa kawalan, hindi alintana ang mga nakatingin
sa akin. I can feel my heart slowly tearing apart.

"Sinasabi mo lang yan para pigilan ako!"

"No! Kung totoong mas gusto ko si Solene, sana noon pa lang, bago ka dumating ay
niligawan ko na sya..." he answered softly. "She isn't as good as you. She's
nothing compared to you, Mitz..."

Duke, tama na, durog na durog na ako.

Dahan-dahan akong tumayo at mabagal na lumapit sa kanila. Ramdam ko ang tingin ng


mga tao.

"Okay ka na ba, Mitz?" my voice cracked. "Did you get the validation you needed?"

Nagulat si Duke sa paglapit ko. Kita ko ang panlalaki ng mga mata nya dahil alam
nyang dinig ko lahat ng sinabi nya. Bigla nyang tinalikuran si Mitzie at nilapitan
ako.

He tried reaching my hand but I shove him away.

Nanatili ang mga mata ko kay Mitzie. Para syang nabuhusan ng malamig na tubig,
parang natauhan.

"Putangina, umpisa pa lang... umpisa pa lang alam mo na ang nararamdaman ko para


kay Duke!" nangangatal na saad ko.

Troy holds my wrist but I didn't care.

"Oo! Hindi kita ipinagtanggol dahil putangina, nasaktan ako! May picture kayo ni
Duke na naghahalikan pero hindi ka manlang nagpaliwanag!"

"S-sol..." naiiyak na tawag ni Duke sa akin ngunit itinulak ko lang sya. Nabasa ko
ang labis na takot sa mga mata nya.

"Mitzie, may narinig ka ba sakin?! Wala!"

She can't look at me. Nakayuko lang sya. Bahagyang bumaba sa railings... ngunit
wala na akong pakealam. My heart is breaking...

Humarap ako kay Duke. May luha sa mga mata nya habang umiiling sa akin.

"B-baby, no..." hirap na hirap na saad nya. "S-sinabi ko lang yon..."

I laughed while tears are streaming down my face.

"Oo, naiintindihan ko!" sigaw ko. "In order to save her, you have to fucking
disrespect me!"

He shook his head. Basang basa ko ang halu-halong emosyon sa kanya. Takot, kaba,
pagsisisi.
"Putangina, Duke, girlfriend mo ako e..." Itinuro ko ang sarili ko. "Girlfriend mo
ako pero ilang beses mo nang ipinaramdam sa akin na mas mahal mo si Mitzie..."

"Sol... hindi..." umiling sya nang paulit-ulit. "Sol..." nagmakakaawang tawag nya
sa akin.

My hands are shaking in pain. Para akong mamamatay sa sakit na nararamdaman ko.
Rinig ko ang gulat sa paligid pero walang nagtanong.

Tuluyang lumapit sa pwesto namin si Mitzie.

"S-sol." She called me in a terrified manner.

I laughed. "Ayan!" saad ko. "Napababa mo na! Okay na ba?"

Bumaba ang tingin ko sa magkaiba kong tsinelas... na sa pagmamadali ay hindi ko na


nabago. I'm worrying about her tapos eto ang bubungad sa akin? I'm worrying about
her and there they are, making me feel useless.

"Oo, Mitzie. You're better than me. Mas matalino ka, mas maganda ka, mas mayaman
ka... lahat ng hindi ako. Maganda ang reputasyon mo sa school hindi kagaya ko na
may mga issue."

I sobbed while looking at them. "P-pero tangina naman... kaibigan ko kayo e." Iyak
ko. "B-bakit nyo ako ginaganito?"

I stared at Mitzie. "Bagsak din ako sa exam pero ikaw ang pinuntahan ni Duke."
Sumbat ko. "N-nagmakaawa akong wag syang umalis sa tabi ko... pero sinundan ka n-
nya."

Niyakap ako ni Duke pero dahil sa gigil ko ay malakas ko syang itinulak. Galit ako!
Galit na galit ako! I don't need your hugs! I don't need your comforting words!

"Ang galing mo!" sigaw ko sa kanya. "Para iligtas sya, kailangan mong lunurin ako!"

Iyak nang iyak si Duke, hindi na pinapansin ang mga tao sa paligid. Si Troy ay
lumapit sa akin at hinihigit ako pero hindi ako gumagalaw.

Walang nagsasalita sa kanila. Tanging ang iyak lang naming tatlo ang maririnig sa
buong rooftop. Ang mga tao sa paligid ay nanonood lang.

I composed myself and looked at his eyes. Sya yung taong mahal na mahal ko simula
nung nagkaisip ako. I aligned my dreams for him. I took that program because of
him. I'm still holding on because I know I have him. Sya ang lahat sa akin pero
hindi ako magiging sapat sa kanya.

"Sa lahat ng tao, Duke, ikaw ang hindi ko inaasahang sasaktan ako nang ganito..."

"Sol... please..."

I gulped. "Maghiwalay na tayo."

Kita ko kung paano nagdaan ang sakit sa mga mata nya. Sinubukan nyang hawakan ang
kamay ko pero tumalikod na ako. I'm drained. Gusto ko nang magpahinga. Sa buong
relasyon namin ni Duke, lagi na lang nariyan si Mitzie. Ngayong harap-harapan kong
narinig na hindi nya ako mahal at mas higit ang babae kaysa akin ay naging sampal
iyon sa akin.
Wala akong pakealam kung sinabi nya lang iyon para iligtas si Mitzie dahil alam ko
sa sarili ko na sa nagdaang mga buwan, iyon ang ipinaramdam nya sa akin.

Walang pumigil sa akin hanggang sa makalabas ako ng school. Everyone's looking at


me. Sinabihan ko si Troy na wag akong sundan dahil gusto kong mapag-isa.

Duke and Mitzie were calling me but my heart can't take another blow. Pagod na
pagod na akong makipagkumpitensya sa oras at atensyon ni Duke, kaya sige na, I'll
raise my white flag.

I didn't know how I managed to go home. I packed all my clothes and immediately
rode a bus to Manila.

This will be the last time I'll cry because of him.

I hope in our next lives, the world is a lot softer and our ending would be less
cruel.

Farewell, my young love.

Chapter 22

Trigger Warning: Suicide

It wasn't easy. Wala akong alam sa Maynila nang dumating ako rito.

Bagay na napagtanto ko nang matuto akong mabuhay mag-isa, mas masakit ang proseso
ng paghilom kaysa sa mismong sugat.

I texted Ma'am Candy that I'll leave Isabela because of some matters. Matapos iyon
ay nagpalit na ako ng number. I deactivated all my social media accounts. Ang pokus
ko ngayon ay nasa paghahanap kay Nanay.

Ngayon ay nasa harap ako ng Manila City Jail. After months of searching, dito ako
napadpad. Sabi ng isang police officer ay naging mabilis lang ang trial ni Nanay
dahil umamin sya sa ginawa nya. The family of my father in America was furious.

I lost count of the months that passed. Ito ang unang beses na makikita ko si
Nanay. Napuntahan ko na halos lahat ng presinto kahahanap sa kanya. Hindi ako
nakapagtanong sa mga pulis sa Isabela dahil sa mabilisan kong pag-alis. Hindi pa
maasahan ang mga pulis dito sa Maynila dahil kahit ilang beses ko nang ipinahanap
ay walang kumikilos sa kanila.

Of course, I don't have the power to do that.

Pumasok ako sa presinto at sinabi sa isang officer doon na narito ako para sa Nanay
ko. Inagahan ko ang punta dahil hindi ako mapakali sa bahay.

"Nay..."

Kung noon ay laglag ang katawan nya, mas kapansin-pansin ito ngayon. She's wearing
an orange shirt and as much as I want to take my eyes away from her, I can't.

Humagulgol ako nang maupo sya sa tabi ko. Walang bakas ng gulat sa mukha nya pero
kita ko ang lungkot doon.

Niyakap ko sya nang mahigpit, ayaw kong bumitaw dahil pakiramdam ko ay mawawala
sya.

"Anak..." Mas lalo akong naiyak sa paraan nya ng pagtawag sa akin. It's so soft and
sweet. Matapos ang halos kalahating taon naming hindi pagkikita, nahawakan ko ulit
sya. Narinig ko ulit sya.

Those are just one of the days. Araw araw akong dumadalaw sa kanya, walang palya.
Lumipat din ako sa mas malapit na apartment para mas mabilis akong makapunta sa
kanya.

Dinadalhan ko sya ng pagkain. Nakahanap din ako ng trabaho. Nag-apply ako sa isang
maliit na bakery at nagustuhan nila ang paggawa ko ng pandesal. Sapat na sa
pangkain ko ang kinikita ko araw-araw. Pag tanghalian ay lagi ko ring dinadalhan si
Nanay sa kulungan.

We can't win the case. Ayun ang sabi ng abogado ni Nanay nang kausapin ko ito.
Umamin siya sa kasalanan at nag-match ang fingerprints nya sa mga nakalap na
ebidensya.

This is the least I could do. Kuntento na akong hindi man kami kagaya ng dati, mas
ayos sa akin ang nakikita ko sya. It's a lifetime imprisonment. Hindi na kami uli
magsasama sa iisang bubong dahil habambuhay na sya sa bilangguan.

She made friends with some of the prisoners. Itinuring daw sya na parang Nanay din
sa loob.

"Nag-bake ako ng brownies, sariling recipe ko! Ikaw pa lang makakatikim nyan!" I
said proudly.

She narrowed her eyes. Kumuha sya ng isang piraso at kinagat ito. Nakatitig lang
ako sa kanya habang inaantay ang reaksyon nya.

Napangiti ako nang bigyan nya ako ng approve sign. "Sarap! Pwede mong ibenta 'to!"

Hindi ko ginastos ang perang naipon ni Nanay. Sinabi nya sa akin na limang taon
nyang nilikom iyon para makapagpagawa ako ng bakeshop. Hindi ako sumagot sa kanya
non dahil alam ko sa sarili kong hindi pa ako handa lalo at nandito sya sa loob.

At ang sakit na wala akong magawa kung hindi ang hayaan syang manirahan sa isang
lugar na hindi sya pamilyar.

"Nay," bumuntong-hininga ako. "Hindi talaga ako para sa engineering."

Ngumiti ako sa kanya bago napakamot sa batok.

"Alam ko!" tawa nya. "Nag-engineering ka lang naman kasi akala mo yayaman ka ron."

I shrugged. "Hirap pala. Sayang lang yung taon."

Umiling sya. "Hindi ah. Marami ka rin namang natutunan. Di ka na talo." She sighed.
"Kumusta pala trabaho mo?"

"Ang taray ni Ate Eva." I pouted. "Natalo ako sa kamalditahan."

"Naku, Sol! Kapag minaltrato ka ay umalis ka na dyan!"

I nodded. "Syempre. Ingat na ingat mo ako tapos gaganunin nila ako? Hindi pwede!"

Ilang minuto pa kaming naglokohan hanggang sa papasukin na sya ng nagbabantay.


Pinanood ko syang tumalikod sa akin at kumaway. Nung 20th birthday ko, nagbake ako
ng cake at dinala ko iyon dito. Maraming preso ang natuwa dahil masarap daw akong
mag-bake.

May mga oras na hindi ako nilalabas ni Nanay dahil gusto nyang magpahinga kaya sina
Ate Lorna, Jopay at Asul ang nakikipagkwentuhan sa akin. Sinasabi nila sa aking
kung paano ang buhay nila sa loob.

Akala ko dati puro hirap lang sila pero sa kwento nila, normal naman pala. Hindi
naman pala sobrang sama.

It's funny how those "bad" people seem so good to me.

Paglabas ko sa presinto ay muli akong dumiretso sa bakery. Maliit lang ito ngunit
masasabi mong patok dahil lagi kaming sold out.

"Oh buti naman at bumalik ka pa?"

I mentally rolled my eyes. "Hindi pa naman po ako late, Ate Eva."

Pinandilatan nya ako ng mata. "Ang daming naghahanap ng pandecoco! Wala nang stock
dahil inuuna mo ang nanay mo!"

I breathe heavily. "Gagawa na lang ako, Ate."

Pumasok ako sa loob at sinimulan ang trabaho. Marami akong ginawa kanina at
sigurado akong sapat na iyon hanggang hapon pero mukhang mabenta kaya doble ang
gawa ko.

Dalawa lang kami ni Ate Eva na gumagawa ng tinapay. Pamilya nya ang may-ari ng
bakery kaya kahit nakakagigil minsan ay pinipigilan ko ang sarili ko na sumagot.

"Sol! Magwalis ka habang nag-aantay na maluto 'yan! Wag kang maupo lang!" sigaw
nya.

Napatayo ako at bahagyang napairap. Napakarami kong ginawa at nararamdaman ko na


ang pagod pero tumayo pa rin ako at nagwalis. Matapos iyon ay pinunasan ko na rin
ang ibang appliances dahil baka may masabi pa sya.

Nang matapos ako sa trabaho ay umuwi ako at nag-online. Tiningnan ko kung may
customer ba ako ngunit napabuntong hininga ako nang makitang walang gustong
umorder.

I sighed. Bumili ako ng oven para sana magbenta ng pastries pero wala talagang
bumibili sa akin. Wala naman kasi akong magandang pang-picture para maging kaaya-
aya ito sa mata. Problema ko pa minsan ang pambayad sa renta dahil ayokong gastusin
ang perang binigay ni Nanay. She earned it for my dream, not for my expenses.

Isang taon akong ganoon. Papasok nang alas sinco nang umaga sa bakery, bibili ng
pagkain ni Nanay, pupunta sa presinto, babalik sa bakery hanggang sa umuwi. Paikot-
ikot ang buhay ko at hindi lang iisang beses kong ginustong sumuko.

I'm emotionally, physically and mentally drained. Gusto kong sabihin kay Nanay na
pagod na pagod na ako pero ayokong pag-isipin sya.

Wala akong naging kaibigan kaya lalo akong nahirapan. Tanging si Nanay lang talaga
ang meron ako. Pero sa dulo ng araw, ayos lang, dahil alam kong matatapos din ang
lahat.
Kinakaya ko naman ang lahat hanggang sa dumating ang araw na yon.

"Anak, wag ka nang dumalaw sa akin."

Ayan ang bungad nya sa akin isang umaga. Katatapos lang ng araw ng mga puso at
pagkakita nya pa lang sa akin ay nabasa ko ang awa sa mga mata nya.

"Bakit? Edi wala na akong ginawa sa buhay kung hindi kita pupuntahan?" nakangusong
saad ko.

She sighed. "Basta wag ka nang dumalaw sa akin..."

I tsked. "Hindi pwede yon, Nay. Bigyan mo ako ng magandang rason kung bakit ayaw
mo."

"Magpatuloy ka na lang sa buhay mo, Sol. Wag mo na akong bilhan ng damit, bigyan ng
regalo, pakainin. Wag mo na akong alagaan." Her eyes glistened in tears. "Ayokong
nakikita kang ganyan."

Kinagat ko ang labi at hinawakan ang kamay nya. "Para ka namang tanga e..."
panunumbat ko. "Iniwan ko nga ang Isabela para sayo, e... wag mo naman akong
ipagtabuyan, Nay."

Natapos ang araw na yon na iniisip ko lang sya. Alam ko sa sarili kong hindi ko sya
pakikinggan. Napagalitan tuloy ako ni Ate Eva dahil nasunog ko ang binabake.
Kinaltas nya pa sa sweldo ko.

Hanggang noong mga susunod na punta ko sa kanya, hindi na nya ako nilalabas. Lagi
syang nagdadahilan na pagod sya at may ginagawa. Pero hindi ako sumuko. Malapit
nang mag-senior ang Nanay ko kaya baka signs of aging lang.

"Lagi ngang may malalim na iniisip yang si Ate Yella, laging tulala. May pinag-
awayan ba kayo?"

Tumatak sa akin ang sinabing iyon ni Asul. Sigurado akong may pinagdadaanan si
Nanay at wala akong ideya kung ano iyon dahil hindi nya naman ako kinukwentuhan.

Ilang buwan din ang lumipas na hindi nya ako nilabas. Ipinapadala ko lang ang mga
pagkain sa loob kay Ate Jopay dahil ayaw nya akong makita.

It hurts me. Before I knew it, gabi-gabi na naman akong umiiyak habang inaalala sya
at ang mga nangyari noon bago ako umalis sa Isabela.

Kahit ilang beses kong itanggi, ang hapdi hapdi pa rin. Maayos na ako, e. Nabubuhay
na ako. Pero tuwing maaalala ko lahat ng nangyari, bumabalik lahat ng sakit.

I had mental breakdowns and each day, I'm forcing myself to wake up and live. Bawal
akong huminto dahil ang pagtigil ay para sa mga may pribilehiyo lang. Kapag tumigil
ako, wala akong ipangbabayad sa renta... wala akong ipangkakain... wala akong
ipangbibigay kay Nanay.

Birthday ko nang magpakita sya sa akin pero hindi nya ako kinausap. Nagdala ulit
ako ng cake para sa kanila. Sinusuyo ko sya pero iniignora nya lang ako at hindi
binabalingan ng tingin.

Bago ako tuluyang umalis, sinabi nya ulit sa akin na wag na akong babalik. Sinabi
nyang humakbang na ako at iwan ang nakaraan.

"Kung kasama ka sa iiwan ko sa nakaraan, hinding-hindi ko gagawin yon, Nay."


It went on for a month. Nagsasawa na ako at napapagod sa araw araw na pagbisita sa
kanya pero hindi nya ako pinupuntahan. Ni hindi ako makumusta sa trabaho ko.

Minsan nga ay gusto ko na lang din gumawa ng krimen para kahit papaano ay kasama ko
sya dahil pagod na pagod na sa mundong malaya ako pero para akong nakakulong.

Pero sabi ko, kakayanin ko. May pangarap sya para sa akin at hindi ko na sya ulit
bibiguin.

Nandoon na, e. Kaya ko na... pero dahil sa isang text message, tinanong ko ulit ang
sarili ko kung kaya ko ba... para akong pinatay.

I ended up bruised and scarred by the person I value most.

Officer Manolo
Sol, nagbigti ang Nanay Yella.

Nilunod ko ang sarili ko sa alak nang mangyari iyon. Nilibing ko ang labi ni Nanay.
Pinaglamayan din sya sa presinto pero wala na akong nakausap.

I've spent my nights drinking hard liquors. I made sure I always get drunk so that
I would forget. I hope that when my vision is spinning, I'll stop wondering... it
will stop hurting.

Pero pag gigising ako sa umaga, wala, nandoon pa rin yung sakit. Nandoon pa rin ang
bigat ng kawalan.

Walang iniwan kahit sulat si Nanay pero alam ko ang rason nya. Gusto nyang tumuloy
na ako sa buhay nang hindi sya kasama. Gusto nyang kalimutan ko na sya.

And she has to lose her life to stop me. She has to kill herself for me to move
forward.

Chapter 23

Malalim ang buntong-hininga ko habang nakatingin sa The Slice. Malinis ang glass
wall at maganda ang interior design. Tanaw ang counter kung saan ilalagay ang mga
pastries.

May mga couches na kulay asul at may mga single chairs na kulay puti. Ang mga mesa
naman ay itim lang gaya ng sahig para malinis itong tingnan. Ang mga pader ay puti
rin ngunit may mga dilaw na ilaw na nagbibigay ng romantic ambience sa lugar. There
are paintings and photographs hanging on the wall. Ang counter ay asul din para
iterno sa kulay ng couches.

I smiled.

"Congrats, Miss Solene!"

Sinuntok ko sa tyan si Jelay. "Anong Miss?! Kadiri ampota!"

Itinaas taas nya ang kilay sa akin, parang nang-aasar. Inirapan ko lang sya bago
kami tuluyang pumasok sa shop. Soft opening pa lang dahil ngayon lang nakumpleto
ang furniture ng shop ko.

I worked my ass off for this. Hindi madali. Sa loob ng halos limang taon simula ng
mawala si Nanay, puro hirap ang dinanas ko. Nangatulong ako nang anim na buwan sa
isang bahay na minanyak lang ako ng asawa ng amo ko, naging janitress, naging call
center agent. Lahat pinasok ko.

Ayokong mabakante ang oras ko dahil mag-iisip lang ako. Matapos kong mag-quit sa
trabaho ko sa bakery ay nagfocus din ako sa online selling. I didn't give up on my
dreams because it's my mom's dream for me.

At ngayon, eto na.

At 26, I'm officially a bakeshop owner.

Nagkita uli kami ni Jelay nang nagtrabaho ako bilang janitress sa kumpanyang
pinagtatrabahuhan nya. We became friends after that. May trabaho pa rin sya pero
hanggang ngayon ay suportado nya ang business ko.

Kinuhanan ko ng litrato ang shop ko at ipinost ito sa facebook at instagram page


ko.

The Slice
Soft opening starts today! Visit us at Lime St. near State Hermitage. See you!

Wala pang limang minuto kong napost ay ang dami na agad nagcomment. May mga
nagshare pa na sinasabing ang instagrammable daw ng lugar.

Sa Manila na talaga ako nag-stay. Ngayong taon ay binabalak kong bumalik sa Isabela
para tingnan ang bahay namin dahil matagal ko na rin iyong hindi nabisita. Ni hindi
ko nga alam kung nandoon pa iyon dahil marami nang bagyo ang nagdaan.

"Solene!" irit ni Jelay habang nagbibigay ako ng orders sa mga customer.

"Ano?" tanong ko.

Dahil medyo umingay ang pangalan ng shop ko sa social media at nalaman nilang may
shop na ako, maraming bumisita ngayong unang araw. It's heartwarming to see how
supportive they all are. Mula noong small business pa lang hanggang ngayong
nagkaroon na ako ng sariling shop.

"Miss Solene, may cheesecake po?" tanong ng isang babaeng naka-uniporme.

Bahagya akong natigilan dahil sa naalala pero ngumiti rin agad sa kanya.

"Meron. Ilan oorderin mo?"

She smiled cutely. "Isa lang po, para sa tropa ko."

Tumango na lang ako at tumalikod para kunin ang order nya. Si Jelay ay naiwan sa
cashier para sa bayad ng babae.

Nang medyo humupa ang mga bisita ay pinaltan ko na sya sa cashier. Sooner or later,
I'll hire more people para makapagpahinga naman ako.

"Ano yung sasabihin mo?" tanong ko sa kanya.

Naupo ako sa tapat ng kahera dahil wala nang customer. Humigit din sya ng upuan at
tumabi sa akin. Tinitigan nya ako gamit ang seryosong mukha pero tinawanan ko lang
sya.

"Someone sent an email to you," pa-suspense nyang saad.


"Oh?"

She smiled widely. "Prepare your damn passport because you'll go to Amsterdam!"

Napangiti na lang ako habang inaalala ang nangyari dalawang linggo na ang
nakakaraan. This isn't my first time joining a baking contest but this is my first
time in Amsterdam!

Gusto akong samahan ni Jelay para makagala rin daw sya. Ang kaso, hindi na-approve
and 1-week-leave nya kaya mag-isa ako ngayon dito, nag-iikot.

I postponed my shop's grand opening. Sinabi ko sa page ko na mawawala ako for a


week bago ituloy ang opening dahil may competition ako sa Amsterdam. As usual, my
supporters are very happy for me. They all wished me luck.

Bukas pa ang punta ko sa convention kaya bakante ako ngayong araw. I'm planning to
visit some bakeshops here because this place is well-known for their pastries. I'm
so delighted!

I'm wearing a black fitted dress and brown long trousers. Dahil magdidisyembre na,
medyo malamig na ang klima sa lugar. I expected this so I wore black high boots to
better protect my feet. My hair was neatly combed but its curl endings added more
drama on it.

"Two banana muffins and one hot choco," ani ko sa babae.

Matapos iyon ay dumiretso ako sa upuan malapit sa bintana. I'm currently at Green
Cakes, one of the best bakery shops in Amsterdam. Habang inaantay ang order ay
pinapanood ko ang mga taong dumadaan. Overtime, it became a habit.

While watching them, memories come back to me like veils, unwrapping layer by
layer.

I never saw them again. Hindi ko alam kung alam nila ang nangyari kay Nanay ngunit
wala na akong balita sa kanila. It's not that I can't... I just don't.

"Galit na galit si Roswell kay Mitzie nung nangyari yon," kwento sa akin ni Jelay
noong una kaming lumabas.

I don't wanna hear it but I was shock with what happened.

"Nagkaron din ng tampuhan si Troy at Duke pero naayos naman bago mag graduation. Si
Mitzie, ayun, nanganak na." She said casually na parang hindi iyon big deal.

"What?!" halos marinig sa buong restaurant ang boses ko. "Anak?!" tanong ko sa mas
mahinang boses.

"Oo, buntis pala sya nung nagbalak syang tumalon... si Duke ang bali-balitang tatay
noon. Hindi ko lang sigurado." Matapos sabihin iyon ay naaawa syang sumulyap sa
akin. "Si Duke, he was devastated. Ipinahanap ka nya pero magaling ka yatang
magtago..."

I chuckled. "It's been years. Hayaan na," I said even though I can feel a stabbing
pain in my heart. They have a child... he betrayed me. "Saka anong point, diba? He
has a family now."

It bothered me for a long time... na may anak sila. Hindi ko alam kung bakit pitong
taon na ang lumipas pero masakit pa rin para sa akin ang ginawa nyang panloloko.
He's my first love. He has a special place in my heart. And he hurt me.

This isn't the future I saw years ago. I'm thinking of becoming an engineer, saving
up for my mom, and being a good girlfriend to him. We'll go home together, tired
from work but will still kiss each other goodnight.

But with all that happened, I didn't regret anything. Not because things didn't go
well according to my plan doesn't mean I failed.

Inilapag ng babae ang order ko bago ako ngitian. I scanned the place. Mayroong
limang nagseserve dahil malaki talaga ang shop. May dalawa ring bantay sa counter.
Hindi pa ako sigurado kung ilan ang pastry chef nila.

I smiled. Someday, I'll achieve this too.

"Miss? Is this seat occupied?" tanong ng babae sa harap ko bago ituro ang silya.

I shook my head and smiled at her. She looks harmless. "You can have it."

Tumango sya. Nong una, akala ko ay kukunin nya ang upuan para higitin sa table nya
kaya nagulat ako nang umupo sya mismo sa harap ko. I looked around the place and I
saw some vacant seats outside the shop. Kaya lang, sa loob lang may heater at wala
nang bakanteng silya dito.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at muling tiningnan ang mga tao. I drink my hot
choco and I was amazed on how it tastes. Not too sweet but the taste sustains.

"Aray! Ang init!" sigaw ng babae.

Agad ko syang inabutan ng tissue dahil tumulo ang kape sa damit nya. Mainit talaga
ito dahil kita ko pa ang usok na nanggagaling sa tasa.

Namula sya dahil nakitang nakatingin ako sa kanya. Inabot nya sa akin ang tissue at
nahihiyang nagpasalamat.

"Shet... nakakahiya, wa poise!" narinig kong bulong nya sa sarili.

I chuckled. "Pilipino rin ako."

Mas lalo syang namula dahil alam nyang naintindihan ko ang sinabi nya. Medyo
nagulat lang ako. Yes, she looks Asian but I didn't expect that she's a Filipino as
well.

I saw her gulped so to stop her from feeling awkward, I looked away.

She cleared her throat. "Sorry about that."

"Okay lang," ngumiti ako at muling tumango sa kanya.

She bit her lower lip. "Uhm... there's an international convention at De Koning
tomorrow."

That draws my attention. Aattend din sya roon? Is she one of the judges?
contestants?

Ngumiti na sya nang kumportable. "Yon, I just wanna inform you. Each contestant can
invite two people to experience the exhibit. I still have one ticket left so...
kung interesado ka..." she trailed off.
I shook my head and sip on my drink. "I'm also a contestant."

"You are?!" she uttered. "What's your name?" her forehead creased.

"I'm Solene of The Slice." I chuckled. "I just opened my shop two weeks ago."

Nanlaki ang mga mata nya at ekseherada pang napatakip sa bibig.

"OMG!" she shrieked. "I knew it!"

I chuckled at her reaction. She looks really excited. "Bakit?" I managed to ask.

"Your pastries are my fave!"

It sent warmth to my heart. "Thank you."

Umiling ito. "No! Thank you! I think I passed my board exam because of your
brownies."

Doon ako tuluyang tumawa. She's nodding at me continuously as if convincing me that


I really did save her.

"Ikaw? What's your name?" I asked. After some talks, komportable na ako sa kanya.

She said she didn't recognize me. Isang beses lang naman kasi akong nagpost ng
product ko na kasama talaga ako and I'm even wearing an apron there! Doon nagsimula
ang business ko. People were praising my looks. Some of them placed an order to see
me in person and though it felt awkward, it made me happy. Naging regular customers
ko rin sila dahil nasarapan sila sa gawa ko.

"To be honest, I'm a lawyer."

"Really?" tanging nasabi ko. "Wow."

Tumango sya. "I'm a corporate lawyer who happens to have a deep fascination on
baking." She giggled. "Anyway, I'm Bethany of First Legal Law Firm."

I extended my arms to accept her hand. "You're a big shot!" I said.

She winked at me. "You too."

Medyo matagal pa kaming nagkwentuhan. She told me that she sent an application to
join the contest. Sinabi nya rin na ito na ang huling beses na pagbibigyan nya ang
sarili dahil kailangan nya nang mag-focus sa career nya talaga.

"Wala na, you will surely win!"

Tumawa ako. "Hindi rin. There's a lot of good patissier. Fifty ang contestants,
sure akong maraming magaling."

"I will root for you, Miss Solene!"

Pinanlisikan ko sya ng mata. "We're competitors!"

Tumawa lang sya sa akin. Kinakabahan sya dahil baka mabokya raw sya pero mabuti na
lang at kasama nya ang kaibigan nya bukas. Elimination round pa lang bukas, semi-
finals sa isang araw at final round sa susunod.

Nagpaalaman kami sa isa't isa dahil magkikita pa naman kami bukas. Pinagpatuloy ko
ang paglilibot sa malaking syudad ng Amsterdam hanggang sa magdesisyon na akong
umuwi na sa hotel. Malapit na rin magdilim. Maganda ang hotel room ko. I'm relaxing
in a jacuzzi while looking at the beauty of Amsterdam. The lights are dim. I'm
sipping on my red wine and thinking of my next moves.

This opportunity will boost my business. Hindi pa man tuluyang nagbubukas ang The
Slice, naimbitahan na agad ako para rito.

I smiled as I realized that I already created a name for myself. I'm living my
childhood dream.

"If a picture paints a thousand words, why can't I paint you?" sabay ko sa kanta.
Napatawa ako bago napailing. "Gago, ampanget talaga ng boses ko."

Itinapat ko ang kamay sa natatanaw kong buwan. "And when my love for you is running
dry, you come and pour yourself on me..." kanta ko ulit.

Narinig kong nag-ring ang cellphone ko kaya napairap ako. Panira ng moment.

"Bakit na naman?!" singhal ko nang masagot ang tawag.

"Easy, woman." He chuckled.

"I've got no time for your silly jokes, Atreus." Kinuha ko ang kopita at ininom ang
wine doon.

"Kailan ka uuwi?"

"One week ako rito."

He let out a sigh. "I miss you."

I bit my lip to hide my smile. "Clingy natin ah?"

I can imagine him pouting cutely. "Dapat kasi isinama mo ako."

"At paano naman ang trabaho mo?" I laughed.

"You're my priority, Sol."

I sighed as I looked at the moon. "I miss you, too, Atreus."

"Sasagutin mo na ba ako?" tawa nya sa kabilang linya.

Ibinaba ko ang kamay at nilaro ang tubig. "Ayoko, di ko feel."

Malakas syang tumawa sa sagot ko kaya napangiti rin ako. Isang taon na rin mula
nang makilala ko sya. He's one of my regular customers. Nung una syang nagpalipad
hangin ay hindi ko sya pinapansin pero sa kulit nya ay nasanay din ako. He always
makes time for me. He's a pediatrician but he told me he can be with me whenever I
need someone.

I appreciate him. We're not on the same page yet but I'm waiting for my feelings to
fonder. Gusto ko ang lalaki pero hindi para gawing boyfriend. I just want him to be
my company.

"Let's watch a concert... pagbalik ko? Do you want it?" I asked softly.

"Yes!" malakas na sigaw nya. Naiimagine ko syang malaki ang ngiti habang nakasuot
ng puting coat. "I mean, yes." He uttered in a more serious manner.

I grinned. "Silly."

Nang maibaba ang tawag ay muli akong napatingin sa buwan at sa mga building na
iba't iba ang kulay.

Kinumpara ko ang buhay na mayroon ako ngayon sa buhay ko sa mga nagdaang taon.

I'm already successful... but why do I feel so empty?

Chapter 24

"Ang ganda ko," ani ko sa sarili habang nakatingin sa salamin.

I'm wearing a brown sweater tuck in black high-waisted pants. Black short boots
lang ang suot ko sa paa tapos ang buhok ko ay naka-french braid sa kaliwang balikat
ko. Dahil sa hairstyle ko, mas lalong nadepina ang panga at cheekbones ko. I
applied light make-up and I'm done!

Mukha akong palaban habang naglalakad sa loob ng convention pero ang totoo ay
kabadong-kabado ako. I mean, I'll join a competition and I shouldn't let this rare
opportunity slides! Kailangan kong galingan para hindi agad ako ma-eliminate.

The place is huge! Maraming napapatingin sa akin pero hindi ko ipinakitang naiilang
ako. Umupo ako sa sinabi sa akin ng receptionist at nag-antay ng pagtawag.

As expected, walang pamilyar na mukha akong nakita.

Napanguso ako nang tawagin kami ng event manager para pagbihisin. Sayang outfit!
Buti nga at hindi na ako pinagpalit ng damit. Sapatos lang ang pinapalitan sa akin
tapos pinagsuot ako ng apron. Itinaas ko rin ang buhok ko para hindi ako maabala
mamaya.

Nang matapos ay pumunta na ako sa napakalaking stage na mayroong kitchen stations.


Marami-rami na rin ang naroong contestant kaya lalo akong kinabahan.

"Miss Solene!"

Napatingin ako kay Bethany at medyo nakahinga nang maluwag nang makitang nakangiti
sya sa akin at kumakaway. Tatlong station ang layo nya sa akin kaya kinawayan ko na
lang sya pabalik.

Maraming nanonood sa amin. May mga flash ng camera sa paligid na lalong nagparamdam
sa akin ng kaba. Ni hindi ako makatingin sa mga audience! Pumikit lang ako at
huminga nang tatlong beses.

Matalo o manalo, I'll enjoy this.

"Good morning, ladies and gentlemen!" bati ng emcee. "Today, we'll witness the
baking skills of known bakers from Europe and Asia!"

The anticipation is killing me!

"With fifty contestants, let's begin!"

Ang nasabi sa amin sa briefing, any pastry will do. We have two hours to prepare
our product pero natatanga pa rin ako kung anong gagawin ko. Kumuha lang ako nang
ingredients nang natataranta.

Tumingin ako sa mga contestant at gaya ko, halos lahat ay mabilis ang pagkilos.
Huminga ako nang malalim at ngumiti. I should calm down. I'll enjoy the moment.

I don't know what gotten into me but I started making the pastry that became the
reason why I started baking-cheesecake.

I pour my heart and soul in to it. I made sure that my measurements were accurate
and that I'm not in a rush. Ayokong magkamali dahil mahaba naman ang oras. I'm
thinking of putting frosted blueberries on top but I didn't do it. Instead,
naglagay lang ako ng white chocolate syrup para hindi ito sobrang bare.

Mabilis na lumipas ang oras at maayos ko namang natapos ang akin. Napaawa ako sa
ibang contestant na hindi natapos dahil mahirap na cake ang naisipan nilang gawin.
Hindi sumapat ang dalawang oras dahil na rin sa sobrang pagmamadali.

Lumapit ang emcee kay Bethany kaya nakita kong medyo kinabahan ang babae. Like me,
she opted to do cheesecake pero may fresh strawberries ang kanya. It looks really
delicate and delicious!

"Miss Bethany, of all pastries, why did you bake a fresh stawberry cheesecake?"
tanong ng emcee sa kanya.

There are flashes of cameras but she managed to smile. Her eyes twinkled while
looking at the audience.

"Uhmm..." she trailed off. "This particular pastry is my friend's favorite so..."
she shrugged.

Tumango-tango ang emcee kahit nang-aasar na nakatingin sa kanya. "And we all know
this friend isn't just a friend!"

Tumawa ang audience kaya ako ay natawa rin. Namula nang bahagya si Bethany kaya
lalo syang inasar ng mga nanonood. Nakangiti lang ako sa kanila.

Marami pang ininterview ang emcee kaya tuluyan nang nawala ang kaba ko. May ibang
nagreklamo na sa kaba raw nila ay nasunog pa ang gilid and I laughed so much at it.
Inamin talaga nila!

Akala ko ay lalampasan na ako ng emcee pero nang makita ako ay ngumiti sya nang
malaki. Ang kaninang kalmado ko nang puso ay biglang dinaga.

Humarap sya sa audience. "Of course, here's the muse of the pastry world!"

Nagtilian ang mga nanonood habang namumula ako sa hiya. Anong muse?! Sa Manila lang
naman ako kilala!

Muling humarap sa akin ang lalaki at ngumiti. "You're a Filipino-American, right,


Madame?"

I chuckled. "Yeah," I answered briefly.

"Are you aware of how popular you are?"

"No!" I blushed. "I mean, I just opened my shop two weeks ago!"

"But you already created your name in this industry in the span of three years!
You're famous online!"

Mahina akong tumango, medyo nahihiya. Hindi ko na alam ang isasagot ko kaya
pinanliitan ko na lang sya ng mata. "Thank you?" Hindi siguradong saad ko.

Tumawa sya bago ibinaba ang tingin sa niluto ko. Totoong sumikat ang pangalan ko
online ngunit hindi ko naman inasahan na hanggang Europe ay kilala ako! Yes, there
are a lot of French and Greek patissier who invited me to join their bakeshops but
I always decline them because I want to create my own.

"Anyway, Miss Solene, when did you start baking?"

Napaisip ako. Kailan nga ba? Simula nung sinabi ni Duke na gusto nya ang cheesecake
kaya nag-aral akong gumawa non? I don't know when.

Umiling ako. "I don't remember when."

He nodded. "I heard you're a civil engineer."

Nanlaki ang mga mata ko bago iwinasiwas ang kamay. Umiling pa ako nang paulit-ulit
sa kanya.

"Student... I was a civil engineering student. I didn't finish college." Tawa ko sa


kanya. "You see, I'm for measuring flours and sugar not for measuring buildings and
infrastructures."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng mga nanonood. Napangiti rin ang emcee sa akin
dahil sa ginawang pag-amin.

"Anyway, I see you bake a cheesecake." Tumango-tango sya. "Why?"

Napangiti ako sa tanong dahan-dahan nyang pagtatanong. Marami na akong sariling


recipe na nagawa noon at ang makitang simpleng cheesecake lang ang ginawa ko ay
medyo nakagugulat siguro sa kanila.

"Because this is where I started." I answered with all honesty.

"What do you mean?"

"Just like Miss Bethany..." tumingin ako sa babae. "I had a childhood friend who
loves eating cheesecakes so I started learning baking." Sagot ko nang humarap ulit
sa emcee.

"Wow, so it's a young soul's dream..."

I nodded. Hindi na uli nagtanong ang emcee. Ako ang huli nyang ininterview bago
pinadala sa amin ang product namin sa unahan para matikman ng judges. Kinakabahan
ako nang sobra pero sa palagay ko ay maayos naman ang pagkakagawa ko.

They will announce the ones who passed the elimination round after two hours.
Umalis muna ako roon at nagpunta sa cafeteria ng De Koning. Maraming tao pero nang
makita ako ng emcee ay tinawag nya ako.

May mga kasama syang halatang mga Griyego pero lumapit ako sa mesa nila.

"Hi," I greeted them.

Tumingin silang lahat sa akin. Apat sila roon. Dalawa ay babae at dalawang lalaki.
Halatang magkasintahan ang dalawa sa kanila dahil na rin sa body language nila. The
other girl is one of the judges!

"You can sit with us." The emcee uttered. "By the way, I'm Alexandrei."

Iniabot ko ang kamay nya. "I'm Solene."

As much as I wanted to sit with them, pakiramdam ko ay hindi maganda tingnan. I'm a
contestant and sitting with them seems disturbing for other contestants.

I sighed. "Uhm, I'm sorry. I don't think I can join you."

Napatingin sa akin ang babaeng judge. "Why, dear?"

I smiled. "Madame, I'm a contestant and you're one of the judges. This might not
look too appealing for others." I answered.

Nakita ko ang pagngiti nya sa akin bago tumango.

Alexandrei grinned. "Okay, see you around, then."

Nagpaalam ako sa kanilang lahat bago umorder ng pagkain. Ganoon na lang ang saya ko
nang makakita ng chicken curry! May hot choco rin silang sineserve kaya lalo akong
napangiti. This place is heaven!

May mangilan-ngilang nagpapicture sa akin kaya nahihiya ako. Hindi naman ako
celebrity pero grabe ang atensyon na ibinibigay nila sa akin!

I saw Bethany eating alone so I went near her.

"Is this seat occupied?" tanong ko, ginagaya ang boses nya.

Tinwanan nya ako. "No, you can have it." Ginaya nya rin ang boses ko kaya napatawa
rin ako.

Umupo ako roon. "Akala ko may kasama ka?"

Tumango sya. "Nasa restroom. Ipapakilala kita."

I narrowed my eyes on her. "Friend pala, ha?"

Namula sya bago nag-iwas ng tingin. Napangiti lang ako at sinumulan nang kumain
habang inaantay namin ang kaibigan nya. Gaya ko ay chicken curry din ang kinuha
nyang ulam.

We talked for a while before she looked at my back. I saw how her eyes sparkled at
the sight of him. Napailing na lang ako, she's smitten!

Umupo ang lalaki sa tabi nya. Nang mag-angat ako ng tingin ay sinalakay ng kaba ang
dibdib ko. My hands are now slightly trembling in shock!

Si Duke.

Nakatingin din sya sa akin pero walang gulat sa mga mata nya. Ramdam na ramdam ko
ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa mga mata nya. They are serious
and emotionless.

He's wearing a black longsleeves polo. Ang dating may kahabaan nyang buhok ay
malinis na ang gupit ngayon. It gave him a more formal aura. Halatang batak din sya
sa gym dahil malaki ang kanyang katawan. Kahit sa suot na polo ay halata ang well-
toned chest and shoulders nya. His light brown eyes looked the same but with the
way he stares at me, I know something has changed.

"Laurence, this is Solene! 'Yung ikinukwento ko sayo kahapon!"

I looked away. Suddenly, ayoko nang kainin ang nasa plato ko. Hindi ko alam kung
dahil sa kaba o dahil tuluyan akong nawalan ng gana.

Hindi rin nagsalita si Duke. Pinanatili ko ang mga mata sa plato at nagkunwaring
kumakain dahil gusto kong iwasan ang titig nya.

For the first time in seven years, our paths crossed again.

I gathered my courage and looked at them. There's no need for me to feel anxious.
Matagal na ang nangyari. I'm sure he moved on!

"Hi, Duke. Long time no see." I greeted him before looking at Bethany who looks
utterly confused. "He's a childhood friend."

Tumango ang babae. Hindi ko alam kung napansin nya ang tensyon sa aming dalawa
dahil mukha syang nataranta. Nanatiling tahimik si Duke. Hindi ko sya binalingan ng
tingin dahil hindi naman nya ako binati pabalik! Arte!

"Uhm..." Bethany cleared her throat. "Are you guys good?" She asked frankly.

Napatingin ako sa kanya.

"Ang awkward nyo kasi!" tawa nya. "Para kayong magkaaway."

I gulped. "I think we're good, Bethany."

Nagpatuloy kami sa pagkain habang tinatanong ako nang tinatanong ni Bethany.


Nahihiya na nga akong sumagot dahil alam kong may ibang nakikinig sa amin. Kumakain
lang din sya at napansin kong may fresh strawberry cheesecake sa tabi nya. Iyong
ginawa ni Bethany kanina.

"Edi sa Isabela ka rin nakatira?"

I nodded. "Oo. Lumipat na lang ako sa Manila nung 19 ako."

She smiled. "Did you keep in touch with Laurence?"

I shook my head. Uminom muna ako bago muling sumagot. "Hindi na, I was busy with
something."

Mukhang may gusto syang itanong sa akin pero dahil siguro sa hiya ay hindi nya iyon
masabi. I wanted so much to change the topic but I don't know how!

Napansin ko ang pagtingin ni Duke sa plato ko bago nag-iwas ng tingin. Kinagat nya
bahagya ang pang-ibabang labi kaya nagpakita ang tinatago nyang dimples. I'm not
gonna lie, he's handsome even before but he's way more good looking now! His
muscles are in the right places and his features were defined.

I sighed.

"What's that something?" he asked in a deep hoarse voice.

Nagulat ako nang bigla syang nagtanong sa akin kaya hindi agad ako nakasagot. Kahit
si Bethany ay halatang nagulat sa pagsasalita ng lalaki.
"Something personal, Duke."

Hindi ko alam kung paanong natapos ang pagkain namin na buhay pa ako. Nauna akong
umalis sa mesa nila dahil hindi ko kaya ang tingin ng lalaki. Isa pa, I know that
Bethany likes him. I want to give them some time alone.

I wonder if Mitzie knows what's going on with Duke. They have a child but he's
here, flirting with a girl. Ang sabi ni Bethany ay si Duke ang engineer ng mansyon
ng pamilya nila kaya sila nagkakilala.

Inilibing ko sa isipan ang pangyayaring iyon dahil alam kong maaapektuhan ang
performance ko sa mga susunod na araw.

Pero, tangina, nakita ko ulit talaga sya.

May kung anong bumalot sa puso ko nang mapagtantong naabot nya ang pangarap nya.
He's an engineer now. Gaya ko, naabot namin ang gusto naming mangyari.

Nakalulungkot lang siguro dahil magkasama kaming nangarap pero hindi namin
magkasamang naabot iyon.

"From fifty contestants, we're now down to twenty five!"

Nagpalakpakan kaming mga naiwan sa stage. Nalampasan ko ang unang round pero hindi
ko magawang maging sobrang saya dahil alam kong nakaupo si Duke at kasamang
nanonood ng mga audience.

Kasama rin si Bethany sa mga hindi natanggal kaya binati ko sya.

Nang makabalik ako sa hotel room ay saka lang ako nakahinga nang malalim. Alam kong
magtatagpo ulit ang landas namin sa mga susunod na araw. And I know I have to brace
myself.

Chapter 25

Nang sinabi kong magtatagpo uli ang landas namin, hindi ko naman inasahang umagang-
umaga mangyayari iyon.

Alas sais pa lang nang umaga at nakasports bra, jacket at leggings lang ako dahil
gusto kong mag-jogging. Malamig pa rin sa labas pero hindi naman sobra. Isa pa,
gusto ko sanang mag-isip.

Hindi ko naman inasahan na paglabas ko ng room, ang iniisip ko agad ang nakita ko.
Nilagpasan ko lang sya dahil wala naman akong sasabihin. Gaya ko, mukhang
magjojogging din ako. I didn't even know we're on the same hotel!

Ang awkward naming dalawa sa elevator. He's wearing a drifit shirt and I'm trying
my best not to go crazy over his body. Sol, you hate him! Ngayong magkatabi kami ay
lalo akong naging maliit tingnan dahil katabi ko sya. I'm 5'5" and he's almost
6'3"!

Nahiya ako lalo nang mag-ring ang cellphone ko. Atreus is calling me on messenger!

I cleared my throat before answering it. Kita ko ang repleksyon namin ni Duke sa
pinto ng elevator. His eyes are piercing me.
Nag-iwas ako ng tingin. "Hello?"

Narinig ko ang pagtawa ni Atreus sa kabilang linya. "Ang kalma natin, ah?"

"Gago." Natatawang sagot ko pero agad din humupa ang tawa ko nang makita ang titig
ng katabi ko. What's wrong with him?!

"Busy ka?"

"Nope, why?"

Bumukas ang elevator at may sumakay na tatlong lalaki. Medyo umipod kami ni Duke sa
likod. Ang isang matangkad na lalaki ay pumunta sa gilid ko at kitang-kita ko kung
paano nya titigan ang katawan ko.

"Wala lang, miss you!"

I smiled. "Just do your work, Doc."

"Apat na tulog pa bago ka umuwi." Reklamo nya.

"Parang bata." I chuckled. "Babawi nga ako pagbalik ko, diba?"

Mas lalong lumapit ang lalaki sa gilid ko kaya medyo naalarma ako. May sinabi si
Atreus sa kabilang linya pero hindi ko na napakinggan.

"Atreus, I'll call you back later."

Nang ibaba ko ang cellphone ay naramdaman kong may humipo sa puwitan ko. Tumingin
ako sa lalaki at nakitang medyo nasa likod ko na sya.

I heaved a deep sigh and looked forward. Hindi ko na sana sya papansinin but I felt
him squeezed my butt.

Tumingin ako sa kanya. Ngumisi lang sya sa akin dahil walang nakakapansin sa
ginagawa nya. He was about to touch my boobs when I slapped his hand harshly.

"Tangina mo ah!" galit na mura ko kahit hindi nya ako naiintindihan. I saw how his
hand turned red but I don't give a fuck.

Naramdaman kong hinigit ako ni Duke palapit sa kanya. "Anong ginawa sayo?" Madiin
na tanong nya. "Did he touch you?" Galit na galit ang mata at tinig nya habang
nakatingin sa akin.

I nodded. Ang dalawang lalaki ay nakatingin lang sa amin.

Itinago ako ni Duke sa likod nya bago malakas na suntukin ang lalaki. He's taller
and more muscular than him kaya agad ang napasandal ng lalaki sa salamin.

"Duke!" I screamed.

Paulit-ulit nyang sinuntok ang lalaki kaya hinawakan ko na ang braso nya. Bumukas
na ang elevator at maraming nakakita sa nangyari. The maniac's face is bleeding. Ni
hindi ito nakaganti sa sunod sunod na pagsuntok ni Duke.

"Duke!" sigaw ko ulit. He kicked him in the face! "That's enough!"

Hinigit ko sya palayo roon bago pa kami awatin ng guards. Dinala ko sya sa lobby at
ipinagpasalamat kong walang tao roon. He's breathing heavily and his jaw is
clenching in anger.

I looked away. "You don't have to do that." I uttered nervously. Paano kung balikan
sya ng lalaking iyon?! I can handle myself.

"What the fuck are you saying?" Galit na saad nya. "Do you want me to stay still
while someone is getting harassed?"

Someone. Right.

I sighed before looking at him. Medyo nakatingala ako sa kanya pero nagawa ko pa
ring samaan sya ng tingin. "You should know by now that I can protect myself,
Duke."

He laughed sarcastically before brushing his hair with his hand. "Stop acting,
Solene."

"Anong sinasabi mo?" Nanliliit ang matang tanong ko.

"Stop acting like you don't need help." He uttered seriously. "Stop acting like
you're strong."

I snorted. "Then stop acting like you care."

He was taken a back. Yumuko na lang ako at akmang lalampasan sya nang hawakan nya
ang braso ko. It immediately sent electrifying sensation in my system but I just
pull my arms away from him.

"Don't appear in front of me again, Duke."

Nakatalikod na ako sa kanya kaya matapang kong nasabi iyon. "Let's stop pretending
we're good."

Matapos kong sabihin iyon ay umalis na ako. Hindi ko na natuloy ang balak kong
pagjo-jogging at umakyat na lang ulit sa hotel room. Naroon pa rin ang lalaki sa
elevator at marami pa ring nakatingin sa kanya pero hindi ko na sya pinansin. I
felt guilty when I realized I didn't even thank Duke.

Inantay ko na lang ang oras para makapagbihis ako at makapunta na sa convention.


Kailangan kong pansamantalang kalimutan ang nangyari kanina dahil ayokong
maapektuhan ang contest ko.

I just smiled at Bethany when I saw her. Limang contestant na lang ang matitira
para sa finals kaya kagaya kahapon ay kinakabahan ako. On-the-spot sasabihin sa
amin ngayon kung anong ibabake namin. Nakita ko ang ibang contestants na nagsasaulo
na ng maraming recipe dahil hindi kami pwedeng tumingin sa recipe book namin mamaya

"Yesterday, these 25 contestants survived the elimination round and now, we'll see
who'll pass the final round! Only five people will be selected making it harder for
them to impress the judges." Alexanrei uttered.

Nag-ingay ang audience. Ramdam ko pa rin ang kaba kaya pumikit na lang ako at
yumuko. I have to focus.

"For today, the contestants will make a carrot cake trifle! This is one of the
hardest pastries to prepare so we'll give them 4 hours to make it!"

Dinaga ang puso ko sa sinabi ng emcee. Isang beses ko pa lang nagagawa iyon! I saw
some of the contestants smiling, siguro'y sanay na silang gawin iyon.
I tried to focus. Inalala ko ang mga ingredients dahil isang taon na rin ang
nakalipas noong gawin ko iyon para sa isang birthday party. I prepared all the
ingredients and with determination in my heart, I started doing my work. Ilang
beses akong napatigil para alalahanin kung paano ito gawin. Iniisip ko na lang ay
kahit hindi ako makapasa, basta hindi ko mapahiya ang sarili ko!

Dahil tatlong layer ang cake, medyo natagalan ako bago matapos. Sampung minuto na
lang ang natira para sa plating ko. Maliit lang ang ginawa ko hindi kagaya ng sa
iba na malalaki. Ang akin ay hanggang 10 servings lang yata, sakto lang para sa
limang judges.

Nang matapos ay inilugay ko ang buhok ko at pumila sa cafeteria. Natikman ko ang


gawa ko pero dahil sa kaba ay hindi ko nalasahan. Ang kaba sa dibdib ko ay hindi
maalis kahit maya-maya lang ay iaannounce na ang mga bagsak.

Umupo si Bethany sa harap ko kaya lalo akong kinabahan. Tumingin ako sa likod nya
at napahinga nang malalim nang mapansing hindi nya kasama si Duke.

"Hindi raw manonood si Duke, wag kang kabahan." She uttered before giggling.

I heaved a sigh. Hindi ko pinansin ang unang sinabi nya. "Kumusta ang cake mo?"

Umiling sya. "I messed up."

"Same," I said as if that will matter. "Bye, finals, na agad."

She looked at me. "Di ako naniniwala sayo. Ang ganda ng presentation mo! Halatang
sanay na sanay kang gawin yon."

"Isang beses ko pa lang nagagawa yon," I said.

She nodded and continued eating. "Hanggang kailan ka pala rito?"

"Sunday morning ang flight ko. Ikaw?"

"Saturday night, may work si Duke sa Monday e."

Tumango lang ako sa kanya dahil narinig ko na naman ang pangalan ng lalaki.
Magkasama kaming bumalik sa hall at nakitang naroon na rin ang ilang contestant.
Pumunta kami sa station namin dahil ia-announce na ang qualifiers.

Unang tinawag ang baker ng Golden Breads. I expected it because he's in the field
for 20 years! Isa pa, kilalang-kilala na ang Golden Breads sa buong Europe. Tinawag
din ang chef ng Green Cakes. "Solene Clemente of The Slice!"

Napatakip ako sa bibig at bahagyang naluha nang tawagin ang pangalan ko. Binati
nila ako nang makapunta ako sa unahan. I can't believe I made it!

"Bethany Faith Ferrero!"

Napatingin ako kay Bethany na gulat din ang reasyon. Tumabi sya sa akin at hindi
nya napigilang yakapin ako. Tumatalon-talon pa kami sa saya! We were just talking a
while ago! We really thought we fucked up!

Magkasama pa rin kami nang lumabas kami sa covention. Parehas kaming nakangiti
dahil kahit ano mang resulta ng competition bukas, sigurado kaming iingay ang
pangalan namin.
"Attorney, sure ka bang susukuan mo na ang baking pagkatapos nito?"

She chuckled. "Parang ang pagiging abogado na ang gusto kong i-give up."

Tumawa ako sa kanya. Inaasahan ko na iisa lang kami ng hotel dahil naroon si Duke
kaya medyo nagulat ako nang sabihin nyang sa Hilton sya. Sinabi nyang wala nang
vacant hotel room sa Waldorf, kung saan kami tumutuloy ni Duke.

Ang saya pa yata ng tadhana dahil iisa kami ng floor.

Kumain muna kami bago tuluyang naghiwalay. Nakarating ako sa hotel room ko nang
mapayapa. Tinawagan ko sa messenger si Jelay para ibalita sa kanya ang nangyari.

"Girl, tangina!" Bungad ko agad.

"Sakit sa tenga, Solene!"

Tumawa ako. "Finals na bukas! I passed!"

Narinig ko ang malakas na tili nya sa kabilang linya. Narinig ko pang parang
nalaglag sya sa kama kaya natawa ako lalo.

"Kumalma ka!"

"OMG! Magququit na ako sa trabaho ko! Sasamahan na lang kita sa The Slice!" mataas
ang boses na saad nya.

"User!"

Narinig ko ang pagtawa nya sa kabilang linya. Pinakinggan ko lang sya hanggang sa
kumalma sya.

"Nagkita rin pala kami rito ni Duke." I said casually.

Kung kanina ay nalaglag sya sa kama, ngayon ay cellphone nya na ang nalaglag. Ang
dami kong unnecessary noises na narinig bago nya tuluyang kunin ang cellphone.

"Papatayin mo ba ako sa nerbyos?!" sigaw nya. "Anong nangyari?!" Ilang beses pa


syang nagmura bago nakinig sa akin.

Ikinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari. Mula sa pagkakakilala ko kay Bethany


hanggang sa nangyari kaninang umaga.

"Akala ko ba mag-asawa sila ni Mitzie?! Bakit may Bethany dito?" galit na tanong ko
sa kanya, parang kasalanan nya.

"Wait, so, nag-usap kayo?"

"Oo, kanina ko pa talaga sinabi."

She sighed. "Grabe, after 7 years. Hindi kaya kayo talaga?"

"Tanga ka!" tawa ko. "Di ako magiging kabit."

"Wala naman akong sinabing may asawa si Duke, ah?"

My forehead creased. "Eh diba may anak sila ni Mitzie?"

"Hindi rin sure kung sya ang tatay non."


Minura ko sya nang isang beses bago ibaba ang tawag. Matapos iyon ay si Atreus
naman ang tinawagan ko. I told him the good news and like Jelay, he's happy for me.

Maaga akong nagpahinga nung araw na yon. Masaya ako dahil sa nangyari pero inaalala
ko ang pagiging bastos ko kay Duke. Hindi ko sya napasalamatan sa nangyari kanina
at hindi ko alam kung lalapit ba ako gayong ako ang nagsabi na wag na syang
magpapakita sa akin.

Kinabukasan sa convention, nagbibiruan na kaming limang contestants. We're sharing


the experieces we encountered in the competition. Ang baker ng Golden Bread ay
inaming nabali nya ang handle ng plastic measuring cup dahil sa kaba.

Bethany isn't with Duke again. Mag-isa syang pumunta at hindi ko naman magawang
magtanong. And I don't really understand why I'm thinking about him.

Nagsimula ang competition at ipinagawa kami ng cookies. Madali lang sana pero
kalahating oras lang namin gagawin! Wala akong ibang naisip gawin kung hindi ang
sanay na sanay ko nang lutuin, ang chocolate chip cookies. 10 minutes kong ginawa
ang mixture at 15 minutes kong iniluto.

Iniiwasan kong mapatingin sa kabilang station dahil pakiramdam ko ay akin ang


pinakabasic gawin! Habang dinudurog ko pa ang chocolates ay nahiwa ang kamay ko.
Hinihiwa ko kasi ito gamit ang kutsilyo. Napangiwi ako nang makitang dumugo ang
hintuturo ko. Medyo malalim ang sugat pero hindi ko na muna pinansin.

Natapos ako on time. Saka lang nagawi ang tingin ko sa iba. Si Bethany ay drop
cookies ang ginawa kaya mas mabilis syang natapos. She doesn't look satisfied but
there's no more time to change it.

Nag-inat ako nang lumabas ng hall. Nagbibihis pa si Bethany kaya mauuna na sana
akong pumunta sa cafeteria nang may umagaw sa kamay ko.

Nanlaki ang mga mata ko habang pinapanood si Duke na maglagay ng bandaid sa sugat
ko. Ni hindi ko mabawi ang kamay ko dahil sa gulat.

Nang ibaba nya ang kamay ko ay tinitigan nya ako.

Namumula akong nag-iwas ng tingin. "A-ang OA mo! Para hiwa lang."

"Wag mo akong pigilang mag-alala, Sol." His voice is hoarse and serious.

"Arte," tanging nasabi ko. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Nakayuko lang ako at
nakatingin sa mga paa ko.

"Sorry," he said softly.

Napaangat ako ng tingin sa kanya. He's looking down at me. Nagtama ang mga mata
namin pero nagawa kong titigan iyon. "Ha?"

"Hindi kita susundin."

"Ha?" mas lumalim ang kunot ng noo ko.

He smiled and I swear to God, I forced myself not to melt. His dimples show and I
had to bite my lower lip to stop myself from sighing. I reminded myself that the
guy in front of me isn't mine anymore. We had a rough past and I should stop
admiring him.
"I'll keep appearing in front of you, Sol."

Chapter 26

"Let's just move on, please..."

Tuluyan akong umalis sa harap nya matapos sabihin iyon. Dumiretso ako sa cafeteria
at umupo sa malapit sa glass wall. Tanaw ko ang dagat doon kaya bahagyang kumalma
ang sistema ko.

I'm not blind nor numb. I know him. He's making a move again. He wants to make me
feel something again. And I learned my lesson. Nasa kanya na si Mitzie. May gusto
na sa kanya si Bethany. What more could he ask for?

Sa loob ng maraming taon, hiniling ko na sana ay hindi na kami ulit magkita. Hindi
dahil hindi pa ako handang makita sya kung hindi dahil hindi pa ako handa sa
mararamdaman ko.

Pero sa tuwing maglalakad ako sa isang mataong lugar, umaasa ang puso kong
makatagpo ulit ang mata nya. Umaasa akong kahit isang sulyap lang ay makita ko ulit
sya.

And now, after so many years of emptiness, he's here, making me feel things.
Natatakot ako na baka hindi ko na naman mapigilan ang puso ko.

Hindi iisang beses kong binalikan ang mga nangyari noon. Sa mga masasayang alaala
namin hanggang sa masasakit. Before Mitzie, it was always me. Ako yung pinagluluto,
hinahawakan, pinapayungan, niyayakap at minamahal. Kaya noong dumating sya at bigla
akong naging pangalawa, ang hirap mag-adjust. Kung alam ko lang na ang huling yakap
ko na pala sa kanya ay noong nasa tapat kami ng Sweets and Treats, sana tinagalan
ko na.

But then it will all come back to me.

Years ago, he said he didn't love me. Years ago, he said I'm nothing compared to
her. It broke not only my heart but also my self-esteem. Ipinarinig nya sa buong
school kung paano nya ako maliitin.

With my negative thoughts, bumalik ako sa hall nang medyo masama ang loob. Even
after I was announced as second place, I still didn't feel complete. There's a
hollow on my chest I cannot get rid of.

"Are you okay?"

Tumango lang ako kay Bethany. May interview kami ngayon. Ang baker sa Golden Breads
ang tinanghal na panalo habang isang Asian pastry chef naman ang nasa third place.
Still, lima kaming iinterviewhin.

Nagbihis ako nang mas maayos na damit dahil recorded ang interview namin. Iuupload
ito online. I don't know what questions will be asked but I want to answer with all
honesty.

Unang ininterview ang nanalo kaya nakapaghanda-handa ako ng sagot. I really have to
open myself. Wala namang kaso iyon sa akin pero kinakabahan pa rin ako.

Nang matapos ang nauna ay ako naman ang tinawag. Nanonood lang sa screen ang top 5
finalists habang ako naman ay umupo na sa couch na nakahanda para sa amin. There
are cameras and lights. Medyo hindi ako sanay sa ganito pero kailangan ko ito para
sa business ko.

"Hi, Ms. Solene Clemente!" she greeted me with enthusiasm.

"Hi." I answered briefly.

She smiled at me. "After winning the second place, what are your next plans?"

Sinagot ko ang tanong nya. Sinabi kong magfofocus muna ako sa opening ng shop ko
dahil matagal ko nang pangarap iyon. I'll create more recipes for my customers,
dagdag ko pa.

"A lot of bakery owners want you to be their brand ambassadress. Will you give it a
shot?"

Umiling ako. "I don't think I can accept offers for now because I have a lot of
things in mind. But if fate tells me to do so, I will."

Nagpatuloy ang pagtatanong nya. Kalimitan ay tungkol lang sa paggagawa ko ng


recipe, kung paano ko pa ipopromote ang The Slice at kung ano pa ang mga ieexpect
ng future customers ko sa akin. I answered all of that with truthfulness.

"From your data, you lived in a province for 19 years." She stated. "Why did you
leave Isabela? Is it because of your passion?"

It will be very heartwarming if I'll answer yes... but it isn't the case for me so
I shook my head.

"It's not my plan, actually. After I failed the battery exam, I was really
devastated because I felt like I wasted three years of my life." I confessed.

I bit my lower lip as I looked at her. "I went to Manila to look for my mom." Amin
ko ulit sa mas mahinang boses.

She looks like she wanted to dig deeper but she didn't.

"Were you able to find her?" tanging natanong nya.

I nodded. "After 4 months of being puzzled in Manila, yes, I found her."

Doon sya nakahinga nang maluwag. "Great! Where did you find her?"

I gulped. I didn't expect that as her follow-up question. Still, kailangan kong
sumagot nang totoo. Baka kapag sa iba nalaman ng mga tao ang nakaraan ko, maging
issue pa ito sa akin. Dahil eventually, ang tinatawag nilang muse of pastry world,
anak ng kriminal.

"I found her in Manila City Jail." I answered.

Kita ko ang gulat sa mukha nya. Parang gusto nyang ipabawi sa akin ang sinabi
ngunit live interview iyon. Isa pa, ayos lang naman sa akin. My past plays a huge
part of what I've become.

"I'm not gonna disclose to you why that awful thing happened to her because I
really don't want to stain her name. She's a very loving person and I would trade
anything just to be with her again." I sighed. "She's the only person who
prioritized and loved me."
She blinked nervously. "I'm sorry about that, Ms. Solene. Is she doing fine now?"

I shook my head. "She's gone... but it's okay. I'm living our dreams and even
though we're not together now, I'm sure she's proud of me."

"Of course! Everyone from your past will be so proud of you! You worked hard to
achieve this."

Medyo matagal pa nya akong ininterview. She even asked me if I have a boyfriend and
of course, I answered none. Nang mag commerical break ay sorry sya nang sorry sa
akin. I assured her that it's fine because it's a part of me.

May victory party kami mamayang gabi sa Astra, isa sa mga high class clubs sa buong
Amsterdam. Matapos kong interviewhin ay hindi ko na pinanood ang iba. Nagpaalam ako
sa kanila at sinabing magkita-kita na lang kami mamaya.

Pagkahiga ko pa lang sa kama ay nakaramdam ako ng pagod. I won! Ibinalita ko iyon


kina Jelay at Atreus kanina dahil masaya ako. Hindi nga lang ito kagaya ng inexpect
kong sayang mararamdaman ko. I don't know what's wrong with me. Para akong
kinakabahan sa mga mangyayari pa.

Nakatulog ako dahil sa pagod. Nang magising ako ay gabi na pero nagawa ko pa ring
maligo na parang pagmamay-ari ko ang oras. Alas nuebe ang usapan namin na magkita-
kita roon pero alas otso y media na ay nasa hotel room pa rin ako.

Dahil club ang pupuntahan, high-waisted black shorts at isang red crop top lang ang
suot ko. My legs looked longer in my short boots kaya tuwang-tuwa ako sa itsura ko.
Minsan lang ako magmukhang matangkad!

I sent a picture to Jelay.

Me: time na siguro para makipagmomol ako

Jelay Collantes: momol lang ha!!! pag sex, use protection puh dahil di pa ako ready
magkaroon ng inaanak sayo

Me: wish me luck

Jelay Collantes: go pokpok akin na lang si doc dito

Natawa ako sa reply nya. Inilagay ko sa maliit na bag ang cellphone ko at nagtungo
na sa club. Nasa labas pa lang ako ay rinig ko na ang ingay ng mga tao at kita ko
na ang mukukulay na ilaw.

Dahil hindi ko naman agad nakita ang private room namin, naisipan ko pang sumayaw
sa dance floor.

The lights are blinding and the music is deafening but I can't stop my hips from
dancing. This is me-getting lost in dancing! The DJ isn't joking tonight!
Napakagaling nitong mag-remix!

Nang medyo pagpawisan ay tumigil ako. Maraming lalaking pumunta sa likod ko at


hinawakan ang bewang ko para makipagsayaw kaya nang tumigil ako ay dinig ko ang
panghihinayang nila.

Medyo nakainom na rin ako nang umakyat ako sa room namin. Unlike me, they all
looked like they're in a formal meeting.

"I thought we'll celebrate..." I pouted.


Narinig ko ang mahinang pagtawa nung Asian chef. "Yeah, later. But it seems like
you already had fun."

I nodded. "I missed clubbing! I used to visit clubs in Manila with my friend!"

Nag-iinuman sila habang nagkukwentuhan. Ako naman ay nasa tabi lang ni Bethany na
nakikinig din sa kanila. Nang mainip ay tumayo ako at pumunta sa bintana para
magpahangin. Ang boring nila mag-club! Gusto ko na lang tuloy bumaba at sumayaw
ulit!

Nagpaalam ako sa kanila na bababa ako. Hindi ako dumiretso sa dance floor dahil
nahihilo ako sa amoy. Kanina pa rin ako umiinom kaya tipsy na ako. The drinks here
are hard!

Magsisindi na sana ako ng yosi nang may humawak sa braso ko. Naiinis tuloy akong
tumingin dito.

Hindi ako nagulat nang magtama ang mata namin ni Duke kahit na gusto ko syang
tanungin kung anong ginagawa nya rito. Kilalang kilala ng katawan ko ang hawak nya.

"Ano na namang kailangan mo?" paasik kong tanong.

"Pwede ba tayong mag-usap?" His eyes were pleading and they look really sad.

"Para saan pa? Didn't I tell you to move on?" I snorted. "Ganoon ba ako kaganda
para hindi mo ako makalimutan?"

I'll blame it on alcohol tomorrow, for sure.

"Sa kotse na lang tayo mag-usap, please..."

I narrowed my eyes on him. "Paano ka naman nagkakotse rito?"

He sighed. "Rent." Muli nyang hinawakan ang braso ko. "Let's go."

Inagaw ko ito sa kanya. "Did I agree, Duke?! Ano bang pag-uusapan at kailangang sa
kotse pa?!"

He looked away and I definitely saw loneliness in his eyes.

"Just a minute, please..."

"Lasing ka ba?" I asked. It's not my intention to asked him softly! Lumabas lang
iyon nang malambing sa bibig ko.

"Nakainom lang." He confessed.

I sighed before nodding. "Nasaan ang kotse?" He bit his lower lip and lead me to
the car. Hindi ko na inantay na pagbuksan nya ako dahil magmumukha lang akong
tanga. Nang makasakay kami ay walang nagsalita sa amin.

"Akala ko ba may sasabihin ka?"

"Solene..." he uttered with tenderness. "I watched your interview."

Ah, ayun pala.

"Oh anong meron?" Humarap ako sa kanya at nakitang nakayuko lang sya habang
pinaglalaruan ang daliri.

"W-wala na ba si Tita Yella?"

I rolled my eyes. "Ano bang sinabi ko sa interview, Duke?" Napatingin ako sa braso
nya at napaiwas ng tingin.

"Wala na." Parang batang saad nya. Sa itsura nya ngayon, pakiramdam ko ay bumalik
ang Duke na minahal ko noon. His strong facade was gone.

"Oo, wala na si Nanay. Yun lang ba?" I said bravely. Tinatarayan ko sya dahil iba
ang pumapasok sa utak ko ngayon!

Seeing him in a white fitted shirt and black pants makes me wanna taste him! And
we're in a closed area! Masyadong delikado ang nasa isip ko. He's talking to me in
a serious manner while I'm thinking of worldly things about him.

"Why didn't you tell me, Sol?" nanunumbat ang boses nya.

I sighed and looked in front of me. "Nagtanong ka ba?"

Hindi sya nakasagot. Bumalot ang katihimikan sa amin habang ako ay nilalabanan ang
antok.

"G-galit ka pa rin ba sa akin?" he whispered softly. "S-sol, patawarin mo na


ako..."

I tsked. "Tangina, Duke. Ang tagal na non." Hinawakan ko ang ulo ko dahil sa hilo.
"Wag kang umarte na parang mahal mo pa ako."

Dahil baka umasa ako tapos hindi mo na naman mapatunayan.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya napamulat ako at napatanga sa kanya.
Binawi ko ang kamay ko dahil hindi ko nagustuhan ang epekto ng magkadikit na balat
namin.

"What the fuck is wrong with you?!" Singhal ko. "Stop trying your luck! Tangina
naman, tapos na tayo!"

He gulped before looking at me. He looked like a scared cat. "Sol... kaya ka ba
umiyak non ay dahil n-nakulong si Tita Yella?" Dahan-dahan ang pagtatanong nya,
takot na parang mababasag ako.

"Oo!" Sigaw ko. "Pero hindi ko makita ang punto kung bakit kailangan kong sabihin
sayo to!"

"Dahil boyfriend mo ako nung mga panahong yon, Sol!" He said frustratedly. "At wala
akong kaalam-alam sa nangyayari sayo..." aniya sa mas malamyos na tinig, punong-
puno ng pagsisisi ang mga mata nya.

I snorted. "Sa iba ka nagpapakaboyfriend, Duke. Paano mo malalaman?"

"M-mitzie was pregnant... that time."

Parang may kung anong dumagan sa akin nang marinig iyon.

"I heard," tanging nasagot ko. Gusto kong isumbat sa kanya ang pagiging manloloko
nya ngunit natahimik na lang ako.
Hindi sya sumagot kaya nagsalita ulit ako. Gusto ko nang magpahinga.

"Ihatid mo na ako, Duke." Wala nang hiya dahil alam kong hindi ko na kayang lumabas
at mag-antay ng sasakyan para bumalik sa hotel.

Hindi sya sumagot pero naramdaman kong umaandar na kami.

Mabilis ang ginawa kong pagbaba nang makita ang hotel. Pasuray-suray akong naglakad
patungo sa elevator. Alam kong nakasunod lang sya sa akin at nakatingin. I probably
look like a shit right now but I don't care.

Hinawakan nya ang braso ko habang inaantay naming bumukas ang elevator pero malakas
na binawi ko lang iyon.

"Pwede ba?!" singhal ko.

Yumuko lang sya at tumingin sa kamay nya. Nang makapasok kami ay wala kaming imikan
sa loob. Ramdam ko ang tingin nya pero wala akong pakealam. He has a child with
Mitzie while we're in a relationship. Nandidiri ako sa sarili ko dahil iniisip ko
pa rin sya!

"Kaya kong mag-isa, Duke." I said when I felt him following me from behind.

Hindi sya nakinig at dumiretso pa rin sa paghahatid sa akin sa tapat ng room ko.
Parang tanga pa na hindi ko makita ang key card sa bag ko dahil natataranta ako sa
presensya nya.

Inilabas ko na ang mga gamit ko sa sahih ngunit hindi ko pa rin makita.

"I can ask downstairs." He said.

"I don't need your help."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nya. Umupo rin sya sa sahig at tinulungan ako sa
paghahanap ng card.

Malakas akong napabuntong-hininga.

"I said I don't need your help!" singhal ko. "Bakit ba ang kulit mo?!"

"Just..." nahihirapang saad nya. "Just let me do this for you, hmm?"

Napalunok ako sa lambing ng boses nya. Pitong taon ang lumipas pero may epekto pa
rin sya sa akin!

"Duke, tantanan mo na." I said with conviction. "Hindi mo kailangang bumawi sa


akin... hindi porke nalaman mo ang nangyari dati, may karapatan ka pang maawa at
tulungan ako."

Tumayo ako at napakagat sa pang-ibabang labi ko. "Tangina kasi, ano pa bang
kailangan mo?! Bakit ka ba umaarte na parang walang nangyari dati?!"

Nanatili syang nakaupo sa sahig, nakayuko.

"K-kasalanan ko..." narinig kong saad nya. "N-nagkamali ako."

I looked away. We're too tired to even think straight. Mabuti pang itigil na muna
namin ang usapang ito.
"Bumalik ka na sa room mo, kaya ko na 'to." I said.

Tumayo rin sya. Malungkot ang mga matang tinitigan ako.

He smiled sadly. "You reached your dreams... after everything that happened, nakaya
mo pa rin."

He went closer to me and the next thing I knew, he's hugging me. His face is on my
neck while his arms are wrapped in my waist. Gusto ko syang itulak palayo pero
hindi ko magawa!

"Late na, Solene, pero proud ako sayo... sobrang proud ako sayo."

Chapter 27

"Wow, taray, amoy Amsterdam!"

I rolled my eyes. "Di mo kaya yon."

Isinalansan ko ang mga upuan at mesa. Bukas ang grand opening ng shop ko kaya busy
ako ano noong mga nagdaang araw. Ngayon ko lang din nakita si Jelay nang makauwi
alo galing sa Amsterdam.

"Nag-hire ako ng apat na tao." I said. "Para hindi hassle bukas."

Tumulong sya sa pagpupunas ng mga pasimano. "Sana hinire mo ako. Ready na ako mag-
quit."

I chuckled at her statement.

"Si Roswell, kinuha mo?" tanong nya.

I nodded.

"Nag-send ako ng invitations sa ilang katrabaho noon pero hindi ko alam kung
pupunta sila. Followers ko lang sa page ko ang inaasahan ko."

Umirap sya sa akin. "Worried ka pa? Kita mo ngang sold out ka lagi nung soft
opening pa lang."

Umupo ako sa couch at tiningnan ang buong lugar. Malawak ito, siguro'y kayang mag-
accomodate ng hanggang 300 na tao. Malaki ang napanalunan ko sa international
competition kaya kapag lumago ang business ko ay nagpaplano akong magpa-second
floor.

Tumabi sa akin si Jelay. "Kumusta raw si Duke?"

I scoffed before glaring at her. "Tingin mo ba sa way ng paghihiwalay namin noon,


magkukumustahan kami?"

"Just asking," she shrugged. "Pero engineer na? Saang company daw?"

"Di ko alam, di ko naman tinanong." I laughed.

"Jusko! Hinding-hindi ako magmamahal ng kaibigan!" ekseheradang saad nya.

I chuckled. Kung sana madali lang na mamili kung sinong pwedeng gustuhin, una pa
lang pinigilan ko na sana ang nararamdaman ko sa lalaki.

Maaga akong pumasok sa shop kinabukasan dahil sa grand opening namin. Naroon na rin
sina Roswell, Diane, Ford at Lexus. Si Roswell ang inatasan kong papalit sa akin sa
kahera habang ang tatlo ang magseserve.

"Wag kang magtataray sa customers ha!" paalala ko.

She chuckled.

"Yes, Ma'am."

She needed work, yan ang sabi nya sa akin noong unang beses kaming magkita. Kasabay
ko syang nagtrabaho sa call center pero dahil sa mahirap na schedule, hindi rin
kami nagtagal don. Hindi ko alam kung saan na sya nagpunta matapos yon pero sya ang
naisip kong tawagan para magtrabaho sa shop.

Nilayasan nya ang nanay nya nang makumpirmang kabit nga ito ng gobernador sa amin.
She was so mad and disappointed.

Alas diez pa ang oras ng opening kaya napatingin ako sa entrance ng shop nang
tumunog ito.

I smiled as I saw Atreus holding a bouquet of red roses while smiling genuinely at
me. Naka casual shirt and pants lang ito kaya mukha syang modelo.

I kissed his cheek. "Aga mo, doc!"

Iniabot nya sa akin ang bulaklak at tinanggap ko naman iyon.

"Miss you," he said as he kissed my temple.

I chuckled. Dinala ko sya sa isang mesa dahil tapos na rin naman kaming magprepare.
Nag-aantay na lang talaga kami ng oras para magbukas.

"Nag leave ka?"

He nodded. "Di naman masyadong toxic sa hospital ngayon. Nire-sched ko na rin ang
check up ng mga outpatients ko."

"Edi maghapon ka rito?"

"Yup, tutulong ako."

Napangiti ako sa tinuran nya. "Dinner na lang tayo pagkatapos!"

Ginantihan nya ako ng ngiti. Kinuwentuhan nya pa ako tungkol sa paparating na


concert na pupuntahan namin. Next month pa naman ito kaya siguro ay hindi na ganoon
ka-busy dito sa shop.

Dumating na si Jelay at kita ko agad ang nang-aasar nyang tingin sa amin ni Atreus
na akala mo ay hindi ako itinutulak kay Duke kahapon.

"Nagbreakfast ka na ba?" he asked.

Tumango ako. "Mamaya siguro mga 8pm ang tapos. Depende sa dami ng tao."

"Sigurado akong maraming pupunta, Sol."


Hindi nga ako nabigo nang magbukas ay maraming pumunta. Hindi ko inasahan na
mapupuno agad ang mga upuan at couches dahil sa rami ng customers. Kahit tuloy ang
dami na namin sa shop ay busy pa rin kaming lahat.

Wala akong katulong sa pagbabake dahil hindi pa ako komportableng i-share sa iba
ang recipe ko. Sa ngayon, si Jelay ang uma-assist sa akin. Marami naman akong
binake kagabi pero nagdadagdag pa rin ako ngayon sa dami ng tao.

"Tanga ka ba?"

Napatingin ako kay Roswell na masama ang titig sa customer. Nanlaki ang mata ko
nang makitang nalaglag ang panga ng babaeng customer.

"Did you just call me idiot?!"

Agad akong pumunta roon. Galit na galit ang mukha ng babae.

"I'm sorry about that, Ma'am. What can I do for you?" malumanay kong tanong kahit
gusto ko nang sabunutan si Roswell.

"Who are you?!"

"I'm the owner of the shop po."

Her eyebrows furrowed. "You should handle your employees right! Hindi pa man kilala
ay ang panget na ng customer service nyo!"

Matapos sabihin iyon ay umalis sya nang nagbubunganga pa rin. Mabuti nga at hindi
sya napansin ng ibang customers.

Hinigit ko si Roswell sa loob ng kusina at sinamaan sya ng tingin. Ni walang bakas


ng pagsisisi sa mukha nya.

"Sinabi ko naman sayong wag kang magca-cause ng away!"

She sighed. "Ang bastos kasi ng bibig!"

"Tinawag mo pang tanga."

"Hindi ko sya tinawag na tanga." She then chuckled. "Tinanong ko sya!"

Napairap ako sa kanya. Umpisa pa lang ay may negative feedback na agad ang
customer.

"Ano bang sinabi?"

"Hindi raw masarap ang pastries mo. Maganda ka lang kaya ka may customers."

Nagsalubong ang kilay ko at bahagyang nainis. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa


labi nya dahil sa reaksyon ko kaya unti-unti rin akong napatawa.

"Good job!"

Nagpatuloy kami sa pagtatrabaho. I saw Atreus serving and smiling with the
customers. Kanina pa sya tumutulong at umiinit ang puso ko roon. He's a busy man
but he's here to support me.

Nang medyo nabawasan ang tao ay inaya ko itong maglunch. Nagpaluto ako kay Jelay at
sabay kaming tatlong kumain. Sina Roswell at ang tatlo ay nagpatuloy sa pagseserve
sa natirang customer.

"Kalahating araw pa lang, paubos na ang stocks mo." Masayang saad ni Jelay.

"Inom tayo mamaya?"

Sinamaan ko ng tingin si Atreus. "May trabaho pa tayong lahat bukas!"

Sasagot na sana ulit sya nang mapatingin ako sa entrance ng shop at napatayo ako
nang makitang pumapasok si Ma'am Candy at Harvin sa loob!

"OMG!" sigaw ni Ma'am Candy nang makita ako.

Mabilis ang ginawa kong paghakbang papunta sa pwesto nila at mahigpit na niyakap si
Ma'am. Miski si Harvin at nayakap ko rin sa tuwa! I haven't seen them for years!

"I can't believe you're this successful now, Sol!"

Pinaupo ko sila sa couch at sinabihan si Diane na magserve ng lunch at pastries sa


table. Harvin was smiling while looking intently at me. Bahagya ko syang nginusuan
kaya lumaki lalo ang ngiti nya.

"Thank you po sa pagpunta, Ma'am." I'm still so delighted!

"Told you, you're meant for something better!"

I winked at Harvin and look at the direction of Atreus and Jelay. Pinalapit ko sila
sa amin at nang makapunta sila ay ipinakilala ko sila sa dalawa.

"Si Atreus at Jelay po, mga kaibigan ko."

Ma'am Candy narrowed her eyes to Atreus. "You're not her boyfriend?"

"Ma'am!"

Atreus chuckled. "Ayaw pa po, e."

Ang ending, magkakasama kaming nag-lunch lima sa table na yon. Harvin is now a
flight attendant and he owns various businesses. Kapag hindi busy, tumatanggap din
daw sya ng gigs.

"Paano nyo pala nalaman na opening ko?" bulong ko sa kanya.

"Facebook."

I nodded. Nagpatuloy ako sa pagtatanong sa kanila. Si Ate Sab daw ay may kambal na
at matagal nang ikinasal!

"Mas successful pa ang business mo sa akin!"

Umiling ako at mahinang napatawa. "Marami pa akong pagdadaanan para makilala ako
nang sobra, Ma'am."

Habang kausap ko sila ay parang nanumbalik sa akin ang buhay ko noon. Mabilis lang
akong nagtrabaho sa Sweets and Treats pero maganda ang nabuo naming samahan doon.

Pumunta si Ma'am Candy sa counter. Sina Jelay at Atreus naman ay tumulong na sa


pag-aasikaso sa ibang customer dahil nahihiya akong iwan si Harvin. Isa pa, ngayon
lang ulit kami nagkita matapos ang nangyari noon sa Isabela!
"May girlfriend ka?" tanong ko.

He shook his head. "Dati meron... kaso I fucked up."

"We all fucked up." I chuckled.

He grinned. "You caused a ruckus before leaving seven years ago, Sol."

"I guess I did."

Naikwento na sa akin ni Jelay ang nangyari at totoong pinag-usapan ang ginawa ko


noon. Mitzie stopped studying because of what happened. Si Duke naman ay ipinahanap
"daw" ako.

At si Troy... I missed him. He's the one who stood for me. Nagkagalit pa sila ni
Duke dahil sa akin.

The day went on. Parang naging maliit na reunion pa ito nang makita ko rin si Juwen
kasama ang kanyang anak na babae. Talagang ang shop lang ang dinayo nya kaya sya
nagpunta sa Manila. She's so supportive!

Kanina pa nakaalis sina Harvin at Ma'am Candy pero sinabi nilang bibisita ulit
sila. Medyo madilim na rin sa labas pero may mangilan-ngilan pa ring nasa shop.

"Tired?"

I nodded at Atreus. Mabuti na lang at centralized ang buong lugar. Kung hindi ay
tumatagaktak na panigurado ang pawis ko. Nakatayo lang ako sa counter para
makapagpahinga si Roswell dahil kanina pa sya rito.

Ginulo nya ang buhok ko at nginitian ako nang malaki. I smiled back at him.

"Thank you." I said as I realized that it's his way to comfort me.

"Always."

Lumampas ang tingin ko sa glass wall ng shop nang makita ang isang BMW na pumarada
sa tapat.

"Wow," I uttered as I eyed the car. It's dashing!

Napabaling din doon si Atreus. "Looks like you have a rich customer."

I laughed. Nanatili ang mata ko sa kotse habang inaantay ang bababa.

"Is that Bethany?"

Napalingon ako kay Atreus. "You know her?"

She's wearing a corporate attire and she doesn't look like the one who spilled her
drink over her clothes in Amsterdam! Bumaba sya mula sa shotgun seat at bahagyang
ngumiti sa nagddrive.

Umalis naman ang BMW, maghahanap siguro ng mapaparadahan dahil hindi naman sya
pwedeng humarang doon.

"She's my ex." Atreus said casually.


Pinanood naming pumasok ang babae sa shop at nang dumiretso ang tingin nya sa
counter ay nagtama ang mata namin. Ngumiti ako nang malaki sa kanya at bahagyang
kumaway. Ganoon din ang ginawa nya bago tuluyang lumapit.

"Atreus?!" gulat na aniya. "Magkakilala kayo ni Miss Solene?"

He chuckled. "Yes, Beth."

"Small world!"

Napangiti ako sa kanila. Pwede palang casual na mag-usap ang ex? I mentally laughed
as I realized that it wasn't the case for me.

Sinabi ni Bethany ang order nya kaya kinuha ko ito. Si Atreus naman ay naiwang
nakikipagkwentuhan sa babae habang inaayos ko ang order.

"Kaa-out mo lang sa firm?" narinig kong tanong ni Atreus.

Lumapit ako sa kanila dala ang tray.

"Bethany, saan ka uupo? Dadalhin ko na 'to."

"Don't bother! Ako na."

I shook my head. "It's okay!"

Ngumiti na lang sya bago ituro ang upuan at mesa sa corner ng shop.

Habang papunta roon ay bahagya akong natigilan nang pumasok si Duke. He's wearing a
gray button-down polo and slacks. Maayos ang buhok at madilim na nakatingin sa
akin.

"Laurence, tulungan mo na si Sol!"

Napalunok ako at walang nagawa nang lumapit sya sa akin at kunin ang tray sa kamay
ko. Sa bahagyang paglalapat ng kamay namin ay para akong nakuryente.

"Where do I put this?"

Pinigilan ko ang sarili na purihin ang lalim ng boses nya at itinuro na lang ang
upuan sinabi kanina ni Bethany.

Bahagya syang tumango at naglakad patungo roon. Ako naman ay napahinga nang malalim
at naglakad na patungo sa counter. Naroon pa rin si Bethany at nakikipagtawanan kay
Atreus.

"You good?"

I nodded. I watched how Bethany gracefully put her bag in the couch and sit in
front of Duke. Bakit ko nga ba hindi naisip na posibleng magkasama ang dalawa?

And BMW? Really?

Nahiya ang luma kong Civic!

"You should join them, Sol. Bisita mo sila." Ani Atreus sa akin.

I know but... I can't! Hindi ito kagaya ni Harvin, Ma'am Candy o Juwen! He's Duke!
And he's with his future girlfriend!
"Baka nagdadate sila." I laughed nervously.

Tinawag nya si Roswell at sinabihang ito muna ang magbantay sa counter. Kinakabahan
ako habang lumalapit kami sa pwesto ng dalawa.

"Atreus, we should let them eat in peace," pamimilit ko pa sa lalaki.

"Just at least thank them, hmm?"

I bit my lip. Tama sya! Bakit ba ako kinakabahan?!

Napasulyap ako sa pwesto ng dalawa at nakitang nakatingin sa akin si Duke. Agad


naman ang pagbaba ng tingin nito sa kamay ni Atreus na nasa braso ko. I saw how his
face turned darker before avoiding my gaze.

I sighed. Nang makarating kami sa pwesto nila ay nginitian ko silang dalawa na


parang komportable ako.

"Salamat pala sa pagpunta," ani ko sa kanila.

"I'm here as a fan, Miss Solene!"

I thanked her again.

Sila na lang at ang apat na magkakabarkada na lang ang nasa shop kaya pagkaalis
nila ay magsasara na kami.

Hindi bumabaling ang tingin sa akin ni Duke at nanatili ang mata nya sa pagkain ng
chocolate brownies.

Bethany cleared her throat. "Did you guys have dinner?"

Nakatayo pa rin kami ni Atreus sa tapat ng mesa nila at napagtanto ko kung gaano
ito ka-awkward!

"We're about to. Pagsara ng shop."

"Sabay na tayo! Hindi pa rin kami kumakain ni Laurence!"

I gulped. Ni hindi manlang nag-angat ng tingin ang lalaki.

"Is that okay with you?" malambing na tanong sa akin ni Atreus.

I wanted to say no but I don't want to sound rude! Bethany personally visited my
shop and I don't have the heart to reject her offer.

"Yup."

Nag-angat ng tingin si Duke at ngumisi sa akin nang nakakaloko.

This isn't good.

Chapter 28

Ipinarada ni Atreus ang sasakyan sa tapat ng restaurant. Kinakabahan ako lalo nang
makitang pumarada rin sa tabi ng kotse ni Atreus ang BMW ni Duke.
"Loosen up, para kang kabado."

I laughed nervously. "Pagod lang."

Nakita ko kung paanong pagbuksan ng lalaki si Bethany. Kung titingnan ay bagay na


bagay sila. Engineer at lawyer? Not bad.

Hindi ko na inantay na pagbuksan ako ni Atreus ng pinto. Bumaba na ako at inantay


na lang syang makarating sa pwesto ko. Nauna nang pumasok sina Duke at Bethany sa
loob ng restaurant kaya kaming dalawa na lang ang natira sa labas.

"Hindi ka na komportable?"

I sighed. "Okay lang ako, Atreus."

Pumasok na kami at lumipad agad ang mata ko sa dalawa. Magkatabi sila at medyo nasa
gitna ang mesang napili nila.

Atreus held my elbow to guide me. Hinayaan ko lang sya lalo at may dumaan sa gilid
namin na waiter.

Nang makarating kami sa pwesto nila ay inalalayan ako ni Atreus sa pag-upo.

"Senior ba ako?" natatawang bulong ko sa kanya.

He chuckled before sitting beside me.

Bethany cleared her throat. Napatingin ako sa kanya. Iniiwasan kong mabuti na
mapatingin sa katabi nya na katapat ko lang.

"So..." pinanliitan nya kami ng mata. "Kayo?"

Napaubo ako sa tanong nya. Bakit ba ang prangka ng babaeng 'to?

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Atreus kaya sinamaan ko sya ng tingin. His eyes
were teasing me.

Humarap sya kay Bethany at bahagyang umiling. "Ayaw pa."

She smiled. "You should step up your game, Atreus. Sigurado akong maraming nag-
aantay kay Miss Solene."

"Sol na lang, Bethany." Ngumiti sya sa akin. From my peripheral vision, I saw Duke
silently reading the menu as if something is really interesting about it. His lips
are in a grim line and his brows are a bit furrowed. Mukha na naman syang galit.

"Kayo?"

Napatingin ako kay Atreus nang ibalik nya ang tanong kay Bethany. Her cheeks
flushed furiously! Doon dahan-dahang nag-angat ng tingin si Duke at agad nyang
nahuli ang tingin ko.

I avoided his gaze and scanned the menu.

"We're just... friends."

I breathe heavily. Nagtawag ng waiter si Atreus.


"What's yours?" baling nya sa akin.

Magsasalita na sana ako nang sumabat si Duke.

"Chicken curry?"

Ibubuka ko na ang bibig ko para sumang-ayon ngunit natawa si Bethany at sumagot.

"You know my favorite, huh?"

I closed my half-open mouth and mentally rolled my eyes. Mabuti na lang at hindi
ako nagsalita! Kung hindi ay mapapahiya ako! Of course, he's asking his date! Bakit
naman ako mag-aassume na ako ang tinatanong nya?

"Sol?"

I snapped back to reality and smiled at Atreus nervously. "Lasagna na lang..."

While waiting for our orders, Atreus and Bethany are talking. Paminsan-minsan ay
sumasali ako sa kanila ngunit si Duke ay tahimik lang.

Hindi ko sya muling binalingan ng tingin kahit mahirap iyon dahil kaharap ko sya.
After the incident in Amsterdam, I never thought I'll see him again.

That night, I pushed him away. Doon sya parang natauhan. I was maybe yearning for
him because he's my first love but I won't tolerate his cheating ass. Siguro nga'y
magkaibigan lang sila ni Bethany pero sigurado akong label na lang ang kulang sa
kanila.

Though, I cannot deny the fact that something embraced my heart when he told me
he's proud of me. Sa napakahabang panahon, ngayon lang may nagsabi noon sa akin...
and he sounded so sincere.

"Laurence, Atreus is a pediatrician. Diba sabi mo ay ipapacheck-up mo ang pamangkin


mo?"

Kumunot ang noo ko. Kuya Sean is married?

"We have a family doctor, Beth, but I'll talk to Kuya about that."

Atreus chuckled. "It's okay, bro."

Seryosong tumango lang si Duke at napatingin sa akin. My heart jumped when our eyes
met so I immediately looked away. Napansin nyang pinapanood ko sya! Solene, get
your acts right!

Dumating ang orders namin at bahagya pang nagtagal ang tingin ko sa chicken curry
ni Bethany. That looks really... delicious!

I gulped. Nag-angat ako ng tingin at nakitang seryoso ang titig sa akin ni Duke
kaya itinutok ko na lang ang mata ko sa lasagna. I hate this! I hate the awkward
stares!

"Laurence, why didn't you try Sol's cheesecake? Sabi ko sayo, masarap 'yon!"

Napatingin lang ako kay Bethany nang sabihin nya iyon. Kanina kasi sa shop, kape
lang ang inorder ng lalaki habang si Bethany naman ay chocolate cake at americano.
Nagtake-out pa ito ng brownies.
"Yes, masarap talagang magbake si Sol! I remember the first time I tried her
chocolate chip cookie, naisip ko agad na ang sarap nyang maging asawa!" pagyayabang
ni Atreus.

Namula ako sa sinabi nya at pabiro syang inirapan.

"Kahit hindi ako marunong magbake, masarap talaga akong maging asawa."

That earned a heartily laugh from Bethany and Atreus. Napangiti na rin ako dahil
naa-appreciate nila ang ginagawa ko to think na sila ang matagal talagang nag-aral.

Duke wiped his lips using his handkerchief. "I know." He said in a low voice.

Tumingin sya kay Atreus nang seryoso kaya bahagya akong kinabahan.

"Ha?" takang tanong ni Atreus.

I chuckled nervously. "A-alam nya yata na magaling akong mag-bake!"

The way he stares at Atreus creates tension between them. Wala namang kaalam-alam
ang doctor sa sama ng tingin sa kanya ng lalaki. Bakit ba kasi mainit ang ulo
nito?!

"Alam kong magaling s'ya dahil ako naman ang unang nakatikim ng gawa nya."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Kita ko kung paano lalong kumunot ang noo ni
Atreus.

"W-we're childhood friends, Atreus." I explained. "He was my first customer!"

Dahan-dahang tumango ang lalaki kahit mababasa ko pa rin ang pagtataka sa mukha
nya. I'm actually not planning to broadcast our past relationship but Duke made me
do so! Marahil ay nagtataka na ngayon ang lalaki kung bakit hindi kami nag-iimikan!

"Besides, pwede namang bukas na lang ako bumili."

I chuckled to hide my feelings. "T-then I will reserve one for you, Duke."

Tumango lang sya sa akin at muling bumalik sa pagkain. Nagtuloy sa kwentuhan sina
Bethany at Atreus na kalimitan ay sa trabaho lang. Naikwento rin nila na sa iisang
university sila nag-aral noong college.

"Restroom lang," paalam ni Bethany nang matapos kaming kumain. She stood and walked
confidently towards the restroom.

Natahimik kami sa table nang makaalis ang babae dahil nawalan ng kakwentuhan si
Atreus. Hindi pa nagtagal ay nag-ring ang cellphone nito kaya napapikit ako.

Not now, please.

But the it seems like the heavens have other plans for us.

He tapped my shoulder and nodded at Duke. Tumayo rin sya at lumabas ng restaurant
kaya naiwan kaming dalawa sa mesa. Ipinagdadasal ko na sana ay mabilis na bumalik
si Bethany. Kung bakit ba naman kasi nagkasabay pang mawala ang dalawa!

"Why didn't you order your favorite?"

I mentally cursed when his baritone voice reached my ears.


"Medyo sawa na ako."

Tumingin ako sa kanya at pansin ko ang paghinga nya nang malalim dahil sa pagtatama
ng tingin namin.

"Ipagtatake out kita. Alam kong gusto mo 'yon."

I bit my lip and shook my head. "Uh... hindi na, Duke. Kaya ko namang magluto."

His stare lingers but he slowly nodded. Yumuko na lang ako para iwasan ang tingin
nya dahil kinakabahan ako!

Nakahinga ako nang malalim nang makita si Atreus na patungo sa direksyon namin.
However, his face was tensed. Para syang kinakabahan.

"Sol, may traffic accident at kailangan ako sa hospital," kalmadong saad nya kahit
bakas ko sa mukha nya ang kaba.

Tumango ako at bahagyang kinabahan din.

"Don't worry about me. I can go home alone, Atreus."

"You sure?"

I nodded. "Do your duty, Doc."

He bit his lower lip. "Sorry. Just text me when you get home."

Tumango ako sa kanya. Nagpaalam sya kay Duke bago tuluyang nawala sa paningin
namin.

Duke cleared his throat. "Ihahatid na kita, Sol."

"Hindi na, uh, out of the way." I said as I avoided his stare.

"Ihahatid kita."

Hindi na ako nakapagsalita dahil dumating sa pwesto namin si Bethany. Tinanong nya
kung nasaan na si Atreus kaya ipinaliwanag kong may emergency sa hospital.

She shook her head and smiled. Hindi ko iyon naintindihan pero hinayaan ko na lang
sya.

"Paano ka?" tanong nya nang nasa labas na kami ng restaurant. "Duke and I are
planning to go to a drive-in cinema."

I sighed heavily and smiled at her. Niyaya pa ako ng lalaki gayong may plano naman
pala ang mga ito?

"I'm okay, kaya ko namang umuwi mag-isa. Taxi na lang."

She nodded. Inaantay namin ang sasakyan ng lalaki pero dahil sa kagustuhang umalis
na ay nagpaalam na ako kay Bethany.

"Uuna na ako, baka mahirapan akong sumakay... sabihin mo na lang kay Duke. At
salamat sa pagpunta sa shop, Bethany."

"No worries, Sol."


Naglakad na ako paalis sa restaurant at nag-antay na lang ng taxi na pwedeng
masakyan. At hindi ko alam kung swerte ba talaga ako ngayon dahil walang available
na taxi!

Lumipas ang halos tatlumpong minuto. Nakaupo na ako sa gilid ng kalsada dahil sa
tagal na pag-aantay. Pinanood ko na lang ang nagdadaang mga sasakyan at tumingala.

The night is perfect. Alak na lang ang kulang. There are stars and I love to think
that one of them is Nanay. Gusto kong isipin na pinapanood nya ako ngayon.

See, Nay? I made it. Naging malaya ako at mapagtagumpay.

Kinuha ko ang cellphone at napagdesisyonang yayain si Jelay mag-inom. The night is


too beautiful and sad.

Me:
saan ka

She immediately responded.

Jelay:
may work ako bukas demonyo ka

Napatawa ako sa reply nya. Isang "saan ka" lang, alam na agad ang ibig sabihin.

Me:
dalawang bote lang

Jelay:
ayoko gago gumagawa ako presentation atm

Ibinaba ko na lang ang cellphone at hindi na sya ginulo. Gusto kong mag-inom pero
ayoko namang yayain si Roswell dahil magtatarayan lang kami non. Mabuti pa siguro
ay sa condo na lang ako mag-isa.

I walked towards a convenience store and buy four bottles of beer.

Lumabas ako roon at muling nag-antay ng taxi ngunit pumarada sa harap ko ang BMW ni
Duke at nakita ko pang dumungaw sya sa akin mula roon.

Napakurap ako nang ilang beses.

"Sabi ko, ihahatid kita, Sol."

Kinabahan ako sa pagalit nyang tono. Nakita ko kung paano bumaba ang kamay nya sa
hawak kong plastic kaya medyo itinago ko iyon sa likod ko.

"Nasaan si Bethany?"

"Inihatid ko na..." he trailed off. "Get in."

I gulped before looking at the road. Mukhang wala talagang taxi na magsasakay sa
akin.

"Uh, sa likod na ako sasakay, Duke."

He tsked. "Dito ka sa tabi ko."


My breathing hitched at the term he used. Sa tabi mo, really?

Binuksan ko ang pinto ng kotse nya at sumakay doon. Ipinatong ko sa aking hita ang
bag at ang alak.

"A-ano, sabi kasi ni Bethany ay may plano kayo kaya umuna na ako." I explained like
there's a need to.

"Wala kaming plano, Sol, at kung meron man, ipagpapaliban ko muna 'yon. Sinabi kong
ihahatid kita. Delikado na rin at gabi na."

I was about to answer when he cut me off.

"Alam kong kaya mo ang sarili mo. I just can't think about it, lalo't alam kong
kaya naman kitang ihatid para masiguradong ligtas ka."

I pursed my lips to fight the urge to talk. Ang sabi ni Bethany ay may lakad pa
sila! Hindi naman ako makapag-isip nang diretso dahil kapag ganitong nasa closed
area kami, sari-sari ang nararamdaman ko para sa kanya!

Sinabi ko sa kanya kung saan ang condo ko at tahimik naman syang nagdrive. Thirty
minutes siguro ang byahe mula restaurant hanggang sa condo ko pero sa bagal ng
takbo nya ay parang aabutin kami ng isang oras. Wala namang traffic at sigurado
akong matuling ang kotse nya!

He sighed. "Don't look at me like that. Gusto ko lang ay ligtas tayong makarating."

I rolled my eyes. Hindi na ako sumagot sa kanya at nag-iwas na lang ng tingin.

Over time, I realized how my feelings for him remained. Ganoon pa rin ang epekto
nya sa akin ngunit ngayon, alam kong hindi ko na pagninilay-nilayan ang
nararamdaman. This is nothing but longing. Matagal kaming naging magkaibigan at
sigurado akong hanggang... doon lang iyon.

"Iinom ka?"

I nodded while closing my eyes. "Konti lang."

"Sol..."

"Hmm?"

"Gusto mo bang manood ng movie?"

Napamulat ako at napatingin sa kanya. "Ha?"

"May drive-in cinema malapit sa condo mo... uhh, do you want to watch the last full
show?"

Inirapan ko sya. "Si Bethany ang kasama mo dapat doon, Duke. Hindi ako. Plano nyo
iyon."

He sighed.

Tumingin ako sa kanya at napansin kong bahagyang namula ang tenga nya.

"I-ikaw ang balak kong yayaing... manood. Nakita lang ni Bethany yung ticket."

-
Chapter 29

"Bakit mo naman ako gustong yayain, Duke?"

He looked away. "Para i-congratulate ka sa grand opening ng shop mo."

"Paano mo pala nalaman?"

"Uh... kanina ko lang nalaman kay Bethany."

I nodded before pursing my lips. It sounds... okay. Isa pa, maganda ang gabi.

"Okay."

Kahit nagyaya ay nabasa ko pa rin ang gulat sa mata nya sa pagpayag ko. Kita ko
kung paanong kagatin nya ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagngiti.

Iniabot nya sa akin ang ticket at bahagyang kumunot ang noo nang makitang dalawang
araw na ang nakalipas nang bilhin nya ito. Bukas ang expiration ng ticket.

Akala ko ba kanina nya lang nalaman?

Mukhang nakita nya ang pagtataka sa mukha ko kaya binawi nya ang ticket sa kamay
ko. Matapos iyon ay matuling nyang pinatakbo ang sasakyan.

Pumasok kami sa mall at napansin ko agad na kakaunti lang ang sasakyan na


nakaparada roon. Ibinigay ni Duke and ticket sa isang lalaki kaya nakapag-proceed
kami.

"May chips d'yan sa likod." He said.

Pinanliitan ko sya ng mata. Did he plan this?

"Ano... natira kanina, nagmerienda kasi kami sa site."

I sighed. "Nag-uuwi ka pala ng natirang snacks?"

He gulped but he ignored my statement. Humanga na lang ako nang malamang


convertible pala ang sasakyan nya kaya bumukas ang bubong nito. Agad na sumalubong
sa mukha ko ang malamig na hangin.

I opened my arms and feel the breeze. Ipinikit ko pa ang mga mata ko. This is
peaceful!

Nagmulat lang ako ng mata nang makitang nagsisimula na ang palabas. Umayos ako ng
upo at kinuha ang isang beer sa plastic. Napatingin ako kay Duke para sana bigyan
sya ng isang bote ngunit nakita kong nasa akin ang mga mata nya.

Nag-iwas din sya ng tingin sa akin. Hindi ko na rin naman pinansin at itinutok ko
na lang ang mata sa pinapanood. Parehas kaming may hawak na beer at pakiramdam ko
ay hindi sapat ang binili ko.

I suddenly thought of the thing he said during our dinner.

"Duke."

His attentive eyes directed to me. "Hmm?"


"May pamilya na si Kuya Sean?"

Inilagay ko ang bote sa plastic at muling kumuha ng isa. Tumingin ako sa kanya
ulit. Sa tagal ng di ko pakikibalita, ni hindi nahagip ng isipan ko na pwede nga
palang magkaroon ng pamilya si Kuya Sean.

He nodded. "Ikinasal sila ni Mitzie, apat na taon na ang nakakalipas."

It was my turn to get shock. "What?!"

Nanatili ang tingin nya sa akin. Walang reaksyon ang mukha pero nanonood sa
ginagawa ko. Ang hawak kong bote ay muntik ko pang mabitawan!

"I mean, paano ka?"

His forehead creased. Ni hindi na kami nanonood!

"Anong paano ako?"

Pinandilatan ko sya ng mata. "I thought you're together? Hindi ba't may anak kayo?"

Mas lalong lumalim ang kunot sa noo nya. "Hindi ko anak yon, Solene. Gregory is
almost 7 now at noong mga panahong ipinagbubuntis ni Mitzie iyon ay ikaw ang
girlfriend ko."

I slowly nodded. "Okay..."

Sa isip ko ay gusto ko nang sapakin ang sarili ko. Alam nya na ngayon na nakibalita
ako!

"Did you honestly think I cheated on you?"

"Yes." I answered honestly. "Sa nangyari noon, tingin mo ba ay hindi ko iisipin


yon?"

Magsasalita na sana sya nang putulin ko ang sasabihin nya.

"Manood na lang tayo."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nya ngunit hindi sya nagsalita. Ipinagpasalamat


ko na lang din ang pananahimik nya dahil baka may masabi pa akong hindi maganda. I
like that he's trying to fix everything between us but I have to keep my guards up.
I can't let myself fall.

The night is serene and quiet. Walang nagsasalita sa amin at nakatutok lang ang
atensyon naming dalawa sa pinanonood. Sometimes, we'll laugh... and it's nostalgic.
Naubos na ang iniinom namin pero hindi na kami ulit bumili. I don't know if
something's bothering him because he keeps on looking at me but in the end, he'll
just sigh and look away.

My day ended with a simple "Salamat, Duke."

Kinabukasan ay ganoon pa rin. Nauna pang pumasok si Roswell sa akin na nakita pala
ang nangyari kahapon kaya nang-aasar.

"Ang gwapo lalo ngayon ni Duke, ah?"

I rolled my eyes. "Tigilan mo ako. Di pa kita napapatawad sa pagkakalat mo kuno ng


nudes ko."
She laughed. "Immature pa ako non!"

"As if."

Muli syang tumawa. Inayos ko ang mga cake sa counter maging ang cookies dahil wala
akong magawa. Maya-maya pa magbubukas ang shop.

Sumali si Roswell sa pag-aayos ng pastries bago naiiling na tumingin sa akin.

"Girlfriend nya 'yung kasama kahapon?"

"Kaibigan daw." I shrugged.

"Kaibigan pero nagdadate? Delikado yan, ha? Parang kayo lang noon."

Binato ko sya ng basahan. "Gago."

Alas otso hanggang alas sais ang regular na bukas ng shop namin. May mangilan-
ngilan nang umorder pero wala namang nagstay sa shop. Talagang bumili lang.

Bumukas ang pinto ng shop at napabaling doon si Roswell.

"Speaking."

She grinned at me. Nag-angat ako ng tingin at nakitang naglalakad patungo sa


counter si Duke. He's wearing a navy blue short- sleeves polo and black slacks.
Maayos ang itsura at halatang bagong paligo.

I cleared my throat as his manly scent reached my nose.

"Good morning." I greeted him with a slight smile.

Tumitig sya sa akin bago ibinaba ang tingin sa pastries. "Good morning, Sol."

Dahil nasabi nya naman kagabi ang order nya, hindi ko na sya tinanong. Kumuha na
ako ng cheesecake at iniabot iyon sa kanya. Mabilis nya naman ding binayaran iyon.

"Uh... may order ka pa ba?" tanong ko dahil hindi pa rin sya umaalis sa tapat ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Roswell, marahil ay nakikinig sa amin. Hindi ko


sya masamaan ng tingin dahil na kay Duke ang atensyon ko.

"Can I have your number?"

My heart jumped in shock. Roswell faked a cough but I'm too nervous to even talk!

Lumikot ang mata ni Duke nang mapansin ang reaksyon ko. "Para kapag oorder kami...
sa trabaho, uhh, kung ayos lang naman, Sol."

I let out a heavy sigh. "Ito ang business card namin. You can contact us here."

Tumango sya bago inabot ang card sa kamay ko. He slid it in his pocket before
looking back at me. Muling tumalon ang puso ko sa pagtatama ng mata namin.

"Nagde-deliver ba kayo?"

I nodded.
"Ikaw ba ang nagdedeliver?"

Napaubo ako sa tanong nya. Maging si Roswell ay nakita kong natigilan sa pagpupunas
ng mesa. Ngayon ay talagang walanghiya na nyang pinanonood kami.

"M-minsan, Duke. Depende sa availability." I managed to say.

Medyo kumunot ang noo nya bago tumango. Kinuha nya ang order na cheesecake bago
nagpasalamat at umalis ng shop.

Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang makitang umalis ang sasakyan nya.

"Talande," parinig sa akin ni Roswell.

Sininghalan ko sya at nagpatuloy na lang sa trabaho. Kagaya kahapon, medyo marami


rin kaming customer dahil bago pa lang. Nagbasa ako ng feedbacks at hindi ko
maiwasang hindi matuwa dahil nagustuhan nila ang lugar.

Inaya ako uli ni Atreus na magdinner para makabawi sa nangyari kagabi. I kindly
declined him because I know he's still busy. Marami ang pasyente kaya mas kailangan
sya roon.

Kada tumutunog ang pinto ay napapalingon ako at kinakabahan sa hindi ko malamang


dahilan. Panay tuloy ang pang-aasar sa akin ni Roswell at kung hindi ko lang sya
mapagkakatiwalaan, tinanggal ko na talaga sya sa trabaho.

Natapos ang araw na hindi naman tumawag si Duke tungkol sa delivery.

Not that... I'm waiting for it.

Lumipas ang mga linggo na malakas ang kita ng shop. Madalas kaming sold out kaya
naging busy din ako sa pagbabake. Naisip ko nang maghire ng makakasama ko dahil ang
hirap maging hands-on.

Bumibisita rin madalas si Bethany. Nagpapadeliver pa sya sa law firm nila halos
araw araw. Nakakatuwa dahil ang mga positive feedback nila ay lalong nagparami sa
customer ko.

Kadalasan lang talagang problema ay si Roswell. Laging may nakakaaway na customer!


Pag tinatanong ko naman sya, naiintindihan ko ang punto nya kaya hinayaan ko na. We
have the same personality. Sinasabi nya talaga kapag sala na sa hulog ang tao.

"Boring ni Duke. Kinuha pa ang business card, hindi naman pala babalik."

Umupo ako habang inaantay syang matapos para maisarado na namin ang shop. Ang ibang
employees ay pinauna ko na nang uwi dahil hindi naman sobrang hectic ngayon.

"Baka hindi nagustuhan ang cheesecake mo?" pang-aasar pa ni Roswell.

Umirap ako. "Mas kapani-paniwalang busy sya, Well."

Nang maisara ang shop ay pumunta na ako sa kotse ko. Pinatunog ko ito nang makita
ang paparating na sasakyan.

BMW.

I gulped as it stopped beside my car. Hindi ako nagkamali nang bumaba siDuke doon.
Sumulyap sya sa shop bago ibaling ang tingin sa akin. His white shirt is hugging
his body tightly which gives emphasis to his well-toned body.
"Sarado na," tanging nasabi ko.

Mahina syang tumango. Pinasadahan nya ng tingin ang suot ko bago nag-iwas ng tingin
at binasa ang pang-ibabang labi. My chest hummered at the mere sight of him.

"Uuwi na ako..."

Napabaling sya sa akin. Mukha syang kinakabahan habang nakatingin sa akin.

"Nagdinner ka na ba?" He asked in a low voice.

I gasped silently. "Ayos lang ako, Duke."

Dahan-dahan ulit syang tumango. Hindi ko naman malaman kung anong dapat kong gawin.
Aalis na ba ako?

He cleared his throat. "May project ako sa Batangas."

"Ha?"

He looked away. "K-kaya ano... hindi ako nakapunta ulit...Solene."

I bit my lower lip. This is so awkward! "Ayos lang naman, Duke."

He sighed heavily. Ako naman ay naglakad na patungo sa kotse ko at binuksan iyon.


Nilagay ko roon ang bag ko at muling humarap sa kanya na pinapanood ang galaw ko.

"Uuna na ako."

Nang tumango sya ay nagmadali na akong umalis. Mabuti na rin at heavy tinted ang
sasakyan ko dahil ayokong makita nyang kinakabahan ako.

Nang makauwi ay nag-ring ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Atreus.


Inilibing ko agad ang kabang naramdaman ko para kay Duke at sinagot ang tawag.

"Doc." I greeted him.

Narinig ko ang mahina nyang pagtawa sa kabilang linya. "Dinner tayo."

"Nasa condo na ako."

He grunted. "Please? Kahit dyan na lang sa mall malapit sa condo mo."

Natatawa akong pumayag na sa kanya. Tutal ay tinatamad din naman akong magluto.
Nagpalit ako ng pajama dahil malapit lang naman. Isa pa, si Atreus lang naman ang
kasama ko at sanay na iyon sa akin.

Bumaba ako nang mabasa ang text nya na nasa baba na sya. Nakangiti agad sya sa akin
kahit nginusuan ko sya.

Atreus has soft features. Clean cut ang buhok, malinis ang kuko, malamlam ang mga
mata at laging malinis. He is also as fair as me. Wala ring mababasang yabang sa
tindig nya. He looks really kind and soft-hearted... well, he is.

"Patulog na?"

I chuckled. "Oo, napilitan lang ako. Kulit mo, e."


Ginulo nya ang buhok ko at inakbayan habang naglalakad kami patungo sa mall.
Paminsan-minsan pa ay kinikiliti nya ako kaya ilang beses ko ring nasapak ang tyan
nya. Tatawa lang sya kaya natatawa rin ako.

"Ano ba yan, doctor, pero ang hilig sa fastfood," pang-aasar ko sa kanya.

"Secret lang yon."

Tinawanan ko lang sya. Kumain kami at nagkwentuhan. It's normal and comfortable.
Walang kaba at takot pag sya ang kasama ko. Talagang komportable ako sa kanya.
kinukwento nya sa akin ang pasyente nyang batang babae na may crush daw sa kanya
kaya hindi sya nahihirapang turukan ito.

"Yung concert ha," paalala nya sa akin.

Umirap ako sa kanya. "Ayoko, busy ako."

He glared at me before pinching my cheeks tightly. Hinampas ko lang ang kamay nya
at sinamaan sya ng tingin.

Naglakad ulit kami pabalik sa condo ko dahil doon din naman nakapark ang kotse nya.
Sa Sabado ang concert, dalawang araw mula ngayon. Inihatid ko sya hanggang sa
sasakyan nya at ang loko ay humalik pa sa pisngi ko bago umalis. Again, it's not
something new. Komportable talaga kami sa isa't isa.

Papasok na sana ulit ako sa building nang matanaw ko si Duke na nakasandal sa kotse
nya at may dalang paper bag. Iyon pa rin ang suot at bahagyang magulo ang buhok.

Nag-angat sya ng tingin at nahuli nya agad ang mata ko. Tumalon ang puso ko roon
ngunit wala manlang gulat sa mga mata nya. Lalo akong kinabahan nang maglakad sya
palapit sa akin. His face is serious and dark. Kahit madilim na ay kita ko ang
titig nya sa akin.

"Napadaan ka..." I whispered. Parang bigla akong nawalan ng hangin.

"Pumunta talaga ako rito dahil sayo."

Para na akong hihimatayin sa kaba dahil sa sinabi nya. Still, I managed to keep my
straight face.

"Bakit?"

His brows are now furrowed. "Iaabot ko lang 'to."

Iniabot nya sa akin ang paper bag na hawak nya at hindi ko naman iyon agad
tinanggap. Ni hindi ko ito sinulyapan.

"Bakit?" ulit ko.

Nag-iwas sya ng tingin sa akin. "It's chicken curry... niluto ko."

I sighed and stared at him. "Duke, why are you doing this?"

"I just..." He sighed. "Want to cook for you." Dagdag nya sa mas mahinang boses.

"Bethany likes this, too, right? Bakit hindi mo sa kanya ibigay?"

Umiling sya. "I didn't cook that for her, Sol. I cook that for you... for your
dinner."
"Stop whatever you're doing, Duke." I said frankly.

Ibinaba nya ang hawak na paper bag at ngumiti na lang sa akin. It's a faint and sad
smile.

"Pero okay lang, nag dinner ka naman na." Tumango-tango pa sya na parang
kinukumbinsi ang sarili. "Sorry for bothering you, Solene. Sige, ano... uuna na
ako."

Nagpaalam sya sa akin at hanggang sa mawala sya sa tingin ko ay naiwan lang akong
nakatanga roon. Feeling a little guilty and confused.

Chapter 30

"Sol, may bulk order. Hindi kaya ng motor. Lexus needs your car."
Bumaling ako kay Roswell. "Saan daw?"
"Sa Las Islas, sa ginagawang tulay."
Tumango ako at iniabot sa kanya ang susi. Tinanggap nya ito at umalis na sa harap
ko. I continued baking some cinnamon bites and crinkles. Pagkatapos ay isinalansan
ko iyon nang maayos sa counter.
Nakita ko si Roswell na pumasok ng shop, hawak pa rin ang susi ng kotse ko.
"Pick up na lang daw," aniya bago muling iniabot sa akin ang susi.
I nodded. Less hassle.
Naupo muna ako para magpahinga. Dahil kakaunti ang delivery ngayong araw, nakita
kong pumasok na lang si Lexus at tinulungan si Diane sa paglilinis ng mga mesa.
Natulala ako habang iniisip ang nangyari kagabi. I know I shouldn't feel guilty
because I didn't tell him to cook for me. Pero sa mata nito kahapon, hindi ko
maiwasang makunsensya.
Umupo si Roswell sa harapan ko. Napatingin ako sa counter at nang makitang wala
namang customer na oorder ay muli kong ibinaling ang tingin sa kanya.
"May tumawag kanina, magpapagawa raw ng cake para sa wedding anniversary."
"Kailan?"
"Two weeks from now," sagot nya. "Isinulat ko roon yung contact info."
Tumango lang ako ulit sa kanya at nagkalikot na lang ng cellphone. Nagbasa ako ng
comments at replies sa page para mawala sa isip ko ang nangyari kagabi. Tumayo si
Roswell nang tumunog ang pinto ng shop. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa
pags-scroll.
Napasulyap lang ako sa ingay ng mga lalaki. Tatlo silang naroon. They were wearing
steel-toed boots, polo shirt and knee pad trousers. Sa porma nila ay halatang nasa
trabaho sila.
Ibinaba ko ang cellphone para tulungan si Roswell. Marami silang orders at gusto
kong bungangaan ang babae dahil ngayon pa lang ito nagpa-pack.
The three eyed me. Muntik akong mapairap nang makitang ang isa sa kanila ay siniko
ang kasama nya.
"Miss Solene," tawag sa akin ni Roswell.
Lumapit ako sa kanya at bahagyang natawa sa itinawag nya sa akin. Tinulungan ko
syang mag-pack ng orders nila at nang matapos ay ako na ang humarap sa tatlo.
Akmang iaabot ko na sa kanila ang order nang pumasok si Duke sa shop. He's wearing
the same clothes as them, ang kaibahan lang ay mas pormal ang suot nyang button-
down polo. His expression is serious and his lips were a bit pursed.
"Engineer." They greeted him. Nalaman ko agad na kasamahan nya sa trabaho ang
tatlo.
"Bakit bumaba ka pa?" tanong pa ng isa.
Sumulyap sa akin si Duke bago muling bumaling sa tatlo.
"You're taking too much time."
I cleared my throat. "Kasalanan namin, Sir. We didn't prepare your orders
beforehand."
He slowly nodded. Ang tatlong kasama nya sa likod ay nakatingin lang sa aming
dalawa ni Duke. Iniabot ko sa kanila ang orders nila at tinanggap nya naman iyon.
It's amazing how he carried it all in his hands. Ni hindi na kailangan ng tulong ng
tatlo.
Still, kinuha nila kay Duke ang order.
"Engineer, kami na po ang magbabayad. Mas marami po kaming order."
Duke shook his head while his eyes were still fixed on me. "Ako na."
Kita ko ang ngiting tagumpay ng isa sa kanila dahil nakalibre. Iniabot sa akin ni
Duke ang bayad at kahit kinakabahan ay nagawa ko syang suklian nang ayos.
Nang umalis sila sa harap ko ay napabuntong-hininga ako. Rinig ko agad ang mahinang
pagtawa ni Roswell.
"Kaya crush na crush ko 'yon dati, e!"
Inirapan ko na lang sya at nagpatuloy sa trabaho. Nang sumunod na araw ay umorder
ulit ang tatlo. Hindi nila kasama si Duke pero rinig ko ang usapan nila.
"Mapera yata si Engineer at libre ulit ang merienda natin..."
Ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon. Hinayaan ko si Roswell na mag-serve sa
kanila. Siguro ay busy ang lalaki kaya hindi na nakapunta rito para sya mismo ang
umorder.
Lumipas pa ang isang araw na muling bumalik ang tatlo pero cheesecake lang ang
inorder. Nang maghapon ay nagpaalam ako kay Roswell na uuwi na ako dahil manonood
kami ni Atreus ng concert ng The Script.
I wore a black halter top partnered with black high-waisted shorts and a pair of
skechers. Itinaas ko rin ang buhok ko para walang harang sa mukha ko.
Napagdesisyonan namin ni Atreus na sa Arena na lang magkita.
Alas otso pa ang simula ng concert pero alas siete pa lang ay nakaupo na ako sa isa
sa mga VIP seats. Marami nang tao kaya maingay na rin sa loob.
I smiled as I saw Atreus walking towards my direction. He's wearing a basic
statement shirt and maong pants.
"Fresh," pang-aasar ko.
He chuckled but it blended with the noise inside the arena. Nang tumungtong sa
stage ang banda, parang sasabog ang lugar sa lakas ng sigawan. People were jumping
ang singing along with them. Kahit kami ni Atreus ay mapapaos na kasisigaw.
They performed fifteen songs at alam ko lahat iyon!
Dalawang oras din ang itinagal ng concert. I was euphoric even after it ended! The
Script is one of my favorite bands and seeing them live makes me want to jump in
excitement!
Nasa labas na ako at inaantay lang si Atreus dahil nasa restroom pa ito. Nakangiti
pa rin ako dahil sa napanood. Bibili lang kami ng drinks at uuwi na rin pero tingin
ko ay hindi ako makakatulog sa saya ngayon.
I waved at Atreus when I saw him.
Kaya lang ay natigilan ako nang makita si Bethany sa likod nya. Wala itong ibang
kasama.
"Tara na."
"Si Bethany," tanging nasabi ko kay Atreus.
Lumingon ang lalaki sa tinitingnan ko pero imbes na lapitan namin ang babae,
inakbayan nya lang ako.
"Hayaan mo na, kape na tayo."
Tumango na lang ako sa kanya at nagpatianod. Pumasok sya sa cafe habang ako ay
nagpaiwan sa labas. Nakita kong tumawid din si Bethany at mukhang bibili rin ng
kape.
Nagtama ang mata namin. Bahagya akong ngumiti sa kanya hanggang sa makarating sya
sa pwesto ko.
"Nanood ka rin?" masayang tanong nya.
I nodded. "Kasama ko si Atreus."
She giggled, nang-aasar. Hindi ko na pinansin ang tingin nya dahil lumabas din si
Atreus sa cafe.
"Wag ka nang manggulo sa date namin." Bungad agad ng lalaki kay Bethany.
Tumawa sya. "Alam ko! Inaantay ko lang si Laurence at nagpapasundo ako."
Parang magic word ang pangalan ng lalaki dahil napatingin ako sa kanya. My heart
jumped at the thought of him.
"Wala kang kasama?" I managed to ask.
"Ayaw ni Laurence, e."
Tumango lang ako sa kanya. Pumasok sya sa loob ng cafe para umorder din ng kanya at
nang lumabas ay sumama sa amin ni Atreus. Sabi nya ay doon daw muna sya habang
inaantay ang lalaki.
Hindi ko maiwasang kabahan gayong alam kong makikita ko si Duke. Nagku-kwentuhan
ang dalawang kasama ko samantalang ako ay tahimik lang na nakikinig sa kanila.
Maya maya lang ay pumasok uli sa cafe si Atreus dahil bibili pa raw sya ng kape.
Naiwan kaming dalawa ni Bethany doon nang mag-ring ang cellphone nya.
"Nasa cafe ako sa tapat ng arena... yeah... okay, ingat... thank you, Laurence."
Nakatingin lang ako kay Bethany habang kausap nya sa telepono si Duke. Napatuwid
ako ng tayo nang makitang tumatawid ang lalaki at naglalakad papunta sa pwesto
namin.
There's a glimpse of surprise when he saw me with Bethany.
"Uuna na ako, pasabi na lang kay Atreus."
"Sige... ingat."
Ngumiti sya ulit sa akin bago naglakad para salubungin si Duke. Nag-iwas ako ng
tingin sa kanila lalo pa at sa akin din nakatingin ang lalaki.
"Bibili ako ng kape, Bethany." Dinig kong saad nya.
Kinabahan ako nang naglakad ito papunta sa pinto ng cafe pero hindi naman pumasok.
Tumigil sya sa gilid ko at kahit hindi ako nakatingin ay ramdam ko ang titig nya.
Si Bethany ay nakatingin lang sa kanya kaya naiilang ako.
"Gusto mo ba ng hot choco, Solene?"
I gulped at his soft yet low voice. Umiling lang ako sa kanya at hindi tumingin
dahil ayokong kung anong isipin ni Bethany. He didn't even ask her what she wants!
Ako talaga ang tinanong nya!
"Ano... nagpasundo lang si Bethany."
Napabaling ako sa kanya at dahan-dahang tumango.
"Ihahatid ko lang sya at uuwi na rin ako pagkatapos."
I bit my lip. "Okay."
Tumango sya at pumasok na sa loob. Ako ay naiwan doong mabilis ang tibok ng puso
dahil sa kaba. There's no need for him to explain! Hindi ko maintindihan kung bakit
nya sinabi iyon. Ipinagdasal ko na lang na sana ay hindi iyon narinig ni Bethany.
Nang lumabas si Atreus ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Nagpaalam lang kami
kay Bethany at tumawid na ulit papunta sa sasakyan namin.
Lutang lang ako hanggang sa makauwi. Hindi ko alam kung post-concert fever ba ito o
dahil kay Duke. He keeps appearing in front of me and it's driving me insane! His
questions are also confusing. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nya pang
magpaliwanag sa akin gayong wala naman dapat akong pakealam.
Alas dose na at gising pa rin ako. Nasa couch lang ako habang umiinom ng wine at
nag-iisip nang marinig kong may kumakatok sa pintuan ng condo ko. Naka-night dress
lang ako at hindi ko malaman sa sarili kung bubuksan ko ito.
Sinilip ko kung sino ang kumakatok at halos malaglag ang puso ko nang makita si
Duke doon. Ganoon pa rin ang suot nya at may hawak na cup.
Inayos ko ang sarili at dahan-dahang binuksan ang pinto. Pakiramdam ko ay namumutla
ako dahil sa kaba. Nagtama ang mata namin at lalong lumakas ang tibok ng puso ko.
"A-anong ginagawa mo rito?"
He gulped. Kagaya ko ay mukha rin syang kinakabahan. Ni hindi ko sya mayaya sa loob
ng unit ko.
Iniabot nya sa akin ang hawak nyang cup and I unconsciously accepted it!
"Para saan 'to, Duke?" mas mahinang boses na tanong ko.
"Binili ko lang sa baba... ayoko kasing umakyat dito nang walang... dala."
Dahan-dahan akong tumango, kinakalma ang sarili.
"Ano palang kailangan mo?" I asked.
He looked away and breathe heavily. Alas dose na at narito sya sa tapat ng unit ko!
"Hindi ko yata kayang matulog kung hindi kita matatanong, Sol..."
Dinaga ang dibdib ko sa sinabi nya. Kung ano ano na agad ang pumasok sa utak ko.
Hindi ako sumagot. Bagkus ay inantay ko syang magsalita. My hands turned cold.
He looked me in the eye. Wala akong mabasa roon kung hindi kaseryosohan.
"May relasyon ba kayo ni Atreus?"
I heaved a sigh before shaking my head. Nilabanan ko ang titig nya sa akin kahit pa
halata na ata sa mukha ko ang tensyon.
"Wala pa kami ron, Duke... bakit?"
Binasa nya ang pang-ibabang labi. "D-do you like him?"
"Bakit mo nga tinatanong?!" naiinis nang saad ko. Hindi ko makalma ang sarili ko at
kung magpapatuloy pa sya ay baka himatayin na ako rito.
"Pumunta ka nang ganitong oras para lang itanong yan?" dagdag ko pa nang hindi sya
umimik.
"Kasi... kung wala kayong relasyon..." he trailed off. "Solene, pwede ba akong
manligaw?"

Chapter 31

Muntik ko nang mailaglag ang hot chocolate na hawak ko sa biglaang tanong nya.

Iniwas nya ang tingin sa akin. "I... I didn't court you back then. G-gusto ko lang
simulan 'to nang tama, Sol."

I wasn't able to answer. Ramdam ko lang ang mabilis na tibok ng puso ko. Para itong
lalabas sa dibdib ko. Napayuko na lang ako at napatingin sa ibinigay nyang cup at
namula nang husto ang aking pisngi nang makitang may nakasulat doon.

'For My Sun'

"Uhh... mamaya na lang ulit sa shop mo, Sol... matulog ka na."

Sa taranta ay napatango lang ako. Hindi ko pa rin sya nililingon at wala akong
balak tingnan sya gayong alam kong pulang-pula ako!

"Good night, Solene." He said in his baritone voice.

"G-good night..."

Nang makaalis sya at maisarado ko ang pinto ay napasandal ako sa pader. Mabilis ang
aking paghinga na akala mo ay nakipagkarera ako.

He'll court me?!

Duke?!

I gulped as I calmed myself. This isn't my reaction when Atreus told me he'll
pursue me! Ngayong may bagong gustong sumubok, bakit ako kinakabahan?!

Should I give him a chance?

What about Atreus?

With a lot of thoughts in mind, I didn't know how I managed to sleep that night.

Kinabukasan ay gumising ako na parang nakalutang. I did my morning routine but I


stayed in my bed, contemplating my life decisions. Papasok ba ako sa shop? Duke
said he'll be there.

I texted Jelay. Hindi ako makakakilos kung hindi ko sasabihin sa kanya ito.
Me:
bitch guess what

Me:
liligawan daw ako ni duke, wtd wtd wtd huhu im: panicking

I waited for a few minutes before I heard my phone rings. Jelay is calling!

"What the actual fuck, Sol?!" bungad nya nang sagutin ko ang tawag.

I bit my lower lip. "I don't know what to do!"

"Dalawang linggo lang tayong hindi nagkita, naglalandian na agad kayo?! What
happened to "stop appearing in front of me" mo?!"

"He didn't listen!"

"Umamin ka nga sa akin..." she trailed off. "Do you still love him?"

"H-hindi na, no!" I uttered nervously. "I was just... shocked!"

"Kung hindi mo nakikita ang sarili mong boyfriend sya, don't prolong his agony.
Bastedin mo agad." She said casually.

Napalunok ako. Basted? Si Duke? Nagbago na kami pareho. Hindi na ako ang dating
Solene na patay na patay sa kanya at hindi na rin sya ang Duke na hinangaan at
minahal ko noon. He's more successful and dangerous now. He's like a poison waiting
for someone to drink him without hesitations.

"Oh bakit natahimik? Hindi mo kaya?"

Tumikhim ako. "D-do you think that's... fair? I mean... I will not give him the
chance to prove himself?"

"Sol, desisyon mo 'yan. Basta, ang akin lang, kung hindi mo naman gusto ang tao,
'wag mo nang patagalin ang panliligaw."

I sighed. "You're right... hindi ko rin makita ang sarili ko na... boyfriend ulit
sya."

Tumikhim ito. "Eh si Atreus, do you see him as your partner?"

Natahimik ako roon. Atreus has been courting me for almost 8 months now. We're
sweet and casual. He's vocal about his feelings about me but right at this point, I
don't think I'm ready to be in a relationship with him.

"To be honest... I'm still on the process of learning how to love him." I sighed.
"Ang bait sa akin ni Atreus. He's always there for me. I can't... hurt him."

"Sol..." she paused. "You have to think straight. We both know that love doesn't
work that way. Mas lalong hindi deserve ni Doc ng sukling utang na loob."

"Yeah..." I agreed.

Atreus is my only male friend right now. Maaasahan ko ito at napakabuti ng puso nya
sa akin. I can't lose him as a friend... he's just too good.

Nang maibaba ang tawag ay lalong naguluhan ang isip ko. Kailangan kong patigilin si
Duke sa pinaplano nya at magfocus na lang kay Atreus. The latter deserves my love
better.

Nagbihis ako at pumunta na sa shop ko. Medyo na-late pa ako pero mabuti na lang at
nakapagbake na ako kahapon. Isa pa ay maasahan naman si Roswell.

Muntik akong matalapid pagpasok ko nang makitang naroon na si Duke. Mukhang handa
na ito sa pagpasok sa trabaho ngunit dumaan talaga sa shop ko! Hindi pa nakatulong
at may dala pa itong bulaklak!

I keep my chin up as I walked my way to the counter. Pinipigilan ko ang sarili na


magmukhang tensyonado kahit ang totoo ay natataranta ang sistema ko.

"Magandang umaga, Solene." He greeted me. Lumapit ito sa counter kung saan ko
inilapag ang gamit ko.

Tumango lang ako sa kanya. Iniikot ko ang paningin sa buong shop para sana hanapin
si Roswell pero nasa kusina pa yata ang babae!

I sighed as I look at him. Nang magtama ang mata namin ay matipid syang ngumiti.
Inilapag nya sa harap ko ang isang bungkos ng pulang rosas kaya napabaling doon ang
tingin ko.

"Kumusta ang tulog mo?"

I want to slap myself for being too affected by his question. "I slept well, Duke."
I simply answered. Ang mga mata ko ay nasa bulaklak pa rin.

He cleared his throat. "Do you... like it?"

Napatingin ako sa kanyang nag-aantay na mata. I sported my resting bitch face to


conceal whatever I'm feeling.

"Hindi naman na kailangan nito. Gumastos ka pa."

He shifted his weight and his lips slightly twisted. Iniiwas nya ang tingin sa akin
at nakita ko agad sa mata nyang hindi nya nagustuhan ang narinig.

"Nanliligaw ako, Sol. Tama lang na bigyan kita n'yan. Hindi 'yan gastos lang para
sa 'kin." He said with earnestness.

Gusto kong sabihin sa kanya na wag nang ituloy ang ibinabalak ngunit hindi ko
madala ang sarili kong banggitin iyon lalo at nasa harapan ko sya.

Narinig kong lumabas si Roswell sa kusina. She's humming but when she saw us, she
suddenly stopped. Mabagal ang kilos nyang humakbang pabalik sa kusina at gusto kong
mapairap doon.

I looked at Duke. "Wala ka bang trabaho?"

Gumalaw sya kaya napatingin ako sa matipuno nyang braso na bahagyang gumalaw din.
Nag-iwas ako ng tingin doon.

"Meron... sa Las Islas. 'Yung ginagawang daan."

I raised my eyebrow. That one is huge. Gumagawa ng shortcut mula Las Islas hanggang
La Union at sya ang engineer noon?

I sighed, trying my best not to show him my amusement. "May trabaho rin ako, Duke."
I immediately regretted saying it when I saw a hint of shock on his face. Dahan-
dahan syang tumango sa akin at tumitig sa mata ko. Alam kong na-offend dapat sya sa
pagiging dismissive ko ngunit nakita ko ang bahagyang pagsilip ng tuwa sa kanya.

He chuckled lowly. "Sorry, Sol. Babalik na lang ako mamaya." Inirapan ko sya.
Kinuha ko ang bulaklak at inilapag sa ilalim ng counter.

"Saka pala ano..." he trailed off. "Pa-order na rin ng cheesecake."

I nodded and get his order. Nagpaalam din agad sya sa akin dahil malamang,
naramdaman nya ang pagiging offhand ko. Kinalma ko ang sarili at pinagpatuloy na
lang ang araw.

Hindi ako nakaligtas sa pang-aasar ni Roswell. Tuloy, maging ang ibang trabahante
ay inaasar ako.

"Ma'am, kilala namin ni Lexus iyong si Engineer. Nagtrabaho kami bilang


construction worker noon sa ilalim nya. Strikto at suplado!" si Ford bago bahagyang
tumawa. "Mabait naman iyon at laging nanlilibre."

Lexus laughed. "Marunong palang manligaw 'yon. Akala namin dati ay walang interes
sa babae."

Narinig ko ang pagtawa ni Roswell. "Damang-dama ko 'yan! Ilang beses akong


nagpapansin doon nung college kami pero si Sol lang ang pinapansin!"

"Ay, matagal na palang magkakilala?"

"Oo! Naging sila dati! May inggrata lang na nakisali. Aba kung igi-give up ko naman
si Duke, mas mabuti nang mapunta kay Solene, ano!"

Nagtagal ang usapan nila roon na akala mo ay wala ako sa loob ng shop. Bidang-bida
si Roswell sa kwentuhan at talagang hindi pa pinalagpas ang mga ginawa nya noon sa
akin para lang makuha ang atensyon ng lalaki.

"Naglagay pa ako ng palaka sa bag nyan tapos makikita ko, niyayakap lang ni Duke
kasi umiiyak sa takot! Husko! Saksakan kamo ng arte!"

They laughed.

"Na-suspend pa ako sa school dahil ni-report ako ni Duke! Isipin nyo naman ang
sakit noon! Ini-report ka ng crush mo sa admin! Malakas pa naman 'yon at isa sa top
students ng school!"

Napairap ako sa pagkukwento nya at bahagyang napangiti nang maalala ang araw na
iyon. It was during our second year in colllege.

Habang nagkakatuwaan sila ay naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya


tiningnan ko ang nag-message.

Atreus:
Dinner mamaya. Gabi duty ko bukas.

I typed a reply.

Me:
oki libre mo 'ko ha
Agad din akong nakatanggap ng reply sa kanya.

Atreus:
Huwag na lang pala tayong lumabas.

Malakas akong tumawa bago ibinaba ang cellphone ko. Itinext nya pa sa akin kung
saan kami magkikita na alam ko namang mauuwi lang sa Jollibee. Paborito iyon ng
lalaki kaya madalas kami roon kumakain.

Bumisita si Jelay sa shop at nagkwentuhan lang kami tungkol sa nangyari. Tili sya
nang tili sa akin na akala mo'y hindi ko ikinwento sa kanya ang nangyari sa text.

"Eh paano ba naman kasi, subaybay ko ang love story ni Duke! Hindi ko tuloy alam
kung kanino na ako mas boto."

Isang oras bago magsara ang shop, dumating ang tatlong kasamahan ni Duke sa
trabaho. Ngunit ngayon, iba na ang ngiti nila sa akin na parang may alam sila sa
nangyayari sa amin ni Duke.

"Miss Sol, hindi raw makakapunta si Engineer dahil wala 'yung assistant engineer
nya. Kailangan nyang maging hands on doon." Paliwanag ng isa sa kanila.

I gulped. "Sabihin nyo sa kanya ay ayos lang dahil hindi ko naman sya hinahanap-
hanap."

Nagtawanan ang tatlo kaya napabusangot ako. Ang sabi ni Duke ay pupunta sya rito
pero unang araw pa lang ng panliligaw ay hindi na agad sya tumuloy?

Bitbit ko ang bulaklak nang maglakad ako patungo sa kotse ko. Itinext ko na si
Atreus na papunta na ako at sumagot naman syang paalis na rin sya sa hospital.

I was about to start the engine of my car when I received three messages from an
unfamiliar number.

Unknown Number:
GOSURF50

Unknown Number:
Wrong send.

Unknown Number:
Dinner? -Duke

I stared at my phone, a bit dumbfounded at his texts. He imitated me! Talagang


naalala nya pa ang ginawa ko noon?! At saan nya naman nakuha ang numero ko?!

Sa inis ay napabaling ang tingin ko sa kumpol ng rosas. Masama ang tingin ko rito
na akala mo ay ito ang may atraso sa akin.

Nanliit ang mga mata ko nang makakita ng card doon. Hindi ko ito napansin kanina
dahil inilagay ko ang bulaklak sa ilalim ng counter.

I was expecting a romantic note but my jaw dropped when I saw what he wrote.

'The real shape of Pringles is hyperbolic paraboloid.'

I cursed under my breathe... but after some time, I found myself laughing... out of
breathe. Duke is never romantic! He's always a geek one but I didn't expect him to
do this.
I typed a reply when my laugh died down.

Me:
may dinner kami ni atreus

Inilapag ko ang cellphone at naiiling na nagdrive. Nangingiti pa rin ako habang


inaalala ang kalokohan ng lalaki. It feels like we went back from being corny
teenagers.

Tama nga ang hinala ko na sa Jollibee mauuwi. Hindi rin naman ako nagreklamo dahil
libre naman ni Atreus. Isa pa, gusto ko rin naman ang fastfood.

"Nanliligaw si Duke."

He stopped eating and stared at me. Seryoso ang tingin nya sa akin. Nilabanan ko
ang tingin nya hanggang sa nagpakawala sya ng isang buntong hininga. I wanna be
fair. I want to tell that to him.

Iniiwas nya ang tingin bago tipid na ngumiti. "Pinayagan mo?"

I sighed. "Hindi ba dapat?" mahinang tanong ko. "Should I turn him down?"

"It's your choice, Sol. Hindi kita pipigilan sa gusto mong gawin."

After that conversation, he appears to be distant. Ngumingiti pa rin sya sa akin at


nakikipagbiruan ngunit alam kong nag-iisip sya. Sa isang taon na pagkakakilala ko
sa kanya, ngayon pa lang may lalaking papagitna sa relasyong mayroon kami.

We aren't together but... I'm trying my best to teach myself how to love him. I'm
not there yet. He's special to me so seeing him threatened like this makes me sad.

At the same time, I can't ignore Duke. Hindi ko kayang tiisin ang lalaki kapag nasa
harap ko na ito.

I let Atreus think. Natapos ang dinner namin na medyo tahimik sya.

Nakauwi na ako nang mabasa ko ang text ni Duke at kahit may iniisip, hindi ko
maiwasang mapangiti. He immediately caused havoc inside me. Something that any man,
even Atreus, can't.

Duke:
:(

Chapter 32

"Ang aga mo na naman, Engineer!"


Napairap ako nang marinig ang boses ni Roswell pagkababa ko pa lang ng kotse ko.
Namataan ko si Duke na may dala na namang paper bag gaya ng mga nagdaang araw. I
wonder what that is. Lagi kasing iba iba ang laman noon.
Even from afar, his built is dominating. Ang polo nyang suot ay hakab na hakab sa
katawan nya. Ang medyo humahaba nya nang buhok ay halatang inayos at sinuklay.
Unang tingin pa lang, mukha na agad syang mabango.
"Magandang umaga, Sol."
That's his most rehearsed greeting. Walang palya sa nagdaan na isang linggo. Araw-
araw ay maaga syang pupunta rito, papasok sa trabaho, magme-merienda at minsan ay
aantayin pa akong makatapos sa trabaho.
"Good morning, Duke." I answered.
Nagtungo ako sa glass door ng shop at binuksan ito. Alas sais y media pa lang nang
umaga at alas siete kadalasan ang oras ng trabaho ni Duke.
Pumasok ako sa loob at sumunod ang lalaki. Maging ang mga trabahante ay pumasok na
rin. They did their usual routine. Inayos ang mga upuan at mesa. Ako naman ay
nagtungo sa counter at inilapag doon ang gamit ko.
"Pwede ba kitang maimbitahan mamaya, Sol?" He asked in a deep baritone voice.
Inilagay nya sa counter ang paper bag at nang silipin ko iyon ay may tupperware sa
loob. Nagluto ulit sya para sa akin.
I looked at him. "Anong oras? May delivery kasi ako ng cakes mamaya."
"Ikaw ang magdedeliver?"
Tumitig sya sa akin at ipinatong ang isang kamay sa counter. Napansin ko agad ang
mamahaling relo nya.
Dahan-dahan akong tumango. "May kalayuan kaya baka... matagalan ako. Sa ibang araw
na lang, Duke."
He looked down. Tumingin sya sa kamay kong nakapatong din sa counter, malapit sa
kamay nya.
I blushed as I remember the times when he'll play with my fingers like it's the
most natural thing.
"Sa office lang ako ngayon para sa meeting. Pagkatapon non ay wala na akong
gagawin. Pwede ba kitang samahan?" mahina ngunit malalim ang tinig na tanong nya.
My breathing hitched. "K-kasi, uhm... malayo, Duke."
He grinned. "That's... better."
Ipinaglagay ko sya ng cheesecake sa isang paper bag bago sya umalis. Pupunta raw
sya sa shop nang mga alas tres nang hapon. The thought of us being in a three-hour
drive sends me.
Duke is a bit persistent. Noong mga unang araw na si Atreus ang kasama ko lagi
kapag hapunan ay pupunta si Duke sa akin sa umaga para yayain ako sa mismong shop
ko na mag-umagahan.
Hindi ko maiwasang mag-alala kay Atreus. These days, I noticed how he became aloof.
Kapag kakain kaming dalawa ay may mga remark pa ito na hindi ko nagugustuhan.
"Mas matagal na akong nanliligaw, ha? Baka naman iyan pa ang sagutin mo..." pabiro
nyang saad isang beses habang naglalakad kami patungo sa condo ko.
"What do you mean?"
He'll shrug jokingly. "Wala lang. Mas kilala kita kaysa sa kanya." He laughed.
"Sana naman ay maisip mo lahat ng nagawa ko para sa iyo."
Pabiro nyang sinabi ang mga iyon pero alam kong may laman ang mga salita nya.
Tuwing nagsasalita sya ng tungkol doon ay natatahimik ako. Totoong mas komportable
akong kasama si Atreus dahil itinuturing ko syang kaibigan ngunit kapag ganoon na
sya, hindi ko alam kung paano magre-react.
Buong umaga ay nagbake lang ako. Inihanda ko ang cakes na idedeliver mamaya para sa
wedding anniversary. Surpresa pa ata ito dahil kaibigan ng mag-asawa ang tumawag sa
akin.
Nang mag-alas dos y media, nagulat ako dahil naroon si Atreus at malaki ang ngiti
sa akin. Kinawayan ko rin sya at agad na nilapitan.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko agad.
He smiled. "Mamayang 10pm pa duty ko. Date muna tayo."
I laughed. "Sorry, Doc, may delivery ako."
Sinabihan ko si Roswell na dalhan ng kape si Atreus at agad namang tumalima ang
babae. Hindi masyadong hectic ngayon sa shop. Kadalasan ay estudyante at
magkakaibigan lang.
"Saan ka magde-deliver?"
"Laguna pa." I chuckled. "Tatlong malalaking cake kasi iyon."
Para syang nag-isip bago humigop sa kape nya. Tiningnan ko lang sya habang nag-
aantay ng susunod nyang sasabihin.
"Ihahatid na kita," aniya.
"Ha?"
He chuckled. "Ihahatid kita, sabi ko."
I bit my lip. Si Duke na ang maghahatid sa akin at anumang oras ay darating na rin
iyon sa shop ko.
He saw the hesitation in my eyes.
"Bakit? Ayaw mo?"
I shook my head. "Hindi naman sa ganon, Atreus. Si... Duke na kasi ang maghahatid
sa akin."
I noticed how his expression changed. Bahagyang nagdilim ang itsura nya tanda ng
nagbabadyang galit. His brows furrowed a bit, too.
He sighed. "Reject him, Sol. Sabihin mo sa kanya ay ako ang maghahatid sayo."
My forehed creased. "Nauna syang magsabi, Atreus. It will be very offensive."
"Mas busy ako sa kanya, Solene. Ngayon lang ako nagkaroon ng oras na makasama ka.
Hindi ko naman hawak ang oras ko hindi gaya nya."
I was surpised at his words. Hindi ganito ang pagkakakilala ko kay Atreus!
"Busy rin naman 'yung tao, Atreus. He has tons of projects. Sya rin ang head
engineer ng ginagawang daan sa Las Islas at alam natin pareho na iyon ang
pinakamalaking daan na pinagagawa ng pamahalaan ngayon," mahabang litanya ko.
He sighed. "And I'm a doctor. Mas mahirap ang ginagawa ko kumpara sa kanya."
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga, medyo nawawalan ng pasensya sa
lalaki.
"Paano mo nasabi 'yan? Naging engineer ka ba?" Medyo inis na tanong ko.
He gritted his teeth. "Sa kanya ka ba sasama, Sol? I told you to reject him. Ako
ang maghahatid sayo."
"We're friends, Atreus, but I am not your property. You don't have the right to
tell me what to do. Ano bang nangyayari sayo?!"
Sinusubukan kong pahinain ang boses ko dahil may mga kasama kami sa loob. Ito ang
unang beses na nagkasagutan kami ni Atreus at hindi ko makuha ang logic ng lalaki.
"I'm... sorry, Sol..." He sighed. "Gusto ko lang talagang makasama ka pero ayaw mo
yata."
That calmed me down a little. "Hindi sa ayaw ko, Atreus. Nauna lang magsabi si Duke
kaya ganoon."
He gave me a faint smile. "Ayos lang, lagi mo naman talagang pipiliin si Duke kahit
ako ang nandito."
I cursed. He's using the manipulative card and it's driving me insane!
I bit my lower lip but it isn't enough to suppress my words. "Hindi ko nagugustuhan
ang sinasabi mo, Atreus. If you'll continue being like that..." umiling ako.
"Mabuti pa ay umuwi ka muna at magpahinga."
"You like him better, right?" He chuckled. "Mas gusto mo syang makasama kaysa sa
akin."
Napatayo na ako sa sinabi nya. Nakailang buntong-hininga ako bago kumalma. Ipinikit
ko nang madiin ang mga mata para makapag-isip.
"Sana ay mapagbigyan mo ako, Sol. Sigurado naman akong may ibang araw pa para kay
Duke."
I bit my lower lip and sit in front of him again. I want to get mad. His remarks
are all unnecessary!
Sa pananahimik ko ay muli syang nagsalita.
"Magtatampo ako kapag hindi ka sa akin nagpahatid."
I grunted before nodding. Sa inis ko sa kanya ay pumayag na lang ako. He's my
friend and as I've said, he has a special place in my heart. Ayokong makita at
marinig syang ganito kaya mabuti pang pagbigyan na lang sya. This will be very
unfair for Duke but I hope he understands.
Me:
si atreus na ang maghahatid sa akin, don't bother
Nang mag-alas tres na ay sumakay ako sa sasakyan ni Atreus. Malaki ang ngiti nya
habang tinutulungan akong dalhin ang cakes. Ipinasok namin ito sa sasakyan nya nang
maayos at itinali para hindi magalaw mamaya.
I was bothered when we were on our way. Wala akong natanggap na reply mula kay Duke
pero dahil hindi naman ito dumating noon alas tres, naisip kong baka na-receive
nito ang text ko. Dinadaldal ako ni Atreus ngunit ang atensyon ko ay nasa cellphone
ko.
"Salamat at ako ang pinili mong maghatid sayo, Sol. This means a lot to me."
Binigyan ko lang sya ng isang maliit na ngiti dahil wala rin naman akong masabi. I
feel bad for Duke but Atreus is hitting my conscience.
Nagpatugtog lang sya habang nasa byahe kami. Ako naman ay medyo masama ang loob
kaya nakatingin lang sa bintana. Maya't maya kong chine-check ang cake dahil baka
tumilapon ito.
Sa Los Ba�os kami magde-deliver, malapit sa UPLB. Sa LB Square daw namin dalhin ang
cake dahil nirentahan ang buong lugar para sa surpresa sa mag-asawa. It's a bar and
it's popular for its nightlife. Kadalasan ay estudyante ang pumupunta roon para
magwalwal.
Nang paliko na kami, napansin ko ang isang pamilyar na BMW pero agad ding nawala.
I mentally shook my head. Duke can't be here. Wala naman syang gagawin dito sa
Laguna.
Nang mai-park ni Atreus ang sasakyan ay tinawagan ko ang contact person. I informed
her that we arrived. Wala pa mang limang minuto ay dumating na ito ay pumunta sa
direksyon namin.
"Ang haba ng binyahe nyo! Traffic pa naman sa Calamba hanggang dito sa Los Ba�os!"
pambungad na bati nya sa amin. "Mabuti pa ay dito na rin kayo maghapunan, Ma'am!"
Siniko ako ni Atreus. "Wag na ha, may trabaho pa ako. Mag-take out na lang tayo."
Bulong nya sa akin.
Alas sais na nang gabi at kailangan na naming tumulak pabalik sa Manila para
mahabol ang oras ng trabaho nya.
Humarap ako sa babae at umiling. "Hindi na po. May duty pa kasi itong kasama ko."
Nag-aalalang tumango ito sa amin. Tinulungan namin sya ni Atreus na dalhin sa loob
ng Square ang cakes. Maganda ang ayos ng lugar. May tela sa ceiling at decorated
ang chairs and tables. Inilagay ko nang maayos sa mesa ang tatlong malaking cake.
"Bilisan mo at nariyan na ata ang susurpresahin nila."
Mas binilisan ko ang pagkilos at napangiti nang makitang maganda itong tingnan.
Kinuhanan ko pa ito ng picture para i-post sa page ko.
"Sol?"
Nakangiti ako nang humarap sa kung sino mang tumawag sa akin ngunit unti-unti iyong
naupos nang makita ang pinanggalingan ng boses.
"Mitzie." I uttered in surprise.
Nagkatitigan kami. Napansin ko agad ang pagbabago sa itsura nya. Mahaba na ang
kanyang dating hanggang balikat na buhok. Mas pumuti rin sya at mas lalong gumanda.
Nakita ko ang pagtabi sa kanya ni Kuya Sean kaya halos malaglag ang puso ko sa
gulat.
"Solene!"
Niyakap ako ni Kuya Sean nang mahigpit at bahagyang nagtubig ang mata ko. I didn't
realize how much I missed him! Ngayong yakap nya ako ay parang ako ulit ang batang
Solene na inaalagaan nya noon.
"Kuya Sean..."
He hugged me tighter. "I missed you so much, baby girl! Ang tagal mong hindi
nagpakita sa akin!"
I hugged him back. Si Mitzie ay tuluyan nang natakluban ni Kuya Sean kaya hindi ko
na sya tanaw.
Nang maghiwalay kami sa yakap ay pinanliitan nya ako ng mata, parang nagtatampo.
"Dito ka muna. Gusto kong marinig ang kwento mo." Aniya sa akin.
Lumipad ang mata ko kay Atreus na umiling sa akin at itinaas pa ang relo nya.
"Kuya, may duty pa kasi si Atreus sa hospital mamayang alas diez."
Napatingin si Kuya Sean sa lalaki at marahang tinanguan ito. Pansin ko ang madilim
na pagtitig ni Kuya rito.
"Pwede naman kitang ipahatid, Sol. May driver naman kami."
I wanted to say yes but I saw Atreus shaking his head.
"H-hindi na, Kuya... sa susunod na lang."
Tahimik lang kaming pinapanood ni Mitzie. Nakatitig sya sa akin at naiintindihan ko
ang reaksyon nya. Hindi naging maganda ang huli naming pagkikita.
"Ako na ang maghahatid sayo, Sol."
Halos mapatalon ako nang makita si Duke na naglalakad papunta sa direksyon ni Kuya
Sean. Kabababa nya lang ng kotse nya ngunit parang galit na agad ang mata nya.
"Ako na, bro." Singit ni Atreus. "Ako ang nagdala sa kanya rito kaya ako rin ang
magbabalik."
Napalunok ako nang maramdaman ang tensyon sa pagitan nila. Duke is towering over
him while his eyes were fixed on me.
Matapos akong titigan ay madilim ang matang binalingan nya si Atreus.
"Hindi mo ba makitang gusto nyang manatili rito?"
"Duke!"
Napalingon agad sya sa akin kaya kinabahan ako.
"Ano... ayos lang naman... kung hindi." Nahihiyang saad ko.
"See?" mayabang na anas ni Atreus at doon pa lang ay gusto ko na syang sabunutan.
Nanonood lang sa amin ang mga kaibigan nina Kuya Sean at namamangha sa namumuong
tensyon. I can't believe we're creating a scene!
Tumitig sa akin si Duke. Ang mga mata nya ay binabasa ako. Yes, I want to stay.
Gusto kong mag-sorry kay Mitzie sa nangyari noon. Isa pa, gusto kong ibigay ang
hiling ni Kuya Sean na kwento dahil pitong taon din kaming hindi nagkita.
But then, Atreus will get mad if I stay.
I sighed. "Ayos lang, Duke."
Tumingin ako kina Mitzie at Kuya Sean at bahagyang tumango.
"Next time na lang, Mitz, Kuya..."
Masama ang loob ko habang naglalakad papunta sa sasakyan ni Atreus. Ang lalaki
naman ay nakangiti habang nilalaro ang susi ng sasakyan nya. Alam kong matatagalan
bago ulit kami magkita-kita at nalulungkot ako roon.
Lalong bumigat ang nararamdaman ko nang mabasa ang lungkot sa mata ni Duke pagdaan
namin.
I sighed. It's now or never.
"Atreus, umuna ka na."
Napalingon sya sa akin. "Ha?"
"Dito muna ako." Seryosong saad ko.
"Magagalit ako, Solene." Pagbabanta nya sa akin kaya napayuko ako.
I bit my lower lip and asked myself. Alam ko sa sarili kong gusto kong manatili
para kay Kuya Sean at Mitzie. Hindi lang talaga matanggap ng isip ko ang mas
malaking dahilan kung bakit ko gustong paunahin si Atreus.
Duke's sad eyes will haunt me.
"Salamat sa paghahatid sa akin at kung hindi mo maiintindihan na gusto kong dito
muna ako, wala na akong pakealam kung magalit ka. I'm not your fucking dog,
Atreus."
Kita ko ang labis na gulat sa mukha nya pero tinalikuran ko na sya at naglakad
patungo sa lalaking may nakakaawang mga mata.

Chapter 33

"Solene! Mabuti naman at bumalik ka!"

Napatingin ang lahat ng bisita sa akin kaya namula ako. Nginusuan ko si Kuya Sean
bago lumapit sa kanya.

Umikot ang mata ko ngunit hindi ko mahanap si Duke. Ang nahanap ng mata ko ay si
Mitzie na nakayuko at hindi makatingin sa akin.

"Nasa kotse si Duke. Binadtrip mo," natatawang bulong nya sa akin.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi bago nagpaalam kay Kuya Sean na pupuntahan ko ang
lalaki. May kasalanan pa ako sa kanya kanina dahil sa iba ako sumama gayong may
usapan kami.

Bukas ang bubong ng kotse nya kaya mula sa likod ay kita ko ang ulo nyang
nakasubsob sa manibela. Dahan-dahan akong lumapit dahil sa hiya.
"D-Duke."

Nag-angat sya ng tingin at agad na nagtama ang mga mata namin. Pinanood ko ang
pagbabago ng ekspresyon nya. Mula sa lungkot ay biglang dumaan ang gulat at saya
roon.

"Sol!" anas nya sa pagkabigla.

I bit my lip and gave him a smile. "Sorry."

He gulped. Bumaba sya mula sa sasakyan nya at pumunta sa pwesto ko. Nang nasa tapat
ko na sya ay medyo nakatingala ako sa taas nya.

"Nasaan si Atreus?" seryosong tanong nya.

"Pinauna ko. Gusto kong makakwentuhan si Kuya Sean," pagdadahilan ko pa.

He slowly nodded. I saw a ghost of smile forming on his lips but he stopped
himself. He shifted his weight before staring at me. Namula ako sa ginawa nyang
pagtingin kaya bahagya akong yumuko.

"Did you eat your lunch?" mahinang tanong nya. Tinutukoy ang ibinigay nya sa akin
kaninang umaga.

I nodded. "G-gumaling kang magluto ng... caldereta."

Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Isang metro lang ang layo namin sa isa't isa
kaya para akong mawawalan ng hangin.

"For the past years, I practiced my cooking skills." He chuckled. "Buti naman at
nagagamit ko na ngayon... sa rason... kung bakit ako nag-aral." Humina ang boses
nya.

"Ha?"

Umiling lang sya at binigyan ako ng maliit na ngiti. Ilang minuto pa kaming
natahimik sa labas bago kami pumasok sa Square. Nagkakatuwaan na ang mga kaibigan
nina Kuya Sean at Mitzie. Ang dalawa naman ay parang may sariling mundo sa gilid.

Nang makitang pumasok kami ay nagulat pa si Mitzie. Nag-iwas agad sya ng tingin at
kinulbit si Kuya Sean na nakatalikod sa amin.

"Sol, Duke, kumain muna kayo!" ani Kuya Sean. Tumayo pa ito at nilapitan kami.

"Ako na ang bahala kay Sol, Kuya, bumalik ka na sa asawa mo," anas agad ni Duke.

Kuya Sean let out a low chuckle. Umiling-iling pa ito bago tapikin ang balikat ni
Duke. Bumalik sya kay Mitzie na nanonood lang din sa amin.

"Umupo ka na, ikukuha kita ng pagkain."

Napabaling ako kay Duke. Nakatingin din sya sa akin kaya nagtama ang mata namin.

"Ako na..."

He shook his head. "Alam ko naman ang mga paborito mo."

I sighed before nodding. Tipid syang ngumiti roon. Akala ko ay didiretso na sya sa
mga pagkain kaya medyo kinabahan pa ako nang ipinaghila nya ako ng upuan malayo sa
mesa ng mga bisita.

Napatingin ako kay Kuya Sean na may nakakalokong ngiti sa labi.

Habang kumukuha ng pagkain si Duke ay nakatulala lang ako. I feel bad for Atreus
and I know I have to apologize to him. Ang akin lang, hindi ko nagugustuhan ang
ugali nya. Ayokong ginagamit nya ang pagkakaibigan namin para itrato nang ganoon si
Duke.

Natigil ako sa pag-iisip nang inilapag ni Duke ang plato sa harap ko.

I pouted as I saw a lot of rice. Walang chicken curry dahil wala rin naman akong
nakitang ganoon kanina.

"Naglo-low carb diet ako!" singhal ko sa kanya.

He chuckled a bit. "Hindi ako naniniwalang hindi mo kayang ubusin yan."

Truth be told, naubos ko nga ang kinuha nya sa akin kaya malaki ang ngiti nya. Ako
naman ay grabe na ang simangot dahil nasira ang diet ko.

"Wala ka bang trabaho bukas?" tanong ko sa kanya. "Pwede kang magpuyat dito?"

"Sa site ako bukas, Solene... pero ayos lang, minsan lang naman ito."

"Ano pala..." I trailed off before looking away. His eyes were attentive. "Pasensya
na kay Atreus."

Hindi ko alam kung anong naging reaksyon nya dahil hindi naman ako nakatingin.
Bahagya nyang iginalaw ang mga daliri sa mesa kaya napatingin ako roon. Mahaba ang
mga ito at malinis.

"I understand him, Sol. Gaya ko ay gusto ka nya kaya gusto ka rin nyang makasama.
Hindi naman kaso iyon sa akin... dahil nasa 'yo naman ang desisyon."

I gulped and blushed furiously at his statement. Ni hindi ko na binigyang pansin


ang pagiging maunawain nya! Talagang tumatak lang sa akin ay gusto nya ako! This is
insane!

Hindi ako nakasagot hanggang sa naramdaman ko ang presensya ni Kuya Sean at Mitzie
sa gilid ng mesa namin. Nag-angat ako ng tingin sa dalawa at napansing nang-aasar
ang tingin na iginawad ng lalaki kay Duke.

"Pahiram naman kay Sol, Duke. Kanina mo pa sinosolo."

Duke grunted. "Shut up."

Kuya Sean chuckled before pulling out a chair for his wife. Matapos iyon ay umupo
rin sya sa bakanteng upuan sa tabi ni Duke. Silang tatlo tuloy ang nasa harapan ko
ngayon.

I smiled at Kuya Sean. "Kumusta, Kuya?"

Tumayo si Duke sa at binitbit ang upuan sa tabi ko. Kinabahan ako sa lapit nya pero
hindi ko iyon ipinahalata lalo at may kaharap kami.

"Ako ang dapat nagtatanong nyan, Sol! Napanood namin ang interview mo at grabe ang
pag-aalala ko nang malamang nakulong pala si Tita Yella."
Hindi ako nakaramdam ng gulat o anuman nang sabihin nya iyon. Hindi man namin
nakita ang isa't isa sa mahabang panahon, hindi ako kailanman nakaramdam ng
discomfort sa kanya. He's like a true brother to me.

I nodded, surprised that I felt at ease now. "Umamin sya sa pulisya noon, Kuya...
uhh..." I sighed before gathering all my courage. "P-pinatay nya kasi si Tatay."

Narinig ko ang malakas na pagsinghap nya. Miski si Mitzie ay nanlaki ang mga mata
sa narinig. Napaiwas ako ng tingin at bahagyang yumuko nang maramdaman ko ang kamay
ni Duke sa kamay ko.

Napatingin ako sa kanya at nang magsalubong ang mata namin ay may mainit na bumalot
sa puso ko. He gave me a reassuring smile and it sent wonders to me.

I gulped before avoiding his gaze. Dahan-dahan nya ring binitawan ang kamay ko kaya
napahinga ako nang malalim.

"I'm... sorry, Sol..." Kuya Sean uttered. "Ni hindi manlang kita natulungan noon."

"Ayos lang, Kuya. It's not your fault. May problema rin kayo noon at hindi nyo
naman ako responsibilidad." Umiling ito na parang bigong-bigo sa sarili. Mitzie
caressed his back to comfort him.

I continued talking. "Pasensya na rin kung hindi ko nasabi sa inyo noon... I was
planning to but... things just get out of hand." Ani ko sa mas mahinang tinig.

Muling nagpakawala ng buntong-hininga si Kuya Sean. Duke beside me is just sitting


quietly but I know he's thinking deeply. Gaya ni Kuya Sean, para rin itong
dismayado sa sarili.

I bit my lower lip. Hindi naman nila kailangang ma-guilty sa nangyari sa akin noon.
The things that happened aren't part of my plan but... it turned out well. Hindi ko
ipinagpapasalamat iyon pero dahil sa naranasan ko, naging mas matibay ako.

"I can't imagine your grief when she died... mag-isa ka lang. I'm very sorry, Sol.
I'm very sorry..."

Umiling ako. "Kuya, it's okay! Limang taon na rin halos ang nakalipas kaya ayos na
ako. Nanay wants me to move on so I did. That's her last wish for me."

"S-sorry, Sol..." ani naman ni Mitzie kaya nagulat ako. "I shouldn't have... added
to your problems. S-sorry."

I was loss for words. I heaved a deep sigh before giving her a slight smile. She
was once my friend. Hindi man naging maganda ang nangyari noon, ang mahalaga ay
maayos na kaming lahat ngayon. At some point, maybe, it has to happen. I have to
hit the rock bottom for me to rise up.

"It's all in the past now, Mitz."

Nahihiya syang tumango sa akin bago yumuko. Lumalim ang gabi at nabaling sa ibang
bagay ang kwentuhan namin. I was thankful because I don't think I'm ready to tell
them that Nanay committed suicide in a prison cell. Mabuti na ring tungkol sa
business ko ang pinag-uusapan namin.

Kuya Sean is an architect now. May mga proyekto sila ni Duke minsan nang magkasama
at natutuwa ako dahil nai-imagine ko silang dalawa.
"Duke graduated with latin honors."

To say that I was dumbfounded is an understatement. Alam kong matalino ang lalaki
ngunit sa school namin noon ay bilang na bilang ang mga nakagraduate na may latin
honor lalo sa course namin! Ni si Jelay o Roswell ay hindi ito nabanggit sa akin!

Tinanong nila ako nang tinanong tungkol sa mga nangyari sa akin at hindi ko alam
ang magiging reaksyon nang makita ang mangha at awa sa mata nila.

"Naging katulong ako pero six months lang. Ang manyak ng amo ko." I chuckled.

Naramdaman ko ang paninigas ni Duke sa tabi ko. He crouched a little towards me and
let out a deep sigh.

"Did you file a case against him, Solene?"

Dinig na dinig ko ang diin sa bawat salitang binigkas nya. Nang tapunan ko ito ng
tingin, galit ang mga mata nya at umiigting ang panga.

I gulped before chuckling. "H-hindi na, 'no! Gastos lang 'yon! N-nasapak ko naman
bago ako nag-resign."

That didn't calm him down. Nag-iwas na lang ako ng tingin at bumaling na lang kina
Kuya Sean at Mitzie na pinapanood kami.

"Nag call center din ako. Doon ko nakita ulit si Roswell... yung bully noon."
Tumawa pa ako para hindi ipahalata kay Duke ang kaba ko.

"And now she's in your shop, right?"

I nodded at Kuya Sean.

"After what she did, kinuha mo pa rin sya..." he smiled. "You really have a kind
heart, Solene."

"Hindi mo ako kailangang bolahin, Kuya! Ang maldita ko kaya!"

"Well, that's true."

Tumawa ako sa kanya. Binanggit ko rin ang pagiging janitress ko sa kumpanyang


pinagtatrabahuhan ni Jelay kaya muli silang nagpakita ng simpatya. Sinabi ko lang
sa kanila na wag akong kaawaan dahil maganda naman ang kinalabasan ng lahat ng
paghihirap ko.

Nang matapos ang selebrasyon ay nakapagpaalaman kami. Tita Gemma and Tito Franco
are now in Australia. Ang anak naman nilang si Gregory ay kasama ng kanyang lola
kaya hindi ko ito na-meet. We promised to see each other again. Sabi nila ay
pupunta sila sa shop pag hindi na gaanong busy.

Nang nasa sasakyan na kami ni Duke ay napansin ko ang kanina nya pang pananahimik.
Mula noong ikinuwento ko sa kanila ang nangyari sa akin, hindi na ito muling
nagsalita.

"Tara na..." ani ko sa kanya.

Binasa nya ang labi at binigyan ako ng isang seryosong tingin. Tinitigan nya ako
nang matagal, parang sinasaulo ang mukha ko. Hindi ako nakapag-iwas ng tingin dahil
para akong malulunod sa kanya.
He sighed. "I always admire your perseverance and strength, Sol. You always surpass
everything... alone... lagi mong kayang mag-isa... pero hindi ko talaga maiwasang
mag-alala. I can't believe you survive those years without anyone by your side."
There's a hint of sadness in his voice.

My eyes glistened in tears as I listened to him.

Umiling ito at muling bumuntong-hininga. "Can I... hug... you?"

My heart jumped. Lumunok ako at handa nang tumango nang mag-ring ang telepono ko.
Hindi ko alam kung sasagutin ko iyon gayong nanlalambot ako sa tinginan namin ni
Duke. I bit my lower lip before answering Jelay's call.

"Pumunta ka sa ospital! Naaksidente si Atreus!"

Chapter 34

Hindi ko na alam kung paano kami nakarating ni Duke sa ospital. I rushed towards
the nurses and they lead me to the emergency room. Duke is behind me but that's my
least concern now.

Jelay told me that instead of working, Atreus went to a bar and had himself drunk.
He drove his car and encountered an accident. Natatakot ako dahil alam kong isa ako
sa mga rason kung bakit nya ginawa iyon. Hindi maganda ang huli naming pagkikita at
hindi ko kakayanin kung may masamang nangyari sa lalaki.

Pagkapasok ko pa lang sa emergency room, nakita ko agad ang kalagayan ni Atreus. I


almost fainted when I saw him covered with his own blood. He has bruises and wounds
all over his face and body!

Hindi ako makalapit sa kanya dahil ginagamot sya ng mga doctor. They're cleaning
him and checking his vitals.

"A-Atreus..." I sobbed.

I regret not staying with him! He's one of the people who never left my side! Tapos
ito ang magiging ganti ko sa kanya? The guilt I'm feeling is crippling inside my
system.

Naramdaman ko ang marahan na paghaplos ni Duke sa balikat ko ngunit hindi ko sya


nilingon. My eyes were focused on Atreus.

"Umuwi ka na." I told Duke. "May trabaho ka pa bukas."

Dumating ang mga magulang ni Atreus at tinanong ako tungkol sa nangyari. Hindi
naman nila inusisa ang dahilan ng paglalasing ng lalaki pero matalim ang tingin
nila kay Duke.

"Sasamahan na kita, Sol."

I looked at him, pleading. "Umuwi ka na... I don't need you here, please..."

"It isn't your fault. Huwag mo sanang sisihin ang sarili mo."

I breathe heavily. "D-Duke, please. Umuwi ka na lang."

Yumuko sya at bahagyang tumango. I watched his back as he walked towards the exit.
Nag-iwas ako ng tingin. Kasama ko sa waiting area ang mga magulang ni Atreus.
Ipinakilala na ako noon ng lalaki kaya alam nilang nanliligaw ito sa akin.

"Boyfriend mo ba 'yon, hija?"

Kinakabahang umiling ako. "Hindi po, Tita."

She sighed. "Mabuti naman."

Hindi na lang ako sumagot. Nag-aantay lang kami hanggang sa lumabas ang doctor at
sabihin sa amin ang nakagigimbal na nangyari.

"He's in a comatose."

Ayun lang ang pumasok sa utak ko. Narinig ko ang pagtangis ni Tita Annie. Nag-
iisang anak si Atreus kaya mahal na mahal ito ng mga magulang nya. Inaalo lang ni
Tito Rodel ang asawa at wala akong ibang nagawa kung hindi ang mag-iwas ng tingin.

I stayed with them the whole night. Inilipat si Atreus sa isang private ward at
doon namin sya binantayan. His parents and I didn't sleep. Lahat kami ay aligaga at
nag-aalala. His lungs are severely damaged kaya may oxygen tank sa gilid nito.

I didn't know for how long did I cry. Sising-sisi ako sa nangyari. If only I come
with him, these things wouldn't happen. I said harsh things to him.

Nang mag-umaga ay umuwi ako sa unit ko. I texted Roswell about the incident. Sinabi
nyang sya na muna ang bahala sa shop at ipinagpasalamat ko iyon. Nagbihis lang ako
at naligo bago muling tumulak sa hospital.

"Tita, umuwi po muna kayo. Ako na muna ang magbabantay."

She stood up. "S-salamat, Solene... babalik din kami mamaya."

Tumango ako sa kanya at naiwan akong mag-isa sa kwarto. Sumandal ako sa couch at
ipinikit ang mga mata. I remember how Atreus looked like when we parted ways.

Simula noong makilala ko ang lalaki, hindi ko maiwasang maalala sa kanya si Duke.
Atreus is like my male bestfriend... like him. Automatic na kapag wala itong duty
ay pumupunta sya sa akin. Tinutulungan akong magdeliver noong hindi pa naitatayo
ang The Slice at minsan ay nakakasama ko sa paggogrocery.

Wala rin kaming pinag-aawayan dahil napakamaunawain nito. Maraming beses na hindi
ko ito sinipot sa dinner at lunch dates namin pero imbes na magalit ay inintindi
nya ako. He's too dreamy and almost too good to be true.

I sighed. Bumigat ang aking talukap hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na


pala ako.

Nagising lang ako nang makitang may kadiliman na sa labas. Pupungas-pungas akong
tumayo at napansin ang pagkain sa mesa. Nilapitan ko ito at nalaglag ang puso ko
nang makitang galing ito kay Duke. Alam kong sa kanya ito dahil ganito ang
ginagamit nyang tupperware kapag magdadala sya ng ulam sa akin.

He was here but he didn't wake me up.

Dahil nakaramdam ng gutom, kinain ko iyon. I was on my third to the last bite when
Tita Annie entered the room. May dala itong pagkain at agad na pumunta sa mesa ko.
Hindi nya kasama si Tito Rodel dahil nagpapahinga ang matanda.
"Naku! Huwag yan ang kainin mo! Dinalhan kita ng mas masarap!"

I gave her a smile. "Ayos na, Tita. Patapos na rin naman ako."

She scoffed and get the Duke's tupperware. Inilapag nya ang dinala nyang pagkain sa
harap ko at pinanood ko lang syang gawin iyon. It's kind of rude but I didn't
object.

"Dinala ito ng lalaking kasama mo kahapon! Mukhang galing pa sa trabaho kaya hindi
ako nakasisigurong malinis ito! Itinapon mo na lang sana."

I breathe heavily as I calmed myself. Hindi ako sumagot sa kanya at napipilitang


kinain na lang ang dala nya. Umupo sya sa harap ko at pinanood ako.

"Sino ba iyon?! May manliligaw ka bang construction worker, Solene?"

I heaved a sigh. "Engineer po si Duke, Tita Annie."

Natahimik sya sandali ngunit muling nagsalita.

"Maraming oras, ano? Wala sigurong mga project at nakapagluluto pa para sa 'yo."

Muli akong napabuntong-hininga. Di hamak na mas masarap ang luto ni Duke kaysa sa
dinala nyang pagkain sa akin kahit pa galing ito sa isang restaurant. Kinakalma ko
ang sarili dahil baka hindi magustuhan ni Tita ang lumabas sa bibig ko.

"Head engineer po s'ya ng on-going construction ng short cut road mula Las Islas
hanggang La Union, Tita." Pigil na sagot ko.

She narrowed her eyes. "Manliligaw mo ba iyon, Solene?"

Ayokong magsinungaling sa kanya kaya tumango ako.

Doon sya muling napapalatak. "Kaya mo ba pinagtatanggol ang lalaking iyon?! Gusto
mo ba 'yon, hija?!" Her voice was dripping with disappointment.

Hindi ako sumagot sa kanya. Pagod ako at nag-aalala kay Atreus at alam kong ganoon
din sya. Sana lang ay hindi na sya ulit magsalita dahil sigurado akong masasagot ko
ito.

Thankfully, she took my silence as a warning. Hindi na rin sya umimik at maya maya
lang ay dumating na rin si Tito Rodel. Nagpaalam ako sa kanila na uuwi muna ako.

Nang makahiga sa kama ko ay nakatanggap ako ng text mula kay Duke.

Duke:
How's Atreus?

I lazily typed a reply.

Me:
hindi pa rin sya nagigising

Hindi na ako nagulat nang magtext din agad ito. Gabi na at alam kong wala na syang
trabaho. Marahil ay nakauwi na rin ito.

Duke:
Are you okay? Do you need anything?
I closed my eyes tightly and drove myself to sleep.

Ganoon ulit kinabukasan ang nangyari. 'Yon nga lang, naabutan ko na si Duke na
naglalapag ng pagkain sa mesa gaya ng ginawa nya kahapon.

He's wearing a steel-toed boots, palatandaan na nasa site sya at dumaan lang dito.
Even with sweats, napakagwapo nitong tingnan.

"Nag-abala ka pa..." tanging nasabi ko.

"Alam kong hindi ka nakakakain pagbabantay, Solene." He gave me a smile. "You can
watch over him but let me at least... feed you, okay?"

I nodded. Malambing at malumanay ang tinig nya. Niyaya ko syang kumain para sabay
na kami. Nang matapos ay bumalik din sya agad sa site at naiwan ulit akong mag-isa
sa kwarto ni Atreus.

I sat beside him and reached for his scarred hand. I prayed for him. Siguro ay
makapal ang mukha ko para humiling gayong wala naman akong naibibigay sa Kanya. But
then, I don't know where to hold on anymore. My insides were dying of guilt and
worry. It's my fault. I'm the one to blame.

"Pinapapunta mo ba rito ang manliligaw mo, Sol?" nang-aakusang tanong sa akin ni


Tita.

"Nagdadala lang po ng pagkain si Duke, Tita." Malumanay kong sagot.

"Hindi ba't hindi magandang tingnan iyon?! My son there is on the verge of dying
tapos dito pa mismo sa kwarto nya manlalandi ang lalaking 'yon?! Kung wala ka naman
palang balak sagutin ang anak ko, mabuti pang huwag ka na lang pumunta rito at
dumalaw!"

Tumikhim ako sa mga salita nya. "Tita, kaibigan ko si Atreus... gaya nyo po, nag-
aalala rin ako sa kanya." I sighed. "Kung tungkol po ito kay Duke, sasabihan ko po
syang wag nang pumunta rito."

"Mabuti naman kung ganoon!"

Later that day, itinext ko si Duke tungkol doon. He understood it well. Mabigat ang
loob ko pero hindi ang nararamdaman ko o ni Duke ang importante ngayon. Mas
mahalaga ang paggaling ni Atreus.

I spent the next days in the hospital. Malaking tulong si Jelay dahil sya ang
nagbabake ngayon sa The Slice. I gave him my recipe book and she willingly helped
me. Katulong nya si Roswell sa pamamalakad sa shop ko habang wala ako.

Hindi pa rin gising ang lalaki kahit dalawang linggo na ang nakakaraan. Hindi ko
alam kung kailan ito muling magkakamalay at... sa totoo lang, hindi ko alam kung
hanggang kailan ako kakainin ng guilt ko. I stopped seeing Duke for a while ngunit
madalas itong mag-iwan sa guard sa condo ko at guard sa hospital ng mga pagkaing
niluluto nya para sa akin.

Laging umiiyak si Tita Annie tuwing nakikita ang kalagayan ng anak. It feels like
our world stopped. Miski sya ay hindi na nakakapunta sa trabaho at nanatili na lang
sa tabi ng anak. Si Tito Rodel na lang ang may kakayanan ngayong gumawa ng office
work nila dahil hindi kaya ni Tita.

"Sol..." tawag ni Tita sa akin. Her eyes were sorrowful.


"Po?"

She looked away. "Kapag... gumaling na si Atreus... magpakasal na kayo."

Parang may sumabog sa puso ko nang marinig iyon sa kanya. She's suffering and as
much as I wanted to tell her that I wasn't ready yet, ayokong lalo syang malungkot.

"P-pag-iisipan ko po..."

Ibinalita sa akin ni Jelay ang minsang pagbisita nina Mitzie at Kuya Sean sa shop
ko. Sinabi lang nila na wala ako roon dahil nagbabantay ako sa hospital.

One time, Jelay jokingly said, "Girl, may sarili kang buhay. Gets ko naman na nag-
aaalala ka sa kanya pero hindi ka naman kailangan dyan araw araw."

I didn't agree with her. Kasalanan ko kung bakit narito si Atreus. Kung hindi dahil
sa nangyari sa Laguna, patuloy pa rin sana ito sa paggamot sa mga bata.

Ibinalita rin nila ang madalas na pagpunta ni Duke sa shop para tumulong. It
touched my heart but it immediately died down when I looked at Atreus. Medyo
gumagaling na ang mga sugat niya ngunit wala pa rin syang malay. His skin is cold
and clammy. Maputla rin ang kanyang labi.

I sighed as thoughts pierced through my system.

If I hadn't choose Duke that night, I will be living my life normally. Masaya na
kami ni Atreus ngunit dahil dumating ulit sa buhay ko ang lalaki, alam kong
naramdaman ni Atreus ang dahan-dahang paglayo ko. He's nothing but a sweet and kind
soul... ngunit napagsalitaan ko pa rin ito.

I'm drowning in an ocean of what ifs and should have beens. Noon pa lang, alam kong
hindi na para sa akin si Duke dahil noong sinubukan kong abutin sya, nasaktan lang
ako. I questioned my worth and self-esteem.

Hindi sya gaya ni Atreus na lagi akong inuuna. Ipinaramdam sa akin nito ang matagal
ko nang hindi nararamdaman, ang pagmamahal. With him, I felt loved and wanted. Wala
akong ibang kakumpitensya dahil ako lang...

Ngayong dumating si Duke, inuulit ko na naman ang pagkakamali ko noon. Sinusubukan


ko na naman. Tumatalon ako sa gitna ng bangin na hindi ko alam ang dulo.

Duke makes me want to fly like a free bird, in love. Tuwing kasama ko sya, para
akong nakalutang sa saya. Alam ng puso ko kung sinong nagmamay-ari rito. He's the
only guy who can make my heart beats fast.

But Atreus is like my comfort zone. He made me feel at ease. He never hurt me.
Kahit anong mayroon ako ay tanggap nya. Hindi nya ako ikinukumpara sa kahit na
kanino.

And love should be like that, right?

I closed my eyes tightly and think.

I grabbed my phone in my pocket and typed a message to Duke.

Me:
I'm sorry to say this to you, Duke, but you should stop pursuing me. Pasensya na
kung hindi ko sa personal nasabi ito sayo pero sa paggising ni Atreus, sasagutin ko
na s'ya.
I sent that to him and pray.

Sana ay hindi ko ito pagsisihan.

Chapter 35

Duke:
Hindi mo kailangang ihingi ng tawad ang nararamdaman mo. I guess, I'm years...
late, right?

Duke:
Ganito ba ang naramdaman mo noon?

Duke:
Haha, silly me. I'm sorry for bothering you, Sol. Just be happy, alright? Pasensya
na kung hindi ko masasabing masaya ako para sayo dahil hindi ko kayang mag paka-
hipokrito. Hindi ko alam kung kailan darating ang panahon na magiging masaya ako
nang hindi ka kasama. But it's okay. Ayaw kitang pilitin, Solene.

Duke:
You're still my one great love. Pagbali-baligtarin man ang mundo, ikaw lang ang
babaeng minamahal ko. I don't know what the future holds but I hope we both attain
what we prayed for.

Duke:
You're always my sunshine, Sol.

Duke:
I love you.

I cried so hard as I read his messages. My heart is clenching in pain even though I
know I did the right thing.

I loved him for years... or maybe, yes, I still love him... but our love always
comes at the wrong time. Tuwing magdedesisyon kami na mahalin ang isa't isa, parang
may pwersang pumipigil para sa aming dalawa. It's like fate is telling us that we
aren't made for each other. Laging hindi tama, laging hindi sumasakto.

One month after being comatosed, Atreus woke up. Panandalian akong naging masaya
dahil sa kanya. Dalawang linggo pa syang nanatali sa ospital bago na-discharge.

He was happy to see me. Bumalik ako sa shop at nagpatuloy sa buhay. Isang buwan pa
ang nakalipas bago muling bumisita si Atreus sa shop. Magaling na ito at makulit na
ulit. Tumutulong sya minsan sa paglilinis pero dahil naging tambak ang trabaho nya,
minsanan lang sya dumalaw.

It was a sunny afternoon when the three familiar men entered the shop. Hawak pa ng
isa sa kanila ang hard hat kaya alam kong galing sila sa site. I unconsciously look
behind their back to look for someone... but I didn't see him.

Nalaglag ang aking puso at hindi na lang nagsalita. I pushed him away... I have no
right to feel this way.

"Mas magaling si Engineer Sanders kahit medyo masungit."

Nagpantig ang tenga ko sa pinag-uusapan nila. It was almost three painful months
since I last saw him. I didn't reply to his messages. Hindi na rin ito muling
bumisita sa shop... at kahit ilang beses kong itanggi, I'm hoping to see him again.
Kahit hindi ko na sya abutin, basta, makita ko lang ulit sya.

"Sayang at lumipat pa sa Greece si Engineer. Malaki rin itong project na binitawan


nya."

"For good, 'no?"

"Oo."

Another excruciating pain punched my heart. Nanginginig na iniabot ko sa kanila ang


order nila at nang makaalis sila ay napaupo ako.

He left. He's never going back.

I didn't know how I spend my days normally. Nakikipagtawanan ako kina Roswell at
Jelay pero sa gabi, uuwi ako na parang may kulang.

I hate it! I hate that I'm in this phase of life again! Napakaraming taon kong
naramdaman ito at ngayon, sumisilip na naman ang lungkot. Gabi gabi na naman akong
nakatulala sa malaking dingding at nakatingin sa kawalan.

I killed his love for me... and I grieved for it.

It's my fault that his heart gave up.

Every minute that passed feels like a year. My smiles, giggles and laughs became a
cover up. No one noticed it.

"Taas ng sales ngayon!"

I chuckled. "Magpapa-extend na ako ng second floor."

Atreus clasped his hands. "Support kita!"

I smiled. Months have passed and I still didn't give him my 'yes'. I know what's
holding me but I'm too terrified to admit it. Hindi na rin naman sya nagtanong
tungkol kay Duke. Bumalik kami sa dati na walang harang sa relasyon.

It used to be okay with me but now, I feel empty and unhappy.

I busied myself with baking and expanding my shop. Jelay eventually left her job to
join me. Ngayon ay may katulong na ako sa pagluluto kaya medyo gumaan ang trabaho
ko.

"I'm sorry for what happened before." Mitzie uttered. Yumuko pa ito at nabasa ko sa
mukha nya ang labis na pagsisisi. Nasa loob kami ng opisina dahil ito ang gusto
nya.

She isn't with Kuya Sean. Talagang dinayo nya ako dahil hindi raw sya kuntento sa
naging pag-uusap namin noon sa Square.

"S-sobrang... pinagsisisihan ko... iyon." She added. "You're one of the few women I
admired and trusted but... I r-ruined our friendship..."

I sighed, trying to remember the scene I buried years ago.

"Ayos na ako, Mitz."


She shook her head. "Sa La Union... we didn't kiss. T-tinanggal nya ang nalaglag na
pilik mata sa pisngi ko at sinabi nyang mag-wish ako... dahil itinuro mo raw iyon
sa k-kanya."

I bit my lip at the sudden revelation. Those were the thoughts that haunted me at
night.

That's when I realized that maybe... I needed to be honest with Mitzie too. I have
to show her how I feel. "Nung umalis ka, Duke didn't go to school for weeks... he
almost lost his latin honor. D-doon din sya natutulog sa... labas ng bahay nyo.
Umaasang buksan mo bigla ang pinto..."

Tumulo ang luha sa mata ko at agad kong pinalis iyon. Ang bigat ng puso ko sa
nalaman at pakiramdam ko ay hindi ako handa para rito. Throughout the years, I only
see my pain. Ni hindi ko ito nakumusta noong nagkita kami. I didn't tell him that
I'm very proud of him. He reached his dreams but I didn't ask him his ways to
achive those.

"H-he's always wasted. Kahit si Sean ay nag-aalala na sa kanya... he kept on


shouting your name...every night and day..." she paused. "Until one day, he decided
to... study again... to live again. Do you know the reason why?"

I gulped and shook my head. Sa mga kamay ko lang ako nakatingin dahil tuloy-tuloy
ang pag-agos ng luha sa mukha ko.

"Kasi... hindi mo raw iyon m-magugustuhan. Nag-aral syang mabuti para sa susunod na
pagkikita nyo... may maikukwento sya sayo. It took him months to realize that you
left for good..." She continued. "N-noong sinabi ko sa kanya na nahanap kita sa s-
social media, I saw how he watched you from... afar. H-hindi pa sya head engineer
noon kaya ayaw nyang magpakita sayo kahit na kita kong gustung-gusto ka nyang... l-
lapitan."

I gulped. "A-and I pushed him away..." I looked at her. "I hated you for years,
Mitzie. I'm not gonna lie... I wished you didn't transfer to our school... I wished
I didn't save you that day... I wished Duke isn't your seatmate."

She only nodded. She reached for my hand and gently squeezed it.

Sinundo rin sya ni Kuya Sean noong araw na 'yon. Ang akala kong pag-uusap namin ay
magpapagaan sa nararamdaman ko pero hindi. Lalo lang akong nalungkot.

Mahal nya pala talaga ako. Kahit noon, mahal nya talaga ako.

I silently watched Atreus as he ate his burger. This is the man I chose over him.
Mabait si Atreus at alam kong mahal din ako. Kasama ko sya lagi at gaya noon, nasa
proseso pa rin ako ng pagtuturo sa sarili kung paano ibigin ang lalaki.

Duke didn't undergo a process. I love him naturally so learning to love someone who
isn't him is too hard.

"Napag-isipan mo na ba?" tanong nya.

"Ang alin?"

He grinned. "Pagpapakasal sa akin."

Bahagya akong natigilan bago nagpakawala ng mahinang tawa. I didn't answer him but
I hope my dismissive chuckles gave him an idea.
Araw-araw akong parang tangang tumitingin sa glass door ng shop ko... nag-aantay sa
muling paglakad nya papasok habang may dalang paper bag.

I miss him... but I can't keep on missing him. I felt like I have some sort of
responsibility.

"Solene." Bungad sa akin ni Jelay isang umaga nang pumasok sya sa shop. "Buntis
ako."

Napatayo ako, nanlalaki ang mga mata at laglag ang panga.

"Gago, wala ka namang boyfriend!"

She lowered her gaze and I saw her tears flowing. Hindi ako nakagalaw dahil may mga
ideyang pumasok sa isip ko. She looked at me with remorse. "Si Atreus... ang tatay
nito."

I was stoned for a moment. Para akong napako sa sinabi niya.

"What?! Are you guys fucking behind my back?!" galit na tanong ko.

She looked at me, apologetic. "S-sorry..."

Naging mahabang usapan iyon. Atreus was devastated because his mother asked him to
marry Jelay. He tried pursuing me again but I finally find my way out. Sinugod pa
ako ni Tita Annie sa pag-aakalang pinipigilan ko ang kasal.

I don't know why I woke up, realizing that what happened was actually a blessing
for me.

"Si Duke ang mahal ko, Tita!"

Iyon ang tanging nasaad ko. After repressing my feelings for him, I can finally
broadcast it to the world.

"How did it happen?" hindi napigilang tanong ko kay Jelay. Yes, my baggages have
been lifted up but I somehow feel betrayed.

"T-tatlong beses lang... he's jealous of Duke and I was always there to comfort
him. H-hindi ko masabi sa'yo pero mahal ko talaga si Atreus. I'm really sorry,
Sol," aniya. May umalpas na luha sa mata niya.

Naging mabilis ang mga pangyayari. In less than two months, they tied a knot.
Masayang-masaya si Jelay dahil kahit papaano raw ay umuusad ang relasyon nila.

Surprisingly, hindi ako nakaramdam ng selos. Ang tanging nananaig sa akin ay ang
pagiging malaya. Lumipas ang mga araw hanggang sa gumising na lang akong napatawad
ko na sila.

"Hindi mo talaga mahal." Ani Jelay. "Taon din nanligaw sayo 'yon pero lagi mong
sinasabing nasa proseso ka pa rin."

I nodded. Finally realizing that all I felt for Atreus was platonic love. I didn't
know the details of their relationship but... I'm thankful.

I sighed. "You may not know it, but really, things happened for a reason. I'm
grateful, Jelay. I can finally be honest to myself."
"Buti na lang hindi mo mahal..." she smiled. "Ako na lang ang mag-aalaga kay
Atreus."

I heaved a sigh of relief. Sa mahabang panahon na niloko ko ang sarili ko, ang
sarap pala sa pakiramdam maging totoo.

"Pursue your love, Sol. I'm sorry for caging you." Atreus said with sincerity.
"Alam kong mahal mo pa rin si Duke. Uuntiin ko rin ang sarili ko. I will learn how
to love Jelay and our child in my own way. Pursue him, my S-Sol."

So I did.

After the expansion of The Slice, I booked a flight to Athens, Greece. I gathered
all my courage to look and confessed to him. Our love is long overdue.

The sun was setting when I landed on the country that has the most beautiful
islands.

It reminded me of him. That one lucky sunset when he held me in place, lowered his
head to mine and kissed me.

Sunsets always remind me of our first kiss.

"161 Kifissias Avenue 125 41 Kifissia Athens, Greece," mahinang basa ko sa address
ng lalaki.

Sa loob ng napakaraming buwan na lumipas, nabalitaan kong isa ito sa mga head
engineers na nag-operate ng renovation ng Rio-Antirrio Bridge, the longest bridge
in Greece.

I am proud of him. Lagi syang nagtatagumpay sa mga pangarap nya. He really attained
what he prayed for.

It somehow makes me want to question myself. Naabot ko rin ang pangarap ko gaya
nya... pero may kulang pa rin. Hindi katulad nya na parang kumpleto na at masaya.

We grow into our best selves separately. We have different branches but I hope our
love became our roots... that no matter how much we grow, we'll remain in the same
tree.

Nakita ko ang building ng kanyang condo. Walang pag-aalinlangan akong sumakay sa


elevator at pinindot ang huling floor dahil doon ang kanyang unit. My hands are
shaking in excitement and anticipation.

I am so close to his unit when I saw Bethany going out of it. She's smiling and her
hair is a bit messy.

Agad akong nagtago sa isang malaking pader nang makitang nagyakapan ang dalawa.

Duke went out. He's wearing a muscle tee and shorts. May kahabaan na ang itim
nitong buhok at medyo pumusyaw ang morenong balat. Ngumiti sya at nagpakita ang
tinatago nyang biloy sa pisngi.

I smiled painfully as I dry my tears.

Bold of me to assume that after some months, his love for me will stay the same.

I clenched my fist in my chest and sobbed.


Tangina, hindi talaga kami pwede.

Chapter 36

The days after that, my plans shifted. I could've just walked in to his unit and
begged him to love me again but that would be too selfish.

Masaya na s'ya, e. I saw it in his eyes. Nakaabante na s'ya mula sa akin... kaya
bakit naman ako lalapit ulit para manggulo?

I stayed in Greece for a while... pero hindi sa Athens. I visited Mykonos,


Santorini and Rhodes. Dati kapag iniisip kong mag-travel, akala ko masaya...
maganda. Pero tuwing lulubog at sisikat ang araw, wala akong ibang maisip kung
hindi ang mga taon na nagdaan.

Siguro nakakapagod talaga ako.

Even the most patient woman killed herself to get rid of me.

What if I just stayed with my father? Paano kung hinayaan ko na lang syang kunin
ako? Siguro buhay pa rin si Nanay. Siguro hindi nya kailangang mabuhay sa kulungan.

At ngayon, pati ang lalaking mahal ko, itinulak ko palayo sa akin. Nakahanap na
s'ya ng iba at hindi ko dapat pagsisihan iyon. I gave up on him.

I feel lost. Where do I go now? Where do I go whenever I yearn for his touch? His
love?

Hinayaan kong mabasa ng tubig mula sa dagat ang paa ko.

Another sunset. Another sight to behold. Another thought of him. I want to spend
the remaining sunsets of my life with him but the world has its way to reject me.

Sana hindi ko na lang nakita si Bethany na lumabas ng unit nya. Sana pala nagpa-
late ako nang kaunti. Sana medyo nagtagal ang expansion ng The Slice. Sana hindi
ako agad nasampal ng realidad na wala na talaga.

Umuwi ako sa Pilipinas na parang walang nangyari.

"Kumusta ang Greece? Si Duke?" agad na tanong sa akin ni Atreus nang makita nya
ako.

I smiled sadly. "Negats."

Hindi na sya ulit nagtanong matapos iyon. Niyakap nya lang ako at hinayaang umiyak
sa balikat nya.

"A-ang daya... lagi na lang hindi... p-pwede."

He comforted me like he always does. Miski si Jelay ay lumapit sa akin at niyakap


ako.

There are days that I want to get hit by a car.

Tapos maaalala ko ang The Slice at mga pinagdaanan ko. From being a maid to a
janitress to a call center agent to a successful businesswoman... ngayon pa ba ako
susuko? Siguro hindi na ako magmamahal pero natira naman ang pag-ibig ko para sa
pagbabake. It's enough. It should be.

Pero tao pa rin ako. Isang araw ay binisita ko ang facebook ni Duke, umaasang maki-
update sa buhay nya. Friends naman kami roon dahil inadd nya ako dati matapos nyang
sabihing manliligaw sya.

Napangiti ako nang makitang umuwi na pala sya, halos kasabayan ko lang. Sayang,
siguro kung itinuloy ko ang plano ko at wala pang ibang tao sa buhay nya, sabay
kaming uuwi... magkatabi sa eroplano habang nakasandal ang ulo ko sa balikat nya.

"Happy fucking birthday, self." I whispered as I blow my cake.

Hinawakan ako ni Jelay sa balikat at agad akong napangiwi sa amoy non. Nakita ko
pang nagbungkal ata sya ng lupa dahil madumi ang kamay nya.

"Yuck, ang dumi at ang baho ng kamay!" pang-aasar ko sa kanya.

She rolled her eyes. "May nakakaholding hands naman."

"Gago!"

Narinig ko ang tawanan ng mga bisita ko. Sarado ang shop namin at ang tanging
narito ay sina Roswell, Jelay, Atreus at ang mga trabahante. Mitzie and Kuya Sean
were in Australia so they didn't make it. Si Harvin naman ay may flight kaya hindi
ko na rin inabala.

And I found out that Troy is in Switzerland. He's also a successful engineer there.
Hindi ko alam kung bakit hindi nya rito ipinractice ang skills nya but I'm happy
for him.

Maraming bumati sa akin sa social media. They posted pictures of me and it made me
so happy. Nakita ko pang nai-tag ako as a strong independent woman.

"Ma'am, isang smile naman dyan!"

Ngumiti ako habang hawak ang birthday cake ko na hugis araw. Para feel na feel ko
pa, nagsuot ako ng dilaw na bestida. It went well with my skin complexion. Feeling
fresh lang!

I posted it on my page. Marami agad nag-like at nag-share noon. Binasa ko ang ilang
comments. Napapangiti na lang ako kapag sinasabi nilang may irereto sila sa akin.

My smile faded when I saw Duke's comment.

Duke Laurence Sanders: Happy birthday.

It's very simple and plain but it definitely made my day. Napansin ng mga kasamahan
ko ang pagiging energetic ko bigla kaya kahit nagtataka ay natatawa sila sa akin.

Pinahiran pa ako ni Atreus ng icing sa ilong kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Ang panget mo!" asar nya.

Inirapan ko sya. "Sus, ang tagal mong patay na patay sa akin!"

"Excuse me?!" narinig kong sigaw ni Jelay na tinawanan ko lang.

"Ang asawa mo! Nagpapapansin sa akin! Kabahan ka na."


Hinampas ako sa braso ni Jelay pero maya maya ay tumawa rin. Matagal din kaming
nanatili sa shop hanggang sa mag-uwian kami. Niyaya kong mag-club sina Atreus at
Jelay pero dahil buntis ang babae, malamang, hindi pwede.

But since I want to forget for a little while, I found myself driving to Astra, one
of the most popular clubs in Manila. Dahil mag-isa ako, ipinaalala ko sa sarili
kong hindi dapat ako mag-inom nang marami.

"Give me a glass of manhattan, please!" anas ko sa bartender pagkaupo sa bar stool.

Binigyan din nya ako agad. Ininom ko ito nang diretso at nang gumuhit ito sa
lalamunan ko ay napangiti ako. Pinanood ko kung paanong malunod ang mga tao sa
ingay ng music.

I drink more before looking at the dance floor.

It's engaging. Iniwan ko ang kopita roon at dumiretso sa gitna.

People are dancing wildly so I did the same. I throw my hands up and sway my hips.
Ipinikit ko pa ang mga mata para maramdaman ang tugtog. The sound is so sexy and
engraving! The DJ is popping!

Naramdaman kong may sumasayaw sa likod ko pero hinayaan ko lang ito.

"Hey, sexy..." bulong sa akin ng isang baritonong boses. Nilingon ko ito at agad na
nakita ang isang foreigner na nakakapit na sa bewang ko.

I winked at him. We danced sexily. I'm grinding my ass at his crotch while his
hands are locked in my waist. I can feel his hot breath on my neck.

"You're hot..." bulong niya.

"I know."

He chuckled. Ramdam ko ang pagkalalaki nya sa akin at rinig na rinig ko ang


mahihinang ungol nya. Ugh, he's moaning... already?! Lumayo ako sa kanya at
hinalikan ang pisngi nya.

So much for wanting to have fun. Wala pa naman akong tama pero dahil naiihi na,
naglakad ako patungo sa banyo. Mukhang busy ang lahat sa dance floor dahil walang
tao sa loob ng restroom. Dumiretso ako sa isang cubicle at bahagyang nagtagal doon.

Nang makalabas ay halos malaglag ang panga ko nang makitang nakaharap sa salamin si
Bethany at nag-aayos. Napakatahimik ng pagpasok nito na hindi ko manlang narinig
ang galaw nya.

Mukhang nagulat din sya sa akin pero maya maya'y ngumiti.

"Sinong kasama mo?" tanong nya.

I gave her a smile. I subtly scanned her posture and admitted my defeat. She is
Duke's new found love. Mabait at may napatunayan na. Maganda rin ito at kung hindi
ko lang mahal ang lalaki, masasabi kong bagay sila.

"Wala." I chuckled.

Tinabihan ko sya sa salamin at inayos ko rin ang buhok ko.

"I'm with my friends, do you want to join us?" mabait ulit na tanong nya. "Hindi ka
maa-out of place dahil naroon naman si Laurence."

Naramdaman ko ang bahagyang panlalamig bago umiling. I see that he's here. The
thought that we're in the same place and breathing the same air sent warmth to my
heart. This is the closest we could be.

"Hindi ka manlang sinamahan ni Atreus? Uhh... that guy!" aniya na tinawanan ko


lang.

"Busy yon." Tanging nasagot ko bago bumaling sa kanya. "Uuna na ako. Salamat sa
pag-iimbita, Bethany."

"Sigurado ka ba?"

I nodded and smiled. Lumabas ako ng restroom at medyo mabigat na naman ang
pakiramdam. Ang pangako sa sariling hindi masyadong mag-iinom ay nabali.

Bago ako makahanap ng pwesto, nakita ko si Duke. Nakatagilid sya kaya hindi nya ako
kita. He's wearing a black shirt and tattered pants which reminded me of the old
times. Bagong gupit din ito at lalong gumwapo.

Nakahilig sa dibdib nya si Bethany habang ang kamay nya ay nakapalibot sa bewang ng
babae. Nakikipagtawanan din ito sa mga kaibigan ng babae na mukhang may mga
relasyon din. They looked like they're in a group date.

Kung sumama pala ako sa paanyaya ni Bethany, ito ang makikita ko?

Mag-isa lang ako sa mesa at maraming alak sa harap ko. Sunod-sunod ang pag-inom ko
na parang wala akong trabaho bukas.

Birthday ko pa rin naman. Hindi ba pwedeng time out muna sa sakit?

Of all places, bakit naman dito ko pa makikita iyon? Sana pala ay sa Void na lang
ako pumunta.

"Hi."

Natigilan ako sa pag-iisip nang may lalaking umupo sa tabi ko.

My forehead creased. "What do you need?"

Itinaas nya ang dalawang kamay na parang sumusuko sa mga pulis dahil sa mataray
kong tanong.

He chuckled. "Let me accompany you."

"Hindi ko kailangan."

Ngumiti lang sya at nanahimik. Sumandal pa ito sa couch.

My eyebrows furrowed. "Hey!" I called him. "Gusto kong mapag-isa!"

Hindi nakinig ang lalaki at wala na akong energy pa para makipagtalo sa kanya kaya
sumandal na lang din ako sa couch. Parehas na parehas ang porma naming dalawa.

Lumipas ang ilang sandali na nag-iinuman na kami. Sinasalinan nya ako ng alak sa
baso ko habang pinagtatawanan namin ang mga sumasayaw sa dance floor.

Sa tulong nya, panandalian kong nalimutan ang nakita. He's a light company.
Madaling kausap kaya hinayaan ko na rin. We do not even know each other's names.

"May party sa taas, doon ako kaso parang mga tanga, puro cellphone."

Tinawanan ko sya. "Ang boring non!"

He grinned. "Buti nga at nakababa ako. Nakita pa kita."

"Yuck." I said jokingly. Kanina pa sya nagpapalipad-hangin pero hindi ko na lang


pinapansin.

He let out a chuckle. "Sayaw tayo?"

Umiling ako at bahagyang sumandal sa couch. Kinuha ko ang baso ko at ininom ang
alak na laman non. I looked at my watch and I smiled sadly as I realized that it's
still my birthday.

Ipinikit ko ang mata ko at nagulat ako nang patakan ako ng lalaking kasama ko ng
halik sa labi.

Nagmulat ako at inirapan sya. Tumawa lang sya sa akin kaya ipinikit ko ulit ang
aking mata.

Mellow na ang music, hindi gaya kanina na talagang rakrakan. It would be perfect if
I'm happy and contented. Kung si Duke lang sana ang kasama ko.

Muli kong naramdaman ang paghalik sa akin ng lalaki ngunit masyado na akong pagod
para itulak pa ito palayo. I just don't care.

He tilted his head and kissed me more. Naramdaman ko ang paghawak nya sa bewang ko
at ang bahagyang pagkagat sa pang-ilalim kong labi.

I didn't respond to his kisses. Wala akong maramdaman. Nakapikit lang ako at
hinahayaan sya. May ibinubulong pa sya sa akin pero hindi ko pinakikinggan. Hindi
ko alam kung gaano nya ako katagal hinahalikan. He's squeezing my inner thighs at
dahil nakadress ako, ramdam na ramdam ko ang palad nya sa akin.

I gently pushed him away.

"Why?" he asked in a hoarse voice. Malapit pa rin sya sa akin at ang ulo ay nasa
leeg ko.

"Ayoko."

He chuckled but he didn't remove his face on my neck. Nagmulat ako ng mata at
naitulak ko ang lalaki nang makitang nasa tapat ng table namin sina Bethany at
Duke.

Bethany looks shocked while looking at my state. Her eyes widened in surprise but I
didn't care.

Bumaba ang tingin ko sa braso ni Duke kung saan nakakapit doon ang babae. Matapos
iyon ay hinayaan ko ang sarili na tingnan si Duke.

His face is unreadable. Nakatingin ito sa akin nang walang reaksyon ngunit sa tagal
ng pagkakakilala ko sa lalaki, nabasa ko ang labis na galit sa mata nya. His lips
were in a grim line and his jaw was tightly clenched. Parang kaunti na lang ay
susugurin nya ako.
The guy I am with groaned. Napatingin ako sa kanya na nakanguso sa akin. Hindi nya
ata napansin na may dalawang tao sa harap ng table namin dahil muli syang lumapit
sa akin at hinalikan ako.

Bago ko pa man ito maitulak, nahigit na ni Duke ang polo shirt nito. He grabbed him
by the back of his collar and dragged him away from me. Napatayo ako sa gulat at
bahagyang nawalan ng tama. Sa laki at taas ni Duke, mabilis na nadala ang lalaki.

"Laurence!"

"Duke!"

Magkasabayang sigaw namin ni Bethany nang haklitin ni Duke ang lalaki patayo. Dahil
sa tangkad ni Duke, hanggang labi nya lang ang lalaki.

"Bro, what the fuck!" gulat na sigaw ng lalaki.

May mga tumitingin na sa amin kaya nilapitan ko ang dalawa. Bethany is behind Duke
and she's still in the midst of shock.

Mabilis ang paghinga ni Duke habang hawak pa rin ang kwelyo ng lalaki. His eyes
were a shade darker because of anger.

"Duke, tama na." Alo ko dahil masama pa rin ang tingin nito sa lalaki.

Sumulyap ito sa akin at bahagyang pumungay ang mata. Nang ilipat nya ang tingin
ulit sa lalaki ay bumalik ang bangis sa mukha nya.

"Why did you kiss her?" mahina ngunit madiing tanong nya.

Napapikit na lang ako. Bahagyang nahihilo pero dahil sa ginagawa nila ay kailangan
kong pumagitna.

"I have her consent! Kanina pa kami naghahalikan!" sigaw ng lalaki kaya lalo akong
napapikit.

You kissed me! I didn't kiss you back!

But of course, of course, he took my silence earlier as "consent" to kiss me.

Duke harshly pushed him away before glaring at me. Hindi ko alam kung anong itsura
ko ngayon dahil wala akong ibang maramdaman. I saw Bethany touched Duke's arms but
his eyes remained on me.

I looked away.

Mabuti na lang at hindi gumanti ang lalaki at hinawakan na lang ako sa braso.

"Tara na." Yaya nito sa akin.

I glanced at him and nodded. Gusto ko na ring umalis.

Sasama na sana ako sa kanya nang maramdaman ko ang hawak ni Duke sa kabilang braso
ko rin. I immediately felt how much my body longed for him. Hinigit nya ako pero
dahil kapit din ako ng lalaki sa kabila ay hindi nya ako tuluyang nabawi.

Para kaming tanga rito. Hawak ni Bethany ang kanang braso ni Duke habang ang kaliwa
naman ay nakahawak sa akin. My other arm was pulled by the guy I barely know.
"Bro, kanina ka pa! Ano bang problema mo?!" naiirita nang sigaw ng lalaki.

Duke didn't even throw him a glance. Nanatili ang mata nya sa akin pero alam kong
wala syang mababasa sa mukha ko. I'm just too tired. I want to go home and cry.

"Uuwi ka na?" mahinang tanong sa akin ni Duke. Napakalambing ng boses nito na kung
hindi mo kita ang mukha nya ay aakalain mong walang galit sa mata nya.

I nodded. I can't utter another word without breaking down. I remember the way he
holds Bethany. I can't take that. I'm in the moving on phase so seeing him with her
isn't helping.

"Then I'll bring you home." He said with full conviction.

Bago ko pa matapos ang reaksyon ko, binitawan ako ng lalaking kasama ko kanina at
itinulak si Duke. To my surprise, Duke didn't even budge.

"Wag kang makealam sa amin!" sigaw ng lalaki. "Nauna ako sa kanya!"

Duke snorted. "Ikaw ang nauna? Sigurado ka?"

"Duke..."

He ignored me. Tumingin sya kay Bethany at tumango naman ang babae bago ako higitin
palabas ng club. Hindi mahigpit ang kapit nya sa akin kaya pwede akong kumawala.

But I didn't.

Nagpatianod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse nya.

"Get in." He said dangerously. His brows are furrowed and he's gritting his teeth.

I didn't move a muscle.

Lumingon sya sa akin at nakita ko ang galit sa mata nya.

"Where's your boyfriend?" mas lalong galit ang tinig nyang tanong. "Narito dapat
sya! You were getting harassed!"

I sighed but I didn't answer him. Pumunta na lang ako sa pintuan ng sasakyan nya at
tahimik na pumasok.

Sumunod din agad sya. He's breathing heavily, tanda ng labis na galit. I closed my
eyes as I listened to his heavy breathing.

"I didn't let you go for this..." hirap na hirap na saad nya.

Bumigat ang puso ko sa narinig sa kanya kaya nagmulat ako ng mata. Diretso lang ang
tingin nya sa daan kahit na hindi pa naman umaandar ang kotse.

"Nasaan si Bethany? Sya ang ihatid mo pauwi, Duke." I said, trying to calm myself.

"How's your relationship with Atreus?"

Nagulat ako sa out of context na tanong nya.

Still, I shook my head. "Si Bethany ang ihatid mo..."

Binasa nya ang pang-ibabang labi bago bumaling sa pwesto ko.


"Ihahatid ko lang sya dahil lasing na sya, Sol..."

I secretly laughed at myself. Syempre ihahatid nya ito. Uunahin muna ako pero
babalik sya sa totoong gusto nya.

"Do you love him?" he asked in a soft voice. "M-masaya ka ba?"

I gulped as pain pierced through my heart. No one can hurt me but you, Duke. Ikaw
lang ang may kakayanang durugin ako... and you're doing a good job.

"Ikaw? Masaya ka ba?" ganting tanong ko.

I was hoping he'd say no. Call me names but I wish he isn't happy without me. Sana
gaya ko, hindi nya rin kaya. But then, I realized how toxic that is. Mahal ko ang
lalaki at hangad ko dapat ang kasiyahan nya... even if that happiness no longer
includes me.

He gave me a faint smile. "Masaya na ako, Solene."

Tumango lang ako habang nararamdaman ko ang pagguho ng maliit na pag-asa sa puso
ko. He's okay, now. Eto na ang confirmation ko.

"Mabuti naman, Duke... ano, bababa na ako, ha? Dala ko naman ang kotse ko at kaya
ko pang magmaneho."

I didn't wait for his answer. Bumaba na ako at tinakbo ang direksyon kung nasaan
ang sasakyan ko.

I entered my car and cried.

Happy birthday, Solene.

Chapter 37

"Good morning, Miss Sol."

I smiled at Ford. Maaga akong nagbukas ng shop para simulan na ang pagbabake ko.
Nauna ako ngayon kina Roswell at Jelay, hindi gaya noong mga nagdaang linggo.

Sinabihan ko si Ford na tingnan na ang list of deliveries namin para masimulan ko


na ang gagawin. Kalahating orders ang natapos ko kahapon kaya hindi na masyadong
hassle ngayon.

"Maga ang mata ah, iyak ka, girl?"

Binatukan ko si Jelay. "Wag mong sirain ang araw ko at baka paanakin kita."

She covered her belly as if she's protecting her baby from me.

"Ang sama ni Ninang!"

I rolled my eyes. "Hindi ko papapaskuhan yan."

She glared at me. "Sana ikasal na sina Duke at Bethany."

Malakas ko syang minura at tinawanan nya lang ako. Ipinagpatuloy naming dalawa ang
pagbabake na talagang masama ang timpla ko sa kanya. Minsan tuloy ay sinasadya kong
pahiran ng harina ang suot nyang itim na dress kaya sinisinghalan nya ako.

"Basta ang alam ko, bago ang kasal, may naghahabol sa akin," pang-aasar ko.

"Ako pa rin ang end game."

I chuckled. "Wala lang choice."

She stomped her feet, napipikon na. "Napakahayop mo! Ganan ba talaga kapag
virgin?!"

Naputol ang pag-aasaran namin nang pumasok si Roswell na nakabusangot. Nakakunot


ang noo nito at matalas ang nguso. Padabog pa nitong inilagay ang tray sa station.

"Anong nangyari?" tanong ko. "May problema ba sa customers sa labas?"

Umiling ito. "Ang daming deliveries. Nagrereklamo na ang iba dahil gusto nila agad-
agaran. Nag-leave pa naman si Lexus kaya walang katulong si Ford."

Ibinaba ko ang rolling pin na hawak. I crossed my arms and leaned on the sink.

"Pwede namang ako ang mag-deliver. Malayo ba?"

Tumingin sa akin si Roswell. "Eh sinong katulong dito ni Jelay?"

I removed my apron and threw a glance at Jelay.

"Ayos lang, patapos na rin naman kami. Nakasalang na ang huling batch ng cinnamon
bites."

Roswell nodded. Lumabas sya sandali at ibinigay sa akin ang info ng customers.
Napasimangot ako nang makitang tatlong magkakalayong lugar ang mga iyon.

I grabbed my car keys and exited the place.

Inuna kong padalhan ang dalawang nasa bahay lang. Mild orders lang naman ang mga
ito kaya hindi hassle. Inabot din ako nang halos dalawang oras sa paghahanap at
pag-iintay sa mga nagpipick-up.

Nag-ring ang cellphone ko at agad kong na-identify na customer ito dahil nasilip ko
kanina ang number sa papel na ibinigay ni Roswell.

"Good afternoon. This is Solene of The Slice." Bati ko agad pagkasagot ng tawag.
"I'm on my way to your company..."

"Uhh... okay. Thank you. Anong oras po kaya kayo makakarating? Paalis na kasi ang
bisita."

I bit my lip. "Fifteen minutes, Miss."

Nang maibaba ang tawag ay mabilis akong nagmaneho. Kung alam ko lang na para sa
bisita ay inuna ko na dapat 'to. Wala pang labinglimang minuto ay nakarating ako sa
company. Wala na akong oras basahin kung anong kumpanya ito dahil dumiretso na ako
papasok.

"Hi, I'm here to deliver these..." Itinaas ko ang dalang apat na paper bags para
ipakita sa receptionist. "...to Mr. Cedric Castillo."
May tinawagan muna ang babae bago ako tuluyang papasukin. Pinaakyat nila ako sa 7th
floor at nang makarating doon ay nakita ko agad ang maraming cubicles. Dinig na
dinig ko ang tunog ng pagtatama ng daliri at keyboard ng laptop. Isinama pa ang
isang tambak na mga papel.

Napangiwi ako. Hindi talaga ako para sa ganitong trabaho.

Nakita ko ang office sa dulo kaya naglakad ako patungo roon. Wala akong nilingon ni
isang employee dahil mukhang busy naman ang lahat.

"Uhm... excuse me." Tawag ko sa atensyon ng sekretaryang nasa labas.

Nag-angat ito ng tingin sa akin bago ngumiti. "Ipasok nyo na po."

I smiled back at her. Sya marahil ang kausap ko kanina sa telepono. I knocked three
times before opening the door.

Itinago ko ang gulat sa mukha ko nang makitang kausap ni Mr. Castillo si Bethany.
Napansin nila ako kaya bahagya silang tumigil sa pag-uusap. Bethany didn't look
surprised. Ngumiti ito sa akin kaya ngumiti rin ako sa kanya.

"These are your orders, Sir." I said.

Ipinatong ko ang paper bags sa mesa bago nag-angat ng tingin.

Mr. Castillo smiled. "Ikaw ang owner ng The Slice, hindi ba?"

"Yes, Sir."

"Ikaw pa talaga ang nag-deliver. You're hardworking."

Tumayo ito at lumapit sa paper bags na dala ko. Marami-rami syang inorder para
siguro sa ibang employee.

"Thank you, Sir. Marami po kasi kaming deliveries ngayon kaya nag-division of labor
kami."

He nodded before glancing at Bethany. Tumayo naman ang babae at lumapit din sa
pwesto namin.

"I'll get going, Sir." I said.

Tumango lang ang lalaki. Tumingin ako kay Bethany at bahagya rin syang nginitian
bago tuluyang lumabas ng office. Ang sekretarya ang nag-abot sa akin ng bayad kaya
nakatuloy na ako sa paglabas ng building.

Sasakay na sana ako ulit sa kotse ko nang nakita ko si Bethany na tumatakbo patungo
sa pwesto ko. Her hair is a bit disheveled. Kumakaway pa ito sa akin.

"Ano 'yon?" tanong ko nang makalapit s'ya. "May problema ba sa orders?"

Umiling ito habang hinahabol ang paghinga. Sumandal ako sa pinto ng kotse ko at
inantay syang makapagsalita nang maayos.

"Are you busy?" aniya.

Inayos nya ang kanyang buhok at nagtatanong ang matang tumingin sa akin.

"Hindi naman, bakit?"


She shifted her weight. "Can we talk?"

"Para saan?" tanong ko, bahagyang kinabahan.

"Let's grab a tea?"

Pumayag ako sa sinabi nya dahil sa kuryosidad. My heart is beating loudly against
my chest. Isa lang kasi ang nasa isip kong pag-uusapan namin at si... Duke iyon.

Nang mai-serve sa amin ang orders, sumandal sya bahagya sa upuan at pinasadahan ng
daliri ang buhok. I, on the other hand, remained my calm.

"About your case..."

My brows furrowed. I blinked a few times before narrowing my eyes.

"Case? What case?"

She's a corporate lawyer and I don't remember violating anyone in my business.

She gave me a puzzled look. "'Yung ipinapaasikaso mo kay Laurence."

Lalong kumunot ang noo ko. I don't have any idea what's going on!

I shook my head. "Hindi na kami nag-uusap ni Duke... so I don't know what you're
saying."

She looked annoyed. Humigop sya ng tsaa bago muling tumingin sa akin. Nakakunot ang
kanyang noo at magkasalubong ang dalawang kilay.

"Your sexual harassment case..." she uttered. "Matagal nang on-going ang kaso mo at
hindi mo alam 'yon?"

"Look." I sighed. "Wala akong ifini-file na case kahit kanino. I'm focused on my
work right now. Ayokong magka-stain ang pangalan ng business ko dahil hindi pa
naman ito malaki." Mabahang litanya ko pa.

Muli nyang pinasadahan ng daliri ang kanyang buhok, tanda na medyo naiinis na ito.
Samantalang ako ay tangang-tanga sa mga sinasabi nya.

"So... you mean to say... Laurence filed a case against your predator without
asking your permission?" dahan-dahan nyang tanong.

I shrugged, confused like her. "Maybe? I don't know. Sino bang kinasuhan nya?"

"Mr. Matthew Corpuz."

My jaw dropped. He's the husband of my boss when I worked as a maid! Oo, naikwento
kong binastos ako nito pero wala na akong plano sa kaso na 'yon!

"Nasa Greece si Mr. Corpuz kaya pumunta roon si Laurence. Inalam nya ang previous
cases ng lalaki... and you're telling me, you do not know what's going on?" aniya
nang hindi ako umimik. Nanliit ang mga mata nya sa akin, parang binabasa ako.

He went to Greece... for that?!

"I-I thought... he worked there?" natatangang tanong ko, hindi pinansin ang
nanghuhusgang mata nya.
"He did. Pero ang totoong rason kung bakit sya pumunta roon ay dahil kay Mr.
Corpuz. At first, hindi ko naintindihan kung bakit bigla syang interesado roon... I
mean, it's not his field of expertise. Then I've learned that you're the victim,
his childhood friend..."

My breathing hitched. Hindi ko alam kung dahil sa rebelasyon na ako ang rason kung
bakit umalis si Duke sa Pilipinas o dahil sa terminong childhood friend ni Bethany.

I sighed. "So... what about my case?"

"I think we should contact Laurence first. Is that okay with you?"

Dinaga ang dibdib ko sa sinabi n'ya. Alam kong tungkol lang sa kaso ang pag-uusapan
namin ngunit hindi ko maiwasang kabahan dahil makikita ko na naman ang lalaki.

"Uh... s-sure." Nasabi ko na lang. I sipped on my cup to ease my emotions.

"Hello? Laurence... I'm with Sol... yes. About the case. Oo, sinabi ko... okay,
take care."

It was a brief call but I envy her. She can call him whenever she wants without
being questioned.

"Nasa office si Laurence, pero malapit lang naman ito roon," she informed me.

I nodded and brush my hair with my fingers.

She leaned more on her chair. "Lagi kasi akong nandoon kaya alam ko."

"Okay." I smiled, wanting to dismiss the topic.

"Laurence always invites me over. Naka-close ko na nga ang ibang engineers at


skilled workers nila." She chuckled.

Muli akong tumango sa kanya at nagbigay ng maliit na ngiti para hindi nya mapansin
ang kagustuhan kong itigil ang usapan. Hindi ko alam kung may ideya sya na nanligaw
sa akin ang lalaki pero kung mayroon... hindi nya naman para siguro sabihin ito,
diba?

"Good for you." I replied.

She sipped on her tea and smiled widely. "I'm glad Laurence and I were on the same
page now."

Gusto kong mapapikit sa inis nang magpatuloy sya.

"Kumusta pala kayo ni Atreus? Naikwento sa akin ni Laurence na magkasintahan na


kayo," ngumiti ito. "I'm happy for the both of you."

I sighed. "We're not together. He's a father now."

Natutop nya ang bibig at suminghap. Nag-iwas lang ako ng tingin. Hindi pala nila
nabalitaan.

"I-I'm sorry..." she uttered.

I shrugged. "Ayos lang. She's my friend's husband."


Lalong sumama ang timpla nya ngunit hindi na sya nagsalita. Sumandal sya sa upuan
na parang napagod sa sinabi ko.

Habang lumilipas ang oras ay sya ring pagbilis ng tibok ng puso ko. Duke will be
here in a minute! Matapos kong mag-walk out kagabi, hindi ko naman in-expect na
makikita ko ulit sya agad agad!

"Sorry, medyo natagalan ako..."

Tuluyan nang nalaglag ang puso ko nang marinig ang baritonong tinig nito sa gilid
ko. Tumingin ako sa kanya at agad ding nag-iwas ng tingin nang mapansing nasa akin
ang mga mata nya.

I unconsciously moved to the left side to give him a seat.

"It's okay, Laurence, come here."

I let out a deep breath when he went near Bethany and settled himself beside her.
Umipod ulit tuloy ako pa-kanan at gustong mapailing sa naisip na tatabi sa akin ang
lalaki.

I sported my straight face kahit sa loob loob ko ay gusto ko nang umalis lalo at
nasa harap ko ang dalawa. Hindi ko na tinapunan ulit ng tingin si Duke dahil sa
kaba.

"It took you almost thirty minutes to arrive. Bakit?" narinig kong tanong ni
Bethany sa lalaki.

"Bumili ako ng cookies sa... The Slice... para sa workers."

Nagpakawala ulit ako ng isang malalim na buntong-hininga bago tingnan si Bethany.

"Let's just get straight to the point." I said. "Babalik pa kasi ako sa shop."

"Dala mo ba ang sasakyan mo, Sol?"

Para akong aatakihin sa puso sa biglaang pagtatanong ni Duke. Napatingin ako sa


kanya at bahagyang tumango.

Hinampas ni Bethany ang braso nito. "Of course! Nagdedeliver sya!" She chuckled.

Duke let out a sigh and leaned on his chair.

"So..." Bethany trailed off. "Hindi pala alam ni Sol ang pinaggagawa mo?" Nang-
aakusang tanong nya sa lalaki.

Duke bit his lip and nodded. "She's... busy. Hindi ko na nasabi sa kanya. At saka,
parang wala syang plano... kaya ako na ang gumawa ng paraan."

I interfered. "There's no need for you to do that, Duke. Though I appreciate your
concern, sana ay hindi ka na nag-abala. Isa pa, halos apat na taon na rin naman ang
lumipas."

His brows met. "It's not okay, Sol. Nang sabihin mong minamanyak ka nung lalaking
'yon, I didn't sleep a wink. Pinaparusahan dapat ang mga ganoon."

Just like the old times, he always wants to punish everyone who did me wrong... or
kahit sino. He's a man of justice... I see.
"Kaya ba pumunta ka ng Greece? Para sundan si Matthew? Do you really think it's
worth it?" tanong ko. "You should focus more on yourself, Duke."

Umigting ang panga nya bago basain ang pang-ibabang labi. He sighed a countless of
times to calm himself. Matapos iyon ay bumaling sya kay Bethany na nakikinig lang
sa amin.

"What's with that asshole?"

Napairap ako. He really ignored me!

Bethany composed herself. "Well, we found out that Mr. Corpuz is a downright maniac
and he has tons of victims... na-interview namin ang iba sa kanila at willing
silang mag-testify sa court."

"What?!" tanong ko. "Marami syang biktima?!"

Tumango si Bethany. "Yeah... bale yung kasong ifinile ni Laurence ang nag-give way
para makakuha rin ng justice ang ibang victims. Some of them were... raped."

Sympathy flooded my system. I can't imagine their terror!

"He's currently in Cebu but we'll track him down... don't worry." She smiled.

I nodded but my heart feels heavy for the victims.

"Is it okay if you tell us what... happened to you?" tanong ulit ni Bethany.

Duke let out an exasperated sigh. "No, Beth."

I ignored him and stared at Bethany, determined to tell her how that asshat
harassed me. If this will help the victims get the justice they deserve, I will not
hesitate to tell her my story.

"Hindi mo kailangang sabihin, Sol." Ani ulit ni Duke.

I bit my lower lip. "Ayos lang, hindi naman na kaso iyon sa akin."

Inilapit ni Bethany ang katawan sa mesa at parang handang-handa nang makinig sa


akin.

"Uhh... anim na buwan lang akong nagtrabaho para sa mga Corpuz," panimula ko.

Duke tightly closed his eyes and leaned more on his chair.

Bethany urged me to continue.

"Hindi ko alam kung ilang beses nyang ginawa ito pero... nahuli ko syang nakasilip
sa akin habang naliligo ako."

"Bethany, stop asking her!" medyo pagalit na saad ni Duke. "Solene, hindi mo
kailangang i-kwento ito!"

I ignored him.

"Hinayaan ko lang non kasi kauumpisa ko lang sa trabaho at wala naman akong ibang
pwedeng pasukan." I sighed. "Kapag maglilinis ako ng matataas na bintana at
magpapalit ng kurtina, I saw him... peeking at my body... hinayaan ko ulit."
I gulped as regret pierced through my heart. How can I let him do that?!

"Please, Sol... just stop."

Bethany reached out for his hand. Nakita kong marahang pinisil ng babae ang kamay
nito kaya mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila.

"H-hindi ko lang kinaya noong pinasok na ako nito sa kwarto." Mariin kong kinagat
ang pang-ibabang labi.

I glanced at Duke and he looks like he's pleading me to stop. Nag-iwas na lang ulit
ako ng tingin at itinuloy ang kwento.

"He s-started touching my body... mabuti at nagising ako at nakalaban... marami


akong naiwang gamit sa kanila dahil hindi ko na rin ginustong bumalik doon. K-kaya
hindi ko masikmura kung anong ginawa nya sa iba. They must be so scared..."

Nag-angat ako ng tingin at agad na nahuli ng mata ko ang mga mata ni Duke. His
facial expression was hard and his eyes were darker than usual.

"I will send that fucking asshole behind bars, Solene." He said in a low baritone
voice. Bawat salita ay may diin. "He will pay for what he did."

"Yeah, we'll make sure of that, Sol." Bethany said.

Tumango lang ako sa kanila. "Can I leave now?" Hindi nakatiis na tanong ko. As much
as I wanted to be with Duke, hindi ko naman kayang tingnan sila na parang wala
lang.

"Ihahatid na kita." Duke uttered.

Napasulyap ako kay Bethany na napatingin kay Duke.

I shook my head. "Hindi na, dala ko naman ang sasakyan ko."

"Then I'll come with you... may gusto rin akong itanong."

Muli akong sumulyap kay Bethany. Nakayuko na ito ngayon at pinaglalaruan ang
daliri. I felt sad for her. She must be jealous right now.

"Pwede mo naman akong tanungin na lang dito, Duke." I reasoned out. "At... may pag-
uusapan pa yata kayo ni Bethany tungkol sa... case."

Bethany looked at me and smiled a little.

"Oo nga, Laurence. We should talk more." She uttered.

Kinuha ko na ang bag ko pero hindi pa rin ako tumatayo.

"That can wait, Bethany." Narinig kong saad ni Duke. "I have something very
important to tell Solene."

Napatingin ako rito. I want to get mad that he's dismissing Bethany... but at the
same time, I got curious. Ano namang sasabihin nito?

I swallowed. "Mabilis lang 'to, Bethany..."

Malungkot na tumango ang babae. Tumayo na ako at nagpaalam sa kanya bago lumakad
patungo sa kotse ko. Naramdaman ko ang pagsunod ni Duke sa akin kaya nariyan na
naman ang pagtibok ng puso ko.

I didn't enter my car. Sumandal lang ako roon at tiningnan sya.

"Sinabi ko kay Bethany na saglit lang tayo. Ano ang kailangan mo, Duke?" I said
fiercely, trying to show him that I'm not affected by his presence.

Seryoso ang tingin nya sa akin. "I have a lot to say..." He sighed.

"Make it quick."

He tilted his head and bit his lower lip.

"I'm sorry for filing a case against him without your notice," panimula nya na
tinanguan ko lang. I realized that it's a good thing.

"I don't like that you seem fine with it..."

Hindi ako ulit sumagot. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangang narito pa
sya para sabihin iyon? Pwede namang sabihin na lang doon kahit na nakikinig si
Bethany.

"And..." He swallowed hard. "Ayokong siraan si Atreus sa 'yo pero... I saw him with
Jelay... and she's pregnant." Hirap na hirap nyang saad.

Tumango lang ulit ako. I know that.

"Is that the reason why you're sad? Did he cheat on you? With your friend?" Sunod-
sunod na tanong nya. "Kaya ka ba malungkot kahapon ay dahil sa nangyari?"

Umiling ako. "Ayos lang ako, Duke. Hindi naman naging kami ni Atreus kaya okay lang
sa akin. Isa pa, kasal na ang dalawa at walang kaso iyon sa akin."

"It's not okay!"

Nagulat ako sa pagtaas ng boses nya.

"Paano ka?!" galit na sigaw nya. "You love him... you must be very sad." Mahinang
bulong nya sa sarili.

I sighed. "Hindi ko sya sinagot, Duke, dahil hindi ko sya gusto. Magkaibigan lang
kami ni Atreus kahit noon pa."

Hindi naitago ang gulat sa mukha nya nang sabihin ko iyon.

"Ang sabi mo ay sasagutin mo na sya paggising nya?"

"I didn't." I simply answered.

He looked away with a pained expression. "W-why didn't you tell me?"

Nag-iwas din ako ng tingin. Pinanood ko ang mga taong pumapasok sa nilabasan naming
cafe.

"Anong point?" I chuckled nervously.

Nagulat ako sa pagharang nya sa tinitingnan ko kaya napatingala ako sa kanya. He's
looking down at me with an unreadable expression.
I gently pushed him away but he didn't flinch.

"Anong point?" he scoffed. His lips tremble while looking at me.

Hindi ko na makontrol ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Parang anumang oras ay
sasabog ito sa kaba.

"For months, naniwala akong... masaya ka na rito kasama sya."

I lowered my gaze. I can't stand the intensity of his stares.

"H-hindi na iyon importante, Duke."

"Goddammit!" He cursed. "It might not be important to you but it's my lifeline,
Solene!"

Rinig na rinig ko ang mabilis na paghinga nya.

"You should've told me that you aren't together!"

"Bakit?!" hinarap ko na sya. "Anong gagawin mo kung sinabi ko?! May magbabago ba?!"

"Yes!" pigil na pigil nyang sagot, medyo tumaas ang boses.

"Edi sana ay hindi ako nag-ubos ng isang taon para lokohin ang sarili ko na
nakalimutan na kita! Kasi... alam ko! Alam kong hinding-hindi mangyayari 'yon dahil
mahal na mahal pa rin kita!"

My hands were shaking as he uttered those words. His eyes were bloodshot and I
can't avoid his gaze. Eight months... halos isang taon na siyang nawala sa akin.

Tears pooled in my eyes as hope started to arise inside my heart.

Hinawakan nya ako sa balikat at wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumingin sa
kanya.

"Can I court you... again?" Hirap na hirap na tanong nya. "Please... let me love
you."

Chapter 38

"P-paano si Bethany?" mahinang tanong ko, nanginginig pa rin sa sinabi nya.

"Ikaw ang mahal ko, Sol," nanghihinang sagot nya.

My cheeks flushed. Para akong nakalutang sa sinabi nya. Hindi pa nagsisink in sa


akin ang nangyari basta ang alam ko ay mabilis ang tibok ng puso ko at magaan ang
pakiramdam ko.

"P-pero sabi nya... you're on the same page." I whispered. "Akala ko ay... kayo."

He crouched a little towards me. Lalo akong namula sa lapit namin sa isa't isa.

"Paano naman magiging kami kung ikaw ang gusto ko, Solene?" He uttered with
sincerity.

Para akong nayanig sa sinabi nya. I breathe deeply to calm myself but it wasn't
enough! Kaunti na lang ay sasabog na ako sa nararamdaman.

I gulped. Yumuko ako at tiningnan ang mga sapatos namin. My white flats looked
small with his black leather shoes. Kahit sa paa lang, parang mas dominante pa rin
ito.

"B-bumalik ka na sa loob... Bethany is waiting for y-you." I wanted to slap myself


for stuttering.

"Pupunta ka na ba sa shop?" he asked softly.

Nakayuko akong tumango. Sigurado akong namumula ang pisngi ko sa nangyayari.

"May plano ka ba mamayang gabi?" mas malambing ang boses na tanong nya.

"Wala..."

He let out a low chuckle kaya napatingala ako sa kanya. Mapungay ang mata nya at
dahil nakangiti ay sumilay ang dalawang biloy sa pisngi.

"Nahihiya ka ba sa akin, Sol?"

I squinted my eyes at him. Parang nawala ang mahika ng mga sinabi nya.

"Manliligaw lang kita," anas ko na parang hindi kinakabahan.

He looks amused. Binasa nya ang pang-ibabang labi at tumitig sa akin na parang aliw
na aliw sa nakikita nya.

"Ganda mo."

Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Seryoso nyang sinabi iyon! Itinulak
ko sya nang malakas pero hindi manlang sya natinag. Gawa ba sa bato si Duke?!

He smiled. "Dinner tayo?"

I glared at him. "Ayaw ko."

"Bakit? May iba ka bang gagawin?" Muling sumeryoso ang mukha nya. "Ipagluluto
kita."

I pouted. "Bahala ka sa buhay mo. Aalis na ako."

"I will fetch you at 6," he said.

Tumango lang ako. Hindi ako gumalaw sa pwesto ko at ganoon din sya. Parang
pinakikiramdaman namin ang isa't isa.

He cleared his throat. "And tell Atreus I'm sorry."

"Why?"

He looked away. "Basta..."

I breathe and nodded. "Uuna na ako, ha?"

Bumaling ulit sya sa akin at tinitigan ang mata ko.

"Mag-iingat ka, Solene."


Namumulang sumakay ako sa kotse. Tinted naman ito pero kinakabahan ako dahil
nanonood pa rin sa akin si Duke. Pinaandar ko ang sasakyan hanggang sa tuluyan
akong makalayo roon.

I bit my lower lip as my train of thought flew to what happened earlier.

He still loves me, right? Liligawan nya ulit ako at sa oras na sagutin ko sya,
pwede ko na syang tawagan, kumustahin, yakapin... halikan.

I blushed. Umiling ako at ipinaling na lang sa ibang bagay ang isip ngunit kahit
anong gawin ko ay naiisip ko ang lalaki.

We kissed before but I wonder how does it feel now... he has changed into a more
matured and refined man so I can't stop myself from thinking of some... things. His
arms are very muscular, not that he isn't muscular before. Ngayon kasi ay parang
tambay ito sa gym. Even his chest looks good. He has turned in to a sexy beast.

"Ahh! Sol! Ang dumi dumi!"

Hanggang sa makarating ako sa shop ay namumula ako. Kinalma ko ang sarili dahil
ayokong humarap sa pang-aasar nina Jelay at Roswell.

"Grabe 'yung delivery na inabot ng apat na oras!" bungad ni Jelay. "Gumala pa ata,
jusko! Gawain ba 'yan ng matinong amo?"

Napatingin sa akin ang ibang customers kaya binigyan ko sila ng nahihiyang ngiti.

Nang makarating sa counter ay pigil na pigil ko ang sariling suntukin ito sa tyan.
Hinampas ko na lang sya nang malakas sa braso at sinamaan ng tingin.

"Ako nga may manliligaw pero nagpabuntis ka. Gawain ba 'yon ng matinong kaibigan?"

She laughed loudly that I have to cover her mouth.

"Sarap ko raw, eh."

I gave her a disgusted look. Bahagya ko syang itinulak at sinabing ako na ang tatao
sa counter. Tuwang-tuwa naman ang gaga. Kinuha nito ang kanyang cellphone at nakita
kong tinawagan si Atreus.

"Hoy, Jelay, pakausap nga d'yan."

She glared at me. "Bakit?! Anong lason ang sasabihin mo?"

"May itatanong lang ako!"

Padabog syang lumapit sa akin at ibinigay ang cellphone. Bumungad sa akin ang mukha
ni Atreus na nakasuot pa ng lab coat.

"Bakit ka nakatitig?" walanghiyang tanong nya. "Nagsisisi ka na ba?"

"Yuck!" hindi ko maiwasang saad na tinawanan lang ng mag-asawa.

I rolled my eyes and composed myself. "Sorry daw sabi ni Duke." I said. "Anong
ginawa non sayo?"

Bigla itong umayos ng upo at umarteng handang-handang magkwento.


"Tangina, Sol, sinuntok ako non kanina! Bukas ko pa sana ikukwento! Nakausap mo?"

I ignored his question. "Bakit ka raw sinuntok?"

"Aba, gago, akala yata ay mag-on tayo! Bakit daw ako may kasamang ibang babae!"
medyo pagalit nyang saad.

"He did that?" I asked, amused.

"Niloloko raw kita! Ano ba kasing ipinagkakalat mo na boyfriend mo ako?"

Napairap ako. "Kadiri ka, gago. In-assume nya lang na ikaw ang boyfriend ko."
Pagdadahilan ko.

Walang paalam na iniabot ko kay Jelay ang cellphone nya. Nagpatuloy ang dalawa sa
pag-uusap habang ako ay iniisip ang nangyari. I don't appreciate his violence...
pero nag-iinit ang puso ko gayong alam kong kahit hindi nya ako nakikita ay
pinoprotektahan nya ako... like he always does.

Mabilis na lumipas ang oras. Kanina ko pa gustong higitin ang relo para maging alas
sais na.

Nagtaka si Jelay nang makitang nagpalit ako ng damit at nag-ayos. I sprayed perfume
all over my body but I didn't overdo it.

"Tinitingin-tingin mo?"

She narrowed her eyes on me. "May date ka?"

I smirked. "Yup, kami ni Atreus."

Kinurot nya ako sa tagiliran kaya malakas akong tumawa. Inayos ko ulit ang nagulo
kong buhok dahil sa kakulitan nya.

"Si Duke, 'no?" maya-maya'y tanong nya.

"Paano mo nalaman?" I asked, a bit surprised

"S'ya lang naman ang may kayang magpasaya sayo nang gan'yan. Tingnan mo nga at
kumikislap pa ang mata mo."

Tumitig ako sa salamin at nakitang maaliwalas nga ang mukha ko. Taliwas ito sa
itsura ko kahapon kahit na kaarawan ko.

I sighed. "He's courting me again."

Mula sa salamin ay nakita kong nagulat ang babae.

"Akala ko ba may Bethany?!"

I shook my head. "Hindi raw sila."

"What?! What's with the touches?! Wala lang?"

Bahagyang bumigat ang paraan ng paghawak nya sa babae noong nasa Astra kami.

Ikinuwento ko kay Jelay ang nangyaring pagfi-file ni Duke ng kaso sa nang-harass sa


akin noon. She listened to me intently. Maging ang nakita ko sa club ay sinabi ko
sa kanya.
"Hunghang ka," aniya. "Kilalanin mo muna, ha?"

"Kilala ko si Duke." Kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil hindi ako sang-ayon sa
sinabi ko.

Umiling ito. "Maraming taon na ang lumipas, Sol. Maaaring kilala mo ang dating s'ya
pero marami nang nagbago. Mabuti pa ay tanungin mo ito mamaya tungkol kay Bethany.
If you still have doubts after he answered, ask the girl."

"Uh..." I sighed. "Mukhang gusto ni Bethany si Duke. Paano kung magsinungaling s'ya
sa akin?"

"The truth will reveal itself. Basta, hindi mo malalaman ang totoo kung hindi ka
magtatanong at kung matapos ang lahat ay duda ka pa rin, alam kong alam mo na ang
gagawin. What's the point of getting to know each other if you don't trust him,
diba?"

I swallowed hard as I listen to her words. May tiwala ako kay Duke dahil mahal ko
ito ngunit tama si Jelay. Hindi ko na s'ya kilala.

Naging palaisipan ko 'yon hanggang sa dumating sa shop ang lalaki. Inasar kami ng
mga trabahante kaya ang ilang customer ay napapabaling sa amin.

Duke looks ruthlessly handsome in his white button-down polo and black pants. His
hair is also combed nicely. Kahit na mukha itong malinis at matino, his strong
features gave him away. Mukha pa rin itong matapang at delikado.

"Let's go?" mahinang aniya.

"Saan?"

He smiled. "Ayos lang ba na sa condo ko?"

Namula ako sa klase ng tanong nya at bumalik ang mga naisip ko kanina. I gulped as
I squinted my eyes on him.

"Oo. Bakit naman hindi?"

Liar.

Hindi ko na dinala ang kotse ko dahil sa sasakyan nya ako sumakay. Nang makasakay
ako ay halo-halo ang nararamdaman ko. Pumasok din sya sa loob at naramdaman ko agad
ang tingin nya.

Tumingin din ako sa kanya at nang magtama ang mga mata namin ay kinagat nya ang
pang-ibabang labi at bahagyang ngumiti.

I cleared my throat. "Tara na."

He nodded and started the engine of his car. Napagawi ang tingin ko sa kamay nyang
nakahawak sa manibela. His veins are showing as he grips tightly on the steering
wheel. His gold watch looks intimidating in his wrist. Parang komportableng-
komportable itong nakaikot doon.

"Tungkol sa kaso, Sol..." he suddenly uttered.

Napatingin ako sa mukha nya. He's facing the road but I know he can see me through
his peripheral vision.
"What about it?"

He bit his lower lip. "Wala kang gagawin. Ako na ang bahala roon."

I looked away. "Uhh... paano ang ibang biktima? Ayos lang naman kung... mag-testify
din ako."

"Will you be fine?" marahang tanong nito.

"Kung kailangan, Duke."

He sighed heavily. "Ayokong makaharap mo ulit ang lalaking iyon, Sol. I don't think
I can go on with the case without beating him to death."

Tumalon ang puso ko sa narinig sa kanya. Napayuko ako at pinaglaruan ang mga
daliri.

"T-Then, if that's what you want... I will not do anything, Duke. Just make sure
that the victims will have their justice."

Napabuntong-hininga sya. "I will, Sol. I promise you."

Natahimik kami parehas. Pakiramdam ko ay napaka-awkward ng katahimikan dahil


tanging paghinga lang namin ang naririnig sa loob.

"Uhh..." I uttered. "Nabanggit sa akin ni Atreus ang g-ginawa mo."

I saw him gulped. "Y-yeah, about that... I'm really sorry." Parang nahihiya nyang
saad. "I thought he's cheating on you..."

Nangingiting tumango ako. "Kaya sinuntok mo? I can't believe you can be violent,
Duke."

His jaw clenched. Nagsalubong ang kilay at inis ang matang tumingin sa akin. Nang
makitang nakangiti ako ay nag-iwas lang ito ng tingin at binasa ang pang-ibabang
labi.

"Huwag kang ngumiti, Solene. Akala ko lang ay sinaktan ka n'ya kaya ko nagawa
'yon."

I chuckled. "Kaya mo nga sinuntok?"

He tsked. Itinigil nya ang sasakyan at napansin kong nasa tapat na kami ng
Slatewood, isa sa mga pinakamahal na condominium sa bansa. Dito pala ang condo
nya?!

Humarap ako sa kanya at nasalubong ko agad ang seryoso nyang tingin.

"Ayokong sinasaktan ka, Solene." He sighed. "Kahit sino pa 'yon... kahit ako.
Ayokong nasasaktan ka."

Halos matulala ako sa sinseridad sa boses nya. I gasped for air and gave him a
slight smile but his eyes remained serious.

"I hated myself for what happened back then... I didn't intend to do that but I
have no valid reason to justify my acts... ayokong masaktan ulit kita, Solene. I
can't live seeing you hurting... not again."
I gulped. "D-Duke..."

"Ang tagal kong pinrotektahan ka at hindi ko matanggap na ako ang nanakit sayo."
Yumuko sya na parang sising-sisi. "I r-regret it so much... hindi tama ang rason ko
pero sana ay sinabi ko pala sa'yo noon ang nangyayari. I was so... concerned with
the safety of my nephew. S-sobrang gulo ng nangyayari but I didn't mean to hurt
you. Gusto ko lang talagang pigilan si Mitzie noon, at kahit alam kong mali, sinabi
ko ang mga salitang 'yon kasi natatakot ako... T-takot na takot ako... I-I'm so
sorry, Solene..."

Natahimik ako.

"'Yong sa rooftop... I didn't mean it. I swear. 'Yong pag-iwan ko sa'yo no'ng
lumabas ang resulta, l-labis k-kong pinagsisisihan 'yon... m-masyado akong nag-
alala para sa kalagayan ng bata sa loob ni M-Mitzie na hindi ko manlang naisip na
nasasaktan na k-kita. H-hindi ko lang talaga alam ang g-gagawin pa no'n, Sol...
she's suicidal at pakiramdam ko, kapag hindi ko siya kinausap, itutuloy niya ang
pagpapakamatay... I don't want t-that."

Huminga siya nang malalim at nagpakawala ng buntong-hininga.

"P-pero no'ng nagsalita ka na, no'ng umalis ka na, h-hiniling ko na sana hinayaan
ko na lang pala sila... kasi mas kaya kong wala sila sa buhay ko, kaysa ikaw..."
aniya.

Hindi ko napigilan ang sarili. I extended ny arms and reached for his bare wrist.
One touch and he stared at me. Mabilis ang tibok ng puso ko sa tinginan namin.

"You will make it up to me, right?" Mahinang tanong ko.

Pumungay ang mata nya at hinawakan ang kamay kong nasa palapulsuhan nya. Tiningnan
nya ako na parang ako lang ang nakikita nya.

"Even more than that, Solene. I will communicate everything to you, now. I p-
promise."

Nang nasa loob kami ng unit nya ay napansin ko agad ang linis nito. His interiors
are dark. Hindi gaya ng akin na halos puti ang kulay kaya maaliwalas. Ang mga gamit
ay itim at gray lang ngunit maganda itong tingnan. My baby blue flats and sling bag
looked out of place in his couch.

I cleared my throat. "Dito muna ako sa sala... habang nagluluto ka."

He looked intensely at me. "Gusto mo ba rito?"

"Ayos lang, Duke."

He shifted his weight. "Ayaw mo bang... uhh, sa... kusina na lang din?"

Namula ako sa dahan-dahan nyang pagtatanong ngunit tumango na lang sa kanya. Para
akong hinahapo sa bilis ng pintig ng puso ko.

Umalis sandali ang lalaki para magbihis kaya napahiga ako nang malalim. I can't
believe things escalated this fast. Parang kahapon lang ay selos na selos ako sa
kanila ni Bethany pero ngayon ay kasama ko na ito at ako raw ang... mahal nya!

Muling pumasok sa isip ko ang sinabi ni Jelay. Maybe, I should ask him about that
later.
Nag-iwas ako ng tingin nang bumalik ito sa kusina. Nakasando lang ito kaya kitang-
kita ang makinis at malaki nyang katawan. He started cooking. Nakatalikod sya sa
mesang inuupuan ko kaya pansin kong gumagalaw ang muscles nya kapag may ginagawa
sya.

I busied myself with my phone. Kung ano ano na ang kinalikot ko rito para hindi
mapatitig sa lalaki.

Tatlumpung minuto ang lumipas na wala kaming imikan. Naririnig ko lang ang
pagtikhim nya ngunit hindi ko sya binabalingan ng tingin. Nakuha nya lang ang
atensyon ko nang ilapag nya sa mesa ang pagkain namin.

I smiled at the sight of chicken curry.

Kumuha sya ng plato at nilagyan iyon ng kanin at ulam. Ipinatong nya iyon sa tapat
ko at muling tumayo para kumuha ng tubig. Pinanood ko lang ang bawat pagkilos nya.

The scene reminds me of the old times. Madalas nya akong ipagluto at pagsilbihan
kagaya nito.

Tumikim ako sa niluto nya. I pursed my lips to hide my amusement. Lalo talaga syang
gumaling magluto!

"How was it?" tanong nya sa akin.

I glanced at him and shrugged. "Sakto lang."

Kumunot ang noo nito at kinuha ang kutsara nya. He tasted the food at parang in-
analyze kung ano ang kulang.

"You don't like it?"

I smiled and sighed. Mukhang seryoso talaga sya. "Masarap, gumaling kang magluto."

Doon kumalma ang itsura nya. He leaned on his chair and watched me eat.

"Ako ba ang ulam, Duke?"

Halos masamid ako sa sariling tanong. I didn't even think of it! Natahimik kami
parehas kaya lalong ang awkward!

"I mean... kumain ka kasi! W-wag mo akong panoorin lang!" I told him to save
myself. He chuckled and eat silently. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko pero
kumain na lang din ako.

"Sa shop ka bukas? Wala ka bang delivery?" tanong nya bigla matapos ang mahabang
oras ng pananahimik.

"Depende rin. Nag leave kasi si Lexus kaya kami ni Ford ang nagde-deliver."

Tumango ito. "Just contact me if you need help..."

"Kaya ko naman na 'yon."

He bit his lower lip. "Then, just contact me... whenever you want... kahit hindi mo
kailangan."

I faked a cough and reached for the glass. Titig na titig sya sa akin at alam kong
pulang-pula ang pisngi ko sa hiya.
Nang matapos kaming kumain ay umupo ako sa couch nya. Sabi ko ay ako na ang
maghuhugas ng pinagkainan namin pero dahil manliligaw daw sya, sya na lang daw
muna. I giggled at that. Pabibo.

Lumabas din agad ito at dumiretso malapit sa pwesto ko. He didn't sit beside me so
I had the chance to tell him my doubts without being nervous.

"Duke, pwede ka bang makausap?" seryosong tanong ko.

Nanlaki ang mga mata nya at huminga nang malalim. Ilang beses bumuka ang bibig nya
ngunit walang salitang lumabas mula roon. Bahagya rin syang namutla ngunit hindi ko
na lang iyon pinansin.

"S-sige..." kinakabahang saad nya.

I gulped.

"Kasi ano..." I trailed off. His eyes were attentive and alert. "Nakita ko kayo
kahapon ni... Bethany, diba? Uhh... kung wala kayong relasyon... why are you..."

I cleared my throat and looked away. "Why are you touching her? I mean... wala
naman iyon sa akin pero kung gusto mo ang babae... hindi ba dapat ito ang
nililigawan mo?"

Bumaling ako sa kanya at napansin ko agad ang pag-igting ng panga nya. Kahit
seryoso sya ay napakaganda nyang tingnan. Madilim ang mukha nya na parang nagalit
sa sinabi ko.

Hr breathe heavily. "Sinabi ko na sa 'yong ikaw ang gusto ko, Solene..."

He crouched towards my direction. "Kaibigan ko lang si Bethany at puro


magkakasintahan ang kasama namin kagabi kaya kinausap nya ako na huwag ipahalatang
walang namamagitan sa amin. Her friends were pressuring her to get married and
settle down... at medyo kinaiinisan nya iyon."

I nodded and clasped my hands. Hindi ako sigurado kung kumbinsido ako.

"We can talk to her about the details, Solene." He uttered. "Ikaw ang gusto ko
at... ayokong magduda ka sa amin... dahil wala naman talaga kaming relasyon."

Tumingin ako sa kanya at nag-init ang puso ko nang makita ang sinseridad sa mata
nya.

"Pati..." I uttered, medyo kinakabahan sa susunod na sasabihin. "P-pumunta ako sa


Greece... at nakita kong lumabas ito ng unit mo... kaya ganoon ang n-naisip ko."

Hindi na ako nakatingin nang diretso sa kanya dahil sa hiya.

"Pumunta ka sa Greece?" madiing tanong nya. "Bakit ka pumunta roon, Solene?"

I didn't answer. Tumingin lang ako sa mga daliri ko.

He sighed. "Lumabas sya ng unit ko dahil doon namin pinag-usapan ang kaso mo. Nasa
Greece si Matthew kaya nagpunta ako roon. I asked Bethany's help dahil may mga
kilala syang abogado na maaaring humawak sa lawsuit... I thanked her."

I swallowed. "Y-you held her. Is that how you show your gratitude?"
Hindi pa rin ako makatingin sa kanya kaya hindi ko alam ang reaksyon nito.

"Walang malisya iyon sa akin, Solene..." he sighed. "But I will keep that in
mind..."

"Ha?"

Nag-angat ako ng tingin at agad ding napayuko nang magtama ang mata namin.

"I don't want you to doubt my love for you, Solene."

Marahan na lang akong tumango. Ang sabi ni Jelay ay tanungin ko raw si Bethany kung
may agam-agam pa ako pero ngayon, alam kong hindi na mangyayari iyon. Sa salita pa
lang ni Duke ay pinagkatiwalaan ko na ito.

Nanigas ako nang lumapit sya sa tabi ko. I bit my lower lip harshly and played with
my own fingers to distract myself.

Nagulat ako nang gamit ang hintuturo nya ay iniangat nya ang mukha ko. My eyes met
his. Mapupungay ang mga ito at parang tumatagos sa kaluluwa ko. Para akong
nalulunod sa tingin nya.

Tumigil ang mundo ko. I wanted to memorize his face but my eyes were directed to
his brown ones.

"Bakit ka pumunta ng Greece?" he asked softly.

I gulped. "I... just wanted to."

Naging malikot ang mga mata ko kaya bahagya nyang ginalaw ang mukha ko para mahuli
ang tingin ko.

"Did you go there... for me?" tanong nya sa mas malambing na boses.

Para akong nahipnotismo sa mata nya kaya hindi ako nakapagsalita.

Umawang ang bibig nya habang pinapasadahan ng tingin ang buong mukha ko.

He licked his lower lip. "Solene, ako ba ang pinuntahan mo roon?" Mas may diing
tanong nya.

I swallowed hard. Sa oras na umamin akong sya ang dahilan, alam kong may ideya na
syang mahal ko pa rin sya.

Nagtatanong pa rin ang mapupungay nyang mata kaya isang beses akong tumango.

His eyes were now filled with different emotions. Tumitig sya sa akin na parang
pigil na pigil ang nararamdaman but his eyes gave his feelings away.

Hindi ako nag-iwas ng tingin. I watched how his hard-earned control took over him.

"Sol..." mahinang tawag nya na hindi ko sinagot.

"I-I love you..."

Pumikit ito nang mariin ay binitawan ang mukha ko. Sumabog ang pag-ibig sa puso ko
sa sinabi nya... dahil ito ang unang beses na direkta nya iyong sinabi sa akin...
nang personal... iyong dinig ko talaga ang bawat emosyon.
Umiling ito nang paulit-ulit habang kagat ang pang-ibabang labi.

"W-walong taon ang nagdaan pero... mahal na mahal pa rin kita..." aniya, bigong-
bigo dahil parang alam nyang imposible ang pag-ahon mula sa pagkalunod sa akin.

I love this man... so much... too.

Chapter 39

"Natuloy din ang naudlot," pang-aasar sa akin ni Roswell.

Inirapan ko lang sya at nagpatuloy sa pag-aayos ng brownies at cookies sa counter.


I took a glance at Duke who's cleaning the table and I can't help but smile.
Matapos ang meeting nya kasama ang ibang engineer, dito na sya dumiretso sa shop
para raw tumulong kahit hindi naman na kailangan.

Napaiwas ako ng tingin nang sumulyap din sya sa pwesto ko.

He caught me staring at him!

I continued whatever I am doing. Si Roswell ang humaharap sa orders ng customer, si


Diane ang nagbibigay sa tables at sina Lexus at Ford ang nagdedeliver. Wala naman
na masyadong ibabake dahil halos patapos na ang araw. Next month ay magma-maternal
leave na si Jelay at dahil ayaw kong mag-isa sa pagbabake, I will hire more bakers
next week.

"Tapos ka na ba, Sol?"

Tumingin ako kay Duke na nakahilig sa counter at tumango.

"Bakit? Gutom ka na?" I asked him. Tinanggal ko ang suot na apron at inilugay ang
buhok.

His lips parted a bit before smiling.

"Hindi pa naman. Iniisip ko lang na baka ikaw ang nagugutom na."

Tumango ako. I told Roswell to bring us our food and she just teased me.

"Umuna ka na roon sa upuan. Maghihilamos lang ako."

Tumango si Duke sa akin at naglakad patungo sa sinabi kong pwesto namin. Pinanood
ko ang paglalakad nya hanggang sa nakarating sya roon.

?Habang nasa pantry, nakita kong umilaw ang cellphone ko kaya kinuha ko ito.

Unknown Number:
Hi, Solene. This is Bethany. Are you free tonight?

I licked my lower lip as I typed a reply.

Me:
Yeah. But, what for? Kung tungkol sa kaso, Duke told me he'll deal with it.

Halos mapailing ako sa format ng text ko. Really, Sol? What's with the formality?

Bethany:
Oh, it is not about the case. Tungkol sana kay Laurence.

Dinaga ang dibdib ko sa nabasa. Napansin ni Jelay ang pagtitig ko sa cellphone kaya
nilapitan nya ako. Sumandal sya sa locker at tiningnan ako nang mabuti. I can't
even type a reply!

"Anong meron?" tanong nito.

Ibinaba ko ang cellphone. "Bethany wants to talk to me..."

"Oh, edi makipag-usap."

Umirap ako. "It's not about the case! Tungkol daw kay Duke!"

Lalo syang humilig sa sinasandalan at sinimangutan ako. "Oo nga, makipag-usap ka.
You trust him, right? Anong kinatatakot mo?"

I bit my lip and nodded. "Nakakakaba lang."

"Sus, ikaw ang nililigawan, e!"

Muli kong inangat ang cellphone at nagtipa ng sagot sa babae.

Me:
Sure.

I breathe heavily. Walang imik akong lumabas ng pantry para puntahan si Duke. May
pagkain na sa mesa namin pero hindi pa rin sya nagsisimula. Nang makitang palapit
ako ay umayos sya ng upo at hinintay akong makarating sa direksyon nya.

"Bakit hindi ka pa nagsisimula?" tanong ko.

Binigyan nya ako ng kutsara at tinidor. Inayos nya rin ang plato ko na parang may
dapat pang ayusin doon.

"Sabay tayo." He said.

Tinanguan ko lang sya at bahagyang nginitian.

Kumakain na kami nang bigla syang tumikhim kaya napatingin ako sa kanya.

"Uhh... I know your birthday is almost a month late..." aniya.

Kumunot ang noo ko. "Bakit? May regalo ka?" I chuckled. Binasa nya ang labi at
natawa na rin. "Oo... sana. Hindi ko naibigay agad dahil nawala na sa isip ko."

"Ano namang nasa isip mo at hindi mo agad naibigay?" natatawa pa ring tanong ko.

He grinned. "Nililigawan na kasi kita at kahit araw-araw naman tayong nagkikita,


medyo natataranta pa rin ako kapag malapit ka."

I snorted to hide my flushed cheeks. "Corny mo, Duke!"

Ngumiti rin ito at humilig sa mesa. "At... hindi rin agad nawala sa isip ko ang
ginawa mo noon sa Astra... nung birthday mo."

Ang lamlam sa mata kanina ay napalitan ng inis.

"Do you even know that guy, Solene?" tanong nya sa mas malalim na boses.
Ibinagsak ko ang tingin sa pagkain. "Hindi... pero hayaan mo na. Wala naman na
akong pakealam doon."

Narinig ko ang muling pagtikhim nya. "Hindi ko lang maiwasang maisip... pasensya
na."

Napangiti ako sa narinig na pagpipigil sa boses nya pero hindi ko na lang pinansin.
Pinagpatuloy ko ang pagkain na parang kaswal lang ako at hindi kinakabahan.

"At... pwede ba akong umalis pagkatapos nating kumain? Tumawag kasi si architect at
may itatanong daw tungkol sa blueprint." He said. "Pero kung may kailangan pang
gawin, sasabihin ko sa kanya na sa ibang araw na lang."

Nag-angat ako ng tingin at pinanliitan sya ng mata.

"Someone's being clingy..." panunudyo ko.

Nagsalubong ang kilay nya at matalim ang tingin na ibinigay sa akin.

"Hindi ako ganoon, Solene."

I chuckled. "Sayang, mahilig pa naman ako sa clingy."

Ngumisi rin sya sa akin, parang handang sabayan ang pang-aasar ko.

"I will text Architect, then..."

Lalong lumaki ang ngisi ko. "Joke lang! Gawin mo muna ang trabaho mo."

He shook his head. "No, my girl likes clingy. Dito lang ako at hindi ako aalis."

"My girl?" I blushed but I'm determined to tease him. "Hindi pa kita sinasagot,
Duke."

"Yeah... but for me, you're my girl."

Natatawang inirapan ko sya bago muling ibaba ang tingin sa pagkain. Ganoon din ang
ginawa nya kaya nang matapos ay parehas kaming natulala.

"Uuwi ako sa Isabela sa death anniversary ni Nanay." I informed him. "Hindi ako
natuloy last year... kaya pupunta ako ngayon."

He suddenly looked attentive. "Kailan? Sasama ako..."

"Two weeks from now." I said. "Wag mo na akong samahan. Alam kong abala ka roon at
balak kong mag-stay sa Isabela sa loob ng tatlong araw."

Para syang nag-isip sa sinabi ko. "I can adjust my schedule, Solene."

Umiling ako. "Hindi na. Kaya ko namang mag-isa roon, Duke."

He sighed. "Ganoon din kasi ang schedule ng construction ng mall... pero siguro ay
kaya kong gawan ng paraan."

"Duke, ikaw ang head engineer noon. Hindi ka pwedeng mawala roon."

"I will still try." He uttered.


Nakumbinsi ko syang umalis at kitain ang architect na sinasabi nya.

??Napasimangot ako nang maalala ang regalong ibibigay nya raw sa akin pero hindi
natuloy dahil sa pang-aasar ko. Hindi rin naman nya naalala!

Naka-receive ako ng panibagong text mula kay Bethany kung saan daw kami magkikita
kaya nag-antay lang ako ng oras bago tuluyang pumunta roon.

Naroon na rin sya sa coffee shop kaya nagkita kami agad.

"Good evening," pormal na bati ko sa kanya bago maupo sa tapat nya.

We ordered some drinks and proceed with our conversation.

"Nire-review na ang evidences and testimonies ng victims..." panimula nya.

I nodded. "Justice will be served."

She let out a heavy sigh and looked intently at me. Ganoon din ang ginawa ko sa
kanya.

"Nililigawan ka ba ni Laurence?" she asked frankly.

Muli akong tumango dahil iyon naman ang totoo. Isa pa, in-expect ko na ito sa
kanya.

"Sasagutin mo ba sya?" tanong nya ulit.

"Oo, Bethany." I answered.

She gasped. Napakapit sya sa silya sa pagiging prangka ko.

"You can't, Solene. You can't." Aniya.

Kumunot ang noo ko sa talim ng mga salita nya. I crouched lazily on my chair.

"Why?" I asked briefly. "For you?" Those came out bitterly.

"For Laurence... ayokong sabihin ito pero alam kong awa lang ang nararamdaman nya
sayo."

I wanted to snort but I didn't. Isinerve sa amin ang inumin ngunit walang gumalaw
sa aming dalawa.

"Awa?" I chuckled. "Ibang klase pala maawa si Duke?"

"Look... alam kong niligawan ka nya noon pero noong sinabi mong si Atreus ang
sasagutin mo, ako ang nilalandi nya!"

Nagulat ako sa pagtaas ng boses nito.

"He always contacts me and we even kissed!"

I raised my brow, bahagyang naapektuhan sa sinabi nya.

"Did he tell you he loves you?" tanong ko. "I don't care if you guys kissed dahil
nangyari iyon noong wala ako sa buhay nya."

Yumuko sya at dismayadong umiling. Nag-iwas ako ng tingin nang makaramdam ng awa sa
kanya.

"We're trying to work things out... dumating ka lang..." she whispered.

I swallowed hard.

"Hindi ako ang tamang kausapin dito, Bethany. You should ask him directly. Anong
point ng pagtatanong sa akin?"

Our eyes met. Basang-basa ko sa kanya ang inis at kagustuhang manumbat ngunit
pinipigilan nya ang sarili.

"He pitied you so much, he can't hurt you. He's confused! Akala nya ay pagmamahal
ang nararamdaman nya!"

I sighed. "What do you even know about his feelings, Bethany?"

"I was with him!" Bahagyang tumaas ang kanyang tinig. "Narinig ko mismo sa kanya na
tutulungan ka nya dahil naaawa sya sayo!"

"Kung awa lang, bakit nya ako nililigawan?"

She scoffed. "At nagpaligaw ka naman? Si Atreus ang gusto mo pero pinapaasa mo si
Laurence? Dahil hindi available si Atreus, you'll settle with him?"

I gave her a puzzled look. "You clearly don't know what's going on." I chuckled.

She crossed her arms. "Sigurado rin akong hindi mo alam na habang nililigawan ka
nya ay may nangyayari sa amin."

That caught me off-guard. I don't know if she's lying or not but she said that
without even stuttering!

Nakita nya yata ang gulat sa mukha ko kaya malaki ang ngiting ibinigay nya sa akin.

"Nung birthday mo... do you really think we went home?" she snorted. "Kahit
mamayang gabi... he said he'll come to my place and we don't know... what might
happen."

Nagsalubong ang kilay ko bago humilig sa mesa. "And you expect me to believe you
because...?"

Nawala ang ngiting nakapaskil sa labi nya. "Bakit hindi ka pumunta mamaya sa unit
ko? Listen to us while we do... wonders."

Umakyat ang kaba sa puso ko dahil sa kumpyansa sa tinig nya. Ngunit nanaig ang
kagustuhan kong maging matapang sa harap nya.

"Sure." I said and smiled confidently.

Umuwi ako sa unit ko na kabadong-kabado. Alam kong dapat kong pagkatiwalaan si Duke
ngunit sa paninindigan ng babae ay hindi ko maiwasang magduda.

Napabalikwas ako sa pagkakaupo nang mag-ring ang cellphone ko at nakitang tumatawag


si Duke.

"Hello?" bungad ko sa kanya.

"Hi."
Napakurap ako sa lalim ng boses nito.

"Pupunta ako sa unit ni Bethany para pag-usapan ang kaso mo."

I bit my lower lip as doubts started fading out. Hindi ako nakasagot agad kaya muli
itong nagsalita.

"I... just wanna inform you."

Tumango ako kahit hindi nya naman kita.

"Sige lang... ingat ka."

Narinig kong pinatay nya ang engine ng sasakyan at bumaba ng kotse nya.

"Nandyan ka na?" tanong ko.

He cleared his throat. "H-hindi. Paakyat ako sa unit mo."

Tuluyan akong napatayo sa sinabi nya. Sinuklay ko ang buhok at mabilis na inayos
ang sarili lalo at narinig kong kinausap nya ang guard.

"Huy! Anong gagawin mo rito?!" natatarantang tanong ko.

I sprayed air freshener all over the place. Binkusan ko rin ang humidifier.

He chuckled before ending the call. Natatangang napatingin lang ako sa cellphone ko
hanggang sa marinig ko na ang buzz. I closed my eyes tightly and went straight to
the door, brows furrowed.

"Why are you here?" mataray kong tanong.

Pinasadahan ko sya ng tingin. He's wearing a plain black shirt and ripped maong
pants. Though he looks dashing, his clothes confused me.

"Akala ko ba ay galing ka sa trabaho?"

Ngumiti sya. "Nagbihis lang ako, Sol. Binisita kasi namin ang site at napagpawisan
ako."

I breathe heavily and nodded. "Oh, bakit ka nga nandito?"

He smirked. "Because you like... clingy?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at sinamaan sya ng tingin.

"So? Mag-aadjust ka dahil lang gusto ko? Ganoon ba?"

He shifted his weight and looked intensely at me. "Gusto ko rin ang makita ka,
Sol... at gusto sana kitang isama kay Bethany."

"Bakit?" tanong ko, bahagyang kumunot ang noo.

Tuluyan na akong lumabas ng unit. Nakabihis naman ako kaya kung aalis kami ngayon
ay presentable pa rin akong tingnan. Nakita ko ang pagtungo nya.

"Kailangan ba ng rason?" bulong nya sa sarili na narinig ko naman. Nag-angat sya ng


tingin at pumormal ang itsura. "Para sana sa kaso..."
I rolled my eyes. "Ayokong sumama."

Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mukha nya pero ngumiti rin sya at tumango.

"Ayos lang. Ang mahalaga ay nakita naman kita."

Nang makaalis sya sa harap ko ay napabuntong-hininga ako. I get my car keys and
follow him to Bethany's unit. I shouldn't do this but I want to know if she's
telling the truth.

I'm not going to deny my anticipation I'm feeling. Parang sasabog ang puso ko sa
kaba dahil sa oras na mapatunayang may nangyayari sa dalawa, alam kong masasaktan
ako.

Ngunit nananaig sa akin ang pagiging tapat ng lalaki. If he's there for something
else, bakit nya ako gustong makasama, hindi ba?

Nakita kong bumaba si Duke sa kotse nya kaya nang makitang pumasok ito sa building
ay sumunod ako. Sumakay ako sa kabilang elevator at pinindot ang floor kung saan
naroon ang unit ng babae.

My phone vibrated.

Bethany:
He's almost here.

Umirap ako sa nabasa. Inilagay ko itong muli sa bulsa ko. Habang tumataas ay
kinakabahan ako. I trust Duke but I don't think I can ignore Bethany's remarks.

Hindi agad ako lumabas ng elevator pero sinilip ko ang lalaki at nakitang nasa
tapat na ito ng unit ni Bethany. Nagtago ako sa pader para makita sya nang maayos.

Paglabas ni Bethany ay nakasuot lang ito ng red silky night dress. Nakabalandra ang
cleavage nito at halatang inaakit ang lalaki. Alam kong alam nyang nanonood ako
kaya pinigilan ko ang sariling maapektuhan nang itapon nya ang braso sa leeg ni
Duke.

I calmed down when I saw Duke slightly pushing her away.

Lumapit ako nang kaunti para marinig ang usapan nila. Bethany is leaning on the
side of the door while talking to him. Si Duke naman ay nakikinig lang sa kanya.

"I can't forget your kisses, Laurence..." nang-aakit ang boses na saad nito. She
touched Duke's arms and I saw how Duke removed it.

I bit my lower lip.

"Narito ako para sa kaso ni Solene, Beth."

Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan na hindi nya itinanggi iyon. So... they
kissed.

"Of course... but we can do so much more, Laurence," she uttered in a very
seductive manner.

Napaiwas ako ng tingin nang tumingkayad ang babae para abutin ang labi ni Duke. May
mga dumaang tao kaya nag-angat uli ako ng tingin. Ang kaso lang, nakita kong
pumasok na sa unit ang dalawa. I didn't see Duke's reaction but the smile on
Bethany's face explained it.

I received her text after a few minutes and it immediately crashed my heart.

Bethany:
Told yah.

Chapter 40

Sumakay ulit ako sa elevator na nakatulala lang. My heart feels heavy but I don't
feel like crying. Mabigat lang itong tumitibok sa loob ko dahil sa dismaya, selos,
at galit.
They kissed and had sex, probably? Alam kong hindi naman dapat ito pagselosan dahil
wala naman kaming relasyon noong may nangyari sa kanila. Ang sabi ni Bethany ay
nililigawan ako ni Duke noong una silang naghalikan at... pakiramdam ko ay naloko
ako.
Duke sounded so sincere. Nung sinabi nyang magkaibigan lang sila at walang malisya
ang mga halik nya kay Bethany ay naniwala ako. But they kissed more than the
platonic ones.
Nang makarating ako sa kotse ay tulala lang akong naupo sa driver's seat. I closed
my eyes and leaned on my seat.
I wish I could live my life again... in a different manner. Kung may restart button
lang ang buhay, ginawa ko na. Sana ay hinayaan ko na lang na bugbugin ako ng tatay
ko noon. Sana ay hindi na lang din ako lumabas noong unang araw na nakilala ko si
Duke. Sana ay hindi na lang engineering ang pinili kong kurso.
I wonder if I will be happy if my choices were right. Paano kung noong sinabi ni
Nanay na tumigil na ako sa pagpunta roon, tumigil na talaga ako? Masakit na hindi
sya makita pero mas masakit isiping wala na talaga sya.
I bit my lower lip harshly and shove a tear that fell from my eyes.
Binuksan ko ang engine ng sasakyan, umuwi sa condo, nag-impake at tumulak patungo
sa Isabela. I contacted Jelay and Roswell that I will be gone for three days.
Nagtanong ang mga ito at sinabi kong may kailangan akong asikasuhin.
Gabi na at madilim ang daan pero kaya ko namang magmaneho. Isa pa, malumanay akong
magpatakbo. Ang estimated time ng dating ko roon ay umaga na dahil halos siyam na
oras ang byahe. This will tire me out but I'm determined to do this.
Siguro, pagbalik ko ay saka ko na lang kakausapin si Duke. Hindi ko alam kung aamin
sya sa akin sa relasyon nila ni Bethany pero kailangan kong tanggihan ulit ang
lalaki.
"Ang kulit mo kasi, Solene, sabing hindi pwede..." natatawang saad ko sa sarili
kahit na mabigat ang loob ko.
It was 6 in the morning when I finally arrived. Masakit ang ulo ko sa haba ng
binyahe maging ang paa ko mula sa pagmamaneho.
Bumaba ako ng kotse na pupungay-pungay pa ang mata nang may tumawag sa akin.
"Sol? Ikaw ba yan?"
Napaangat ako ng tingin at napangiti nang malaki nang makita si Ate Ivy.
"Ate Ivy! Kumusta?"
Parang nawala ang pagod ko. Matalik na kaibigan syang ni Nanay noon! Hinigit nya
ang kamay ko at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
"Grabe! Halos walong taon na!" gulat na gulat na saad nya. "Kumusta ka?! Si
Yella?!"
I smiled. "Ayos lang po ako, Ate Ivy. Si Nanay, anim na taon na hong wala."
Lumungkot ang mukha nya ngunit dahan-dahang tumango. "Sabagay at matanda na rin
naman si Yella..." malungkot na pahayag nya.
Humarap sya sa akin at ngumiti. "Pupunta ako mamaya sa bahay mo! Magpahinga ka
muna!"
"Sige po, Ate."
"Alam kong babalik pa kayo rito! Ano pa't ipinaayos mo ang bahay nyo, hindi ba?"
Kumunot ang noo ko at napabaling sa bahay namin. To my horror, ang gate namin ay
bakal na! Ang kahoy naming pader ay semento na at may pintura pa!
"A-anong nangyari rito, Ate?!" nagulat na tanong ko. This isn't our house!
"Hindi ba't nung nasira ng bagyo ang bahay nyo, ipinagawa mo ulit? Ako minsan ang
pumapasok dyan at naglilinis... wala namang nagbago sa gamit."
I swallowed hard, still surprised. "H-hindi ako, Ate..."
"Ha? Hindi rin ba ikaw ang nagpapadala sa akin ng pera para linisan ko 'to?"
I shook my head. "Ate... hindi."
Duke's face flashed on my mind. Hindi naman siguro nya ginawa ito... hindi ba?
Mukhang nagtaka rin si Ate Ivy ngunit hinawakan nya lang ang braso ko.
"Mamaya mo na isipin. Magpahinga ka muna."
Nagpaalam sya sa akin habang ako ay napasandal lang sa kotse ko. Isang tao lang ang
nasa isip kong gagawa nito para sa akin. I closed my eyes tightly and walked
towards our home.
Ate Ivy is right. Pagpasok ko pa lang sa bahay, alam ko agad na walang nagbago. Ang
sofa at mesa namin ay naroon pa rin sa dati nitong pwesto. Ang mga larawan namin ni
Nanay ay nakalagay pa rin sa maliit naming divider. Bukod sa nagkaroon ng puting
pintura ang loob, walang nabago sa mga naiwan kong gamit.
Nostalgia filled my heart. This house witnessed my growth as a woman. Lumapit ako
sa larawan namin ni Nanay at napangiti nang mapait. My wounds healed but the
remaining scars didn't completely fade away.
Dumiretso ako sa kwarto ko at napabuntong-hininga nang matanaw ang bintana kung
saan ko pinanood sina Duke at Kuya Sean na maglaro noon. I lay on my bed and
because of exhaustion, I immediately drove myself to sleep.
It was almost four in the afternoon when I woke up. Nag-ayos lang ako saglit,
naligo at nagdesisyon na bumili na lang ng makakain.
Handa na akong lumabas ng bahay nang makitang papasok si Ate Ivy ng gate. I opened
the door and welcomed her.
"Pinagdala na kita ng ulam at alam kong pagod ka."
I smiled at her before carrying the plastic bags. "Salamat, Ate."
Inilapag ko sa mesa ang mga dala nya at kumuha ng dalawang pinggan at baso. Wala
naman syang ibang kasama kaya dalawa lang kami sa loob ng bahay. I know she has a
lot of questions.
Hindi nga ako nagkamali nang pagkaupo namin ay nagtanong agad sya sa akin.
"Tungkol sa Tatay mo, 'no?"
I glanced at her and slowly nodded. "Hindi ko alam ang eksaktong detalye dahil
walang ibang sinabi si Nanay."
"Stressed na stressed d'yan si Yella noon! Kung ano-anong death threats ang
ibinibigay ng ama mo sa inyong mag-ina!"
"T-totoo ba, Ate?" nanlalaki ang mga matang tanong ko. "W-walang binanggit si
Nanay."
Ibinaba nya ang hawak na kutsara at tumitig sa akin. "Ayaw kasi n'yang mag-alala ka
pa. Pero... alam kong mali pa rin si Yella roon..."
Nanghihina akong tumango. "Y-yeah..." I said, still dumbfounded with the new found
knowledge. Hindi ko noon nabasahan ng takot o ano si Nanay. She really hid it from
me.
"Nalaman mo na ba kung sino ang nagpagawa nito... Solene?"
I shook my head. My eyes are still on the food.
"Tinawagan ko ang contact person ko ukol rito at si Duke ang sumagot." She sighed.
"Kilala mo pa naman ang lalaki, hindi ba? Magkakabata kayo..."
I gulped and directed my eyes on her. "O-opo, Ate. Inasahan ko na rin po... na
ano... si D-Duke ang nagpaayos."
She squinted her eyes. "Hindi naman ako manghihimasok sa buhay nyo, Sol, at parehas
na kayong may isip pero... gusto ko lang malaman... may relasyon ba kayo?"
"Wala po, Ate. Nanliligaw po sa akin si Duke pero..." I sighed. "S-siguro pagbalik
ko sa Manila ay p-patitigilin ko na ito..."
Loneliness hits me like a ton of bricks. Parang miski ang puso ko ay taliwas sa
sinabi ng aking bibig ngunit pakiramdam ko ay hindi ko kayang magtiwala sa lalaki
lalo at nakita ko ang paghahalikan nila ng sinabi nyang kaibigan lang.
Ate Ivy cleared her throat. "Mabait na bata, 'yon, hija. Tatlong taon noong
makaalis kayo nang bagyuhin ang bahay nyo kaya... ipinaayos nya."
I bit my lower lip harshly as I listen to her.
"Bago pa lang sya sa trabaho at kapapasa lang sa board exam pero imbes na sa sarili
gamitin ang pera, mas inuna nya 'to... akala ko noon ay ikaw ang nagpapadala ng
pera at ipinapakisuyo mo lang sa kanya..." she smiled sadly. "Sa loob ng maraming
taon, binibigyan nya ako ng sweldo... para i-maintain ang linis ng bahay nyo."
I dropped my eyes on the plate, unable to process any word.
"Pero kung hindi mo mahal ang lalaki... tama lang siguro na huwag mo na itong
sagutin... dahil hindi sa mga materyal na bagay nasusukat ang pagmamahal..." she
uttered in a slow manner.
Napabuntong-hininga ako. "H-hindi ko na alam, Ate." Pakiramdam ko ay hindi talaga
kami para sa isa't isa.
Tumango sya sa akin at tahimik na kaming nagpatuloy sa pagkain. Kada lumilipas ang
sandali ay pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko. Ayokong bumalik muna sa
Maynila dahil hindi ko pa kayang harapin ang lalaki.
Umalis din si Ate Ivy at nangakong babalik kinabukasan. Isinarado ko ang pinto at
napatigil ako sa paglalakad patungo sa kwarto ko nang makita ang pares ng sapatos.
I kneeled and reached for it.
This pair of shoes was given by him. I felt myself tearing up a bit as I remember
the days I used to walk comfortably because of these shoes. Tuluyan akong umupo at
tumingin sa paligid.
This is still our home... our space... but it improved. Gawa nya rin ito. Bigay nya
rin ito.
And the thought of rejecting him again hurts me. Hindi lang dahil sa dami nang
naibigay nya sa akin, even without my knowledge, kundi dahil hindi rin namatay ang
pag-ibig ko sa kanya. He's my childhood and teenage love... na hanggang ngayon ay
nasa puso ko pa rin.
But I know I can't love him fully if he still has other women beside him. I love
him but I don't deserve a half-hearted love.
Natigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang aking cellphone. Nakita kong si Jelay ito
kaya sinagot ko rin agad.
"Gaga, nasaan ka?!"
Umupo ako sa sofa at bahagyang sumandal doon. "Bakit? May problema ba sa shop?"
"Wala!" she uttered. "Ang manliligaw mo ang may problema! Maghapon dito sa shop at
ayaw maniwalang umalis ka!"
Napapikit ako at hindi agad nakasagot. Bakit ba hindi ko naisip na sabihin kay Duke
na aalis muna ako?
I sighed. "Hayaan mo na... I'll be back in a few days."
She grunted. "I can't stand him! His presence is too domineering! Hindi pa
nakatulong na buntis ako at baka s'ya ang gusto kong gawing tatay nito at hindi si
Atreus!"
I bit my lower lip to suppress a smile.
"Bakit ba kasi ang guguwapo ng mga manliligaw mo?!"
In normal days, I would say "nagtaka ka pa, eh, ang ganda ko" but my negative
emotions are taking over me.
"Just... let me be alone for a while, okay?" I sighed.
Narinig ko rin ang pagbuntong-hininga nya. "Love you, girl. Ingat ka d'yan."
I smiled and told her the same things before ending the call. Pumikit akong muli
habang inaaalala ang mga nangyari sa bahay na 'to.
Life is simple back then. Sana pala ay hindi na lang ako nagrereklamo kapag
maraming labahin si Nanay kasi at least doon, mahaba ang oras ng kwentuhan namin.
Abutan lang ng ulam minsan sa mga kapit-bahay, tambay sa rooftop nina Duke, pasok
sa school... minsan, nakikipag-away pa kay Roswell.
I didn't realize that those were the days the I should've treasured.
Ang sarap maging bata ulit.
I fell asleep on the couch so I woke up feeling a bit uncomfortable. Pumunta ako sa
South para bumili ng pwedeng lutuin at nang makauwi ay mag-isa akong kumain.
It felt light and normal. Just like the old days.
Pumunta ulit si Ate Ivy nang dumating ang hapon pero hindi gaya kahapon, medyo
mababaw na ang usapan namin.
"Sikat ka pala!"
I laughed at her statement. "Hindi, ah! Mabenta lang talaga ang pastries ko pero
hindi ako sikat."
"Nasa google ka na kapag isinearch. Panigurado'y bilib sayo si Yella ngayon."
"Aba, pangarap ito ni Nanay sa akin, Ate. Bukas ay pwede kitang ipaggawa ng
brownies dahil may oven naman dito."
Humilig ako sa couch habang pinapanood syang uminom ng kape.
"Mabuti pa nga! Sasamahan kitang mamili ng ingredients."
Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Kinuha ko ang tasa sa center table at humigop
din doon.
Nang mag-angat ako ng tingin, mukha syang may gustong itanong sa akin... at sa
itsura nya, alam kong seryoso ito... hindi gaya ng mga napag-usapan namin ngayon.
"Sol, kasi... tumawag ako kay Duke kahapon, hindi ba?" nag-aalalang saad nya.
"Bakit, Ate? May problema ba?"
She bit her lower lip. "Itinanong kasi nya kung paano ko nalaman at sinabi kong...
narito ka sa Isabela."
Napatigil ako sa ginagawa. Inilapag ko ang tasa sa mesa at kagat-labing sumandal
ulit sa upuan.
"H-hindi naman siguro pupunta iyon dito. Busy..." I said, trying to convince her
but it sounded more like I'm convincing myself.
She chuckled nervously. "Oo nga n-naman!"
Nang matapos ang iniinom ay lumabas kami ni Ate Ivy para magdilig sa mga halaman sa
tapat ng bahay namin. Wala pa iyon noon pero marahil ay ipinalagay iyon ni Duke.
"Sol, kailan pala ang death anniversary ni Yella?"
I pursed my lips before answering. "Sa susunod na linggo pa, sa a-sinco."
Tumango ito bago itapat sa isang malaking paso ang hose. Pinanood ko kung paanong
ininom ng lupa ang tubig.
"Anong naging sakit nya?"
Para akong napipilan sa tanong nya. No one asked me about that! Napako ako sa
kinatatayuan ko at ang mga mata ay nanatiling nakadirekta sa paso.
Napansin nya ata ang pananahimik ko dahil bumaling sya sa akin.
"Ayos ka lang ba?"
I swallowed hard before nodding. Siguro naman ay... ayos lang dahil... magkaibigan
sila. Tumingin ako sa kanya at ngumiti nang mapait. May kung anong bigat sa dibdib
ko na gustong kumawala. Si Ate Ivy lang ang matalik na kaibigan talaga ni Nanay at
dapat lang na alam nya ang nangyari.
"A-ate... kasi..." I trailed off.
She turned off the hose and hold my left shoulder.
"Sol, ayos lang. Huwag mong pilitin ang sarili mo."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at umiling.
"A-ate..." tuluyang tumulo ang luha sa mata ko. "N-nagbigti... sa kulungan si N-
nanay."
Hindi ko nakuha ang reaksyon nya dahil tuluyan ko nang tinakpan ang mukha gamit ang
dalawang kamay. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang pagyakap nya sa akin at
paghaplos sa likod ko.
"P-pasensya... Sol... pasensya..." paulit-ulit nyang tanong.
Hindi ko alam kung may dumadaan at nakikita kami dahil hindi naman ako nakatunghay.
Ramdam ko ang luha sa kamay ko dahil kahit ilang taon na ang lumipas... masakit pa
rin... na pinili nyang iwan ako para magkaroon ako ng sariling buhay na wala sya.
Gusto n'yang makalimot ako pero sa ginawa n'ya, lalo ko s'yang naaalala.
"Duke..."
I froze when I heard Ate Ivy calling him. Lumuwag ang pagkakayakap nya sa akin kaya
kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para punasan ang basang mukha.
Nakatalikod ako sa kanya pero alam kong alam nyang umiiyak ako.
"Ate Ivy... pwede ko bang makausap po sandali si Sol?"
I gulped harder when I heard his voice. It's soft and sweet... parang hindi s'ya
nanggaling sa ibang babae. I gathered all my courage and face him. Kahit may luha
sa mata ay nagawa ko syang tingnan.
"A-ah... s-sige! M-mabuti pa ay... pumasok kayo sa bahay! B-balik na lang ako
bukas, uhh, Sol..."
Marahan akong tumango kay Ate Ivy habang sya ay natatarantang umalis sa harap
naming dalawa ni Duke. Nang mawala sa paningin ko ang babae ay muli kong tiningnan
ang lalaki sa harap ko.
I sported my straight face. "Sa loob na lang tayo mag-usap."
Sumunod sya sa akin. Mabibigat ang hakbang na parang pagmamay-ari nya ang lugar.
Umupo ako sa couch at nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nasalubong ko ang
galit nyang mata.
"Upo ka." I said, trying to sound unbothered.
Tumala ito. Sinakop ng katawan nya ang single-seat na couch at muling tumingin sa
akin. His stares were intense so I cleared my throat.
"Bakit ka nandito, Duke?"
"Ikaw? Bakit ka nandito, Solene? Akala ko ba ay sa susunod ba linggo ka pa uuwi?"
he asked darkly.
I gulped. "Napaaga lang... wala namang mali roon... at hindi ko naman kailangang
magpaalam sayo, hindi ba?"
Tiningnan ko sya nang diretso sa mata para ipakita sa kanyang hindi ako natatakot.
Pinigilan ko ang sariling iiwas ang tingin nang makitang lumungkot ang mukha nya sa
sinabi ko.
He sighed and avoided my gaze. "N-nag-alala lang ako, Sol..."
"Ngayong nakita mong ayos na ako, pwede mo na ba akong iwan?"
Doon sya muling nag-angat ng tingin. Muling bumalik ang tapang sa mukha nya kaya
kinabahan ako.
Itinaas ko ang kilay at umayos ng upo. I've got the upperhand. I may love him more
than he loves me but... I won't give him the chance to know that.
"Isa pa, Duke..." I trailed off. Pinakiramdaman ko ang pagkabasag at pagguho ng
kung ano sa puso ko. It's happening again... and this time, I hope I can take it.
I looked at him. Sinaulo kong mabuti ang mukha nya hanggang sa bumalik ang mata ko
sa kulay tsokolateng mata nya.
"Let's stop..." I said clearly. "Babayaran ko sayo ang pagpapaayos mo ng bahay
namin... pero... tumigil na tayo. Tumigil ka na."
His breathing hitched. Ang sakit sa akin habang pinapanood ang mukha nya na daanan
ng iba't ibang emosyon... na naduduwag akong pangalanan.
He gulped, trying to control himself, before giving me a sad smile.
"I... will respect your decision, Solene... and there's no need for you to pay me.
I did it on my own will..."
Nag-iwas ako ng tingin sa sakit na naramdaman. Kinagat ko ang pang-ibabang labi
para pigilan ang sarili sa paghikbi.
Tango lang ang tanging naibigay ko sa kanya dahil hindi ko na kayang magsalita.
"Sol," he called me.
Nahihirapan akong tumingin sa kanya.
He pursed his lips before releasing a heavy sigh. "P-pwede ko bang malaman kung
bakit?"
I swallowed the lump on my throat. "A-alam mo ang rason, Duke. Don't deny it on my
face. Nahuli na kita." I snorted nervously. "Pwede ka nang tumigil sa pagpapanggap
na mahal mo ako..."
His eyes turned darker. "Anong sinasabi mo, Sol? I told you not to question my love
for you!" he uttered with an evident anger.
"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?! You can't go around saying you love me if
you're fucking other girls, Duke!" galit na sigaw ko.
Mabilis ang paghinga ko at ganoon din sya. He looks utterly offended but I saw what
I saw!
"Pahinga ko dapat ang araw na ito ngunit dahil nandito ka, mabuti pang klaruhin na
natin ang relasyon natin!"
"Is this about... Bethany?" he asked dangerously. "Iniisip mo bang may relasyon
kami, Solene?"
"Oo!" sigaw ko. "Hindi ko iniisip lang dahil nakita ko!"
"You don't trust me," nanghihinang saad nya. Ang kaninang inis na tinig ay
napalitan ng panglalambot. "I never once kissed her and you're saying we're having
sex? S'ya ang humahalik sa akin at lagi ko s'yang itinutulak palayo dahil
magkaibigan kami."
"Liar." I said. "Nakita kong hinalikan ka nya sa tapat ng unit nya at pumasok kayo
sa loob! Who knows what happened next?!"
Yumuko sya at umiling. "Maraming dumadaan at hindi magandang tingnan na ginagawa
namin iyon... hindi mo siguro nakitang lumabas din ako agad ng unit nya..."
Hindi ako nakasagot sa sinabi nya. Mabigat ang bawat paghinga ko at ang nanlilisik
na mata ay kumalma.
"You always doubt my love, Solene. Lagi ka pang... tumatakbo palayo sa akin..." he
chuckled before looking at me.
"Ang sakit mo namang mahalin."

Chapter 41

Last Chapter

"But, I won't stop... Solene. My feelings for you were too intense to control."

Nawala ang kabang bumalot sa puso ko nang marinig ang kasunod nyang sinabi.

"S-sabi ni Bethany..." tanging nasaad ko bago yumuko. Nawala ang tapang sa akin at
hindi ko man aminin, lumuwag ang pakiramdam ko.

"I can assure you that nothing's going on between us... and I'm sorry you had to
witness that. Wala akong gusto o plano sa kanya. We're friends but if she wants to
ruin us... I won't sit still."

Tumango lang ako at hindi na ulit tumingin sa kanya. Nanlalambot ako sa mga sinabi
nya.

"Sol..."

"Hmm?" hindi humaharap na saad ko.

"Do you want me to stop?" The way he said it is so gentle and sweet. It's like he's
making me swoon.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at mahinang umiling. I gulped, trying to


bring my heartbeat down to a bearable pace. Nakita ko ang pagtango nya nang
marahan. Siguro nga'y mahal na mahal ko ang lalaki dahil nawala agad ang agam-agam
sa puso ko.

"Now..." he sighed. "Why are you crying?"

"I just... remembered Nanay, Duke..."

Matapos sabihin iyon, tumayo na ako para makaiwas sa susunod nya pang mga tanong. I
want to strangle Bethany for making me believe that they're together! Ang kaso,
bakit naman ako naniwala? I even stopped him!

"Have you eaten?"

Tumango ako, medyo nakalayo na ako sa kanya pero alam kong kita nya iyon.

"Ikaw?" I nervously asked. "I can... cook."


"Really?" he asked, amused. Tumayo rin sya at dinaga ang puso ko nang lumapit ulit
sya sa akin. Itinukod nya ang kamay sa sandalan ng upuan sa mesa at tumitig sa
akin.

I raised my brow. "O-of course!"

"Okay... ipagluto mo ako, Solene."

Binasa ko ang pang-ibabang labi at nilabanan ang tingin nya. "Sa couch ka muna."

Akmang may sasabihin na ito nang pumasok sa bahay si Ate Ivy at dumiretso sa
kusina.

"Nagdala ako ng pagkain ni Duke! Wag ka nang mag-abala, Sol."

Kita ko ang pagpikit ng lalaki at pagpapakawala ng malalim na buntong-hininga.


Palihim akong napangiti bago balingan si Ate Ivy.

"Salamat, Ate... uhh... tuloy tayo bukas sa South, ha? Gumagana pa naman ang oven
dito."

She clasped her hands and smiled widely. "Oo! Gusto kong matikman ang
ipinagmamalaki ng The Slice!"

Tumingin sya kay Duke na ngayon ay mukhang masama pa rin ang timpla pero dahil sa
pagbaling ng matanda ay nagbigay ito ng maliit na ngiti.

"Thank you... Ate Ivy, sa pagkain."

Lumapit si Ate sa kanya at ipinaghila pa ng upuan. "Malayo ang pinanggalingan mo.


Mabuti pa ay kumain ka na."

Humilig lang ako sa hamba ng pintuan ng kusina at pinanood kung paano maglagay ng
pinggan at pagkain si Ate Ivy sa harap ni Duke.

"Bakit ka ba pumunta pa rito?" tanong ni Ate habang kumakain si Duke. Umupo sya sa
harap nito at kita ko ang ilang sa mukha ng lalaki.

Sumulyap sa akin si Duke kaya napaayos ako ng tayo.

"Nag-aalala lang po kay, Solene..."

Halos magkasabayan ang singhap namin ni Ate Ivy. She glanced at me as I bite my
lower lip to suppress a smile.

I cleared my throat. "Ayos lang naman ako rito... Duke. Hindi mo kailangang bumyahe
nang ganoon... katagal... dahil alam kong busy ka."

Ibinaba ni Duke ang kubyertos. "Hindi mo ako sinabihan na uuwi ka rito, Sol. Sinabi
ko naman sayo na sasamahan kita... gabi ka pa talaga bumyahe..."

"Oo! Umaga pa nakarating yan kaya alam kong pagod talaga!" sulsol ni Ate Ivy.

Nakatingin silang dalawa sa akin na parang malaki ang kasalanan ko.

"Tapos pagdating ko pa... naabutan kitang umiiyak..." he sighed as concern passed


through his eyes.
"Uhh..." I uttered. "T-tungkol lang kay Nanay..."

Tumango sya bago muling ibagsak ang tingin sa pagkain. Naaawang tumingin sa akin si
Ate Ivy kaya ngumiti lang ako nang maliit sa kanya. I want to tell her that I'm
okay now.

Nang matapos si Duke ay hinugasan pa nito ang pinagkainan. Hinayaan ko lang sya
dahil hindi naman sya nagpapigil. Ate Ivy bids us goodbye kaya kaming dalawa na
lang ulit ang nasa loob ng bahay.

We were sitting on the couch and we're both quiet. Parang pinakikiramdaman namin
ang isa't isa.

I cleared my throat because the silence is deafening.

"Umuwi ka m-muna... bukas na lang ulit tayo magkita." I uttered but when I saw his
eyes, I immediately panicked. "I mean, kung... gusto mo lang naman!"

Pinanood nya ako gamit ang seryosong mga mata kaya lalo akong kinabahan.

"W-wag na lang pala! May pupuntahan din naman kami ni... ano... ni Ate Ivy!"
natataranta ko pa ring saad.

Namula ako nang husto nang makita ang pagdaan ng paghanga sa mga mata nya. Parang
natatawa sya sa nagiging reaksyon ko.

"Gusto ko, Sol. Sasama ako sa inyo ni Ate Ivy bukas."

Dahan-dahan ang pagtango ko bago kalmahin ang sarili. Humilig ako sa upuan at
nakita kong may kinukuha sya sa bulsa nya. My eyes dropped on the red velvet box.
He opened it and I saw a gold bracelet with rose quartz as its pendant.

I swallowed hard when I dragged my eyes to him. His face is still so serious. My
breathing hitched when he stood up and went beside me.

"This is my gift, Sol."

Natulala lang ako. Inabot nya ang palapulsuhan ko at ikinabit doon ang bracelet. It
fits perfectly in my wrist and the color complimented my complexion.

"S-salamat, Duke..."

Tumitig sya sa palapulsuhan ko kahit na nakatitig lang ako sa kanya. His eyes were
beaming with intense passion and I can't take my gaze off him. He looked at it as
if my wrist is his most prized possession.

"Happy birthday..." he uttered softly before dragging his eyes on me.

Kinabukasan ay iyon agad ang tiningnan ko pagkagising. The sun is shining brightly
through the curtains on its background but my eyes were fixed on the rose quartz
pendant... as if amazed by its beauty.

Magkano kaya ito?

I chuckled and did my morning routine. I'm excited to see Duke again. Hindi ako
masyadong pinatulog ng ibinigay niyang regalo.

Nagbihis ako dahil pupunta kami sa South. Nang mag alas nuebe ay namataan ko nang
pumapasok sa loob ng bahay namin si Ate Ivy.
"Tara na?" tanong nya habang nakatingin sa akin.

I pursed my lips. "Sasama raw po si Duke, Ate."

She gave me a teasing look before grinning. "Akala ko ba ay babastedin mo na?"


nang-aasar na tanong nya.

My cheeks flushed. "Hindi po pala, Ate... mali ako ng akala sa kanya."

"Hmm, sa babae ba?" tanong nya ulit.

Nahihiya akong tumango bago yumuko. Lagi na lang sa mga babae ni Duke ako
naiinsecure kahit na hindi naman ako ganoon!

"Gwapong bata si Duke, hija..." she said. "Maraming babae talaga ang maghahabol at
maghahabol d'yan lalo at may napatunayan na sa buhay... pero sa nakita kong
pagpupursigi nya sa'yo, alam kong seryoso sya at mahal ka talaga."

I sighed as I let her words drown me. I love him, too... and I'm just waiting for
our moment to come. I don't have the courage to tell him my feelings but I hope
that the radiance of sun has.

"At isa pa... gusto sya ni Yella para sa'yo."

Napaangat ako ng tingin sa kanya, nagtatanong ang mga mata.

She smiled at me. "Lagi ikinukwento ng Nanay mo ang pagkakagusto mo noon kay Duke
at kung may aaprubahan daw syang lalaki sa buhay mo, paniguradong ang manliligaw mo
iyon..."

Uminit ang puso ko sa narinig. I don't know why that seems to be the trigger for me
to confess my love to him.

"S-sasagutin ko po si Duke, Ate... pero hindi lang dahil sa gusto sya ni Nanay para
sa akin kung hindi dahil... mahal ko po sya. H-hindi ko lang po alam kung paano
sasabihin sa kanya pero... totoong mahal ko po si Duke at alam ni Nanay iyon."

She let out a sigh of relief and smiled. Her eyes directed to my back and I felt
myself froze when I found out that Duke is just right behind me!

Ate Ivy cleared her throat and looked at me nervously.

"Iwan ko muna kayo, Sol, Duke..."

I want to slap Ate Ivy so bad! Umalis ito sa harap ko at narinig kong sinarado pa
ang pinto na akala mo ay may manggugulo sa amin ni Duke. Parang may kabayong
nagkakarera sa puso ko nang mapagtantong kami lang ang nasa bahay at narinig nya
ang sinabi ko!

Namumula akong humarap sa kanya. Sinalubong ko ang seryoso at parang galit nyang
tingin. Gustuhin ko mang gayahin ang ekspresyon nya ay hindi ko magawa dahil sa
kaba!

"K-kanina ka pa ba d'yan?" nangangatal na tanong ko.

He took a step forward and I swear to God, my insides were screaming! Napako ako sa
pwesto ko kaya halos isang metro na lang ang layo namin sa isa't isa. Niyakap agad
bango nya ang ilong ko.
"Ang dami kong gustong sabihin, Sol," hirap na hirap nyang saad, seryoso pa rin ang
mukha at magkasalubong ang dalawang kilay. "Pero... mahal mo ako?"

Nalaglag ang puso ko sa tanong nya. Bakit gulat na gulat ka, Duke? Am I incapable
of loving you?

I wasn't able to answer. I can't process any word to say.

Lalong nagdilim ang paningin nya at parang naputol ang pasensya. "Mahal mo nga
ako?"

I gulped as I slowly nodded. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tiningnan na lang ang
mga daliri ko. Maybe I should get my nails... polished? or should I buy a ring?

I think of all the possible thoughts to face Duke. Pulang-pula panigurado ang mukha
ko sa hiya. I almost reject him yesterday and now, he heard me saying I love him!
What a clown, Solene!

Lalo pa syang lumapit sa akin at halos magdugo na ang pang-ibaba kong labi sa tindi
ng pagkakakagat ko rito. Mula sa pagkakahawak ko sa mga kamay ko, nakita ko kung
paano nya marahang abutin ito para makuha ang atensyon ko.

I look up to him and I saw love in his eyes. His brown eyes were drowning me and I
have no intention to swim my way up. Hinayaan ko ang sarili kong mahulog nang mas
malalim pa sa kanya.

"Mahal mo 'ko?" he whispered lowly.

I pursed my lips and released a deep sigh. There's no point of denying it now. Isa
pa, isn't this what I wanted? I trust and love him. What's more to lose? Wala na
akong agam-agam kay Bethany at handa akong harapin sya pagbalik namin ng Maynila. I
gulped and nodded.

"Oo, Duke."

"Hmm?" he asked, not satisfied with what I've said.

"M-mahal kita." I felt a slight blush creeping up my neck.

He shifted his weight and leaned a little closer to me. He's still holding my hands
as if his life depended on it.

"Mahal na mahal din kita, Sol."

He stared at me with love and longing in his eyes. Para akong nakaharap ngayon sa
inosenteng Duke na minahal at patuloy kong minamahal.

I don't know what happened to me but an urge to kiss him suddenly pushed me to my
limits. Tumingkayad ako at inabot ang labi nya. And he is so attentive! He
enveloped the small of my waist to hold me in place.

When my lips touched his, my world stopped. We're not moving. We're just feeling
each other's familiar warmth. My eyes were closed and his soft lips are the only
ones that matter to me. They're cold, tender and they smell like mint. His hands on
my waist are trying their best to hold me with control.

Nang maglayo ang labi namin, ipinatong nya ang noo sa akin... gaya noong nasa tapat
kami ng dagat habang lumulubog ang araw. Ngayon naman, ang mataas na araw na
lumalampas sa bintana ng bahay namin ang naging saksi. It's always the sun... the
warmth.

"T-thank you, Sol..." he uttered before closing his eyes. "A-ang saya saya ko..."

My arms were in his nape for support. Ipinikit ko rin ang mga mata at hinayaan ang
sarili na mahalin sya.

"N-no." My voice was slurred. "Thank you." I added with so much sincerity. "Thank
you for not giving up on me. Thank you for helping me even without me, asking for
it."

Bahagya syang lumayo sa akin kaya nagmulat ako ng tingin. Nasalubong ko agad ang
mata nyang nakatitig din sa akin. In his arms, I felt something I wasn't able to
grasp for the past years... the comfort of home... the security and love.

"Thank you for not giving up on your dreams, Sol... sobrang saya kong panoorin ka
habang inaabot mo ito..."

I shook my head. "It took me years, Duke. Hindi kagaya mo."

He brushed my cheeks with his thumb. "It doesn't matter how long your journey was.
Ang mahalaga, narating mo... at ngayon, kasama mo na ako ulit."

"You're successful. You handled a lot of projects and you're making your way to the
top. Hindi gaya mo, malayo pa ang lalakarin ko. You can get anything you want,
Duke." I said with conviction.

"We have a long journey ahead of us and we will walk it hand in hand together.
Don't belittle yourself, Sol. You can shine alone and it's terrifying that you need
no one in life. You're my sun. You will always be unreachable to me."

Tumulo ang luha sa mata ko sa sinabi nya. How can I be unreachable to someone this
high?

He holds my hand and in the warmth of his palms, I knew I am home.

Epilogue

"Duke! Tingnan mo 'yung bata, nanonood na naman!" ani Kuya Sean bago ituro gamit
ang kanyang nguso ang bintana ng katapat naming bahay.

I saw a girl my age and her eyes were puffy. Her hair is brownish and her skin is
fair. One look and you'll know that she's beautiful... but dirty. Magulo ang buhok
at may dumi pa sa mukha.

Halos isang taon na rin simula nung lumipat sila rito pero hanggang ngayon ay hindi
lumalabas ang batang babae. Parang laging nakakulong lang sa bahay.

"Kaya siguro maputi..."

"Ha?"

Tumawa ako kay Kuya Sean at umiling. "Hayaan mo na yon! Mukhang madungis!"

Our days went on like that. Madalas ay nahuhuli ko ang batang babae na nakatingin
lang sa amin ni Kuya at nanonood mula sa bintana.
Until that one sunny day.

Kalalabas ko lang ng bahay. Wala si Kuya Sean kaya medyo masama ang loob ko dahil
wala akong makakalaro. Still, I went outside our house to play under the sun. I was
having my alone time when my eyes drifted to the girl who's making her way out of
the wooden fence. Dahil magkatapat lang ang bahay namin, ako agad ang nakita nya
pagkalabas.

She's wearing a big old shirt that falls on her knees. Nakasuklay nang maayos ang
buhok at hindi alintana ang pagtama ng araw sa balat nya... she's smiling a little
as if the sun is beautiful and refreshing.

I was shocked when my snobbish aura didn't intimidate her. Lumapit ito sa akin at
nagpakilala.

"Hi, ako si Sol."

That started our friendship. Hindi sya pwedeng lumabas lagi dahil nalaman kong
sinasaktan sya ng tatay nya kaya minsan, pati ang pagligo ay masakit para sa mga
sugat nya. May mga kapitbahay kaming inaasar ito dahil madalas itong marumi kaya
tuloy, madalas din ang pakikipag-away ko.

"Palibhasa, hindi nyo alam ang nangyayari! Oo, marumi si Sol pero hindi naman sya
pangit kagaya nyo!"

"Ang sabihin mo, crush mo lang 'yon!"

"Oo nga, Duke! Sayang ka at ang pangit ng taste mo!"

Nag-init ang ulo ko sa mga paratang nila. Hindi ko sya crush! Ayoko lang na inaaway
sya dahil nakakaawa ang lagay nya! Hindi ko na sila pinansin at hinayaan na lang na
laitin ako kaysa si Sol ang pag-usapan nila.

Alam din nina Mama ang nangyayari sa pamilya sa tapat ng bahay namin kaya nang
maghiwalay ang mag-asawa, agad kong pinuntahan si Sol para samahan. Ang kaso, imbis
na malungkot, nakita ko ang ngiti sa labi nya.

"Wala nang mananakit sa amin ni Nanay, Duke."

After that incident, she seems to appear like a normal kid. Madalas makipag-away sa
mga kapitbahay naming bata rin at napapailing na lang ako sa mga gulong pinapasok
nya.

"Oh, ano ngayon kung labandera si Nanay? Hindi pa rin nya kayang pabanguhin ang
hininga mo, Elena!" pakikipagtalo nya sa babaeng kaedad din namin.

Nasa likod nya lang ako... sakaling may mangyaring kung ano sa kanya. Hindi nga ako
nagkamali nang sumugod ang kaaway nya at imbes na braso nya ang makalmot, ang likod
ko ang sumalo sa pasakit ng kaaway nya.

Hindi pa rin sya tumitigil kahit na nakayakap na ako sa kanya.

"Guilty ka kasi totoo! Ang mura mura lang ng toothpaste!"

I tried to tell her not to get herself in trouble but she would always say that she
can't let those girls bully her just because they're poor. At dahil hindi ko sya
mapigilan, sinasamahan ko na lang sya para protektahan. Ilang ulit nya nang sinabi
na kaya nya ang sarili nya ngunit hindi ko kayang maupo lang dahil alam kong kahit
saan sya dalhin ay kung sino-sino ang nakakaaway nya.

"Duke, tingnan mo ang isinulat ni Solene sa crush nya sa slambook!" sigaw ni


Denise, kaklase namin.

"Ang epal mo!" sigaw ni Sol habang inaagaw ang slambook sa babae.

Kinabahan agad ako nang marinig iyon. Ano't natututo nang magkacrush si Sol? Hindi
pa pwede! She's too young for that!

Nakakunot ang noo kong lumapit sa pwesto nila. Dahil may katangkaran, mabilis kong
naagaw ang pinagsulatan ni Solene.

I gulped as I saw her beautiful handwriting. Maliit, malinis at pantay-pantay. My


eyes dropped on the 'who's your crush' part and my heart started thumping when I
saw my name written on it.

Binalingan ko si Sol at nakitang pulang-pula na ito sa hiya. Hindi ko alam kung


totoong crush nya ako pero masaya ako na pangalan ko ang isinulat nya.

"Crush mo 'ko?"

She glared at me and I admired how beautiful she is.

"Ang kapal mo! Wala lang akong ibang kilalang pwedeng isulat!"

We literally grew up together. Normal na ang yakapan sa amin. Maging ang paghahawak
ng kamay ay napakanatural.

"Favorite mo ang cheesecake?" tanong nya sa akin isang hapon habang nakatambay kami
sa bench at inaantay si Mama para sunduin kami.

"Oo! Kung mag-aasawa ako, gusto ko sana ay 'yung marunong gumawa noon! Pero pwede
rin namang hindi dahil bibili na lang kami..." natatawang saad ko. It's funny how
comfortable I am whenever I'm with her. Kaunti lang ang lumalapit sa akin dahil
hindi naman ako mukhang palakaibigan.

Kay Sol naman, kaunti lang ang lumalapit dahil lagi syang nakikipag-away.

Since that day, I saw her investing her time learning how to bake. We're only 12
but she said she'll be a pastry chef or baker someday. That's the only thing that's
soft in her personality. Magaan ang kamay nya sa paggawa ng pastries pero mabigat
ang kamay sa pisikalan.

She's the most beautiful woman and I can't believe she's my prom date. Narinig ko
na sa mga kaklase kong lalaki na aayain nila si Sol bilang date nila at hindi ko
nagustuhan iyon.

"Bakit? May iba ka bang inaasahan na magiging date mo?" nakasimangot kong pahayag
sa kanya.

She pouted cutely. "Hindi naman. Ikaw ba? Ayaw mo bang sumubok sa iba? Maraming
nagkakagusto sayo."

I shook my head. "Tayo na lang."

She blushed a little and gave me a thumbs up.

She wore an elegant red evening gown and I thanked God my batchmates were too shy
to ask her for a dance! Hindi ko na rin sila binigyan ng pagkakataon dahil ako lang
ang isinayaw nya noong gabing iyon. Kahit pa noong nanalo ako bilang prom king, sya
pa rin ang isinayaw ko. I heard boys talking about her but they didn't have the
opportunity to saw her up close.

When we graduated senior highschool, nagulat ako nang sabihin nyang engineering ang
kukunin nyang kurso.

"Bakit?" tanong ko. "You should study more about baking. Hindi ba't iyon ang gusto
mo?" She shook her head. "Di pwede. Saka na 'yon. Wala kasing pera sa ganoon, Duke.
Paano ko tutulungan si Nanay?"

I have a lot to say but in the end, I supported her. She's street-smart but not so
much in academics. Nahirapan sya sa subjects namin kaya ilang beses ko rin syang
tinutukan.

Trust me when I say that Sol is the kindest woman I've ever met. Kahit pagod na
pagod galing sa school, lagi ko syang nakikitang tumutulong kay Tita Yella na
maglaba at magsampay. Lagi rin itong nakangiti kasama ang ina kaya alam mong masaya
sya sa ginagawang pagtulong.

She loves Tita Yella so much. Kung sa iba ay matigas at palaban lagi ang anyo nya,
pagdating sa nanay, para syang ibang tao.

And that's what I saw in her.

She celebrated her debut we prepared for her. Kahit na inaasar-asar nya ako nung
gabing 'yon, kita ko ang pagtulo ng luha nya noong nakatingin sya nang mag-isa sa
birthday cake nya. She always wears a strong facade but her eyes are the most
honest ones.

Kita ko roon ang paghanga noong magpakilala si Mitzie sa klase. Pinapanood ko lang
sya habang ang lahat ay tutok sa bagong babae. She seems amused and delighted.

"Kita mo 'yung babae sa likod? Maputi, brown ang buhok, maganda..." tanong ko kay
Mitzie.

Lumingon doon ang babae at tumango. "Bakit?"

"Mahina sa science at math 'yon pero magaling syang magbake at mabait." I smiled
comfortably at her. "Sana ay maging magkaibigan kayo. She doesn't have any girl
friends but she's a great person."

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako may napagkatiwalaang tao para maging kaibigan
ni Sol. Marahil siguro sa nakita kong paghanga ni Sol kay Mitzie kaya ko sinabi
iyon.

Noong nakaraan lang ay may inireport ako sa admin dahil nabalitaan kong binastos na
naman sya. Her nude photos are all over our campus and we can all tell that those
aren't hers! Inireport ko rin si Roswell dahil sa ginawa nyang iyon.

Solene always thought that people are badmouthing her. Hindi nya naririnig ang mga
papuri sa kanya ng iba gaya ng pakikipagtalo nya sa mga school bullies kapag may
inaaway ang mga ito at noong nanalo sya bilang Miss Engineering.

"Walang makapanligaw d'yan, akala ay may relasyon kayo," natatawang saad ni Troy.

Ipinagpasalamat ko iyon. Hindi pa ako handang makitang umiibig si Sol. She's always
so precious... I feel like no one deserves her.
Not even me.

Things got messed up when I found out that Kuya Sean likes Mitzie. I mean, yeah,
the girl is beautiful and smart. She's my ideal girl, to be honest. Mahinhin tapos
magaling pang kumanta.

Nagkaroon ako ng interes sa kanya hindi dahil gusto ko sya para sa akin kung hindi
dahil nagustuhan sya ni Kuya na ang alam ay puro aral lang. Noong sabihin ko tuloy
sa kanya na lalaban kami ay kung ano-ano na agad ang paalala nya na akala mo ay
kasintahan nya ang babae.

Nang nasa library kami ni Mitzie para mag-aral, dumating si Sol na nakabusangot. I
have to keep my eyes away from her to refrain myself from staring. I was drained
when we finished reviewing our notes. Ngunit isang tingin ko lang sa nakangiting si
Sol, para na akong natunaw.

It made me confused and mad.

"Tinanong ko lang naman kung pwedeng sa ibang araw na lang ang pamimili at
pagbabake mo dahil sigurado naman akong hindi iyan importante!"

I immediately regretted saying it when I saw how pain passed through her eyes. I
tried explaining to her but my words were useless. Nagsisi ako dahil nasaktan ko
sya. I ought to protect her but I hurt her.

Still, she makes it up to me. Sya pa rin ang gumawa ng paraan para magkaayos kami.
Iniiwasan ko sya dahil hindi na maganda ang nararamdaman ko sa kanya. I don't want
to name it but my feelings are uncontrollable.

Things got even messier when I found out that Mitzie is pregnant with Kuya's child.
Hindi pa nakatulong na binubugbog ito ng sarili nyang ama. Nanumbalik sa akin ang
panahong puro sugat si Sol at wala akong magawa dahil masyado pa akong bata.

Lagi akong nasa tabi ni Mitzie na unti-unti na pala akong nawawala kay Sol.

"Si Sol oh..." bulong ni Mitzie sa akin habang nasa jeep kami.

Bumilis agad ang tibok ng puso ko at sumulyap sa itinuro nya. Nakita kong
nagpapaulan si Sol kasama si Harvin. Gusto kong bumaba para pigilan ito ngunit
malaki ang ngiti sa labi nya na parang masaya sya... doon ko rin napagtanto na may
hawak itong kahon na naglalaman ng cheesecake na sa pagmamadali ay nailaglag ko
kanina sa sahig ng classroom.

"Mukha ka nang bruha!" narinig kong malakas na sigaw ng lalaki na parang walang
ibang nakatingin sa kanila. "Kumalat na ang mascara mo!"

"Ayos lang yan, maganda pa rin ako!"

I was hurt with what I saw. Solene always wants to run in the rain because she
never experienced it as a child. Nakita ko kung paanong alalayan ni Harvin si
Solene hanggang sa lumampas na ang jeep na sinasakyan namin sa kanila.

That same day, I admitted I fell in love with her.

Nang malaman kong nilalagnat sya, ginawa ko ang dating gawi namin. I went to her
house and took care of her... only for her words to stab me. She doesn't want me
anymore. She's so strong to give up on us.
"Do what you want, Duke. Hindi na kita haharangan."

Her words hit like a fucking train. Gusto kong sabihin sa kanya na may karapatan
syang harangan ako dahil kaya nya akong kontrolin. I want to tell her my feelings.

And I did. It was the best decision I've ever made in my entire life. We show our
love for each other in our own ways. We were happy and contented. Those were one of
best moments I will treasure for the rest of my life.

Hindi mababayaran ang takot at pangamba ko nang hindi sya nagpakita. Lagi akong
nakatanaw sa bahay nila dahil alam kong naroon lang silang dalawa ni Tita Yella.
Nang pumasok sya sa school para magtake ng battery exam, saka lang ako nakahinga
nang maluwag.

"Nandito lang ako... lagi para sayo..." I told her.

Pero laging mali. Laging may balakid. My heart got broken when she failed the
battery exam. I wanted so bad to comfort and hug her... but I didn't. Instead, I
ran after Mitzie to calm her down. Nasa isip ko noon, mas kaya ni Sol dahil hindi
naman mahina ang loob nya. Isa pa, Mitzie has suicidal ideation and my nephew was
inside her stomach. I chose to run to her because of the child.

"Tangina, may nasabi ako kay S-Sol..." I whispered to myself. "Tangina, mali ako.
May nasabi ako..." Mas hindi inaasahan ni Mitzie ang pagbagsak? What the fuck am I
thinking? "H-hindi ko dapat sinabi 'yon..."

I regret it so much. I hurt Solene again. Just when I was about to make it up to
her, everything got tangled up. Ang hirap. Ipit na ipit ako. Hindi na ako makapag-
isip nang tama. Gusto kong layasan na lang ang lahat at isama si Solene para
matahimik na kami.

"Duke, bro! Magpapakamatay ata si Mitzie!" ani Calix sa akin sa telepono.

Naging mabilis ang pagkilos ko. Ni hindi ko na nasabihan ang mga kakilala o
kaibigan dahil sa pagmamadali. Marami nang tao ngunit walang pumipigil sa babae.
Kita kong may malaking foam sa baba ng building para kung sakaling matuloy ang
pagtalon ay ligtas pa rin ito. Ngunit hindi ko maiwasang mag-alala sa dinadala
nitong bata. Kuya Sean is messing things up!

"Stop acting like you care for me, Duke! Kay Solene ka lang may pakealam!"

"I care for you, Mitzie. Alam mo yan," pang-aalo ko.

"But you love her more!" Sigaw nya. "Hindi naman kita gusto pero dahil kang nandyan
para saken, hindi ko maiwasang mahalin ka! Dahil lagi mo akong pinipili kumpara sa
kanya, nahuhulog ako sayo!"

Pinigilan ko ang sarili na magpakita ng kung anong reaksyon. She's with my brother!

"Do you love her?!" tukoy nya kay Sol.

I want to tell the truth but I'm afraid it would trigger her more.

"N-no, Mitz, I-I don't love her..."

I swear to God, I didn't mean it. I love Solene more than my own life! But I have
to deny it. I have to calm and tame her. Pamangkin ko ang nasa loob ng tyan nya at
hindi ko kakayanin kung may masamang mangyayari sa bata.
I said words I could never take back. She's insecure of Sol... my love... but she's
in the verge of death and I can't afford seeing her in that state when I know I can
do something.

My world crumbled down when I found out that Sol is listening with whatever
bullshit I was saying. My trembling hands reached hers but she shoved it away.

"Girlfriend mo ako pero ilang beses mo nang ipinaramdam sa akin na mas mahal mo si
Mitzie..."

It crashed me. I love Sol so much but I started discarding her. I was wrong. I was
fucking wrong. But that was the only thing I could do that time! A life was at
stake... my nephew's life was at risk.

"Sol... hindi..." umiling ako nang paulit-ulit. Walang ibang lumalabas sa bibig ko
dahil sa halo-halong emosyon. Nangingibabaw ang takot dahil alam kong masisira kami
pagkatapos nito... and I will bleed.

I wanted to tell her that she's the best for me, the most beautiful and all but
words failed me. Habang pinapanood ko syang umiiyak ay tumutulo rin ang luha sa mga
mata ko, walang pakealam sa mga estudyanteng nanonood.

"Ang galing mo!" sigaw nya sa akin. "Para iligtas sya, kailangan mong lunurin ako!"

Para akong sinasakal habang sinasabi nya iyon. No, baby, I didn't mean that. I love
you so much...

I saw her gulped. "Maghiwalay na tayo."

And that's how I ruined my life. Nawala sya matapos ang gabing iyon. I spent my
nights on bars to drink liquors because I always see her face in my room. She left
me and I fucking deserve it!

I regret it. I regret it so much. But it will never be enough. I inflicted pain to
the most precious woman and I deserve to be hurt like this.

Inalala ko ang mga oras na madalas ko siyang isantabi para kay Mitzie at sa
kapakanan ng bata sa loob niya. I should've told her what's going on, but I cannot
think straight that time. My thoughts were clouded by Mitzie and her suicidal
ideations. Natatakot akong baka mawala ito at ang pamangkin ko sa oras na hindi ko
ibigay ang kailangan niya.

This is the punishment I have to endure for choosing the well-being of Mitzie and
my nephew.

Minsan ay naiisip ko na sana ay hinayaan ko na lang silang lahat at nag-focus na


lang kay Sol pero hindi kaya ng konsensya ko ang tumunganga lalo at may batang
involved.

I was mad at everyone. Kay Kuya Sean, sa pagiging gago. Kay Mitzie, sa pagsasalita
ng masasakit kay Sol at higit sa lahat, sa sarili ko, sa hindi pagmamahal nang tama
sa kanya.

Sa tapat ng bahay nila ako madalas... umaasang bigla syang magbubukas ng pinto.
Wala na akong pakealalam kahit hindi sya maging akin... basta nakikita ko sya. Ayos
lang na hindi ko sya maabot basta alam kong nasa paligid lang sya.

Pero hindi. She vanished.


"Anak, nakausap ko ang dean nyo, kaunti na lang ay mawawala ka na sa candidates ng
mga makaka-receive ng latin honor."

That seems to push me back to my track. A year later, I found myself apologizing to
Troy because he was seriously mad at me for hurting Sol. I was mad at myself too
but now, my inspiration to do better will be her.

"Buti at natauhan ka. Sayang ang pag-aaral mo at ikaw lang ang minamatang Magna Cum
Laude ng batch natin," ani Mitzie sa akin.

Naging ayos din kami. Mahabang usapan iyon kasama si Kuya pero hindi ko na
masyadong pinagtuunan ng pansin.

"Ayokong pagbalik ni Sol ay maaabutan nya ako nang ganoon. Hindi sya matutuwa..."

She dropped her eyes on her phone. I know that guilt and regret are eating her
system. Naging matalik din silang magkaibigan pero dahil sa nangyari ay nawala ang
babae.

I graduated with latin honors. My family and friends were happy for me. Umuwi rin
si Papa para sa graduation ko at naayos ang gulo sa pamilya namin tungkol sa
pambababae nito. It was like a mini reunion.

Pero kahit anong gawin ko, hinahanap ng mga mata ko ang isang babae na may kulay
tsokolateng buhok, maputing balat, masungit na mukha at mainit na ngiti... but
again, she isn't here.

I earned money to renovate their house. I did it secretly because I don't want
people to think about it. I hired Ate Ivy to maintain the cleanliness of the area.

It was hard. Hindi pa ako malaki kumita pero ayun ang unang-una kong ipinagawa.
This place was special for her... and I wanted to do something for her. Kahit sa
ganitong paraan lang.

Five years after her disappearance, Mitzie rushed towards me.

"May page pala si Sol! She's a baker now! Wala pang sariling shop pero maraming
customers!"

Agad kong tiningnan ang hawak nyang cellphone at nag-init ang dalawang sulok ng mga
mata ko nang makita sya sa larawan.

I caressed her cheeks as if those were real.

"My Sol..." I whispered to myself. She's smiling widely at a customer while holding
a medium-sized cake.

I became her constant follower since that day. Sa dami siguro ng followers nya ay
hindi nya na napansin ang pangalan ko. I always visit her page to see updates of
her. Hindi sya nagpopost ng picture nya. Talagang mga niluluto nya lang ang
ginagawa nya.

Call me a creep but I watched her from afar. Hindi ako makalapit dahil bukod sa
naduduwag pa ako, wala pa akong napapatunayan. Oo, engineer na ako ngunit hindi pa
ako nabibigyan ng magandang break.

At hindi ko pa kayang lumapit dahil nahihiya ako. Masyado ko na siyang nasaktan.


Masyado ko na siyang nadurog. I have no right.
But my heart just longed for Solene. Her contagious smile, warm hugs and silly
jokes.

"I'm Bethany... you're Engr. Laurence, right?"

Inabot ko ang palad nya at bahagyang napangiwi sa itinawag nya sa akin.

"Call me Duke."

She grinned. "Okay, Laurence."

Bethany somehow reminds me of Sol. Mahilig ito sa chicken curry at magaling din
magbake. She got my interest at first but it was shortlived. Napagtanto ko rin agad
na wala akong ibang gusto kung hindi si Solene.

"I'll go to Amsterdam and you'll come with me!" bungad nya sa akin isang umaga sa
opisina ko.

Binasa ko ang pang-ibabang labi at umiling. "Busy ako, Beth. Marami pa akong hindi
naaayos na blueprints."

It was partly true. Ngunit ang pinaka pinagkakaabalahan ko ay ang nalalapit na


pagharap kay Sol. I was promoted as head engineer at sa akin inassign ang malaking
tulay at shortcut ng Las Islas hanggang La Union. It was a huge project and many
engineers envied me.

Nagbukas ng shop si Sol at nagbabalak akong pumunta sa grand opening nito.

"Ganon?" malungkot na tanong ni Bethany.

I nodded. I have a lot on my plates right now.

But when I saw Sol's update about joining an international convention on Amsterdam,
I immediately texted Bethany.

Me:
I will go with you.

Bethany:
Yay! Ang lakas ko talaga sayo!

"I had a childhood friend who loves eating cheesecakes so I started learning
baking." Solene said in an interview.

I know it was me. I'm her only childhood friend who loves cheesecakes. The familiar
warmth embraced me as I remember the young version of her, learning how to bake
because I said I love cheesecakes.

Kitang-kita ko ang pagguhit ng gulat sa maganda nyang mukha nang ipakilala ako ni
Bethany. Kahit dinadaga ang dibdib ko, pinanatili ko ang seryosong mukha.

Our meetings in Amsterdam aren't the best because she pushes me away every damn
time! I get it but I'm still human! My heart didn't take it lightly when I heard
her talking to a guy named Atreus and her voice sounded so nice. Ilang mura ang
pinigilan ko dahil sa mga napagtanto.

Maaaring wala itong kasintahan ngayon ngunit sigurado akong maraming nag-aabang sa
kanya.
Still, I pursue her. I courted her because this is the only chance I got. I love
her that even if I see her being comfortable with Atreus, I endured it.

"Don't even think of flirting with Sol," paalala ko kina Tim, James at Angelo nang
utusan ko silang bumili ng merienda namin.

They exchanged a knowing look and grinned. "Si Angelo ang may gusto kay Miss Sol,
Engineer!"

Takot na umiling si Angelo sa akin lalo at nasalubong ang tingin ko. Kung pwede
lang ay ako na ang magpupunta roon para makita na rin si Sol. Ang kaso lang ay mag-
iikot ang mga architect sa site at kailangan ko silang samahan.

Bethany found out that I'm courting Solene and she isn't happy with it. Nagulat pa
ako noong minsang pumunta ito sa unit ko nang lasing.

"Beth, umuwi ka na sa inyo. Ihahatid na kita."

Umiling sya. "No! You break my heart, Laurence! Para ka ring si Atreus!"

Inalalayan ko sya patayo mula sa couch ko ngunit kinuha nya ang braso ko. Dahil sa
gulat ay napahiga ako sa katawan nya. Nang hinalikan nya ako ay mabilis akong
umalis sa ibabaw nya. Galit na galit akong tumingin sa kanya ngunit nakapikit na
sya at parang natutulog.

Hindi lang iisang beses nangyari iyon. May isang beses na kahit hindi sya lasing ay
hinahalikan nya ako. My reaction is consistent. I always push her away. Para sa
akin ay kaibigan ko ang babae at wala dapat mamagitan sa amin. Isa pa, nililigawan
ko si Sol at hindi magandang tingnan na ginaganito nya ako.

Sol?:
si atreus na ang maghahatid sa akin, don't bother

Nasa labas na ako ng shop nya nang itext nya iyon. I saw her being guided by Atreus
towards his car. Bumigat ang loob ko dahil ito ang pinili nyang maghahatid sa kanya
kahit na ako ang nauna.

Nagulat ako nang malamang sa Laguna rin pala ang delivery nito at kina Kuya Sean
pa! That night, I fell harder. Kahit na nalaman ko ang mga pinagdaanan nya sa
interview nya sa Amsterdam, nasasaktan pa rin ako lalo at narinig kong nabastos
sya.

"I don't need you here... umuwi ka na..."

Her words linger but I know she's deeply affected by Atreus' accident. Those days
were painful. Nilimitahan nyang makipagkita sa akin ngunit dahil hindi ko kayang
wala akong ginagawa para sa kanya, pagkatapos sa trabaho ay magluluto ako para
ibigay sa guard. Kapag hindi masyadong busy, tumutulong ako sa shop nya dahil hindi
na sya nakakapasok.

"Naku, Engineer, 'yung nililigawan mo, may ibang inaalagaan."

My forehead creased at the terms used. "Kaibigan nya iyon, Tim. Natural lang na
nandoon sya habang nagpapagaling ito."

"Hirap magmahal nang ganyan!"

I ignored his remarks. Hindi ko na rin masyadong makausap si Sol kaya inasikaso ko
ang pagfifile ng kaso laban sa nambastos sa kanya noon.
Sol?:
I'm sorry to say this to you, Duke, but you should stop pursuing me. Pasensya na
kung hindi ko sa personal nasabi ito sayo pero sa paggising ni Atreus, sasagutin ko
na s'ya.

That ended me. Para akong bumalik sa dating gawi na puro inom ang ginagawa para
makalimot. I love her so much but she doesn't want me anymore. She loves someone
else now.

Gusto kong maging makasarili at ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya ngunit hindi ko
kayang pagkaitan sya ng kasayahan na matagal nya na dapat nararanasan. Masakit
dahil alam kong tuluyan na akong nawalan ng pag-asa para maipakita sa kanya ang
pagmamahal ko.

I went to Greece. Kinumbinsi ko ang sarili na dahil iyon sa offer na pagrerenovate


sa pinakamalaking tulay pero alam kong para sa kanya kaya ako umalis. Her predator
is wandering around this place and I have to track him down.

Isa pa, ayokong makita sya na may kasamang... hindi ako.

Masaya na siya. Ayun naman ang hiling ko, hindi ba? Kahit hindi sa'kin. Ang
mahalaga, masaya siya. After everything that happened to her, she deserves to be
happy. Even if that happiness no longer includes me. Pwede ko naman siyang panoorin
na lang ulit... mahalin nang palihim.

For months, I busied myself with work and her case. Pumunta pa si Bethany sa Greece
para iparinig sa akin ang testimonies ng ibang biktima. I tried focusing on her
lalo at nagbibigay sya ng motibo ngunit hindi ko talaga kaya. Pakiramdam ko ay may
niloloko ako.

"Come on, Laurence... we're both single." She uttered in a very sexy voice.

Bethany is beautiful. Her features are soft but with her red and plump lips, you
will know that she isn't a typical soft girl.

I want to try but I didn't. My thoughts were clouded by Sol and my love for her.
Pakiramdam ko ay hindi ko na kayang magmahal.

"Gago ka! You're cheating on her?! With her friend?! Sol doesn't deserve an asshat
like you!"

Nakaupo na sa semento si Atreus dahil sa lakas ng suntok ko. Nagdilim ang paningin
ko nang makitang may kalandian ito sa mall. At buntis pa talaga! Kaya siguro pansin
na pansin ko ang lungkot sa mata nya nung nasa club kami... hinayaan nya pang may
gagong humalik sa kanya.

Nagdadalawang isip pa ako noong una kung sasabihin ko iyon kay Sol pero sa dulo ay
sinabi ko rin. And her revelations shocked me.

Me, being the smitten piece of a crap, I tried again. I pursued her again. It's
like a never-ending chase but I know I can never love the same way again. She's my
ball of sunshine.

I did my best. I showed her my purest intentions. Hindi matatawaran ang saya ko
nang malamang nagpunta sya sa Greece para sa akin.

I want to kiss her that night... but I don't have the right yet.
She had doubts about me. I understand that. Sa lahat ng ginawa ko noon, dapat kong
pagdaanan lahat para makabawi sa kanya. Masakit siyang mahalin. Nakakasuko.
Nakakapagod. Pero alam kong mas nasaktan ko siya, mas nakakasuko ako... mas
nakakapagod ako. At wala akong pakealam kung ilang beses siyang maghinala sa akin
dahil araw-araw ko siyang sisiguruhin na siya lang.

"Mahal ko po si Duke."

Para akong nabuhay ulit nang marinig iyon. She said it so softly as if the words
were fragile glasses. Nang humarap sya sa akin at nakita ko ang mapula nyang pisngi
ay may kung anong kumurot sa loob ko.

She's so beautiful and radiant. Her warmth is something you will get addicted to.
She's as serene as the sunrise... the one you'll look forward to for the rest of
your life. The beauty of her eyes is like sunset... they will make you feel like
there's an untold promise that tomorrow will get better.

She doesn't realize how beautiful she is... like the sun.

Ngayon ay nasa harap kaming dalawa ng puntod ni Tita Yella. The sexual harassment
case was closed and Matthew will spend the next years of his life in a prison cell.
Si Bethany naman ay nagpaplano sa pagtatayo ng sarili nyang law firm ngunit
nagkaroon ng gap ang pagkakaibigan namin.

But it's okay.

Hindi ko nagustuhan ang ginawa nya pero ngayong nasa akin na si Sol, parang kaya
kong magpatawad.

When I found out that Tita Yella committed suicide, I cried with Sol. We hugged
each other that night and prayed for her mother's soul.

"Ang gusto nyo lang po ay ligawan ko si Sol pero... I want more than that, Tita." I
said while holding my baby's hand. "I'm sorry for inflicting pain to your precious
daughter. I'm undeserving... but years passed and I'm still so in love with her.
Nothing has changed." I'm really hopeless.

I sighed, a bit teary. "She's still the one I prayed for. It hurt me that she gave
herself to me but I failed to keep her."

Naramdaman kong pinisil nya ang kamay ko at tumalon ang puso ko roon.

"I won't do it this time, Tita. I will love her better."

Tumingin ako sa kanya at halos matulala na naman ako sa ganda nya.

"I will marry you."

With tears in her eyes, she nodded slowly and planted a kiss on my lips. I
supported her waist and leaned closer to her.

I have chased the sun... my sun.

Note

Thank you for sticking with me 'til the end!


This is a story of love, dreams, family and forgiveness. I know that all of you
already know this but, really, no man is an island. No matter how tough a person
might be, at the end of the day, everyone needs a helping hand. Also, your life
might not go according to your plan but that doesn't mean you failed. You're meant
for something greater and more profound.

Always choose happiness without hurting anyone in the process.

I hope that you learn something from our Solene and Duke Laurence. I want to impart
to you that love isn't too dreamy but I also want you to appreciate their
emotional, behavioral and mental development. Also, when a person wants to commit
suicide, our impulse is to validate their feelings like what Duke has done.

Lastly, this story has a lot of typographical and grammatical errors... at wala pa
akong plano kung kailan ko 'to pwedeng i-edit.

I'm the type of person who writes impulsively kaya may ibang parts sa story na 'to
na baka hindi ko o niyo nagustuhan. But still, I managed to finish writing it so
I'm really glad. This is my first finished novel and this will always be a special
thing to me. Marami rin akong natutunan habang isinusulat 'to. Hindi perfect ang
plot, dialogues at conflicts... pero that's how we grow.

Again, thank you for riding with Duke and Sol!

I love you, my inks!

PS: See you on Taming the Waves (College Series#2)!?

join in our Facebook Group and submit your most requested wattpad stories in
ebook/softcopy format like this!
link - https://www.facebook.com/groups/237572074500485

You might also like