Script

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

ANG MAHIWAGANG

KAHARIAN NG
TANYAG

Director: Jorie Mae Jatico


Asisstant Director: Stephanie Maala
Scriptwriter: Trisha Mae In
Props Handler: Tricia Monique Bacsa
Music Controller: Jeanne David
background: kagubatan malapit sa kaharian na may mga puno sa paligid)
(setting: maaraw sa kaharian at may mga ibon na lumilipad sa ulap)
(bg music kapag nag start na mag salita ang narrator)
narrator: noong unang panahon sa mapunong kagubatan matatagpuan ang
mahiwagang kaharian ng tanyag at may prinsesa roon na nag ngangalang Laura.
si prinsesa Laura ay masayahin, maganda at mabait.
(tatawagin ng katulong ang prinsesa para kumain na)
alora: (mahinhin na boses) prinsesa laura pinapatawag ka po ng inyong ina para sa
inyong umagahan.
prinsesa laura: (masayang sumagot) sige susunod nalang ako nyan. Salamat sa
iyong pag anyaya
(pumunta si laura sa loob ng kaharian sa may hapag kainan para kumain kasama
ang hari at reyna)(papalit ng background: hapag kainan)
reyna norita:(normal na tono) anak tila napaka ganda naman ng araw mo ngayon.
(ngumiti si laura sa kanyang ina at biglang mag sasalita si haring fernando)
haring fernando: (masayang bigkas ng hari) parang dikana nasanay aking reyna
simulat pagkabata'y ganyan na talaga ang ating anak
laura: syempre naman po ama, ina (nakangiting sabi ni laura)
(magpapaalam si laura sa kanyang magulang upang mamasyal)
laura:aking ama, ina? pwede po ba akong mamasyal sa labas(paawang tanong ni
laura)
(papayag si haring fernando na may masayang tono ang boses)
Haring Fernando: aba syempre naman aming prinsesa! (sasabat sa usapan ang
reyna at nagbilin sa prinsesa na mag sama ng guwardiya at katulong) Reyna
Norita: basta isama mo ang iyong mga katulong at least mag sama karin ng
guwardiya, si Alora isama mo sya!
Alora: po? (gulat na sabi ni Alora)
Reyna Norita: bakit? anong problema Alora? diba't matalik na magkaibigan kayo
ni laura? (masayang bigkas ni reyna Norita)
Alora: opo, ahh sige po reyna (kinikilig na sabi ni Alora)
Laura: yehey! kasama kitang mamamasyal (tuwang-tuwang bigkas ni Laura)
(mag papalit ng background, mamasayal na si laura kasama ang kanyang mga
katulong at mga guwardiya)
(background: nasa pamilihan sila o palengke)
Laura: wow! napakaganda talaga ng ating kaharian noh Alora?! (namamanghang
sabi ni Laura)
Alora: opo prinsesa (nakangiting sabi ni Alora)
Laura: alam mo Alora may nararamdaman ako eh!
Alora: ano po iyon prinsesa? (nagtatakang sabi nito)
Laura: pakiramdam ko may hiwaga ang ating kaharian,
para bang may bantay ang ating kaharian kaya palagi itong masagana at di
hinahayaang maging malungkot!
Alora: pareho po pala tayo prinsesa ganoon rin po ang pakiramdam ko.
(nakangiting sabi nya)
narrator: habang nag lalakad ang prinsesa ay may mga bumati sakanya
(babatiin ng mga tindera ang prinsesa at ngingiti)
mga tindera: magandang umaga po prinsesa Laura!
(ngumiti rin pabalik ang prinsesa at binati rin sila)
Laura: magandang umaga rin sainyo (nakangiting sabi ni Laura sakanila)
tindero 1: grabe! napakaganda talaga ni prinsesa laura eh noh? (pabulong na sabi
ng tindero)
tindero 2: sinabi mopa! (namamanghang bigkas nito)
Narrator: may isang prinsipe na nag ngangalang Sebastian. siya ay gwapo,
matalino, at may mabuting pusong prinsipe. At siya ay may pagtingin kay laura)
(Sasalubungin ni Sebastian si Laura habang sila ay naglalakad sa hardin)
Sebastian: (may ngiti sa labi) magandang araw, Prinsesa Laura.napaka swerte ng
araw na ito dahil muli kitang makikita.
Laura: (tumatawa) Oh, Prinsipe Sebastian! Napakagalante mo naman. Ano bang
pumapasok sa isip mo?
Sebastian: (kinikilig na bigkas ng prinsipe) Wala naman, Prinsesa. Siguro'y
natutuwa lang ako na makasama ka.
(ngingiti silang dalawa habang naglalakad)
Narrator: Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang mga ngiti at pagtawa, may isang
sikreto ang kaibigan ni laura. Si Alora, ang katulong ni Laura, ay may pagtingin kay
Sebastian, ang prinsipe ng kalapit na kaharian. Ngunit sa kabila ng kanyang
nararamdaman, hindi niya magawang umamin dahil sa kanyang kaibigan na si
laura.
(biglang magpplay ang Background music)
(pinapanood ni alora ang dalawa sa malayo at nalulungkot)
Alora: (bumubulong sa sarili) Paano ko ba ipapahayag ang aking nararamdaman?
Paano ko sasabihin sa kanya na ako ay may pagtingin?
(Maglalakad si Alora palayo)
(mag pplay ang back ground music "pagtingin" by ben&ben)
Narrator: may isang kakaibang pangyayari ang nagaganap sa loob ng palasyo. Si
Reyna Valerie, ina ni Prinsipe Sebastian, ay may isang lihim na plano para sa
kanyang anak.
(mag pplay ulit ang Background music
(si valerie at goreng ay may pinag uusapan)
Reyna Valerie: (nagtataglay ng kakaibang ngiti) Ginang Goreng, gusto kong
magkaroon ng pagkakataon para sa aking anak na makilala si prinsesa laura
Alam kong may gusto siya para kay Sebastian, at nais kong pagbigyan ang kanyang
gusto.
Ginang Goreng: (nagkibit-balikat) Ngunit, Reyna, paano natin magagawa ito? Ang
dalawang kaharian ay may magkaibang hangganan.
Reyna Valerie: (may kumpiyansa) Hindi mo ba alam na ang pag-ibig ay
nakakapagtalaga ng landas? Maghanda ka, Ginang Goreng. Ang ating pagkakataon
ay malapit na.
(Maglalakad palayo si Reyna Valerie habang iniisip ang plano nya)
Narrator: Sa pagitan ng dalawang taong nagiibigan at mgaa sikretong inililihim,
ang
kwento ng kaharian ay patuloy parin, Ngunit sa dulo ng araw, tanging ang puso
lamang ang makapagbibigay ng kasagutan sa mga katanungan ng bawat isa.
(Background music soft tune.)
Narrator: Sa paglipas ng mga araw, patuloy ang paglalakbay ng puso ng bawat
tauhan sa ating kuwento. Sa gitna ng kagubatan, nagaganap ang mga pangyayari
na magdadala sa kanila sa kanilang mga hinaharap.
( makikita si Laura at Sebastian na nag-uusap sa ilalim ng puno)
(mag tatanong si laura kay Sebastian dahil kanina pa sya hindi mapakali)
Laura: (nag-aalala) Prinsipe Sebastian, mayroon akong napapansin sa paligid.
Parang mayroong lihim na pwersa na nagdadala ng kaligayahan sa ating kaharian.
Sebastian: (nagtataka) Totoo ang iyong mga salita, Prinsesa Laura. Ngunit, ano
kaya ang likhang ito ng tadhana?
Narrator: Sa kabila ng kanilang mga katanungan, ang puso ng dalawa ay
naglalakbay sa daang tatahakin nila. Ngunit sa kabilang dako ng kaharian,
may isang lihim rin ang naghihintay na magpakita ng sarili nito.
(binigyan ng prinsipe ang prinsesa ng bulaklak, at biglang dumating si Reyna
Valerie kasama si Ginang Goreng.)
Reyna Valerie: (may misteryosong tono) Prinsesa Laura, Prinsipe Sebastian,
Nandito kami upang magdulot ng kaunting kulay sa inyong mundo.
Laura: (nagulat) ano ang ibig mong sabihin? Mahal na reyna
Ginang Goreng: (ngumingiti at di mapakali) Ito ay isang sorpresa mula sa mahal na
reyna, At isang imbitasyon mula sa kaharian
(Maglalakad si Reyna Valerie papalapit sa dalawa habang hawak-hawak ang isang
malaking papel.)
Reyna Valerie: (naglalagay ng papel sa harapan ng dalawa) Isang imbitasyon mula
sa aking anak, Prinsesa Laura. Isang gabi ng kasiyahan at pananampalataya ang
naghihintay para sa inyo.
Laura: (tumitingin sa papel na may ngiti) Ito ay isang napakagandang sorpresa
Maraming salamat po.
Sebastian: (mapangahas na ngiti) Ako ay nagagalak sa pagkakataong ito. Muli,
maraming salamat po.
(papalit ng Background music)
( si Reyna Valerie at Ginang Goreng lumakad palayo, iniwan ang dalawang
prinsipe't prinsesa)
Narrator: Ang gabing iyon, sa palasyo , ay nagdulot ng bagong liwanag at
kakaibang pag-asa. Sa paglipas ng mga oras, ang kaharian ay nag-iba ang anyo,
nagliwanag ng mga ilaw at musika.
(Magpapalit ang background sa isang maganda na harapan ng palasyo, kung saan
ang mga tao ay nagdiriwang sa ilalim ng mga ilaw at mga bituin.)
(naglalakad kasama si Sebastian sa harap ng palasyo)
Laura: napaka ganda naman
Sebastian: (ngiti) lahat ng ito ay para sa iyo laura.
(tumingin kay Sebastian ng may pagmamahal)
Laura: At ikaw naman, Sebastian, ang nagbibigay saysay sa bawat saglit ng aking
buhay.
Narrator:sa may sulok, naroon si Alora, na nagmamasid sa dalaw, Ang kanyang
puso ay puno ng kalungkutan at pangungulila, ngunit sa kabila nito, nag pasya
siyang magdiwang para sa kanyang kaibigan.
(nasa gilid si alora, ngunit may lungkot sa kanyang mga mata)
Alora: Ang pag-ibig ay nagbibigay ng kasiyahan, kahit na sa pinakamalungkot na
mga oras.(malungkot na sabi nya)
Narrator: patuloy na nag diwang ang mga tao.
Narrator: At dito nagtatapos ang ating kwento, ngunit ang pag-ibig ay patuloy na
magpapatuloy. Hanggang sa muli nating pagkikita, patuloy tayong magdiwang at
magbigay kulay sa buhay ng kaharian ng Tanyag. Paalam, at mabuhay ang pag-
ibig!

You might also like