School Purposes

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

1.

* KABANATA 1: Isang Handaan - sa bahay ni Kapitan Tiago, Daang Anloague, bayan ng San Diego
> Don Santiago de los Santos / Kapitan Tiago - nagpahanda ng isang handaan para sa anak ng
kaniyang kaibigan mula sa europa. > Tiya Isabel - pinsan ng kapitan; hindi magkandaugaga sa pag-
iistima ng mga bisita > Tenyente Guevarra - tenyente ng mga guwardiya sibil: ayon sa kanya ang
pagkakalipat ni Padre Damso ay ang pagpapahukay at paglilipat ng bangkay ng isang tao na hindi
daw nangungumpisal at tinawag na erehe > Padre Hernando Sibyla - kura sa Binondok > Padre
Damaso Verdolagas - naging kura sa bayan ng San Diego sa loob ng 20 yrs; nanlait sa mga Indiyo *

KABANATA 2: Si Crisostomo Ibarra > Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin / Crisostomo Ibarra - anak
ni Don Rafael na nag-aral sa europa sa loob ng 7 taon; sa kanya inihandog ni Kapitan Tiago ang
handaan ; dinala ang ugaling Aleman sa pagpapakilala sa sarili. > Kapitan Tinong - inanyayahan nya
si Ibarra sa pananghalian bukas ngunit tumanggi ang binata *

KABANATA 3: Ang Hapunan > Padre Sibyla at Padre Damaso - pinag-aawayan nila kung sino ang
uupo sa kabisera > Padre Damaso - napatapat sa kanya ang Tinolang puro leeg at pakpak ang laman
na kanyang ikinagalit; ininsulto si Ibarra sa pagsasabing nag-aaksaya lang ng panahon at oras ang
pag-aaral niya *

KABANATA 4: Erehe at Pilibustero > Tenyente Guevarra - isinasalasay nito kay Ibarra kung ano ang
tunay na nangyari sa kanyang ama. > Don Rafeal Ibarra - mayaman at iginagalang sa bayan ng San
Diego bagamat kinaiingitan ng iba - napagbintangan pumatay sa kolektor ng buwis at hindi
nagungumpisal kaya tinawag siyang erehe at pilibustero’t nakulong na naging sanhi ng pagkamatay
nito. > Fonda de Lala - tinutuluyang bahay-panuluyan ni Ibarra *

KABANATA 5: Pangarap sa Gabing Madilim > Crisostomo Ibarra - tumingin siya sa bintana kung
saan natanaw niya ang isang napakagandang dilag sa isang maliwanag na bahay - kahit pagod,
sumiksik sa kanyang isipan ang larawan ng ama niyang nasa bilangguan. *

KABANATA 6: Si Kapitan Tiago > Don Santiago de los Santos / Kapitan Tiago - bilugang mukha at
kayumanggi ngunit pandak at maitim ang labi dulot ng pananabako. - mayaman at malakas sa
gobyerno, halos kaibigan nya nga lahat ng mga prayle > Donya Pia Alba - asawa ni Kapitan Tiago na
hirap nagkaanak; pinayuhan silang mag-asawa ni Padre Damaso na magsimba sa Obando at
sumayaw ng pandangguhan ng biyayahan ng anak at nagkatotoo ngunit namatay ito > Maria Clara
de los Santos - naging bunga ng mag-asawa; ipinasok siya ng kanyang ama sa Beateryo ng Sta. Clara
ng maglalabing 14 na taon na sya - magiging asawa/katipan ni Ibarra *

KABANATA 7: Suyuan sa Asotea > Maria Clara - di mapakali sa pagdating ni Ibarra; inialala nila ang
mga kanilang mga nakaraan no’n bata pa sila sa - binigyan niya si Ibarra ng tuyong dahon ng laurel
tanda ng kanilang pag-iibigan - pinagtulos nya Ibarra ng kandila para sa kanyang paglalakbay. >
Crisostomo Ibarra - inalala nila ang kanilang pagkabata ni Maria Clara na kung saan binigyan niya
ito ng isang liham na naglalaman na mag-aaral siya sa Europa.

* KABANATA 8: Mga Alaala > Crisostomo Ibarra - Habang sakay ng kalesa na padaan sila sa
KaMaynilaan na kung saan may naging karansan siya dito. - nakaagaw ng kanyang atensiyon ay ang
mga nakahanay na bilanggo nagtatanikalang papatagin ang daan > Arroceros - may masamang
amoy roon dulot ng pagawaan ng tabako sanhi ng pagkahilo niya doon ng minsan silang dumaan *
KABANATA 9: Mga Suliranin Tunkol sa Bayan > Padre Damaso - tutol sa pakikipagmabutihan ni
Maria Clara kay Ibarra > Kapitan Tiago - pinatay ang dalawang kandila na para kay Ibarra bilang
pagsunod sa pari > Padre Sibyla - ibinalita niya sa isang matandang prayle ang pag-aalitan nina
Padre Damaso at Ibarra at ang pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso *

KABANATA 10: Ang San Diego > Bayan ng San Diego

2. - isa sa karaniwang bayan na malapit sa baybayin, napaplibutan ng malawak na lupain at ang mga
mamamayanan nito na may pinaka- iingatang alamat. > Ayon sa kuro-kuro, may isang matandang
kastila ang nagtanong at bumili ng kagubatan. Isang araw, may naamoy ang magpapastol sa
kagubatan, yung pala ang matangang kastila na nagpatiwakal sa puno ng balete at naaagas na ng
makita. > Saturnino - dumating at nagpakilalang anak ng matandang kastila; nanirahan siya sa
gubat na mabagsik pero masipag; siya’y nag-asawa ng taga-Maynila at binayayaan ng anak at ito’y si
Don Rafael Ibarra > Don Rafael Ibarra - minahal siya ng mga taga- San Diego at pinayaman niya
kung ano ang sinimulan ng kaniyang ama sa pagtatanim. *

KABANATA 11: Ang Mga Makapangyarihan > Padre Bernando Salvi - isa sa mga makapangyarihan
sa Bayan ng San Diego; isang paring payat, masasakitin at laging walang kibo pero may pagtingin
kay Maria Clara > Alperes - isa sa mga makapangyarihan sa Bayan ng San Diego ; kamalsan niyang
napangasawa si > Donya Consolacion - asawa ng Alperes na may makapal na kolorete lagi sa
mukha; madalas ang kanilang pag-aaway nauuwi sa bugbugan. *

KABANATA 12: Araw ng mga Patay > Ang Dalawang Sepulturero - ang isa ay baguhan at datihan
ung isa; sila’y nag-uusap habang naghuhukay - isinalaysay ng datihan na pinag-utos sa kanya ng
kura na ilipat ang 20 days palamang na bangkay, dahil malakas ang ulan itinapon na laman niya ito
sa lawa. *

KABANATA 13: Mga Unang Banta ng Unos > Ibarra - dumating siya sa libingan at ipinahanap niya
sa matandang sepulturo kung saan nakalibing ang kaniyang ama - nasindak siya nang malaman na
may nag-utos na nagngangalang Padre Garrote na itapon sa lawa ang bangkay ng kaniyang ama. -
nang makasalubong niya si Padre Salvi kaagad niya itong sinunggaban at tinanong kung sino ay
may gawa sa bangkay ng kanya ama pero sa sagot ng padre hindi ako magtanong ka kay Padre
Damaso *

KABANATA 14: Si Pilosopo Tasyo > Don Anastacio / Pilosopo Tasyo - dahil sa katalinuhan nito,
balak ng kaniyang ina na maging pari ito ngunit nakapag-asawa kaagad ito - pagkagaling sa sa
libingan, nakasalubong nya ang kapitan at sinabi na ang bagyong darating ang magdadala ng lintik
sa mga tao, susunog sa kabahayan at gayon di sa bulok na sistema ng lipunan. - hindi sya naniniwala
sa purgatoryo ngunit ginagalang nya ito > Crispin at Basilio - dumaan sa simbahan ang pilosopo at
sila ang pinagsabihan nito na umuwi ng maaga sapagkat naghada ng masarap na hapunan ang
kanilang ina. > Don Filipo at Aling Doray - ang mag-asawang inanyayahan nila ang pilosopo sa
kanilang bahay at tinanong kung nakita daw ng pilosopo si Ibarra sa libingan. *

KABANATA 15: Ang mga Sakristan > Basilio - Kasama niya si Crispin sa pagpapatunog ng kampana
laban sa delubyo; siya ay minultahan dahil sa patigil tigil pa pagpapatunog ng kampana > Crispin -
nakakabatang kapatid na pinagbibintangan na nagnakaw ng dalawang onsa na nagkakahalagang ng
32 pesos. > Sakristan Mayor - Narinig niya ang pag-uusap ng dalawa; minultahan niya si basilio at
dinakip at pinipilit kung nasaan na daw ang mga onsa na napunta sa pananakit nito kay Crispin
kasama ang kura * KABANATA 16: Si Sisa > Sisa - mapagmahal na ina na naghanda ng masarap na
pagkain galing kay Pilosopo Tasyo na para sa kanyang mga anak galing sa pagsasakristan > Pedro -
Batugang asawa ni Sisa na sugarol at walang pusong lalaki. Dumating siya sa bahay at inubos lahat
ng nakahandang pagkain para sa kanilang anak na ikinadismaya at iniyak ni Sisa. * KABANATA 17:
Si Basilio > Basilio - Umuwing duguan ang ulo sa daplis ng bala mula sa gwardya sibil at ipinagtapat
niya sa kaniyang ina na napagbintangan si Crispin na nagnakaw ng onsa na pinarurusahan ngayon
sa simbahan - na naginip sya ng masama na kung saan ang kanyang kapatid ay hinahampas ng
saktistan mayor at ng kura - gusto na niyang umalis sa pagsasakristan at humingi nalang ng lupang
sakahan mula kay Ibarra at kay Pilisopo tasyo na lang turuan si Crispin > Sisa - Labis na nag-aalala
siya sa mga kinahatnan at nangyari sa kaniyang mga anak sa pamamagitan ng pag-iyak *
KABANATA 18: Mga Kaluluwang Naghihirap > Sisa

3. - Nagpunta siya sa kumbento dala ang basket ng prutas at gulay upang kamustahin ang anak na si
Crispin sa kura ngunit may sakit ang kura - ayon sa isa tumakas daw at umuwi ang bata na
ipinaghahanap ngayon ng guwardiya sibil * KABANATA 19: Mga Suliranin ng Guro > Binatang Guro
- isa sa mga nakipaglibing kay Don Rafael - ibinahagi nya kay Ibarrra ang isa sa mga suliranin ng
paaraalan na kung saan kapag nabasa ang mga bata ng malakas ay naisstorbo ang kura na
humahantong sa pagpapalo sa mga ito na sinasangayuan naman ng mga magulang ng mga ito bilang
disiplina * KABANATA 20: Ang Pulong sa Tribunal > Pangkat ng Liberal at Konserbador -
Pinagtatalunan nila sa bulwagan kung paano maipagdidiriwang ang kapistahan sa Bayan ng San
Diego - ngunit nanaig ang pasya ng mga prayle na magkakaroon ng 6 na prusisyon, 3 sermon, 3
misa mayor at komedya sa tondo * KABANATA 21: Mga Pagdurusa ni Sisa > Sisa - lito ang isip at
may bumabagabag sa dibdib ng malaman ang nagyari sa mga anak - tila sasabog ang dibdib niya ng
makita ang mga guwardya sibil sa kanilang bahay nong pauwi na siya; Isinisigaw ang pangalan ni
Basilio at Crispin * KABANATA 22: Liwanag at Dilim > Maria Clara - magkasama silang dumating ni
Tiya Isabel sa San Diego - ipinakiusap niya kay Ibarra na huwag imbintahan si Padre Salvi na may
lihim na pagtingin sa kanya ngunit sinalungat sya nito. * KABANATA 23: Ang Piknik > Bago pa mag-
umaga, maagang tumungo sina Maria Clara at mga kaibigan nito patungong sa banka may palamuti
> Habang nasa loot kumanta si Maria Clara ng Kundiman kasaliw ang harpa ng hindi maiip > Elias -
piloto ng banka; inigtas ang mga kasamahan sa isang buwaya na nahuli sa baklad ni Kapitan Tiago;
sinaklolohan siya ni Ibarra nung papatayin na nila ito > Tiya Isabel - tumayong pangalwang ina ni
Maria Clara; Inihanda niya ang mga nahuling isda sa pagluluto * KABANATA 24: Sa Kagubatan >
Masaya silang kumain sa may puno ng Balete ng dumaan si Sisa na tinatawag ang kaniyang mga
anak. > Gulong Ng Kaplaran - kanilang nilaro na napatapat kay Ibarra ang dais ngunit hinablot ito ni
Padre Salvi at pinagpupunit > Elias - ang inihahanap ng 4 na gwardya sibil na umano’y nanakit daw
sa Padre Damaso * KABANATA 25: Sa Tahanan ng Pilosopo > Crisostomo Ibarra - pagkatapos ng
piging, pumunta sya kay Pilosopo Tasyo at isinangguni ang Plano niyang pagpapatayo ng Paaralan.
> Pilosopo Tasyo - abala sa pagsusulat ng heroglipo para sa susunod na herenasyon at parehas sila
ng gustong magpatayo ng paaralan - sinabi niya na wag sa kanya isangguni kundi sa pamahalaan na
nakansadig sa Simbahan at sa Simbahan * KABANATA 26: Ang Bisperas ng Pista > Nob. 10, Abala
ang lahat sa kanilang ihahanda bukas tulad ng iba’t- ibang minatamis, hamon, at mga alak na
inangkat pa mula sa Europa > Padre Damaso - Laman ng bali-balita na sya ang magsesermon sa
misa ng pista. > Nol Juan Siya ang namamatnubay sa ipinapagawang paaralan ni Ibarra > Padre
Salvi Hiniling niya na sya ang magbasbas sa paghuhugos ng Bato. > Pilosopo Tasyo - sinabihan nya
si Ibarra na hango sa aral ni Balagtas “Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay may masayang
mukha’t may pakitang giliw,lalong pakaingata’t kaaway na lihim siyang isaisip na kababakahin” *
KABANATA 27: Sa Pagtatakipsilim > Crisostomo Ibarra - kinumbida si Maria Clara’t mga kaibigan
nito na mamasyal sa liwasang bayan. > Maria Clara - binigyan ni Kapitan Tiago ng maliit na baul na
naglalaman ng mga mamahaling bato - nakaramdam ng awa sa lalaking ketongin kaya binigay niya
ang regalo na mula sa kanyang ama sa ketongin dahil wala syang dalang pera > Sisa - napadaan at
bumulong sa lalaking may ketong kung nasaan ang kaniyang mga anak; dinakip ng mga gwardya
sibil * KABANATA 28: Sulatan > Kapitan Martin Aristorenas - Isunatan si Luis Chiquito na
ninaanyayahan niyang mamista at makilala ang mga batikang tahur ng Monte na sina Tiago, Padre
Damaso at ang Konsul > Maria Clara

4. - Isulatan niya si Ibarrana tungkol sa napabalitang may sakit ito at kung hindi sya dadalo sa pista
ay hindi sya pupunta sa paghuhugos ng bato. Ang sulat ay ipinadala kay Andeng * KABANATA 29:
Ang Umaga > Nob. 11, Araw ng Pista sa Bayan. Abala ang lahat ng tao. Naging masaya ang buong
bayan. Lahat ang naggayak ng magagara nilang damit upang dumalo sa misa na pagsesermonan ni
Padre Damaso > Pilosopo Tasyo - Hindi nasisiyahan sa nagaganap na kapistahaan at sabing nag-
aaksiya lamang sila ng salapi. * KABANATA 30: Sa Simbahan > Punong-puno ang simbahan sa
kadahilanang gustong makasawsaw sa Agua Bendita at binayaran nila ang sermon sa halagang 250
sa paniniwalang mapupunta sila sa langit kaysa sa panonood ng komedya > Alkalde Mayor -
Sinadya nyang magpahuli upang mapansin ng lahat * KABANATA 31: Ang Sermon > Padre Damaso -
Sya ang nagsermon sa misa na kung saan gumamit sya ng dalawang wika; Wikang Kastila at
Tagalog - inumpisahan nya ang sermon sa Kastila na kung saan binabatikos nya ang mga Indiyo o
Pilipino na hindi naman naintindihan ng mga tao - sunod, binatikos nya din ang pagsesermon ni
Padre Martin kahapon at Pang-iinsulto kay Ibarra na kaniya namang hindi pinangalanan. > Elias -
Palihim na tinungo si Ibarra sa loob ng simbahan at binigyang babala nya ito sa paghuhugos ng bato
* KABANATA 32: Ang Panghugos > Taong Madilaw - sya ang nagdemontrasyon kay Nol Juan sa
paggamit ng panghugos na natutunan pa nya sa inkong ni Ibarra na si Don Saturnino. - sya ang
nabasakan ng bato at namatay na dapat kay Ibarra * KABANATA 33: Malayang Kaisipan > Elias -
dinalaw nya si Ibarra’t sinabing mas mainam isipin ang mga kaaway na walang ingat ang binata na
may tiwala sa sarili. - ikinuwento nya kay Ibarra kung paano nya narinig ang pakana laban sa binata
at sinabi nya na mag-ingat sa mga kaaway na lihim. * KABANATA 34: Ang Pananghalian >
Crisostomo Ibarra - Nagalit ng ungkatin ni Padre Damaso ang pakamatay ng kaniyang ama > Padre
Damaso - Ininsulto at inungkat nya ang pagkamatay ni Don Rafael na ikinagalit ni Ibarra’t kaya sya
sinungggaban nito at akmang sasaksakin sa didbib > Maria Clara - hinawakan niya ang bisig ni
Ibarra’t ipinatigil ang alitan ng dalawa. * KABANATA 35: Ang Usap-Usapan > naging laman ng mga
usap-usap sa Bayan ng San Diego ang nangyari sa paggitan nina Ibarra at Padre Damaso >
Crisistomo Ibarra Binansagang Pilibustero at Eskomulgado * KABANATA 36: Ang Unang Suliranin >
Maria Clara - wala siyang nagawa kundi umiyak ng pagbawalan ng ama makipag-usap kay Ibarra
hanggat eskomunyon ito - tinawag nya si Tya Isabel at sinabing sumulat sa papa na pawalang-bisa
na ang eskomonyon kay Ibarra. > Padre Damaso - inutos nyang sirain na ang kasuduan nina Maria
Clara at Ibarra - itatalaga nya si Maria Clara sa isang binata buhat sa Espanya bilang katipan nito *
KABANATA 37: Ang Kapitan-Heneral > Kapitan-Heneral - pagkadating kaagad nyang ipinahanap si
Ibarra at kakausapin niya ang arsobispo na pawalang-bisa ang eskomulgado kay Ibarra. - niyaya
nya si Ibarra na sumama sa gaganaping Prusisyon - hiniling niya na maging ninong sya sa kasal nina
Maria at Ibarra * KABANATA 38: Ang Prusisyon > Panay ang paputok na nagbabadya na
magsisimula na ang Prusisyon. Ang mga kalalakihan ay may dalang parol at kandila naman sa
kababaihan > Maria Clara - pagtapat ng Mahal na Birhen sa tapat ng kanilang Bahay, siya ay umawit
ng ‘Ave Maria’ kasaliw ng piano na narinig ni Ibarra na ang pag-awit nito ay may puso ang
pangamba at pighati * KABANATA 39: Si Donya Consolacion > Donya Consolacion - Asawa ng
Alperes; Musa ng Guwardya Sibil - hindi nya pinayagan ang kaniyang asawa upang magsimba na
nauwi sa kanilang pag- aaway at sinaraduhan nya ang mga bintana ng dumaan ang prusisyon -
hawak ang latigo, pinaghahampas nya’t pinakakanta si Sisa sa pasalitang kastila at pinasasayaw
dahil kay Si Sisa nya binunton ang galit nya Alperes > Sisa

5. - Nakakimbin sa kwartel habang pinakikinggan ang awit ni Maria Clara; ipinatawag sya ng
Alperesa - Umawit sa Donya ng kundimang “Awit ng Gabi” * KABANATA 40: Ang Karapatan at Lakas
> Don Filipo Ang tenyente mayor, nangangasiwa sa ipapalabas na dula-dulaan > ‘Crispino dela
Comare’ - Unang ipinalabas sa dula sa pangunguna nina Chananay at Marianito > Padre Salvi -
Sinadya niyang bantayan si Maria Clara ngunit dumating si Crisostomo na kaniyang sinabi kay Don
Filipo na paalisin subalit malaki ang abuloy nito sa Palabas - nagkaroon ng pangitain kay Maria
Clara na kaniyang ikinabalisa ngunit ng makita nya si Ibarra akay ang walang malay na dalaga na
kanya namang ikinakalma > Dalawang Guwardiya Sibil - Dumating sila at sinabi sa tenyente mayor
na itigil ang pagtatanghal sapagkat nabubulahaw ang pagtulog ng Alperes at Alperesa; nanggulo sa
pagtatanghal kaya nagkagulo ang mga tao. * KABANATA 41: Dalawang Lawa > Ibarra - Hindi
dalawin ng antok kaya pumunta sya sa laborotoryo upang mag-eksperimento. > Elias - Unang
panauhin; dumating sa bahay ni Ibarra upang sabihin ang kaniyang sadya - Una, sya ay aalis na’t
papuntang Batangas. Sunod, may masamang balita na si Maria Clara ay may sakit umano. Huli,
sinabi nya kung paano nya nasawata ang kaguluhan sapagkat may utang na loob ang dalawang
magkapatid na guwardya sibil sa kanya > Lucas - Pangalwang panauhin na nakasalubong nya sa
daan na humihingi ng salapi kapalit ng pagkamatay ng kaniyang kapatid na si Taong Madilaw
ngunit tinalikuran ito ni Ibarra. * KABANATA 42: Ang Mag-asawang De Espadañ a > Don Tiburcio De
Espadañ a - kabiyak ng orefea nyang asawang si Donya Victorina; pilay pero hindi gaanong kalbo at
mapagpanggap na Doktor - pumunta sa bahay ng Kapitan upang gamutin Si Maria at binigyan nya
ito ng gamot: ang liquen, Jarabe de Altea, at Pildoras de Cinoglasa > Donya Victorina De Los Reyes
De Espadañ a - parangarap nyang mag-asawa ng isang Banyaga, at ipinakilala nya ang isang binata
mula sa Espanya * KABANATA 43: Mga Balak o Panukala > Padre Damaso - Nakaramdam ng awa at
maluha-luha ng makita ang dalaga na laking ipinagtataka ng mga tao doon > Don Alfonso Linares De
Espadañ a - pamangkin ni Don Tiburcio at nagpakilala sa padre bilang anak daw ni Carlicos na
kanyang inaanak - nag-aral sa Unibersidad Central na ang pakay nakahanap ng Trabaho at
mapapanga-asawa kaya kakapulungin ng Padre si Tiago. > Lucas - sinitsitan nito si Padre Salvi at
sabing nag-iwan sa kanya ng 500 piso si Ibarra; kinulit nito ang padre ngunit sya’y bigo at
bumubulong paalis na kung sino ang magbabayad ng tapat sya ang paglilingkuran * KABANATA 44:
Pagsususri ng Budhi > Maria Clara - nabinat at dinaraing ang kanyang inang hindi man lang
nakikilala - sinabi nya kay Sinang na sulatan umano si Ibarra na kalimutan na nya ako > Kapitan
Tiago - maya’t maya sya nagpapamisa sa mga mapaghimalang santo at nag-alay ng gintong tunkod
sa Birhen ng Antipolo para sa Paggaling ng Dalaga > Donya Victorina - iginigiit nya na kung hindi
dahil sa kanilang mag-asawa ay hindi gagaling ang dalaga > Padre Salvi - sinagot ang donya na kung
hindi nangumpisal ang dalaga baka nasa langit na ito - inutos nito kay Tiya Isabel na ihanda muli si
Maria Clara sa pangungumpisal mamayang gabi * KABANATA 45: Ang Mga Pinag-uusig > Elias -
pinugtahan nito sa isang yungib si Tandang Pablo at sinabing kung gusto ba nito sumama sa hilaga
at doon manirahan kasama ang mga lipi - sinabi sa matanda na limutin nalang ang pansariling
kasawian ngunit tutol ang matanda at sinabing umiwas muna sa paggamit ng dahas na malalaman
ng matanda sa pagkalipas ng 4 na araw mula kay Ibarra > Tandang Pablo - gaya ni Elias, gusto
niyang ipagtanggol at makuha ang katarungan para sa mga napagbintangan niyang 3 anak sa kamay
ng mga prayle - niyakap nya si Elias bago ito umalis * KABANATA 46: Sa Sabungan > patuloy ang
pagpasok ng mga kilalang tahur sa sabungan ng San Diego > Lucas - ginamit ang perang ibinigay ni
Ibarra’t nagpahiram ng pera kapalitang pagsama ng mga ito sa paglusob sa kuwartel upang
maipaghiganti niya ang kaniyang ama > Tarsilo at Bruno

6. - na-iinggit sa mga pumupusta, dahil sa tawag ng sugal humiram sila ng pera kay Lucas kapalit
ang kondisyon nito sa na makalawa mangyayari * KABANATA 47: Ang Dalawang Senyora > Donya
Victorina - gumala kasama ang kabiyak sa Bayan upang yurakin ang mga Indyo - nang matapat sya
sa Bahay ng Alperes nagtama ang kanilang Tingin ng Alperesa na humantong sa pag-aaway ng mga
ito - sinabi nya na isang dating labandera ang Alperesa at sinabi nya kay Linares na labanan umano
nito ang Alperes sa Barilan na ikinabalisa nito > Donya Consolacion - naka-alitan ng Orofea
dumura’t sinabing mapanggap na magaling sa medisina ang kaniyang asawa at hampas-lupa ang
mga ito - bumaba sa bahay dala ang latigo ngunit dumating ang Alperes kaya na-udlot * KABANATA
48: Ang Talinghaga > Crisostomo Ibarra - pumunta sa bahay ng dalaga’t masayang ibinalita na inalis
na ng arsobispo ang Eskomulgado nya; ng makita nya si Maria Clara sa balkon kasama si Linares ay
sinabi nya ang kanyang hindi pagpunta noong nakaraan at babalik na lang sya kinabukasan -
sinalubong sya ni Nol Juan sa ipinapaggawang paaralan at natanaw nya si Elias kasama ng mga
trabahador na waring may sasabihing Mahalaga’t lumulan sa isang banka sa lawa kasama ito nag-
usap > KABANATA 49: Ang Tinig ng mga Pinag-uusig > Elias - sinabi nya na si Ibarra ang sugo ng
mhga sawingpalad at napagkaunduan daw ng pinuno ng mga tulisan na hilingan sa kanya ang ilang
bagay tulad ng pagbabago sa lipunan at pamahalaan sa palalakad ng mga ito. > Crisostomo Ibarra -
sinabi nya na maaring gamitin ang kaniyang kayamanan at impluwensiya niya mula sa mga
kaibigan sa Madrid pero batid nitong hindi ito sasapat para sa pagbabagong hinihingi - Sabi rin niya
na kung minsan ay nakasasama ang pagbawas sa kapangyarihan ng tao. Dapat ring gamutin ang
mismong sakit at hindi laman ang mga sintomas. * KABANATA 50: Ang mga Kaanak ni Elias > Elias -
ikinuwento nya sa binata ang mga nangyari sa kanilang mga nuno. 60 taong nakalipas nagtrabaho
ang kaniyang ingkong bilang tenedor de libro sa maynila, napagbintangan ito’t pinarusahan, ito’y
nagbigti ng makita ng panganay na anak samantalang buntis ang asawa nito at hintay manganak at
tsaka nilatigo - Si Balat ang pangnay na naging pinono ng tulisan upang maghiganti ngunit nakita ng
kanilang ina sa isang punong bulak na nakalagay sa isang buslo ang ulo nitong duguan - ang
bunsong kapatid ay tumakas at pumuntang Tayabas at nag-asawa’t nagkaanak ng kambal; si Elias at
La Concordia ngunit nabalitanang ang magiging asawa ng babae ay nag-asawa na’t bigla itong
nawala. Nabalitang namatay ito sa pampang ng Calamaba na danak na saksak sa dibdib *
KABANATA 51: Mga Pagbabago > Linares - balisa ng matanggap ang sulat mula kay Donya Victorina
kung bakit hindi pa niya nilalabanan ang Alperes > Padre Salvi - ibinalita nya sa bahay ng Kapiatn
na napagtibay na ang liham ni Ibarra kaya’t walang hadlang sa kanila ni Maria Clara - humuhingi
sya ng tawad kay Ibarra > Crisostomo Ibarra - nagtataka sa magiliw na pagtanggap ng Padre sa
kanya; bumulong kay Sinang kung maaring kausapin ang dalaga at sinabing bumalik nalang *
KABANATA 52: Ang Baraha ng Patay at Ang mga Anino > May tatlong anino sa entrada ng libingan
at napag- usapan ang gagawing tulisan sa kuwartel at kumbento at isisigaw ang “Mabuhay si Don
Crisostomo!” > Elias at Lucas - ang ikalima at ikatloang anino, silang hindi magkalilala’t
nagkahamung maglaro ng baraha ngunit natalo si Elias at napilitang iwan ang isa > Lucas -
nakasalubong nya ang dalawang gwardya sibil na itinatanong kung nakita ba si Elias ngunit ang
sagot nito’y hindi > Elias - nagpakilalang si Lucas ng makasalubong ang mga gwardya sibil at
sinabing si Elias yung may bilat sa mukha na naka-usap nila * KABANATA 53: Ang Mabuting Araw
ay Nakikilala sa Umaga > Don Filipo - pinuntahan si Pilosopo Tasyo’t sinabing tinanggap ng alkalde
ang kaniyang pagbibitiw - tinanong nya ang matanda kung gusto ng gamot ngunit ang sagot nito’y
ang gamot ay hindi para sa mga mamatanda bagkus kailangan ng mga maiiwan > Pilosopo Tasyo -
Tutol kay Don Filipo sapagkat Dahil sa panahon ng digmaan ay dapat manatili ang kapangyarihang
nakakbuti - sinabing ibang-iba na talaga ang Pilipinasng makaraan ang 20 taon mula ng dumating
ang mga espanyol

7. * KABANATA 54: Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa > Padre
Salvi - dali-daling pumunta sa bahay ng Alperes upang ipa-alam ang pag-aaklas at tulisan > Elias -
nagpunta sa bahay ni Crisostomo at sianabing may pagpaplanong pag-aaklas na sinusugurong ang
binata ang pinuno ng tulisan - sianbi nya sa binata na sunugin ang mga kasulatan ngunit sa
paghahalugad nakita nya ang sulat tungkol kay Pedro Eibarramendia na sinabi nyang iyon ang
nagpahirap sa nuno nito kaya nagkawatak ang kanilang ankan na kanyang ikinagalit sa binata’t
umalis > Pedro Eibarramendia - ingkong o lolo sa tuhod ni Crisostomo Ibarra na ama ni Don
Saturnino at lolo ni Don Rafael. * KABANATA 55: Ang Pagkakagulo > Sa bahay ng Kapitan,
naghahapunan ang mga tao doon at ang Padre Salvi ay palakad-lakad ng biglang dumating si
Ibarrang nakapangluksa. Pagpatak ng 8:00 ng gabi, nagkagulo sa laba’t sa bayan at may sumisigaw
ng tulisan. Ang alperes ay tiniyak ang kasiguruduhan sa bayan * KABANATA 56: Ang mga Sabi at
Kuro-kuro > Ni isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan. Walang maglakas-
loob na buksan ang mga kanilang bintana sa kadahilangang nangyari noong sinundang gabi. > Lucas
- sya ang nakita sa isang tanimang nagbigti sa puno’t nagtungo doon si Elias na nagpanggap bilang
tagabuki’t sinabing pinatay si Lucas at hindi nagpatiwakal > Elias - nagpunta sa sakristan mayor at
magpamisa sa malapit nang yumao sa halagang piso. * KABANATA 57: Vae Victus! Sa Aba ng Mga
Manlulupig > Tarsilo Alasigan - tunay na ngalan ni Tarsilo at pinipilit sa kanyang itanong ng Alperes
kung kaalam si Ibarra sa paglusob ngunit sabing wala kayong malalam sa’kin at pinagpapalo sya
likudan. - ipinakita sa knaya ng Alperes ang bangkay nina Pedro, bana ni Sisa, Bruno, at si Lucas -
nung pinahihirapan sya sa balon ay hindi sya nakapagsalita hanggang bawian ng buhay > Donya
Consolacion - sianabi nya sa Alperes na parusahan si Tarsilo sa pamamagitan ng “verdad saliendo
de un pozo” o “lumalabas sa balon ang katotohanan” Parusahang ibibintin si Tarsilo ng patiwarik at
ihuhuhos sa balon puno ng burak para umamin. * KABANATA 58: Ang Sinumpa > Crisostomo Ibarra
- isinisisi sa kanya ng taong bayan ang nangyaring himagsikan - nang makita ng taong bayan na
walang posas ito ay sinabi sa kawal na siyang posasan habang naglalakad binabato sya > Pilosopo
Tasyo - sinikap na makabangon at umakyak sa isang bundok upang masilayan ang mga naglalakad
na mga bilanggo - kinabukasan natagpuan syang patay sa kaniyang bahay * KABANATA 59: Pag-ibig
sa Bayan > Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating at napalathala sa mga
diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa kumbento. Iba-iba ang estilo ng mga balitang
lumaganap. > Kapitan Tinong - naiiyak na pinagsisisihan nyang nakipagkaibaigan pa ito kay Kapitan
Tiago at Don Ibarra. Kinakabahan baka sila puntahan ng mga gwardya sibil > Kapitan Tinchang -
asawa ng kapitan na sinabing dapat nakipagkaibigan nalamang ito sa Kapitan- Heneral kaya kay
Ibarra > Don Primitivo - pinsan ng dalawa na pinayuhan si Kapitan Tinong ng Magsulat na ng
kanyang huling habilin at nagkusa syang sunugin ang mga sulat at papeles ng kapitan * KABANATA
60: Ikakasal na si Maria Clara > Donya Victorina, Don Tiburcio at Linares - dumalaw at nagpulong
kasama si Kapitan Tiago tung sa pagpapakasal ni Maria > Kapitan Tiago - nagsabi kay Tiya Isabel sa
gaganaping kasalan kinabukasan - sinabing kapagnagkatotoong iknasal na ang dalaga kay Linares,
magbabalik-panaog sila sa palasyo ng Kapitan-Heneral > Maria Clara - Lumayo sa mga nag-uusap at
pumunta sa Asotea na kung saan natanaw niya ang lumang banka sakay sina Elias at Ibarrang takas
> Crisostomo Ibarra - umakyat sa Asotea upang puntahan si Maria at sabing mahal niya pa ang
kasintahan, hinalkan si Clara at nagpaalam na sya * KABANATA 61: Ang Barilan sa Lawa > Elias -
inilatag niya ang plano niyang pagbakosyunin si Ibarra sa Mandaluyong at doon manatili
pansamantala at dadalhin niya sa binata ang kayamanan nito na ibinaon sa puno ng balete -
nagpasya siyang tumalon upang iligaw ang mga humahabol para kay Ibarra, sya pinagbabaril ng
mga palwa > Crisostomo Ibarra - sinabi niya na nabuksan na ang kaniyang mga mata at magiging
isa syang pilibustero sapagkat kabaligtaran ng kriminal ang lumalaban alang- alang sa bayan

8. - itinago sya sa mga dahon upang itago sa mga guwardya sibil * KABANATA 62: Ang Pagtatapat ni
Padre Damaso > Padre Damaso - dumalo upang umasiste sa kasal; umiyak humagahuhol na parang
bata ng malaman ang hinaing ng dalaga - napagbigyan nya ang dalaga sa kahilingan nito maging
mongha o madre > Maria Clara - umiyak at sianbi sa Padre na kung mahal na mahal nya ito
tulungan ang ama at sirain ang kasal - sinabing wala na si Ibarra, kumbento nalang at kamatayan
ang pagpipiliin ko * KABANATA 63: Ang Noche Buena > Noche buena na, ngunit ang mga taga-San
Diego ay nangangatog sa ginaw bunga ng hanging amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng
nakaraan na masayang-masaya ang mga tao, Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong bayan. >
Basilio - inampon sya ng isang pamilya at pinatuloy sa libis ng bundok at sinabing aalis na sya doon
matapos mamalagi ng dalawang buwan at dahil narin magpapasko - nang makita ang ina umaawit
sa daan ay kaniya namang itong sinundan at binato pasiya ng isang alilang babae - umakyat sa puno
ng balete malapit sa libingan at nahulog ito - nang matauhan sya nakita niya ang inang walang
malay at hindi na humuhinga; syang napaluha ng muling makita ang ina > Sisa - pinaalis nina Don
Filipo at Kapitan Basilio’t pagala-galang parang dating baliw na umaawit ng malumanay at may
pighati; kumaripas ang takbo sa pag-aaklang hinahabol sy ng mga guwarya sibil hang makarating sa
libingan - sinarhan ang pinto ng libingan at nakita ang bumaksak na si Basilong duguan ang ulo at
pumulas Sya ng sigaw > Elias - tinungo ang libingan at sinabi kay basilio na kung sakaling patay na
sya, sinugin silang magkasama ni Sisa at sinabi niya sa bata na hukayin ang tinagong kayamanan sa
ilalim ng puno ng balete at gamitin ito sa kanyang pag- aaral * KABANATA 64: Katapusan o Epilogo
> Padre Damaso - sya ang tunay na ama ni Maria Clara; magmula ng pumasok sa kumbento ang
anak, sya’y nanirahan sa Maynila ngunit ng malaman niyang ililipat sya sa malayong provinsya,
sya’y natagpuang patay dahil sa bangunot > Kapitan Tiago - ama-amahan ni Maria na itinuring na
tunay na ama nito; sya’y naging palaboy-laboy at nalulong sa paglalaro ng lyempo, sabong at
pahithit ng opyo o marijuana > Ang Mag-Asawang De Espadañ a - nahilig aang Donya sa
pagpapatakbo ng karuwahe kapiling ang kaniyang pinatahimik na Don Tiburcio > Linares - namatay
at nailibing sa Paco dahil sa Disenteriya > Padre Salvi - inaantay na lamang niya ang kanyang
pagiging Opispo sa Maynila ---------- WAKAS ---------- Mga Teoryang Sumuri sa Nobelang “Noli Mi
Tangere” 1. Teoryang Biyograpikal - sang teoryang pampanitikan na nagpapakita ng kaugnayan ng
akdang isinulat ng may akda sa mga pangyayari sa kaniyang buhay. 2. Teoryang Historikal - Ayon
kina Sylvia Bull at Joseph Paille (2015), ang teoryang historikal ay isang uri ng pag-aaral ng akdang
pampanitikan batay sa kasaysayan at pag-unlad nito sa paglipas ng panahon. Ipinababatid ng
teoryang ito ang mga layunin ng may-akda sa pagsulat ng obra sa kaniyang kapanahunan. 3.
Teoryang Humanismo - teoryang pampanitikan na nagpapalitaw ng kalakasan ng tao bilang
pinakamatalinong nilalang. Ito ay isang pilosopiya ng pagkatuto at pagtuklas ng kakayahan ng tao.
4. Teoryang Idealismo - Ang idealismo ay mula sa salitang Griyego na idein na nangangahulugang
“makita”. Ito ay malikhaing teorya na may mataas na pagkilala sa paggamit ng haraya o
imahinasyon. Subhetibo ang pananaw nito at may layunin na matupad ang mga ideya na idinidikta
ng kaisipan. 5. Teoryang Sosyolohikal - naglalarawan sa mga pangyayari sa lipunan particular sa
mga suliraning kinasasangkutan ng mamamayan. Ayon kay Patrocinio V. Villafuerte(2000), hindi
ang akda ang pinagtutuunan ng pansin kundi ang naging impluwensya nito sa mambabasa.
Pinapakilos ng teoryang ito ang tao sa dapat gawin sa mganagaganap sa kapaligiran at pinag-iisip
ang tao ng maaring solusyon sa umiiral na problema. 6. Teoryang Klasisismo

9. - ang isang akda ay may bisa sa pagpapayabong ng mga kaisipan ng tao. May mga klasikal na
katotohanang ipinahahayag na nagsisilbing gabay sa paglikha ng mga moral at pilosopikal na ideya.
Matatag ang paniniwala sa ideyalismo. Tumatalakay ito sa mga paksang pang alinmang panahon 7.
Teoryang Kultural - nagpapaliwanag ng kaugnayan ng kultura sa kalikasan at sa lipunan. Sa
pakahulugan ng Dictionary of Sociology(2017), ang kultura ay proseso ng pagtuklas ng kagandahan
ng buhay. - Sa ideolohiya ni Antonio Gramsci, ang kultura ay nagpapatibay ng paniniwalang moral
at kapangyarihang politikal ng isang lipunan. Nabuo ng Gramsci ang cultura hegemony na
nagsasabing upang mapayapang mapamunuan ang isang lipunan, kailangang mapatatag ang
kultura at mapahalagahan ang paniniwala, kaugalian, at tradisyon ng isang bansa. 8. Teoryang
Arketaypal - gumagamit ng mga simbolismong nag-uugnay sa mga pangyayari. Malalim ang
pagbibigay-interpretasyon sa mga simbolong ito ay pinahihintulutan nito ang mambabasa na
makita ang kabuuang paglalarawan ng akda. Ang teoryang ito ay nagsimula kay Carl Jung na
nagsabing ang pangyayari sa akda ay naglalarawan ng mga imaheng nagmula sa karanasan ng mga
tao. 9. Teoryang Marxismo - Ang Marxismo ay isang siyentipikong pandaigdigang pananaw na
nagmula sa malikhaing kaisipan ni Karl Marx. Ito ay naghahayag ng isang rebolusyonaryong
pagkilos na naghahangad na mabigyan ng bagong anyo ang mundo at magbunga ng pandaigdigang
transpormasyon. 10. Teoryang Moralistiko - Itinuturing ang isang akdang pampanitikan bilang
bukal ng mga kaisipang batayan ng wastong pamumuhay at pakikipagkapwa. Inilalarawan sa teksto
ang mga paksang pagtatagumpay ng kabutihan sa kasamaan, pagwawagi ng katarungan laban sa
pang-aapi, pangingibabaw ng kalinisan ng pagkatao at katatagan sa harap ng mga pagsubok at
kahinaan. Ipinapakita ang pagtutunggali ng lakas Jose Protacio Rizal Mercado y Alozo Realonda 
isa sa mga dakilang bayani ng Pilipinas na piniling gumamit ng panulat sa pagtatanggol sa ating
bayan.  Nangangahulugang “pamilihan” (market) ang orihinal nilang apelyido na Mercado
samantalang “luntiang bukirin” ang Rizal.  Isinilang siya sa Calamba,Laguna noong ika-19 Hunyo
1861. Pampito siya sa labing isang anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo.  1887, si Pepe
ay nakamit ang ang Batsilyer ng Sining sa Ateneo de Manila  Noong 1882, nagtungo si Rizal sa
Espanya upang mag-aral sa Universidad Central de Madrid. Napilitan siyang mangibang bayan dahil
narin sa udyok nina Antonio Rivera at ga kapatid na Paciano at Saturnina.  1885, Nagsanay si Rizal
ng optalmolohiya sa Paris at natapos ang medisina  Isa siyang poligloto (polyglot) dahil natutuhan
niya ang 22 na wika sa kaniyang paglalakbay.  Noong 1890, siya ay naging isang Mason, isang
lihim na kapatiran ng mga kilalang tao sa lipunan na layuning isulong ang reporma at ipaglaban ang
kalayaan ng bansa.  Bumalik sa Pilipinas si Rizal noong 1892, at itinatag ang La Liga Filipina na
may layuning mapagkaisa ang mg Pilipino at makatulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan  Dinakip
at nakulong siya noong ika- 6 ng Hulyo 1892 sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan sa ilalim ng
mga kasunduan. Dito siya nakapanggamot sa mahihirap, nakapagtayo ng paaralan, nakatuklas ng
mga halaman, nakapagpinta at nakapaglilok. Sa Dapitan din niya nakilala at naksama ang dayuhang
si Josephine Braken na huling babaeng kaniyang minahal.  Isinulat niya ang “Mi Ultimo Adios”
bago siya barilin sa Bagumbayan noong ika-30 ng Disyembre 1896. Pablo Pastells - ng propesor na
anging dahilan ng pagkadismaya ni Rizal sa UST dahil sa magkasalungat nilang ideya sa librong
ginamit sa isang asignatura. Kaligirang Kasaysayan ng Noli Me Tangere > Noli Mi Tangere 
hinango ni Rizal sa kabanata 20 ng ebanghelyo ni San Juan. Nangangahulugan itong “huwag mo
akong salingin o hipuin”.  Naging inspirasyon niya sa pagsulat ng nobela ang dalawang aklat na
The Wandering Jew ni Eugenio Sue at ang Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe.  Inihandog
niya sa Inang Bayan ang nobela  -sinimulan nya itong sulatin sa Madrid at ipinagpatuloy hanggang
Paris , natapos sa Alemanya noong Pebrero 21, 1887  Maximo Viola, pinahiram nya si Rizal ng 300
piso na kailangan nito sa pagpapalimbag  Nagpalimbag sya ng dalawang libong sipi (200 pages) ng
Noli Mi Tangere sa Imprenta Lette sa Berlin at natapos ang pagpapalimbag noong Marso 1887.

10.  Ayon kay Dr. Ferdinand Blumentritt, ang nobelang ito na isinulat ni rizal ay “sinulat mula sa
puso” Daniel Anciano - nahahati sa dalawang bahagi ang pabalat ang kaliwa at kanang bahagi.Sa
gitna ng pabalat nakasulat ang malaking pamagat ng nobela NOLI ME TANGERE na
nangangahulugang “huwag mo akong salingin”  Paa ng Prayle -Inilagay ni Rizal sa pinaka-ibabang
bahagi ng tatsulokat sumasakop sa halos mahigit sa kalahati ng paanan ng tatsulok. Ang simbolismo
ay ginamit upang ipabatid ni Rizal kung sino ang nagpapalakad ng bayan sa kaniyang kapanahunan.
 Sapatos sa Paa ng Prayle-Ang paglalagay ni Rizal ng sapatos sa paa ng prayle ay pagbubunyag ng
pagiging maluho ng pamumuhay ng mga prayle sa Pilipinas sa kaniyang kapanahunan. Isa sa
sinaunang mgakautusan sa mga Pransiskano ay ang hindi pagsusuot ng sapin sa paa.  Nakalabas
na Binti sa Ibaba ng Abito- Pagpapahiwatig ni Rizal sakalaswaan ng pamumuhay ng mga prayle sa
Pilipinas na hayagang tinalakay niya sa loob ng nobela. Maaari rin na ang nakalabas na balahibo sa
binti ng prayle ay isang lihim na paglalarawan ni Rizal sana kalabas na balahibo ng lobo/wolf na
nakabihis ng damit ng kordero.  Helmet ng Guardia Sibil- Simbolo ng kapangyarihan ng kolonyal
na hukbong sandatahan na nang-aabuso sa mga karapatang pantao ng mga Pilipino sa kaniyang
kapanahunan. Pansinin na inilagay ni Rizalang helmet na parang nakayuko sa tapat ng paanan ng
prayle.  Latigo ng Alperes-Simbolo ng kalupitan ng opisyal ng kolonyal nahukbong sandatahan.
Maging si Rizal ay naging biktima ng latigo ng alperes sa Calamba, Laguna. Ang paglalagay nito sa
pabalat ng nobela ay nagpaparamdam sa atin na hindi niya nalilimutan ang ginawang pagpalo sa
kaniya ng latigo. Ang lupit ng latigo ay ilalarawan sa iba·t ibang kabanta ng nobela.  Kadena-
Simbolo ng kawalan ng kalayaan ng mga Pilipino sa ilalim ng kolonyal na pamahalaan. Pamalo sa
mga pinarurusahan.  Penitensiya -tinatawag sa ibang lugar na suplina ay ginagamit ng mga
mapanata sa kolonyal na simbahan upang saktan ang kanilang mga sarili (tinatawag na
penitensiya) dahilan sa kanilang paniniwala na ito ay isang uri ng paglilinis sa kanilang mga
nagawang kasalanan. Para kay Rizal, wari bang hindi pa sapat sa mga Pilipino ang pananakit ng mga
guardia sibil at kailangan pang sila pa mismo ang magparusa sa kanilang mga sarili.  Lagda ni
Rizal-Mapansin sana na inilagay ni Rizal ang kaniyang lagda sa kanang triyangulo upang ipakita sa
mga mambabasa kung saan siyang panahon kabilang.  Halamang Kawayan - Isang mataas ngunit
malambot na halaman (sinasabi ng iba na puno at ang iba naman ay damo). Inilagay ni Rizal ang
punong kawayan upang ipakita ang pamamaraan ng mga Pilipino sa pakikibagay ng mga Pilipino sa
isang mapang-aping lipunan at ito ay ang pagsunod sa ihip ng hangin. Makikita ang katunayan nito
sa Kabanata25).  Bulaklak ngSunflower-ang sunflower ay isang natatanging bulaklak dahilan sa
kakayahan nito na sumunod sa oryentasyon ng sikat ng araw. Inilagay ni Rizal ang bulaklak na ito
sa layunin na maging halimbawa ng kaniyang mga mababasa na maging ugali na sumunod sa
pinagmumulan ng liwanag.  Simetrikal na Sulo -ang sulo ay ginamit ni Rizal na bilang sagisag ng
Noli Me Tangere. Kung papansining mabuti angdisenyo ng katawan ng sulo, mapupuna na hindi
ginamit ni Rizal ang kawayan na siyang karaniwang sisidlan ng panggatong na nagpapaliwanag ng
ilaw  Ulo ng Babae-Maaring maitanong kung sino ang babaeng ito? Ipinakilala ni Rizal ang babae
sa pamamagitan ng paglalagay niya sa harapan ng babae ng pinag-uukulan niyang kaniyang nobela
 A Mi Patria. Kung isasalin ito sa higit na angkop para sa ating wika ay higit nating ginagamit ang
Inang Bayan.  Krus -Ang simbolo ng relihiyosidad ng malaking bilang ng mga mamamayang
Pilipino. Mapapansin na inilagay ni Rizal ang krus sa halos pinakamataas na lugar ng pabalat.
Ipinakikita nito ang mataas nitong katayuan ang kakayahan na makapaghari sa isipan ng Inang
bayan  Mga Dahon ng Laurel -Ang dahon ng laurel ay napakahalaga samatala ang kabihasnang
kanluranin. Ito ang ginagawang korona para sa kanilang mga mapagwagi, matatapang matatalino,
at mapanlikhaing mamamayan. Mapapansin na ang mga dahon ng laurel ay hindi panapipitas sa
halaman. Isang paglalarawan ng pag-asa ni Rizal na sa pagdating ng panahon ang mga dahon ng
laurel na ito pipitasin at ilalagay sa ulo ng mga natatanging mga anak ng bayan. Ang supang ng suha
at mga dahon ng laurel ang magpapasibol ng isang pambansang konsensiya ng bayan na nais ni
Rizal na sumibol sa kaisipan ng mga Pilipino na noon ay hinahadlangan ng kolonyal na simbahan.
Noli Me Tangere Kabanata 14: Tasyo: Baliw o Pilosopo?

Si Don Anastacio o mas kilala sa tawag na Pilosopo Tasyo ay kilala sa San Diego dahil siya ay may
kakaibang pananaw tungkol sa pulitika at mga paniniwala.

Si Tasyo ay dating estudyante ng pilosopiya. Isinantabi niya ang kanyang pag-aaral upang sumunod
sa inang matanda na.

Pinili niyang huwag nang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral sa halip ay pinakasalan niya ang
kaniyang kasintahan. Ngunit namatay ang kanyang ina at kabiyak.

Pagbabasa ng libro ang kanyang inatupag upang hindi niya maalala ang lungkot na sinapit.
Naengganyo siyang bumili ng mga aklat kaya napabayaan na niya ang mga kayamanang namana.

Simula noon ay tinawag na siyang Pilosopo Tasyo ng mga may kaya sa buhay, samantalang baliw
naman ang tawag sa kanya ng mga mapagbirong tao. Nagtataka ang mga tao sa paniniwala ni Tasyo.

Masaya siya dahil may gumuhit na kidlat sa madilim na langit at nagbabadya nang bumuhos ang
malakas na bagyo. Aniya, ang bagyo ang lilipol sa mga tao na siyang maglilinis sa sanlibutan.

Batid niyang mas maiigi pang bumili ng tagahuli ng kidlat kaysa sa mga paputok at kwitis. Hindi din
sang-ayon si Pilosopo Tasyo sa pagpapatugtog ng kampana kapag kumukulog dahil ito ay lubhang
mapanganib. Pinagtatawanan lang si Pilosopo Tasyo ng sinumang nakakarinig sa kanyang mga
mungkahi.

Sunod na nagtungo si Tasyo sa simbahan kung saan niya naabutan ang dalawang magkapatid.
Sinabihan niya ang mga ito na umuwi na dahil may hinandang espesyal na hapunan ang kanilang
ina. Ngunit hindi naman papayagan ang mga ito na umuwi dahil sa mga katungkulan nila sa
simbahan.

Nang lumabas ang matanda sa simbahan ay nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang marating ang
bahay ni Don Filipo at Aling Doray.

Doon ay pinag-usapan nila ang patungkol sa purgatoryo, bagay na hindi pinaniniwalaan ni Pilosopo
Tasyo. Sunod namang talakayan ang pagdating ni Ibarra sa sementeryo. Nabanggit ni Pilosopo
Tasyo na isa siya sa anim na kataong dumalo sa libing ng ama ni Ibarra.
Noli Me Tangere Kabanata 15: Ang mga Sakristan

Ang dalawang magkapatid na nakita ni Pilosopo Tasyo ay nasa ikalawang palapag ng simbahan. Si
Crispin ang nakakabata at si Basilio naman ang mas nakakatanda. Sila ang anak ni Sisa.

Palaging nakabuntot si Crispin sa kanyang kuya dahil sa takot nito. Sila ay nagtutulungan sa
pagpapatunog ng kampanaryo ng simbahan.

Pinagbibintangan si Crispin ng sakristan mayor na nagnakaw ng tatlumpu’t dalawang piso. Hindi


naman ito mabayaran ng dalawang magkapatid dahil wala nang makakain ang ina kung ibabayad
ang kanilang sahod.

Batid ni Crispin na sana nga ay ninakaw nalang niya ang pera upang meron siyang maibigay sa
kanyang ina at kapatid.

Nababahala si Basilio na malaman ng ina ang ibinibintang na pagnanakaw ni Crispin. Tiwala naman
si Crispin na paniniwalaan siya ng ina.

Bente sentimo lang ang pera ni Crispin. Pinakatagu-tagu pa niya ito sa kanyang aginaldo nung
nakaraang pasko. Habang nag-uusap ang magkapatid ay may narinig silang kaluskos.

Nagalit ang sakristan mayor dahil narinig niya ang usapan ng dalawang magkapatid. Pinagmulta
niya si Basilio dahil sa maling pagpapatunog ng kampana at hindi naman niya pinayagang makauwi
si Crispin hangga’t hindi nito nababayaran ang kanyang ninakaw.

Sinabi ng sakristan mayor na maaari palang makauwi si Basilio pagsapit ng ika-sampu ng gabi
ngunit mapanganib na para kay Basilio ang umuwi dahil pinagbabawal ng gwardiya sibil ang
paglalakad sa daanan paglampas ng ika-siyam ng gabi.

Nagalit ang sakristan mayor kaya kinaladkad nito sa Cripin palayo kay Basilio. Hindi nakapagsalita
si Basilio sa narinig na mga sampal, sigaw, pagmamakaawa na unti-uning nauwi sa katahimikan.
Dali-daling pumanhik si Basilio at tumakas gamit ang mga lubid ng kampana. Lumipas ang
dalawang minuto, dalawang putok ng baril ang ikinagulat ng lahat.
Noli Me Tangere Kabanata 16: Si Sisa

Si Sisa ang ina nina Crispin at Basilio. Siya’y nagpakasal sa isang sabungerong lulong sa sugal.

Sa tuwing nagkikita ang dalawa ay puro kalungkutan nalang ang nadarama ni Sisa dahil wala na
itong maidulot na maganda para sa kanilang pamilya. Puro sarili nalang ang iniisip nito.

Madalas pang bugbugin ang asawang si Sisa. Tanging si Basilio at Crispin nalang ang nagpapasaya
at nagbibigay pag-asa kaya Sisa. Bata pa si Sisa ngunit bakas sa kanyang mukha ang paghihirap
niya.

Isang gabi ay naghanda si Sisa ng makakain ng mga anak. Nagsaing at nag-ihaw siya ng tatlong
tuyong tawilis. Nakikita na si Sisa ang ligayang idudulot nito sa kanyang mga anak sa pag-uwi nila.

Nagpapasalamat si Sisa kay Pilosopo Tasyo dahil sa tapang baboy ramo at isang hita ng patong
binigay nito sa kanya. Isang masarap na hapunan ang inihanda ni Sisa para kanyang mga anak.

Ngunit sa di inaasahan, dumating ang asawa ni Sisa. Dali-daling nilamon ng asawa nito ang lahat ng
inihanda ni Sisa at wala nang itinira para sa mga anak. Pagkatapos kumain ay kinuha nito ang
manok na panabong at agad umalis.

Muling nanlumo si Sisa at agad na inayos ang sarili dahil sa pag-aakalang parating na ang mga anak.
Muling nagsaing at nag-ihaw ng natitirang tawilis si Sisa para sa mga anak.

Ilang sandali pa’y narinig niya ang malakas at sunud-sunud na pagkatok ni Basilio.

You might also like