PAGBASA-HANDOUT-9-BALANGKAS-AT-KONSEPTONG-PAPEL - Doc 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ILIGAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

S.Y. 2021-2022 2ND KWARTER


PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
HANDOUT NO. 9
PAGBUO NG PANSAMANTALANG BALANGKAS AT KONSEPTONG PAPEL

PANSAMANTALANG BALANGKAS KONSEPTONG PAPEL

- Ito ang magbibigay ng direksyon sa pananaliksik. - Ito ang sunod na hakbang ng pansamantalang balangkas.
- Ito ang magbibigay ng gabay upang masagot ng mananaliksik ang - Sa pamamagitan nito’y mailalahad ng mananaliksik ang magagawa
dalawang mahalagang tanong: niya upang MAPATUNAYAN:
a. Ano-ano na ang mga bagay na alam ko na o nasaliksik ko na a. ang napiling paksa
at maaari ko nang i-organisa patungkol sa aking paksa? b. pahayag na tesis
b. Ano-ano pang mga datos o impormasyon ang wla pa o - Ito ang pagkakataong mailahad/maipakita/malaman:
kulang pa at kailangan ko pang saliksikin? c. tunguhin ng pananaliksik
- Makikita rito kung ang ideya ay konektado sa isa’t isa, kung maayos d. kung ano ang mangyayari/ daloy ng pananaliksik
ang daloy ng bawat bahagi at walang puwang o gap na dapat punan - Nagsisilbing proposal para sa gagawing pananaliksik.
sa pagkakasunod-sunod ng mga ito.
APAT NA BAHAGI NG KONSEPTONG PAPEL
HALIMBAWA NG PANSAMANTALANG BALANGKAS 1. Rationale
- Ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung
PAANO GINAGAMIT ANG E-TEXTBOOKS SA LOOB NG SILID- bakit napiling talakayin ang isang paksa. mababasa rito ang
ARALAN KAHALAGAHAN at KABULUHAN ng paksa.
2. Layunin
I. Introduksyon - Dito naman mababasa ang HANGARIN o TUNGUHIN ng
A. Paunang Kaalaman o Background sa Paggamit ng E- pananaliksik batay sa paksa.
Textbook sa Silid-Aralan 3. Metodolohiya
B. Layunin ng Pag-aaral - Ilalahad dito ang PAMAMAMARAANG GAGAMIITN ng
C. Pahayag na Tesis mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang
D. Mga Tanong na Nais Sagutin ng Papel PARAAng gagamitin sa PAGSUSURI sa mga nakalap na
E. Kahalagahan ng Pananaliksik impormasyon.
F. Lawak at Delimitasyon PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS
 Literature Search – aklat, internet
II. Mga Kaugnay na Literatura  Pagdodokumento ng mga naobserbahan
A. Depinisyon ng E-Textbook  Survey-Interview
B. Maikling Kasaysayan ng E-Textbook  Survey-Form/Questionare
C. Mga Pormat ng E-textbook sa mga Inimprentang Libro  One-on-One Interview
D. Mga Naunang Pag-aaral Tungkol sa Paggamit ng E-  Focused Group Discussion
Textbook PARAAN NG PAGSUSURI SA NAKALAP NA DATOS

III. Metodolohiya  Emperikal


A. Obserbasyon  Komparatibo
B. Dokumentasyon  Interpretasyon
C. Pag-iinterbyu sa mga Mag-aaral at Guro  Pagsusuri sa Kahulugan
D. Sintesis ng mga Nakalap na datos. 4. Inaasahang awput o resulta
- Ilalahad ang inaasahang kalalabasan o resulta ng
IV. Resulta pananaliksik.
- Dahil patuloy pa rin ang pangangalap ng impormasyon ay
V. Kongklusyon at rekomendasyon maaring magkaroon pa rin ng pagbabago ang inaasahang
result sa pinal na papel depende sa kalalabasan ng pagkalap
ng datos.
VI. Bibliyograpiya

HALIMBAWA NG KONSEPTONG PAPEL

PAANO GINAGAMIT ANG E-TEXTBOOKS SA LOOB NG SILID-ARALAN


Ayon kina Bernie Trilling at Charles Fadel sa kanilang aklat na 21st Century Skills: Learning for Life in our Times
(2009), ang kasalukuyang siglo ay nagdala ng mga bagong set ng indibidwal na lubhang naiiba sa kanilang magulang . Sila
ang mga digital native. Sila ang unang set ng kanilang henerasyon na napaliligiran ng digital media. Sila rin ay naiiba sa mga
“natutong gumamit” ng teknolohiya paglipas ng panahon o mga digital immigrants. Inilarawan nila Trilling at Fadel ang mga
digital native bilang unang henerasyon sa kasaysayan na mas marami pang nalalaman tungkol sa mga impormasyong digital
at teknolohiyang pang-komunikasyon o digital information and communications technologies kaysa sa mga nakatatanda sa
kanila. Ayon sa kanila, binago nito ang dinamika sa paaralan dahil ang mga mag-aaral na ang mga digital mentor at ang mga
guro at magulang na ang mga part-time na mga mag-aaral. Dahil sa pagkalantad ng mga digital native sa mundong digital,
sila ay naglalatag ng bagong set ng pangangailangan sa ating sistemang pang-edukasyon.
Ayon muli kina Trilling at Fadel, may mga kakayahang pang-21 siglo o 21st century skills na kinakailangang matamo
ng mga mag-aaral. Hindi lamang ang pagiging bihasa sa mga natukoy na kakayahan o identified skills tulad ng problem
solving at critical thinking ang kabilang sa mga kakayahang ito, kundi maging pagiging bihasa sa mga makabagong
kakayahan tulad ng digital media literacy. Ipinaliwanag din nila ni Trilling at Fadel na may tatlong set ng kakayahan na
kinakailangan matamo ng mga mag-aaral sa ika-21 siglo. Ito ay ang life and career skills, learning and innovation skills, at
information, media, and technology skills.
Nais ng papel na ito na mag-pokus sa information, media, and technology skills lalo na at ang ilan sa mga silid-
aralan sa Pilipinas ay nagsisimula nang maging hi-tech hindi lamang sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya upang
gumawa ng mga teaching aid at instructional material, kundi sa pamamagitan ng pagpapalit sa mga inimprentang teksbuk
ng electric textbook o e-textbook. Nais ng papel na ito na malaman kung paano ginagamit ng mga guro at mga mag-aaral
ang e-textbook sa pagtuturo at pag-aaral sa loob ng silid-aralan bilang manipestasyon ng kanilang information, media, and
technology skills at kung ano ang impak ng teknolohiyang ito sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa loob at labas ng mga
silid-aralan.
Sa kasalukuyan, magkakaiba-iba ang lebel ng information, media, and technology skills ng mga guro at mag-aaral
sapagkat iba-iba rin ang kanilang exposure sa mga makabagong teknolohiya. Dahil dito, ipinahahayag ng papel na ito na ang
paggamit ng e-textbook sa loob ng silid-aralan ng mga mag-aaral at mga guro ay nakadepende sa kanilang information,
media, and technology skills.
Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ang pagsasagawa ng pakikipanayam sa ilan sa mga guro at mag-aaral na
gumagamit ng e-textbook bilang metodo ng pagkalap ng impormasyon ayon sa layunin ng pananaliksik na isasagawa.
Ipinapanukala rin ng papel na ito ang pagsasagawa ng obserbasyon sa mga silid-aralan ng isang piling paaralan na
nagpapatupad ng paggamit ng e-textbook sa pili nitong mga pangkat at baiting upang higit na mapatatag ang mga datos na
makukuha mula sa pakikipanayam.
Inaasahang makabubuo ng 50 pahinang awput ang pananaliksik na isasagawa na tumutugon sa layunin ng papel na
ito. Inaasahanding makapagpapahayag sa awput ng mga rekomendasyon na maaaringmagamit ng piniling paaralan o ng iba
pang paaralang nagnanais na gumamit ng e-textbook sa kanilang kurikulum.

HALIMBAWA 2
ANG PAGTINGIN NG KABATAANG MARANAO SA KANILANG KULTURAL NA GAWI SA PAG-AASAWA
Ang Iligan City na nasa Mindanao ay isang lugar na masasabing mikrokosmo ng Pilipinas. Nakatira rito ang iba’t ibang
etnikong grupong mula sa Luzon, Visayas at Mindanao dahil naririto ang mga planta ng mga industriya ng semento, arina,
kemikal at iba pa. Naririto rin ang haydroelektrik plant ng NAPOCOR na nagsusuplay ng kuryente sa halos buong Mindanao.
Gayundin, nasa Iligan ang isang kampus ng Mindanao State University na dinarayo ng mga estudyante mula sa iba’t ibang
bahagi ng Mindanao at maging sa Visayas at Luzon.
Iliganon ang tawag sa mga katutubo sa IIigan. Maliban sa mga Iliganon at iba pang dayo sa siyudad, madalas na
nakakasalamuha rin ang mga Maranao na katutubo ng mga probinsyang Lanao at mga baying nakapalibot sa Lake Lanao.
May natatangi silang tradisyong kaiba sa mga Kristiyano dahil sa kanilang relihiyong Islam. Karaniwan din silang tinatawag
na Muslim.
Ang mga kabataang Maranao na nasa Iligan. Maliban sa mga Iliganon at iba pang dayo sa siyudad, madalas na
nakakasalamuha rin ang mga Maranao na katutubo ng mga probinsyang Lanao at mga baying nakapalibot sa Lake Lanao.
May natatangi silang tradisyong kaiba sa mga Kristiyano dahil sa kanilang relihiyong islam. Karaniwan din silang tinatawag
na Muslim.
Ang mga kabataang Maranao na nasa Iligan ay nakikisalamuha sa mga Kristiyano. Marami na rin sa kanila ang
naninirahan na sa Iligan o malapit dito dala ng hanapbuhay ng kanilang mga magulang o pag-aaral nila. Marami sa kanila ay
hindi na sumusunod sa kanilang tradisyunal na pananamit. Madalas sa kanila ay hindi na sumusunod sa kanilang tradisyunal
na pananamit. Madalas din na hindi sila makilalang Maranao maliban kung magsalita sila o magpakilalang Maranao nga sila.
Sa ganitong konteksto, may posibilidad na maimpluwensyahan ang saloobin ng mga kabataang Maranao ng
kanilang kapaligirang kaiba sa kanilang nakamihasnang tradisyon. Isa sa maaraing maapektuhan ay ang kanilang saloobin sa
kanilang kultural na gawi sa pag-aasawa.

Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito na makilala ang mga kabataang Maranao particular sa pagtingin nila sa
kanilang gawi o tradisyon sa pag-aasawa. Ang mga sumusunod ay mga ispesipikong layunin ng pananaliksik:
1. Tuklasin ang gawi o tradisyon ng mga Maranao sa pag-aasawa;
2. Alamin kung gaano karaming kabataang Maranao ang naniniwala pa rin sa kanilang kultural na gawi o tradisyon sa
pag-aasawa;
3. Tuklasin kung gaano karaming kabataang Maranao ang hindi naniniwala sa kanilang kultural na gawi o tradisyon sa
pag-aasawa; at
4. Alamin ang mga factor na nakaimpluwensya sa pananaw ng mga kabataang Maranao sa kanilang kultural na gawi
sa pag-aasawa.

Mapagkukunan ng mga datos ang mga libro, dyornal, ensayklopediya, at mga artikulo tungkol sa kulturang Pilipino
particular ang kulturang Maranao. Makakukuha rin ng mga impormasyon sa pamamagitan ng interbyu sa mga Maranao lalo
na sa mga kabataan. Pamaraang indehinus ang gagamitin sa pangangalap ng datos.
Ang pag-aaral ay buuin ng 30-35 na mga pahina. Ang pananaliksik na ito ay magtataglay din ng bibliograpi at apendiks.
,

You might also like