Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Arellano University

Senior High School Department

FILIPINO 11: PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


IKA-APAT MARKAHANG PAGSUSULIT

PANGALAN: PETSA:
SEKSYON: GURO:
I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN
Panuto: Basahin at Unawaing mabuti ang isinasaad ng bawat bilang. Piliin ang titik ng wastong sagot.

1. Nakapaloob dito ang pagbuo ng isang titulo mula sa paksang pinag-aaralan.


a. suliranin b. layunin c. panimula d. pamagat
2. Inilalarawan sa bahaging ito kung ano at kung paano isinagawa ang pag-aaral
a. paglalahad ng suliranin b. buod c. kongklusyon d. metodolohiya
3. Nakalagay rito ang simpleng estadistika ng mga nakuhang datos gáling sa respondente.
a. tritment ng datos b. rasyunal c. batayang konseptwal d. interpretasyon
4. Naglalahad ng buong nilalaman o overview ng pananaliksik sa iba’t ibang bahagi.
a. resulta ng pag-aaral b. kongklusyon c. lagom d. panimula
5. Sa bahaging ito inilalahad ang metodo ng pananaliksik.
a. Kabanata I b. Kabanata II c. Kabanata III d . Kabanata IV
6. Kasanayan kung saan gumagamit ang mananaliksik ng silid-aklatan nang mag-isa.
a. bibliyolekta b. estadistika c. wika d. kompyuter
7. Ito ay isang matematikal na kompyutasyon na ginagamitan ng lohika.
a. wika b. estadistika c. bibliyolekta d. kompyuter
8. Midyum na kinapapalooban ng tamang kohirens at kohesyon ng pananaliksik.
a. kompyuter b. estadistika c. wika d. bibliyolekta
9. Ang pangunahing katangian ng ganitong uri ng istrumento ay magsagawa ng operasyon sa mataas na
antas ng katumpakan at pleksibilidad.
a. bibliyolekta b. estadistika c. wika d. kompyuter
10. Ito ay isang mataas na paraan ng pagsulat dahil nangangailangan ito ng pangangalap ng datos at
pagbibigay interpretasyon. Pagbuo ng sariling pananaw mula sa isang konsepto.
a . akademikong sulatin b. teknikal na sulatin c. pananaliksik d. Aklat
11. Ikaw ay bubuo ng isang pananaliksik at ang iyong nagustuhang paksa ay may kinalaman sa pagtuklas
sa mga kagamitang pampagtuturo ng mga guro para sa mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral. Anong
angkop na na disenyo ang dapat mong ilapat sa iyong pananaliksik?
a . Diskriptibo b. Nataribo c. Case Study d. Eksperimental
12. Sa iyong pananaliksik ay napili mong pag-aralan ang mga nagging pang araw-araw karanasan ng iyong
kalahok. Anong angkop na disenyo ang dapat mong ilapat sa iyong pananaliksik?
a. Naratibo b. Grounded theory c. Diskriptibo d. Case Study
13. Ang mga sumusunod ay hindi kabilang sa disenyong kwantitatibong pananaliksik MALIBAN SA:
a. naratibo b. deskriptibo c. case study d. grounded theory
14. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga unang hakbangin sa pagpili ng paksa MALIBAN SA:
a. kabuluhan ng paksa b. sanggunian c. interes d. malikhain
15. Dapat na iwasang pumili ng paksang may kinalaman sa relihiyon ; maiman na pumili ng paksang gamit
na gamit na sa pananaliksik ng mga mag-aaral para hindi na mahirapan sa pagkalap ng datos.
a. ang dalawang Pangungusap ay tama
b. ang dalawang Pangungusap ay mali
c. ang unang pangungusap ay tama at ikalawa ay mali
d. ang unang pangungusap ay mali at ang Ikalawa naman ay tama.
16. Saklaw ng panahon ang lawak o ang katiyakan ng panahong tinutukoyng paksa ng pananaliksik.
a. lugar b. panahon c. perspektiba d. propesyon
17. sa pagpili ng paksa mahalaga na interesado ka sa iyong paksang pipiliin.
a. panahon b. kabuluhan c. interes d. kakayahan
18. Dahil sa exclusive property rights na ito, hindi basta-bastang magagamit ang kanilang ginawa o
naimbento hanggat hindi nila ito pinayagan na gamitin
a. RA 8293 b. RA 8923 c. RA 8392 d. RA 8239
19. Uri ng pangongopya na kung saan tahasang ginaya ang kabuuhan, bawat salita mula sa pinagkuhaan.
a. Full Plagiarism b. Self-Plagiarism c. Plagiarisim d. Partial plagiarism
20. Ito ay tumutukoy sa impormasyong ginagamit sa isang pag-aaral partikular sa pananaliksik.
a. apendiks b. datos c. sanggunian d. talaan ng nilalaman
21. Alin sa mga sumusunod na set ang maituturing na mga hanguang primarya ng mga datos sa
pananaliksik?
a. pamilya, fraternity, katutubo b. indibidwal, pamahalaan, magasin
b. journal, konstitusyon, ensayklopediya d. manwal, manuskrito, simbahan
22. Sa hanguang elektroniko, ang URL na nagtatapos sa .edu ay mula sa anong uri ng website??
a. komersiyal b. pamahalaan c. organisasyon d. akademiko
23. Ang mga sumusunod ay kabilang sa sekundaryang hanguan ng mga datos maliban sa:
a. tisis b. pisibiliti c. diary d. Newsletter
24. Dumadaan ito sa masusing interpretasyon na walang bahagi ang may pagkakamali ayon sa paggamit ng
tamang estadistika gayon din ang tamang pagbibigay ng interpretasyon.
a. empirikal b. balido c. mapanuri d. kontrolado
25. Kalikasan ng pananaliksik na ito ay dapat na nakabatay sa katotohanan ng ebidensiyasa kakayahang
idepensa at ; pagkaorihinalidad o Hindi ito galing sa pag-aaral ng ibang mananaliksik.
a. ang dalawang Pangungusap ay tama
b. ang dalawang Pangungusap ay mali
c. ang unang pangungusap ay tama at ikalawa ay mali
d. ang unang pangungusap ay mali at ang Ikalawa naman ay tama.
26. Hangarin ng pananaliksik na makapagbigay ng solusyon sa mga phenomena at ; Paikliin ang buhay at
palakasin ang kalusugan.
a. ang dalawang Pangungusap ay tama
b. ang dalawang Pangungusap ay mali
c. ang unang pangungusap ay tama at ikalawa ay mali
d. ang unang pangungusap ay mali at ang Ikalawa naman ay tama.
27. Paraan ng pananaliksik na akop na gamitin kapag mayroong kalkulasyon o bigat ng kasagutan ng
respondanteng nais ilahad.
a. kwalitatibo b. mixed c. kwantitatibo d. non-experimental
28. Uri ng plagiarisim na kung saan mas kilala rin sa tawag na recycling fraud
a. minimalistic Plagiarism b. self-plagiarism c. partial plagiarism d. source citation
29. Paraan ng pananaliksik na gumagamit ng di-numerikong pagbibigay kahulugan sa datos.
a. kwalitatibo b. mixed c. kwantitatibo d. non-experimental
30. “Mula sa ipinakita ng tsart sa itaas, masasabi na walumpung posiyento (80%) ng mga kalahok ang nagsabi
na may malaking impluwensiya ang Feng Shui sa posisyon ng kanilang gamit sa tahanan” sa anong bahagi
ng pananaliksik nabibilang ang pahayag?
a. Pamamaraan b. Resulta c. Rekomendasyon d. Lagom
31. “Ayon kay Dr. Sonia M. Zaide (1999), naimpluwensiyahan ng iba’t ibang bansa at kultura ang ating mga
pamahiin” sa anong bahagi ng pananaliksik nabibilang ang pahayag?
a. kaugnay nap ag-aaral b. Paglalahad ng suliranin c. layunin d. pagtalakay
32. Mahalaga na sa simula pa lamanng ay nalimitahan na ang mga paksang pipiliin.
a. instrumento ng pananaliksik b. saklaw at limitasyon c. pamamaraan d. resulta
33. Ito ay sistemakong paglalarawan ng mga datos na istatistikal at may layuning maipakita sa madaliang
paraang ang mga makabuluhang kaisipan o ideya.
a. patalata b. grapikong representasyon c. tsart d. talahanayan
34. Pabilog na ilustrasyon na naipapakita ang relasyon ng bawat bahagi sa kabuuan.
a. venn b. flow tsart c. pie graph d. talahanayan
35. Kalikasan ng pananaliksik na pinaglalaanan ito ng sapat na panahon at paulit-ulit na pagrerebyu sa mga
datos at resulta ng pananaliksik nang may pag-iingat
a. pinagtitiyagaan b. empirikal c. obhektibo d. sistematiko
36. Likas sa pananaliksik na mayroon itong proseso o magkakasunod na hakbang na dapat sundin tungo sa
pagtuklas sa kasagutan sa kung anumang layunin ng pananaliksik
a. balido b. empirikal c. obhektibo d. sistematiko
37. Anuman ang lumabas na resulta sa pananaliksik ay hindi dapat mabago o mabahiran ng personal na
saloobin ng mananaliksik.
a. empirikal b. lohikal c. obhektibo d. sistematiko
38. Paglalahad ng mga datos o mga mahahalagang kaisipan sa pormang tabyular.
a. line graph b. bar graph c. tsart d. talahanayan
39. Ito ay binubo ng dalawang guhit perpendicular o hugis L. Ang patayo at ibabang linya ay may
kauukulang pagtutumbas.
a. flow tsart b. bar graph c. line graph d. tabyular
40. Nililinaw sa bahaging ito ang ginamit na disenyo ng pananaliksik.
a. instrument ng pananaliksik b. Disenyo ng pananaliksik c. sarbey d. kwestyuner
41. Dito inalalahad ang eksaktong bílang ng mga sumagot sa inihandang kuwestiyonaryo-sarvey.
a. respondante b. Disenyo c. pamamaraan d. tritment ng datos
42. Ito ang hanguan ng mga datos o impormasyon na ginamit sa pananaliksik.
a. tritment ng datos b. pamamaraan c. datos d. sanggunian
43. Sa bahaging ito matatagpuan ang paglalahad ng suliranin.
a. Kabanata I b. Kabanata II c. Kabanata III d. Kabanata IV
44. Sa kabanatang ito ipinapaliwanag ang interpretasyon sa datos na nakuha sa pananaliksik.
a. Kabanata I b. Kabanata II c. Kabanata III d. Kabanata IV
45. Halimbawa nito ay sarbey, kwestyuner, panayam,
a. instrumento ng pananaliksik c. Disenyo ng pananaliksik
b. pamamaraan at metodolohiya d. Tritment ng datos
46. Ang web page Uniform Resource Locators na .com ay mula sa isang samahan at ; .gov naman ay mula sa
sangay ng pamahalaan.
a. ang dalawang Pangungusap ay tama
b. ang dalawang Pangungusap ay mali
c. ang unang pangungusap ay tama at ikalawa ay mali
d. ang unang pangungusap ay mali at ang Ikalawa naman ay tama.
47. Dapat na isaalang-alang ng mananaliksik na makatutulong ang wastong pagpili ng paksa at ; nararapat
na ang napiling paksa ay masaklaw.
a. ang dalawang Pangungusap ay tama
b. ang dalawang Pangungusap ay mali
c. ang unang pangungusap ay tama at ikalawa ay mali
d. ang unang pangungusap ay mali at ang Ikalawa naman ay tama.
48. Ang sumusunod ay mga paraang ginagamit sa pananaliksik upang makakalap ng datos maliban sa:
a. eksperimento b. debate c. talatanungan d. kwestyuner
49. Bakit patuloy ang paghahanap ng kasagutan sa iba’t ibang phenomena?
a. Dahil sa pangangailangan ng tao
b. Dahil naghahanap ng panibagong dagdag kaalaman
c. Dahil nais ng tao na makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan
d. Dahil patuloy na inuunawa ng tao ang mga pangyayari sa kaniyang paligid
50. Binibigyang kahulugan ang mga salitang mahahalaga o pili na ginagamit sa pananaliksik.
a. rasyunal b. paglalahad ng suliranin c. kahulugan ng katawagan d. batayang konseptwal

You might also like