Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Panuntunan ng Madulang Sabayang Pagbigkas

1. Ang bawat pangkat ay magmumula sa ikasampung baitang na may kabuuang bilang na 25-30
mag-aaral. Ang lalabis sa itinakdang bilang ay papatawan ng diskwalipikasyon.
2. Ang bawat pangkat ay dapat maglakip ng sariling likhang awit upang makadagdag ng kulay sa
pagtatanghal. Ang gawaing ito ay papasok sa kanilang asignaturang MAPEH na may kaugnayan
sa musical play.
3. Ang pagdating sa bulwagan ng mga kalahok sa oras ay mahigpit na ipinatutupad. Ang hindi
darating sa tamang oras ay bibigyan ng limang puntos na kabawasan sa kabuuang marka na
makukuha ng pangkat.
4. Ang bawat grupo ay may 10 minuto na pagtatanghal kasama ang pagpasok at paglabas ng
anumang props, backdrop o tao, ang oras ay magsisimula sa pagtapak ng anumang bahagi ng
pagtatanghal, props man ito o tao/ performer. Dalawang puntos sa kabuuang marka ang
ibabawas sa bawat minutong lalampas sa ibinigay na 10 minutong pagtatanghal.
5. Maaaring ulitin ang anumang bahagi ng piyesa sa pagbigkas para sa pagpapalalim ng emosyon
at mensahe ng dula. Maaaring gumawa ng skit o maiksing pagtatanghal na magpapakita ng
kahalagahan ng piyesa at pagkakaintindi ng manonood. Basta ito ay nauugnay sa nobela at hindi
magpapakita ng di kanais nais na eksena, paggalaw o pagsasalita.
6. Ang paggamit ng apoy, o mga bagay na maaaring magdulot ng sakuna ay mahigpit na
ipinagbabawal/ diskwalipikasyon ang ipapataw sa pangkat na hindi susunod.
7. Ang bawat pangkat ay magtatalaga ng kanilang sound director para sa laro ng tunog habang
nagtatanghal. Tanging laptop at cellphone lang ang maaaring gamitin dito.
8. Maaaring magtalaga ng character para sa mas malalim na mensahe ng dula ngunit kasama sa
bilang ng nagtatanghal ang mga ito. (Halimbawa: Jose Rizal)
9. Ang propsman ay pinapayagang maging bahagi ng stage at ang props niyang hawak, ngunit,
hindi sasama sa paggalaw at pag-arte.
10. Ang desisyong ng hurado ay pinal at walang anumang uri ng reklamo at paghahabol ang
pinahihintulutan na wala sa panuntunang nabanggit.

Kraytirya:

30% himig at timbre ng boses (lakas, taginting at indayog)


20% kabuuan ng pagtatanghal at dating sa manonood
20% kaisahan ng galaw at pagkakasabay-sabay
20% emosyon at lalim ng pag arte na may kaisahan sa tema at kwento ng El Filibusterismo
10% props at costume
100%
Inihanda nina:

RONALD V. ANDANAR BRIGETTE A. BORJA


Guro III – FILIPINO Guro II - FILIPINO
Event Coordinator Tserman

DOBEL M. ALDEZA AMELIA B. ANGULO MELDINE A. HUTAMARES


Guro I – FILIPINO Guro III - FILIPINO Guro II – FILIPINO

Sinang-ayunan:

ELVIRA DONA G. SILANG


Ulungguro III - FILIPINO

You might also like