Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Pampanga
Sta. Cruz High Integrated School
Sta. Cruz, Lubao, Pampanga

LEARNING ACTIVITY SHEET #8 SA FILIPINO 8 – QUARTER 4

Pangalan: _________________________ Taon at Pangkat: _____________________ Marka: _________

Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungang may kaugnayan sa
pagsasalarawan sa tagpuan at paglalahad sa mahahalagang pangyayari sa akda. Isulat sa hiwalay na papel ang letra
ng tamang sagot.

1. Saan ang kabuuang tagpuan ng akdang binasa na may pamagat na, “Ang Paggunita sa Ama at Pagliligtas ng
Morong Gerero sa Binata”?

A. kabundukan B. kagubatan C. kaharian D. kalangitan

Para sa bilang 2-3

Dawag na masinsi’y naglagi-lagitik

sa dagok ng lubhang matalas na kalis

Moro’y di tumugo’t hanggang di nasapit

ang binubukalan ng maraming tangis

2. Paano mo ilalarawan ang tagpuan ng saknong sa ibaba?

A. maaliwalas B.mainit C. madilim D. matinik

3. Aling taludtod sa saknong ang naglarawan sa tagpuan?

A. Dawag na masinsi’y naglagi-lagitik C. Moro’y di tumugo’t hanggang di nasapit

B. sa dagok ng lubhang matalas na kalis D. ang binubukalan ng maraming tangis

4. “Paalam, Albanyang pinamamayanan

ng kasamaa’t lupit, bangis, kaliluhan,

akong tanggulan mo’y kusa mang pinatay

sa iyo’y malaki ang panghihinayang!

Anong lugar ang binanggit sa saknong?

A. Albanya B. kaharian C. gubat D. reyno

Para sa bilang 5-6

“Kung sa gunita ko’y pagkuru-kuruin

ang pagkahulog mo sa kamay ng taksil,

parang nakikita ang iyong narating

parusang marahas na kalagim-lagim.

5. Ayon sa saknong, saan inalala ang pagkahulog sa kamay ng taksil?

A. gunita B. kamay C. kuro-kuro D. taksil

6. Anong mahalagang pangyayari sa saknong ang inisip ng binata na nangyari sa kaniyang kasintahan?

Sta. Cruz High Integrated School


Sta. Cruz, Lubao, Pampanga
Tel. Number: 300-1806
E-mail: stacruzhighis@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Pampanga
Sta. Cruz High Integrated School
Sta. Cruz, Lubao, Pampanga

A. Nagtaksil ito sa kaniya. C. Tumakas at sumama sa kaniyang karibal.

B. Umibig sa kaniyang karibal. D. Tuluyan nang napunta ito sa taksil niyang karibal.

7. Ano ang tinutukoy sa mahahalagang pangyayaring sinasabing hindi dapat makalimutan sapagkat ito ay maaaring
magamit kapag kailangan ang lohikal na kasagutan?

A. kahulugan ng mga salita C. ang pagsasalarawan sa kapaligirang ginagalawan ng isang tao

B. lugar at panahong naganap D. mga importanteng bagay na nagaganap sa buhay ng isang tao

8. “Sa abang-aba ko! Diyata, O Laura,

mamamatay ako’y hindi mo na sinta

ito ang mapait sa lahat ng dusa;

sa akin ay sino’ng mag-aalaala?

Alin sa mga sumusunod na salita ang tumutukoy sa pangyayari na naganap sa buhay ng binata sa pagkawala ng
kanyang sinta?

A. kamatayan B. kapighatian C. kasaganahan D.katuwaan

9. Kung ipamilantik ang kanang pamatay

at saka isalag ang pang-adyang kamay,

maliliksing leon ay nangalilinlang,

kaya di nalao’y nangagumong bangkay

Ayon sa mahalagang pangyayari sa saknong, sino ang tinutukoy na ‘di nalao’y nangagumong bangkay?

A. binata B. leon C. moro D. tigre

10. Inabutan niya’y ang ganitong hibik:

“Ay, mapagkandiling amang iniibig!

bakit ang buhay mo’y naunang napatid,

ako’y inulila sa gitna ng sakit?

Anong mahalagang pangyayari sa buhay ni Florante ang nabanggit sa saknong sa ibaba?

A. binawian ng buhay ang kaniyang ama

B. tinatawag niya ang kaniyang amang minamahal

C. inabutan ni Florante ang kaniyang amang umiiyak

D. nagkasakit si Florante sa pagkawala ng kaniyang ama

Inihanda ni:

KRISTINE EDQUIBA-CALMA
Guro sa Filipino 8

Sta. Cruz High Integrated School


Sta. Cruz, Lubao, Pampanga
Tel. Number: 300-1806
E-mail: stacruzhighis@yahoo.com

You might also like