LAS9 4th

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Pampanga
Sta. Cruz High Integrated School
Sta. Cruz, Lubao, Pampanga

LEARNING ACTIVITY SHEET #9 SA FILIPINO 8 – QUARTER 4

Pangalan: _________________________ Taon at Pangkat: _____________________ Marka: _________

Gawain 1 #TalumKayat (Talumpating Nanghihikayat)


Panuto: Sumulat ng isang maikling talumpating nanghihikayat na binubuo ng tatlong talata tungkol sa
isyung pinapaksa ng saknong mula sa “Si Aladin na Matapang” ng Florante at Laura sa pamamagitan ng
pagdurugtong sa panimula sa ibaba upang mabuo ito. Gawin ito sa hiwalay na papel.

______________________________________
(Pamagat)
Pagbati!
Isang mapagpalang araw sa lahat ng aking tagapakinig.
Naririto ako ngayon sa inyong harapan upang ilahad ang aking
kaisipan tungkol sa
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
______________________________.

Gawain 2. Hikayatin Mo!


Panuto: Gamit ang wastong salita sa panghihikayat, sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagsulat
ng maikling pangungusap. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

1. Nakita ng Morong Gerero ang isang taga-Albanyang mortal na kaaway ng kaniyang lipi at sektang kinabibilangan
na nakagapos sa puno at malapit nang sagpangin ng mababangis na leon. Paano mo hihikayatin ang moro na
tulungan ang binatang kalunos-lunos?
2. Natuklasan ni Florante na ang nagligtas sa kaniya sa tiyak na kapahamakan ay isang moro. Paano mo hihikayatin
si Florante na huwag matakot at mangamba sa kamay ng isang itinuturing na kaaway ng kanilang sekta?
3. Hindi pinalaki sa layaw si Florante ng kaniyang mga magulang kung kaya’t siya’y lumaking matatag sa anumang
pagsubok sa buhay. Paano mo hihikayatin ang mga kapuwa mo mag-aaral sa ganitong paniniwala?
4. Sa tinuran ni Florante tungkol sa pagmamahal ng kaniyang ama, hindi maiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib
ang Morong Gerero dahil kabaligtaran ng ama ni Florante ang kaniyang amang si Sultan Ali Adab. Paano mo
hihikayatin si Aladin na huwag malungkot bagkus ay maging matatag?
5. Sa murang edad ni Florante siya ay ipinadala sa malayong lugar upang doon tumuklas ng gintong kaalaman
ngunit hindi sang-ayon dito ang ina na si Prinsesa Floresca na malayo ang kaniyang bugtong na anak. Paano mo
hihikayatin si Prinsesa Floresca na pumayag sa nais ni Duke Briseo?

Inihanda ni:

KRISTINE EDQUIBA-CALMA
Guro sa Filipino 8

Sta. Cruz High Integrated School


Sta. Cruz, Lubao, Pampanga
Tel. Number: 300-1806
E-mail: stacruzhighis@yahoo.com

You might also like