DLP 1 Ang Pananaliksik

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ARELLANO UNIVERSITY

Jose Abad Santos Campus


Basic Education Department – Senior High School
3058 Taft Avenue Pasay City
Kalinisan: 2
Kompleto: 3
Pangalan: _____________________________________________________ Malikhain: 2
Antas / Strand / Seksyon: ________________________________________ Nilalaman: 8
Kabuuan 15
Petsa: ________________________________________________________
Guro: ________________________________________________________

Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa Pananaliksik


Sanggunian: Sibs. Pintig Senior High School: Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa Pananaliksik.
Paksa: Ang Pananaliksik at Katangian at Pananagutan ng isang Mananaliksik Uri ng Gawain: Concept Notes
Gawain Bilang: 1
Layunin:
a. Natutukoy ang kahulugan at kahalagahan ng pananaliksik
b. Nakapagpapahalaga sa mga katangian ng isang mahusay na mananaliksik
c. Nakapagpapamalas ng kaalaman at kabatiran sa etika ng pananaliksik

PANIMULA
ANG PANANALIKSIK

A. KAHULUGAN NG PANANALIKSIK

Ayon kay Good (1963), [a]ngpananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inkwiri sa
pamamagitan ng iba't bang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan g natukoy na suliranin tungo so
klaripikasyon at/o resolusyon nito.

Samantala, si Aquino (1974) naman ay may detalyadong depinisyon. Ayon sa kanya, [a]ng pananaliksik ay
isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o
suliranin.

KATEGORYA SA PAGGAWA NG PANANALIKSIK

1. PAPEL PANANALIKSIK
 Ang mga mag-aaral ng hayskul at Senior High School.
2. PAMANAHONG PAPEL
 Ang mga mag-aaral na nasa kolehiyo.
3. THESIS/TESIS
 Ang Thesis/tesis ay para sa mga taong kumukuha ng Master’s Degree
4. DISSERTATION
 Panghuli, ang Dissertation ay para sa mga taong kumukuha ng Doctorate.

B. KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Binigyang-kahulugan ni Kerlinger (1973) ang pananaliksik bilang isang sistematiko, kontrolado,


emperikal, at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal.

Sistematiko ang pananaliksik kapag sumusunod it sa mga hakbang o yugto na nagsisimula sa pagtukoy
sa suliranin sa mga umiral na teorya, pangangalap ng datos, pagbuo ng kongklusyon, at pagsasanib ng mga
kongklusyon mula sa iba pang pag-aaral na sinasaliksik.

Ang siyentipikong pananaliksik ay kontrolado at ang bawat hakbang ng pagsasaliksik ay nakaplano.


Hindi kailangang hulaan o gawin lámang ng imahinasyon ang pag-aaral dahil nawawalan ng bisa ang kahulugan
ng pag-aaral para sa isang mananaliksik.

C. LAYUNIN NG PANANALIKSIK
1. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid pang phenomena
2. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at
impormasyon
3. Mapagbuti ang mga umiiral na Teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o produkto

D. KATANGIAN AT PANANAGUTAN NG ISANG MANANALIKSIK


Ang isang mahusay na mananaliksik ay kailangang magtaglay ng sumusunod na mga katangian:

1. Masipag at matiyaga 2. Maingat

3. Masistema 4. Mapanuri

ETIKA NG PANANALIKSIK
Pananagutan ng isang mananallksik ang pag-iwas at pag-iingat sa plagiarism o pangongopya ng gawa
ng iba. Kailangan niyang maging matapat sa kanyang isinusulat upang mapanindigan niyang orihinal ang
produktong ginawa niya sa lanat ng oras.

Sa pagsasabatas ng Intellectual Property Rights, kailangan ang mahigpit na. pag sunod sa mga
probisyon nito upang makaiwas sa anumang kasong sibil at kriminal na maaaring kahantungan ng isang
mananaliksik.

Narito ang ilang matatawag na Etika ng Mananaliksik.

1. Paggalang sa karapatan ng iba


2. Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang confidential
3. Pagiging matapat sa bawat pahayag
4. Pagiging obhetibo at walang kinikilingan

GAWAIN 1- Sa Pamamagitan ng organizational graph, Isulat ang mga pamagat ng bawat kabanata ng
pananaliksik at bahagi nito. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Kabanata Mga Bahagi ng


Pananaliksik

GABAY NA TANONG

1. Ano ang kahalagahan ng pananaliksik sa panahon ngayon?


2. Bilang estudyante, paano mo maiiwasan ang mga hindi dapat maging ugali ng isang mananaliksik?
3. Bukod sa mga katangian ng isang mananaliksik na inihanay rito, mayroon ka pa bang maidaragdag?
Ano-ano ang mga ito?

You might also like