Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAARALANG ELEMENTARYA NG GABU

BANGHAY -ARALIN PARA SA PAKITANG-TURO


SA FILIPINO 4
Abril 20, 2021

I. LAYUNIN
1. Naiisa-isa ang mga dapat tandan sa pagbibigay ng angkop na pamagat sa talatang binasa
2. Nabibigyan ng angkop na pamagat ang talatang binasa
3. Nakasasali nang aktibo sa talakayan.

F4PBIIIg-8
II. PAKSANG ARALIN
Paksa: Pagbibigay ng Angkop na Pamagat
Sanggunian: T.G. pp.
L.M. pp.
Mga Kagamitan: powerpoint presentation

III. PAMAMARAAN
A. Pagganyak
Laro: Musika Ko, Bigay Mo Pamagat Ko
Makikinig ang mga bata ng mga awitin at huhulaan ang pamagat ng mga ito.
1. Bahay Kubo
2. Pamulinawen
3. Ako ay May Lobo

B. Paglalahad
Ang pag-aaralan natin ngayong araw na ito ay may kaugnayan sa ating laro kanina- ang
pagbibigay ng pamagat.
Ipabasa ang layunin ng aralin
-Naiisa-isa ang mga dapat tandan sa pagbibigay ng angkop na pamagat sa talatang
binasa
-Nabibigyan ng angkop na pamagat ang talatang binasa
-Nakasasali nang aktibo sa talakayan

C. Pagtalakay
Ipabasa ang talata:

Ang pating ay isang uri ng karniborong isda. Sa kasalukuyan, mayroong


mahigit na limandaang uri ng pating. Karamihan ng uri ng pating ay nananatili sa
tubig-dagat ngunit may iilang nabubuhay sa tubig tabang. Ang pinakamaliit na
pating ay may habang anim na pulgada. Ang pinakamahaba naman ay ang
butanding. Ito ay umaabot sa haba na labindalawang metro.

Ano ang maaari nating ibigay na pamagat dito?

A. Ang Nakakatakot na Isda


B. Ang Iba't Ibang Uri ng Pating
C. Ang Pating

Ano ng aba ang pamagat?

Ang pamagat ay nagpapahayag ng kabuuan ng isang talata o kuwento. Isang


mabisang kasangkapan ito upang matawag pansin ng mambabasa.
Sa pabibigay ng pamagat ng isang talata, alamin muna ang paksang diwa o
paksang pangungusap. Ang mga ito ay nagbibigay ng ideya sa pagpili ng pamagat.
Ang pangunahing diwa ang pinakabuod ng mga pangyayari sa talata o kuwento.

Ano ang mga dapat nating tandan sa pagbibigay ng pamagat sa isang talata?

1. Gawing maikli, isa hanggang limang salita lamang


2. Kailangang makatawag pansin sa mambabasa
3. Tiyaking may kaugnayan sa paksa o temang tinalakay.
4. Isulat sa malalaking titik ang mahahalang salita.
D. Pagpapalalim ng Kaalaman

Laro: Pamagat Ko Ibigay Mo

Subukin nating bigyan ng pamagat ang mga sumusunod na talata.

Ang gagawin ay kumuha ng papel at pentel pen o ballpen. Babasahin ang talata ng
dawalang beses at isusulat ninyo sa papel ang pamagat para sa bawat talata.

Ipabasa ang mga talata:

1. Isa sa pinakamagandang tanawin sa Pilipinas ang Bulkang


Mayon. Matatagpuan ito sa Legaspi, Albay. Dinarayo ito ng mga
turistang galing sa ibang bansa. Sinasabing isang kababalaghan ang
hugis balinsusong nitong walang pingas. Kahit saan mang tingnan hindi
nagbabago ang hugis nito

Ano ang pamagat ng talata?

Sagot: Ang Bulkan Mayon

2. Masarap at malambot ang laman ng bunga ng niyog at ang sabaw ay


manamis-namis. Ang langis naman nito ay ginagamit sa pagluluto.
Ginagawang dekorasyon ang bao at bunot nito. Ginagawang walis tingting
naan ang natuyong dahon. Ginagamit na panggatong at paggawa ng bahay
ang ibang parte nito.
Anupa’t masasabing ang puno ng niyog ay “puno ng buhay” dahil
halos lahat ng parte nito ay napapakinabangan.

Ano ang pamagat ng talata?

Sagot: Ang Punong Niyog


E. PAGLALAHAT
Ano ang pamagat?

Ano ang mga dapat tandan sa pagsulat ng pamagat ng isang talata?

IV. PAGTATAYA:

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng angkop na pamagat para sa bawat
talata.
1. Ang buwan ang satellite ng mundo. Humihiram ito ng liwanag mula sa araw. Umiikot ito
sa mundo at sa isang pag-ikot nito ay nabubuo ang isang buwan.
A. Ang Liwanag ng Araw
B. Ang Pag-ikot ng Mundo
C. Ang Satellite ng Mundo
2. Isang mapagmahal at mahusay na guro si Ginang Carmen Lim. Itinuturing niyang parang
tunay na anak ang kanyang mga mag-aaral. Matiyaga niyang itinuturo ang mahihirap na
aralin. Siya ang paborito kong guro.
A. Ang Matiyagang Guro
B. Ang Paborito kong Guro
C. Parang Tunay na Anak
3. Kambal sina Sheena at Shane. Magkamukhang-magkamukha sila. Mahilig silang
maglaro ng volleyball at pareho silang masipag mag-aral.
A. Ang Mahilig Maglaro
B. Ang Masipag Mag-aral
C. Ang Masipag na Kambal

Inihanda ni:

GERALDINE R. CORTEZ
Guro III
Pinasinayaan:

MARGARITA E. EVANGELISTA
Punungguro II

You might also like