Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Magandang hapon sainyong lahat kami ay pangkat 5 para ipabahagi naming sainyo ang

aming balita na tungkol sa ‘Sa Pagplano ng Baguio City na gumamit ng Artificial

Intelligence (AI) para sa pamamahala sa trapiko at laban sa krimen’’

Plano ng Baguio City na gumamit ng artificial intelligence (AI) sa pamamahala ng

vehicular traffic at pagpigil sa krimen.

Ayon sa mga ulat ng mga reporters ," gagastos ang lokal na pamahalaan ng P3 bilyon sa

AI traffic management system para makatulong sa pagpapagaan ng daloy ng mga

sasakyan sa sikat na tourist destination sa bansa.

Sa halip na isang timer, babasahin ng AI ang dami ng trapiko upang matukoy kung dapat

pa ring naka-on ang berdeng ilaw. Ang mga lumalabag ay padadalhan ng tiket sa

paglabag sa trapiko sa bahay.

Ang system ay magkakaroon din ng facial recognition software upang matulungan ang

pulisya na makilala ang mga kriminal

"Magkakaroon tayo ng AI-powered cameras and systems na gagamitin para mangalap ng

data araw-araw at kasabay nito ay makabuo ng tamang analytics," ani ng Baguio City

Mayor Benjamin Magalong.

Umaasa ang Metropolitan Manila Development Authority na magagamit din ang AI sa


pamamahala ng trapiko sa pag-install ng mga CCTV camera sa mga carousel ng bus ay

matagumpay nasa 90 porsiyentong kumpleto na.

Sinabi din ng MMDA na layunin nitong magkaroon ng real-time volume count upang

maabisuhan ang mga motorista kung kailangan nilang gumamit ng ibang ruta, tulad ng

Mabuhay lanes, na mauugnay sa mga mobile application tulad ng Waze at Google Maps.

Sabi ni MMDA Acting Chairperson Don Artes “‘Yung sa kanila kasi they’re relying on

the users to report kung may banggaan kung mabagal ang mga sasakyan, ito real time

ina-analyze,”.

(Umaasa ang kanilang system sa mga user na mag-ulat kung may mga aksidente, ang

plano naming magkaroon ay real-time.)

Ayon sa IT expert na si Art Samaniego, ilang bansa ang bumaling sa AI para sa traffic

management. Gayunpaman, isa sa mga hamon sa setting ng Pilipinas ay ang

pagpapatupad ng no-contact apprehension, na pansamantalang pinigil ng Korte Suprema.

Magiging hadlang din ang pagkakaroon ng mabilis na koneksyon sa internet.

Sinabi ni Samaniego na ang gobyerno ay hindi maaaring umasa sa AI lamang upang

ayusin ang trapiko nito.


At opinyon din ni Art Samaniego “Sa sobrang dami ng sasakyan, malilito lang AI sa

atin. Para maging effective ito, ayusin din natin ang mga kalsada natin hindi lang to

technology dapat pati physical hindi lang to virtual,”

You might also like