Filipino Midterms Lecture 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

MGA HULWARANG ORGANISASYON NG TEKSTO “Ang Global Warming”

Mga layunin Ang global warming ay ang pagtaas ng


● Natutukoy ang kahalagahan ng pagkilala sa temperatura na nagiging sanhi ng patuloy at pasidhing
hulwaran ng teksto pag-init ng atmospera ng mundo. Sa paglipas ng panahon,
● Nasusuri at napatutunayan ang hulwaran ng ang average na average na temperatura ng atmospera ay
teksto tumaas ng 0.74 - 0.18°C. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng
● Nakabubuo ng mga pangungusap o pahayag ayon Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC),
sa hinihinging hulwaran lumalabas na ang pagtaas ng temperatura ng mundo ay
dahil sa patuloy na pagtaas ng konsentrasyon ng mga
Malaki ang naitutulong sa pag-unawa sa binabasang teksto greenhouse gas sa atmospera.
o materyales kung nalalaman ang kayarian ng katha. Ang
ganitong kaalaman ay makatutulong din sa pagsulat. Isa pang penomena na maituturing na idudulot ng
global warming ay pagiging aktibo ng mga bulkan at
(7) Mga pamamaraan sa pagsasaayos ng teksto matinding sikat ng araw. Batay sa modelo ng IPCC, ang
1. Kahulugan temperatura ng mundo ay tumaas mula 1.1 at hinuhulaang
2. Pag-iisa-isa (Enumeration) tataas pa hanggang 6.4°C. Ito ay mula 1990 hanggang
3. Pagsusunod-sunod (sequential, chronological, 2100. Ang pagtaas na ito ng temperatura ang nagiging sanhi
procedural) ng pag-iiba-iba ng panahon at pagiging extreme ng
4. Pagsusuri kondisyon ng panahon tulad ng pagtaas ng sea level,
5. Paghahambing matinding buhos ng ulan, pagkalusaw ng yelo (polar ice caps
6. Sanhi at bunga at glaciers), bagyo, at malakas na unos.
7. Suliranin at solusyon
Malaki rin ang magiging epekto nito sa mga
KAHULUGAN pananim, sa mga hayop, at iba pang mga buhay na nilalang
● Tumutukoy ito sa ibig sabihin o nais ipahayag o na maaaring maging dahilan ng extinction ng iba't ibang
iparating ng isang salita, testamento, o parirala. species. Ang global warming ay magiging dahilan din ng
● Karaniwang binibigyan ng kahulugan ang isang paglaganap ng iba't ibang sakit, magkakaroon ng tagtuyo't
bagay para mas maunawaan ito o mas maging pagbaha, coral reef bleaching, forest fires, at iba pa.
agaw pansin para sa iba.
● Nagkakaroon ng kahulugan o paggawa ng Ang global warming ay hindi na isang mito lamang
kahulugan sa isang bagay dahil mahirap itong kundi isang katotohanang paparating na unti-unti na nating
maunawaan o masyado itong matalinghaga. nararamdaman. Isa itong pagbabadya na maaaring
dumating ang panahon na ganap nang mabura ang mga
Antropolohiya buhay na nilalang sa mundo.
● Ang pag-aaral sa tao. PAG-IISA-ISA (ENUMERATION)
● Galing sa dalawang salitang Griyego ● Tumutukoy sa talaan o listahan ng mga ideya,
● Anthropos = tao at logos na nangangahulugang katotohanan, o detalye tungkol sa pangunahing
pag- aaral ideya.
● Sa biglang malas, ito'y mas malawak na ● Ang ayos ng mga detalye o ideya ay maaaring
kahulugan sapagkat ang ganitong magkapalitan na hindi mababago ang kahulugan,
pagpapakahulugan ay pagsakop ng antropolohiya karaniwang hulwaran sa pag-oorganisa ng teksto,
sa iba't ibang disiplina: at ang mga impormasyon ay isa-isang itinatala at
a. Sosyolohiya tinatalakay.
b. Sikolohiya ● Madalas na nakaayos ito nang ayon sa tamang
c. Agham pulitika pagkakasunod-sunod, may pagkakataon din na
d. Ekonomiks ang isang malawak na paksa ay hinahati-hati sa
e. Kasaysayan mas maliit na paksa at isa-isa itong binibigyan ng
f. Agham bayolohikal pamagat at madalas din gamitin ang pag-iisa-isa o
g. Pilosopiya. enumerasyon sa mga pagsusulit na obhektibo
● Ang antropolohiya ay naghahanap ng mga kapag ang proseso o mga hakbang ang hinihingi
kasagutan sa mga tanong na patuloy na sa mga aytem.
bumabagabag sa tao.
● Nais nitong mabatid kung kailan, saan, at bakit “Paano Pumasa sa mga Pagsusulit?”
sumibol ang tao sa mundo, paano, at bakit Nahihirapan ka bang pumasa sa mga pasusulit?
nagbabago ang tao mula noong unang panahon Nais mo bang malaman ang mga bagay na dapat gawin
hanggang sa ngayon, bakit magkaiba ang mga upang maging mabisa ang iyong pagsasaulo? Kung
pisikal na kaanyuan ng mga tao, bakit magkaiba talagang desidido kang ipasa ang iyong pasusulit, kunin ang
ang mga kinamumulatang gawi ng lipunan noong iyong mga aklat at iba pang review materials, at basahin ito
unang panahon at ngayon. isang linggo bago pa ang pagsusulit. Kailangang paulit-ulit
mong basahin ang iyong aralin, ngunit kailangan ng sapat na
tulog. Huwag uminom ng kape bago ang pagsusulit.
Narito ang ilan pang mga hakbang: ● Isa ring anyo ng paraang ito ang paghahati-hati sa
● Una, huwag kumain ng mga pagkaing mamantika maliliit na subtopic ng teksto o paksa.
at iwasang uminom ng softdrinks. ● Sa paraang ito kailangan ng paglilista ngunit ang
● Pangalawa, gumising nang maaga at magbasa. mga naitalang detalye ay susuriin pa.
Mas epektibo ang memorya sa madaling araw. ● Ang mga sangkap na sinusuri ay pinaghihiwalay at
Kumain ng masusustansyang pagkain tulad ng ipinaliliwanag.
berde at madahong gulay. ● Karaniwang ginagamit ang ganitong pagsusuri sa
● Pangatlo, magpahinga. Iwasang magmadali. pagsulat ng puna, paglalahad ng talambuhay, at
Kapag hindi sapat ang oras na inukol sa pagsulat ng tesis.
pag-aaral, maaaring ikaw ay magkaroon ng mental
block. “Ang Aking Pagsilang”
Sa simula pa lang ay naging maalingasngas na
“Mga Dahilan ng Pagkahuli at Pagliban sa Klase ng mga ang aking pagsilang. Dalawang hilot ang umaantabay sa
Mag-aaral” aking pagsipot sa maliwanag. Ibig ng isa ay isilang akong
kakambal ng iba pang wikain sa Pilipinas, samantalang ang
Sinasabing ang edukasyon ay karapatan ng lahat ikalawa ay naghangad na maging kakambal ako ng Tagalog.
at hindi pribilehiyo ng iilan. Ngunit sa kabila nito, marami pa Iginuhit ba ni tadhana na isilang akong kayakap ng Wikang
ring mag-aaral ang madalas mahuli at lumiliban sa klase, Tagalog?
lalo na sa unang oras ng kanilang klase. Isa ito sa mga
dahilan kung bakit ang isang mag-aaral ay nakatatanggap Akala ko ay natapos na ang mga iringan nang
ng mababang marka sa kanyang pag-aaral. ipasya ng mga dalubwika ng Surian ng Wikang Pambansa
na Tagalog ang maging batayan ko noong 1937. Akala ko,
Totoong maraming paraan upang maiwasang sapagkat ipinagkatiwala nila ako sa mga dalubwika,
mahuli o lumiban sa klase. Kailangang sumunod sa iskedyul anumang magiging pasya ay magiging katanggap-tangap sa
na itinakda upang magkaroon ng organisadong panahon at kanila. Hindi pala. Naging simula lamang iyon ng hindi
maiwasang mahuli sa klase. Talagang kung bibigyan lamang matapus-tapos na pagbabangayan ng mga makawika.
ng pansin ang mga bagay na ito, tiyak na magbubunga ito
ng pag-unlad di lamang sa ating sarili, kundi sa ating bansa PAGSUSURI
na walang hinahangad kundi ang kagalingan ng kanyang ● Sa paraang ito kailangan ng paglilista ngunit ang
kabataan. mga naitalang detalye ay susuriin pa.
● Ang mga sangkap na sinusuri ay pinaghihiwalay at
Isang pag-aaral ang isinagawa ng mga mag-aaral ipinaliliwanag.
sa Kolehiyo ng Maritime Engineering sa UPHS-Laguna ● Karaniwang ginagamit ang ganitong pagsusuri sa
upang mabatid ang mga kadahilanan kung bakit marami ang pagsulat ng puna, paglalahad ng talambuhay, at
nahuhuli at lumiliban sa klase, lalo na sa unang oras ng pagsulat ng tesis.
pagkaklase.
...tulad din ng ibang salaysay, sa
Ayon sa pag-aaral, upang maiwasan ang mahuli o magliban pakikipagsapalaran nasusukatang kapangyarihan,
sa klase, iminumungkahi ang mga sumusunod: katatagan, at kakisigan ng pangunahing tauhang lalaki. Sa
● Matulog nang maaga para hindi tanghaliin sa Epikong Hinilawod, ang panaginip ni Humadapnon tungkol
paggising sa umaga; sa babaeng maaari niyang maging asawa ang nagbunsod sa
● Pumasok nang maaga sa paaralan para kanya upang maglayag. Maaaring ibatay ang pangyayaring
maiwasan ang trapik sa daan; ito sa teorya ni Freud na ang mga panaginip ay siyang
● Iwasang maglaro ng kompyuter at pagbibilyar pinaglalagusan ng mga pagnanasang sinisikil, at dapat
upang hindi mahuli at magliban sa klase; dalumatin ang mga imaheng simbolikal na nakapaloob sa
● Iwasan ang paggala sa mga mall; at mga ito. Ang represyon ay isang paraan ng pagtutuon ng
● Panatilihing malakas ang resistensya upang hindi lakas sa ibang bagay, subalit ipinagkakanulo ito ng ating
magkasakit. mga kilos at panaginip. Sa mga pangyayaring naranasan
nina Agyu at Humadapnon, ang pananaig ng betugtug ay
Kayumanggi sa Filipino 2 lalong pinairal ng mga bida upang patunayan na rin ang
SY 2007 - 2008 kanilang kapangyarihan.

PAGSUSUNUD-SUNOD (SEQUENTIAL, Hango sa sanaysay na Gehem vs. Betugtug.


CHRONOLOGICAL, O PROCEDURAL) Dominasyon at Marhinalisasyon ng Kapangyarihan
● Masasabing ito ang pinakasimpleng paraan ng sa Usapin ng Kasarian.
pagsasaayos ng teksto. Heidi C. Atanacio, BANWA
● Ang mga ideya at mga detalye nito ay isa-isang
inilalahad o tinatalakay sa teksto.
● Karaniwang chronological ang pagkakaayos ng
pangyayari (ayon sa pagkakasunud-sunod ng
panahon).
PAGHAHAMBING ng industriyalisasyon noong ika-19 na siglo, lumikha ito ng
● Sa paraang ito, may dalawang bagay, kaisipan, o mga trabaho para sa mga mamamayan tulad ng mga
pangyayari ang pinaghahambing. pagawaan na nasa urban area.
● Iba-ibang anyo ang nagagamit sa pamamaraang
ito. Ang mga trabahong ito, na may kaakibat na
● Maaaring iukol ang isang talata para sa A at pangako ng benipisyong materyal ay siyang naghahalina sa
isunod ang isang talata para naman sa B, at mga tao mula sa mga probinsya na subukin ang kapalaran
ipagpatuloy ito hanggang matapos ang teksto. sa siyudad. Pangalawa, ang mga paaralan ay kadalasang
● Maaari namang ang isang talata ay hatiin sa nasa sentro ng sibilisasyon, kaya iniiwan ng ibang pamilya
dalawa. Ang kalahati ay iukol sa pagtalakay sa ang pagsasaka o pangingisda upang makapag-aral lamang
kaisipan A, at ang ikalawa ay para sa kaisipan B. sa siyudad. Panghuli, habang lumalaki ang mga siyudad,
dumarami ang mga gusali katulad ng malls, sinehan, at iba
“Demokrasya Laban sa Diktadurya” pang pasyalan na higit na nakatatawag ng interes sa mga
Kaiba sa lahat ang pamahalaang Demokratiko. Sa tao upang lumipat sa siyudad.
ilalim nito, ang makapangyayari ay ang kagustuhan ng
nakararami. Dito ang mga mamamayan ay pantay-pantay sa SULIRANIN AT SOLUSYON
harap ng batas at ang mga pagkakataon para umunlad ay ● Sa mga sulating katulad nito, problema ang unang
bukas para sa lahat. Ginagarantiyahan ng pinakamataas na inilalatag. Matapos malaman ng pangkalahatang
batas ng bansa, ang Konstitusyon, ang kalayaan sa suliranin ay magkakaroon na ng paglalahad sa
pananampalataya, kalayaan sa pamamahayag at pagsasabi mga paraan o solusyon na resulta ng pag-aaral.
ng niloloob, ang kalayaan sa pagsasalita, kalayaan sa
mapayapang pagpupulong, at iba pang karapatan ng mga “Mataas na Presyo ng Bigas, Mananatili Hanggang
mamamayan. Dalawang Taon”

Inihahalal ng mga mamamayan ang mga pinunong Mananatili ang pagtaas ng presyo ng bigas
pinagkakatiwalaan nila ng kapangyarihan, at sila rin ang hanggang hindi natutugunan ang paparaming
nag-aalis sa mga pinunong nagmamalabis sa pangangailangan ng mga mamamayan dahil na rin sa
kapangyarihan. Kaya nga masasabing, ang demokrasya ay paglobo ng populasyon at patuloy na paglilipat ng mga
pamahalaan ng mga mamamayan, para sa mga sakahang lupa para sa pabahay at iba pang industriya, ayon
mamamayan, at sa kabutihan ng mga mamamayan. sa International Rice Research Institute (IRRI).

Samantala ang isang pamahalaang nasa kamay Upang maresolba ang suliraning ito, inirekomenda
ng iisang tao lamang ay hindi demokrasya. Kung sa ilalim ng ng IRRI na kailangang pagtuunan ng pansin ng publiko,
pamahalaan ang layang matatawag ay laya ng kaalipinan, maging ng mga pribadong sektor, ang mga solusyong ito:
na doon ang isip, puso, at bibig ay gapos ng isang ang agronomic revolution sa produksyon ng bigas upang
mapang-aping kapangyarihan, ang gayong pamahalan ay tuluy-tuloy ang pag-ani; pagpapabilis ng paghahatid ng mga
hindi demokrasya kundi isang diktadurya. Sa isang post-harvest technologies; paggamit ng mga magandang
diktadurya, iisa ang batas... ang kalooban ng taong nasa klase ng bigas; pagpapalawak at pagpapalakas ng
kapangyarihan. pananalisik sa rice breeding, at ang pagdi-develop ng mga
bagong siyentipiko na magtataguyod sa pananaliksik upang
SANHI AT BUNGA mapaunlad ang industriya ng sakahan.
● Ang sanhi at bunga o cause and effect sa wikang
Ingles ay isa sa mga konsepto ng pag-iisip na
ginagamit upang ipaliwanag ang relasyon ng
dalawang pangyayari
● Kung saan ang isa ay dahilan (sanhi) at ang isa ay
kinalabasan (bunga)
● Ang pag-unawa sa konsepto ng sanhi at bunga ay
mahalaga upang maunawaan ang mga pangyayari
sa ating paligid at makagawa ng tamang desisyon.
● May mga akda na ginagamitan ng sanhi at
pinagmulan para mabuo ito.
● May mga paksang naipaliliwanag o matatalakay
kung babanggitin ang pinanggalingan o sanhing
pinagmulan.

Sa mga nakalipas na dekada, ang populasyon sa


mga siyudad sa iba't ibang panig ng mundo ay patuloy na
lumalaki. Sa katunayan 50% ng populasyon sa buong
mundo ay nakatira sa mga lungsod. May iba't ibang dahilan
kung bakit nangyayari ito. Una, dahil sa patuloy na pagtaas

You might also like