Ap7 Q4 WK3 Las1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: ________________________________________Baitang at Seksyon: _______________

Asignatura: ARALING PANLIPUNAN 7 Guro: _____________________________Iskor: ________

Aralin : Ikaapat na Markahan, Ikatlong Linggo, LAS 1


Pamagat ng Aralin : Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Silangang Asya
Layunin : Naibibigay ang mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng Nasyonalismo sa
China
Sanggunian : MELC, Araling Panlipunan 7 Learning Module
Manunulat : Ruth B. Mamalo

Ang imperyalismong kanluranin sa Silangang Asya ay nagdulot ng epekto sa kabuhayan,


pamahalaan, lipunan at kultura ng mga Asyano. Naghangad ang mga Tsino at Hapones na
makawala mula sa imperyalismong kanluranin dahil sa hindi mabuting epekto nito sa kanilang
pamumuhay. Ang paghahangad na ito ang nagbigay-daan sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa
dalawang bansa,
PAG UNLAD NG NASYONALISMO SA CHINA
Upang ipahayag ang pagtutol sa panghihimasok ng mga dayuhan, nagsagawa ng dalawang
rebelyon ang mga Tsino
1.) Rebelyong Taiping (1850-1864) – Layunin nito na mapabagsak ang dinastiyang Qing upang
mahinto na ang pamumuno ng mga dayuhan sa kanilang bansa.
2.) Rebelyong Boxer (1899-1900)- Bukod sa pagtuglisa sa korupsiyon sa pamahalaan, ang
pangunahing layunin nito ay ang patalsikin ang lahat ng nga dayuhang nasa bansa.
Sa pagsimula ng ika-20 siglo ay lumaganap sa bansa ang dalawang magkatunggaling
ideolohiya
1. Ideolohiyang Demokrasya – Isinulong ni Sun Yat-Sen ang pagkakaisa ng mga Tsino gamit ang
tatlong prinsipyo, ang san min chu-i o Nasyonalismo, min-tsu-chu-i o Demokrasya at ang min-sheng-
chu-i o Kabuhayang pantao. Binigyang diin nya na ang pagkakaisa ng mga Tsino ang susi sa
tagumpay laban sa mga imperyalistang bansa.
2.) Ideolohiyang komunismo – Sa pamumuno ni Mao Zedong, sinuportahan at isinulong nya ang
prinsipyo ng komunismo tulad ng tunggalian ng uring manggagawa o proletariat laban sa uri ng
kapitalista o bourgeois. Naniniwala ang mga komunista na mananaig ang mga manggagawa at
maitatag ang lipunang sosyalista. Sa lipunang ito, ang estado ang siyang hahawak sa lahat ng pag-
aari ng bansa.
Ibigay Mo! Panuto: Ibigay at isulat ang mga angkop na salita sa patlang:
1. Layunin ng Rebelyong ____________ ang pagtuligsa sa kurapsiyon sa pamahalaan at patalsikin
ang lahat ng mga dayuhang nasa bansa.
2. Upang ipahayag ang __________ sa panghihimasok ng mga dayuhan, nagsagawa ng dalawang
rebelyon ang mga Tsino.
3. Naniniwala ang mga komunista na mananaig ang mga _________ laban sa mga uring kapitalista.
4. Binigyang diin ni _____________na ang pagkakaisa ng mga Tsino ang susi sa tagumpay laban sa
mga imperyalistang bansa.
5. Naghangad ang mga Tsino na makawala mula sa ___________dahil sa hindi mabuting epekto nito
sa kanilang pamumuhay.
This space is
for the QR
Code

You might also like