Professional Documents
Culture Documents
AP7 Q4 Wk2 LAS2
AP7 Q4 Wk2 LAS2
Sinakop ng bansang Portugal, Netherlands at England ang Indonesia. Ang bansang ito ay
kilala dahil mayaman ito sa pampalasa, sentro ng kalakalan at may maayos na daungan. Ang mga
katangiang ito ang naging dahilan ng pananakop ng mga Kanluranin sa Indonesia. Halos kasing
halaga ng ginto ang mga pampalasa tulad ng cloves, nutmeg at mace sa pamilihan sa Europe. Dahil
sa paghahangad sa mga pampalasa, narating ng Portugal ang Ternate sa Moluccas noong 1511.
Nagtayo sila ng himpilan ng kalakalan dito at nagsimulang palaganapin ang Kristiyanismo. Pinaalis
ng mga Dutch (taga-Netherlands) ang mga Portuges noong 1655 at sinakop ang Amboina at Tidore.
Gumamit ang mga Dutch ng divide and rule policy upang mapasunod at masakop ang mga nabanggit
na isla. Pinag-aaway-away ng mga mananakop ang mga lokal na pinuno at ginagamit ang isang tribu
upang masakop ang ibang tribo. Itinatag ng mga Dutch ang Dutch East India Company noong 1602
upang pag-isahin ang mga kompanya na nagpapadala ng paglalayag sa Asya. Bunga nito, lumiit ang
kita ng mga katutubong Indones dahil hindi na sila direktang nakikipagkalakalan sa mga dayuhan.
Ilahad Mo! Panuto: Gamit ang mga natutunan sa paksang ito, ilahad mo ang unang yugto ng
imperyalismong kanluranin sa Indonesia sa pamamagitan ng pagpupuno ng tsart.
a.
b.
1. SUMAKOP
c.
d.
2. DAHILAN NG
e.
PANANAKOP
f.
3. PAMAMARAAN NG
g.
PANANAKOP
4. EPEKTO NG h.
PANANAKOP
This space is
for the QR
Code