6 Mapeh4 Q3 W7

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

MODULE CODE: Pasay-M4-Q3-07

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA MUSIKA 4
IKATLONG MARKAHAN/ IKAPITONG LINGGO/ UNANG ARAW

Learning Competency:
Applies dynamics in a simple music score using the symbols (p) piano and (f) Forte.
_____________________________________________________________________

Ang Forte at Piano

Talakayin Natin
Sa musika, isang paraan upang maipahiwatig ang damdamin sa pag-awit ay
sa pamamagitan ng pagsunod sa daynamiks. Ito ay tumutukoy sa hina at lakas ng tinig o tunog.
Hindi lamang ito nagpapakita ng emosyon ng awit kundi upang maging akma ang musika sa gamit
nito. Halimbawa, ang mga awitin para sa pagpapatulog ng bata ay inaawit nang mahina.
Pinatutugtog naman nang malakas ang bandang martsa sa piyesta.
Pag-aralan ang awitin sa ibaba. Pansinin ang simbolong p at f. Ang p o piano ay simbolo
ng mahinang pag-awit o pagtugtog. Ang f o forte ay simbolo naman ng malakas na pag-awit o
pagtugtog. Pwede ring gamitin ang mf (mezzo forte) para sa katamtamang lakas na pagtugtog o
pag-awit at pp pianissimo sa mahinang-mhinang pag-awit.

ANG GURYON
Melodiya: Twinkle-Twinkle Little
1-mf 2-mf

yon ay ‘yong dal hin


Ang gur g
Ang ta- li ay pi- gi- lin
1-p 2-p 2-pp

Sa ha ngi’y pa- Fine


li- pa-
Pa- lu- rin
ta- ngin Sa ha-
2-p ngin
1-f

Sa pu- noy pa- lam- pa- sin Da Capo al Fine


Sa ba- hay ay ga- yon din

ANG GURYON/ PIANO (PLS GET THE SONG FROM THE LINK BELOW)
https://drive.google.com/file/d/1OY8lEC9lbFAkKH82aCmw6AGZpcuaURYh/view?usp=sharing
ANG GURYON VOICE
https://drive.google.com/file/d/1OYh3f9jZCxl8H37KyywAZcxQtsQwfPKw/view?usp=sharing

Page 1 of 15
MODULE CODE: Pasay-M4-Q3-07
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Pagsasanay 1

Lagyan ng angkop na simbolo ng Piano at Forte ang awiting Sitsiritsit. Pakinggan ang awit
upang mailagay nang wasto ang daynamics nito.

SITSIRITSIT SONG (PLS GET THE SONG FROM THE LINK BELOW)

https://drive.google.com/file/d/1O_wdAAMHwv6YdjrIkk_3801Przxqnq-V/view?usp=sharing

p
f

Page 2 of 15
MODULE CODE: Pasay-M4-Q3-07
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Pagsasanay 2
Balikan ang awiting Sitsiritsit. Awitin ito gamit ang daynamiks na iyong inilagay. Bibigyan ng
puntos ang iyong pag-awit ayon sa pamantayan sa ibaba.

Tandaan Natin

Daynamiks- Ito ay tumutukoy sa lakas at hina ng pag-awit o pagtugtog.


Piano (p) - mahinang pag-awit o pagtugtog
Forte (f) - malakas na pag-awit o pagtugtog

Pagtataya

Awitin nang wasto ang bahagi ng Pambansang Awit. Sundin ang patnubay sa gilid ng kanta.

Lupang Hinirang

mf
Kasanayan Napakahusay Mahusay Di-Gaanong
(3 puntos) (2puntos) Mahusay
(1 puntos)
1. Nakaaawit
p nang may
daynamiks.
forte 2. Nakaaawit
p nang may
magandang
forte tinig.
p 3.
Nakasusunod
forte sa wastong
ritmo ng awit.
p
forte

f
Inihanda ni:

Bhambi Love Z. Rivera


Marcela Marcelo Elementary School

Sanggunian:

Matrix of Curriculum Standards-Division Budget of Work in Music 4

Page 3 of 15
MODULE CODE: PASAY-A4-Q3-07

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARTS 4
IKATLONG MARKAHAN/ IKAPITONG LINGGO / PANGALAWANG ARAW

Learning objective:
Participates in a school/district exhibit and culminating activity in celebration of
the National Arts Month

Aralin 9 Pagtatanghal sa mga Obra o Hantungang Gawain

Alamin
Ang mga nilikhang obra ay ginagawan ng isang pagtatanghal upang
maipakita ang mga talento sa sining ng bawat manlilikha. Ang eksibisyon ay ang
pagsasama-sama ng mga kahanga-hangang obra na mayroong makabuluhang tema
o layunin. Ito ay karaniwang ginagawa sa Asignaturang Sining o Arts. Mayroong
pampaaralan, pangklase, pangkagawaran at iba pang uri ng eksibisyon.
Narito ang ilan sa mga halimbawa, kuha ito sa The National Art Gallery, National
Museum of the Philippines.

Arts Prints from the Archives of the Classical Art From the 20 th Century Drawings of Fernando C. Amorsolo
Royal Botanical garden in Madrid

Gawain 1
Indibidwal na Pagtatanghal sa mga Obra (Exhibit)
o Hantungang Gawain (Culminating Activity)

Pamantayan sa Paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Gumawa ng maayos at malinis.
3. Linisin ang lugar na ginamit matapos gawin ang proyekto.

Kagamitan: mga sining na nagawa ng una at pangalawang markahan, mobile phone


Mga hakbang sa paggawa:
1. Kunin at ipunin ang mga likhang sining.
2. Sa inyong bahay, maghanap ng lugar kung saan pwedeng isalansan ang iyong
mga obra.

Page 4 of 15
MODULE CODE: PASAY-A4-Q3-07

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

3. Magpatulong sa iyong magulang o sa nakatatandang kapatid na ikaw ay


kuhanan ng video.
4. Magiliw na ikuwento sa video ang iyong mga obra.
5. Pagkatapos, ayusin at ibalik sa dating kinalalagyan ang iyong likhang sining.
6. Ipasa ang video sa iyong guro.

Pagsasanay 1
Panuto: Isulat ang (/) sa kahon batay sa antas ng iyong nilikhang sining.

Mga Pamantayan Nakasunod sa Nakasunod sa Nakasunod sa


pamatayan pamantayan pamantayan
nang higit sa subalit may ilang ngunit may
inaasahan pagkukulang maraming
pagkukulang
(3) (2) (1)
1. Magiliw kong naipakita
ang aking mga likhang
sining.
2. Maayos kung naitanghal
ang aking obra.
3. Malinaw at angkop ang
ginawa kong
pagpapaliwanag ukol sa
aking nilikha.
4. Lubos akong nagalak sa
pagtulong ng aking
magulang o kapatid sa
pagrecord ng aking
video.
5. Nilinis ko at ginawang
kaaya-aya ang sariling
lugar na ginanapan ng
eksibisyon.

Tandaan Natin

Ang pagpapangkat-pangkat ng mga likhang-sining ay naaayon sa layunin ng


eksibit. Maaaring ang pag-ayos ng mga ito ay batay sa panahon ng pagkakagawa,
ayon sa pangkat, ayon sa paksa, o ayon sa medium na ginamit.

Ang eksibit ay isang paraan upang maipakita ang natatanging gawa ng mga
manlilikha o artists.

Sanggunian:
Cynthia, M., Et. Al (2015). Musika at
Sining, DEPED-IMCS:2015, Aralin 1, p.200-203

Page 5 of 15
MODULE CODE: PASAY-A4-Q3-07

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Gawain 22
Pangkatang Pagtatanghal sa mga Obra (Exhibit)
o Hantungang Gawain (Culminating Activity)

Kagamitan: mga sining na nagawa ng una at pangalawang markahan, mobile phone


Pamantayan sa Paggawa:
1. Ang klase ay mahahati sa limang pangkat.
2. Pagsama-samahin ang mga likhang sining ng bawat miyembro upang
makalikha ng isang layunin para sa inyong eksibisyon.
3. Inaasahan na ang bawat miyembro ng pangkat ay makapagbahagi ng kanilang
likhang sining. Ipaliwanag at ikuwento ang iyong obra ng may kasiyahan.
4. Pagkatapos maitalaga ang eksibisyon, ayusin o ibalik ang mga gamit na iyong
ginalaw sa kanilang kinalalagyan.

Pagsasanay 2
Panuto: Isulat ang (/) sa kahon batay sa antas ng iyong nilikhang sining.

Mga Pamantayan Nakasunod sa Nakasunod sa Nakasunod sa


pamatayan pamantayan pamantayan
nang higit sa subalit may ilang ngunit may
inaasahan pagkukulang maraming
pagkukulang
(3) (2) (1)
1. Naipakita ko ang
pagsuporta sa bawat
miyembro ng pangkat
sa pamamagitan ng
pagbahagi ng aking
opinyon sa eksibit.
2. Maayos na naitanghal
ng aming pangkat ang
eksibit.
3. Malinaw at angkop ang
ginawa naming
pagpapaliwanag ukol sa
aming likhang sining.
4. Nilinis ko at ginawang
kaaya-aya ang sariling
lugar na ginanapan ng
eksibisyon.

Inihanda ni:
Ms. Jesel M. Bacolod

Page 6 of 15
MODULE CODE: PASAY-PE4-Q3-07

Name: ___________________________________________________ Date: ______________________


Name of the Teacher: ___________________________________ Grade: _____________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODULE IN MAPEH - PHYSICAL EDUCATION 4


QUARTER 2 / WEEK 7

Learning Objective: Recognizes the value of participation in physical activities.

ARALIN 7: Pagkilala sa kahalagahan ng Partisipasyon sa Mga Gawaing Pisikal:


Kasanayan sa Pagsayaw ng Liki

Panimula
Ang pagsasayaw ay maituturing na isang gawaing pisikal na nakakatulong sa
pagpapasigla ng ating isip at katawan. Ang pagsasagawa ng mga kilos ng isang sayaw
ay nagpapakita lamang ng pagpapahalaga natin sa gawaing pisikal.
Talakayin Natin
Ang ating katawan ay nangangailangan ng lakas sa pang-araw –araw na gawain.
Ang kalusugan ng ating katawan ay mahalaga. Nararapat lamang na bigyan natin ito
ng pansin.
Isa sa mga maaring maging problema sa ating katawan ay ang sobrang timbang
na nagdudulot ng madalas na panghihina o pagkapagod agad sa isang gawain. Upang
masolusyunan ang mga problemang pangkalusugan maari tayong magsagawa ng mga
gawaing pisikal. Isa sa mga ito ang pagsasayaw. Mainam na matuto tayo ng iba’t ibang
klase ng mga katutubong sayaw na may magandang dulot sa ating pangangatawan.
Sa modyul na ito ating aalamin ang isa sa mga katutubong sayaw nating mga
Pilipino na nag mula sa Bago, Negros Occidental ang Liki. Ito ay isa mga sayaw na
sumasalamin sa ating kultura. Maganda ang sayaw na ito dahil naipapakita nito ang iba’t
ibang kilos sa kamay, paa, beywang at balakang. Ang sayaw na ito ay maaring sayawin
ng may kapareha at ng buong pangkat. Ang katutubong sayaw ay nakatutulong sa
pagpapaunlad ng physical fitness bukod pa sa dagdag na kaalaman sa kultura ng
bayang pinagmulan nito.

Gawain 1 KILALANIN MO AKO!


PANUTO: Lagyan ng tsek ang mga gawaing nagpapakita ng kahalagahan ng
physical fitness at ekis X naman kung hindi.
____1. pagsayaw _____3. pagtalon

____2. pagtakbo _____4. pagkain

_____5. pagtulog

Page 7 of 15
MODULE CODE: PASAY-PE4-Q3-07

Name: ___________________________________________________ Date: ______________________


Name of the Teacher: ___________________________________ Grade: _____________________

Pagsasagawa ng Sayaw na Liki


Ang sayaw na ito ay tinatawag na Liki (Lee-Kee). Ang Liki ay sayaw na mapang-
akit at may indayog ang mga galaw sa palakumpasang ¾ time signature.Ito ay may step
pattern na;
A. Step (1) Close (2) Step C (3) Step (1,2), Close (3)
B. Step (1) and (2) Close (3) D. Point (1,2) .Close
Ito ay isang katutubong sayaw mula sa Visayas.

Gawain 2
Tayo ng Sumayaw
Gawin ang sumusunod. (Maaring humingi ng gabay sa magulang o kasama sa
bahay sa pagsasagawa nito.)

1. Ipakikita ng inyong guro o kasama sa bahay ang tamang


pagsasayaw.(Balikan ang deskripsyon sa pagsasagawa ng sayaw na
Liki.)
2. Sundan ang demonstrasyon ng guro o ng kasama sa bahay.
3. Magsanay ng may tugtog.
4. Ulitin hanggang matutuhan nang maayos ang buong sayaw na Liki.
Tanong: Ano ang nililinang ng gawaing ito? Paano ito makatutulong sa ating katawan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________________________________

Gawain 3 Tayo Na’t Husgahan Natin !


Suriin mo ang iyong sarili at iguhit ang sa wastong hanay.

Hakbang- Napakagaling Mas Magaling Magaling


Galaw
Close Step

Brush Step

Touch Step

3-Step Turn

Waltz (Balse)

Arms in Lateral
Position

Page 8 of 15
MODULE CODE: PASAY-PE4-Q3-07

Name: ___________________________________________________ Date: ______________________


Name of the Teacher: ___________________________________ Grade: _____________________

• Ang pagsasayaw ay isa lamang sa mga gawaing pisikal na


nakatutulong upang mapaunlad ang physical fitness ng tao.
• Upang higit na mapahalagahan ang sayaw na Liki, alamin
muna ang mga batayang galaw nito tulad ng mga hakbang-
sayaw at galaw ng kamay at katawan.

Sagutin Natin

Pagsasanay1
Iguhit ang puso kung ang pahayag ay nagpapakialala ng kahalagahan ng
pagsasagawa ng mga gawaing pisikal at ulap naman kung HINDI.
____1. Ang mga gawaing pisikal ay nakakapagpalakas ng ating mga buto at
kalamnan.
____2. Hindi nakokontrol ng mga gawaing pisikal ang ating timbang.
____3. Ang pagsasayaw ay isang gawaing pisikal na nakakatulong sa ating pag-
iisip at pangangatawan.
____4. Nagiging aktibo ang isang tao kung siya ay nagsasagawa ng mga gawaing
pisikal.
____5. Madaling dapuan ng anumang sakit ang sinumang indibidwal na
nagsasagawa ng mga gawaing pisikal.
____6. Ang mga iba’t ibang steps o galaw sa pagsayaw ay nakatutulong upang
mapalakas ang iba’t ibang bahagi ng ating katawan.
____7. Ang pagsasawalang bahala sa ating kalusugan ay isang kaaya-ayang
gawain na nakakapagpa-unlad ng ating sarili.
____8. Ang pagsasayaw ng Liki ay isang halimbawa ng gawaing pisikal.
____9. Bilang isang bata mainam na panoorin na lamang ang mga sayaw sa
youtube upang hindi ka mapagod.
____10. Ang pagkilala sa mga gawaing pisikal ay nagpapakita ng pagbibigay
halaga sa ating kalusugan.
Sanggunian:
Matrix of Curriculum Standards-Division Budget of Work in Physical
Education 4, Inihanda ni:
Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan (Manwal ng Guro) PE4
Kagamitan ng Mag-aaral, p.161-163 Ermethias Zen Hellenic M. Ganaden
Pangunahing Kaalaman sa Sayaw ng Liki Uploaded by Floradelma Manahan
https://www.scribd.com/document/448454980/liki-docxhttps://brainly.ph/ Villamor Air Base Elementary School

Page 9 of 15
MODULE CODE: Pasay–H4-Q3-07

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA MAPEH - HEALTH 4


IKATLONG KWARTER/ IKAPITONG LINGGO

Learning Objective: Explains the importance of reading drug information and labels, and other ways
to ensure proper use of medicines.

Aralin 7: Ang Kahalagahan ng Pagbabasa ng Impormasyon at mga Label

PANIMULANG IMPORMASYON

❖ Ang preskripsyon o reseta ng gamot ay ang kasulatan na binibigay ng lisensyadong doktor o


mangagamot sa kanyang pasyente.
❖ Ito ay naglalaman ng pangalan ng gamot na iinumin, haba ng panahon ng pag-inom ng gamot,
hakbang para ito ay inumin, at dami ng gamot na iinumin sa bawat araw. Kinakailangan din
nito ang pirma ng doktor o manggagamot na nagbigay ng preskripsyon.
❖ Ang preskripsyon o reseta ay kadalasang makikitaan ng simbolong Rx.
❖ Minsan, sa pagbilig ng mga gamot sa butika, ang preskripsyon ng doktor ay mahalaga at
hinahanap ng mga pharmacists bago pagbilhan ng gamot.
❖ Bukod sa kahalagahan ng reseta sa pag-inom ng mga gamot, ito rin ay may legal na
implikasyon. Ito ay sapagkat kung sino man ang doktor na nakapirma sa reseta ang siyang
may responsibilidad sa kahihinatnan ng paggagamot ng pasyente.

Basahin ang dayalogo at pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na tanong.

Gng. Castro: Magandang araw sa inyong lahat. Gusto kong malaman mula sa inyo kung
ano ang ginagawa niyo bago uminom ng gamot?

Rona: Sinasamahan ako ng nanay ko sa klinika upang magpatingin sa doktor.Sinusunod ko


ang preskripsyon mula sa doktor sa gabay ng aking mga magulang.

Gng. Castro: Tamang gawi ang ginagawa mo Rona .Ikaw naman Ben.

Ben: Sinusuri kong mabuti ang nakasulat sa pakete ng gamut upang malaman ko kung
kalian mawawalan ng bisa.

Belen: Hindi kami bumibili ng nanay ko kung saan-saan lang. Bumibili kami sa
mapagkakatiwalaang botika upang hindi kami makabili ng pekeng gamot.

Roy: Ipinaghihiwalay namin ang lalagyan o taguan ng mga gamut namin sa mga panlinis
sa bahay at pamuksa sa mga insekto . Sinisigurado namin na hindi kayang abutin ng aking
mga nakababatang kapatid ang imbakan ng gamot upang hindi nila paglaruan.

Gng. Castro: Magaling! Ako ay nalulugod sa inyong ibinahagi ngayon. Oras na para sa
susunod niyon asignatura .Paalam mga bata.

Mga bata: Paalam din po Gng. Castro.

Page 10 of 15
MODULE CODE: Pasay–H4-Q3-07

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Mga tanong:

1. Ano-ano ang ibinahagi nina Rona, Ben, Belen at Roy sa kanilang kaklase at guro?
2. Bakit kailangan nating kumonsulta sa doktor bago uminom ng gamot?
3. Bakit kailangang bumili ng gamot sa mapagkakatiwalaang botika?
4. Nasiyahan ba si Gng. Castro sa mga ibinahagi ng kaniyang mga mag-aaral ? Bakit?

TUKLASIN
Malinaw ba ang aralin natin sa araw na ito?Kung hindi, balikan
ang ating pinag-aralan at basahing muli. Kung malinaw na, ikaw
ay handa na sa ating pagsasanay.

GAWAIN 1

Panuto: Sagutin ang tseklist Lagyan ng tsek ang inyong sagot.

MGA TANONG OO HINDI

1. Nagpapakonsulta ba ako sa doktor bago uminom ng gamot?

2. Sinusuri ko ba ang nakasulat sa pakete ng gamot?

3. Sinusuri ko ba ang mga nakasaad sa preskripsyon ng doktor ?

4. Umiinom ba ko ng gamot na may gabay ng magulang o nakatatanda?

5. Inaalam ko ba ang expiration date ng gamot na iinumin ko?

GAWAIN 2 Panuto: Punan ang tsart ng mga pamamaraan


sa paggamit ng gamot.

Tamang Pamamaraan sa Paggamit ng Gamot

Page 11 of 15
MODULE CODE: Pasay–H4-Q3-07

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

PAGTATAYA Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na salitang


bumubuo sa diwa ng mga sumusunod na
pangungusap.

a. nakasulat d. bisa
b. doktor e. preskripsyon
c. kaibigan f. mapagkakatiwalaang

_______1.Komunsulta sa _____________bago uminom ng gamot.

_______2. Bumili ng gamot sa ___________botika.

_______3. Suriin kung kalian mawawalan ng ____________ ang gamot.

_______4. Sundin ang ______na ibinigay ng doctor.

_______5. Basahin at suriing mabuti ang _________ sa pakete ng gamot.

Sanggunian:

https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-4-learners-material-in-health-q1q4

https://mediko.ph/kahalagahan-ng-preskripsyon-o-reseta-ng-gamot/

Inihanda ni:
DIANA ROSE B. DEL VALLE
Bernabe Elementary School

Page 12 of 15
MODULE CODE: PASAY-PE4-Q3-07.7

Name: ___________________________________________________ Date: ______________________


Name of the Teacher: ___________________________________ Grade: _____________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODULE IN MAPEH - PHYSICAL EDUCATION 4


QUARTER 2 / WEEK 7

Learning Objective: Recognizes the value of participation in physical activities.

ARALIN 7.7: Kahalagahan ng Partisipasyon sa Mga Gawaing Pisikal

Panimula
Anuman ang ating edad, mahalagang bahagi ng pagpapanatili ng malusog na
pamumuhay ang pisikal na aktibidad. Sa paggawa at pagsunod sa isang aktibong rutina,
makatutulong kang mapanatiling malusog ang iyong resistensya, mapahusay ang iyong
pagtulog at mapasigla ang iyong emosyonal na kabutihan.
Talakayin Natin
Ang isang batang tulad mo ay dapat gumawa ng iba’t-ibang gawaing pisikal o
physical fitness. Maaring magsagawa ng physical fitness na angkop sa iyong edad at
makakaya ng iyong katawan. Bagama’t hindi makalabas ng tahanan ang mga batang
tulad ninyo dahil sa pandemya at hindi niyo maisagawa ang ibang nakagawian na
ninyong gawaing pisikal gaya ng pagbibisikleta, paglalaro ng habulan sa labas,
pagbabasketball sa gym at iba pa ay may mga ilang gawaing pisikal na maari mong
gawin sa inyong tahanan ng dalawang beses kada isang linggo . Ang mga halimbawa
ng mga gawaing pisikal na kaya mong gawin sa loob ng tahanan ay ang pag-eehersisyo,
pagzuzumba, paglalaro sa bakuran, pagtulong sa gawaing bahay at iba pa.
Maisasagawa ang mga ito ng may wastong oras, espasyo at kahandaan ng iyong
sarili. Dahil sa mga aktibidad na ito ay napapalakas ang ating mga puso at nakabubuo
tayo ng koordinasyon, balanse at kakayahang umangkop. Lagi nating tatandaan na
huwag din nating kakalimutan ang pagpapahinga matapos gawain ang mga ito upang
maisagawa muli ng maayos ang mga gawaing pisikal na iyong binibigyang halaga sa
araw-araw na pamumuhay.

Gawain 1 ALAMIN MO!


PANUTO: Isulat ang TAMA kung ang mga gawain ay nagpapakita ng physical fitness
at MALI naman kung hindi.
____1. Panood ng T.V magdamag.
____2. Pagsali sa Zumba Dance tuwing umaga sa inyong magulang.
____3. Paglalaro sa bakuran ng basketball.
____4. Pagkain ng marami at sobra tuwing gabi.
____5. Pagbubunot ng sahig.

Page 13 of 15
MODULE CODE: PASAY-PE4-Q3-07.7

Name: ___________________________________________________ Date: ______________________


Name of the Teacher: ___________________________________ Grade: _____________________

Gawain 2 Tayo ng Gumalaw!

Gawin ang sumusunod sa tulong iyong guro o (Maaring humingi ng gabay sa


magulang o kasama sa bahay sa pagsasagawa nito.)
1. I-stretch ang dalawang kamay Paitaas at bumilang ng 8 segundo.
2. Mabilis na Paglalakad (Front-Backward) 5 beses.
3. Jogging in Place ng 8 bilang.
4. Jumping Jack ng 8 beses.
5. Pag-stretch ng 8 segundo habang isinasagawa ang inhale and exhale.

Tanong: Ano ang nililinang ng gawaing ito? Paano ito makatutulong sa ating katawan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________________________________

Gawain 3 Timbangin Natin !


Suriin mo ang iyong sarili at lagyan ng tsek ang wastong hanay.
Hakbang-Galaw Naisagawa ng Katamtamang Nahirapan sa
Wasto at Naisagawa ng Pagsasagawa ng
Maayos Wasto at Maayos Wasto at Maayos
Stretching

Mabilis na Paglalakad

Jogging in Place

Jumping Jack

Stretching: Inhale and


Exhale

• Ang pagsasagawa ng iba’t ibang gawaing pisikal o physical fitness


ay nakakatulong sa atin upang tayo ay maging aktibo sa ating
araw-araw na aktibidad.
• Ang pagkilala sa mga physical fitness at pagsasagawa ng mga ito
ay nakababawas ng stress at nakapagpapababa ng mga sintomas
ng pagkabalisa at depresyon.

Page 14 of 15
MODULE CODE: PASAY-PE4-Q3-07.7

Name: ___________________________________________________ Date: ______________________


Name of the Teacher: ___________________________________ Grade: _____________________

Sagutin Natin

Pagsasanay1
Bilugan ang mga pahayag na nagpapakilala sa kahalagahan ng pagsasagawa
ng mga gawaing pisikal.
1. Dapat kasama sa lingguhang iskedyul natin ang mga ehersisyo na
nagpapalakas ng kalamnan at buto dalawang beses sa isang linggo para sa
mas malaking benepisyo sa kalusugan.
2. Mapalalakas ka ng regular na pisikal na aktibidad.
3. Nakakapanghina ang mga gawaing pisikal.
4. Ang stretching ay mainam bago ka magsimula ng isang gawaing pisikal.
5. Ang batang katulad mo ay nararapat lamang na hindi mag-ehersisyo dahil
mapapagod ka lang.
6. Dapat isantabi ang pagsasagawa ng mga gawaing pisikal sa loob ng isang lingo.
7. Magiging maayos ang daloy ng dugo sa ating katawan kung tayo ay
nagsasagawa ng mga gawaing pisikal.
8. Bata man o matanda ay maaaring magsagawa ng mga gawaing pisikal o
aktibidad na angkop sa kanilang edad.
9. Maari ka pa rin na magsagawa ng mga gawaing pisikal kahit sa loob lamang ng
inyong tahanan.
10. Mainam na palakasin ang resistensya ng ating pangangatawan sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing pisikal upang hindi tayo
dapuan ng anumang sakit.

Inihanda ni:
Ermethias Zen Hellenic M. Ganaden
Mga Sanggunian:
Matrix of Curriculum Standards-Division Budget of Work in Physical Education
4,
Villamor Air Base Elementary School
https://www.welcomenb.ca/content/dam/gnb/Departments/ed/pdf/promo/le
arning_at_home/tagalog/PhysicalWellnessTagalog.pdf

Page 15 of 15

You might also like