Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Impak ng Globalisasyon sa Global na Komunikasyon

Ayon kay Daney (2017), sa pamamagitan ng internet at sulong ng serbisyo ng mga kumpanya ng
mobile cellphones, nakapagtatalakayan ang mga tao ng mga plano at panukala sa negosyo sa
internasyonal na lebel, at nakapagpapalitan sila ng mga pribadong datos nang ligtas. Ang mga
pangkomunikasyong serbisyong global ay nakapag-ambag din sa pagkapukaw at pagunlad ng prosesong
politikal sa ilang estado.

Inisa-isa ni Daney (2017) ang tatlong mahahalagang impak ng globalisasyon sa global na komunikasyon
at tinukoy niya ang pangunahing problema:

1. Abeylabiliti ng Impormasyon – ito ang pangunahin epekto ng proseso ng globalisayon.


Ipinahayag ng World Health Organization (WHO) na bumaba na ang gastos sa impormasyong
teknolohiya dahil sa pagdami ng mga negosyong nagdedeliber ng internet, satelayt na
telebisyon at mga serbisyong mobile at naging mas madali na para sa mga tao sa buong mundo
ang paggamit ng World Wide Web.
2. Pagsasagawa ng Bisnes – sa teknolohiya ng Internet, posible na ang pagpapalitan ng mga
impormasyong pambisnes at mga bidyo konperens. Bilang karagdagan, dahil sa maunlad na
komunikasyon, naisusulong ng mga negosyo ang kanilang mga produkto nang mas-episyente sa
internasyonal na pamilihan. Dahil dito, naging malaki ang ipinagbago ng mundo ng negosyo.
3. Kamalayang Panlipunan – dahil sa teknolohiya at network ng impormasyon, nakapagbabahagi
sila ng kanilang mga opinyon at pananaw, at nakapagtatrabaho sa mga proyekto at pananaliksik
sa iba-ibang larangan.

You might also like