Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE

PANDIBISYONG PAGTATASA SA IKATLONG MARKAHAN


SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (ESP) 6

Pangalan: _____________________________________ Iskor: ____________________


Seksyon: _____________________________________ Petsa: ____________________

Panuto: Suriin ang bawat pahayag o sitwasyon. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Maraming Pilipino ang nagtataglay ng mga katangi-tanging talento sa larangan ng pag-awit,


pagsulat, pag-arte, sports, pamumuno, at pananaliksik na nagdala sa kanila ng maraming
pagtatagumpay. Ano ang pinakamaaaring gawin ng bawat isa upang ipakita ang
pagpapahalaga sa magaling at matagumpay na mga Pilipino?
A. Magbigay ng regalo sa mga Pilipinong namamayagpag sa kanilang larangan.
B. Ipadama ang tuwa sa kanilang mga tagumpay at ipagmalaki ang kanilang mga
nagawa.
C. Makilahok sa mga gawain o proyekto na kanilang ini-endorso para sa masusing
pakikipagtulungan.
D. Isalaysay ang mga kuwento ng kanilang tagumpay upang magsilbing inspirasyon sa
kapuwa Pilipino.

2. Bakit mahalaga na magpakita ng pagkilala at pagrespeto sa magaling at matagumpay na mga


Pilipino?
A. sapagkat ang kanilang kakayahan, husay, talento, at pagtatagumpay ay katangi-tangi
sa lahat
B. sapagkat nararapat lamang na hangaan at gawing modelo ang kanilang narating sa
buhay
C. sapagkat ang kanilang tagumpay ay nagbigay inspirasyon at nagtaguyod ng
pambansang karangalan
D. sapagkat ang kanilang tagumpay ay nagdala ng kapayapaan sa lipunan at nagpakita
ng kahalagahan ng pagtutulungan sa bansa

3. Ano ang pinakamaaaring maging epekto ng pagpapakita ng pagpapahalaga sa magaling at


matagumpay na mga Pilipino sa mag-aaral na tulad mo?
A. maaaring magsimula ng sariling mga layunin sa buhay na nais makamtan sa
hinaharap
B. maaaring maging inspirasyon sa iyo na maging mas lalo pang masigla at produktibo
sa pag-aaral
C. maaaring mas lalo pang maengganyo na magtagumpay at magbigay halaga sa taglay
na galing
D. maaaring mas lalo pang lumalawak ang pang-unawa sa kahalagahan ng
determinasyon at kasipagan

4. Ang pahayag na "Binigyan ng parangal si Bb. Catriona Gray sa pagkapanalo niya sa Miss
Universe 2018" ay nagpapakita ng ____________________.
A. pagmamalaki na mayaman sa talento ang mga Pilipino, kaya't sila ay nananalo sa
paligsahan
B. pagbibigay halaga at pagkilala sa tagumpay ng Pilipino sa pandaigdigang paligsahan
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
C. pagpapahiwatig ng layunin ng bansa na iparating sa buong mundo ang tagumpay ng
isang Pilipino
D. paglalarawan na tinutupad at ginagawa ng pamahalaan ang kaniyang tungkulin sa
mamamayan
E.
5. Si Lea Salonga ay itinanghal bilang kauna-unahang Pilipina na nakatanggap ng Laurence
Olivier Award, Tony Award, Drama Desk, Outer Critics Circle, at Theatre World Award
para sa kaniyang pagganap bilang Kim sa Miss Saigon noong 1989. Paano naging
inspirasyon sa maraming Pilipino ang tagumpay niyang ito?
A. Ipinakita niya na ang tagumpay ay nakakamit lamang ng mga kilalang personalidad.
B. Ang tagumpay niya ay nagdulot ng inspirasyon at nagbigay ng magandang imahe sa
mga Pilipino.
C. Sa pamamagitan ng kaniyang tagumpay, ipinakita niya ang halaga ng pagsusumikap
at dedikasyon sa buhay.
D. Ang kaniyang pagtatagumpay ay nagbukas ng pinto para sa mas marami pang
Pilipino na mangarap at magtagumpay sa larangan ng sining.

6. Paano ipinakita ni Hidilyn Diaz ang kahalagahan ng pagsusumikap at pagtitiyaga sa kaniyang


tagumpay sa Weightlifting sa Olympics?
A. sa pamamagitan ng kaniyang dedikasyon, pagsusumikap, at walang sawang
pagsasanay
B. sa pamamagitan ng pagsasabay-sabay ng pagsasanay sa iba’t ibang sports na
kaniyang kinahiligan
C. sa pamamagitan ng kaniyang natatanging talento sa weightlifting na minana niya sa
kaniyang mga magulang
D. sa pamamagitan ng masusing pag-aaral, paghahanda, at pagsali sa lahat ng mga
paligsahan ukol sa pampalakasan

7. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagbibigay ng sarili sa bayan ng El Gamma


Penumbra na kampeon sa Asia’s Got Talent?
A. Pinagsamang pag-awit at pagsasayaw ng mga katutubong awitin.
B. Pagtatanghal ng shadow play ukol sa kalikasan at pagmamalaki bilang Pilipino.
C. Pagsasagawa ng acapella ng mga OPM o Original Pilipino Music na awitin.
D. Pagsasayaw ng hip-hop gamit ang mga tradisyunal na kasuotan ng mga Pilipino.

8. Paano higit na naipakikita ng mga magagaling at matatagumpay na Pilipino ang kanilang


malasakit sa kapuwa at sa bayan?
A. pagtutok sa pangangailangan ng iba at hindi lamang sa sariling interes
B. pagsusumikap na maging inspirasyon at magbigay ng positibong impluwensya sa iba
C. pagsusumikap na makatulong at maging bahagi ng mga proyektong makakabuti sa
komunidad
D. pagsasalita sa social media at pagsusog sa mga isyu ng lipunan upang makatulong sa
pag-unlad ng bayan

9. Si Manny Pacquiao ay itinuturing na isa sa mga pinakamayaman at matagumpay na


boksingero. Alin sa sumusunod ang sakripisyong kaniyang nagawa upang maabot ang
kaniyang pangarap?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
A. pagsusumikap sa pag-aaral upang maging magaling na boksingero
B. pagtitiis sa matinding hirap, pagod at kirot mula sa mga ensayo at laban
C. pagbibigay ng oras at ng atensyon sa boksing kahit may iba pang tungkulin
D. pagtutok na bigyan ng karangalan ang ating bansa sa larangan ng boksing

10. Si Kesz Valdez ang kauna-unahang taga-Timog Silangang Asya na tumanggap ng


International Children Peace Prize Award noong 2012 dahil sa kaniyang proyektong “Hope
Gifts”. Sa kabila ng kaniyang mga naranasang kapighatian, nagsilbi itong inspirasyon sa
kaniya upang tumulong sa mga nangangailangan at matupad ang kaniyang mga pangarap.
Tutularan mo ba ang ginawa niya?
A. Oo, dahil isang mabuting gawain ang pagtulong sa kapuwa.
B. Oo, upang makatanggap ako ng pagkilala sa isang award-giving body.
C. Hindi, dahil wala naman akong pananagutan sa aking kapuwa.
D. Hindi, dahil napakahirap tumulong sa mga taong nangangailangan.

11. Ikaw ay mag-aaral sa isang pampublikong paaralan. Alin sa sumusunod pagpipilian ang
hindi nagpapakita ng pagtulad sa mga mabubuting katangian ng mga nagtagumpay na mga
Pilipino?
A. Mag-aaral akong mabuti upang maging matagumpay tulad ng yumaong Senador
Miriam Defensor-Santiago.
B. Mag-eensayo ako palagi tulad ng ginawa ni Hidilyn Diaz upang maging malakas sa
larangan ng sports.
C. Maglalaan ako ng oras sa paglilibang upang maging katulad ng matagumpay na
negosyanteng si Henry Sy.
D. Paghuhusayan ko ang paglikha ng sining tulad ng ipinamalas ng pintor na si
Fernando Amorsolo

12. Napakaraming magagaling at matatagumpay na Pilipino sa iba't ibang larangan dito sa


Pilipinas gayundin sa iba’t ibang panig ng bansa sa mundo. Ano ang pinakatamang hakbang
na dapat nating gawin patungkol sa kanilang tagumpay?
A. Gawan ng rebulto sa parke at papurihan sila.
B. Balewalain sila at gumawa ng sariling katagumpayan.
C. Hangaan at gawing modelo ang kanilang pagtatagumpay.
D. Ituring silang perpektong tao na walang kapintasan o pagkukulang.

13. Ang ating bansa ay isang kapuluan. Isa sa ating pinagkukunang yaman ay ang ating mga
katubigan. Alin sa sumusunod na mga gawain ang nagpapakita ng paggamit nang may
pagpapahalaga sa ating mga katubigan?
A. paggamit ng dinamita sa pangingisda
B. paggamit ng cyanide sa pangingisda
C. paggamit ng pamamaraang Muro-ami
D. paggamit ng lambat na may malalaking puwang

14. Mayaman ang Pilipinas sa yamang gubat gaya ng mga punongkahoy na siyang
pinanggagalingan ng mga troso. Ano ang pinakanararapat gawin upang hindi maubos ang
mga punongkahoy at tuluyang makalbo ang ating mga kagubatan?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
A. Linisan ang ating mga kagubatan.
B. Diligan ang mga puno rito araw-araw.
C. Ipagpatuloy ang programang reforestation.
D. Ihinto ang mga industriyang gumagamit ng mga troso.

15. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mapanagutang paggamit ng mga pinagkukunang


yaman?
A. pagkakaingin sa mga dalisdis ng bundok
B. pagpapalit sa mga punong pinuputol sa kagubatan
C. pagdidilig ng mga halaman pagkatapos ng pag-ulan
D. pagpapaubaya sa pamahalaan ng paglilinis sa kapaligiran

16. Bakit kailangang magkaroon tayo ng pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at


pinagkukunang-yaman?
A. upang makapagtaguyod ng matatag o sustenableng pag-unlad
B. upang mapanatili ang kagandahan at kalusugan ng ating kalikasan
C. upang matiyak ang wastong pamamahala at paggamit ng yaman ng bansa
D. upang mapanatili ang kasalukuyang kalidad ng buhay ng mga mamamayan

17. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong pinakanararapat na gagawin upang makatulong sa
pagtiyak na ang susunod na henerasyon ay may pinagkukunang-yaman para sa kanilang
kabuhayan?
A. pakikilahok sa mga environmental organizations o clubs sa eskwelahan
B. pagtitipid sa paggamit ng enerhiya at tubig sa pang-araw-araw na buhay
C. pagsusulong ng kampanya para sa edukasyon tungkol sa pangangalaga sa kalikasan.
D. pagpapalaganap ng kaalaman sa mga proyektong pangkalikasan tulad ng
reforestation at clean-up drives

18. Ito ang wastong pangangalaga sa kapaligiran para sa kasalukuyan at sa susunod pang
henerasyon. Ano ang tinutukoy rito?
A. Likas-yaman ng tao
B. Pinagkukunang-yaman
C. Likas-kayang pag-unlad
D. Kabuhayang pangkapaligiran

19. Nakagawian ng pamilya Santos ang magsunog ng basura tulad ng plastik at goma sa likod ng
kanilang bahay. Dapat bang pamarisan ang kanilang ginagawa? Bakit?
A. Oo, dahil ang pagsusunog ng basura ay isang mabisang paraan ng pagtatapon at hindi
ito nakakasama sa kalikasan.
B. Oo, dahil ang plastik at goma ay hindi biodegradable, at ang pagsusunog ay
maaaring maging maayos na paraan ng pag-dispose sa kanila.
C. Oo, dahil ang pagsusunog ng basura ay hindi labag sa mga regulasyon ng
pamahalaan ukol sa wastong pamamahala ng basura at pangangalaga sa kalikasan.
D. Hindi, dahil ang pagsusunog ng basura, lalo na ang plastik at goma, ay nagreresulta
sa paglabas ng mga nakakalasong kemikal na maaaring makaapekto sa kalusugan ng
tao at kalikasan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
20. Ito ay naglalayong panatilihing malinis at ligtas ang hanging nalalanghap ng mga tao at
isinasaad din nito na hindi lamang ang pamahalaan ang may katungkulan nito kundi ang lahat
ng mamamayan. Anong batas pambansa ito?
A. RA 7586 o National Integrated Protected Areas System Act
B. RA 8749 o Philippine Clean Air Act
C. RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act
D. RA 9275 o Philippine Clean Water Act

21. Narinig mo sa telebisyon ang balitang may red tide sa inyong lugar at sa mga karatig bayan
ninyo. Bilang isang mag-aaral, ano ang gagawin mo?
A. Tutulong ako sa paglilinis ng mga katubigan.
B. Bibili ako ng isda at lilinisin na lang itong mabuti.
C. Pananatilihin ko na lang na malinis ang aming bakuran.
D. Ililihim o hindi ipagbibigay-alam ang sitwasyon ng aming lugar.

22. Nagbaba ng ordinansa ang inyong barangay na paghiwa-hiwalayin ang mga basura sa
nabubulok, di-nabubulok, at sa pwede pang gamitin. Pinagsabihan kayo ng inyong mga
magulang na sundin ito. Ano ang gagawin mo?
A. Susunod sa ordinansa dahil ito ay para sa ikabubuti ng lahat.
B. Magkukunwari na hindi ko narinig ang sinabi ng mga magulang.
C. Pakikinggan ang magulang ngunit hindi ito isasagawa sa tahanan.
D. Sundin ang ordinansa ng barangay sa loob lamang ng isang buwan.

23. Paano mo maipapakita ang tapat na pangangalaga sa kapaligiran?


A. pagpili ng maraming single-use plastics at disposable na produkto
B. pag-ayos ng sariling kalat at pagsunod sa tamang pagtatapon ng basura
C. paggamit ng pestisidyo sa halamanan na maaring makasama sa kalikasan
D. pag-iwan ng gripo na bukas sa bahay man o sa paaralan habang hindi ginagamit
24. Bilang pagtugon sa isinasaad ng Batas Pambansa 7638 o ang Pagtatatag ng Department of
Energy (DOE), maraming mga bansa ang gumagamit na ngayon ng enerhiyang solar. Ano
kaya ang maidudulot nito sa mundo?
A. paggamit ng enerhiyang solar lamang sa mga maunlad na lugar at hindi para sa lahat
B. pagdudulot ng mas maraming pagkasira sa kalikasan sa mga lugar kung saan
itinatayo ang mga solar
C. pagpapababa sa presyo ng enerhiya at pagbibigay ng mas abot-kayang alternatibong
mapagkukunan ng kuryente
D. pagdaragdag sa produksyon ng mga polusyon na nagiging sanhi ng pag-init ng
mundo at pagbibigay daan sa climate change

25. Ang RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) ay nagsasaad ng tamang
paraan ng pangongolekta at pagbubukod-bukod ng mga solid waste. Bakit kailangang
ipatupad ito ng ating pamahalaan?
A. upang mabigyan ng trabaho ang mga tagapagpatupad ng batas
B. upang makinabang sa advanced na teknolohiya sa pamamahala ng basura
C. upang maipakita ang pagmamahal sa kalikasan at pangangalaga sa kalusugan ng
mamamayan
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
D. upang makasunod sa mga internasyonal na pamantayan sa pagpapahalaga sa
kalikasan

26. Si Michael Cinco ay isang Pilipinong nakipagsapalaran sa Dubai at naging tanyag sa


larangan ng paggawa ng kasuotan ng mga modelong gaya nina Lady Gaga at Paris Hilton.
Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Ang kaniyang gawa ay de-kalidad at maaaring ipagmalaki kahit kanino.
B. Siya ay may mga kakilala at kaibigang mga artista kaya siya ay naging kilala rin.
C. Tinitiyak niyang ang mga gawa niya ay may mababang kalidad ng pagkakagawa.
D. Siya ay may lakas ng loob na makipagsapalaran sa ibang bahagi ng mundo upang
maipakita ang kaniyang galing sa pagdidisenyo.

27. Sa inyong klase ay may pinagawang proyekto. Ang inyong guro ay naglahad ng pamantayan
sa paggawa ng nasabing gawain. Alin sa sumusunod ang nararapat mong gawin bilang isang
mag-aaral?
A. Bilisan ang paggawa upang mauna sa pagpasa sa ibang grupo.
B. Ipasa ang proyekto sa guro kahit hindi maayos ang natapos na gawain.
C. Lumagpas sa oras ng paggawa upang maging maganda ang gawain.
D. Sumunod sa pamantayan upang lumabas na may kalidad ang gawain.

28. Ikaw ay nagtratrabaho nang husto, may interes sa ginagawa, at ibinibigay ang iyong puso sa
paggawa. Ano ang maaaring maging resulta nito?
A. magugulat ka sa hindi magandang kinalabasan ng iyong gawain
B. magsisisi ka kung bakit isinagawa at ipinamalas mo pa ang mga iyon
C. magkakaroon ka ng gawang may kalidad at maipagmamalaki sa iba
D. maglalaan ka ng sobrang oras sa paggawa dahil sa dami ng trabaho
29. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapakita ng kahusayan sa pag-iisip na may
kaugnayan sa etiko sa paggawa na dapat tularan, maliban sa isa. Ano ito?
A. “Ipapasa ko na ito kahit hindi tapos. Hindi na ito mahahalata ni titser.”
B. “Sasagutan ko lahat nang gawain sa aking modyul ng may katapatan.”
C. “Mas maganda sa pakiramdam kung mataas ang grade mo dahil sa sarili mong
pagsisikap.”
D. “Sa haba ng panahon na ibinigay sa atin upang matapos ang proyekto, ibigay na natin
ang best natin.”

30. Nagbigay ng gawain ang guro mo Martes ng umaga at kailangan nang ipasa sa Lunes nang
umaga sa susunod na linggo. Kailan mo ito gagawin?
A. Gagawin ko sa Linggo ng gabi.
B. Gagawin ko sa araw kung kailan ko lang maalala.
C. Gagawin ko at sisikaping tapusin sa araw kung kailan sinabi ng guro.
D. Ipagagawa ko kay ate o kuya dalawang araw bago ang pasahan.

31. Sa iyong palagay, alin sa sumusunod na pananaw ang nakaayon sa pamantayan sa paggawa?
A. Puwede nang ipasa ang proyekto sa guro kahit mayroon pang kulang dito.
B. Dapat pagbutihin ang paggawa sa proyektong ipapasa upang maipagyabang ito.
C. Mabuting magtanong sa mga nakaaalam upang matapos na de-kalidad ang proyekto.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
D. Ayos lamang na lumagpas sa takdang araw ang paggawa ng proyekto basta maging
maganda ito.

32. Ang pagiging malikhain ay ang kakayahang bumuo ng mga bagay na hindi pa naiisip ng iba
o paunlarin ang mga bagay na naimbento na. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang
taong malikhain maliban sa isa. Alin ito?
A. masigasig sa paggawa ng proyekto kahit may kahirapan ito
B. ginagaya niya ang mga magagandang bagay na nakikita sa iba
C. madaling makibagay at maiangkop ang sarili sa iba’t ibang pagkakataon
D. nakagagawa ng paraan sa pamamagitan ng paggamit ng mga bagay na nasa paligid

33. Habang papauwi si Densyo galing paaralan ay pinag-iisipan niya ang proyekto nila sa EsP na
pansabit sa dingding. Sa kanyang paglalakad ay nakita niya ang mga nagkalat na plastik na
bote sa daan. Mula sa kaniyang klase sa Agham, napag-alaman niya na ang mga plastik na ito
ay hindi nabubulok at maaari pang bumara sa mga daluyan ng tubig at maging sanhi ng
pagbaha. Paano kaya makatutulong si Densyo sa suliraning ito hinggil sa basura?
A. Ipunin ang mga ito at sunugin sa isang bakanteng lote.
B. Hayaan ang mga itong isinop ng pamahalaang barangay.
C. Ipunin ang mga plastik na bote at dalin ito sa lugar na hindi nakikita.
D. Ipunin ang mga ito at bumuo ng disensyo mula rito para sa proyekto sa EsP.

34. Bibisita ang inyong mga kamag-anak sa susunod na linggo at makikituloy sa inyo nang ilang
araw. Alam mo na sapat lamang ang inyong unan para sa inyong pamilya. Paano mo
maipakikita ang iyong pagiging malikhain sa pagbibigay-solusyon sa suliraning ito?
A. gawing unan ang pinagpatong-patong na karton
B. humingi ng pambili ng unan sa iyong mga magulang
C. gupit-gupitin ang mga pakete ng pagkain upang gawing unan
D. ipahiram ang inyong mga unan at hindi na lamang kayo gagamit nito
35. Alin sa sumusunod na gawain ang makatutulong na malinang ang pagkamalikhain ng isang
tao?
A. madalas na pagliban sa klase
B. pagbabasa ng iba’t ibang aklat
C. pagkain ng masusustansiyang pagkain
D. palaging pagpupuyat dahil sa paglalaro

36. Bigyang-katwiran ang pahayag sa ibaba. Tama ba o mali ang ginawa ni Eduardo? Bakit?

Si Eduardo ay nagnais na iangat ang kaniyang kalagayan kaya siya ay nag-isip, nagpuyat,
at nagpagod upang mag-imbento ng isang bagay na magagamit niya sa paglilingkod sa iba.

A. Tama na ginamit niya ang pagiging malikhain sa paggawa ng bagay na makatutulong


sa iba.
B. Tama na isipin niya muna ang kaniyang sarili upang iangat niya ang kaniyang
kalagayan sa buhay.
C. Mali ang paglingkuran ang kapwa habang siya ay nalulugmok sa kanyang sariling
kalagayan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
D. Mali ang kaniyang ginawang pagpupuyat at pagpapagod para lamang sa kapakanan
ng iba.

37. Ginamit ni Ludy ang kaniyang mga pangarap upang mapayaman ang kanyang ideya sa
pamamagitan ng pag-aaral, pananaliksik, at pagsusumikap. Dahil dito, ano ang maaaring
maging bunga nito?
A. Maiaangat niya ang kaniyang kalagayan sa buhay dulot ng pagyapak sa karapatan ng
iba.
B. Marami ang malulungkot at di-makikinabang sa yaman ng ideya ng isang taong
malikhain.
C. Mapapaunlad niya ang kaniyang kaisipan sa pamamagitan ng paggaya niya sa ideya
ng ibang tao.
D. Mapagaganda niya ang anumang proyektong lilikhain mula sa kanyang imahinasyon
at pagkamalikhain.
38. Ang mga Pilipino ay may kakayahang makipamuhay saan mang bansa kahit ang kultura at
pamamaraan nila ay lubhang iba kaysa sa atin. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Sobrang malakas ang loob ng mga Pilipinong ipakita o ipamalas kung sino talaga
tayo.
B. Madaling makibagay ang mga Pilipino at iangkop ang sarili sa iba’t ibang
pagkakataon.
C. Nakatatayo ang mga Pilipino sa sariling desisyon kahit saan mang panig sila ng
mundo mapunta.
D. Ang mga Pilipino ay may malakas na motibasyon upang magtagumpay sa mga
hamon ng buhay.

39. Nagmumula ang lason ng red tide sa maliliit na organismo na naninirahan sa katubigan na
siya namang nakakain ng mga shellfish. Kapag nakain ng tao ang apektadong shellfish,
maaaring maipasa ang lason at magdulot ng mga sakit sa tao. Ano ang dapat gawin upang
maiwasan ang pangyayaring ito?
A. Panatilihin ang kalinisan ng katubigan.
B. Huwag nang kumain ng mga shellfish kailanman.
C. Isulong ang pagtatayo ng mga pabrika malapit sa dagat.
D. Linising mabuti ang mga barko bago maglayag sa karagatan.

40. Ang Batas Republika Bilang 8749 o kilala rin bilang Philippine Clean Air Act ay
naglalayong panatilihing malinis at ligtas ang hanging nilalanghap ng mga mamamayan. Alin
sa mga sumusunod ang hindi isinasaad ng batas na ito?
A. Iwasan ang mga gawaing nagpapadumi sa hangin.
B. Bigyang-pansin ang paghihinto ng mga gawaing nagpapadumi sa hangin kaysa sa
paglilinis nito.
C. Pananatilihin ng mga opisyal ng pamahalaan ang kalinisan ng hangin at hindi ng mga
mamamayan.
D. Ipatupad ang mga programa sa pangmatagalang pamamaraan upang maiwaksi ang
sanhi ng maduming hangin.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
41. Narinig ni Maria na naghahanap ang kaniyang ama ng isang hayop na nabibilang sa uring
nanganganib nang maubos upang ipanregalo sa kaarawan ng kumpare niya. Kung ikaw si
Maria, ano ang gagawin mo?
A. Magkunwaring walang alam para hindi makonsensiya.
B. Isumbong ang ama sa pinakamalapit na himpilan ng pulis.
C. Sabihing labag ito sa batas at bumili na lamang ng ibang regalo.
D. Pabayaan ang ama sapagkat alam na niya ang kaniyang ginagawa.

42. Alin sa mga sumusunod na mga gawain ang nagpapakita ng pagsunod sa mga tagubilin ng
Batas Republika Blg. 9003?
A. pagtataguyod ng kalinisan sa mga katubigan
B. pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar
C. pagbabawal sa pagsusunog ng mga basurang biochemical
D. paghihiwa-hiwalay ng mga basurang nabubulok at di-nabubulok

43. Ipinatutupad ng Pilipinas ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165 sa
buong bansa. Paano ito makatutulong sa anti-drug policy ng pamahalaan?
A. Ipinagbabawal ng batas ang pagbebenta ng kahit na anong uri ng gamot sa mga
botika ng walang reseta ng manggagamot na ipakikita.
B. Inaatasan ng batas na magsagawa ng mga polisiya at programa upang epektibong
makontrol at mapigilan ang polusyong kumakalat sa bansa.
C. Pananatilihin ng pamahalaan ang kaayusan ng pagbibigay at pagbebenta ng mga
gamot sa mga mamamayan sa iba’t ibang botika sa kapuluan.
D. Titiyakin ng pamahalaan na mahuhuli ang mga taong nagbebenta at gumagamit ng
ipinagbabawal na gamot at mapapatawan sila ng kaukulang parusa.

44. Habang ang buong pamilya mo ay namamasyal, napansin mong itinapon ng nakababata
mong kapatid ang pinagkainan niya ng tsitserya sa gilid ng daan. Ano ang gagawin mo?
A. Pupulutin ang kalat niya at itatapon ito sa basurahang malapit dito.
B. Papayuhan siya na hindi tamang itapon kung saan-saan ang basura.
C. Maghahanap ng dyanitor sa paligid na maaaring magwalis ng kalat niya.
D. Yayayain siyang umuwi na dahil baka may makakita sa kanyang ginawa.

45. Habang ikaw ay nakasakay sa isang pampublikong sasakyan ay nakakita ka ng pasaherong


naninigarilyo at naaamoy mo ang di kaaya-ayang usok na nagmumula rito. Ano ang gagawin
mo?
A. Sasabihan ang naninigarilyo na bumaba na lang ng sasakyan at doon gawin ang
paninigarilyo.
B. Tatawagin ang atensyon ng konduktor upang ipagbawal ang paninigarilyo sa loob ng
sasakyan.
C. Lalapitan ang naninigarilyo at tahasang sabihan siya na itigil ang kaniyang
ginagawang paninigarilyo.
D. Hahayaan na lang ang taong naninigarilyo at magtitiis na lang sa naaamoy na di
kaaya-ayang usok nito.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
46. Bilang isang mag-aaral, isinasagawa mo ang adbokasiya ng Philippine Animal Welfare
Society o PAWS na maging responsableng tagapag-alaga ng mga hayop tulad ng aso at pusa.
Paano mo ito isinagawa?
A. Hahayaan ko ang alagang hayop na gawin ang anumang nais nito sa buhay.
B. Itatali ko palagi ang alaga kong hayop upang hindi ito makawala at makapanakit ng
iba.
C. Magbibigay ako ng panahon sa kanilang paglilibang at sapat na pagkain sa mga ito.
D. Pangangalagaan ko ito sa pamamagitan ng pagpapakain ng isang beses sa isang araw.

47. Sa loob ng inyong silid-aralan ay nasaksihan mo ang isang kaguluhang nagaganap sa pagitan
ng iyong mga kamag-aral. Ano ang nararapat mong gawin dito?
A. Lalapitan ang pangyayari at panonoorin sila sa kanilang ginagawa.
B. Ipagbibigay-alam ko ito sa aming guro upang mapigilan ang paglala nito.
C. Mananahimik na lamang upang hindi na madamay sa kaguluhan sa klase.
D. Pipigilan sila sa ginagawang kaguluhan at papanig sa isang kamag-aral.
48. Sa inyong komunidad ay may iba’t ibang organisasyon o proyektong isinasagawa. Ang isa sa
mga ito ay nagpapanatili ng kapayapaan mula sa tahanan hanggang sa pamayanan. Lalahok
ka ba rito o hindi? Bakit?
A. Lalahok ako dito dahil mapapaunlad ko pa ang sarili kasama ng iba ko pang kaibigan
sa pamayanan.
B. Hindi ako makikiisa sa gawain ng komunidad dahil mauubos lamang dito ang oras at
kakayahan ko.
C. Makikiisa ako sa pagpapanatili ng kapayapaan dahil ito ang gustong mangyari ng
aking mga magulang.
D. Sasama ako sa pagpapanatili ng kapayapaan dahil napakagandang pagmasdan ang
pamayanang may kaayusan.

49. Mahilig kang tumugtog ng gitara at umawit. Gusto mo pang tumugtog ngunit napansin mong
malalim na ang gabi. Ano ang pinakanararapat mong gawin?
A. Hihinaan ang pagtugtog at pag-awit sa loob ng silid.
B. Lumabas ng bahay upang doon tumugtog ng gitara.
C. Tumigil na sa pagtutugtog ng gitara upang hindi makaabala sa mga natutulog.
D. Tumigil na sa pagtutugtog ngunit ipagpatuloy ang pag-awit sa labas ng bahay.

50. Sumama ka sa mga pinsan mong nagpunta sa isang pulo. Nakita mo ang iba’t ibang uri ng
corals. Tuwang-tuwa ka dahil sa iba’t ibang kulay at hugis ng mga ito. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Kunin at paglalaruan.
B. Kunin at iuuwi sa bahay.
C. Kunin, iuuwi sa bahay, at ibebenta.
D. Pagmasdan at hangaan ang mga ito.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE

You might also like