Q1 Art Aralin-1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Division of City Schools-MANILA

ISABELO DELOS REYES ELEMENTARY SCHOOL


N. Zamora St. Tondo, Manila

Banghay Aralin sa MAPEH V

Petsa Oras Baitang at Pangkat

12:45 - 1:30 Alexandrite

1:30 – 2:15 Pearl

2:15 – 3:00 Ametrine

3:45 – 4:30 Amber

4:30 – 5:15 Amethyst

5:15 – 6:00 Carnelian

ART V

ARALIN 1

I. MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:
a. Natatalakay ang mga selebrasyon o gawaing pambayan na na impluwensiyahan ng mga mananakop sa
Pilipinas.
b. Nakabubuo ng likhang sining ng isang selebrasyon o gawaing pambayan.
c. Naipagmamalaki ang ilang selebrasyon o gawaing pambayan sa pamamagitan ng likhang-sining.
II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa: Mga Selebrasyon sa Pilipinas
B. Mga Kagamitan sa Pagtuturo: Powerpoint slides ng Mga Selebrasyon, Laptop, TV o LCD Projector
C. Sanggunian: Halinang Umawit at Gumuhit 5, ADM Module in Art 5 – Quarter 1 – Aralin 1, SDO-
Manila Modules Arts
D. Pagpapahalaga: Makabayan

III. MGA PROSESO NG PAGKATUTO


A. Pagganyak

▪ Tingnan ang mga larawan sa ibaba.

Itanong:
Ano ang inyong? Nakikita sa mga larawan?
Alin sa mga larawan ang nakikilala mo?
Pangalanan ang mga selebrasyong makikita sa larawan.
Magbigay pa ng mga halimbawa ng selebrasyon o gawaing pambayan.

▪ Paglalahad
1. Talakayin ang mga iba’t-ibang selebrasyon o gawaing pambayan at ang kahalagahan ng mga ito.

● Araw ng Kalayaan - Isa sa mga pinakamahalagang araw sa ating kasaysayan ang Araw ng
Kalayaan na ipinagdiriwang tuwing ika-12 ng Hunyo. Sa araw na ito pinahahalagahan ang
ginawang kabayanihan ng ating mga ninuno sa pagkamit ng ating kalayaan mula sa
pananakop ng mga Espanyol.
● Piyesta ng Bayan - Ang bawat lugar o bayan ay may kani-kanilang panahon ng piyesta. Ito
ay parangal sa santong patron ng bayan na ipinagdiriwang ng isang beses sa isang taon. Ang
mahahalagang bahagi ng pagdiriwang na ito ay ang misa at prusisyon. Dito nagkakaisa ang
magkakaibigan at magkakamag- anak. Lahat ay nagsasaya dahil sa mga palaro at
masasayang tugtugin ng mga musikong umiikot sa buong bayan habang ang iba naman ay
nagsasalo- salo sa masaganang pagkain.
Halimbawa: Ati-atihan Festival, Pahiyas Festival, Panangbenga Festival, Masskara Festival
● Pasko At Bagong Taon - Masayang ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Pasko at Bagong
Taon. Sa panahong ito, bawat pamilya ay sama-samang nagsisimba at nag-aalay ng
panalangin sa Dakilang Lumikha. Naipamamalas din sa panahong ito ang pagiging likas na
mapagbigay ng mga Pilipino.

A. Pagpapalalim
● Pagbibigay ng mga ilan pang halimbawa ng mga selebrasyon o gawaing pambayan.

B. Paglalahat
Itanong:
1. Paano mo mapahahalagahan ang mga selebrasyon o gawaing pambayan?

Tandaan:

Araw ng Kalayaan- ipinagdiriwang tuwing ika-12 ng Hunyo. Sa araw na ito pinahahalagahan ang
ginawang kabayanihan ng ating mga ninuno sa pagkamit ng ating kalayaan mula sa pananakop ng
mga Espanyol.

Piyestang Bayan -ang bawat lugar o bayan ay may kani-kanilang panahon ng piyesta. Ito ay
parangal sa santong patron ng bayan na ipinagdiriwang ng isang beses sa isang taon. Halimbawa:
Ati-atihan Festival, Pahiyas Festival, Panangbenga Festival, Masskara Festival

Pasko at Bagong Taon- sa panahong ito, bawat pamilya ay sama-samang nagsisimba at nag-aalay
ng panalangin sa Dakilang Lumikha. Naipamamalas din sa panahong ito ang pagiging likas na
mapagbigay ng mga Pilipino.
C. Paglalapat
● Indibidwal na Gawain

Panuto: Kilalanin ang mga selebrasyong makikita sa larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Susi sa Pagwawasto
1. PASKO
2. PIYESTA
3. ARAW NG MGA
PATAY
4. ARAW NG MGA PUSO
5. ARAW NG KALAYAAN

D. Pormatib na Pagtataya:

Panuto: Makikita mo sa Hanay A ang mga selebrasyon at sa Hanay B naman ang mga petsa kung kailan ito
ipinagdiriwang. Pagtambalin mo ang mga ito. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A. Hanay B.

______ 1. Bagong Taon a. Disyembre 25


______ 2. Araw ng Kalayaan b. Abril 9
______ 3. Araw ng mga Patay c. Enero 1
______ 4. Araw ng Kagitingan d. Hunyo 12
______ 5. Pasko e. Nobyembre 1

Susi sa Pagwawasto
1. C
2. B
3. D
4. E
5. A

E. Takdang-Aralin:
Panuto: Mangalap ng 5 larawan ng iba’t ibang selebrasyon sa iyong bayan. Idikit ito sa iyong kuwaderno.
Inihanda ni:

Ms. Marian Joy E. Corpuz


Teacher I

You might also like