Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Division of City Schools-MANILA

ISABELO DELOS REYES ELEMENTARY SCHOOL


N. Zamora St. Tondo, Manila

Banghay Aralin sa MAPEH V

Petsa Oras Baitang at Pangkat


12:45 - 1:30 Alexandrite
1:30 – 2:15 Pearl
2:15 – 3:00 Ametrine
3:45 – 4:30 Amber
4:30 – 5:15 Amethyst
5:15 – 6:00 Carnelian

ART V
ARALIN 3

I. MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:
a. Nakilkilala ang mga sinaunang anyo ng tirahan sa ating bansa maging ang mga iba’t ibang architectural
designs na matatagpuan sa lokalidad/lugar.
b. Napahahalagahan ang mga lumang tirahan at gusali sa ating bansa/komunidad.
c. Nakaguguhit ng sinaunang tahanan, simabahan o gusali gamit ang iba`t ibang linya at shading.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Masining na Disenyong Arkitektural ng mga Pilipino
B. Mga Kagamitan sa Pagtuturo: Powerpoint slides ng banga, Laptop, TV o LCD Projector
C. Sanggunian: Halinang Umawit at Gumuhit 5, ADM Module in Art 5 – Quarter 1 – Aralin
3, SDO-Manila Modules Arts, Youtube Video-https://www.youtube.com/watch?v=hGxI4IkuYQA
D. Pagpapahalaga: Makabayan

III. MGA PROSESO NG PAGKATUTO


A. Balik Tanaw

B. Panuto: Piliin ang tamang sagot sa kahon na naaayon sa larawan. Isulat ito sa isang buong papel.

C. Pagganyak

PANUTO: Gamitin ang mga


simbolo na naaayon sa bilang
upang matuklasan ang nakatagong
salita.Kung sino ang unang
matapos at makakuha ng tamang
sagot ay siya ang panalo.
 PANUTO: Gamitin ang mga
simbolo na naaayon sa bilang
upang matuklasan ang
nakatagong salita.Kung sino
ang unang matapos at
makakuha ng tamang sagot ay
siya ang panalo.
 Masdan ang mga larawan.

Itanong:
Ano ang inyong nakikita sa mga larawan?
Alin sa mga larawan ang nakikilala mo?
Saan natin ito karaniwang nakikita?
Nakasilong ka na ba sa ganitong uri ng tirahan?

 Paglalahad
1. Talakayin ang mga sinaunang anyo ng tirahan sa ating bansa maging ang mga iba’t ibang
architectural designs na matatagpuan sa lokalidad/lugar gaya ng Bahay na bato sa Vigan,
Malacañang at Bahay ni Gat Jose Rizal.
2. Talakayin ang iba pang teknik sa pagguhit.
 Ang bahay kubo Ito ay gawa sa mga kagamitang madalas nating makita sa kapaligiran.
Nakatayo ito sa apat na poste na kadalasang gawa mula sa matibay na kahoy o kawayan. Ang
bahay ay nakaangat upang magkaroon ng silong at hindi abutan ng tubig baha. Ang bubong ng
bahay kubo ay kadalasang gawa sa damong kogon o hinabing dahon ng nipa. Ang mga dingding
ay gawa rin sa hinabing kawayan.

 Sa mga pamayanan sa Timog tulad ng Marawi, ang Torogan ay isang mahalagang tanawin. Ang
torogan ay ang malaking tirahan ng mga taong may pinakamataas na antas sa lipunan gaya ng
pinuno ng Maranao – ang datu.Ang Torogan ay gawa sa kahoy at nakatayo sa malalaking poste.
Ito ay
napapalamutian ng panolong, ang katutubong disenyong Muslim na sarimanok at Naga na
inuukit sa kahoy na ang tawag ay okir.

 Ang unang gusali ng Malacañang ay gawa sa bahay na bato. Ang mataas na kisame at mga
nakakurbadang suleras nito ang naghahatid ng kapita-pitagang anyo. Ito ang opisyal na tirahan
ng pangulo ng bansa. Pinapaganda at ipinapaayos ito ng mga pangulong naninirahan dito upang
maging karapat-dapat na tahanan sa pinakamataas na opisyal.

 Ang Bahay ni Gat Jose Rizal: Dito makikita ang mga antigong bagay tulad ng pang-alis ng ipa
ng palay, punka o bentilador na nakalagay sa kisame at mga pansala ng tubig. Ang kabuuan ng
bahay ay maluwang at maaliwalas.

 Bahay na Bato sa Vigan o Bahay-na-bato: Ito ay isang uri ng bahay na kilala sa Pilipinas.
Naitayo ang mga ito sa panahon ng pananakop ng mga kastila, at literal na ibig sabihin ay “bahay
na gawa sa bato”. Ngunit hindi lamang ito simpleng bahay na gawa sa bato. Sa totoo ay isa itong
ebolusyon ng pinagsamang arkitektura ng mga Kastila. Itinuturing ito na natatanging arkitektura
sa Pilipinas.

Iba pang halimbawa ng Teknik sa


Pagguhit:

D. Paglalahat
Itanong:
1. Paano mo mapahahalagahan ang mga sinaunang anyo ng tirahan sa ating bansa at ang mga iba’t
ibang architectural designs na matatagpuan sa lugar?

Tandaan:
1. Bahay Kubo - Ito ay gawa sa mga kagamitang madalas nating makita sa kapaligiran tulad ng
kawayan, dahon ng niyog, nipa, damong kogon, at iba pang mga maaring gamitin sa paggawa ng
bahay..
2. Torogan- Ito ay napapalamutian ng panolong, ang katutubong disenyong Muslim na sarimanok
at Naga na inuukit sa kahoy.
3. Palasyo ng Malacañang -Ito ay bahay na bato. Ang mataas na kisame at mga nakakurbang
suleras nito ang nahahatid ng kapitagang anyo.
4. Bahay ni Gat Jose Rizal– Dito makikita ang mga antigong bagay tulad ng pang-alis ng ipa ng
palay, punka o bentilador na nakalagay sa kisame at mga pansala ng tubig
5. Bahay na Bato sa Vigan o Bahay-na-bato – sang uri ng bahay na kilala sa Pilipinas. Naitayo
ang mga ito sa panahon ng pananakop ng mga kastila, at literal na ibig sabihin ay “bahay na gawa
sa bato”. Ngunit hindi lamang siya simpleng bahay na gawa sa bato.

D. Paglalapat
 Indibidwal na Gawain

Panuto: Iguhit ang mga sumusunod sa inyong kwaderno


E. Pormatib na Pagtataya:

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung ang
pangungusap ay WASTO at MALI kung HINDI.

1. Ang bahay kubo ang opisyal na tirahan ng pangulo ng bansa.


2. Sa mga pamayanan sa Timog tulad ng Marawi, ang Torogan ay isang mahalagang tanawin
3. Ang bahay kubo ay yari sa bato.
4. Bahay ni Gat Jose Rizal makikita ang mga antigong bagay tulad ng pang-alis ng ipa ng palay, punka o
bentilador na nakalagay sa kisame at mga pansala ng tubig.
5. Ang panolong, ay ang katutubong disenyong Muslim na sarimanok at Naga na inuukit sa kahoy.

Susi sa Pagwawasto:

1. Mali
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Tama

F. Performance Task:
Gawain: PAGGUHIT GAMIT ANG IBAT-IBANG TEKNIK NG PAGGUHIT

Panuto: Gumuhit ng bahay kubo gamit ang ibat-ibang Teknik sa pagguhit.

Mga Kagamitan:
1. Ruler
2. lapis
3. Bond paper long

Mga Hakbang sa Paggawa:


1. Kumuha ng bond paper. Tingnan ang nakapaskil na larawan ng isang bahaykubo sa pisara/ LCD
Projector o TV.
2. Pumili ng isa sa dalawang halimbawa ng larawan na maaari mong gayahin.
3. Matamang pagmasdan ang mga ito at iguhit sa papel gamit ang lapis.
4. Gamitin ibat-ibang Teknik ng pagguhit. Tiyaking naipakikita ang detalye ng disenyo ng bahay kubo
5. Kung wala ka nang idadagdag, puwede nang ipasa ang iyong obra.

G. Takdang-Aralin:
Panuto: Ipagpatuloy ang performance task sa bahay.

Inihanda ni:

Ms. Marian Joy E. Corpuz


Teacher I

You might also like