LAS Filipino8 Q2 MELC15 FINAL EDITION

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

8

Gawaing Pampagkatuto sa
Filipino 8
Kuwarter 2–MELC15
Pagbibigay ng Interpretasyon
sa Tula

Rehiyon VI – Kanlurang Visayas

i
Filipino 8
Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 15
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag


upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – FILIPINO 8

Manunulat: Wena May C. Decrito at Jenny C. Supe


Editor: Lilibeth D. Meliton
Tagasuri: Dr. Susan Quistadio
Tagaguhit: Wena May C. Decrito
Tagalapat: Lilibeth D. Meliton

Division of Capiz Management Team:


Dr. Salvador O. Ochavo, Jr.
Dr. Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Dr. Merlie J. Rubio

Regional Management Team:


Ma. Gemma M. Ledesma
Dr. Josilyn S. Solana
Dr. Elena P. Gonzaga
Mr. Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

ii
Paunang Mensahe
MABUHAY!

Normal man o panibagong daloy ang mamayani sa mundo, sa alinmang


larangan ng pagtuturo, itinuturing ang mga mag-aaral bilang pinakasentro ng
kabuoang proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Kahit na sa anumang paraan,
kinakailangang matamo ng mga mag-aaral ang pamantayang pamprograma na
itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang
kakayahang komunikatibo, replektibo/mapanuring pag-iisip at
pagpapahalagang pampanitikan sa tulong ng teknolohiya at iba’t ibang
disiplina upang magkaroon ng akademikong pang- unawa.

Ang Learning Activity Sheet (LAS) ay kagamitang pampagkatutong


naglalayong maipagpatuloy ang sistema ng edukasyon sa gitna ng hinaharap na
pandaigdigan krisis upang masiguro ang pagkakatamo ng mga kakayahan at
kasanayang kaagapay sa pamantayang pandaigdig sa ika-21 siglo.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) ay binuo bilang pantulong na


kagamitan sa mga mag-aaral upang maituwid ang pag-aaral ng mga ito at
magabayan sila sa pagkatutong dapat na matamo sa pagtatapos ng bawat aralin.

Bilang Tagapagdaloy ng Pagkatuto, tiyaking nakasusunod ang mga mag-


aaral sa mga gawaing nakatakdang masagutan ng mga ito. Patuloy na subaybayan
ang proseso ng pagkatuto ng mga ito tungo ikatatagumpay pag-aaral sa ilalaim ng
new normal.

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (na ito ay binuo upang


matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon
sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral,
unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

iii
Kuwarter 2, Linggo 8

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 15

Pangalan:_________________________Grado at Seksiyon:_____________________

Petsa: __________________________________

Gawaing Pampagkatuto sa FILIPINO 8


Pagbibigay Interpretasyon sa Tula

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda:


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang matatamo mo ang kasanayang:
Nabibigyang interpretasyon ang tulang napakinggan. (F8PN-lli-j-27)

II. Panimula

Kumusta ka na? Handa ka na ba kaibigan? Simulan mo nang hubugin ang


iyong sarili sa pamamagitan ng pagtuklas ng mga kaalamang tiyak na
magpapatibay sa iyo bilang isang kaibigan. Halina’t iyong tuklasin ang isang
panibagong aralin!
Laman ng araling ito ang mga paksang magbibigay sa iyo ng karagdagang
kaalaman upang matamo mo ang angkop na kasanayang nakaangkla sa paksang
pag-aaralan. Susubukin ang iyong pagkamalikhain sa pagbibigay ng sariling
pagkaunawa at damdamin sa mababasang akda.
Buksan ang puso’t isipan upang bawat araling madaanan ay iyong
maunawaan. Mga gawain at katanungan ay iyong sagutan nang karunungan ay
tiyak na makamtan. Unawaing mabuti ang kahulugan ng bawat mensahe at
bigyang interpretasyon ang mabubuong idea sa iyong imahinasyon.
Halina’t atin nang simulan ang paglalakbay na sa iyo ay inilaan. Huwag
matakot at ikaw ay gagabayan. Panibagong aralin ay atin nang pag-usapan!

III. Mga Sanggunian


MELCs 2020 pahina 32
Decrito, Wena May C., 2020 Hintay, Sandali!- Hindi nailathalang tula

IV. Mga Gawain

Gawain 1
Tunghayan mo ang isang akdang bibigyan mo ng pagpapakahulugan ang
mga mensaheng nakapaloob dito.

Hintay, Sandali!
niHinahangad
Wena May C. kong gumising,
Decrito
Sa bisig ng magulang na magiting;
Na kahit sariling
Pinapangarap konganino’y haharapin,
mamuhay,
Nang
Sa isangsamundong
dilim ika’ymatiwasay;
di mapasailalim.
Kapaligirang may kagandahang taglay,
Hintay! Sandali!
Kawangis ng bahagharing makulay.
Ayoko munang magbakasakali;
Hangarin ang mundong
Ninanais nais ko’y di madali,
kong masilayan,
Pangarap na paglabas
Mundong puno ng kariktan; ay tila mali.
At nang pisngi ko’y madampian,
Ng sariwangSaan?
hangingPaano? Kalian?
di mapantayan.
Tao’y tila nagugulumihan;
1
Di na mawari ang nangyayari sa kasalukuyan,
Sandaigdigan ay may kakaibang laban.

Samu’t saring kalamidad,


Pagsasanay 1
Okay ka pa ba? Nais mo bang mas mabibigyang linaw ang aralin sa iyo?
Palawakin mo pa ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagtugon sa
pagsasanay. Kaya mo iyan, subukin mo ang iyong kakayahan, nang malaman mo
kung ikaw ay hanggang saan.
Suriin ang damdaming nais ipahiwatig ng mga sumusunod na taludtod
mula sa tula. Isulat ang K-saya kung ang pahayag ay nagpapahiwatig ng
kasiyahan, K-lungkot kung ito naman ay nagpapahiwatig ng kalungkutan at K-ya
mo yan! kapag nagpapahiwatig ito ng pagkadismaya o ng pag-asa. Ilapat ang
nadarama sa sagutang papel.
1. Hinahangad kong gumising,
Sa bisig ng magulang na magiting.

2. Hintay! Sandali!
Ayoko munang magbakasakali.

3. Saan? Paano? at kalian?


Tao’y tila nagugulumihan.

4. At ng pisngi ko’y madampian,


Ng sariwang hanging di mapantayan.

5. Di na mawari ang nangyayari sa kasalukuyan,


Sandaigdigan ay may kakaibang laban.

Pagsasanay 2.
Nabasa at dinama mo na ang mensaheng nakapaloob sa akda. Sa
pagkakataong ito, pagkakataon mo nang ipamalas ang iyong galing sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungang lalong magpapatalas ng iyong
isipan. Isatitik ang nadarama, isigaw sa pamamagitan ng mga letra. Isulat ang
sagot sa nakalaang ispasyo pagkatapos ng tanong.

1. Ano ang paksa ng nabasang tula? Magbigay ng sariling reaksiyon hinggil


sa nabasa.
2. Sino ang nagsasalaysay sa akda? Ilarawan ang uri ng buhay na
pinapangarap nito.
3. Bakit biglang nagbago ang himig ng naglalahad sa tula tungkol sa
kaniyang pangarap?
4. Bigyang interpretasyon ang nabasang tula. Ano ang mensaheng nais
ipaabot nito sa mga mambabasa?
5. Bilang isang nahaharap sa kakaibang pagsubok sa kasalukuyang ng
daigdig – ang CoVid-19 pandemic, paano mo ipapahayag ang iyong
saloobin sa pamamagitan ng isang saknong na tula?

Gawain 1
Basahing muli ang sumusunod na mga saknong sa ibaba. Magbahagi o
magbigay ng interpretasyoon tungkol sa mensaheng nais ipaabot ng tula at
implikasyon nito sa iyong buhay. Gayahin ang pormat at sagutin sa sagutang
papel.

Implikasyon sa
Saknong ng tula Interpretasyon
Buhay
Oras ay patuloy na lumilipas,

2
Tag-init ay tila kumakaripas;
Ulan na lang yata ang di kumukupas,
Na sa pagbuhos nito ay may naiiwang
landas.
Sariling Katha: Wena May C. Decrito
Noon ang sandata ng ngayon,
Ngayon ang sandalan ng kahapon;
Kahapon ang dahilan ng bawat ngayon,
Bukas-makalawa pa kaya tayo aahon?
Sariling Katha: Wena May C. Decrito
Buong mukha ay natatakpan,
Ng mga makabagong kagamitan;
Di mo man maiiwan- iwan,
Sapagkat baka ikaw ay mahawaan.
Sariling Katha: Wena May C. Decrito

Gawain 2

Pahalagahan mo!
Pagkakataon mo nang ilabas ang angking galing sa pagbuo ng poster batay
sa sariiling interpretasyon sa tulang nasa ibaba. Lapatan ng kulay sa isang malinis
na papel ang iyong likha. Gawing gabay ang kasunod na Rubrik.

3
Nang Iguhit ng Lapis ang iyong Tadhana
ni Wena May C. Decrito

Lapis at papel ang tanging sandata,


nang sa pag-aaral ay mamihasa;
Talas ng isipan ang kailangan sa pag-unawa,
gawing puhunan ang sipag at tiyaga.

Kung nais mo ay magandang kinabukasan,


pagsusunog ng kilay ay huwag mong katakutan;
Huwag kalimutang itatak sa isipan,
na edukasyon ang siyang mahalaga, magpakailanman.

Pag-aaral nang mabuti na panulat ang saksi,


Magbubunga ng hitik at may masaganang ani;
Karunungan ang pagtuunan ng pansin at pagtingin,
nang kapalaran mo ay maiguhit nang taimtim.

Sa bawat paghihirap ay may katumbas na ginhawa,


Madapa ka man ay tumayo’t gisingin ang diwa;
Kung nais makamit ang inaasam na biyaya,
Edukasyon ay pagtibayin nang buhay ay maging masagana.

Rubrik

Pamantayan Puntos
Kagandahan (Organisasyon ng idea) 8

4
Kariktan (Paglatag ng imahinasyon at kulay sa gawa) 8
Kadakilaan (Kalinawan ng mensaheng nakapaloob sa iginuhit) 12
KABUUAN 20

V. Repleksiyon
Binabati kita sa pagtatapos mo sa araling ito. Nadagdagan na naman ng
dunong ang iyong isipan sa iyong paghahanda para sa totoong hamon sa buhay.
Sa pagkakataong ito, ibahagi mo ang iyong repleksiyon hinggil sa iyong
natutuhang aralin. Dugtungan ang mga pahayag batay sa iyong natutuhan.

1. Akala ko noon,_________________________________________________________
2. Natutuhan ko ngayon
3. Nahirapan ako
4. Maibabahagi ko sa iba
5. Gusto ko pang malaman

Susi sa Pagwawato

Pagsasanay 1 Gawain 1

1. K-saya
1. Ang tula ay pumapaksa ng tungkol sa
2. K-ya mo yan
kasalukuyang kalagayan ng panahon at ang
3. K- lungkot pagnanais ng tauhan sa tula na masilayan ang
4. K- saya mundong pinapangarap nito.
5. K-ya mo yan 2. Ang tagapagsalaysay sa tula ay isang
mapangaraping nilalang na nangangarap na
masilayan ang munong puno ng pag-asa.
Mundong maaari siyang gumalaw nang Malaya at
makasama ang pamilyang magpaparamdam sa
kanya ng pagmamahal na inaasam nito.
3. Nagbago ang hinig ng pagkakalahad sa tula dahil
sa sitwasyong kinakaharap ng buong mundo
Pagsasanay 2 Implikasyon sa ngayon – ang pandaigdigang pandemiya.
Buhay Nagkaroon ng takot at pagkabahala ang tauhan
sa tula dahil sa hindi kaaya- ayang sitwasyon ng
Maging handa sa mundong maaari niyang masilayan sa labas.
Interpretasyon oras ng sakuna. 4. Ang tula ay nagpapahiwatig na ang mundo na
Huwag ating ginagalawan sa kasalukuyan ay di tulad ng
Ang kalamidad sa
magpakasiguro at sa mundong kanyang ninanais na galawan. Ang
panahon ngayon ay
laging paghandaan tauhan sa tula ay biktima rin ng nakakahawa at
dumarating nang di
ang anomang nakakamatay na sakit – ang CoViD. Nais ipaabot
inaasahan. Bagyo,
sakuna. sa atin ng tula na kung nais man nating
pagbaha, sunog,
atbp. Ay nagdudulot mamuhay sa mundong matiwasay, ibayong pag-
ng paghihirap sa iingat ang kinakailangan. Sumunod sa batas at
buhay ng tao. Ang pag-ahon sa panuntunan ng pamahalaan ng sa sakit tayo ay
buhay ay huwag di mahawaan.
iasa sa kung kanino 5. Mabuting kalusugan ay ating pagkaingatanNang
sa CoViD 19 tayo ay hindi mahawaan.Sundin ang
man bagkus ay
Ang bawat panahon panuntunan para sa sariling kaligtasan. Huwag
pagsumikapan at
ay salamin ng mga maging pabaya at isipin ang kinabukasan
maging huwaran
nagdaan o
ang mga di
kinakaharap na
magandang
pagkakataon. Kaya
karanasan sa
kung ano man ang
nakaraan upang ito
ating nararanasan
ay huwag nang
ngayon, ito ay
tularan.
larawan din ng 5
ating kahapon Ang paggamit ng
face mask at face
shield sa panahon
Kalusugan ay ngayon ay mahalaga
Gawain 2

Ang iskor matatamo ng mag-aaral ay


nakadepende sa kaniyang sagot batay sa
rubrik.

You might also like