Pangangalap NG Mga Datos o Impormasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANGANGALAP NG MGA DATOS O IMPORMASYON

-Sa pangangalap ng datos, mahalagang tukuyin kung anong uri ng


impormasyon ang kailangan, ganoon din ang klasipikasyon kung saan
maaaring makita ito sa silid-aklatan. Mahalagang itala ang lahat ng
sanggunian upang maging madali ang paghahanap nito.
-Ang pangangalap ng datos ay magiging sistematiko kung ang balangkas
ng paksang sasaliksikin ay maayos.
Mga Hanguan ng Datos o Impormasyon
Hanguang Primarya
Ayon kay Mosura, et al. (1999), ang mga sumusunod ay ang halimbawa
ng hanguang primarya:
a. Mga indibidwal o awtoridad
b. Mga grupo o organisasyon
c. Mga kinagawiang kaugalian
d. Mga pampublikong kasulatan o dokumento
Hanguang Sekondarya
a. Halimbawa: diksyunaryo, ensayklopedia, taunang-ulat o yearbook,
almanac at atlas, mga aklat
b. Mga nalathalang artikulo
Halimbawa: journal, magasin, pahayagan at newsletter
c. Mga tesis, disertasyon, at pag-aaral sa pisibility, nailathala man ang
mga ito o hindi
d. Mga monograph, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.

Hanguang Elektroniko o Internet


Ang teknolohiyang ito ay bunga ng pinagsamang serbisyong postal,
telepono at maging silid-aklatan. Sa internet ay maaari nang
makipagtalastasan gamit ang liham-elektroniko o e-mail saan mang
panig ng mundo.
Mga domain ng online:
1. .com (komersyal). pinatatakbo ng mga negosyante
2. edu (edukasyonal). pinatatakbo ng mga unibersidad
3. .gov (gobyerno). sangay ng gobyerno.
4. .net (network). pinatatakbo ng ilang negosyante ng imprastraktura na
serbisyo tulad ng mga internet providers.
5. .org (organisasyon). ito ng nonprofit na grupo o organisasyon.
Ang mga sumusunod ay ilang halimbawa ng search engines at
metasearch na magagamit sa pananaliksik sa hanguang elektroniko:
Search Engines Metasearch
Alta Vista - www.altavista.com Clusty-www.clusty.com
Dmoz-www.dmoz.org Dogpile-www.dogpile.com
Google-www.google.com MetaCrawler-www.metacrawler.com
Lycos www.lycos.com SurfWax-www.surfwax
Ask-www.ask.com Copernic Agent
www.findcopernic.com
Gigablast-www.gigablast.com Search.com-www.search.com
HotBot-www.hotbot.com WebCrawler-www.webcrawler.com
Yahoo-www.yahoo.com

You might also like