FILIPINO10 SecondQuarter Assessment 2023 Edit

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Schools Division of San Carlos City
CANDIDO MARCELLANO INTEGRATED SCHOOL
Balococ, San Carlos City, Pangasinan

Control No. ____________________________

Second Quarterly ASSESSMENT


School Year: _____2022-2023__________

FILIPINO 10
Learning Area

DIRECTION/S:Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba. Pilin ang tamang sagot at isulat ito sa patlang.

_____1. Anong parusa ang ipinataw ng Prinsipe kay Romeo dahil sa pagpatay niya kay Tybalt?
A. Habambuhay na pagkabilanggo B. Ipinatapon sa ibang lugar C. Kamatayan D. Pagbayad ng malaking
halaga
_____2. Sila ang mga tauhan sa dulang naglalarawan sa walang kamatayang pag-ibig na humantong sa isang
trahedya.
A. Cupid at Psyche B. Florante at Laura C. Jim at Della D. Romeo at Juliet
_____3. Sa aling relihiyon nabibilang sina Romeo at Juliet?
A. Budismo B. Hinduismo C. Islam D. Kristiyanismo
_____4. Siya ay isang Ingles na makata, manunulat at dramatist na nagsulat ng Romeo at Juliet.
A. Aesop B. Ernest Hemingway C. Jose Rizal D. William Shakespeare
_____5.Mula sa Romeo at Juliet, siya ang napatay ni Romeo ng magalit ito sa pagkamatay ng kaniyang
kaibigan,.
A. Alberto B. Livia C.Lucio D. Tybalt.
_____6. Ito ay akdang pampanitikan na nahahati sa yugto at maraming tagpo na karaniwang itinatanghal sa
isang tanghalan o entablado.
A. Dula B. Maikling kwento C. Mitolohiya D. Tula
_____7. Ito ay anyo ng dula na kadalasang ang bida ay hahantong sa malungkot na wakas o kabiguan.
A. Komedya B. Melodrama C. Parodya D. Trahedya
COVID – 19
Alvin Cruz
Tila may luha ang kalangitan Aking napagtanto sa aking pag-iisa
Makulimlim at bigo itong bayan Mahal pala ako ng aking pamilya
Ihip ng hangin may kaba sa dibdib Kamag-anak ay nagkakaisa
Corona itong sasalanta sa atin Sa delubyong dala nitong pandemiya.
Kailan ko mapagmamasdan itong bayan Diyos ko masama itong panaginip
Masaya’t makulay at maingay na muli Bayan ko po ay huwag bawian nang lakas
Kay lungkot ang ganitong pakiramdam Saklolohan mo po kaming mga nasadlak
Sa mga taong sagad ang pighati Patnubayan mga bayaning nagbubuwis
ng buhay
Alvin Cruz. “Covid-19, Malayang Taludturan” Huling Paglathala Abril 8, 2020. https://bit.ly/3jauP2e

Address: Balococ, San Carlos City, Pangasinan Document Code: SCC-C3-QF-003


Telephone No.: 649-43-79 Revision: 00
Email Address: candidomarcellanois@gmail.com Effectivity Date: 01-27-2020
_____8. Ang simpleng kahulugang nanghina ay ginamitan ng matalinghagang pahayag na ________.
A. Aking napagtanto B. Bawian ng lakas C. May luha ang kalangitan D. Nagbuwis ng buhay
_____9. Ang tulang ito ay walang sukat at walang tugma ang bawat saknong/taludturan. Ito ay nasa anyong __.
A. Blangko berso B. Malayang taludturan C. Tradisyunal D. Walang sukat at walang tugma
_____10. Ang tono ng tula ay ____________ batay sa diwa nito.
A. Kalungkutan B. Kapighatian C. Malasakit sa kapwa D. Pakikipagkapwa
_____11. “Akala’y isa siyang elepanteng ganid”, anong uri ng tayutay ang ginamit sa pahayag na ito?
A. pagmamalabis B. pagtatao C. pagtutulad D. pagwawangis
_____12.Ang tulang COVID-19 ay may _____ na linya kaya’t ito ay saknong na____________.
A. 3- tercet B. 4- quintet C. 4- quatrain D. 5- sestet
(Para sa bilang 24-25) Subalit talagang mapaglaro ang tadhana
Minsan minsan,
ni CP David Sa kabilang dako ng mundo’y
Natuto na akong umibig at nagtiwala nakipagsapalaran.
minsan Layong mapabuti at maiangat ang
Nagtiwala sa mga pangakong iyong kabuhayan,
binitawan Naglaho kang parang bula, pangako mo’y
Nag-uumapaw ang ligaya sa puso at binitawan.
isipan
Sa akalang hindi paghihiwalayin ng kahit
sinuman.

_____13. Sa tulang “Minsan”, anong uri ng tayutay ang ginamit sa taludtod na “Nag-uumapaw ang ligaya sa
puso at isipan”?
A. Pagmamalabis B. Pagtatao C. Pagtutulad D. Pagwawangis
_____14. Aling taludtod sa tula ang gumamit ng tayutay na pagtutulad?
A. Naglaho kang parang bula, pangako mo’y binitawan
B. Subalit talagang mapaglaro ang tadhana minsan,
C. Sa kabilang dako ng mundo’y nakipagsapalaran.
D. Subalit talagang mapaglaro ang tadhana minsan,
_____15. Anong kaisipan ang lumutang sa kuwentong pinamagatang “Aginaldo ng mga Mago?”
A. Ang pag-ibig ang pinakamagandang aginaldo sa Pasko.
B. Ang pag-ibig ay pagbili ng regalo upang mapasaya ang mahal mo.
C. Ang regalo ang pinakamagandang matatanggap sa Pasko.
D. Ang regalo ay batayan na mahal ka ng isang tao.
_____16. Ito ay tumutukoy sa elementong kinabibilangan ng panimula, saglit na kasiglahan, kasukdulan,
kakalasan at wakas.
A. Banghay B. Kakalasan C. Tema D. Tunggalian
_____17. Anong damdamin ang ipinapahiwatig sa pahayag na, “Ipinaputol ko at ipinagbili,” wika ni Della. “Hindi
ba gusto mo rin ako kahit putol na ang aking buhok?”
A. Pag-aalala B. Pagkabagot C. Pagkainis D. Pagtataka
_____18. "Huwag ka sanang magkamali tungkol sa akin, Della,” ang wika. “Sa palagay ko’y walang
makababawas sa aking pagkagusto sa aking giliw dahil sa buhok o pabango, o ano pa man.” Ano ang
katangiang taglay ng nagsasalita?
A. Mabagsik B. Mapagmahal C. Mapagmalasakit D. Mapanlinlang
_____19. Kalimitan sa bahaging ito ipinakikilala ang mga tauhan, lugar at iba pa. Marapat
na ito’y nakapanghihikayat upang ipagpatuloy ng mga mambabasa ang pagbabasa.
A. Kasukdulan B. Saglit na kasiglahan C. Simula D. Tauhan
Para sa bilang 20 – 22
“Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang tao
pero hindi siya magagapi.” “Nagsisisi ako na napatay ko ang isda, sa loob-loob niya.
Parating na ngayon ang masamang panahon at wala man lang akong salapang.
Malupit ang dentuso, at may kakayahan at malakas at matalino. Pero mas matalino ako

Address: Balococ, San Carlos City, Pangasinan Document Code: SCC-C3-QF-003


Telephone No.: 649-43-79 Revision: 00
Email Address: candidomarcellanois@gmail.com Effectivity Date: 01-27-2020
kaysa kaniya. Siguro’y hindi, sa loob-loob niya. Siguro’y mas armado lang ako.”
_____20. “Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang tao pero hindi siya
magagapi.” Ipinapakita sa pahayag na _______.
A. Hindi dapat magpatalo sa hamon ng buhay.
B. Kung may dilim may liwanag ding masisilayan.
C. May pagsubok mang dumating, matatag pa rin itong kahaharapin.
D. Nilikha tayo ng Diyos para lumaban at hindi para masaktan lamang.
_____21. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang makikita sa naturang pahayag?
A. Maalalahanin B. Mabait C. Mabuti D. Mapagpahalaga
_____22. “Huwag kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. “Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin ang
anumang dumating.” Ang pahayag ay nagpapakita ng anong uri ng tunggalian?
A. Tao vs Kalikasan B. Tao vs Lipunan C. Tao vs Sarili D. Tao vs Tao
_____23.Batay sa nobelang nabasa, ang mga pahayag sa ibaba ay mga pahayag na nagpapakita ng pangyayari
ng reyalidad sa buhay maliban sa isa.
A. Naririnig ng matanda ang ingay ng balat ng pating.
B. Sariwa ngayon ang simoy at maayos siyang naglayag.
C. Lumangoy ang pating patungo sa direksiyon ng bangka at ng isda nang maamoy ang dugo.
D. Naisip ng matanda na kasalanan ang patayin ang isda ngunit siya’y isang mangingisda na maraming umaasa.
_____24.Batay sa nobelang nabasa, ang mga pahayag sa ibaba ay nagpapakita ng pangyayari ng reyalidad sa
buhay maliban sa isa.
A. Isa siyang napakalaking pating na Mako, ang katawan ay sadyang para lumangoy na
kasimbilis ng pinakamabilis na isda sa dagat.
B. Kapag nasa laot ang mangingisda at nag-iisa, hindi maiiwasang kausapin niya ang sarili.
C. Naglayag ng dalawang oras ang matanda at wala siyang makitang bangkang naglalayag at
ni isang ibon na lumilipad.
D. Napatay ng matanda ang pating na Mako gamit ang kanyang lakas at salapang.
_____25. Ito ay isang uri ng nobela na nagbabalangkas ng mga pangyayari na ikawiwli ng mambabasa.
A. Nobelang Banghay B. Nobelang Masining C. Nobelang Romansa D. Nobelang Tauhan
_____26. Uri ng nobela na nagbibigay diin sa katauhan ng pangunahing tauhan.
A. Nobelang Banghay B. Nobelang Masining C. Nobelang Romansa D. Nobelang Tauhan
_____27. Isa ito sa mga teoryang ang layunin ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga
damdamin, kaisipan, ideya saloobin at iba pa.
A. Teoryang Artitaypal B. Teoryang Feminismo C. Teoryang Imahismo D. Teoryang pampanitikan
_____28. Ito ay teoryang tumatalakay samga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng simbolo.
A. Teoryang Artitaypal B. Teoryang Feminismo C. Teoryang Imahismo D. Teoryang pampanitikan
_____29. Ito ay uri ng teorya na ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kaniyang lipunan.
A. Teoryang Artitaypal B. Teoryang Feminismo C. Teoryang Imahismo D. Teoryang Realismo
_____30. Uri ng teorya na ang layunin ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kaniyang
tuwirang panitikan.
A. Teoryang Artitaypal B. Teoryang Formalismo C. Teoryang Imahismo D. Teoryang Pampanitikan
_____31. Sino ang may-akda ng “Ang Matanda at ang Dagat?
A. Ernest Hemingway C. Dilma Rousseff
B. Harper Lee D. J.K. Rowling
_____32. Ito ay teoryang may layuning ipakita na ang tao ay ang sentro ng mundo.
A. Teoryang Artitaypal B. Teoryang Feminismo C. Teoryang Humanismo D. Teoryang Klasisismo
_____33.Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng matibay at epektibong pananaw ukol sa akda.
A. Mahusay ang paglalarawan ng mga nararanasan ng lahing maiitim dahil sa kanilang kulay.
B. Talagang mahusay ang paglalarawan ng mga naranasan ng lahing maiitim dahil sa kanilang kulay na
tinalakay sa ikalawang talata.
C. Talagang mahusay ang paglalarawan ng mga naranasan ng lahing maiitim dahil sa kanilang kulay.
D. Hindi katanggap-tanggap ang nangyari sa mga taong kabilang sa lahing maiitim.
_____34 Ito ay sanaysay na binibigkas. Ito ay kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang
mananalumpati sa harap ng publiko. A. Editoryal B. Lathalain C. Sanaysay D. Talumpati
_____35. Ito ay isang mapanuring pagpapakahulugan hinggil sa isang napapanahong isyu o pangyayari.

Address: Balococ, San Carlos City, Pangasinan Document Code: SCC-C3-QF-003


Telephone No.: 649-43-79 Revision: 00
Email Address: candidomarcellanois@gmail.com Effectivity Date: 01-27-2020
A. Editoryal B. Lathalain C. Sanaysay D. Talumpati
_____36. Ito ay naglalahad ng mga makatotohanang pangyayari batay sa karanasan , pagmamasid, pag-aaral,
pananaliksik o pakikipanayam na isinusulat sa isang kawili-wiling pamamaraan.
A. Editoryal B. Lathalain C. Sanaysay D. Talumpati
_____37. Ito ay isang uri ng Social Media na nagbabahagi ng mga video at nagbibigay-daan para sa mga taga
gamit nito na magbahagi, Makita at ibahagi ang mga video clips.
A. Facebook B. Instagram C. Twitter D. Youtube
_____38. Ito ay isa sa mga salitang umusbong simula ng ang mga tao ay nagkaroon ng Social Media, na
nangangahulugang uri ng relasyon na hanggang kaibigan lamang.
A. Friendzone B. Seenzone C. Selfie D. YOLO
_____39. Ito ay umusbong na salita sa panahon ng Social Media na ginagamit kapag may ipagmamayabang,.
A. Flex B. Friendzone C. Selfie D. YOLO
_____40. Isang natatanging kwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyosa o bathala at ang
kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao.
A. Epiko B. Mitolohiya C. Nobela D. Tula
_____41. Elemento ng mitolohiya na tumutukoy sa mga diyos o diyosa na may taglay na kapangyarihan.
A. Banghay B. Tauhan C. Tagpuan D. Tema
_____42. Tumatalakay sa mga sumusunod: kapana-panabik na aksiyon o tunggalian, sa mga suliranin at paano
ito malulutas, pagpapakita ng ugnayan ng tao sa mga diyos at diyosa at interaksiyong nagaganap sa araw,
buwan at daigdig.
A. Banghay B.Tauhan C.Tagpuan D. Tema
_____43. Ito ay may kaugnayan sa kulturang kinabibilangan at sinaunang panahon.
A. Banghay B. Tauhan C. Tagpuan D. Tema
____44. Ang elementong ito ay nakatuon sa pinagmulan ng buhay sa daigdig, pag- uugali ng tao, paniniwalang
panrelihiyon, katangian at kahinaan ng tauhan, at mga aral sa buhay.
A. Banghay B. Tauhan C. Tagpuan D. Tema
_____45. Mula sa akdang sina Thor at Loki, siya ang tinaguriang diyos ng kulog at kidlat.
A. Loki B. Thor C. Skymir D. Utgaro-Loki
_____46. Ang anak na lalaki ng magsasaka ay si _________.
A. Elli B. Hugi C. Logi D. Thjalfti
_____47. Isang ahas na ang haba ay sapat na upang yakapin ang daigdig ng kanyang ulo at buntot.
A. Cobra B. Cupbearer C. Miogaro D. Sawa
_____48. Ano ang ibang salita na maiuugnay sa salitang mata?
A. Bagwis Lawin, ,Pugo B.Dilat, Paningin, Singkit, C. Hayop , Kabayo,Tao, D. Malabo, Malinaw,
Toliro
_____49. Ang nanalo sa paligsahang nilahukan nina Loki at Logi ay ___.
A. Cupbearer B. Logi C. Loki D. Thjalfti
_____50. Ito ay pag-aaral ng kasaysayan ng wika at pinag-ugatan ng mga salita.
A. Etimolohiya B. Gramatika C.Literatura D. Onomatopoeia

Inihanda ni:
Bb. C. Marcellano
Guro sa Filipino 10

Address: Balococ, San Carlos City, Pangasinan Document Code: SCC-C3-QF-003


Telephone No.: 649-43-79 Revision: 00
Email Address: candidomarcellanois@gmail.com Effectivity Date: 01-27-2020

You might also like