Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Department of Education

Region VI-Western Visayas


SAN DIONISIO INTEGRATED SCHOOL
San Dionisio, San Rafael, Iloilo
S.Y. 2022-2023
3rd Grading exam
A.P 9

Panuto: Isulat ang letrang T kung tama ang pangungusap at M naman kung ang pahayag ay maIi.

1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay hindi nakapagbibigay ngideya tungkol sa antas ng
produksiyon ng ekonomiya sa isang partikular nataon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang
produksiyonng isang bansa

2. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita, hakahaka lamang ang magiging
basehan na walang matibay na batayan ang pagsukat ng pambansang kita.

3. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging gabay ng mga nagpaplano sa
ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at polisiya na nakapagpapabuti sa pamumuhay ng mga
mamamayan at makapagpapataas sa economic performance ng bansa.

4. Ang kinita ng mga dayuhang sa Pilipinas ay isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Income ng kabilang
bansa.

5. Sa pagsukat ng nominal at real GNI, kailangan munang malaman ang Price Index

Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Isulat ang UGAT kung ito ay
dahilan ng implasyon o BUNGA kung ito ay bunga ng implasyon.

1. Malaking bahagi ng badyet ng bansa ang napupunta sa pambayad – utang


2. Mas Malaki ang gastusin sa military kaysa sa agrikultura
3. Maraming produkto ang hindi kayang bilhin ng mamamayan
4. Maraming mag – aaral ang hindi na kayang pag – aralin ng kanilang mga magulang
5. Paghingi ng karagdagang sahod ng mga manggagawa

Panuto: Tukuyin ang angkop na konsepto na tinutukoy sa bawat bilang. Piliin ang sagot mula sa pagpipilian sa
loob ng kahon. Ilagay sa sagutang papel ang iyong kasagutan

Buwis Patakarang Piskal Expansionary Fiscal Policy

Sin Tax Budget Deficit Contractionary Fiscal Policy

Bureau of Internal Revenue


1. Pagbawas ng gastusin ng pamahalaan at pagtaas ng singil sa buwis upang maiwasan ang implasyon
2. Nagaganap kung mas malaki ang paggasta ng pamahalaan kumpara sa kita
3. Pagdagdag ng gastusin ng pamahalaan at pagbaba ng singil sa buwis upang tumaas ang kabuuang demand
na maging daan upang sumigla ang ekonomiya
4. Pagkontrol ng pamahalaan sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagbubuwis at paggastos upang matamo ang
maayos na daloy ng ekonomiya
5. Sapilitang kontribusyon sa pamahalaan upang maipatupad ang serbisyong
pambayan
6. Ahensya na nangangalap ng buwis sa mga kalakal o serbisyo mula sa loob ng bansa.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa loob ng tatlo hanggang limang pangungusap sa
sagutang papel.
1. Ano ang kita? Paano masusukat ang kita ng isang tao?
2. Paano mo maiuugnay ang kita, pagkonsumo at pag-iimpok sa iyong pamumuhay?
3. Bakit mahalaga para sa ekonomiya ng bansa ang pagkonsumo ng mga mamamayan?
4. Ano ang impok na salapi? Ano ang kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan sa manggagawa at sa
ekonomiya?
5. Sa iyong palagay, bakit kailangang itakda ng pamahalaan ang minimum wage ng mga mamamayan?

You might also like