Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

FIL114

Date @April 3, 2024

Importance Lecture Notes

Resources Lecture

Term Second Sem: Finals

Ano ang Talumpati?


Isang uri ng sanaysay na binibigkas at pinakikinggan, pakikipagtalastasan pangmadla na mayroong iba`t ibang
layunin o gamit tulad ng nagpapaliwanag, naglalahad, nagsasalaysay, at nangangatwiran sa paraang pagbigkas.

Sinasambit ng mananalumpati patungkol sa pananaw sa paksa o isyu.

Isang masining na pagpapahayag ng nasasaloob sa harap ng madla o maraming tao.

Nakapaloob dito ang pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa pasalitang tumatalakay sa isang partikulat na paksa.

Ang talumpati ayon kay Lolita R. Nakpil.

Isang sangay ng panitikang nagpapahayag ng kaisipan upang basahin o bigkasin sa harap ng mga taong handang
magsipakinig.

Ang mga tiyak na layunin ng talumpati ay humihikayat, tumugon, mangatwiran magbigay ng kaalaman o
impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.

Sining ng mahusay at magalang na pagsasalita sa publiko tungkol sa isang na paksa luma man o napapanahon.

Buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado.

Mananalumpati
Ito ang Filipino na termino o tawag sa taong bumibigkas ng isang talumpati.

Orator: noun/pangngalan

Orador, Ispiker, Speaker: noun/pangngalan

Nagsasalita, ispiker, nagtatalumpati

Isang indibidwal na bihasa at mahusay sa pagbigkas ng talumpati o anumang pormal na pagpapahayag, epektibong
nakakapagpahayag ng ideya sa madla sa pamamagitan ng salita.

→ Isang tao na mahusay sa pagsalita - Martin Luther King (I have a dream speech tungkol sa racism)

Bahagi ng Talumpati
1. Panimula

a. Kinakailangan nakagaganyak sa mga tagapakinig ang isang mahusay na panimula. Isang Magandang
panimula ang pagsipi ng mahahalagang pahayag mula sa batikang tao. Ang pagtatanong, pagsasalaysay,
paglalahad ay mahahalagang sangkap upang makaakit ng pansin sa mga tagapakinig.

b. nakaeengganyo (engaging)

c. “sipi” - credits, citation, pagkakakilala

2. Katawan

FIL114 1
a. Ito ang itinuturing na pinaka kaluluwa ng talumpati sapagkat nakapaloob dito ang mahalagang ideya,
impormasyon, naglalaman at kaisipan tungkol sa paksa. Nararapat din nakapaloob sa katawan ang kawastuhan,
kalinawan, at mapang-akit na salita sa tagapakinig.

b. sources, detalye

3. Wakas

a. Ito ang pagtatapos ng talumpati. Dapat ay binibigyang diin ang paksa. Mahusay ang isang wakas kung
nakapag-iiwanan ang mananalumpati ng mahalagang diwa o kaisipan sa mga tagapakinig.

b. karmas a bitch i shouldve known better

Uri ng Talumpati
Impromptu
Biglaan Talumpati/Dagli/Biglaang pagbigkas

Walang paghahandang ginawa ang mananalumpati

Binibigay lamang ang paksa sa mismong oras ng pagsasalita.

Susi ng katagumpayan - kung paano maipararating sa tagapakinig ang mensahe ng paksang kanyang tatalakayin.

Extemporaneous
Maluwag na Talumpati

Nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng speech outline para mabuo ang mga ideya na nais ipahayag batay
sa paksang tatalakayin.

Manuscript
Paraan sa pagbigkas: salita sa salita.

Madalas ginagamit sa okasyon tulad ng politikal at sosyal na pagtitipon, kumbensyon, seminar, o programa, at
madalas inaaral ng mga tagapagsalita.

Ang nagsasalita ay dapat nakadaarama ng tiwala sa sarili

Nangangailan ng mahabang oras ng paghahanda

Nawawalan ng interaksyon ang mananalumpati sa mga


tagapakinig

May kopya ang tagapagsalita ng manuscript habang nagppresenta.

Isinaulong Talumpati
Nabibigyan ng pagkakataon ng mananalumpati ang kanyang tagapakinig na magkaroon ng ugnayan sapagkat hindi
binabasa ng nagsasalita ang kanyang manuskrito.

Ito ay sinasaulo, binibigkas ng buong husay.

Hindi magandang dulot ng ganitong talumpati ay pagkalimot sa


bahagi ng nilalaman

Anyo ng Talumpati
Informative Speech

FIL114 2
MANUSKRITO

Talumpating nagbibigay ng Impormasyon/Kabatiran

Layunin: magpabatid sa tagapakinig ng impormasyon tungkol sa paksa, isyu o pangyayari, pagiging malinaw at
makatotohan.

Paglalahad ng datos (mahalaga) - mapagkakatiwalaang datos, tulad ng paggamit ng larawan, tsart, dayagram

Hal: Panayam at Pagbibigay-ulat (Ang SONA binibigkas ng pinuno ng bansa, binabanggit ang ginawa para sa
mamamayan upang itanghal ang tagumpay sa proyekto)

Talumpating Panlibang (Entertainment)


IMPROMPTU

Layunin: Makapanlibang sa tagapakinig, makuha ang atensyon, dapat ito ay nilalahukan ng birong nakakatuwa na
may kaugnayan sa paksang tinatalakay.

Makita: Madalas masaksihan sa mga salusalo, pagtitipong sosyal at pulong ng mga samahan.

Talumpating Pampasigla (Motivational)


MANUSKRITO

Magbigay ng inspirasyon, nangangailangan matiyak na ang nilalaman nito ay nakakapukaw at nakakapagpasigla sa


damdamin at isipan ng tao.

Layunin: Makapagpasigla, makuha ang atensyon ng nakikinig

Makita: Madalas sa pagtatapos sa paaralan o pamantasan, pagdiriwang ng anibersaryo ng samahan, kumbensiyon

Talumpating Pagbibigay-galang
IMPROMPTU/MANUSKRITO

Layunin: Magbigay ng mensahe sa pagtanggap ng bagong kasapi ng samahan o organisasyon. Ginagawa rin ito
bilang pagtanggap sa isang bagong opisyal na naitalaga sa bagong tungkulin.

Acceptance Speech
IMPROMPTU

Talumpating Papuri/Pagtanggap

Layunin:

Farewell Speech
MANUSKRITO/EXTEMPO

Talumpating Pamamaalam

Ito ay isang bahagi ng ritwal ng pamamaalam, pagreretiro, paglisan o pagbibitaw sa propesyon.

Eulogy
IMPROMPTU

Toast
IMPROMPTU/MANUSKRITO

FIL114 3
“Ayon kay Lorenzo et. al (2002) sa kanyang aklat na Sining ng Pakikipagtalastasang
Panlipunan. Para mapagbuti at mapaghusay ang isang talumpati nangangailangan na
magkaroon ng kabatiran ang mananalumpati tungkol sa kaalaman, pangangailangan at interes
ng kanyang tagapakinig.”

Pangangailan sa tagapakinig
1. (AGE GROUP) Edad o Gulang ng mga makikinig - Iakma ang nilalaman sa paksa maging sa wikang gagamitin sa
paglalahad. May pagkakataong na mga bata ang tagapakinig at ang tinatalakay ay wala silang interes.

2. (NUMBER) Bilang ng Tagapakinig - alamin ang bilang at sukat ng tagapakinig. May pagkakataong nangyayari na
marami ang nakikinig nagkakakaroon ng iba`t ibang pananaw, paniniwala, saloobin ang mga ito.

a. Malaman ang saloobin ng tagapakinig.

b. Malaman ang tono at tinig ng pagbigkas.

3. Kasarian - iba`t ibang mga interes, kawilihan, karanasan at kaalaman ang kalalakihan at kababaihan, nagkakaroon
din ng magkaibang pananaw ang dalawa hinggil sa isang partikular na paksa.

a. Mahalagang malaman kung ang pagtitipon ay kinabibilangan


ng kababaihan o kalalakihan o magkahalong kasarian.

4. Edukasyon o Antas sa Lipunan - mahalagang matukoy ang edukasyon o antas ng tagapakinig. Malaki ang
gampanin at kinalaman ng edukasyon sa kakayahan ng mga tagapakinig para unawain ang paksang tatalakayin.

a. Halimbawa kung masang pangkat ang makikinig sa paksa, maaring gumamit ng mga halimbawa na tutugma sa
kanilang kinakailangan.

5. Mga Saloobin at dati nang alam ng mga makikinig -

6. May interes sa kapiligiran - natural niyang kinalulugdan ang lahat—lahat sa kanyang kapaligiran.

7. May angking kasanayan - sanay at bihasa sa pagbabasa, pakikinig sa iba`t ibang


talumpati, nakatutulong ang kaalaman dahil nakakapulot ng bagong ideya na maaring ibahagi.

8. May pulso sa publiko (ATTENTION SPAN) - alam dapat niya kung ano ang pagkakataon na maaari siyang
magtanong, magbigay ng impormasyon sa kanyang mga tagapakinig.

Hakbang na maaring isagawa sa pagsulat ng Talumpati


1. PANANALIKSIK NG DATOS AT MGA KAUGNAY NA BABASAHIN

Ito ay maaring maisagawa sa pamamagitan ng pagbabasa at


pangangalap ng impormasyon sa
ensayklopedya, pahayagan,
magasin at dyornal (SOURCES).
Mula rito ay maaring kumuha ng mahalagang datos o kakailanganing impormasyon tungkol sa paksa kasma
ang sanggunian.

2. INTRODUKSYON - Ito ang pinakapanimula ng talumpati. Ito ay naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman
ng talumpati kaya naman dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati. Mahalaga ang isang mahusay na
panimula upang:

Mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig (not just the smart factor but the ability to capture the
audience’s interest and attention)

Makuha ang kanilang interes at atensiyon

FIL114 4
Maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa

Maipaliwanag ang paksa

Mailahad ang balangkas ng paksang tatalakayin

Maihanda ang kanilang puso at isipan sa mensahe

Kalinawan - Kailangang maliwanag ang pagakakasulat at


pagbibigkas ng talumpati upang maunawaan ng mga
nakikinig. Mahalaga tandan ang sumusunod:

1. Gumamit ng angkop at tiyak na salitang mauunawaan


ng mga makikinig. (DIRECT TO THE POINT)

2. Umiwas sa madalas na paggamit ng mahabang


hugnayang pangungusap.

3. Sikapaing maging direkta sa pagsasalita at iwasang


magpaligoy-ligoy sa pagpapahayag ng paksa.

4. Gawing parang karaniwan pagsasalita ang pakikipagusap sa mga tagapakinig.

5. Gumamit ng mga halimbawa at patunay sa pagpapaliwanag ng paksa.

Kaakit-akit - Gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para sa paksa.

3. PAGBUO NG THESIS

Matapos makapangalap ng sapat na datos o impormasyon,


ang susunod na hakbang nagagawin ay ang pagbuo ng tesis o
pangunahing kaisipan ng paksang tatalakayin.
Ang tesis ang
magsisilbing pangunahing ideya kung ang layunin ng talumpati ay magbigay ng kabatiran, ito naman ay
magsisilbing pangunahing argumento o posisyon kung ang layunin ng talumpati ay manghikayat
.

Paksa = 3 puntong pagiikutan ng buong pananaliksik =

4. DISCUSSION O KATAWAN

Dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito tinatalakay ang mahahalgang punto o
kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig

KAWASTUHAN - Tiyaking wasto at maayos ang nilalaman ng


talumpati. Dapat totoo at maipaliliwanag nang mabisa ang
lahat ng kailangang detalye upang maipaliwang ang paksa.
Kailangang gumamit ng angkop na wika at may kawastuhan
pambalarila ang talumpati.

5. KATAPUSAN O KONKLUSYON

Dito nakasaad ang pinakakonklusyon ng talumpati. Dito


kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilalahad sa katawan ng talumpati. Ito ay kalimitang
maikli ngunit nilalaman.

Leave a mark on the listeners.

6. HABA NG TALUMPATI

Ang haba ng talumpati ay nakasalalay kung ilang minute o


oras ang inilalaan para sa pagbigkas o presentayson nito.

FIL114 5
Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman ang pagtiyak sa nilaang
oras.

7. PAGTUKOY SA MGA PANGUNAHING KAISIPAN O PUNTO

Kapag may tiyak nang tesis para sa talumpati, maari nang


alamin ng mananalumpati ang mga pangunahing punto na
magsisilbing batayan sa talumpati. Mahalagang mahimay o
matukoy ang mahalagang detalyeng bibigyan-pansin upang
maging komprehensibo ang susulatin at bibigkasing talunpati.

(Casanova at Rubin, 2001) Tatlong Hulwarang (Guide) gamitin sa pagbuo ng talumpati


1. KRONOLOHIKAL NA HULWARAN - Mga detalye at nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasunod-
sunod ng pangyayari o
panahon.

2. TOPIKAL NA HULWARAN - Ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa pangunahing


paksa (main idea). Mainam na gamitin ito upang buo at malinaw na nauunawaan ng mga nakikinig ang tinatalakay
sa paksa.

3. HULWARANG PROBLEMA-SOLUSYON - Kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng


talumpati gamit ang hulwarang ito ang paglalahad ng suliranin at ang pagtalakay sa solusyon na maaring
isasagawa. Kalimitang ginagamit ang hulwarang ito sa mga uri ng talumpating nanghihikayat o nagpapakilos.

a. Paggamit ng 5W1H (Outline)

Mga Katangian
1. May Kaalaman sa Paksa - marapat na alam ang paksa palabasa, mapagmasid, sanay, sapat na karanasan, mahusay sa
pananaliksik para sa pagtindig sa harap ng makikinig ay alam kanyang sasabihin.

2. Kombersasyonal sa Pagsasalita - marunong maglaro ng tinig, hindi maaring monotonous, maiparamdam sa


tagapakinig ang himig ng pagtatanong, pagkadismaya, pagkalungkot, at pagiging masaya.

a. Ang eskpresyon ng mukha at kumpas ng kamay ay malaki ang


maitutulong upang maipakita sa manonood o tagapakinig ang
kahandaan sa ating pagbigkas, at nakadaragdag ito ng interes
upang tayo ay pakinggan.

3. Mapakiramdam at may Pandamang Palatawa - makuha ang atensyon ng kanyang tagapakinig.

a. Mahirap itong gawin ngunit mabuting kasangkapan ang aliwin, libangin at patawanin.

b. Mahalaga ang humor upang hindi magsawa ang manonood.

c. Maaari ring magbigay ng kwento o anekdota sa inyong


pagsasalita para maging mas kawili-wili ang
ginagagawang pakikinig.

4. Gumagamit ng wikang madaling maintindihan ng makikinig - tanggalin ang tinatatawag na language barrier, kung
gusto nating tayo ay mapakinggan ng ating tagapakinig, kailangan nating kumonekta tayo sa ginagamit nating wika.

5. Mapamaraan - hindi lahat ng paksa ay kawili-wili sa nakikinig, may pagkakataon na ang paksa ay napakaseryoso na
kinababagutan ng tagapaking. Kailangan mapukaw ng mananalumpati ang laman ng isipan ng tagapakinig.

6. Magbigay ng Halimbawa - magbigay ng malinaw na ilustrasyon ng konsepto o ideya ng paksang tinatalakay. Mas
madaling maipauunawa sa tagapakinig ang paksang matibay at may pulidong halimbawa.

FIL114 6
7. Matikas ang Tindig, Malinis na Pananamit at Maginoo ang Kilos - nakakatulong sa paglikha ng unang impresyon sa
tagapakinig,
kung siya ba ay kawiwilihan o iba ng mga tagapakinig

8. May Diretsong Tinging, may kontroladong boses, may makulay na tono at may makahulugang kumpas

Mapanatili ang eye contact para malaman kung saan direksyong nakatuon.

Ang lakas ng boses ay inaayon sa sukat ng pinagsasalitaang lugar at dami ng tagapakinig.

Ang mahinang boses ay madalas na kinababagutan, ang malakas na boses naman ay nakasisindak at
kinabibingihan.

Ang kumpas ay akma sa kahulugan ng salitang binibigyang-diin.

Hangga`t maari ay nauuna at hindi nahuhuli ang salita.

Iwasan ang pasulpot-sulpot at di kinakailangang kumpas.

9. Magtanong - bilang tagapagsalita, maari tayong magbato ng tanong sa manonood, mahalagang makabuo tayo ng
interaksyon sa ating mga tagapakinig para/malaman natin kung naiintindihan ba o nauunawan ang ating mga
sinasabi.

10. Magbigay ng Kongklusyon

Responsibilidad na ipaabot sa ating tagapakinig ang buong esensya ng paksang tinatalakay.

Bigyan natin ng maayos na kongklusyon ang ating sinasasabi sa


katapusan

Talakayin sa kongklusyon ang mahahalagang bigat ng paksang


ating tinatalakay.

Ano ang Panukalang Proyekto?


Ang Panukalang Proyekto ay isang planong naglalaman ng mga batayang impormasyon tungkol sa binabalak na
gawain.

Nagbibigay ito ng pangkalahatang ideya tungkol sa binabalak na proyekto upang makapagpasiya mang isang
responsableng ahensya kung pahihintulutan ang nasabing proyekto o kung pagkakalooban ito ng pondo.

Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Communication Empowerment Collective, isang samahang tumutulong sa mga
Non-governmental Organizations (NGO)

Ang panukalang proyekto ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa komunidad
o samahan.

Kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan
nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito.

Ayon kay Besim Nebiu

Ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas
ng isang problema o suliranin.

Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto

Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner sa kanilang aklat na A Guide to Proposal Planning and Writing, sa
pagsasagawa ng panukalang papel, ito ay kailangang magtaglay ng tatlong mahahalagang bahagi.

Pagsulat ng panimula ng Panukalang Proyekto

Pagsulat ng katawan ng Panukalang Proyekto

FIL114 7
Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga makikinabang nito.

Maging espisipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng layunin.

Maaari na ring isama sa bahaging ito ang katapusan o konklusyon ng iyong panukala.

Ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan ang ipinasang panukalang proyekto.

Naglalaman ng hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin

Maging makatotohanan o realistic

Ikonsidera ang badyet sa pagsasagawa nito

Isama ang petsa kung kailan matatapos ang bawat bahagi ng plano at kung ilang araw ito gagawin sa
talatakdaan

Gumamit ng tsart o kalendaryo

Badyet
Badyet- pinakamahalagang bahagi ng isang panukalang proyekto

Talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin.

Marapat na maging wasto at tapat na paglatag ng kakailanganing badyet para sa panukalang proyekto.

Hakbang sa paghahanda ng isang badyet:

1. Gawing simple at malinaw ang badyet upang madali itong maunawaan ng ahensya

2. Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon ito upang madali ang pagsuma.

3. Isama sa badyet maging ang huling sentimo.

4. Siguraduhing wasto at tama angginawang pagkukuwenta ng mga gastusin. Iwasan ang mga bura o erasure
sapagkat ito ang nangangahulugan ng integridad.

FIL114 8
Mga Bahagi ng Panukalang Proyekto (5 to 10 Pangungusap bawat sub-
kategorya)
1. Unang Bahagi

a. Pangalan ng Proyekto (Pamagat)

b. Proponent ng Proyekto

c. Layunin ng Protekto

i. 2-3 Puntos (Bullet Form)

ii. Panghinaharap na pangungusap

d. Kategorya ng Proyekto

i. outreach/seminar/worksyap/palihan o forum/saliksik/event/product selling/fundraising ceremony/medical


mission

ii. Anumang gawain na maaring pwedeng gawin na may kaugnayan sa inyong


gustong gawing programa at paksang tinalakay sa inyo ng inyong guro.

iii. Ilarawan kung ano ang kategorya ng inyong Gawain at bakitito ang napiling kategorya

e. Lokasyon ng Proyekto

i. ORAS/SAAN/KAILAN gaganapin ang proyekto.

ii. Ilagay kung bakit sa venue ang pinili at bakit sa oras gaganapin

iii. Maaring ilagay ang sukat at bilang.

iv. Maging SPECIFIC at ilahad LAHAT ng mahalagang detalye

f. Kalahok at Tagapangasiwa (Broad na Kalahok/Ispiker/Komite)

i. SINO ang mga participant na kasali at ang mga gagawa ng produksyon.

ii. Paghahati ng gawain.

iii. Pagtatalaga ng mga komite.

Nakadepende sa kategorya ang mga kukuning ispiker at komite.

iv. Ilarawan ang demographic profile ng napiling pangkat na makikinabang ng gawain.

g. Rasyonal ng Proyekto

i. PAANO nabuo ang ideya ng proyekto.

ii. Ano ang nagtulak para gawin ang proyekto.

iii. Ano ang mga dahilan bakit kailangan itong gawan ng proposal.

iv. Suportahan ito ng mga pag-aaral mga datos ng pag-aaral.

v. Nakasulat ito sa paraang patalata na bubuuin ng 200-500 salita (mayroon simula, gitna wakas).

vi. Background of the study ng pananaliksik

vii. Naglalayong ilarawan kung ano dahilan bakit kailangan gawin at aprubahan ang panukalang proyekto na
inihahain

viii. Ito ay naglalaman ng mga mapagkakatiwalaang sources na nagpapakita ng datos ng pag-aaral sa


problemang nais lutasin ng proposal

2. Katawan

FIL114 9
a. Badyet (Nakadepende sa Kategorya ng Proyekto)

b. Plan of Action

i. Nilalagay sa bahaging ito ang lahat


ng mga araw na kinakailangan saproyekto, mula sa pagpapaplanohanggang sa pagsasakatuparan.

ii. Ang pagpaplano na dapat mayroon dito ay dapat 2-3 buwan ang preparasyon na mayroon.

3. Kongklusyon (Dahilan kung bakit kailangan aprubahan ang proyekto)

a. Maaring Patalata o Bullet Form

b. Kapakinabangan at importansya ng panukalang proyekto.

c. BENEPISYO (Nakaugnay sa Layunin ng Proyekto)

i. Sino ang mga makikinabang saproposal

ii. Espisipiko sino makikinibang nito.

Kahalagahan ng Panukalang Proyekto


Ayon sa Business Dictionary, binabalangkas sa panukalang proyekto ang prosesomula simula hanggang katapusan.

Inahahanda ito upang maging maayos at sistematiko ang pagsisimula ng proyekto.

Ang isang proyekto ay isang pagkakataon upang magkaroon ng kolaborasyon ang isang indibidwal o organisasyon at
ang mga institusyong katulad nila ang mithiin.

TIPS
1. Alamin ang mga bagay na makapagkukumbinsi sa nilalapitang opisina o ahensya sa pag-aapruba ng panukalang
proyekto.

2. Bigyang-diin ang mga pakinabang na maibibgay ng panukalang proyekto. Mahihirapang tumanggi ang nilalapitang
opisina o Ahensya kung Nakita nilang Malaki ang maitutulong nito sa indibidwal p grupong target ng proyekto.

3. Malinaw, makatotohanan, at makatwiran ang badyet sa gagawing panukalang proyekto.

4. Alalahaning nakakaapekto ang paraan ng pagsulat sa pag-abruba o hindi ng panukalang proyekto.

5. Gumamit ng mga simpleng salita sa pangungusap, iwalasan ang maligoy.

FIL114 10

You might also like