Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ARELLANO UNIVERSITY

Jose Abad Santos Campus


Basic Education Department – Senior High School
3058 Taft Avenue Pasay City
Kalinisan: 2
Kompleto: 3
Pangalan: _____________________________________________________ Malikhain: 2
Antas / Strand / Seksyon: ________________________________________ Nilalaman: 8
Kabuuan 15
Petsa: ________________________________________________________
Guro: ________________________________________________________

Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa Pananaliksik


Sanggunian: Pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik (module inihanda nina Dr.
Maria Agnes Q. Ifurung at Prof. Andrea B. Adri

Paksa: Iba’t ibang uri ng teksto Uri ng Gawain: Concept Notes


- Tekstong Deskriptibo Gawain Bilang: 5
Layunin:
- Nabibigyang kahulugan ang tekstong Deskriptibo.
- Naibabahagi ang mga salitang maaaring magbigay larawan sa iyong sarili.
- Nakagagawa ng isang halimbawa ng tekstong Deskriptibo.

PANIMULA
ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO

 Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga impresyon o kakintalang likha ng pandama.
Ginagamit ang mga pandama upang malinaw na mailahad ang nais ng manunulat.
 May layuning ilarawan ang mga katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar, tao ideya, paniniwala at iba
pa.
 Kilala rin ang tekstong ito bilang tesktong naglalarawan.

Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring maging subhetibo o obhetibo. Masasabing Subhetibo ang
paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan nang napakalinaw at halos madama na ng mambabasa
subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kaniyang mayamang imahinasyon. Obhetibo naman ang
paglalarawan kung ito’y may pinagbatayang katotohanan.

Halimbawa ng mga sulatin na gumagamit ng tekstong deskriptibo


a. Talaarawan
b. Proyektong Panturismo
c. Talambuhay
d. Rebyu ng pelikula o palabas
e. Obserbasyon
f. Akdang Pampanitikan

PARAAN NG PAGLALARAWAN

1. Batay sa Pandama - nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan, at narinig


2. Batay sa Nararamdaman - bugso ng damdamin o personal na saloobin ng naglalarawan.
3. Batay sa Obserbasyon - batay sa obserbasyon ng mga nagyayari.
URI NG PAGLALARAWAN

1. Karaniwang Deskriptibo
 Pagbuo ng malinaw na larawan sa isipan ng mambabasa sa tulong ng mga katangiang ating
napag-aralan na. Ang layunin nito ay makapagbigay lamang ng kabatiran tungkol sa isang bagay.
Walang kinalaman ang sariling kuro-kuro at damdamin ng naglalarawan.

HALIMBAWA 1:

Maganda si Matet. Maamo ang mukha niya lalo pang pinatitingkad ng mamula-mula niyang pisngi. Mahaba
ang kanyang buhok na umaabot hanggang sa baywang. Balingkinitan ang kanyang katawan na binagayan naman ng
kanyang taas.

2. Masining na Deskriptibo
 Pumupukaw ng guniguni ang masining na deskriptibo Higit sa nakikita ng paningin ang
maaaring ilarawan ng salita sa tulong ng deskriptibo masining. Ito ay gumagamit ng mga salitang
nagbibigay-kulay, tunog, galaw at matinding damdamin. Pinagaganda ito ng paggamit ng tayutay
tulad ng talinhaga, pagtutulad, pagwawangis, paglalarawang-tauhan at iba pa. Isinasaalang-alang
din dito ang damdamin at kuro-kuro ng manunulat.

HALIMBAWA #1:

Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet. Ang maamo niyang mukhang tila anghel ay sadyang
kinahuhumalingan ng mga anak ni Adan. Alon-alon ang kanyang buhok na bumagay naman sa kainggit-inggit
niyang katawan at taas.

HALIMBAWA #2:

Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit na noo ni Danding.

(Mula sa “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes)

APAT NA MAHAHALAGANG SANGKAP NA GINAGAMIT SA


MALINAW NA PAGLALARAWAN

1. Wika – ginagamit ang wika upang makabuo ng malinaw at mabisang paglalarawan sa tulong ng mga
pang-uri.
2. Maayos na Detalye – dapat magkaroon ng masistemang paraan sa paglalahad ng mga bagay na
makatutulong upang ganap na mailarawan ang isang tao, bagay, pook at pangyayari.
3. Pananaw ng Paglalarawan – maaaring magkaiba-iba ang paglalarawan salig na rin sa karanasan at
saloobin ng taong naglalarawan.
4. Isang kabuuan o Impresyon – Layunin nito makabuo ng isang malinaw na larawan sa imahinasyon ng
mambabasa. Mahalaga sa isang naglalarawan na mahikayat ang kanyang mambabasa o tagapakinig nang
sagayon ay makabuo sila ng impresyon hinggil sa inilalarawan.

You might also like