Part 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mag-isip, nais ko nang bumitaw sa aking pagkakakapit at magpatihulog pababa, pababa, katulad ng isa

sa mga kaawa-awang, mga tuyong dahon.”

“ Subukan mong matulog” wika ni Sue. “Dapat kong tawagan si Behrman upang maging modelo ko ng
isang Ermitanyo. Hindi ako mawawala nang matagal. Huwag kang lilisan hangga;t di ako nakababalik.”

Ang matandang si Behrnman ay isang pintor na namumuhay sa ibaba ng kanilang tinitirhan. Siya ay
mahigit animnapung taon na at mayroong balbas na katulad ni Moses ni Michael Angelo. Si Behrnman
ay hindi matagumpay sa sining. Apatnapung taon niya hinawakan ang pangpinta nang hindi man lamang
halos mahipo ang damit pantulog ng kaniyang kapareha. Palagi siyang handa sa pagpinta ng obra, subalit
ni minsan ay wala siyang naumpisahan. Sa nagdaang mga taon wala siyang ni isang naipinta subalit
ngayon isang pagpinta para sa isang komersiyo o pag aanunsiyo. Kumita siya nang maliit na halaga sa
pagiging modelo sa mga nagsisimula pa lamang na alagad ng sining na hindi kayang bayaran ang
hinihinging halaga ng pagiging isang propesiyonal. Naglalasing siya at ibinabahagi ang kaniyang
paparating na obra-maestra. Sa makatuwid, Siya ay isang seryosong matanda na nanunuya sa kabaitan
nino man at itinituring ang kaniyang sarili bilang isang mahusay sa paghihintay upang maprotektahan
ang dalawang batang alagad ng sining sa kaniyang itaas.

Naamoy ni Sue ang matinding amoy ng alak sa madilim na kwarto sa ibaba. Sa isang sulok ay may isang
kambas na naghihintay mapintahan sa loob ng dalawampu;t limang taon.

You might also like