Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Guro Oria,Trisha Mae B.

Oras ng Pagturo Anim Napu’t Minuto


IKATLONG Baitang 3
BAITANG Asignatura Filipino
Markahan Unang Markahan (Ikatlong Linggo)
BANGHAY
ARALIN

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
akdang pampanitikan sa panahon ng mga Katutubo
B. Pamantayan sa Pagganap Natutukoy ng mga mag-aaral ang kahulugan ng
Maikling kwento sa panitikang Pilipino
C. Kasanayang sa Pagkatuto Nababasa at nakakasagot tungkol sa mga Maikling
kwento
D. Layunin Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga elemento ng kwento.
2. Naipapaliwanag ang kahulugan ng elemento
ng kwento
II. NILALAMAN Maikling Kwento
III. KAGAMITANG PANTURO PowerPoint presentation, Activity Sheet
A. Mga Sanggunian
1.
Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELCS Filipino (unang markahan-ikatlong linggo)
2.
Maga Pahina sa Kagamitan Pang mag-aaral
3.
Mga Pahina sa Teksbuk
4.
Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng https://youtu.be/xMSWYN6y40?
Learning Resource si=05GIZ25jn2LZw2zU
IV. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. PANIMULANG GAWAIN

Panalangin
Inaanyayahan ko kayong sumandaling tumayo Ako po, Teacher
upang tayo’y manalangin. Sino ang nais manguna
sa ating panalangin?
Panginoon, maraming salamat po sa dakilang araw
Sige, Yhana. na ito. Gabayan po ninyo kami sa aming pag-aaral
at pagtuklas ng bagong kaalaman na magtataguyod
sa amin upang maging mahusay. Ingatan nyo po
ang bawat isa sa amin. Amen.

Pagbati Magandang umaga din po, Teacher.


Magandang umaga sa inyo mga bata!

Pagtsetsek ng Attendance
Itaas ang kamay kapag babanggitin ko ang inyong (Lahat ng natawag ay nagtaas ng kamay at sumagot
pangalan at sabihing “present Ma’am”. ng “present Ma’am”.
(Nabanggit ang mga pangalan ng mga mag-aaral)

Magaling! Walang lumiban sa klase ngayong araw


na ito.
B. PAGGANYAK/PAGHAHAWI NG BALAKID
Bago tayo magsimula sa ating aralin, may baabsahin akong
iang kwento at pagkatapos kung basahin ay kayo naman
ang magbabasa,Naiintindihan po ba?

(binasa ng mga mag-aaral ng sabay-sabay)


Ngayon alam niyo ba ang mga salitang hitik,sakmalin,at
bungkos?

Ang "hitik" ay tumutukoy sa isang bagay o sitwasyon na


puno o sagana sa dami. Karaniwang ginagamit ito upang
ilarawan ang mga puno

Halimbawa, "Hitik sa bunga ang mangga sa aming bakuran,


tanda ng masaganang ani ngayong taon."

Maari ba kayong magbigay ng isang pangungusap na Ang puno ng mangga ay hitik na hitik sa bunga
ginagamit ang salitang hitik.

Kapag sinabi namang “sakmalin” ito ay biglaang pagkuha


o paghawak nang may diin gamit ang bibig o kamay,
mabilis na pag-angkin o pag-agaw sa isang bagay mula sa
iba.
Halimbawa:Nasaksihan ko kung paano sakmalin ng leon
ang kanyang huli sa kalagitnaan ng kagubatan."

Magbigay ng isang pangungusap gamit ang salitang


sakmalin? Gustong sakmalin ng aswang ang aking katawan

At ang huli ay ang bungkos.Ang "bungkos" ay tumutukoy


sa isang grupo o tumpok ng mga bagay na magkakasama,
karaniwang mga halaman, bulaklak, o anumang bagay na
pinagsama-sama.
Halimbawa, "Ang bungkos ng sariwang bulaklak na binili
ko sa palengke ay inilagay ko sa gitna ng mesa para sa
hapunan mamayang gabi."

Magbigay nga ng isang pangungusap gamit ang salitang


bungkos? May isang malaking bungkos ng mga bulaklak sa hardin.

C. PRESENTASYON
Bago tayo magsimula sa ating aralin ay ihanda ang inyong
mga sarili.Maging disiplinado,makinig at makiisa sa ating
aralin.

Halina’t tuklasin natin ang tungkol sa Maikling kwento at


ang mga elemento nito.

D. PAGTATALAKAY

ELEMENTO NG KUWENTO
(TAUHAN, TAGPUAN,BANGHAY)

1. Tauhan- tumutukoy sa gumaganap sa mga papel sa


kwento.Sila ang nagbibigay-buhay sa isang maikling
kwento. Maaaring maging mabuti o masama.

Uri ng Tauhan sa Kwento


a.)Pangunahing Tauhan at b.)Pantulong na Tauhan

2. Tagpuan- tumutukoy sa panahon at lugar kung saan


nagaganap ang kwento.

3.Banghay - Ito ang maayos at wastong pagkakasunod-


sunod ng mga pangyayari sa kwento upang malutas ang
mga suliranin ng mga tauhan. Meron itong:
Simula - paano nagsimula ang problema/isyu/suliranin na
kakaharapin ng pangunahing tauhan ng kwento
Gitna - tumutukoy ito sa problema/isyu/suliranin na
kinakaharap ng pangunahing tauhan
Wakas - kahuli hulihang naganap sa kwento nalalaman
kung anung literal na nangyari sa bawat tauhan o
kinataposan ng kwento

E. PAGLALAPAT
Para sa ating pangkatang gawain, kayo ay mahahati sa
dalawang pangkat. Ang unang hanay ang unang grupo at
ang pangalawang ang pangawalang grupo.

Panuto: Ang bawat grupo ay sasagutan ang mga


katanungan at Babasahin sa harapan ng inyong pinuno ang
sagot.

Ang Leon at Ang Daga


Namasyal si Daga sa gubat nang maispatan niya si Haring
Leon na natutulog.Naglalaro si Daga sa paligid ngunit sa
kamalasan,natapakan niya si Haring Leon. Nagising si
Haring Leon at sinabing, “Aha, daga!". Humingi ng tawad
si Daga at nagsumamo siyang huwag kainin ni Haring
Leon. Sa awa, pumayag si Haring Leon na pakawalan si
Daga. Nagpasalamat si Daga. Ilang araw ang
lumipas,nasilo sa isang lambat si Haring Leon. Nakita ito ni
Daga. Dahil sa utang na loob, tinulungan ni Daga si Haring
Leon. Nginatngat nito ang lambat hanggang makalaya ang
leon. Mula noon ay naging matalik na magkaibigan si Daga
at si
Haring Leon.

1. Sino ang mga tauhan sa kwento?


2. Saan nangyari ang kwento?
3. Paano nakatulong ang daga sa haring leon?

F. PAGLALAHAT
Batid kung mahuhusay na kayong tukuyin ang iba’t ibang
Elemento ng Kwento.
Tauhan,Tagpuan at Banghay
Ngayon,Ano nga ba ang iba’t ibang Elemento ng Kwento?

Tauhan – tumutukoy sa tao o karakter na gumaganap sa


Tama. Ano nga ba ang Tauhan? kwento.

• Tagpuan – ito tumutukoy sa lugar na pinangyarihan ng


Magaling. Ano naman ang Tagpuan? kwento.

• Banghay – tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng


Mahusay! Ngayon ano naman ang Banghay? mahahalagang pangyayari sa kwento.

Magagaling!Masaya ako at alam na ninyo ang mga


kahulugan ng iba’t ibang Elemento ng Kwento” Opo.

Ngayon, dumako na tayo sa inyong huling pagsasanay.


G. PAGTATAYA

PANUTO:PIiliin ang tamang sagot kung anong elemento


ng kwento na tinutukoy sa bawat bilang.

1. Tumutukoy sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga BANGHAY


pangyayari sa kwento.
a.pamagat TAGPUAN
b.tagpuan
c.banghay TAUHAN
2. Ito ang lugar kung saan naganap ang kwento.
a.tagpuan TAGPUAN
b.tauhan
c.panahon SIMULANG TAGPUAN
3. Nagbibigay-buhay sa kwento.
a.tauhan
b.banghay
c.tagpuan
4. Ito ang panahon ng pinangyarihan ng kwento.
a.banghay
b.tagpuan
c.tauhan
5. Ito ang pagsisimula ng suliranin na kakaharapin ng
tauhan sa kwento.
a.Simulang banghay
b.Gitnang banghay
c.Wakas
B.Ilagay ang tsek kung ang pangungusap ay tama at ekis
naman kung ito ay mali.

1. Ang elementong tauhan sa isang kwento ay tumutukoy


sa mga pangunahin at pangalawang tauhan.
2. Ang elementong tagpuan ay tumutukoy sa lugar lamang
kung saan naganap ang kwento.
3. Ang banghay ay may simula,gitna at katapusan.
4.Ang gitnang banghay ay tumutukoy sa suliraning
kinakaharap ng tauhan.
5. Masasabing kumpleto ang elemento ng kwento kahit
walang gitnang bahagi ng banghay.

H. TAKDANG ARALIN
Magsulat at magbasa ng isang kwento. Tukuyin mo kung
sino-sino ang mga tauhan, saan ito naganap at ang
pagkakasunod-sunod ng kwento.

INIHANDA NINA:
Avenilla, Andrea
Bacolor, Blessed
Badua, Jhonabel
Carlos, Franzel
Delos Santos, Zyra
Echon, Eissej Dawn
Gamboa, Rhona Mae
Oria, Trisha Mae
Saliyoc, Queenie
Villegas, Shannen Kaye

You might also like