Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANIMULA

Sa pagtuklas ng karunungan, napakahalaga ng nagiging tungkulin ng pagbasa sa isang


indibidwal upang lumawak ang pananaw at magbukas ng kaalaman upang matuto sa takbo
ng buhay sa ginagalawang daigdig ng isang tao. (EXPLAIN THIS PART)

Hindi mapasusubalian ang kahalagahan ng pagbasa bilang makro ng komunikasyon(MAKRO


NG KOMUNIKASYON).
Mga makrong kasanayan sa sa komunikasyon
Pakikinig
Pagabasa
Pagsulat
Pagsasalita

Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan.


Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik ng sagisag ng kaisipan.
Ang pagbabasa at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng ng pagtugon ng
damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.

BUMABASA ANG TAO DAHIL SA IBA’T IBANG KADAHILANAN:


 May nagbabasa upang kumuha ng dagdag kaalamn o karunungan
 May nagbabasa dahil gusto niyang malaman ang nangyayari sa paligid< ayaw noiyang
mapag-iwanan ng takbo ng panahon.
 May nagbasa upang maaliw o malibang, mabawasan ang pagkainip at pagkabagot na
nararamdaman.

Mula sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo ng isang teksto, pagbibigay ng


interpretasyon sa mga kaisipan at mga impormasyong isinasaad sa akda, patungo sa pagiging
mapanuri na hahantong sa pagbibigay ng sariling reaksyon sa mga nakapaloob na kaisipan sa
isang teksto hanggang sa pag-uugnay ng mga sariling karanasan sa kaganapan sa tekstong
binasa na magtatapos sa pagpapahayag ng mga damdamin o emosyon ayon sa pamamaraan
ng may-akda, ang mga bagay na malilinang ng pagbasa sa mambabasa.

Malaki ang pagkakaugnay ng pagbasa sa makrong pakikinig, pagsulat at pagsasalita. Ito'y


nagiging tulay ng mga mag-aaral upang mapabuti at maiangat ang kasanayan sa mabIsang
pag-unawa sa mga teksto.EXPLAIN*

Tunay na napakaraming nagagawa ng pagbasa sa isang indibidwal. Gintong susi ito na


magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan. Pangunahin itong
kasangkapan sa paguklas ng kaalaman sa ibat ibang larangan ng buhay. Patnubay din ito ng
mga karanasan, mga mithiing iyong pinapangarap. Nagsisilbi itong unang hakbang sa
anumang larangan ng pag-aaral at pagkatuto. Malaki ang impluwensya ng pagbabasa sa
pagkatao o personalidad ng isang nilalang.(EXPLAIN THIS LINE) RESEARCH ON
STUDIES*

Di maikakaila sa atin na ang pagabasa ay essensyal na bahagi ng ating pagkatuto, lalo


na’t sa mga gaya kong nag-aaral pa lamang. Ginagamit natin ang pagbabasa upang matuto ng
iba’t ibang bagay, mula sa larangan ng agham, literatura, kasaysayan, at iba pa. At sa
pamamagitan din ng pagbasa maaring maimpluwensyahan ang ating personalidad.

Ayon kay Nixon(2014), maraming mabubuting epekto ang pagbabasa. Sinasabi rito na
ang pagbabasa ay isang importanteng life skill. Mahihirapan umano sa pag-aaral ang mga
batang nagkakaproblema sa pagbabasa (lalo na siguro kung hindi ito maaagapan agad). HIgit
pa silang mahihirapan sa paghahanap ng trabaho, pagiging independent at pagiging mabuting
mamamayan, magulang o manggagawa kung sila man ay makapagtapos.
Sa isa pang punto, ayon kay Maryanne Wolf, director ng Center for Reading and Language
Research sa Tufts University, sa pagbabasa raw ay mas mapipilitan tayong gumawa ng
naratibo (narrative) at mag-imagine. Sa pagbabasa raw kasi, mas may oras tayong mag-isip.
Kumbaga maaari tayong huminto para sa pag-intindi (comprehension) at pagkuha sa tunay na
kahulugan at implikasyon(insight) ng ating binasa. Ang pagbabasa ay nakatutulong din
sa concentration at attention skills.

Ginigising din ng pagbabasa ang damdamin ng isang indibidwal. Nakapagpapabago ng


saloobin at layunin sa buhay.(RELATE THIS LINE TO WORKS OF JOSE RIZAL)
Nagiging lunas din ito ng mga suliranin at kahinaan ng isang tao. Sa pagbabasa, nasasalamin
ang buhay ng ibang tao at naiuugnay ito sa sariling karanasan ng bumabasa.

Dagdag ng Reader’s Digest, ang mga mabuting naidudulot pa ng pagbabasa ay ang mga
sumusunod:
 Mas natututunan nating ang empathy. Sa pag-intindi natin umano sa mga karakter ng
mga istoryang ating binabasa, mas nahahasa ang pag-intindi natin sa pakiramdam ng
ibang tao.
 Nagbibigay motibasyon ang pagbabasa. Sa pagbabasa tungkol sa isang tao o karakter na
nakalampas sa mga pagsubok para marating ang gustong marating ay magbibigay sa atin
ng motibasyon para gawin natin ang ating personal na mithiin.
 Mararamdaman nating tayo ay mas konektado sa ibang tao. Kapag nakaka-identify tayo
sa mga karakter ng mga istoryang ating binabasa, makatutulong itong makaramdam tayo
ng isang real-life relationship na maaaring magdulot sa atin ng pakiramdam na tayo ay
bahagi ng isang grupo (inclusion).

Mahalaga ring alam ng bumabasa ang mga panukatang makatutulong sa kanya upang
magkaroon ng patnubay sa paglinang ng ibat ibang kasanayan.

Ang mga panukatang ito ay dumadaan sa isang proseso.


 Unang-una ay ang pag-unawang literal
 sumunod ay ang ganap na pagkakaunawa sa kaisipan ng awtor lakip ang karagdagang
kahulugan o interpretasyyon,
 susundan ito ng pagkilatis sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng
paglalahad,l
 kasunod naman ay ang pagsasanib ng mga nabasang kaisipan at mga karanasan upang
magbunga ng bagong pananaw at ang pinakahuli ay ang paglikha ng sariling kaisipan
batay sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang akda. ( ENUMERATE THE POINTS
MENTIONED)

Isang katotohanan pa rin at hindi maaaring tutulan ang konsepto na kay inam malamang
umuunlad ang mundo dahil sa mga nakalimbag na babasahin. Nakatutuwang matuto mula sa
karanasan ng mga kapwa tao dahil sa mga nababasang artikulo at iba pang nakalimbag na
literatura.

Isang ganap na tagumpay kapag mula sa pinakamaliit na detalye patungo sa pinakamalawak


na detalye ng isang teksto ay maibibigay ng pagbasa sa bawat mambabasa

You might also like