Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

5

PHYSICAL
EDUCATION
Ikaapat na Markahan – Modyul 4a:
Mga Katutubong Sayaw

NegOr_Q4_MAPEH5_Module4a_v2
Physical Education – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 4a: Mga Katutubong Sayaw
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rene S. Fausto
Editors: Bernadeth U. Oquendo, Danie Cris B. Acabal, Marynell G. Maquiling, Mary
Grace T. Tejam
Tagasuri: Florence M. Pinili
Tagaguhit: Ramzhel Mae E. Argoncillo
Tagalapat:
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Jenith C. Cabajon
Joelyza M. Arcilla, Ed.D Rosela A. Abiera
Marcelo K. Palispis, Ed.D Maricel R. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D Elmer L. Cabrera
Dan P. Alar, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

NegOr_Q4_MAPEH5_Module4a_v2
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

NegOr_Q4_MAPEH5_Module4a_v2
Alamin

Anong masasabi mo sa iyong karanasan sa pag-aaral ng sayaw na Cariňosa


sa huling yunit? Nasiyahan ka ba na natutuhan mo ang pambansang sayaw ng
Pilipinas?

Sa araling ito, makikilala mo at mabibigyang halaga ang kayamanan ng ating


bansa sa tulong ng mga sayaw. Matututuhan mo ang pinagmulan at katangian ng
ilan sa mga katutubong sayaw ng ating bansa. Magagami mo rin ang iyong
kasanayan sa ritmo sa paglikha at pagtanghal ng iba’t-ibang sayaw.

Subukin
Panuto: Isulat sa iyong kuwaderno ang T kung ang pahayag ay totoo at H kung
hindi.
1. Nalilinang ang cardiovascular endurance kung ikaw ay tatakbo.
2. Mas maraming oras ang dapat gugulin sa panonood ng TV at paglaro ng
computer games.
3. Ang mga aktibiti sa ibabang bahagi ng Philippine Pysical Activity pyramid ay
kailangang gawin nang madalas.
4. Makikita natin ang progreso ng ating pagkamit sa layuning pangkalusugan sa
pamamagitan ng paglahok sa mga fitness test.
5. Ang mga aktibiti gaya ng paglililinis ng bahay ay kailangang gawin isang beses
sa isang linggo.
6. Ang pang-araw-araw na gawain gaya ng paglalakad at pag-akyat-baba sa
hadgan ay nakatutulong sa iyong kalusugan.
7. Mabuti ang pagdaloy ng oxygen sa katawan kung ang iyong postura ay maayos.
8. Ang Philippine Physical Activity Pyramid ay nagsisilbing gabay upang makapili ng
aktibiti na makatutulong sa iyo upang makamit ang iyong layuning
pangkalusugan.
9. Ang pagsasayaw ang isa sa mga inirerekomedang aktibiti para sa pisikal na
kaangkupan.
10. Ang pagsasayaw sa loob ng isang oras o dalawa hanggang tatlong beses sa
isang linggo ay isang hindi epektibong aktibiti para sa kakayahang pangkatawan.
(DepEd, Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5–Batayang Aklat, 2016)

NegOr_Q4_MAPEH5_Module4a_v2
Balikan
Sa bahaging ito ay malalaman natin kung ano ang iyong natutuhan tungkol sa
nakaraang leksyon. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

1. Anong aktibi na nasa Philippine Physical Activity Pyramid ang paborito mong
gawin mula Enero hanggang Marso?
2. Anong mabubuting benepisyo ang iyong nakuha sa paggawa ng aktibiti na ito?
3. Ano ang iyong makukuha sa pagsunod sa Philippines Physical Activity Pyramid?
4. Bakit mo kailangang gawin nang regular ang mga aktibiti na matatagpuan sa
ibabang bahagi ng pyramid?
(DepEd, Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5 –Batayang Aklat, 2016)

Tuklasin
A. Panuto: Iguhit sa iyong kuwaderno ang masayang mukha kung tama ang
pahayag at malungkot na mukha kung mali.

1. Ang katutubong syaw ay mula sa isang komunidad na nagpapakita ng kanilang


kultura, paniniwala, at tradisyon.
2. Ang katutubong sayaw ay mahalagang mapag-aralan ng mga batang tulad mo.
3. Ang mga babae lang ang nagtatanghal ng mga katutubong sayaw.
4. Pinapakita ng sayaw na Cariňosa ang mga mananayaw na nagliligawan.
5. Ang Cariňosa ay nanggaling sa Visayas.
(DepEd, Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5–Batayang Aklat, 2016)

Suriin
Mga Katutubong Sayaw
Tinikling
Ang Tinikling, isa sa mga
popular at kilala na sayaw sa
Pilipinas, ay nagmula sa lalawigan
ng Leyte sa Visayas. Hango ang
pangalan ng tinikling mula
sa “tikling”, isang uri ng ibon na
may mahahabang paa at leeg,
matulis ang tuka at malalambot
ang balahibo. Ang sayaw ay tulad
Tinikling, 2015,
http://msrempelmusic.blogspot.com/p/tinikling.html 2

NegOr_Q4_MAPEH5_Module4a_v2
sa galaw ng ibon, kung saan sila ay lumulusong sa gitna ng mga damo at
tumatakbo-takbo o lumulundag-lundag sa mga sanga o bitag sa mga palayan.
Tinutularan ng mga mananayaw ng Tinikling ang “tikling” sa yumi at bilis nito sa
pamamagitan ng mahusay na pagdaan sa dalawang mahabang piraso ng kawayan.
Iniuugnay ito sa pagdiriwang na may kinalaman sa agrikultura.
(https://jaynardsite.wordpress.com/2016/09/06/first-blog-post/)

Maglalatik o Magbabao
Ang sayaw na Maglalatik
ay nagmula sa Zapote at Loma ng
Biñan, Laguna. Naglalarawan ito
ng labanan ng mga Moro at
Espanyol sa kanilang pag-
aagawan sa latik o sapal ng
pinaglangis na kakanggata.
Gumagamit ng bao ng niyog sa
pagsasayaw nito.
Sinasayaw ito sa saliw ng
(Lee, George F., 2004) rondalya sa batayang kumpas na
2/4. Ang ritmo ng pagtatama ng mga bao ay
nakatutulong sa pagbibigay-diin sa malakas na bagsak ng kumpas at ritmo. Ang
mga bao ay pares-pares na nakasabit sa harap ng dibdib, sa bandang ibaba sa likod
ng balikat, sa magkabilang baywang, at sa bandang itaas ng tuhod. May mga bao rin
sa magkabilang kamay na itinatama upang lumikha ng tunog sa mga baong
nakakabit sa nabanggit na mga bahagi ng sariling katawan at sa mga kapwa
mananayaw. Karaniwang lalaki lamang ang sumasayaw nito na ang suot lamang ay
pulang pantalon na nakatupi hanggang tuhod, at ang mga baong nabanggit na
nakatali sa iba’t ibang parte ng katawan.
Ang maglalatik ay karaniwang sinasayaw sa pista ni San Isidro Labrador
tuwing buwan ng Mayo. Pinaniniwalaang taglay ng sayaw ang disiplina ng
katutubong paraan ng pagtatanggol sa sarili kung kaya’t karaniwang ituring ito bilang
halimbawa ng sayaw na pandigma o martial dance.
(https://pilipinas.bid/2019/10/maglalatik.html).

Pandanggo sa Ilaw
Ang Pandanggo sa Ilaw
(Dance with Light) ay isang
kultural na sayaw ng Pilipinas na
naging popular sa mga rural na
lugar sa bansa. Ang sayaw na ito
ay nagsimula sa sayaw na
Fandango, katutubong sayaw ng
3

(Pilipinas Retrostalgia, 2019) NegOr_Q4_MAPEH5_Module4a_v2


mga Espanyol na dumating sa Pilipinas sa panahon ng mga Kastila. Ang sayaw na
ito ay naging sikat sa mga illustrados noon at sa kalaunan ay naging tanyag na rin
sa lokal na komunidad. Sa unang bahagi ng ika-18 siglo, ang anumang mga sayaw
na itinuturing na masigla at buhay na buhay ay tinatawag na Pandanggo.
Ang Pandanggo sa Ilaw ay sinasabing nag-simula sa Mindoro, ang ikapitong
pinakamalaking isla sa Pilipinas. Ang sayaw ng mga ilaw ay nahahalintulad sa mga
alitaptap (firefly) sa dapit-hapon at sa gabi. Ang Pandanggo Sa Ilaw ay siyang
pinaka- mahirap sa lahat ng pandanggos. Ito ay makulay at hindi pangkaraniwan
dahil ang babaeng mananayaw ay may tatlong lampara o “tinghoy” (oil lamp) – isa
sa ulo at dalawa sa likod ng bawat kamay. Ang partikular na pandanggong ito ay
nangangailangan ng kasanayan sa pagbabalanse ng tatlong tinghoy. Ito ay
nailalarawan sa pamamagitan ng masisiglang mga hakbang at palakpakan. Ang
mananayaw ng pandanggo ay tinatawag na “pandanggera”.
(https://remit2homeblog.wordpress.com/2013/11/28/pandango-sa-ilaw-dance-with-light/)

Singkil
Ang Singkíl ay isang sikat
na sayaw ng mga taga-Maranao na
ginaganap sa panahon ng
pagdiriwang at iba pang mga
kasiyahan at kapistahan. Babaeng
mananayaw ang sentro ng sayaw
na ito at sinasabing ito ay isang
maharlikang sayaw ng mga Muslim
https://muslimdances.wordpress.com/2016/09/14/first- o ng mga dugong bughaw. Sa saliw
blog-post/
at tunog na dulot ng kawayan, ang
babaeng mananayaw ay nakabihis sa eleganteng Muslim na kasuotan at mahusay
na humahakbang at hindi naiipit ang mga paa sa bawat galaw ng kawayan, listo sa
bawat kilos at sayaw na nagsisimula sa mabagal na tempo hanggang pabilis ng
pabilis ang indak habang may hawak na panyo o pamaypay at umiindak sa saliw ng
kulintang at agung na siyang mga pangunahing instrumentong ginagamit sa musika
ng singkil.
Ayon sa alamat na isinulat noong ika-14 na siglo, ang sayaw na ito ay
nagsasaad ng kwento tungkol kay Prinsesa Gandingan na habang siya ay nasa
gitna ng isang gubat, nagkaroon ng lindol na sanhi ng mga diwata ng gubat. Ang
mga kawayan na ginagamit sa sayaw ay kumakatawan sa mga puno na
bumabagsak sa lupa na dulot ng paglindol. Ang matapat na alipin ng Prinsesa ay
nakasunod at nakapayong sa kanya habang pilit nyang tinatahak ang landas sa
gubat. Sa bandang huli, ang prinsesa ay nailigtas ng isang prinsipe. Hanggang
ngayon, ang mga prinsesa ng Sulu ay kinakailangang matutuhan ang mahirap at
marangal na Sayaw sa Singkil.
(https://remit2homeblog.wordpress.com/2013/10/27/cultural-dance-singkil-sayaw-sa-singkil/)

NegOr_Q4_MAPEH5_Module4a_v2
Pagyamanin
Panuto: Punan ang patlang ng tamang salita o parirala upang mabuo ang diwa ng
pahayag. Hanapin ang mga sagot sa loob ng kahon. Isulat ito sa iyong

Pandanggo sa Ilaw Prinsesa Gandingan agrikultura


Maglalatik na masigla at buhay na buhay

kuwaderno.

1. Ang sayaw na Singkil ay nagsasaad ng kuwento tungkol sa _______.


2. Ang sayaw na ______ ay makulay at hindi pangkaraniwan dahil ang babaeng
mananayaw ay may tatlong lampara o “tinghoy”.
3. Ang sayaw na Maglalatik ay naglalarawan ng labanan ng mga _____________.
4. Ang Tinikling ay inuugnay sa pagdiriwang na may kinalaman sa _______.
5. Sa unang bahagi ng ika-18 siglo, ang anumang mga sayaw ay tinuturing na
_____.

Isaisip
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno.
1. Ano-ano ang apat na katutubong sayaw na ating natalakay?
2. Bakit kailangan nating tangkilikin ang ating sariling sayaw?
3. Kailangan ba nating sumunod sa tamang patuntunan ng sayaw? Bakit?
4. Paano ninyo mamahalin at pangangalagaan ang ating mga katutubong sayaw?

Isagawa
Panuto: Kumpletuhin ang graphic organizer. Punan ng tamang salita ang hinihingi
sa bawat bilang ayon sa nakatala. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Katutubong Sayaw Pinagmulan

1. Tinikling 2.

Tinikling, 2015,
http://msrempelmusic.blogspot.com/p/tinikling.html

NegOr_Q4_MAPEH5_Module4a_v2
3. 4.

(Paradero, Justine, “The History of Dancing


in the Philippines”)

5. 6.

(Paradero, Justine, “The History of Dancing


in the Philippines”)

7. 8.

(Paradero, Justine, “The History of Dancing


in the Philippines”)

Tayahin
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang at piliin ang titik ng
tamang sagot. Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ito ay isang makulay na sayaw na ang mga mananayaw ay gumagamit ng tatlong


“tinghoy”
A. Pandanggo sa Ilaw C. Singkil
B. Maglalatik D. Tinikling
2. Ang sayaw na Singkil ay may saliw at tunog na dulot ng kawayan at ang babaeng
mananayaw ay nakabihis sa eleganteng ________.
A. Camisa de Chino C. Muslim na kasuotan
B. Baro’t saya D. Patadyong
3. Ang sayaw na tinikling ay nagmula sa lalawigan ng mga ___________.
A. Bohol at Leyte C. Leyte at Samar
B. Leyte at Visayas D. Samar at Surigao
6

NegOr_Q4_MAPEH5_Module4a_v2
4. Ang Pandanggo sa Ilaw ay sinasabing nagsimula sa ________, ang ikapitong
pinakamalaking isla sa Pilipinas.
A. Marinduque B. Masbate C. Mindanao D. Mindoro
5. Ang Maglalatik ay karaniwang sinasayaw sa pista ni ________ tuwing buwan ng
Mayo.
A. San Isidro Labrador B. San Miguel Arkanghel
C. San Nicolas de Tolentino D. San Vicente Ferrer

B. Panuto: Ayusin ang jumbled na mga letra upang mabuo ang mga salitang tungkol
sa mga katutubong sayaw. Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno.
1. EPSNOYAL – Ang sayaw na ito ay nagsimula sa sayaw na Fandango.
2. KWAYAAN – Ginagamit sa sayaw na Tinikling
3. MIGAAALITK – Sinasayaw sa pista ni San Isidro Labrador
4. TLINIKG – Hango ang pangalan ng sayaw na Tinikling
5. ANGUG – Pangunahing instrumentong ginagamit sa musika ng singkil

Karagdagang Gawain
Punan ang patlang upang mabuo ang diwa ng pahayag. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

Natutuhan ko na _________________________________________.
Napagtanto ko na ________________________________________.
Gagamitin ______________________________________________.

NegOr_Q4_MAPEH5_Module4a_v2
Susi sa Pagwawasto
Karagdagang Gawain (Ang mga sagot ay maaaring magkaiba.)

5. AGUNG 5. A
4. TIKLING 4. D
3. MAGLALATIK 3 .B
2. KAWAYAN 2. C
B. 1. ESPANYOL A. 1. A
Tayahin

8. Mindoro 4. Laguna
7. Pandanggo sa Ilaw 3. Maglalatik
6. Maranao 2. Leyte
5. Singkil 1. Tinikling
Isagawa

Isaisip (Ang mga sagot ay maaaring magkaiba.)

3. Moro at Espanyol
5. na masigla at buhay na buhay 2. Pandanggo sa Ilaw
4. agrikultura 1. Prinsesa Gandingan
Pagyamanin

5. 4. 3. 2. 1.

Tuklasin

Balikan (Ang mga sagot ay maaaring magkaiba.)


10. H 5. H
9. T 4. T
8. T 3. H
7. T 2. H
6. T 1. T
Subukin

Sanggunian
Gatchalian, Helen G., Ramos, Gezyl G., Yap, C. Johannsen. Masigla at Malusog na
Katawan at Isipan. 5. Quezon City, Philippines: Vibal Group, Inc., 2016
“Tinikling”, https://jaynardsite.wordpress.com/2016/09/06/first-blog-post/ retrieved
January 12, 2022
Bigwas, “Maglalatik”, October 21, 2019, https://pilipinas.bid/2019/10/maglalatik.html,
retrieved January 12, 2022
“Pandanggo sa Ilaw (Dance with Light)”, November 28, 2013,
https://remit2homeblog.wordpress.com/2013/11/28/pandango-sa-ilaw-dance-
with-light/, retrieved January 12, 2022.

NegOr_Q4_MAPEH5_Module4a_v2
“Cultural Dance Singkil”, October 27, 2013,
https://remit2homeblog.wordpress.com/2013/10/27/cultural-dance-singkil-
sayaw-sa-singkil/, retrieved January 12, 2022

Mga Larawan:
Tinikling, 2015, http://msrempelmusic.blogspot.com/p/tinikling.html, retrieved January
12, 2022.
Lee, George F., “Philippine Fun, July 12, 2004,
http://archives.starbulletin.com/2004/07/12/news/weekend.html, retrieved
January 12, 2022.
Pilipinas Retrostalgia, “Pandanggo sa Ilaw”, October 1, 2019,
https://m.facebook.com/PilipinasRetrostalgia/photos/a.1734547476793142/23
95211884060028/?type=3&source=54, retrieved January 12, 2022.
“Muslim Dances”, September 14, 2016,
https://muslimdances.wordpress.com/2016/09/14/first-blog-post/, retrieved
January 12, 2022.
Paradero, Justine, “The History of Dancing in the Philippines”,
https://www.sutori.com/en/story/the-history-of-dancing-in-philippines--
Hsx9wiCeRSbeZCZ7xpwcuaWP, retrieved January 12, 2022.

NegOr_Q4_MAPEH5_Module4a_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like